You are on page 1of 10

Boots S.A.

Pastor
Isang araw, isang
uwak ang nakaramdam
ng pagkauhaw habang
palipad-lipad siya sa
gubat.
Agad siyang
naghanap ng lugar kung
saan siya makakakuha ng
tubig na maiinom.
Napadako ang uwak sa hardin ng
isang palasyo na malapit sa
gubat. Sa ibabaw ng isang
marmol na mesa ay may
nakapatong na tapayang yari sa
bubog.
Dumapo ang uwak sa
mesa at natuwa siya
nang makita niyang
may tubig sa tapayan.
Ngunit hindi maabut-
abot ng uwak ang
tubig sa ilalim ng
tapayan.
Masyado kasing
mababaw ang tubig.
Isa pa, masikip ang
bunganga ng tapayan
para maipasok niya
ang kanyang ulo sa
loob.
Noon niya nakita ang mga
maliliit na bato sa lupa.
Isang magandang
ideya ang pumasok sa
kanyang isip ,“ Aha! Alam ko
na!” sambit niya.
Isa-isang pinulot ng uwak ang mga
bato at inihulog sa loob ng
tapayan. Habang dumarami ang
mga bato sa tapayan ay unti-unti
namang tumaas ang tubig.
Nang halos mangalahati
na ang tapayan sa dami
ng mga batong inihulog
ng uwak ay umabot na sa
bunganga ng tapayan ang
laman nitong tubig.
Sa wakas ay
nakainom din ang uwak.
Kaya naman, masayang lumipad ang
uwak pagkatapos matighaw ang
kanyang pagkauhaw.

You might also like