You are on page 1of 9

PADRE JOSE BURGOS

Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong


gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking
katalinuhan. Nagtapos siya ng Bachiller en Artes sa Colegio de
San Juan de Letran. Naging pari noong 11 Pebrero 1885 at
itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at
nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya
(1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at
"Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law"
(1871).

Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na


pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang
karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang
namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni
Padre Burgos kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto
Zamora.
Sa paglilitis ng Pagaaklas sa Cavite noong 20 Enero 1872, isa
sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat
ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga
tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay
inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa
paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay
nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov.
Rafael Izquierdo sa Madrid at ang testimonya ay nagpatunay ng
kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang
pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.

Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na


pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-
kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. Noong 17 Pebrero
1872, sila ay ginarote sa Fort Santiago sa gitna ng Bagumbayan na
ngayon ay Luneta.

MACARIO SAKAY

Si Macario Sakay y de León (1870 – Setyembre 13,


1907) ay isang Pilipinong heneral na nakibahagi sa
Himagsikang Pilipino noong 1896 laban sa Espanya at sa
Digmaang Pilipino-Amerikano. Pagkatapos ihayag ang
digmaan laban sa Estados Unidos noong 1902,
ipinagpatuloy ni Sakay ang paglaban at ang sumunod na
taon ay naging Pangulo ng Republikang Tagalog.
Macario Sakay (ikatlong nakaupo mula sa kaliwa)
kasama ang kanyang mga gabinete with his Cabinet: (mga
nakaupo mula kaliwa pakanan) Julián Montalan, Francisco
Carreon, Sakay, Lucio de Vega (nakatayo mula kaliwa
pakanan) León Villafuerte, Benito Natividad.
Tinatayang ipinanganak si Sakay sa pagitan ng 1870 sa
Daang Tabora, Tondo. Nang nagtrabaho si Sakay bilang
baguhay sa pagawaan ng kalesa. Isa rin siyang mananahi at
aktor, at lumalabas sa ilang mga teatro kabilang ang
Principe Baldovino, Doce Pares de Francia, at Amante de
la Corona.
Orihinal siyang kasapi ng kilusang Katipunan, na
nilahukan niya noong 1894, nakipaglaban siya kasama sina
Andrés Bonifacio laban sa mga Kastila sa kabuuan ng
Himagsikang Pilipino. Noong 1899, ipinagpatuloy niya ang
pagsagupa para sa kalayaan ng Pilipinas laban sa Estados
Unidos. Noong unang bahagi ng Digmaang Pilipino-
Amerikano, nakulong siya dahil sa sedisyon o pagsusulsol
laban sa pamahalaan, at kinalaunan ay pinalaya bilang
bahagi ng amnestiya.

MIGUEL MALVAR

Si Miguel Malvar y Carpio (Setyembre 27, 1865 -


Oktubre 13, 1911) ay isang Pilipinong heneral na
naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa
kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang
hukbong katihan ng Pilipinas noong huling bahagi ng
sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga
Amerikano noong 1901. Ayon sa ilang mga mananalaysay,
maaari siyang itala bilang isa mga pangulo ng Pilipinas
subalit kasalukuyang hindi kinikilala ng pamahalaan ng
Pilipinas
Ipinanganak si Malvar noong Setyembre 27, 1865, sa
San Miguel, isang baryo sa Santo Tomas, Batangas, nina
Máximo Malvar (higit na kilala bilang Kapitan Imoy) at
Tiburcia Carpio (higit na kilala bilang Capitana Tibo).
Hindi lamang tanyag ang mag-anak na Malvar sa kanilang
bayan dahil sa kanilang yaman subalit pati sa kanilang
pagkamapagkaloob at kasipagan.
Unang nag-aral si Malvar sa paaralang bayan ng Santo
Tomas. Kinalaunan, pumasok siya sa isang pribadong
paaralan na pinatatakbo ni Pari Valerio Malabanan sa
Tanauan, Batangas, isang tanyag na institusyon pang-
edukasyon sa Batangas noong mga panahong iyon, at kung
saan naging kamag-aral niya ang kapwa rebolusyonaryo na
si Apolinario Mabini. Lumaon lumipat siya sa isa pang
paaralan sa Bauan, Batangas, at pagkatapos noon ay
napagpasiyahan niya na huwag nang ipagpatuloy ang pag-
aaral sa kolehiyo sa Maynila, na pinili na lamang na
maging isang magsasaka.

JUAN LUNA

Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong


larawan na “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo
sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa
kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at
espada.
Siya ay ipinanganak noong 23 Oktubre 1857 sa Badoc,
Ilocos Norte kina Joaquin Luna at Laureena Novicio sa
Badoc, Ilocos Norte.

Nag-aral siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila


noong 1876 sa kursong Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya
ang kursong ito sa Madrid, Espanya. Personal din siyang
nagpaturo ng pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa
kanya sa bansang Rome, Italy. Pumunta siya sa Barcelona,
Espanya noong 1877 at doon siya naging propesyonal na
pintor noong 1880. Nang nagwagi siya ng pangalawang
karangalan sa Eksposisyon sa Madrid dahil sa ginuhit
niyang The Death of Cleopatra. Ito ay binili ng
Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa
Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas.
Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng
gintong medalya ang kanyang Spolarium sa Exposición
Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Ito binili
rin ng Diputación Provincial de Barcelona sa halagang
20,000 pesetas noong 1886.
Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral
Aguinaldo na isang sugo sa Europa para ipresenta ang
panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay
inatake sa puso at namatay noong 7 Disyembre 1899 sa
Hong Kong.
DIEGO SILANG

Si Diego Silang gyuuuuuy Andaya (Disyembre 16, 1730


– Mayo 28, 1763) ay isang Pilipinong rebulosyunaryong
pinuno na nakippagsabuwatan sa mga puwersang Britanyo
upang patalsikin ang pamamahalang Kastila sa hilagaing
Pilipinas. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at
kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.
Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang
katulong ni ---, kura paroko ng Vigan. Duon siya naging
mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni
Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga
sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng
bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang
bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin
ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng
mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging
bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na
pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.

Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na


tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang
ikasal.
Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at
disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong
panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman
at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga
ito.

Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay.


Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang
Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si
Gabriela ang laban.
APOLINARIO MABINI
Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi
pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa
Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial
scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa
Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang
kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya
ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888
hanggang 1894.
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga
Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-
reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng
matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko
habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10
Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa
mga repormista.
Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong
19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at
matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898,
si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini
ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni
Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang
rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa
kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga
Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa
mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang
Programa Constitucional de la

Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na


39 dahil sa kolera.

EMILIO JACINTO

Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang


mga magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa
Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at
lumaon at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang
mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina
Manuel Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya
nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio
Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag na
Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping
pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay
nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni
Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng
mga akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng
Katipunan. Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng
Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa
pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian"
sa Katipunan.

Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng


Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa
pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian"
sa Katipunan.

Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril


1899 sa Magdalena, Laguna.
Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 — 16
Abril 1899), ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala
bilang Utak ng Katipunan.

LAPU-LAPU

Si Lapu-Lapu ay itinuturing na isa sa pinakadakilang


pigura ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas. Si Lapu-
Lapu (1491-1542) ay kilala rin sa pangalan na Kolipulako.
Ang bayani ng Mactan at manlulupig ni Magellan, ay
inilarawan bilang strikto, matalino, at hindi nagpapatinag.
Siya ay tuluy-tuloy na nakipagdigma laban sa
makapangyarihang pinuno ng Cebu, na noon ay mas higit
na malaking kaharian kaysa sa kanyang maliit na isla ng
Maktan.

Ayon sa kasaysayan, ang Isla ng Maktan bagaman


maliit ay isang maunlad na komunidad nang ang dakilang
si Magellan ay dumating sa Cebu. Bilang isang matapang
na manlalayag at sundalo ng Espanya, sinunog ni Magellan
ang isang nayon nang malaman na ang ilang mga
naninirahan sa maliliit na isla ng Cebu ay tumangging
kilalanin ang Hari ng Espanya. Si Lapu-Lapu ay isa sa mga
katutubong lider na tumangging kilalanin ang
kapangyarihan ng Espanya sa mga isla.
Nang maglakbay si Magellan papunta sa isang pinuno ng
isla dala ang tatlong barkong puno ng mga Kastila at
dalawampung barko ng mga Cebuano, sinalubong sila ni
Lapu-Lapu at ng kanyang mga tauhan na armado ng mga
katutubong elemento ng pakikipaglaban gaya ng kahoy na
kalasag, mga pana at mga sibat.

Ang mga mananakop na mga Espanyol at ang mga


Cebuanong kasama nila ay napabalik sa kanilang mga
bangka, subalit ang kanilang pinuno na si Magellan ay
nakatagpo ng kamatayan sa kamay ni Lapu-Lapu.

You might also like