You are on page 1of 1

Martinez, Kobe Ranier T.

2015101011
ECE-1/A2

Bilang mag-aaral, paano mo pinauunlad o pinagyayaman ang wikang Filipino?

Bilang isang Pilipinong mag-aaral, pinauunlad at pinagyayaman ko ang wikang Filipino


sa pamamagitan ng paggamit nito araw-araw. Kung ito ay ginagamit araw-araw,
marami tayong natututunan na nagagamit natin sa araw-araw. Kapag kailangang
magsalita tulad ng pakikipag-usap sa mga kamag-anak, kaibigan at iba pa, ang wikang
Filipino ang aking ginagamit. Hindi ako tutulad sa ibang tao na mas tinatangkilik ang
ibang wika dahil mababa ang tingin nila sa wikang Filipino. Sa tingin nila ay
nakapagpapataas ito ng kanilang antas sa buhay, pero ang totoo ay bumababa ito dahil
tinalikuran nila ang napakayamang kultura ng Pilipinas. Hindi rin ako tutulad sa mga
tumatangkilik sa mga bagong salitang balbal ngayon. Alam ko na ang mga iyon ay
pangkatuwaan lamang at pwede ring sabihin na nagpapakita ito ng paglaki at pagusad
ng ating wika, pero bilang isang Pilipinong mag-aaral, mas mabuting hindi na ito gamitin
at magpatuloy na lamang sa paglinang ng wikang Filipino.

Sabi nga ni Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy
ng malansang isda." Sino ba tayong mga Pilipino upang hindi mahalin ang ating sariling
wika? Ang isang huwarang Pilipino ay ginagamit at minamahal ang sariling wika nang
hindi nahihiya at nakataas ang noo.

You might also like