You are on page 1of 6

USING THE IDEA INSTRUCTIONAL PROCESS PIVOT 4A LESSON EXEMPLARS

A. Online Distance Learning Modality

LESSON School LONGOS ES Grade Level Grade 5


EXEMPL Teacher Felecitas S. Oliquino Learning Area EPP – ICT
AR Teaching Date and Time Quarter First Quarter

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng
produkto at serbisyo.
2. Masabi ang kahalagahan ng pabibigay ng isang de-
kalidad na produkto o serbisyo.
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay…

naipapamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging


matagumpay na “entrepreneur “
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay…

mapahusay ang isang produkto upang maging iba sa iba.


C. Pinakamahalagang Kasanayan sa 1. Naipaliliwanag ang kahulugan at pagkakaiba
Pagkatuto (MELC) (Kung mayroon, isulat ang ng produkto at serbisyo
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan (Kung mayroon,
isulat ang pagpapaganang kasanayan.)
N/A

E. Enrichment Competencies
(If available, write the attached enrichment N/A
competencies)
II. NILALAMAN Kahulugan at Pagkakaiba ng Produkto at
Serbisyo
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC EPP, PIVOT BOW R4QUBE CG EPP5IE0a-2

Edukasyon Pangtahanan at Pangkabuhayan


Pahina 3 – 7
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-
aaral Pahina 6-9

c. Mga Pahina sa Teksbuk Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran


Pahina 6
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
N/A
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at LRMDS DepEd Portal, Youtube at domesticurbanite.com and
Pakikipagpalihan Canva.com

IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Ipaalala ng guro sa mga bata ng mga panuntunan sa
online learning gaya ng pag-iwas sa pagbubukas ng
mikropono kung hindi kailangang magsalita at iba pa.
Pagganyak:
Naghahanap ng mahusay na manggagawa ng kalamay ang isang
malaking karinderya sa Kalayaan. Dalawang aplikante ang
nagprisinta, sina Violeta at Tess.
Sino kaya sa kanila ang matatangap? Upang malamn ang
kanilang kakayahan, sinubukan silang pagawain ng kalamay.
Magsi-share ng screen ang guro upang makita ang mga larawan
gamit ang online platform. Pagmasdan itong mabuti. Piliin kung
sino sa kanila ang karapatdapat na matanggap:

Hmm. . . puwede na ito. Kailangan malinis at tama sa


Kailangan maunahan ko sa timpla upang magustuhan ng
paggawa iyung isang mga mamimili
aplikante
Itanong sa mga bata:
Ano ang ipinagawa sa mga aplikante?
Sino sa palagay ninyo ang natanggap sa trabaho? Bakit?

Paunang Pagtataya

Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform at


ipakikita at ipababasa sa mga bata ang isang maikling talata.

Si Alexa Rima ay isang nars sa isang malaking


ospital, dahil sa sobrang dami ng mga pasyente
dito, wala na siyang oras upang magpahinga. Ito
ang naging sanhi upang siya ay magkasakit kaya
minabuti niyang magpaalam muna na hindi
papasok ng ilang araw.

Umaga kinabukasan, ay kumunsulta sya sa isang


doktor upang masuri ang kanyang kalusugan. Niresetahan sya
nito ng mga bitamina tulad ng Fern C at Vit. B Complex at
pinayuhang magpahinga ng ilang araw.

Sa kanyang pag-uwi galling sa klinika, minabuti


niyang dumaan sa isang supermarket upang mamili ng mga
gamit at pagkain sa bahay. Kumuha siya ng gatas, sardinas,
pasta, sariwang isda, karne, gulay at tinapay na tulad ng
Gardenia.

Pagkatapos niyang mamili, siya ay sumadya sa isang


Beauty Parlor upang magpalinis ng kuko at magpagupit ng
buhok. Matapos noon, sya ay kumain ng Chicken Joy sa
Jolibee at magiliw naman siyang inasikaso ng mga crew dito.
Nang matapos siyabf kumain naisip niyang pumunta sa
“Massage Parlor” upang makapagmapamasahe. Dito, hinilot
sya ng isang masahista sa loob ng isang oras na nagbigay ng
lubos na kaginhawaan sa kanyang katawan.
Itanong ang mga sumusunod sa mga bata:
 Ano ang naging problema ni Alexa Rima?
 Ano ang kanyang trabaho?
 Ano ang ginagawa nya sa kanyang trabaho?
 Ano- anong mga paninda ang kanyang
binili sa supermarket? Ito ba ay
maituturing na produkto?
 Saang lugar siya nagpunta maliban sa
supermarket?
 Ano ang ginawa kay Alexa Rima
ng siya ay nagpunta sa Beuty
Parlor? Massage Parlor? Ito ba ay
maituturing na serbisyo?
 Matapos siyang masahihin ano
ang naramdaman niya sa kanyang
katawan?

Paghahabi sa mga Layunin

Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang kahulugan at


kaibahan ng produkto at serbisyo. Ipaunawa rin sa kanila ang
kahalagahan ng pabibigay ng isang de-kalidad na produkto o
serbisyo.

Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform at


ipakikita ang mga sumusunod.

 Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa


merkado na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing
pangangailangan o kagustuhan ng isang mamimili. Ito ay
karaniwang gawa o likha ng mga kamay o makina.
Mayroon din naming likha ng isipan.
Mga Produktong Likha ng:
Kamay Makina Isipan
Hinabi na bag, Bolpen Pagsusulat ng libro
banig at basket Sardinas o nobela
computer
Paggawa ng
computer program

 Serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod,


pagtatrabaho, o pag-aalay ng mga gawain na may
kabayaran ayon sa iba’t ibang kasanayan at
pangangailangan sa pamayanan.
 Ang sari-saring serbisyo ay nahahati sa iba’t ibang sector
ayon sa uri ng kaalaman at kasanayang ipinamamahagi sa
iba. Ilan sa mga sector na ito ay ang propesyonal,
teknikal, at may kasanayan.
Halimbawa:

Propesyonal Teknikal May Kasanayan


(Professional) (Technical) (Skilled)
Guro Electrician Mananahi
Doctor Computer Sasatre
Nars Programmer Manikurista
Abogado Aircraft Mechanic Karpintero
Computer Technician

 Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng may kalidad na


produkto at serbisyo.
 Matibay
 Kapaki-pakinabang
 Matatag
 Kaaya-aya sa paningin
 Nakapagbibigay saya
 Epektibo
 Mapagkakatiwalaan
 Ligtas
 Malinis

C. Development Gawain 1

Magsi-share ng screen ang guro gamit ang online platform at


ipakikita sa mag – aaral ang ilang mga larawan na kanilang
tutukuyin kung produkto o serbisyo.

Tukuyin ang mga larawan kung ito ay produkto o serbisyo. Ilagay


ito sa tamang hanay.
Gawain 2

Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod:

_____1. Sinisimangutan ang kumakain sa iyong karinderya.


_____2. Nagbebenta ng mga expired o paso na mga delatang
pagkain.
_____3. Nagbibigay ng mali o eksaheradong impormasyon
tungkol sa iyong produkto para lang maka benta.
_____4. Hinahaluan ng tubig ang mantika habang inirerepack ito
bago ipagbili.
_____5. Tabi-tabingi ang gupit sa buhok ng customer na
nagpapagupit sa parlor.

D. Engagement (Pagpapatan) Pagtataya

E. Assimilation (Paglalapat) Paglalahat:

Tanongin ang mga mag – aaral kung anong mga hakbang sa


pagbebenta ang dapat sundin?
Dapat bang ipatupad ang mga umiiral na batas sa pagbebenta?
Bakit?
Paglalapat sa pang araw-araw na buhay
Suriin ang presyo o halaga ng datos na nakatala sa survey sa ng
mga paninda at mga produkto sa Commonwealth Market. Ganito
din ba ang presyo sa inyong lugar?

V. PAGNINILAY Type of Formative


Assessment Used for This Particular Lesson) Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o
portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit ang mga
sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na __________________.
Nabatid ko na ____________________

You might also like