You are on page 1of 6

FILIPINO 9 Lesson Exemplar in _________________ Using the IDEA Instructional Process

LESSON SDO RIZAL Baitang 9


EXEMPL Superbisor DALISAY TORRES Asignatura FILIPINO
AR Petsa AUGUST 25, 2020 Markahan Unang Markahan

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


napagsusunud – sunod ang mga pangyayari gamit ang mga
pang -ugnay o transitional devices

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang


komunikatibo,mapanuring pag-iisip,at pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at
iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang
mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayan sa Pagganap Pamantayan sa Pagganap: Naisasalaysay nang masining ng
magaaral ang banghay ng maikling kuwento gamit graphic
organizer
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC) Napagsusunod – sunod ang mga pangyayari (
(Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o MELC
F9PU-Iab-41)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Ang Ama


Maikling Kuwento – Singapore
Isinalin sa Filipino ni M. R. Avena
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Filipino G9 Q1, PIVOT BOW R4QUBE,
Curriculum Guide: (p. 235)
file:///C:/Users/user/Downloads/RM-No.-296-s.2020.pdf
14-16
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral 17-22
c. Mga Pahina sa Teksbuk 17-22
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga
Powerpoint, audio, pictures, cut-outs, at google meet access.
Gawain sa Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) 1.Pagpapasalaysay sa isa o dalawang mag-aaral hinggil sa
ginawa nilang paghahanda bago pumasok sa paaralan sa
araw na ito.
2. Ipaulit sa isang mag-aaral ang inilahad ng kapwa mag-
aaral
Gabay na tanong:
1. Paano isinalaysay ng mga mag -aaral ang kanilang
ginawang paghahanda bago pumasok sa paaralan?
2. Paano nakatulong ang mga pang -ugnay sa
pagsasalaysay ng mga pnagyayari?

B. Development (Pagpapaunlad) Pagganyak


1. Pagpapakita ng guro ng isang larawan.

2, Batay sa larawang inyong Nakita, maaari ba kayong magbigay ng


mga salita / pariralang may kaugnayan ditto.

C. Engagement (Pagpapalihan) Pagpaparinig sa akdang “Anim na Sabado ng Beyblade” sa


pamamagitan ng isang dulang panradyo (Bahagi lamang) ni
Ferdinand Pisigan Jarin
https://www.youtube.com/watch?v=jzHBDjyVR1M

Gawain 1. Storyboard
Papipiliin ng kulay ang mga mag-aaral at papangkatin ang
klase ayon sa napili nilang kulay.
Pupunan ang storeyboard ayon sa pagkakasunud -sunod ng
mga pangyayari batay sa napakinggang kwento.

Sabado 1 sabado 2 sabado 3

sabado 4 Sabado 5 sabado 6


Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1

Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade
ang bahagi ng kwentong inyong binasa?
2. Paano nagwakas ang kwento?
3. Kung ikaw ang may -akda, ganito rin ba ang iyong gagawing wakas?
bakit?

Pagsasanib ng wika at gramatika


Batay sa napakinggang kwento, bumuo ng pangungusap
ayon sa pagkakasunud – sunod ng mga pangyayari.
Gamitin ang sumusunod na salita upang malaman kung
makatutulong ang paggamit ng transitional devices sa
pagsasalaysay.

Subalit kaya datapwat ngunit samanatala


Dahil sa sa wakas sa lahat ng ito kung gayon

Pagtalakay sa mga salitang pang -ugnay / transitional


devices

Pagsasanay 1.
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong na pangatnig o
transitional device upang mabuo ang pahayag.
1. lubusan niyang ikinalungkot ang tahedyang naganap sa
Bohol at Cebu (kaya, sa lahat ng ito) hindi niya maisip
kung paano ito haharapin.
2. (Datapwat, Subalit) nasabi niyang siyaý nakaraos sa
buhay, hindi pa rin maipagkakailaang lungkot na kanyang
nararamdaman.
3. Siyaý nahimasmasan (sa wakas, saka)naisip niyang
dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema
(kaya, sa lahat ng ito), hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang pagpunta sa ibang bansa,
(kung gayon, dahil) mapipilitan siyang maghanap na
lamang ng trabaho malapit sa kanyang pamilya.

Pagsasanay 2
Panuto: Punan ng angkop na pangatnig o transitional
device ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng
kwento. Piliin ang sagot sa ibaba.

Krus

isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni


Brinth na mag-ensayo ng diving para sa isang tryout
bilang paghahanda sa SEA Games._____nga mayaman,
sunod ang kanyang layaw sa anumang gustuhin
ay ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na
sinag ng buwan.
_____, habang siyaý nakatayo sa spring board ng pool na
may taas na tatlumpung talampakan, dahan -dahan niyang
itinaas ang kaniyang dalawang kamay, _____ umaayos
nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon nang
Biglang nag- brownout. Ang sinang na lamang ng buwan
na nasa kaniyang likuran ang ang tanging tumatanglaw sa
kaniya. _____ na lamang ang kanyang pagkabigla nang
makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siyaý
lumuhod sa kinatatayuang spring board ay umusal

“Panginoon, kung itoý isang pahiwatig na akoý dapat


magbago sa aking kapalaluan, patawarin niyo po ako. Taos
-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan at
nagsusumamo na patawarin N’yo po ako.”

Patuloy na humagulgo si Brinth at di namalayang


bumalik ang kuryente. Siya pa rin ay nakaluhod at
nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.

Nang kanyang imulat ang mga mata, doon lamang


niya Nakita na wala pa lang tubig ang pool kung saan siya
dapat tumalon kanina bago namatay ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong,
“Salamat po, Panginoon.”

Pangkatang Gawain
Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto kaugnay sa
pagsasagawa ng pangkatan sa ibaba.
Aytem Puntos
Malinaw na mensahe ukol sa paksa 3
Malinis at maayos na pagkakagawa. 3
Orihinalidad ng pagkakagawa. 6
Kooperasyon, pagtutulungan at pagkakaisa ng 8 Ipaliwanag din ang pamantayan sa pagmamarka sa
pangkat. pangkatang gawain. Bibigyan sila ng limang minuto
KABUUAN 20 gamit upang isakatuparan ang kanilang gawain.

Pangkat I - Recipe sa pagluluto


Pangkat II - Masining na pagkukukwento
Pangkat III – Online Selling (hakbang)
Pangkat IV – Pagsulat ng di malilimutang karanasan
Pangkat V – Rated K (ala Korina Sanchez)

D. Assimilation (Paglalapat) Paglalapat sa pang araw-araw na buhay.


Paano naiiba ang kwentong makabanghay sa iba pang uri
ng maikling kwento?
Paano nakatutulong ang transitional devices sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan?
Pagtataya:
Panuto: Punan ng angkop na salitang ginagamit sa
pagsusunud – sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang
diwa ng pagsasalaysay sa ibaba.

Samantala maya-maya

hindi nagtagal sa wakas

isang araw
__________, isang pangkat ng mga taong nakaputi ang
dumating sa tambakan. Dala ang isang straightjacket o
isang kasuotang may mahabang manggas, hinanap si
Pinkaw. __________, ang lahat ng kapitbahay ay
nagsilabas upang Makita ang susunod na mangyayari.
__________ paý naririnig na ang sigaw ng tumututol na si
Pinkaw habang sinusuotan siya ng straightjacket.
__________ ay umalingawngaw ang tunog ng papalayong
ambulansiya. __________, may nagmalasakit din upang
mapagamot si Pinkaw.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o


portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon gamit
ang sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na ____________________________
Nabatid ko na ________________________________

Inihanda ni:

MADELYN D. BALBALOSA

You might also like