You are on page 1of 1

HOLIDAY PAY on May 1, 2020

Upang makatanggap ng holiday pay para May 1 holiday, ang empleyado po kinakailangang
pumasok or on paid leave noong April 30, 2020 para makatanggap ng May 1 holiday pay.
Ang basehan po nito ay Labor Advisory 15(hanapin sa mga dating posts).
KAHIT NA PO ENTITLED KAYO sa May 1, 2020 Holiday pay, maaari pong ipagpaliban ng employer
ang pagbayad sa inyo ng holiday pays HABANG hindi pa po nababawasan ang ating kasalukuyang
sakuna (covid19 pandemic) or hanggat hindi pa normal ang operation ng negosyo o trabaho.
Ang basehan po nito ay Labor Advisory 15(hanapin sa mga dating posts).
Sa madaling sabi, hindi po entitled ang empleyado sa April and May holiday pays kung
COMPLETELY nagsara ang negosyo o trabaho sa panahon ng ECQ.
Kung under skeleton force naman pero operational ang negosyo o trabaho, dapat hindi sya
pumasok during ECQ para maging entitled sa April 2020 holiday pay PERO hindi entitled sa May 1
holiday pay kasi nga kailangan present noong April 30, 2020 para entitled dito.
Kung kasama sya sa skeleton force at regular pa ring pumapasok kahit ECQ, kailangan nyang
present sya or on paid leave noong April 8, 2020 and April 30, 2020 para entitled sya sa lahat ng
holidays noong April and May 2020.

You might also like