Professional Documents
Culture Documents
Narrator: “Great Achievement is usually born of great sacrifice, and is never a result of selfishness”
Ang hangad nating maibigay ang lahat para sa ating pamilya, ay kadalasang may kaakibat na sakripisyo, even
if it means sacrificing your time for your family.
Narrator: Ngayong araw, tunghayan po natin ang kwento ng isa sa pwede nating maituring na
“extraordinaryong sakripisyo ng isang ordinaryong tao”.
Narrator: Madilim pa lamang ay nag-aayos na ng kagamitan si Amalia para sa panibagong araw sa kaniyang
trabaho. Madalas, madaling araw siya umaalis sa kanilang bahay para makarating ng maaga sa opisina, kahit
na tulog pa ang kaniyang anak.
Amalia: (Hahalikan ang anak habang tulog pa ito) Anak, aalis na ulit si Mama.
Scene 2: Kalsada (Naglalakad si Amalia, makakasalubong niya ang nagbebenta ng pandesal, nag lilinis ng
kalsada, etc.)
Amalia: (Makikitang may grupo ng mga nag zuzumba, biglang sumali ang mga tauhan)
Amalia: Ayos, mukhang magiging masaya ang araw na to ah! Nakaka Good vibes!
Narrator: Bago pa mag umpisa ang trabaho, sinisigurado ni Amalia na napunasan na niya lahat ng mga mesa
ng mga empleyado at nakapag-walis na siya ng sahig. At nagsi-datingan na ang mga empleyado ng opisina.
Amalia: Sige po Mam. (papasok sa kwarto ni Madam Jenny) Ano po yun Ma’am.
Madam Jenny: Amalia, may darating na mga bisita, paki timplahan naman sila ng Kape.
Narrator: Pag-alis ni Amalia sa silid ni Madam Jenny, ay gugunitain sya ng mga di magkamayaw na mga
gustong ipagawa sa kanya,.
[cue in: Hindi na nga by This Band “Parang di ko kayang bumitaw”] (Mejo hihinto ang eksena, at si Amalia
lang yung gumagalaw)
Amalia: (voice-over) Haaaay, sunod-sunod na naman ang kanilang mga pinapagawa, pero kakayanin to!
Good vibes lang!
Scene 3: Lunch. (Kasama ni Amalia ang ibang utility workers na nag-lulunch. Nanunuod sila ng cellphone.)
Narrator: Noong pananghalian na, ay kasama ni Amalia ang iba pang mga kasamahan niya upang kumain.
Habang kumakain at nag-ayang manuod ang isang kasama nila ng programang pinapanuod nito sa kanyang
cellphone.
Rosita: Mga beshy, tignan niyo ito oh. Panuorin nyo rin, nakakatawa!
Pepita: Ayan ka na naman eh, puro ka cellphone, pati sa trabaho cellphone. Puro cellphone ang hawak oras-
oaras.
[cue in: Billie Bong by Billy and Vhong, papasok si Junedel at Gesiver sa eksena]
Amalia: Sakto, tapos na. Dali, balik na tayo sa opisina. Magaala-una na kasi.
Scene 4: Opisina (Habang nag tatrabaho, ay may tatawag kay Amalia) (Phone rings)
Tiyahin ni Amalia (Voice Over): Juskopo Amalia, ang taas ng lagnat ni Erica. Diniretso ko na siya dito sa may
health center para maipagamot.
Tiyahin: Wag ka mabahala, Amalia, ako na muna ang mag-babantay sa kanya ditto.
Narrator: Naging tuliro at balisa maghapon si Amalia ng malaman niyang may sakit ang anak niyang si Erica.
Minsan ay kailangan pa siyang tawagin ng dalawang beses upang makuha ang atensyon niya.
Amalia: Sige po Mam. (papasok sa kwarto ni Madam Jenny) Ano po yun Ma’am?
Madam Jenny: Amalia, ang iingay nila jan sa labas ano? Hehe. Bili ka nga ng memeryendahin ninyo jan para
huminto ang pag-iingay nila.
Narrator: Nang makabili si Amalia, ay binalik nito ang sukli kay Madam Jenny.
Madam Jenny: Salamat Amalia ah. May tanong lang pala, bakit mukhang malungkot ka? Parang balisa ka.
Amalia: Ma’am kasi po, tumawag yung tiyahin ko kanina. Nilagnat pala yung anak ko. Dinala na niya sa health
center Ma’am. Gusto ko po sanang humingi ng pahintulot mula sainyo kung pwede bang umuwi ako ng maaga
ngayong araw?
Madam Jenny: Naku Amalia. Sana kanina mo pa sinabi iyan. Alam ko namang ginagawa mo ang trabaho mo
ng maigi. Sige, papayagan kitang umuwi ng maaga ngayon. Pero siguraduhin mo lang na tapos mo na ang
mga trabaho mo ha?
Amalia: Opo ma’am. Tapos na po. Salamat Ma’am. Maraming maraming Salamat po talaga.
Tiyahin: Amalia, maraming Salamat sa Diyos at bumaba na ang lagnat ni Erica. (pasalubong na yayakap kay
Amalia).
Tiyahin: Nasa kwarto na siya, nagpapahinga. Napagod siyang buong hapon na nakapila sa health center.
Narrator: Pumasok si Amalia sa silid ng kanyang anak, at dahan-dahang kinuha ang kamay neto.
Success is never a measure by the numbers of wins, and losses. It is by how you overcome all of what life
tosses. Ngayong pasko, bigyan natin ng pagupugay ang mga kasamahan natin na nasa entablado, at bigyan
natin sila ng msigabong palakpakan.
-tapos-