You are on page 1of 4

Pangalan: Justine John Duran Jerao Petsa: 06-19-2020

Taon at Kurso: BPED-1 Iskedyul: 9:45 – 11:45

PAGSUSURI NG AKDA
Pamagat: Ang Kalupi ni Benjamin Pascual

Manunulat: Benjamin Pascual

Uri ng akda: Maikling Kwento

Link: https://keepingonthetrack.weebly.com/format-1/january-19th-2013

A. Buod
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit
na barung-barong upang mamalengke para sa hahandaing mga pagkain para sa
pagtatapos ng kanyanv anak. nakarating na siya sa palengke ngunit ng dumating
siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang
paglabas na humahangos ng isang batang lalaking nakapantalon ng maruming
maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging
kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang
butuhan at maruming dibdib. Sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang
ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa
kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos.
-tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa
kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan
ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa
bulsa ng kanyang bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin
ng kaharap ang kanyang anyo. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa
kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap
ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap
ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang
lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko,
ano? Huwag kang magkakaila!""Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong
knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay
sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood"Kung
maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa
bagay na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila
ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya
ito.
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata
sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang
sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling
Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. sa kanyang
isipginawa niya lamang ang dapat gawin nino man at para malaman ng ahat na
ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa kanyang nagawang
kasalanan. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina pa ay
naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam
samantalang wala na siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan po
kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak""Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."Sabi naman ng kanyang asawa.
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang
pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."
B. Tauhan

B1. Aling Marta – isang pangkaraniwang nanay at asawa na nagsusumikap


para sa kinabukasan ng mahirap nilang pamilya. Mayroon siyang anak na
dalagang magtatapos na ng hayskul. At bilang regalo ditto, ay surpresa niya
itong hahandaan. Ang tanging pangarap niya ay makapagtapos ng kolehiyo ang
kanyang dalaga at umunlad ang kanilang buhay. Siya ay may katandaan na at
medyo mainitin na ang ulo, mapagmarunong a otoridad at makakalimutin
minsan. Minsan may pagkasinungaling din at mapanghusga sa ibang tao.
B2. Andres Reyes – Gusgusing batang aksidenteng nabangga si Aling Marta at
napagbintangang nagnakaw ng kanyang pitaka. Siya ay walang permanenteng
tirahan, minsa’y tumutuloy sa kanyang tiyahin o di kaya’y sa kanyang lola. Kahit
na anak-mahirap, hindi ito magnanakaw. Siya ay nasagasaan habang tumataka
kay Aling Marta at yumaon ay binawian ng buhay.
B3. Mga Pulis – Sila ang humuli at nag-imbestiga sa inaakusang pagnanakaw
ng kalupi ni Aling Marta.
B4. Aling Godyang – Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng pambili ng
panghanda.
B5. Dalagang Anak ni Aling Marta – Ang magtatapos sa hayskul at
paghahandaan ni Aling Marta ng garbansos na siyang paborito nito.
B6. Asawa ni Aling Marta – Matiyagang naghahanap buhay para sa kanyang
pamilya. Siya ay mahilig manigarilyo at siyang kumuha sa kalupi ni Aling Marta
ng walang paalam kaya niya ito nalimutan.

C. Tagpuan
C1. Maliit na barung-barong – Isang bahay na tinitirhan ng pamilya ni Aling
Marta. Dito naiwan ni Aling Marta ang kanyang kalupi na pinaniniwalaang kinuha
ni Andres Reyes.
C2. Pamilihang bayan ng Tondo – Dito palaging namimili si Aling Marta. Dito rin
niya natuklasan na wala sa kanyang bulsa ang kanyang kalupi.
C3. Kalsada malapit sa outpost – Dito kinausap ng Pulis ang bata. Sa lugar na
ito binawian ng buhay ang bata.
D. Banghay
D1. Panimula
Naganap ang pangyayari sa palengke nang mabanga ni Andres Reyes si Aling
Martha at nang-hingi ito ng paumanhin. Pinagpasensyahan s’ya ni Aling Martha
at pinag-iingat sa susunod.

D2. Sulyap sa Suliranin


Ang pangunahing suliranin dito ay ang pagkawala ng kalupi ni Aling Martha at
pag-aakusa kay Andres na nagnakaw nito na pilit na itinatanggi ang akusasyon
sa kanya. Kasama na rito ang pagdala sa bata sa presinto upang imbestigahan
ang nangyari. Sumunod na suliranin ay ang panlalaban ni Andres sa
pangungurot ni Aing Martha

D3. Tunggalian
D3.1 Tao laban sa tao – si andres ay isang musmus na
hinuhusgan ng maraming tao sa kasalanang hindi naman niya
nagawa.
D3.1 Tao laban sa lipunan- di mabatid na ang isang batang
palaboy ay hinuhusgahan ng maraming tao
D3.1 Tao laban sa sarili- sa pagkakamai ni aling marta sa
paghusga kay andres siya ay inabot ng konsensya.
D4. Saglit na Kasiglahan
Ang saglit na kasiglahan ng kwento ay nang magsinungaling si mabangga si
Aling Martha at sumunod ay ang pagkawala ng kanyang kalupi. Dagdag pa dito
ang pagtatanong ng pulis kay Andres tungkol sa kaluping nawawala dahil sa galit
ni Aling Martha sa bata na kanyang inaakusahang kumuha ng kanyang kalupi.

D5. Kasukdulan
Ang kasukdulan ng kwento ay ang pag-iimbistiga ng pulis kay Andres na
naninindigang wala itong ninanakaw kay Aling Martha at ang tangka nitong
pagtakas at paglaban dahil sa pananakit sa kanya ng matanda. Dahil dito
naaksidente si Andres sa pagtakbo nya patawid sa kalsada.

D6. Kakalasan/Wakas
Ang ng malaman ni Aling Martha na ang nawawala n’yang kalupi ay nasa bahay.
Dito naliwanagan ang lahat ng ipayo ng pulis sa babae na tawagan sa kanilang
bahay at alamin kung naiwanan n’ya ang kalupi at nalaman nga na nakalimutan
nyang bitbitin ng umalis ito sa bahay.

E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya: REALISMO


Patunay: Sa parte na hinuhusgahan na si Andres na siya ang kumuha ng
pitaka ni Aling Marta.

Paliwanag: Nagpapakita ito ng realidad na may mga bagay na hindi


nabibigyang hustisya sa lipunan.

F. Kabisaan/Aral
Huwag na huwag manghusga ng kapwa ng dahil sa pisikal na anyo. Tandaan
ang panghuhusga ay hindi mabuti at nakakabuti. Dahil sa kamalian ni Aling
Marta na pagbibintang sa isang inosenteng bata ay may natutunan siyang aral (o
parusa) dahil siya mismo ay nagkaroon ng kasalanan.

You might also like