You are on page 1of 9

ARALIN 2.

1
Ang Bansang Hapon - Nihon o Nippon na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang
matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na
pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang
Hapon sa mundo na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kapital
nitong Tōkyō ay ang pinakamalaking kalungsuran sa buong mundo.

Ang Hapon ay binubuo ng 6,852 mga isla. Karamihan sa mga isla dito ay mabundok, at ang iba ay
may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon
ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang
Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking
metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT


HAIKU
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan
ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong
siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang
ito na pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na
tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves,
isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na
karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami. Sa panahong
lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang
impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay
sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang
wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat.
Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng
pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat
sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon.
Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig
sabihin ay “hiram na mga pangalan”.

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang


pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal
ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang
Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sariling-sarili nila.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng


damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may
limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod
ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig
naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang
magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki
at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka,
kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng
ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka.
Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito,
noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula
ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas


lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong
pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa
Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o
paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay
kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang
salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang
matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat
berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring
makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan
upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng
naunang berso sa sinundang berso.

Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na


pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag
ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka”
na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang
ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng
babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga
Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa
tula.

Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't


nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong
kaniya-kaniyang katangian ng pagiging magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay  may
kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang
hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o
maaaring magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng
pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng
tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga
pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at
pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng
Tanka.

Tayo naman sa Pilipinas ay may Tanaga, isang uri ng


sinaunang tula na nagpapahayag ng kaisipan at binubuo ng apat
na taludtod na may tigpipitong pantig sa bawat taludtod, may
tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito  noong panahon ng
pananakop ng mga Hapones.

Ponemang Suprasegmental ^_^


                
Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
                       Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
suprasegmental.
Segmental -  ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
                  kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
Suprasegmental - ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
                     ( tune), haba (lengthening) at hinto
(Juncture).
 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng
pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o
ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba
= ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
= maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
2.       Diin
=tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
binibigkas.
=maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
= nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
= Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
= maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4.       Hinto
=ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
=maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:
Hindi, siya ang kababata ko.
Hindi siya ang kababata ko.

Aking Natutunan sa Araling ito :


---
2Nagkaroon kami ng pagsasanay ukol sa
Ponemang Suprasegmental.
Karamihan sa amin,nahirapan sa ‘Tono’
kaya nilinaw muli ng aming guro ang
tungkol dito at nagbigay siya ng ilan pang
pagsasanay hanggang sa lubusan na naming
naunawaan.
Nagkaroon din kami ng
mga Pangkatang Gawain.Una, bawat miyembro
ng pangkat ay kinakailangang gumawa na
sariling Haiku at pipili ng tatlong
tula.Pagkatapos,sabay-sabay itong
bibigkasin.Pangalawa, bawat grupo ay may
karampatang gawain.Napunta sa aming grupo
ang pagbibigay ng paksa at kahulugan sa mga
tula ng Haiku,Tanka at
Tanaga.Pagkatapos,iuulat ito sa harap ng
klase.Pangatlo, magkakaroon ng Family
Reunion para sa kaarawan ni Lolo.Inatasan ang
bawat pangkat na maghandog ng isang tulang
Haiku at Tanka,maaaring sariling gawa o galing
sa halimbawa na binigay ng guro.Sa pangkat
namin, si Harvey Sallador ang gumanap bilang
Lolo at hinati namin ang aming pangkat sa
dalawa.Ang isa ay maghahandog ng Tanka
samantala ang isa naman ay Haiku.Pagkatapos,
itinanghal namin ito sa harap ng klase.
.
Posted by Trixie Usa at 2:31 AM
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

2 comments:

1.

AnonymousJune 25, 2016 at 11:24 PM

Salamat, dahil dito ay maisasagot na ako sa aking takdang aralin sa Filipino. 'Wag kang
mag-alala, at ilalagay ko ang site na ito at ang pangalan mo bilang 'pinagkuhanan' o
'source'.

Reply

Replies

1.

reinaAugust 29, 2017 at 5:28 AM

magbigay po kayo ng halimbawa ng haiku na may paksa at mensahe at tanka rin


po sana po ay aabot ito sa inyo

Reply

You might also like