You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

SYUDAD NG QUEZON ) S .S.

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si MARIANITO S. SANCHEZ, Pilipino, may sapat na gulang, ay


nanunumpa sa katotohanan ng sumusunod:

1. Ako ay regular na empleyado ng Datem Incorporated


(“Datem”) na may principal office address sa 99 Mindanao
Avenue, Brgy. Bahay Toro, Quezon City dahil kabilang ako sa
work pool ng Datem na hinihugot sa proyektong
kinabibilangan para mag-trabaho sa ibang proyekto nito mula
2011 hanggang 2019;

2. Sa halos walong (8) na taong nagtrabaho ako sa Datem bilang


Mason mula June 2011 hanggang May 5, 2019, inassign ako nito
sa iba’t-ibang projects. Kadalasang habang ako ay naka-assign
sa isang project, ako ay pina-rescue o pinull-out upang
magtrabaho sa ibang project ng Datem. Ang huling sahod ko
kada araw sa Datem ay P537.00;

3. Inassign ako ng Datem sa Ascott BGC Project noong June 2011


pero kahit halos tatlong taon ako nagtrabaho sa proyektong ito,
three-month contract lang ang pinapirmahan sa akin ng Datem.
Noong 2014 ay inassign ako ng Datem sa Horizon, Cainta, Rizal
Project. Walang kontratang pinapirmahan sa akin ang Datem
para sa proyektong ito. Nang matapos na ito ay pinapirmahan
lang ako ng Datem ng lay-off paper at inendorso sa bagong
project site. Naka-isang taon akong nagtrabaho sa Horizon
Project. Noong 2015 ay inassign ako ng Datem sa Minarco BGC
Project at pinapirma ng three-month contract. Isang taon akong
nagtrabaho sa proyektong ito. Noong 2016 ay inassign ako ng
Datem sa Three Central Project sa Ayala, Makati at pinapirma
ng six-month contract. Habang naka-assign ako ditto ay pina-
rescue ako ng Datem sa Rochester Project nito. Wala akong
pinrimahang kontrata para sa Rochester project at pinapirma
lang para mabigyan ng Identification Card para makapasok sa
project site. Isang buwan din akong nagtrabaho sa Rochester
Project. Noong 2017 ay inassign ako ng Datem sa Rochester,
Pasig Project. Isang taong kontrata ang pinaprimahan sa aking
pero dalawang taon akong nagtrabaho sa Twin Oaks. Ang
huling kontrata na pinirmahan ko ngayong 2019 ay one-year
contract para sa UST Project. Tatlong buwan pa lang ang
natatapos at may siyam na buwan pang natitira sa kontrata ng
pinapapirma ako ng Timekeeper sa “Notice of Personnel
Action” matapos akong bumoto sa Certification Election. Ang
rason na binigay ay nagbabawas ng tao ang Datem. Hindi ako
pumirma sa Notice dahil may siyam na buwan pang natitira sa
kontrata ko at hindi pa rin tapos ang UST Project. Sinabihan
kami na pagpapirma naming sa Notice, dalhin lang naming ito
para makapasok sa bagong project at maghintay lang kami ng
bagong project. Matapos kong hindi pirmahan ang Notice ay
hindi na ako pinapasok sa project site muli at hindi na rin
tinanggap sa kahit ano mang project dahil wala na daw bakante
sa kahit anong proyekto ng Datem; at

4. Sa kasalukuyan, may mga projects na ginagawa ang Datem na


matagal pa bago ang mga ito matapos. Simula June 2011, ako
ay tuloy-tuloy na nagtrabaho sa kanila at palipat-lipat ng
project kahit hindi pa tapos ang project na sakop ng kontrata
ko. Dahil dito ay napilitan akong maghain ng reklamo sa
DOLE–NLRC para sa Unfair Labor Practice at Illegal Dismissal
laban sa Datem.

Sa katotohanan ng lahat ng nabanggit sa itaas ako ay lumagda


ngayong ika-apat ng Nobyembre 2019 dito sa Lungsod ng Quezon.

MARIANITO S. SANCHEZ
UMID 0111-8221-925-5

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko, ngayong ika-apat ng


Nobyembre 2019, dito sa Lungsod Quezon, ang nagsalaysay ay may
Katibayan ng Pagkakakilanlan na nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan.

Kas. Blg. _____;


Dahon Blg. ___;
Aklat Blg. ____;
Taong 2019.

You might also like