You are on page 1of 2

FILIPINO REVIEW

A. Isulat kung palagyo, palayon o paari ang kaukulan ng pangngalan na nasa panaklong.
_______________1. Maluwag ang kalsada sa ( Ortigas ).
_______________2. Si ( Lea Salonga ) ay isang sikat na mang-aawit.
_______________3. Malawak ang paaralan ng ( Ateneo ).
_______________4. ( Tatay ), bibili lang po ako sa tindahan.
_______________5. Maraming aral ang matututuhan sa ( palabas ).
B.Tukuyin kung ang pangngalan na may salungguhit ay isang simuno, pantawag, kaganapang
pansimuno, o pangngalang pamuno.
_______________1.Ang mga bata ay mahilig maglaro sa palaruan.
_______________2.Si Lucas ay ang mananayaw na lumahok sa isang patimpalak.
_______________3.Bata, nakalimutan mo ang iyong aklat.
_______________4.Ang mangga, ang prutas na binili ni nanay, ay inilagay ko sa mesa.
_______________5.Ginang Minerva, hinahanap po kayo ni Ginang Marcelo.
_______________6.Ang aking ama ay nagtratrabaho nang mabuti para sa aming pamilya.
_______________7.Karen, halika na't kumain na tayo ng hapunan.
_______________8.Si Brownie, ang alagang aso ni Lucia, ay naglalaro sa labas.
_______________9.Ang mga kaibigan ko ay namamasyal sa dalampasigan.
_______________10.Nag-eehersisyo ka ba, Lina?
Palayon
C. Tukuyin kung ang pangngalan na may salungguhit ay layon ng pandiwa o pang-ukol.
_______________1. Naglilinis ng bakuran ang mga anak ni Lydia.
_______________2. Naghanda sina Lino at Karla ng pagkain para kay tatay.
_______________3.Binenta ni Luisa ang mga sampagita sa plasa.
_______________4. Mula sa Bacolod ang mga piaya na binili niya. .
_______________5. Para kay Allia ang mga damit na binili ni nanay.
_______________6. Ang kwentong isinulat niya ay tungkol sa kasaysayan ng mga sinaunang tao.
_______________7.Gumawa ng iskultura si Juan para sa kanyang aso.
_______________8. Pinakuluan ang tubig upang ito ay ligtas inumin.
_______________9. Diniligan ang mga bulaklak kahapon.
_______________10.Alinsunod sa batas ang panukalang isinulat ni G. Martinez.
Paari
Salungguhitan ang pangngalang paari.
1.Ang mga damit ni Mina ay hindi pa nalalabhan.
2.Ang mga aklat ng paaralan ay donasyon ng isang organisasyon sa Amerika.
3.Ang aso nina Mark at Lorena ay isang pitbull.
4.Binisita ni Lily ang bahay ni Lola Melissa sa Binondo.
5.Kinumpini ni Kuya Luis ang bisikleta ni Danilo.

You might also like