You are on page 1of 8

I.

Pamagat: Walang Panginoon


II. May-akda: Deogracias Rosario
III. Genre: Maikling Kwento
IV. Teoryang Pampanitikan: Klasisismo
V. Tauhan
 Pangunahing Tauhan: Marcos
 Iba pang tauhan: Don Teong, Anita, Ina ni Marcos

VI. Tagpuan: Lupang sakahan


VII. Pangyayari:
A. Simula:
Ayaw marinig ni Marcos ang animas. Ayaw niyang mapakinggan
ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa
kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan dahil naalala niya ang mga
taong mahal niya sa buhay na nawala dahil kay Don Teong.

B. Suliranin o Problema
Ipinag-utos ni Don Teong na paalisin si marcos at ang kanyang ina sa lupang
kanilang sinasaka.

C. Tunggalian o kagyat ng kasiyahan


Nang tangkain ni Marcos na dalawin si Anita sa kanilang tahanan
hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si
Marcos, subalit nag dalawang isip siya. Maaaring maging dahilan iyon ng biglang
pang pagkamatay ng kanyang iniibig bukod sa magiging subyang sa kanyang ina
kung pati siya ay mawawala

D. Kasukdulan
Dahil sa kasamaan ni Don Teong hindi na nakapagpigil si Marcos
gumawa siya ng paraan upang hindi sila mapaalis sa lupang kanilang tinitirahan.
Gamit ang kanyang kalabaw ipinugal niya ito sa hanggangan ng lupang sarili ni
Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot ng lahat ni Marcos ang pulinas, ang
gora at ang switer saka dala ang latigongkatulad ng pamalo ni Don Teong.
Pagdating niya sa pook na kinapupugahan ay saka aasbaran ng palo ang
kalabaw hanggng sa ito`y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa
kalangitan ng bayan.

E. Wakas
Isang araw kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa
pagkakasuwag ng kalabaw

VIII. Bisa (Pahiwatig)

A. Pangkaisipan
Tumatak sa aking isipan na kahit gaano kasama ang ginawa ng sa atin ng isang
tao hindi sapat na dahilan iyon upang ilagay natin sa ating mga kamay ang batas.

B. Pangdamdamin
Galit at awa ang aking naramdaman habang binabasa ko ang kwentong
ito. Galit dahil sa kalupitanni Don Teong sa pamilya ni Marcos at sa iba pa na
tulad niya. Awa para kay Marcos at sa pamilya niya dahil sa kahirapan hindi nila
magawang ipaglabanang kanilang karapatan sa mga mapang abusing tao.

C. Pangkaasalan

hindi dapat natin ilagay sa ating mga kamay ang batas bagkos magkaroon tayo
ng matibay na pananalig sa ating Poong Maykapal.
I. Pamagat: Lupang Tinubuan
II. May-akda: Narciso Reyes
III. Genre: Maikling Kwento
IV. Teoryang Pampanitikan: Arketipal na Pananaw
V. Tauhan:
 Pangunahing Tauhan: Danding
 Iba pang Tauhan: Lolo Tasyo, Tiya Juana, Tiyo Goryo, Tata Inong, Lola
Ines, Juan, Seling, Marya at Asya, Nana Bito, Tata Enteng.
VI. Tagpuan: Malawig ( sa bukirin )
VII. Pangyayari:
A. Simula
Lumuwas si Danding kasama ang kanyang Tiya Juana at Tiyo Goryo
patungong Malawig kun g saan ipinanganak ang kanyang ama upang makiramay sa
kanyang Tata Inong na namatay.

B. Suliranin:
Nang malaman ni Danding ang tungkol sa pagkamatay ni Tata Inong parang may kung
anong kumurot sa puso ni Danding bagaman hindi pa ni ya ito kailanmannakikita. Ang
pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at
naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. sa isang pagtitipon kasama
ang lahat ng kamag anakni Danding umugong ang kamustahan at napakokay Danding
ang pansin ng lahat. Ang balana ay nagtanong tungkol sa kung ano ang lagay ng
kanyang amang may sakit at ng inang siya na lamang ngayon bumubuhay sa kanilang
mag anak.

C. Saglit na Kasiyahan:
Pagkakain ng tanghalian ay nagtungo sa bukid si Danding dito niya n aka
kwentuhan si Lolo Tasyo. Naikwento nito ang tungkol sa kabataan ng kanyang
amasa lugar na iyon . Natuwa si Danding ng malaman ang mga bagay na ito
tungkol sa kanyanmg ama.
D. Kasukdulan:
Nabalot ng kalungkutan si Danding sa libing ni Tata Inong dahan dahan siyang lumayo
at nagpaunag bumalik sa bahay.

E. Wakas
Matapos ang libing nagtungo si Danding sa bukid at ditto niya inalala ang mga
naikwento sa kanya ni Lolo Tasyo tungkol sa kabataan ng kanyang ama sa lugar na ito
ditto niya napagtanto kung bakit napakahirap sa iba ang mawalay sa lugar na kanilang
kinagisnan. Sa sandaling iyon ay tila hawak nan i Danding sa palad niya ang lihim ng
tinawag ng pag-ibig sa lupang tinubuan.

VIII. Bisa o Pahiwatig

A. Pangkaisipan:
Tumimo sa aking isipan na hindi sukatan ang haba ng pinagsamahan sa isang
kapamilya upang nararamdan ang pagmamahal sa bawat isa.

B. Pangdamdamin: Lungkot ang aking naramdaman matapos kobasahinm ang


kwento ito dahil sa pagkamatay ng Tata Inong ni Danding Asabay pa ng
pagkakasakit ng tatay niya.

C. Pangkaasalan: Mahalin at pahalagahan natin ang lugar na siyang ating


kinagisnan.
I. Pamagat: Ang Kalupi
II. May-akda: Benjamin Pascual
III. Genre: Maikling Kwento
IV. Teoryang Pampanitikan: Moralistiko
V. Tauhan:
 Pangunahing Tauhan: Aling Marta, Andres Reyes
 Iba pang tauhan: Aling Godang, pulis
VI. Tagpuan: sa palengke
VII. Pangyayari
A. Simula
Nagtungo sa palengke si Aling Marta upang mamimili ng lulutuin sa selebrasyon ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga.

B. Suliranin o Problema:
Sa paglalakad ni Aling Marta nakabangga niya ang isang bata marumi ito, luma at
punit-punit ang kasuotan nito sa itsura ng pananamit nito makikita naito`y anak mahirap
sag alit ni Aling Marta dahil sa pangyayari napagsalitaan siya ng hindi maganda sa bata
at ng siya ay mamimili na nagulat siya ng kapain niya sa kanyang bestida ang kalupi ay
wala agad na pumasok sa kanyang isip ang batang kanyang nakabangga.
C.Tunggalian: Hinanap ni Aling Marta ang batang kanyang nakabunggo at ng Makita
niya ito agad niya itong kinapitan at pinagbintanggan.Tumawag siya ng pulisupang ito`y
madakip subalit di pumayag ang pulis sapagkatwalang sapat na ebidensyasi Aling
Marta nakipagtalo si Aling Marta upang madakip ang batamabawi ang kanyang kalupi.

C. Kasukdulan:
Nang makarating sakwartel si Aling Marta at Andres biglang sumagi sa
alaala niya ang kanyang anakna gagraduate hindi na nakapagpigil si Alking
Marta sa galit sa bata pilitniya itong pinaaminhalos baliin ni Aling Marta ang
braso ng batasa sobrang sakit kinagat ng bata ang kamay ni Aling Marta.
D. Wakas
Nasagasaan si Andres at sa huling hininga nito paulit ulit nitong binabanggit
nawala sa kanyanmg kalupi ni Aling Marta. Nang makauwi si Aling Marta halos
mawalan siya ng uliratng sabihinsa kanya ng kanyang anakna naiwan niya ang
kanyang kalupi agad niya naisipin ang batang si Andres.
VIII. Bisa o Pahiwatig
IX.
A. Pangkaisipan: tumimo sa aking isipan na hindi basehan ang katauan sa
buhay upang manghusga ng kapwa taop.
B. Pangdamdamin: lungkot at galit ang aking naramdaman ng mabasa ko
ang kwentong ito.lungkot dahil sa sinapit ng batang si Andres at galit
naman dahil sa nagging ugali ni Aling Marta.
C. Pangkaasalan: huwag maging mapanghusga, hindi sukatan ang
katayuansa buhay upang husgahan ang isang tao.
Union College

Santa Cruz, Laguna

Filipino 12

Maikling Kwento at Nobela

Isinumite ni: Princess P. Fugen

BEED ( 013-123 )

Isinumite kay: Bb. Uzziel Joy Arvesu

You might also like