You are on page 1of 21

CEBU DOCTORS’ UNIVERSITY

EPEKTO NG MGA LIRIKO NG MGA PILING

SIKAT NA KANTA SA IMAHE NG MGA MAG-AARAL

SA CEBU DOCTORS’ UNIVERSITY

Isang Thesis na ipinasa sa CAS

Bilang bahagi sa mga Gawaing kailangan sa

Pagtamo sa Kursong Pagbasa at Pagsulat tungo

Sa Pananaliksik – Filipino 12

Ipinasa kay:

Gng. Raquel Bercero

Ipinasa nina:

Fairlean Bajarias

Joannah Paula Cuizon

Gladys May Pepito

Camille Eunice Relliquete

BSPT-1A

Marso 2012
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Paunang Pahina

Dahon ng Pagpapatibay

Paghahandog

Pasasalamat

I. Pananaliksik

A. Rasyonal

B. Layunin

Pangkabuuang Layunin

Tiyak na Layunin

C. Paglalahad ng Suliranin

D. Kahalagahan ng Pananaliksik

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

A. Kaugnay na Literatura

B. Kaugnay na Pag-aaral

III. Metodo at Pamaraan

A. Ang Respondyente

B. Pamaraan ng Pananaliksik

C. Lugar ng Pananaliksik

D. Instrumento ng Pananaliksik

E. Pangongolekta ng mga Datos

Bibliografi
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino

12, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na ito na pinamagatang “Epekto

ng mga Liriko ng mga piling sikat na kanta sa imahe ng isang tao” ay inihanda at

iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSPT – 1A na binubuo nina

Fairlean Bajarias, Joannah Paula Cuizon, Gladys May Pepito at Camille Eunice

Relliquete at ngayon ay itinatagubilin sa aming guro para sa kaukulang

pagsusuri.

Gng. Raquel R. Bercero

Guro

Ang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 12, Pagbasa at

Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ang thesis na ito na pinamagatang “Epekto ng

Liriko ng piling sikat na kanta sa mga mag-aaral ng Cebu Doctors’ University” ay

tinanggap n gaming guro na si Gng. Raquel Bercero.

Gng. Raquel R. Bercero

Guro

i
PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay taos-pusong inihahandog sa bawat pamilya ng

mga miyembro ng pangkat na gumagawa nang pananaliksik na ito, sa mga

kaibigan na walang tigil sa pagsuporta, sa mga taong mahilig sa musika lalong-

lalo na ang mga kabataan, sa aming guro na si Gng. Raquel Bercero, at sa

Poong Maykapal na laging nandyan para sa amin.

ii
PAGKILALA AT PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga taong

naging bahagi at tumulong sa pagkabuo at pagtagumpay ng pananaliksik na ito.

Unang-una sa Poong Maykapal sa kanyang pagbibigay sa amin ng

wastong kaalaman at pasensiya para matapos namin ang pananaliksik na ito.

Sa aming guro na si Gng. Raquel Bercero sa paggabay sa amin,

pagpapasensiya, at pagpapagawa sa pananaliksik na ito. Kung hindi dahil dito,

hindi kami mahahasa sa larangan na ito.

Higit sa lahat sa aming mga magulang dahil sa pagsuporta sa amin hindi

lang financially kundi pati morally.

iii
I. PANANALIKSIK

A. RASYONAL

Ang pananaliksik na ito ay sumusuri sa epekto ng piling sikat na musika,

partikular sa mga musikang may liriko na bumanggit o binigyang-diin ang

pagiging kaakit-akit sa imahe.

Ang musika bilang isa sa mga tagapagbuo ng kultura ay may malalim na

impluwensiya sa kamalayan ng tao. Kahit sa mga naunang panahon sa ating

kasaysayan, ang Kastila, Amerikano, at Hapon na nanakop sa Pilipinas ay may

paniniwala sa mabuti at masamang epekto ng musika sa tao. Sa mas

makabagong panahon, maaaring ito ay gamit upang bithayin ang saloobin ng tao

sa Music Therapy. Ito ay ekspresyon naman ng pagbubunyi sa pamamagitan ng

mga martsa at makabayang awitin ng mga bansang nakamtan ang kanilang

kalayaan mula sa mga mananakop o maaaring ito’y ekspresyon lamang ng

pagnanasa para sa kalayaan. Sa maikling sabi, ang musika ay nagsisilbing gamit

sa sariling ekspresyon, kolektibo man o indibidwal . Dahil dito, hindi maiiwasang

nakakaapekto na ito sa ating paraan ng pag-iisip, sa pananamit, sa ating

karakter, at sa ating emosyon. Ginawa ang pananaliksik na ito para mas

maintindihan ang mga taong tinatawag ang mga sariling EMO, PUNK, GOTH at

iba marami pang iba kasi sa pagkakaalam ng lahat, ang mga iyan ay mga genra

ng musika. Gustong malaman ng pananaliksik na ito ang relasyon ng musika sa

imahe ng tao.

1
B. LAYUNIN

Pangkabuuang Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang galugarin ang mga posibleng

epekto ng mga liriko ng mga piling sikat na kanta na binigyang-diin ang pagiging

kaakit-akit sa imahe ng mga mag-aaral sa Cebu Doctors’ University.

Tiyak na Layunin

1. Malaman ang lebel ng pagiging epektibo ng liriko ng mga sikat na kanta

sa tao.

2. Malaman ang lebel ng consciousness ng isang tao sa kanyang imahe.

3. Masagot ang katanungan tungkol sa kung ang pagpapalit ng genre ng

musika ay nakakapagbabago ng karakter at imahe ng isang tao.

2
C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang suliranin ay tungkol sa mga epekto ng mga liriko ng mga piling sikat

na kanta sa imahe ng mga tao. Dito malalaman kung bakit kaakit-akit ang mga

liriko ng mga kanta sa mga tao at kung anu-ano ang mga problema ukol sa

nasabing paksa na dapat bigyan ng solusyon.

Ano ang importansya ng musika sa buhay ng tao?

1. Anong meron sa musika na nakakaapekto ng ating karakter?

2. Bakit makakaugnay ang mga tao sa mga liriko ng kanta?

3. Paano nakakaapekto ang musika sa pagiging conscious natin sa ating

pisikal na kaanyuan?

4. Sa tingin mo, nakakatulong ba ang musika sa pagiging kaakit-akit ng

tao?
3

D. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

KABATAAN

Kadalasan kasi, hindi natin napapansin ang pag-iiba natin ng imahe kaya

mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga kabataan para mas maintindihan nila

ang kapwa nila kabataan kung bakit ganoon ito umasta o manamit kadalasan

kasi mga kabataan ang mas nakikitaan ng mga pagbabago.

MAGULANG

Hindi maiiwasan ng mga magulang na mag-alala lalong-lalo na pagnakita

nila ang kanilang mga anak na nagbabago kaya makakatulong ang pananaliksik

na ito na ipaintindi sa kanila ang mga posibleng epekto ng isang musika o awitin

sa kanilang anak.

MANUNULAT NG MGA KANTA

Mahalaga para sa isang manunulat ang pagkilala sa kanilang tagapakinig.

Makatulong itong pananaliksik na ito para mas makilala at malaman ang mga

epekto ng mga kanta na kanilang ginagawa sa isang tao.

GURO

Kahit nasa paaralan, mahilig pa rin ang mga estudyanteng makinig ng

musika kahit sa kalagitnaan ng klase. Ang musika kasi nakakaapekto rin sa kung

ano ang pinapakita nating karakter sa paaralan. Makakatulong ang pananaliksik

na ito para malaman ng guro kung gaano kalalim ang epekto ng musika sa

kanilang mag-aaral at para mahanapan nila ng paraan kung paano makuha ang

loob ng mga mag-aaral na masyadong attach sa musika.


4

D. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw lamang ng pananaliksik na ito ay ang epekto lamang ng liriko

ng mga piling sikat na kanta sa pagiging kaakit-akit na imahe ng tao. Ang pokus

ng mga respondyente sa pananaliksik na ito ay ang imahe lamang. Hindi sa

saklaw nito ang mga dahilan ng epekto na iyon. Sa pakikinig sa kanta,

nililimitahan lamang ito na limang beses niya lang itong pwedeng pakinggan.
5

II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

A. Kaugnay na Literatura

Kamakailan lang, nagkaroon ng isang mahusay na pakikitungo ng mga

pananaliksik sa impluwensiya ng media sa imahe ng isang indibidwal. Kadalasan

sa mga pananaliksik at pagsusuri, nagkakaintindihan ang karamihan na ang

media ay may mga epekto sa imahe ng tao. Sa isang pagsusuri, sinasabi nito na

ang panunuod ng telebisyon kahit 30 mins lamang, ito ay nagsasaad ng

pagbabago sa katawan ng mga babae (Myers & Biocca, 1992).

Sa karagdagang pagsusuri ni Tiggermann & Pickering (1996), may kaukolang

positibong paghahalintulad sa isang katawan ang panunuod ng mga soap opera

at mga pelikula ay hindi nakapagbibigay satispaksyon. Sa pagsusuri nina

Palladino-Green at Pritchard (2003), nakita nila sa 139 na mga matatanda, na

ang media ay nakapaimpluwensiya ng malaki sa disatispaksyon ng katawan ng

mga babae. Ito ay pinagtabayan nina Borzekowski, Robinson at Killen (2000) na

ang kadalasang pakikinig ng mga music videos ay isang malaking salik sa

pagtataas ng importansya at nagbibigay ng dagdag na bigat sa mga babae.

Samantala, sa panig naman ni Tiggermann at Pickering (1996), nagpag-

alaman na ang pagpapayat ay sa kadahilanan ng paggamit ng oras sa panunuod

ng mga music videos. (http://fil.wikipilipinas.org/index.php?

title=Kasaysayan_ng_Musika)
6

Isang makasaysayang yugto na naman ang narating ng pananaliksik sa

musika sa Asia nang idaos ng Asia-Pacific Society for Ethnomusicology ang

isang simposyum na pinamagatang “A Search in Asia for a New Theory of

Music” sa Sentro ng Seameo-Innotech, Lungsod ng Quezon, Filipinas noong 17-

23 Pebrero 2002. Ang pangmundong palihan ay inorganisa ng Sentro sa

Etnomusikolohiya ng Unibersidad ng Pilipinas sa pamumuno ng may-akda nito

na si Dr. Jose Maceda, isang sagisag ng kontemporaneong iskolarship at

paglikha sa musika sa Asia. Sa kaniyang paliwanag sa saligang banghay ng

pagtitipon, tinurol ni Dr. Maceda ang paralelismo sa pagkatagpo ng kultura at

agham sa renaissance sa Europa at gayon din sa pangkasulukuyang Asia.

Inilapit niya ang mga ispesipikong aspekto na nangangailangan ng masusing

pag-aaral at pagdalumat tungo sa kaalaman sa mga pundasyong pan-teorya sa

mga kulturang pangmusika ng Asia. Una, ang mga estrukturang matematiko sa

musikang pangkorte ng Silangan at Timog-Silangang Asia, na kumakatawan sa

isang pilosopikong na ekspresyong kakaiba sa lohikang linear na siyang batayan

ng musikang kanluranin Ikalawa, ang mga estruktura ng wika sa loob at

katimugang Tsina, na kaugnay sa mga musikang pantinig Ikatlo, ang mga

dimensiyong pangkultura ng kooperasyon at damayan sa paggawa sa lipunan,

maging sa lungsod o sa kabayanan, na nailalahad sa palatunugan ng mismong

musika na binubuo ng sari-saring kulay, orkestrasyon, habi, at mga konsepto ng

panahon at mga patlang pantunugan.

Ang kabuuan ng simposyum ay masasabing isang obra maestra sa


7

orkestrasyon na likha ni Dr. Maceda, na siyang kumalap buhat sa kalawakan ng

pangmundong karunungang pang-aralin at sining, upang buuin ang isang

holistikong talakayang naglalaman ng mga pulong na pinagtagni-tagni ayon sa

isang progresyon ng iba-iba ngunit magkakaugnay na paksa. Ang ilan sa mga

pangunahing tagapagsalita ay inanyayahan dahil sa kanilang mahahalagang

kontribusyon sa karunungan sa larangan ng agham, humanismo, at pilosopiya sa

Asia, bagama’t hindi pa sila gaanong kilala sa komunidad ng musika sa Asia.

Kasama na rito sina Joseph C.Y. Chen, isang propesor ng Pisika sa UC San

Diego; Yi-Long Huang, propesor ng astronomi at kasaysayan; Subhash Kak ng

India, isang siyentipitista, makata, at iskolar sa Veda; Lawrence Reid, kilalang

autoridad sa wika; at Kapila Vatsyayan, artista sa sayaw at manunulat sa

kasaysayang pansining. (RAMON P. SANTOS, PH. D)

Ang tugtugin o musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay

isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan

ayon sa kapanahunan at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang

pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse

Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang

nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang

lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar;

sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa. Sa lahat ng pangyayari, wala

ni isa at interkultural unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano

ang musika. (http://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin)


8

B. Kaugnay na Pag-aaral

Nung naunang panahon ang mayroon na musika mga tunog na

nangmumula sa mga istrumentong gawang bahay kundiman eh mga simpleng

gitara lamang. Masaya na dati an gating mga ninuno sa mga simpleng

“kantahan” at napapaibig nila ang mga dalaga sa papagitan ng pagaharana dito.

Ang tugtugin o musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay

isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan

ayon sa kapanahunan at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang

pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse

Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang

nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang

lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar;

sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa.... Sa lahat ng pangyayari, wala ni isa

at interkultural unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano ang

musika.

Ngunit di naman lang dyan lang ginagamit ang musika sa mga

ating mga kapatid sa mga tribo ay ginagamit ang musika bilang paraan nila ng

komunikasyon. Gamit ang kanilang gawan tambol at simpleng patpat para

makausap, manghingi ng tulong o di man kaya ay magbigay babala. Maaaring

tumukoy ang katutubong musika sa kahit anumang mga musika ng mga


katutubo, lalo na ang musikang pambayan, pang-seremonya o rituwal, at pang-

relihiyon mga tradisyon ng mga taong iyon.

Pero sa mga panahon ngayon ay di simpleng musika ang

maririning natin ginagamitan na ito ng makabagong teknolohiya. Subalit kahit

ginamitan ito ng teknolohiya andun parin ang kaakitakit ng panganyaya nito.

(Isang pananliksik tungkol sa modernong musika ng bagong henerasyon ni

Edmar John San Diego)


10

III. METODO AT PAMAMARAAN

A. Mga Respondyente

Ang mga kukunin naming respondyente sa pananaliksik na ito ay mga

mag-aaral ng Cebu Doctors’ University. Dalawang piling mag-aaral mula sa kada

lebel ng iba’t ibang kurso maliban sa Graduate school at Medicine department.

Isang babae at isang lalaki. Mula sa Kolehiyo ng Allied Medical Science ay

labing-anim (16) na respondyente. Sa Kolehiyo ng Rehabilitative Sciences

naman ay dalawampu’t walong (28) respondyente. Dalawampu’t apat (24)

naman ang respondyente na galing sa Kolehiyo ng Arts & Science. Tig-wawalo

naman mula sa Kolehiyo ng Pharmacy at Nursing. Tig-iisang dosena ang

respondyente galing sa Kolehiyo ng Dentistry at Optometry kasi tig-aanim na

taon ang mga kursong ito. Isang daan at walo lahat ng respondyente para sa

pananaliksik na ito.

B. Pamaraan ng Pananaliksik

Hinahati ang respondyente sa tatlong grupo. Ang isang grupo ay nakaassign

na makinig sa musikang naglalarawan ng pagiging kaakit-akit ng isang tao. Ang

ikalawang grupo ay nakaassign na makinig sa musikang nagbibigay mensahe na

ang pagiging kaakit-akit ay importante sa isang tao. At ang ikatlong grupo ay

nakaassign bilang kontrol na grupo o grupo na makikinig sa musikang walang


kinalaman sa pagiging kaakit-akit ng isang tao. Tatlong klase ng genra ang

pakikinggan ng bawat grupo. Isang country, isang alternative at isang pop.

Unang-una nilang gagawin ay ang pagbasa ng mga terms at pagpirma ng

11

consent na nagpapatunay na pumapayag sila na gawin ang eksperimentong ito.

Pagkatapos, sasagutan nila ang Demographics Questionnaire at Appearance

Schema Inventory. Pagtapos na, makikinig na sila sa mga kantang naka assign

sa kanila. Bibigyan sila ng mga liriko bago magsisimula ang kanta para

masundan nila ang kanta. Para panghuli, sasagutan nila ang Song

Questionnaire, Brief Circumplex of Affect Scale (BCAS), Body Figure Perception

Questionnaire, Attention to Body Shape Scale (ABS), The Body Esteem Scale

(BES), and Body Image Avoidance Questionnaire (BIAQ).

C. Lugar ng Pananaliksik

Ginawa ang pananaliksik na ito sa isang isolated na kwarto. Sa loob ng

kwarto ay mga mesang may divider para maiwasan ang interaksyon ng ga

respondyente. Hindi dapat magtabi ang mga respondyente na pareho ng

kasarian at pariho ng lebel at kurso. Sa bawat mesa, may nakahandang kopya

ng liriko at headphones para sa pakikinig ng kanta.

D. Istrumento ng Pananaliksik
Demographics Questionnaire. Nakapaloob sa questionnaire na ito ang mga

karaniwang impormasyon tungkol sa respondyente tulad nga Pangalan, Edad,

Kurso at taon at Music Preference.

Appearance Schema Inventory. Ang questionnaire na ito ay mayroong labing-

apat (14) na katanungan. Dito e.rerate ang paniniwala at mga akala ng

respondyente tungkol sa importansya at kahulugan ng pagiging kaakit-akit. Lima

(5) ang pinakataas na rate samantalang isa (1) ang pinakmababa.

12

Song Questionnaire. Ang questionnaire na ito ang unang binibigay sa mga

respondyente pagkatapos na pagkatapos nilang makinig sa musika. Nakapaloob

sa questionnaire na ito ang mga tanong tungkol sa kanta. Katulad ng kung

nagustuhan ba nila ang kanta o narinig na ba nila ang kantang iyon noon.

E.rerate rin nila mula sa isa (1) hanggang sampu (10). Sampu ang pinakamataas

at isa naman ang pinakamababa.

Song Lyrics. Ibinibigay ang kopya ng liriko sa mga kanta pinapakinggan ng mga

respondyente kasi pinapasunod kasi sila sa kanta gamit ito.

Tatlong CD na may iba’t ibang laman na kanta. Tig-iisang CD bawat grupo.

Ginagamit ito sa pakikinig ng kanta.

Brief Circumplex of Affect Scale (BCAS). Walong item na affect scale na

sumusukat sa bawat isa sa walong types ng affect na bumubuo ng Circumplex.


Body Figure Perception Questionnaire (BFPQ). Binubuo ng siyam (9) na

Silhouette. Bawat isang Silhouette ay nagrerepresenta ng isang body size. May

number na nakaassign sa bawat Silhouette. Pinabibilugan ang silhouette na sa

tingin mo nagrerepresenta sa body size mo ngayon. Bibigyan ka ulit ng ganitong

questionnaire pero ang numerong iyong bibilugan an gang numero ng silhouette

na gusto mong maging ang iyong katawan.

Attention to Body Shape Scale (ABS). Sa scale na ito pinapakita kung gaano

binibigyang atensiyon ng respondyente ang kanyang katawan. E.rerate ito mula

isa hanggang lima. Lima ang pinakamataas at isa ang pinakamababa.

13

The Body Esteem Scale (BES). Nakapaloob dito ay Tatlumgpu’t dalawang

katanungan. Bawat katanungan ay e.rerate mo mula one hanggang lima. Lima

pa rin ang pinakamataas at isa ang pinakamababa.

Body Image Avoidance Questionnaire (BIAQ). Nakapaloob ang labing-siyam

na katanungan na masasagot ng 5-point scale. Lima pa rin ang pinakamataas.

Sa questionnaire na ito nasusukat ang respondyente kung gaano niya

pinakaiiwasan ang mga sitwasyong konektado sa pagiging kaakit-akit ng isang

tao.

E. Pangongolekta at Pagsasaayos ng Datos


Pagkatapos naming gawin ang survey, i-sasaayos ng mga mananaliksik

ang mga datos sa pamamagitan ng pagkilala kung anong grupo ito nabibilang at

kung anong lebel at kurso na ito. I-tataya ng mga mananaliksik ang kanilang

sagot sa MS Excel para mas madali ang paggawa namin ng chart kung saan

makikita mo ang percentage nangbawat questionnaire. Mas madali kasing

maintindihan ang resulta pag nasa chart siya.

14

BIBLIOGRAFI

- Tungo sa Pagtuklas ng Isang Bagong Teorya sa Musika

RAMON P. SANTOS, PH. D.

http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?

subcat=13&i=86

- Binago ang pahinang ito noong 22:56, 16 Hulyo 2008.

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Kasaysayan_ng_Musika

- Ring, Andrea J.

Fort Hays State University (2005)


The effects of lyrics of selected popular music forms on body image

- Isang pananliksik tungkol sa modernong musika ng bagong henerasyon

Edmar John San Diego

www.scribd.com

- http://tl.wikipedia.org/wiki/Tugtugin

You might also like