You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PANIQUI WEST DISTRICT
NANCAMARINAN ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2019-2020

TEACHER: LARA MELISSA E. CHANCHICO DATE: AUGUST , 2019


LEVEL: GRADE 1 – MASUNURIN TIME:

DETAILED LESSON PLAN IN MATEMATIKA (Day 1)


I. Layunin:
Natutukoy ang 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th na bagay mula sa hanay ng mga bagay.
Nakikiisa sa mga pangkatang gawain.
Nakaguguhit ng mga larawan ng bagay para maipakita ang mga bilang na ordinal.
II. Paksa
A. Aralin : Pagtukoy sa mga Bilang ng 1st, 2nd, 3rd hanggang 10th sa hanay ng mga bagay.
B. Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo pah. 101
C. Kagamitan: larawan ng 10 bata
D. Pangunang Konsepto at Kakayahan: Nahihinuhang konsepto: Pagtukoy sa mga
Bilang na Ordinal mula Una hanggang pangsampu.(1st-10th)

III. Pamamaraan:
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
1. Pagganyak
Awit: Sampung Batang Pilipino
(Tono: Ten Little Indians)
Isa, dalawa, tatlong Pilipino.
Apat, lima, anim na Pilipino
Pito, walo, siyam na Pilipino.
Sampung batang Pilipino.

B. Paglalahad:
1. Iparinig ang maikling kwento:
Ang mga bata sa baitang isa Pangkat
Jose Rizal ay nagkaroon ng maikling
palatuntunan. Sampung bata ang
magsusuot ng kanilang paboritong
kasuotan. Sila ay isa-isang tatayo sa
inyong harapan upang inyo silang
makilala.
(Gumamit ng cut-out ng 10 bata na may
iba’t ibang kasuotan at isa-isa itong ipakat
sa pisara)
Sa ilalim ng cut-out ilagay ang bilang na
ordinal mula pang-una hanggang pang-
sampu at pangalan ng bata.

Hal.
Maria Ana
Pang-una Pangalawa
1st 2nd
2. Itanong: Sino sa mga kalahok ang
unang nagpakilala? Pangalawa?
3. Anong bilang ang ginamit sa ilalim ng
bawat kalahok sa paligsahan?

C. Pagsasagawa ng Gawain
1. Laro: Pangkatin ang mga bata sa 3
pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng ordinal na
bilang sa kard 1st -10th. Sa hudyat ng guro
itatambal ng mga bata ang bilang na
hawak sa mga bagay na nakahilera sa
mesa upang ipakita ang posisyon ng
nasabing bagay.
D. Pagproseso sa Resulta ng Gawin
Itanong: Ano ang nasa unang bagay?
Pangalawa? Pangatlo?
Anong bilang ang ginamit upang tukuyin
ang kinaroroonan o posisyon ng bagay sa
hanay ng maraming bagay?
E. Pagpapapatibay ng Konsepto at
Kasanayan
1. Tingnan ang salitang :
B L A C K B O A R D
Alin ang unang titik?
Anong titik ang pangatlo?
Ang C ba ang ikalimang titik?
2. Paglalahat:
Gumagamit tayo ng mga bilang na
ordinal upang ipakita ang posisyon o
kinalalagyan ng isang bagay mula sa
hanay ng mga bagay.
Isinusulat ang simbulo ng bawat bilang
tulad ng:
1st, 2nd, 3rd, 4th, 5th, 6th, 7th, 8th, 9th 10th
Paano kayo gumawa kasama ng iyong
pangkat? Nakiisa ka ba sa mga kasama
mo?

IV. Pagtataya:
Kulayan ang bagay na sinasabi sa iba
1. 4th na bagay
2. 9th na bagay Mansanas lobo puno bag payong
3. 1st na bagay Basket kendi dahon bulaklak atis
4. 6th na bagay
5. 3rd na bagay

V. Takdang Aralin
Iguhit ang tamang bagay na tinutukoy.
1. 3rd na bagay Bag lapis pantasa pambura pensilkeys
2. 8th na bagay
Krayola ruler papel notbuk aklat

Inihanda ni:
Gng. Lara Melissa E. Chanchico
Naobserbahan na Guro
Inobserbahan ni:
___________________

You might also like