You are on page 1of 21

Dr. Jose P.

Rizal

(1861-1896)
Pambansang Bayani ng Pilipinas

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang


pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio
Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos.

Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o


palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral
Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng
Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino
Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.

Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng
abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral
sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa
Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at
notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng
katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na
karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong
1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika -5 ng
Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-
aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at
magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa
Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887.
Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang
piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso.

Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa


dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong
1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El
Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang
kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa
Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni
Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay
Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal
sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na
kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito,
humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang
1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at
pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal
nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at
nahatulang barilin sa Bagong Bayan.

Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas
sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang
pampanitikan kay Trinidad.
Andres Bonifacio

(1863-1897)
Nagtatag ng katipunan

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak sa Tondo Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Ang
mga magulang niya ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro na isang mestisang
Espanyol at nagtatrabaho sa isang pabrika ng sigarilyo. Nagsimula siyang mag-aral sa
Don Guilermo Osmena sa Meisik, subalit naulila siya sa gulang na labing-siyam na taon
(19), kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral.

Naghanapbuhay siya para sa kanyang mga nakababatang kapatid. Nagsikap na lang


siyang mag-aral sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat. Natuto siyang gumawa at
magbenta ng mga pamaypay na papel at mga baston. Naging mensahero siya ng
Fleming and Co. At pagkaraan ay naging ahente dito. Ilan sa mga librong nabasa niya
ay ang Himagsikang Pranses, Buhay at Gawa ng mga pangulo ng Estados Unidos at iba
pang mga makasaysayang aklat.
Hinubog ng mga aklat na ito ang utak ni Bonifacio. Noong Hulyo 7, 1892 si Andres
Bonifacio kasama ng ilang kilalang tao ay patago at lihim na nagtipon sa Azcarraga,
Maynila upang itatag ang KKK o "Kataas-taasan Kagalang-galang na Katipunan".
Subalit noong pagkaraan ng apat na taon ito ay natuklasan ng mga autoridad at binalak
buwagin.

Dahil dito pinasimula ni Bonifacio at ng mga katipunero ang himagsikan noong Agosto
23 sa pamamagitan ng pagsigaw sa Pugad Lawin. Kalookan, kung saan pinunit nila ang
kanilang mga cedula. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Andres Bonifacio at
Emilio Aguinaldo tungkol sa pamumuno. Dinakip si Bonifacio sa salang pagtataksil sa
bayan. Nahatulan siya ng kamatayan at pinatay ng mga sundalo sa bundok ng Tala,
Cavite noong Mayo 10, 1897.
Antonio Luna

(1869-1899)
Dakilang Heneral

Si Antonio Luna ay ipinanganak noong Oktubre 29, 1869 sa Urbis Tondo, Maynila,
Kapatid niya ang kilalang pintor na si Juan Luna. Ang mga magulang nila ay sina
Joaquin Luna at Laureana Novicio.

Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila at Unibersidad ng Santo Tomas.


Nagtungo siya sa Barcelona at doon siya nag-tapos ng Parmasya.

Habang nasa Espanya ay nakahalubilo niya doon sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena
at Marcelo H. del Pilar. Sama-sama nilang ipinaglalaban doon ang kapakanan ng mga
kababayan nila sa Pilipinas.

Nang siya ay umuwi sa Pilipinas ay naglingkod siya bilang Chemist sa Municipal


Laboratory ng Maynila. Isa rin siyang mahusay na manunulat. Sumulat siya ng mga
artikulo sa "La Solidaridad" noong panahon ng propaganda. Dahil doon siya ay
ipinatapon sa Espanya, at ibinilanggo sa madrid sa hinalang siya ay kasapi ng mga
manghihimagsik.

Nagbalik siya sa Pilipinas.

Nang sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano at Pilipino siya ay sumama sa mga
manghihimagsik ni Heneral Emilio Aguinaldo. Dahil sa kanyang galing at katapangan
ginawa siyang Kalihim-Digma sa Republika ng Pilipinas. Nagtatag siya ng Military
Academy para ihanda niya ang Hukbong Pilipino na lalaban sa mga Amerikano.
Nabingit siya sa kamatayan ng sumuong siya sa mahigpit na labanan sa La Loma.
Natalo siya sa pakikipaglaban ngunit hindi siya sumuko.

Siya ay tunay na bayaning nagmahal sa kanyang bayang tinubuan. Ipinaglaban niya


ang kalayaan nito hanggang sa kanyang huling hininga.

Noong Hunyo 5, 1899 ay napatay siya ng mga sundalo sa Nueva Ecija sa gulang na 30.
Bago paman mangyari iyon ay nakagawa na siya ng sulat na nagsasabing ang kanyang
ari-arian ay mapupunta sa kanyang ina, at ang kanyang katawan ay ibabalot sa bandila
ng Pilipinas bago ilibing.
Apolinario Mabini

(1864-1903)
Dakilang Lumpo

Si Apolinario Mabini ay isinilang noong Hulyo 22, 1864 sa nayon ng Talaga, Tanauan,
Batangas. Ang mga magulang niya ay sina inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Pangalawa siya sa magkakapatid.

Nagmula siya sa mahirap na pamilya. Nakagisnan na niya ang hanapbuhay ng


kanyang magulang na pagtatanim ng kung anu-anong gulay. Kahit naghihikahos
nagsikap ang pamilya niya upang maitaguyod ang kanayang pag-aaral sa Maynila.

Nagtatrabaho siya habang nag-aaral sa San Juan de letran at sa Unibersidad ng Santo


Tomas. Habang nag-aaral ay sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal at naging
aktibo siyang miyembr. Nagtapos siya ng abogasya noong 1894.

Taong 1896 ng magkasakit siya ng 'paralysis' na naging dahilan ng kanyang


pagkalumpo. Lihim siyang ipinatawag ni Aguinaldo at ginawa siyang opisyal na
tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan siya
nito ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Taong 1899 ng si Mabini ay dakipin at ipinabilanggo ng mga Amerikano sa Nueva
Ecija. Sa kulungan ay kanyang isinulat ang "Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang
Filipino."

Enero 5, 1901 ng siya ay ipinatapon sa Guam kasama ng iba pa. Ngunit nagbalik siya sa
bansa noong Pebrero 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamahalaang
Estados Unidos. Nakumbinsi siyang kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano
sapagkat naisip niya na malulutas lamang ang suliranin ng Pilipinas sa pamamagitan
ng pakikipagkaibigan.

Namatay siya sa sakit na kolera sa idad na 39 noong Mayo 13, 1903 sa Nagtahan,
Manila.
Diego Silang

(1730-1763)
Pinuno ng pag-aaklas sa ilokos

Si Diego Silang ay ipinanganak sa Caba La Union noong Disyembre 10, 1730. Ang mga
magulang niya ay sina Mguel Sialng at Nicolasa de los Santos.

Maliit pa siya ay utusan na siya ng mga pari. Lumaki siya sa parokya sa Vigan Ilocos
Sur sa ilalim ng patnubay ng kura paroko. Minsang nautusan siyang lumuwas ng
Maynila lulan ng isang bangka ay sinamampalad na nawasak ang kanilang sinakyan sa
karagatan ng Zambales dahil sa pagdaan ng bagyo.

Nakaligtas silang lahat at nakarating ng baybayin. Subalit nasabat sila ng mga Ita at
napana ang lahat maliban kay Diego. Kinuha ng mga Ita si Diego. Matagal nagsilbi si
Diego sa mga Ita, hanggang sa may magawing pari sa lugar na iyon at siya ay tinubos.
Muli siyang naglingkod bilang utusan ng pari, naging matapat siya kaya
pinagkatiwalaan siyang utusan ng pari sa Maynila. Dahil sa kanyang madalas na
pagbibiyahe ay madalas niyang marinig ang karaingan ng mga tao laban sa mga
kastila.
Taong 1762 ng dumating sa maynila ang mga sundalong Amerikano. Natalo sa labanan
ang mgakastila kaya isinuko ng mga ito ang Maynila. Nagkaroon ng ideya si Diego,
bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang kanyang mga kababayan na lumaban sa mga
kastila, pinamunuan niya ang pag-alsa. Napalayas ni Diego sampu ng kanyang mga
tauhan ang mga opisyales na kastilang namumuno sa kanilang lugar. Ginaya ng mga
mamamayan sa kalapit bayan ang ginawa ni Diego, nag-alsa rin ang mga ito laban sa
mga puti.

Nang makita ng mga kastila na mahirap talunin ang 2,000 katao na mga tauhan ni
Diego ay umupa ang mga ito ng isang taksil na magkunwaring kaibigan ni Diego
upang madali nila itong maipapatay.

Nagtagumpay ang mga kastila, pataksil na napatay nga si Diego ng huwad na kaibigan
sa pamamagitan ng pagbaril nang siya ay nakatalikod, nangyari ito noong Mayo 28,
1763. Subalit hindi doon natapos ang ipinaglalaban ni Diego. Ipinagpatuloy ng kanyang
asawang si Gabriela Silang ang paghihimagsik laban sa mga kastila.
Emilio Jacinto

(1875-1899)
Utak ng Katipunan

Si Emilio jacinto ay isinilang noong Disyembre 15, 1875 sa Trozo, Maynila. Ang mga
magulang niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon na isang midwife or hilot.

Mahirap lamang ang kanyang mga magulang. Nakapag-aral lang siya sa San Juan de
Letran sa tulong ng isang tiyuhin. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo tomas
kung saan kumuha siya ng abogasya. Doon ay naging kamag-aral niya sina Osmena,
Quezon at Sumulong.

Taong 1894 ay sumapi siya sa Katipunan. Labing-siyam na taong gulang siya noong at
siya ang pinakabatang kasapi ng samahan. Mula sa una niyang pakikipaglaban sa
Balintawak at Pasong Tamo ay pinagkatiwalaan at hinirang siya ni Andres Bonifacio
bilang heneral sa hukbo ng Katipunan sa parteng hilaga. Isa siyang dalubhasang
manunulat. Marami ang nagsabi na nahigitan pa niya si Bonifacio. Sapagkat hindi ang
Dekalogo ni Bonifacio ang ginamit ng Katipunan kundi ang sinulat niyang 'Kartilya',
nakapaloob dito ang mga turo ng KKK. Dahil dito kinilala siyang "Utak ng Katipunan
at Himagsikan".

Nagkahiwalay sila ni Bonifacio ng sumiklab ang himagsika. Isang taon pagkaraang


mapatay si Bonifacio, nasugatan si Emilio Jacinto sa Labanan at nadakip siya ng mga
kaaway. Ito ay noong Pebrero 1898, ngunit nakatakas siya at nagtungo siya sa Maynila.

Ipinasiya niyang bumalik muli sa Laguna at doon ipinagpatuloy ang kanayng


pakikibaka, subalit nagkasakit siya. Noong Abril 16, 1899 namatay siya sa sakit na
malaria. Ang kanayng mga labi ay nalalagak ngayon sa "Cementerio del Norte sa
Maynila.
Epifanio Delos Santos

First wise and most studious Filipino

Si Epifanio ay ipinanganak sa Malabon Rizal noong Abril 7, 1871. Nag-iisa siyang anak
ng mayamang mag-asawang sina Escolastico de los Santos at Antonia Cristobal.

Kapwa nakatapos ng mataas na pinag-aralan ang kanyang mga magulang.

Una siyang nag-aral sa Ateneo de Manila at dito rin nagtapos ng Batsilyer en Artes
nang may pinakamataas na karangalan.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Sto. Tomas kung saan siya nagtapos ng
pagka-manananggol, at tulad ng una, siya naman ang nanguna. Sa buong panahon ng
kanyang pag-aaral sa lahat halos ng asignatura siya ang nagkamit ng pinakamataas na
grado.

Siya ang kauna-unahang Pilipinong sumali at naging miyembro ng Royal Academy sa


Madrid. Hinangaan ang kanyang talino dito sa atin at maging sa ibang bansa. Kinilala
siya bilang pinakapangunahing manunulat at mananalaysay, mamumunang
pampanitikan at bihasang-bihasa siya sa ating kasaysayan. Hindi lang iyon ang
kanyang katangian. Isa rin siya mahusay na piyanista at gitarista at isa ring pintor.
Kung tutuusin karapat dapat na siyang tawaging paham sapagkat isa rin siyang
manananggol, bibliograpiko, pilologo at pilosopo.

Taong 1896, panahon ng himagsikan ay naging miyembro siya ng Editoryal na


pahayagang La Independencia na pag-aari ni Heneral Antonio Luna.

Naglingkod siya sa pamahalaang Amerikano bilang piskal sa Nueva Ecija at naging


gobernador din siya doon. Nahirang din siyang hukom sa Unang Dulugan at
pagkatapos ay naging direktor ng Philippine Library Museum ng Pilipinas.

Namatay si Epifanio De Los Santos noong Abril 28, 1928. Bilang pagkilala sa kanyang
mga nagawa para sa bayan ay ipinangalan sa kanya ang maraming lansangan at ilang
paaralan.
Francisco Dagohoy

Pinuno ng pag-aaklas sa Bohol

Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang pinakamahabang pag-aaklas sa kasay-sayan ng


Pilipinas. Ito ay ang pag-aaklas sa Bohol na nag-umpisa taong 1744 hanggang 1829.

Nang mapatay ng isang konstable ang kapatid ni Francisco Dagohoy ay doon nag-
umpisa ang pag-aaklas. Labis na dinamdam ni Dagohoy ang pagkamatay ng kanyang
kapatid. Sinunod lamang ng kanyang kapatid ang utos ni Padre Morales, isang pareng
heswita na hulihin ang isang masamang tao subalit sa kasamaang palad ito ang
napatay.

Sa kagustuhan ni Dagohoy na mabasbasan ang bangkay ng kanyang kapatid ay dinala


niya ito kay Padre Morales para basbasan subalit tinanggihan ito ng pari sa
kadahilanang humihingi pa ito ng bayad sa pagbabasbas.

Lalong nagsiklab ang galit ni Francisco Dagohoy. Sinabi niyang hindi dapat humingi ng
bayad ang pare dahil namatay ang kanyang kapatid dahil sa pagsunod sa utos nito.
Hinimok niya ang lahat na mag-aklas at umanib naman halos lahat ng tao sa isla na
iyon.

Inabot ng 85 taon ang pag-aklas.

Taong 1827 nang umpisahan ni Gob. Heneral Ricafort ang pagsalakay sa mga tauhan ni
Francisco Dagohoy sa Bohol.

Dahil doon humina ang loob ng mga nag-aaklas. Sumuko ang mga tauhan ni Francisco
Dagohoy noong Agosto 31, 1829.
Graciano Lopez Jaena

(1856-1896)
Propagandista

Si graciano Lopez Jaena ay ipina-nganak noong Disyembre 17, 1856 sa Jaro Iloilo. Ang
mga magulang niya ay sina Placido Lopez at Maria Jacoba Jaena.

Sa seminaryo ng Jaro siya nagtapos ng Pilosopiya at mga paring Paulista ang kanyang
mga naging guro.

Dahil sa nakita niyang hindi magandang ugali at pamamalakad ng mga pari ay isinulat
niya ang "Fray Butod" upang tuligsain ang mga kasamaan nito. Nagalit ang mga pari sa
kanya. Tumakas siya at nagtungo sa Madrid sa Espanya at doon ay nag-aral siya ng
medisina sa Unibersidad ng Valencia ngunit tumigil pagkalipas ng isang taon sapagkat
nakibahagi siya sa pulitika. Tumigil siya doon sa loob ng labinlimang taon. Habang siya
ay naroon ay nagsulat siya ng sari-saring babasahin na inakala niyang magpababago at
magpapabuti sa mga palakad ng mga Kastila sa Pilipinas.
Siya ay isang mahusay na orador. Itinatag niya ang "La Solidaridad" at siya ang naging
unang editor nito.

Taong 1890 ng siya ay bumalik sa Pilipinas upang mangalap ng tulong pinansiyal sa


kanyang mga kababayan. Muli siyang nagbalik sa Espanya at ipinagpatuloy ang
kanyang gawain.

Naghirap siya sa buhay at namatay siya sa Barcelona noong Enero 20, 1896 dahil sa
sakit na tuberkulosis.
Melchora Aquino

(1812-1919)
Ina ng Himagsikan

Siya ay kilala sa tawag na Tandang Sora noong kanyang katandaan. Ipinanganak siya
sa Gulod Banilad Balintawak noong Enero 6, 1812. Ang mga magulang niya ay sina
Juan Aquino at Valentina de Aquino.

Sa kagubatan ng Balintawak siya nanirahan. Hindi siya nakapag-aral dahilan sa


kahirapan, subalit taglay niya ang kabaitan at mabuting ugali ng pakikipagkapwa.
Napangasawa niya si Fulgencio Ramos subalit nabiyuda siya nang maaga.

Nang sumiklab ang himagsikan, si Tandang Sora ay 84 na taong gulang. Taong 1896 ng
magpakita ng labis na kalupitan ang mga Kastila nahigingan ng mga ito na malapit
nang maghimagsik ang mga tauhan ni Bonifacio.

Maraming kalalakihan ang hinuli at pinarusahan, pilit na pinaaamin tungkol sa lihim


na samahan ng Katipunan at kapag hindi umamin ay kanilang pinapatay sa
pamamagitan ng pagbaaril o di kaya ay pagbitay. Ang ibang nakatakas ay nagtago sa
Balintawak sa lugar ni Tandang Sora.

Lahat ng taong dumulog kay Tandang Sora ay kanyang tinutulungan. Pinakakain niya
ang mga rebulusyunaryong nagugutom, ginagamot ang mga sugatan. Subalit hindi
niya pinababayaang magtagal sa poder niya ang mga ito. Binibigyan niya ang mga ito
ng baong pera at pagkain at saka pinatatakas patungo sa ligtas na lugar na maaaring
pagtaguan ng mga ito.

Nakarating sa kaalaman ng mga kastila ang ginagawang pagtulong ni Tandang Sora sa


mga miyembro ng Katipunan. Hinuli siya ng mga kawal Kastila at dinala sa Maynila.
Ipinatapon siya sa pulo ng Marianas.

Bumalik lamang si Tandang Sora sa Pilipinas noong 1903 ng mapasailalim ito sa kamay
ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya noon at wala na siyang natitirang ari-
arian.

Namatay siya noong Marso 2, 1919 sa edad na 107.


Source:

http://www.gintongaral.com/mga-bayani

You might also like