You are on page 1of 8

COVID-19 FAQS

A. MGA PANGUNAHING IMPORMASYON

ANO ANG CORONAVIRUSES?

Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t ibang


sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malubhang mga impeksyon
tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring magdulot ng iba’t
ibang sakit sa mga hayop.

ANO ANG NOVEL CORONAVIRUS?

Ang novel coronavirus ay isang bagong uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa


mga tao noon. Ito ay nagdulot ng malalang pneumonia sa ilang tao sa bansang China
at kumalat na sa iba pang mga bansa at syudad.

Noong ika-12 ng Pebrero ng kasalukuyan taon ay ipinahayag ng World Health


Organization (WHO) na ang kasalukuyang sakit na novel ay opisyal nang pinangalanan
at tinatawag na Coronavirus Disease 19 o COVID-19, at ang virus na ay tinatawag na
COVID-19.

SAAN NAGMULA ANG COVID-19?

Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa
gaanong kilala sa Wuhan, China at naireport sa WHO. Napag-alaman na lamang na
ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus. Ang coronavirus
na ito ay karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at hindi pa nakita sa mga tao
noon.

DAPAT BA AKONG MABAHALA SA COVID-19?

Normal lamang ang makaramdam ng pagkabahala dahil sa kasalukuyang pagkakaroon


ng COVID-19 sa ating bansa lalo na para sa iyong sarili at mga mahal sa buhay.
Samantala, ang karamihan sa mga kaso ng COVID-19 (81%) ay mayroong bahagyang
mga sintomas lamang lalo na sa mga bata at young adults. Maliit lamang ang
posibilidad na kakailanganing maospital ng mga apektadong pasyente.

Sa kabilang banda, siguraduhing proteksyunan ang sarili upang maiwasan ang pagkalat
ng COVID-19 virus sa iyong mga mahal sa buhay at komunidad. Ugaliing gawin ang
tamang paghuhugas ng mga kamay, social distancing, at tamang pag-ubo. Bukod dito,
maaaring sundin ang mga payo at abiso mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal
partikular na ang pag-iwas sa mga malawakang salu-salo o pagpunta sa mga mataong
lugar.
B. CORONAVIRUS DISEASE 2019
SAAN NAGMULA ANG COVID-19 VIRUS?

Ang COVID-19 ay nagmula sa mga hayop. Posible na ito ay nagmula muna sa mga
hayop bago naapektuhan o naisalin sa mga tao. Samantala, ang pinagmulan ng
COVID-19 virus ay kasalukuyan pang inaalam at inaaral.

Ang coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na pangkaraniwan sa mga


hayop. May mga pagkakataon ang mga tao ay nahahawaan ng mga virus na ito tulad
ng SARS-CoV na mula sa tinatawag na civet cats at MERS-CoV na galing naman sa
tinatawag na dromedary camels.

Para makaiwas sa mga posibleng virus mula sa mga hayop, iwasan ang direktang
kontak o paghawak sa mga hayop, siguraduhin ang food safety sa lahat ng oras, ayusin
ang paghahanda sa mga hilaw na karne, gatas o mga iba parte ng katawan ng hayop
upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga di lutong pagkain, at iwasang kumain o
uminom ng mga hilow o di lutong produkto mula sa mga hayop.

GAANO KAHABA ANG INCUBATION PERIOD?

Ang incubation period ay ang panahon sa pagitan ng pagka-expose sa infection at sa


unang paglabas ng sintomas.

Base sa WHO, ang kasalukuyang incubation period para sa COVID-19 ay mula isa (1)
hanggang labingdalawa’t kalahating (12.5) araw. Ito ay maaaring magbago sa oras na
maibigay sa DOH ang bagong impormasyon. Base sa MERS at SARS noon, umaabot
ng 14 na araw ang incubation period. Sa COVID-19, inirerekumenda ng WHO na i-
monitor ng 14 na araw ang mga may kumpirmadong kaso

PAANO NAIKAKALAT O NAIPAPASA ANG COVID-19?

Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pagsagap ng mga malilit na talsik


ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong may COVID-19. Ito
ay karaniwang nangyayari sa mga taong may malapitang pakikisalamuha sa may sakit
– tulad ng mga kapamilya at healthcare workers kaya mariing pinapayo na panatilihin
ang isang metrong layo sa mga taong may sintomas tulad ng pag-ubo at pagbahing.

GAANO NAGTATAGAL ANG VIRUS SA MGA BAGAY O KAGAMITAN?

Base sa WHO, wala pang kumpiramadong oras kung gaano nagtatagal o nagsu-survive
ang virus ng COVID-19 sa mga bagay o kagamitan. Subalit maaaring tulad ito ng ibang
coronaviruses. Ipinapakita sap ag-aaral na ang coronaviruses ay maaaring mag-survive
sa mga bagay o kagamitan sa loob ng maiksing oras hanggang sa ilang mga araw
depende sa iba’t ibang kondisyon (hal. Uri ng kagamitan, temperature, at humidity sa
kapaligiran).

LIGTAS BANG TUMANGGAP NG MGA PACKAGE MULA SA CHINA?

Oo. Mula sa aming pagkakaalam sa mga coronavirus, hindi sila nagsu-survive nang
matagal sa mga bagay tulad ng packages o mga sulat. Kaya ang pagtanggap ng mga
package mula sa China ay hindi nagsisilbing panganib upang makakuha ng virus ang
tatanggap nito. 

ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG COVID-19?

Base sa WHO, ang mga karaniwang sintomas na dulot ng COVID-19 ay lagnat,


pagkapagod, at dry cough. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas ng sipon at baradong
ilong, sore throat, o diarrhea. Habang isa (1) lamang sa anim (6) na pasyente ang
nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging malubha ang kalagayan.

LAHAT BA NG INDIBIDWAL NA MAY COVID-19 AY NAGPAPAKITA O NAKARARANAS NG MGA


SINTOMAS?

May ilang mga indibidwal na hindi nagkakaroon ng sitomas at hindi nakararamdam ng


anumang sakit.

MAAARI BANG MAHAWA NG COVID-19 MULA SA TAONG WALANG SINTOMAS?

Ang panganib na mahawa sa ng COVID-19 mula sa taong walang sintomas ay


napakababa. Tandaan, ito ay naipapasa lamang sa pamamagitan ng maliliit na talsik ng
laway mula sa ubo ng taong infected nito. Kung hindi uubo ang taong infected, Malaki
ang posibilidad na hindi siya makahawa ng iba. Subalit may mga taong infected ng
COVID-19 na nakararanas nang mga banayad na mga sintomas lamang. Ito ay
partikular na nangyayari sa maagang yugto ng sakit. Samakatuwid, posibleng mahawa
ang isang tao sa taong infected ng COVID-19 na mayroong banayad na ubo lamang.

SINO ANG MAS POSIBLENG MAGKAROON NG MALUBHANG SINTOMAS?

Ang mga nakatatanda na mayroon ng kondisyong medikal tulad ng high blood pressure,
mga problema sa puso o diabetes ay ang mas posibleng magkaroon nang malubha o
kritikal na anyo ng COVID-19.

NAKAMAMATAY BA ANG COVID-19?


Ang COVID-19 ay maaaring nakamamatay, ngunit madalang itong mangyari. Base sa
WHO, 82% ng mga infected na pasyente ay may banayad lamang na representasyon,
15% ang may malubhang manipestasyon, habang 3% lamang ang nagiging kritikal.
Base sa nabanggit sa itaas, ang mga nakatatanda, nakumprumisong immune system,
at mga taong mayroon nang naunang kondisyong medikal gaya ng diabetes at sakit sa
puso ay ang mas madaling kapitan ng sakit dahil sa virus. Nasa 2% lamang ng mga
infected ang namatay dahil sa sakit.

MAY GAMOT AT BAKUNA NA BA PARA SA COVID-19?

Sa ngayon, wala pang gamut o bakuna laban sa COVID-19. Subalit marami sa mga
sintomas ang maaaring magamot base sa clinical condition ng pasyente. Ang
supportive care para sa mga taong infected ay lubos na epektibo sapagkat marami ang
naka-recover ditto sahil laman sa supportive care.

Kasalukuyang dine-develop at sinusuri sa pamamagitan ng mga clinical trial ang mga


bakuna at partikular na mga gamut. Ang WHO at DOH ay nakikipag-ugnayan sa mga
nagde-develop ng mga bakuna at gamot upang malaman ang mga posibleng
pagkukuhanan nito.

Sa kabilang banda, ang DOH ay aptuloy na pinapayuhan ang publiko na regular at


madalas na maghugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong gamit ang tisyu o loob ng
siko sa tuwing uubo, at panatilihin ang isang metrong distansya mula sa mga umuubo o
bumabahing (para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Section ng Protective and
Preventive Measures). 

PAREHO BA ANG COVID-19 SA SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME (SARS)?

Hindi. Ang COVID-19 at ang SARS-CoV ay parehong coronaviruses at genetically na


nauugnay sa isat’isa, subalit sila ay magkaiba. Ang SARS ay mas nakamamatay ngunit
mas lubos na nakahahawa ang COVID-19.

C. PROTEKSYON AT PAG-IWAS

ANO ANG AKING MAGAGAWA UPANG MAIWASANG MAIKALAT ANG COVID-19?

Pinapayuhan ng DOH ang publiko na gawin ang sumusunod na protective measures.


Ito pa rin pinaka mabisang paraan upang maprotektahan ang sarili sa COVID-19.

a. Regular na maghugas ng kamay. Hugasan ang kamay ng sabon at malinis na tubig


nang hindi bababa sa 20 segundo. Gumamit ng alcohol-based sanitizer kung walang
sabon at tubig.
b. Sundin ang tamangparaan ng pag-ubo: 
      i.Takpan ang ilong at bibig ng tisyu o manggas ng damit o loob ng siko sa tuwing
uubo o babahing.
     ii.Lumayo sa mga tao kung babahing o uubo
    iii.Huwag dumura kung saan-saan
    iv.Itapon ang ginamit na tisyu sa tamang tapunan.
     v.Laging maghugas ng kamay pagkatapos umubo o bumahing
    vi.Gumamit ng hand sanitizer o alcohol

c. Panatilin ang isang metrong distansya sa mga taong may respiratory symptoms

d. Iwasan ang hindi protektadong paghawak at paglapit sa mga farm at wild animal
(buhay o patay)

e. Siguraduhing naluto nang mabuti ang pagkain

ANO ANG PINAKAEPEKTIBONG PROTEKSYON LABAN SA COVID-19?

Ang paghuhugas ng kamay ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang lahat
ng virus infection kasama na ang COVID-19.

KAILANGAN KO BANG MAGSUOT NG MASK UPANG MAPROTEKTAHAN ANG AKING SARILI LABAN
SA COVID-19?

Hindi. Ang mga taong walang respiratory symptoms ay hindi na kailangang magsuot ng
medical mask. Inirerekomenda ng DOH na ang gagamit lamang ng medical mask ay
ang sumusunod:

     a. Mga taong may sintomas ng COVID-19;

     b. Mga nag-aalaga sa mga indibidwal na may sintomas tulad ng ubo at lagnat; at

     c. Healthworkers.

Ang pinakaepektibong paraan upang maprotektahan ang sarili at iba laban sa COVID-
19 ay ang regular na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng bibig at ilong gamit ang
tisyu o loob ng siko sa tuwing uubo, at pagpapanatili ng isang metrong distansya mula
sa mga umuubo o bumabahing (para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Section ng
Protective and Preventive Measures).

PAANO ANG TAMANG PAGGAMIT AT PAGTAPON NG MEDICAL MASK?

1. Bago kumuha ng hindi pa gamit na mask, maghugas muna ng kamay gamit ang
sabon at tubig o magpahid ng alcohol-based sanitizer.
2. Kuhanin ang mask at suriin kung may punit o butas.

3. Alamin kung nasaan ang metal strip, ito dapat ang itaas na parte.

4. Ang may kulay na parte ang dapat na nasal abas.

5. Ilagay na ito sa mukha na natatakpan ang ilong at bibig. I-molde ang metal strip sa
ilong.

6. Hilahin ito hanggang sa baba.

7. Matapos gamitin, hubarin, hawakan lamang ang mga strap na nakakabit sa tenga.

8. Huwag hayaang madikit ang labas na parte sa iyong mukha o damit.

9. Iwasang hawakan ang labas ng parte ng mask 

10. Itapon ang mask sa basurahang may takip.

11. Maghugas ng kamay.

ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA OSPITAL NA MAY COVID-19 PATIENT/S UNDER
INVESTIGATION (PUI)?

Responsibilidad ng designated disease surveillance coordinators ng mga ospital ang


paunang imbestigasyon sa mga may posibleng kaso ng COVID-19 sa kanilang health
facility.

Agad ding dapat ipaalam ng healthcare providers sa mga infection control personnel sa
kanilang healthcare facility kapag may posibleng kaso ng COVID-19 at i-report sa
Municipal Health Officer o City Health Officer para sa verification at initial investigation.
Ang MHO o CHO naman ang magre-report sa Regional Epidemiology Surveillance Unit
gamit ang Event-Based Surveillance System ng Epidemiology Bureau ng DOH.

Hinihikayat din ng Department of Health ang mga health worker na maging


mapagbantay at magdoble-ingat kapag nakikipagsalamuha sa mga pasyenteng may
respiratory infection lalo na sa mga may nagdaang paglalakbay sa China.

Lahat ng health facility sa bansa ay hinihimok na paghusayin pa ang kanilang standard


infection prevention and control practices, lalo na ang mga emergency department.

D. PAGLALAKBAY
ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NAKARARANAS NG SINTOMAS NG COVID-19 AT NAGKAROON
NG MALAPITANG PAKIKIPAGSALAMUHA SA TAONG MAY NAGDAANG PAGLALAKBAY SA CHINA,
O NAGTUNGO SA BANSANG MAY KUMPIRMADONG KASO NG COVID-19?

Ang mga pasyente, partikular na ang mga manlalakbay mula China na may sintomas
ng lagnat at ubo ay marapat na agad na magpakonsulta sa ospital. Ang mga pasyente
naman na walang sintomas ay pinapayuhan na sumailalim sa 14-day home quarantine.

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG NAKARARANAS NG MGA BANAYAD NA SINTOMAS NA TULAD NG
SA TRANGKASO NGUNIT HINDI NAGLAKBAY SA CHINA O IBA PANG BANSA NA MAY
KUMPIRMADONG KASO NG COVID-19, O HINDI NAGKAROON NANG MALAPITANG
PAKIKIPAGSAMALUHA SA SINUMANG NAGLAKBAY

Sa kasong ito, hindi na kailangang magpa-test para sa COVID-19. Kumonsulta sa


pinakamalapit na health facility.

MAYROON BANG TRAVEL RESTRICTION NA IPANATUTUPAD?

Ang mga travel restriction ay maaaring magbago sa anumang panahon base sa mga
development na nangyayari. Ito ay magbabase sa sa desisyon ng Inter-Agency Task
Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ayon sa maigting na risk
assessment ng kasalukuyang sitwasyon.

PINAPAYAGAN BANG MAKABALIK NG PILIPINAS ANG MGA OVERSEAS FILIPINOS MULA SA MGA
BANSANG MAY KUMPIRMADONG KASO NG COVID-19?

Oo. Ang DOH ang responsable sa kanila sa kanilang pagbabalik bansa. Sa kanilang
pagdating, sila ay dadalhin sa health facility para sa monitoring at iba pang medical
management sa loob ng 14 na araw. Kung may lagnat at/o ubo sa kanilang pagdating,
agad itong ipaaalam sa mga medical officer nan aka-duty sa airport o seaport.

E. PAGTUGON NG PUBLIC HEALTH SA KASALUKUYANG SITWASYON


SAAN MAKAKUKUHA NG IMPORMASYON ANG PUBLIKO UKOL SA COVID-19?

Makakukuha ng impormasyon ang publiko ukol sa COVID-19 sa mga official press


releases ng DOH, website, at social media platfoms. Maging maingat sa mga fake news
na kumakalat online at laging i-verify ang sources ng impormasyon.

ANO ANG GINAGAWA NG DOH AT IBA PANG AHENSYA UPANG MAPIGIL ANG GANITONG
SITWASYON?
Masugid na mino-monitor ng Department of Health ang mga indibidwal na mayroong
mga sintomas at may nagdaang paglalakbay sa China at iba pang bansang may
kumpiramdong kaso ng COVID-19. Nakikipag-ugnayan ang DOH sa WHO at China
Center for Disease Control para sa mga update. Mahigpit na mino-monitor ng DOH ang
mga repatriate o mga Pilipinong galing sa Wuhan, China at M/V Diamond Princess sa
Japan. Patuloy na isinasagawa ang contact tracing sa mga may positibong kaso upang
matiyak na hindi kumalat ang virus sa bansa.

Binuo rin ng DOH ang Interagency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases (IATF-EID), ang ahensyang nakatalaga sa pamamahala ng lahat ng
kahandaan at pagtugon sa COVID-19. Binuo rin ang DOH Emergency Operation Center
(DOH EOC) for COVID-19, ang command center na nakatalaga para sa pagsasaayos
ng mga update at impormasyon sa mga patuloy na nangyayari ukol sa COVID-19.

Sa pagpaparating ng mga impormasyon sa publiko, nagsasagawa ng press briefings


ang DOH tatlong beses sa isang lingo upang masiguro ang transparency at
accountability ng gobyerno.

Pinaghusay rin ng DOH ang kapasidad ng coronavirus laboratory testing, kahandaan ng


mga ospital, mabilis na pagtugon, risk communication at pagpaparating ng mga
impormasyon.

Habang ang Bureau of Quarantine ay patuloy na nagtatrabaho kasama ang mga airline
at airport authorities upang palakasin ang border surveillance habang pinagtitibay
naman ng Epidemiology Bureau ng DOH surveillance sa komunidad.

You might also like