You are on page 1of 23

Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Purihin si Śrī Śrī Guru at Gaurāṅga


Mabuhay ang Kanilang Kadakilaan

Ang Kamulatan para sa Kamalayan kay Kṛṣṇa


Ay Pawang Pag-iibigan at Puro Kariktan
Sa pagpasok ng ika-dalawampung siglo, isang makatang taga
Bengal, si Hemachandra, ang noo’y nagsulat ng ganito,
‚Napakaraming bansa ang pumapaimbulog sa katanyagan, anya:
‘ito, ‘iyan, at ‘yun, at kung sino-sino pa—tignan mo ang bansang
Japan bagamat maliit na bansa lamang, ay matindi ang pagsikat.
At tila ata ang India na lamang ang mahimbing na natutulog.‛
Subalit noong binabanggit na ni Hemachandra ang nasa iba pang
bahagi ng mundo, ganito ang kanyang nasabi, ‚Ito namang
Amerika, tila ata pati buong mundo ay gustong isubo habang
pumapa-imbulog. Kung humiyaw animo’y nakikipagdigmaan, at
palaging gusto ng away, at dahil sa sobrang takot ang buong
mundo nangatog ang tuhod. Masyado kasing mainit ang bansang
Amerika na tila ata pati na ang nasa kalawakan ay gusto pang
pakialaman at ang gusto’y siya na rin ang magpapatakbo.‛
Ganito ang naging paglalarawan ni Hemachandra. Tulad noong
pumunta sa Kanluran si Bhaktivedānta Swāmī Mahārāj upang
ito’y hubugin sa kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa. Hindi
ba’t noong una pa man ay nagyaya na siya, ‚Halikayo,‛ ang sabi
niya, ‚doon naman tayo magpunta, at turuan natin sila nitong
kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa at nang maging maayos
naman ang kanilang buhay.‛

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 1


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Bakit, ano po ba ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa?


Ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay tungkol po sa
tunay at wagas na pag-iibigan, tungkol sa kagandahan at
kariktan. Sa palagay ninyo ano po ba ang dapat mangibabaw sa
mundo, ang tunay at wagas na pag-iibigan at kagandahan o ang
personal na hangarin, na tayo’y makapagsamantala. Kadalasan,
kapag nakakakita tayo ng magaganda, hindi ba’t ang gusto natin
ito’y agad matikman, pero ang hindi natin alam, sa totoo lang,
ang kagandahan at kariktan ang nauna, tayo ay kanya munang
nabighani ng kanyang kariktan at kagandahan. Kung ganoon,
ang amo natin ay itong kagandahan, at kanyang kariktan, dahil
siya ang naunang nang akit sa atin.

At ano naman ang pag-ibig? Ang ibig sabihin po ng pag-ibig


ay pasasakripisyo. Subalit pagsasakripisyo para kanino? Ito po
ba’y para sa interes natin? Hindi po. Kung hindi, kanino? Sino
ang dapat makinabang? Sila po ba ay nandito sa hanay natin?
Hindi din po. Dahil kabilang po tayo sa grupo ng dapat
magsakripisyo, sa mga nasa ibaba, nasa negatibong partido, nasa
ilalim ng partido ni Mahābhāva. Kung ang batayan ng pag-ibig
ay nasa pagsasakripisyo, kung ganoon, kanino tayo dapat
nagsasakripisyo? At sino ang dapat makinabang? Ang pag-ibig
po. Siya po ang dapat makinabang. Kaya nga dapat, lahat tayo,
ang bawa’t-isa ay nag-aambag para sa pinaka-sentro nang lahat,
kaya lamang hindi ganito ang nangyayari. Pero tayo, patay kung
patay, kung kinakailangang ‚mamatay upang mabuhay‛, ito ang
ating gagawin. Kaya ang pakiusap ko, dapat ang diwa nito ang
dapat manaig sa isipan at damdamin natin, magsama-sama tayo,
kumilos tayo para sa tunay na pag-iibigan at kariktan.

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 2


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Bandila ng Pag-iibigan

At tuluyan ng maging matagumpay at palaging


nangingibabaw sa mundong ito ang kagandahan at kariktan. At
ganun din ang pag-iibigan. Ang kailangan lamang natin ay ang
magsakripisyo, ang isakripisyo ang lahat ng bagay upang makita
nating nagwawagayway sa buong mundo ang bandila ng banal
na pag-iibigan, dahil kahit katiting lamang ng banal na pag-
iibigan ay sapat na upang makapagdulot ng kapayapaan sa lahat
ng panig at sulok ng mundong ito. Tulad ng pakikipaghamok
nang mga sundalo sa isang digmaan, kahit buhay ay handa
nilang ialay para sa kalayaan ng bayan, dapat ganun din tayo,
kaya din nating isakripisyo ang ating buhay sa ganitong klaseng
gawain din at ng malasap naman nang lahat ang tunay na
kapayapaan.

Sa Vṛndāvan, doon sa lupain ni Kṛṣṇa, ang panuntunan ng


pagsasakripisyo ay walang-hangganan, ito’y patuloy at walang-
tigil nilang ginagawa. Ang mga deboto doo’y nakahanda upang
isakripisyo ang lahat ng bagay para lamang kay Kṛṣṇa. Kaya
kapag ang ganitong klaseng prinsipyo ng buhay ang naghari sa
atin, ang kapayapaan ay awtomatiko din nating makakamtan.

Sa lahat ng konsepto ng paniniwala, ang kamulatan para sa


kamalayan kay Kṛṣṇa ang pinakamataas, kaya ito ang dapat
manaig. Dahil ang lahat ng iba pang konsepto ng paniniwala ay
masmababa. Lahat ng taga-Vṛndāvan, lahat ng nasa lupain ni
Kṛṣṇa, ay nagpakita ng magandang huwaran kumpara sa iba.
Tulad ng konsepto ng līlā ni Sri Chaitanya Mahaprabhu na kapag
ipinaghambing natin sa iba, sa lahat ng konsepto ng paniniwala,

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 3


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

makikita natin na ito’y higit talagang masmataas sa kanila. Dahil


hindi maikakailang narating na nito ang pinaka-rurok ng
paniniwala tungkol sa Diyos. Walang-alinlangan, ito na ang
pinakamataas na hantungan, kaya dapat ito’y unti-unti din nating
ipinapaliwanag sa lahat, pinag-uukulan ng pansin,
pinaniniwalaan at ipinapangaral.

Atomikong Kamatayan

Ano ang katuturan ng ganitong kaalaman kung ang lahat ng


ito’y hindi naman natin pinaniniwalaan? Meron po ba? May
kabuluhan po ba? Hindi ba’t lahat ay mauuwi din sa kamatayan?
Hindi ba’t ang sabi pa nga nila, ang sibilisasyong ito’y moderno
at asensado na, sa dami ng nadiskubre ng siyensa, ito’y labis-labis
na, at ito’y maaari na nating ipinagmamalaki pa, pero kaya
lamang, tila ata nakalimutan ninyo na sa bandang-huli, may
naghihintay sa ating lahat, at ito ay ang kamatayan, atomikong
kamatayan o kaya natural na kamatayan. Basta ang malinaw,
kailanma’y hindi ninyo nalampasan ang kamatayan. Walang
sinoman sa inyo ang nanaig o nanalo sa kamatayan. Tulad ng
sinabi ng isang makatang Englishman sa kanyang aklat:

Magtampisaw ka man sa labis na kapangyarihan,


ibandera mo man ang iyong kahambugan,
Ang kanyang kariktan at dulot na karangyaan,
Tulad ng iba, paroroon din sa di-maiiwasang kalagayan:
Dahil ang lahat ng ito, ang hantungan ay libingan.
---Thomas Gray isang malungkot na tula para sa mga naulila ng
namatay

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 4


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Bakit ang bagay na ito’y ayaw ninyong pansinin, ayaw


ninyong lutasin, hindi ba’t totoo naman talaga na sa lahat, ito na
ang pinakamatinding problema. Hindi ba’t kayo pa nga mismo
ang nagsabi na kayo‘y mahusay at magagaling na tao, at mga
kagalang-galang pa sa lipunan? Hindi ba’t ang pinaka-problema
talaga nang bawat atomo dito sa mundo ay itong kamatayan?
Kung ganoon, bakit hindi ninyo lutasin ang problemang ito.
Meron ba kayong ginawang solusyon dito, hindi ba’t alam nating
lahat, ito na ang pinakamatindi sa lahat ng problema. At lahat
tayo ay kanyang hinihintay at gustung-gusto nang lamunin.
Hindi po ba? Hindi ba’t sa usaping ito, kahit sino, kahit
siyentista, insekto, o mikrobyo, lahat ay apektado. Ang tanong,
ano ang naging solusyon ninyo laban dito? Ano ba ang naging
hakbang ninyo upang malutas ang problemang ito na malaganap
sa sandaigdigang ito? Hindi ba’t puro pagsasamantala lamang
ang ginawa ninyo, kaya tuloy, bumaba nang husto ang buhay ng
tao, dahil sa reaksyon ng mga turo ninyo. Hindi ba’t totoo naman
talaga na pinagsamantalahan ninyo ang kalikasan? Hindi bale,
lahat namang ito’y tiyak na pagbabayaran ninyo, lahat ng
nagsamantala at nakinabang.

Hindi ba’t kayo din mismo ang nagsabi nito, na, ‚sa bawat
kilos at galaw ay may katumbas na ganti at reaksyon.‛ Hindi po
ba? Kung ganoon, ang tanong ano ang ginawa ninyo sa paglutas
ng problemang ito? Hindi ba’t pumalpak kayo, hindi ba’t ang
sabi ninyo gaganda ang buhay ng tao, e bakit parang napahamak
pa ata ang tao sa mundo. Ito ba ang gusto ninyong mangyari? Na,
sa halip na magbigay kayo ng solusyon sila’y pinabayaan pa
ninyo. Hindi ba’t ang sabi, sa lahat, ang kamatayan ang pinaka-

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 5


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

mapanganib na problema nating lahat? Kung ganoon, ano ang


naging salusyon ninyo dito? Hindi ba’t ito’y pagsasayang lamang
ng buhay ninyo. Isa lamang ang ibig sabihin nang lahat ng ito,
ang lipunan ay pinagtaksilan ninyo. Kaya kung talagang
matapang kayo, halikayo, ito ang harapin ninyo, lutasin ninyo,
dahil ito ang tunay na problema nating lahat, hindi ba’t ang
naging katwiran pa nga ng iba, ito’y karaniwan lamang, oo nga,
sabihin nating ganun na nga, subalit hindi ba’t ito’y isang
suliranin parin, at sa lahat, ang pinaka-mapanganib? Kung ayaw
ninyo dahil hirap kayo, iwan ninyo, umalis kayo. Umalis na kayo
at kami na lang ang gagawa.

Kami na lang. Patutunayan namin sa inyo na may isang


perpektong mundo, totoo at tunay na mundo, na punung-puno
nang kaligayahan, viśvaṁ pūrṇa sukhāyate.
Sumisid sa Ilalim ng Realidad

Subalit hindi ganun kadali upang ito’y ating maunawain,


kailangan muna nating sumisid ng malalim, hindi sa antas ng
kamulatan tungkol sa ating katawan at isipan, kundi sa antas ng
kaalaman tungkol sa kaluluwa. Ito ang ating sisisirin, ang
katotohanan na nasa kaloob-looban natin. Ito’y hindi tulad sa
isang materyal na bagay na maaari muna nating hiramin, tignan
at suriin o kayang utangin, lahat tayo, ang bawa’t-isa sa atin may
kaluluwa, maging ang mga puno at insekto ay may kaluluwa din.
Ito ang dapat muna nating malaman. Subalit papaano natin
makikilala ang ating sarili kung tayo’y patuloy na nakakulong
parin, nasa loob parin ng pisikal at mental na kulungan. Nasa
kaluluwa ang susi nang lahat ng ito, ang kaluluwa ang

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 6


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

palatandaan para sa tunay at totoong mundo na masarap tirhan,


na magiging matiwasay ang inyong buhay.

Noon pa man ay may solusyon na. Marami nang mahājans,


mga dakila at mataaas na tao ang nagsasabi ng tungkol dito, nang
tungkol sa ibang mundo. Hindi ba’t ganito din ang sabi ng mga
dakila at magigiting na banal na tao ng iba’t-ibang relihiyon sa
mundo. Subalit para sa amin, sa lahat ng konsepto ng paniniwala,
ang India ang nakapagpalabas ng pinakamataas na konsepto ng
paniniwala tungkol sa espirituwal na mundo, at ito’y nandun sa
Bhagavad-gītā at sa Śrīmad Bhāgavatam. Kaya, hinahamon namin
kayo. Ang sinasabi nami’y hindi isang imahinasyon o likha
lamang ng aming isipan, kundi sintido-kumon lamang, ito pa
lang ang ginamit namin. Hindi kami tulad ng iba na agad nang
sumusuko, ‚Naku, masyado na itong malala. At hindi na kayang
ayusin pa.‛ Alam ninyo, hindi kami mahilig sa porma at hindi
din kami mahilig magyabang. Maslalung ayaw naming
mapagbintangan na kami’y mga bulaan at nanloloko lamang.
Kung ako sa inyo, halikayo at tignan ninyo, kayo mismo ang
tumingin para malaman ninyo kung ang sinasabi namin ay tunay
ngang totoo. Kahit na ano pa ang kakayahan mo, walang-
problema, ito’y sapat na. Kaya, halina kayo, at subukan naman
ninyo ang aming programa.

Saanman kayo naroroon. Kahit na sino pa kayo. Tiyak na


malalaman ninyo ang totoong kalagayan ng mundo. Kahit na
magbasa pa tayo ng Koran, Bibliya o kaya ng Vedas, o ng kahit na
anumapang banal na aklat, hindi ba’t palaging may sinasabi
silang isa pang klase ng buhay, na tunay at totoo. Hindi po ba? O

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 7


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

baka naman, para sa inyo, masmasarap ang maging materyalista?


Kung ako sa inyo, hindi po ako basta-basta maniniwala sa mga
pinagsasabi nila, dahil ang sinasabi nilang kariktan, kahali-halina
at napakaganda ay para lamang sa mga utu-uto, sa kapwa nila
manloloko. Walang-alinlangan na kakalad-karin lamang kayo ng
mga ganitong klaseng tao, mga materyalista at makamundo, para
ipirmis dito. Tandaan ninyo, dito sa materyal na mundo, ang
bawa’t kilos at galaw ay may reaksyon, lahat ng inutang ay
pinagbabayaran, pauutangin kayo nila nang pauutangin
hanggang sa mabaon kayo sa pagkakautang, hanggang sagad sa
buto ang inyong utang. Kaya nga po, pilit naming ibinabalita sa
inyo ang tungkol sa isang banal na sibilisasyon. At ang daan
patungo dito ay matagal nang nailatag ng mga dakilang santo at
nang mga banal na aklat. Hindi po ba tama at nasa katwiran
lamang ang ginawa namin? Ito ba’y isang kalabisan, isang
kabaliwan? Kung ganoon, halina kayo, magsama-sama tayo, pag-
usapan natin ang lahat ng ito.

Kaya noong dumating sa mundo itong si Śrī Chaitanya


Mahāprabhu lahat ng problema nati’y binigyan Niya nang
solusyon. Ang sabi po Niya’y ganito, ‚Alam Kong kayo’y
mahirap lamang, ang nais Ko’y maging masaya kayo, gusto Kong
bigyan ng solusyon ang lahat ng problema ninyo. Ang hindi
ninyo alam, may nakabaon na kayamanan sa ilalim ng bahay
ninyo. Hukayin ninyo. Pero hwag sa dakong katimugan, ‘yun
kasi ang pugad ng karma, sa dakong iyon, ang bawa’t-kilos at
galaw ay may katumbas na karma, may reaksyon sa inyo, ito ang
bibihag at gagambala sa inyo, at dito na mauubos ang lahat ng
oras at panahon mo, hanggang sa makalimutan mo kung ano ang

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 8


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

tamang solusyon sa problema mo. At kung sa pakanlurang


bahagi ka naman gagawi, sa sistema ng yoga, na nagmamanipula
sa mga pino at di nakikitang lakas ng kalikasan upang marating
ang isang supernatural na mistikong kapangyarihan, ito naman
ang aakit sa inyo hanggang sa tuluyan na kayong lumayo sa
dapat talagang maging hangarin ninyo. Ang landas na ito’y
patungo sa maling direksyon, at tiyak na ililigaw lamang kayo
hanggang sa tuluyan nang hindi kayo makarating sa inyong
patutunguhan.

Ang Multo na Kung Tawagin ay Samādhi

‚Kung sa pahilaga ka naman dadaan, sa bahagi nitong


malawak na brahmāsmi, sa impersonal na konsepto, ito’y patungo
sa maling interpretasyon ng lohikang Vedic. Ito ang ipagagamit
sa inyo, at sa bandang-huli, papasok kayo sa eternal na samādhi,
at sa pagpasok ninyo sa loob nito, lalamunin kayo ng isang
malaki at napakalawak na multo, mawawala ang buong katauhan
ninyo. At kapag wala na kayo, sino ang maghuhukay sa
kayamanan ninyo? Ano pa ang silbi na ika’y mayaman. Kaya
dapat tanging sa pakanlurang bahagi lamang kayo dumaan, sa
gawi ng debosyon, doon, pawang pagmamahalan ang
nangingibabaw, at nandun talaga sa dakong iyon ang inyong
kayamanan. Dito sa gawing ito unang sumisikat ang araw,
upang maging maliwag ang ating landas. At ang liwanag na ito’y
hindi natin gawa, ito’y nagmula pa sa mismong pinagmumulan
nang lahat ng liwanag, ang hayag na katotohanan. Liwanag na
di-kayang abutin ng ating kaisipan. At ang liwanag na ito ang
hayag na kaalaman, ang bhakti, ang landas ng debosyon.

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 9


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Kaya kung ako sa inyo, ang landas na ito ang pipiliin ko, dito
ako dadaan patungo sa tunay na yaman na nasa loob ko, ito’y
madali lamang hanapin, at sa sandaling matagpuan na ninyo,
kayo mismo ang magsasabi, na sa lahat ng nakita ninyong
maganda, ang lugar na ito ang pinaka at talaga namang kahanga-
hanga āścharyavat paśyati kaśchid enam. Mahihiya ka at sasabihin
mong, ‚Bakit ko hinayaang mabighani ang sarili ko sa kariktan
ng materyal na mundong ito? Hindi ko namalayan, isa pala
akong kaluluwa. Papaanong ang isang katulad ko na kahanga-
hanga at napakahalaga ay nabighani at nalagay sa ilusyon ni
māyā? Ngayon alam ko na, kung bakit matibay ang paninindigan
at paniniwala nang mga taong ito, na ang buhay ay nasa
espirituwal, matagal na pala silang mulat sa ganitong kaalaman,
kaya pala payapang-payapa ang kanilang kalooban, samantalang
ako, dito ko naman ibinuhos ang lahat ng oras at panahon ko sa
mortal na mundong ito, na may isinisilang at may namamatay.
Hindi ba’t totoo naman talagang ang lugar na ito bukod sa
nakakarimarim ay nabubulok pa. Hindi ko talaga mawari kung
papaano akong napunta dito? Hindi ko namalayan nasa loob ko
lamang pala ang katahimikang inaasam-asam ko, subalit
nilinlang ako, kaya dito ako napunta sa materyal na mundo.‛

Kapag maghahanap kayo, magsimula kayo sa ātmā, tapos sa


Paramātmā, mula sa kaluluwa pumunta tayo sa kaluluwa nang
mga kaluluwa, sa pinaka-Super kaluluwa nang lahat. At
magmula naman kay Vāsudev pataas kay Nārāyaṇ, pataas ng
pataas hanggang sa umabot kay Kṛṣṇa, ito ang tamang
pamamaraan, ang progresibong pamamaraan, ang unti-unting
pagtaas ng ating kamulatan sa Diyos, at ang tawag dito ay

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 10


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

siyentipikong pamamaraan. At vijñān naman ang tawag sa


siyentipikong kaalaman:

jñānaṁ te ’haṁ sa-vijñānam idaṁ vakṣyāmy aśeṣataḥ


yaj jñātvā neha bhūyo ’nyaj jñātavyam avaśiṣyate

Ang sabi ni Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā (7.2), ‚Arjuna, ngayon


naman, sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan
ipapaliwanag Ko sa iyo kung ano ang kaluluwa at ang taglay
nitong kapangyarihan. Subalit dapat intindihin mo munang
maigi na ang isipan, maging ang mga pandama, ay materyal, at
hindi ātmā, ang mismong kaluluwa. May dalawang pamamaraan,
kung papaano natin mauunawaan ang katotohanan, at ito ay sa
pamamagitan ng tuwiran at hindi tuwiran. Ito ang gusto Ko
munang ituro sa iyo. Kaya makinig kang mabuti, jñānaṁ te ’haṁ
savijñānam. Ano ba ang ibig sabihin nito? Tulad mo, meron din
Akong katauhan. Subalit ang sa Akin, ito’y eternal, walang-
hangganan. Ang kapangyarihan Ko’y ganun din, walang-
hangganan, samantalang ang sa jīva, ay limitado lamang. Lahat
ng nilalang na maybuhay na ngayo’y nandito sa materyal na
mundo, silang lahat ay nagmula sa Aking marhinal na
kapangyarihan, nasa gitna ng Aking kapangyarihan.‛ Ang jīva-
śakti ay isang espirituwal na kapangyarihan, na kapag nawala o
kaya inalis sa materyal na mundo, lahat ng bagay ay magiging
parang bato. Kung ang lahat ng ito’y wala nang buhay at
magiging parang isang bato, kung ganoon, sino pa ang
magsasamantala? Sino pa ang mag-uudyok sa atin na
magsamantala, makapanlamang, ang makipag-away o
makipagtalo, lahat ng ito’y mawawala. Lahat ng bagay ay tiyak
na mamamatay sa sandaling mawala ang jīva, lahat ay

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 11


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

mawawalan ng buhay. Tiyak na mamamatay. Hindi ba’t kaya


lamang gumagalaw ang isang bagay ay dahil nasa sa loob nito
ang kaluluwa. Hindi po ba? Kung ganoon, dapat alam din ninyo
ang tungkol dito, at kaya din ninyong ipaliwanag sa
pamamagitan nang mala-siyentipikong pamamaraan. Dahil kung
kami ang inyong tatanungin, ito’y kaya namin, kaya naming
ipaliwanag sa pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan.

Ang Mapanlinlang na Mundo

Bukod sa mundong ito, na nagugunaw, may isa pang mundo


na maspino at hindi nagugunaw. Ang sinasabi Kong mundo ay
ang tunay at totoong mundo, samantalang ang lugar na ito na
mismong kinatatayuan mo, na sa palagay mo ay totoo, ay hindi
talaga totoo.

yā niśā sarva-bhūtānāṁ tasyāṁ jāgarti saṁyamī


yasyāṁ jāgrati bhūtāni sā niśā paśyato muneḥ
(Śrīmad Bhagavad-gītā: 2.69)

‚Kapag ang usapin ay tungkol na sa ating buhay at sa usapin


ng katotohanan, ika’y tulug na tulog, mahimbing na mahimbing
sa pagkakatulog, samantalang kapag ito’y tungkol na sa
kalokohan, panlalalamang, at pagsasamantala, bukod sa gising
na gising ka, ika’y masiglang-masigla pa.‛

Ibig sabihin, dapat palagi tayong nasa katotohanan at ang iba’y


hinihimok din natin. At tuwing mangangaral tayo, ito lamang
ang dapat nating ipadama sa kanila, na, ‚Ang pananalig ko sa
kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ay lubos at walang-

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 12


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

alinlangan, dahil dito ko mismo nadama, ang ganap na


kaligayahan. At sa palagay ko, natagpuan ko na ang hinahanap-
hanap ko. Dito ko natikman ang isang bagay na labis-labis
talagang napakasarap, kapaki-pakinabang, at talaga namang
nakakahalina at kagiliw-giliw. Kaya, napariko ako aking mga
kaibigan, upang ito’y ibigay din sa inyo, na sana, ito’y matikman
din ninyo. Subalit kung talagang interesado kayo, kailangang,
magpailalim muna kayo sa mga panuntunan at pinaiiral na mga
prinsipyo, na magiging gabay ninyo sa pagpasok ninyo dito sa
kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, sa ilalim ng
pangangalaga at pangangasiwa ng isang maestrong pang-
espirituwal. Kung nais ninyong maging matagumpay ang inyong
buhay, ito ang tanggapin ninyo, ang kamulatan para sa
kamalayan kay Kṛṣṇa.‛

Rasa, Kasiyahan, Ekstasi

Ito ang dapat nating gawin, silang lahat ay ating himukin at


nang maunawaan nilang maigi ang tungkol sa Diyos, at kung
bakit sa lahat ng konsepto ng paniniwala, ang kamulatan para sa
kamalayan kay Kṛṣṇa ang pinakamataas. Ipakita natin sa kanila
kung papaano sa bandang huli kung bakit ang iba’t-ibang
konsepto ng paniniwala sa Diyos ay pumapaloob sa kamulatan
kay Kṛṣṇa. Dapat sa bawat hakbang mahusay nating
naipapaliwanag at pinapatunayan sa kanila, kung bakit si Kṛṣṇa
ang pinagmumulang-bukal nang lahat ng kasiyahan. Akhila-
rasāmṛta-mūrtiḥ. Ano ba ang kamulatan para sa kamalayan kay
Kṛṣṇa? Alam ninyo, ito’y naipaliwanag na ni Rūpa Goswāmī sa
pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan. Ang rasa, ang
kasiyahan, ay hindi maaaring iwasan o ipagwalang-bahala

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 13


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

ninoman. Dahil lahat tayo, ito ang hanap, palaging naghahanap


ng sarap, nang rasa. Lahat tayo, bawa’t-isa sa atin, bawa’t
himaymay natin, maging ang pinakamaliit na yunit sa mundo ay
naghahangad ng rasa, nang kaligayahan, ng ekstasi, nang
kalugud-lugod na kasiyahan, at ang lahat ng ito, lahat ng klase ng
rasa ay nasa katauhan ni Kṛṣṇa. Ito ba’y alam ninyo? Bakit, ano ba
ang rasa? Ano ba ang kanyang katangian? Ano ang kaibahan nito
sa ibang masarap? Unti-unti natin silang dadalhin sa konsepto ng
paniniwala kay Kṛṣṇa, na Siya ang Diyos nating lahat. Alam
ninyo, ito’y hindi isang alamat mula sa sinaunang banal na aklat
sa India. Si Kṛṣṇa ay hindi po isang alamat, ang totoo, Siya po ang
katotohanan. Hindi ba’t ang gusto natin ay ‘yung totoo at tunay
na buhay? Kung ganoon, dapat Siya ang dapat nating hanapin,
hindi ba’t Siya ang katotohanan, ang totoong buhay. Kaya, dapat
ipakita natin sa kanila kung bakit ang bagay na ito’y dapat nilang
paniwalaan. Si Kṛṣṇa ang katotohanan. Siya ang realidad, at ang
realidad ay para sa Kanya.

Subalit hindi madaling puntahan ang ating patutunguhan,


dahil kailangan natin ng pamasahe. May bayad po ito. Kailangan
po muna nating ‚mamatay upang mabuhay,‛ at kapag ginawa
ninyo, kayo mismo ang makakaramdam na ito’y hindi pala
kalokohan. At hangga’t tumataas ang inyong kamulatan, ganito
din ang inyong mararamdaman, bhaktiḥ pareśānubhavo viraktir
anyatra chaiṣa. Na sa bawa’t kilos at galaw, tatlong bagay ang
inyong mararamdaman. ‘Tiyak na magiging masaya ka, nagiging
masigla ang iyong pakiramdam at kahit gutom hindi mo na halos
alintana.’ Sa madaling-salita, sa kabuuan, halos wala ka nang
pagnanasa, unti-unti nang nababawasan. Hindi ba’t kadalasan sa

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 14


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

tuwi-tuwina ganito tayo, ‚Gusto ko nito, gusto ko nyan, lahat


nang ito’y gusto ko. At kahit na ito’y nakuha na natin,
pakiramdam nati’y bitin parin, kulang parin.‛ Ngunit pagdating
sa kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, habang tumataas ang
ating kamulatan, kahit gutom ay hindi na natin alintana, at
maging ang mga bagay na akala ninyo’y masarap, ito’y
awtomatikong nawawala. Unti-unting nawawala ang ganitong
klaseng damdamin. At pagdating sa mga espirituwal na gawain,
lahat ng ito’y nagiging natural na sa atin, at ang pagsulong nati’y
pabilis na ng pabilis. ‚Ang tatlong bagay na ito ang
mararamdaman ninyo. Kaya halikayo, sumama na sa amin, at
nang ito’y matikman naman ninyo.‛ Ganito ang tamang paraan,
lahat ng klaseng paraan gawin natin at ang lahat ng resulta,
anoman ito, hayaan natin sa Panginoon.

Mga Bunga Ng Pagpapakahirap Natin

Subalit huwag nating kalilimutan na tayo’y mga ahente


lamang, mga napag-utusan lamang, Kanyang inutusan lamang,
ganito ang bhakti. Kaya mahalagang malaman din natin kung ano
ang bhakti, kung ano ang tamang debosyon. Ibig sabihin, lahat ng
ginagawa ko, ang resulta nito’y hindi akin, kundi para sa Kanya
lamang. Hindi ba’t ako’y Kanyang ahente lamang. At dahil Siya,
si Kṛṣṇa ang aking Amo, at ang lahat ng ito’y Kanyang
pagmamay-ari, samakatuwid, Siya lamang ang dapat
makinabang. Ito ang ating pagkakatandaan, at dapat palagi
nating inilalagay sa ating isipan, dahil ito ang tamang bhakti.

Dahil kung hindi, lahat ng ginawa nati’y mauuwi lamang sa


karma-kāṇḍa. Lahat-lahat. Bakit po? Lalu na’t kapag naghangad
Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 15
Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

tayo ng kabayaran, nag-aabang ng bunga. Ayaw kong tikman


ang bunga ng aking karma, dahil ito’y para sa aking maestro
lamang. Hindi ba’t ako’y Kanyang katulong at napag-utusan
lamang? Kung ganoon bilang alipin, wala akong pag-aari.
Samakatuwid, wala akong karapatang tikman kahit anupa ang
naging bunga ng aking ginagawa, hindi ba dapat ito’y tanging
para sa Supremong Panginoon lamang, sa maestro ng aking
lakas, na nagbigay sa akin ng enerhiya. Kaya kahit na ano pa ang
maging produkto nito, dapat ito’y agad na ipinapasa ko sa
Kanya. Hindi dapat kinakalikot, kinakalkal, o pinakikialaman
habang dinadala sa Kanya. Dapat ganito. Dahil ganito ang tunay
at totoong bhakti. Hindi ba’t kahit biyaya ay ayaw din natin?
Dahil tanging Siya lamang ang gusto natin. Kaya dapat palagi
nating inilalagay sa ating isipan na tanging Siya lamang ang
dapat makinabang. At kapag ito’y atin nang nagawa, ibig sabihin,
maaaari na nating sabihing tunay nga Niya tayong mga deboto.
Tandaan natin, hindi tayo ang dapat makinabang dahil tayo’y
manggagawa lamang, Kanyang mga trabahador lamang, at ang
isa pa, dapat wala tayong interes kahit na ano pa ang maging
bunga nito. Hindi ba’t ang sabi ng Bhagavad-gītā (2.27) ay:

karmaṇy evādhikāras te mā phaleṣu kadāchana


mā karma-phala-hetur bhūr mā te saṅgo ’stv akarmaṇi

“Gawin mo ang lahat ng dapat mong gawin, subalit kailanma’y huwag


na huwag mong titikman kahit na ano pa ang magiging bunga nito,
dahil wala kang karapatan upang ito’y tikman.”

Hindi ba’t ito’y isang matinding babala. Hindi ba’t ang sabi ni
Kṛṣṇa, ‚Ngayong alam mo na, na hindi ka dapat makinabang,
ikaw ba’y aayaw na, hindi ka na lang kikilos, ayaw mo nang
Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 16
Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

gumalaw, wala ka nang gagawin, na para bagang ang kautusang


ito’y kasuklam-suklam at nakakawala nang gana, wala ka nang
ganang magtrabaho. Tandaan mo, kahit na ang sinasabing ‘di-
makasariling’ gawain ay mababang klaseng gawain din. Kaya sa
halip na ayaw mo nang kumilos dahil nawalan ka na nang gana,
isipin mo na lang na ang ginagawa mo ay alang-alang sa Diyos,
at maka-diyos na gawain, na talagang namang nakakapag-
paligaya sa ating Supremong Panginoon. Ganito ang bhakti, ang
debosyon. Sa bhakti, may iba’t-ibang grado o antas din. Tulad sa
pagitan ng vidhi-bhakti at rāga-bhakti, malaki po ang kaibahan
nilang dalawa. Sa viddhi-bhakti, lahat ng nandito ay pumapailalim
pa sa mga alituntunin at patakaran, upang gamutin ang kanilang
mga pagdududa o pag-aalinlangan, ang pagkakaroon ng mga
makasariling-damdamin, samantalang sa rāga-bhakti, ang
debosyon ay walang-tigil at kusang-loob o bukal sa kaloobang
tumatagas.

Autokrata, Mapag-hari, at Sinungaling

Ang Diyos ay hindi tulad sa isang haring iniluluklok, dahil


mula’t-sapul, Siya na ang naghahari, at ang kautusan Niya’y
hindi mababali, ika nga dati na Siyang diktador. At ang
kapangyarihan Niya’y lubos, walang-hangganan. Hindi ba’t
kapag nagtrabaho ka sa isang awtokrata, sa isang diktador, hindi
basta-bastang pagsasakripisyo ang iyong gagawin, kundi
masmataas na antas ng pagsasakripisyo. Subalit papaano kung
ito’y si Kṛṣṇa na, na bukod sa isang awtokrata, isang diktador, ay
sinungaling pa? Tandaan natin, ang ganitong pag-uugali ay likas
na talaga sa Kanya, hindi pasumpung-sumpong o minsanan lang.
Si Kṛṣṇa ay autokrata, dahil lahat ng batas ay nagmula sa Kanya.

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 17


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Hindi ba’t kapag sinabing awtokrata, lahat ng Kanyang utos ay


dapat masunod? Ibig sabihin, masmataas pa Siya sa batas. Sa
isang lugar, kapag maraming tao, kailangan ang batas, dapat may
sinusunod na batas, subalit kung ika’y nag-iisa, ito ba’y kailangan
pa? Hindi ba’t, hindi na? Hindi ba’t ang gusto ni Kṛṣṇa ay
palaging nagbibida, palaging naghahari-harian sa lahat ng
pagkakataon, bagama’t ganun Siya, hindi maikakailang Siya’y
mabuti at mabait pa. At halimbawang Siya’y ganoon nga talaga,
mahilig maging bida, Siya ba’t ating pipigilan o kokontrahin? At
kapag ginawa naman natin, sino ang mawawalan, sino ang
magiging kawawa, hindi ba’t tayo at maging itong mundo? Hindi
ba’t ang sabi, ang Diyos ang kabutihan, kaya dapat ito’y
malayang nakakapunta saanman Niya maibigan. Kung ganoon,
sino ang tutol dito? Kaya, dapat saanman Niya maisipang
magpunta, dito man o sa dakong iyo, dapat hindi natin
pinipigilan, hindi natin kinokontra, hindi din natin iniiwasan.
Dahil Siya ang kabutihan. At bukod doon, hindi ba’t ang sabi pa
ng iba, isa Siyang diktador, mahilig magbida-bidahan, mahilig
maghari-harian,’ kung ganoon, kalabisan ba ang ipaalala sa iba
na ‘Hindi natin Siya dapat binabalewala o pinagdududahan’? At
kapag sinabi natin na ang Diyos ay mabait at mabuti, ibig sabihin
ba nito’y kapahamakan natin? At ang isang pa, ang sabi din nila,
si Kṛṣṇa ay isang diktador, palagi na lang bida at palaging
naghahari-harian, ito ba’y kalabisan at ayaw natin? Kung ganoon,
sino sa palagay ninyo ang dapat maging awtokrata, ang dapat
mangibabaw, ang dapat maging bida at maghari-harian, ang mga
ignorante at baliw ba? Ang Di Mapag-aalinlanganang Kalubusan
ay sadya talagang mabait at mabuti, at ang kapangyarihan Niya’y
walang-hanggan, walang-katapusan. At walang batas ang

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 18


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

maaaring magtali sa Kanyang mga kamay. Halimbawa’t


mangyari man, hindi ba’t ito’y kawalan parin sa atin? Ang sabi si
Kṛṣṇa ay sinungaling? Bakit po? Dahil nais Niyang hikayatin tayo
at ipaunawa sa atin kung ano ang buong katotohanan.
Nagsinungaling Siya upang unti-unti tayong maakit at mapalapit
sa katotohanan.

Hindi ba’t ang sabi ang Diyos ay labis-labis talagang mabuti at


mabait, kung ganoon lahat ng nanggaling sa Kanya’y tiyak na
mabuti at mabait din. Kaya lamang, ang bagay na ito’y hindi
madaling unawain. Bakit po? Dahil depektibo tayo. May depekto
tayo. At palagi na lang salungat. Masgusto pa nating
manghimasok, ang makialam. Hindi ba’t ganito tayo. Lahat ng
nangyayari ay pawang Kanyang līlā, o bahagi ng Kanyang
paglalaro. Hindi ba’t ang sabi, ‘Siya ang may-ari nang lahat’,
hindi ba’t ito’y totoo naman talaga? At bilang patunay, hindi ba’t
noong sinabi Niyang, ‚Magkaroon ng liwanag,‛ hindi ba’t
nagkaraoon nga ng liwanag? ‚Magkaroon ng tubig,‛ nagkaroon
nga ng tubig. Kung mayroon Siya ng ganoong klaseng
kapangyarihan, at ito’y Kanya nang napatunayan, ito ba’y isang
kasinungalingan?

Ganun naman pala at sadya talagang napakabait at napakabuti


ng Panginoon, kung ganoon, hindi ba tama na sa Kanya lamang
tayo dapat magsakripisyo? Hindi ba’t ang sabi, ‘Siya ang di
mapag-aalinlanganang kabutihan, ang kagandahan, pag-ibig at
kariktan?’ Kaya lamang, ang bagay na ito’y hindi ganun kadali
maunawaan, dahil kailangan natin ng masmataas na kamulatan,
masmataas na antas ng pananalig, at pagsasakripisyo, ang

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 19


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

pagwawalang-bahala sa sarili. Hindi ba’t ang sabi, ang kamulatan


para sa kamalayan kay Kṛṣṇa ang pinaka-ultimo, ang
pinakamataas na antas ng buhay? At upang ito’y ating marating,
kailangan natin nang matinding lakas, matinding
pagsasakripisyo. Kaya sa oras na pumasok tayo dito at tinanggap
natin ang kamulatan para sa kamalayan kay Kṛṣṇa, ibig sabihin,
alam na natin, na kailangan nating magsakripisyo, at hindi
lamang basta karaniwang pagsasakripisyo kundi matinding
pagsasakripisyo, at ito ay ang ‚Mamatay upang mabuhay.‛ Ang
pagsasakripisyong ito ay hindi po magiging kawalan sa atin.
Hindi po tayo malulugi sa gagawin natin. Bagkus, higit pa
tayong pagpapalain kapag ibinigay natin ang mga sarili natin.

Kaya, tinatanggap natin ang kīrtan, ang gawain ng


pangangaral bilang pamamaraan sa ating layunin.
Napakaraming mga pamamaraan ng kīrtan kung papaano natin
lalapitan ang mga kaluluwa sa mundo. Maaari natin silang
direktang kausapin at maaari din sa pamamagitan ng ating mga
libro at iba’t-ibang babasahin at sa pamamagitan ng saṅkīrtan din,
nang sama-samang pag-awit ng banal na pangalan. Alam ba
ninyo, habang tumutulong tayo sa ibang tao, natutulungan din
natin ang ating mga sarili. Maslalung gumaganda ang kapalaran
natin at higit na tumitibay ang pananalig natin. Ibig sabihin,
hindi lamang ibang tao ang natutulungan natin sa pamamagitan
ng kīrtan, kundi maging ang mga sarili natin. Alam ninyo, sa
totoo lang, ang biyayang ito’y eternal, walang-hangganan,
walang-katapusan.

Eternal na puwang

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 20


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

Ang sabi ni Kṛṣṇa sa Bhagavad-gītā (2.27), ‚Basta gawin mo


kung anoman ang tungkulin mo, mā te saṅgo ’stv akarmaṇi, kaya
lamang dahil sa ito’y para sa Akin, ayaw mo nang gawin. Naku
po, kailanma’y huwag na huwag kang magkakamali at ganito
ang pumasok sa iyong isipan, dahil tiyak na ito’y mayreaksyon
sa iyo, masasawi ka lamang. At dahil nga ayaw mo, ika’y
umaangal at nagpo-protesta, ayaw mong kumilos, ayaw mo nang
gumalaw. Naku, huwag po. Dahil ito’y isang mapanganib na
puwang. Ang mabakante ka, ang ayaw mo nang kumilos at
gumawa, ito’y delikado, manganganib ang buhay mo. At huwag
na huwag kang papasok sa ganitong sitwasyon. Tiyak na
mapapahamak ka.‛ Oo nga’t ang sabi ni Kṛṣṇa ay, ‚Iwan mo ang
lahat ng uri ng gawain, at magpailalim sa Akin, sarva-dharmān
parityajya Mām ekaṁ śaraṇaṁ vraja. Subalit ano po ba ang ibig
Niyang sabihin? Ang gusto Niya, Siya ang mag-aalaga sa atin,
ang magbabantay, at magmamalasakit sa atin. Bakit po? Hindi
ba’t Siya pa nga ang nagsabi na tayo ay Kanyang kaibigan. At
ang isa pa, ang sabi Niya, higit sa lahat, lahat ng mithiin at
hangarin natin sa buhay ay sa Kanya lamang natin matatagpuan.
Hindi ba’t ang sabi pa nga Niya’y, ‘Maniwala ka sa Akin, Arjuna.
Huwag kang mag-alala, dahil hinding-hindi Kita lolokohin. At
ang isa pa, hindi ba’t magkaibigan tayo.‛

man-manā bhava mad-bhakto mad-yājī māṁ namaskuru


mām evaiṣyasi satyaṁ te pratijāne priyo ’si me
(Śrīmad Bhagavad-gītā: 18.65)

‚Kapag Ako’y palaging nasa isipan mo at ika’y naging deboto


Ko, tinitiyak Ko sa iyo, ika’y makakapunta sa Akin. Ito naman
ang ipinapangako Ko sa iyo, dahil bukod sa ika’y mahal ko,
Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 21
Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

magkaibigan pa tayo. Totoo itong sinasabi Ko. Ako ang lahat ng


ito. Halikana’t sumama sa Akin. Ako ang layunin at mithiin nang
lahat, hindi lamang ikaw kundi ganun din nang ibang
maybuhay. Ganito talaga ang katayuan Ko, ang kapangyarihan
Ko’y walang-hangganan, walang-katapusan. Bakit paulit-ulit
Kong sinasabi ang bagay na ito? Dahil ika’y Aking kaibigan. At
sinisigurado Ko sa iyo, hinding-hindi Kita lolokohin. Sumpa
man, maniwala ka sa Akin.‛

Hindi ba’t dito, parang si Kṛṣṇa pa ang nakikiusap at animo


nagmamakaawa. Nagsusumamo na Siya’y ating pakinggan, at
ito’y para pa sa ating kapakinabangan, para sa ating kabutihan.
At naka-rekord pa sa Bhagavad-gītā upang magsilbing ating
gabay at batayan. Hindi ba’t Siya pa nga mismo, ang Panginoong
Kṛṣṇa mismo ang pumanaog dito, at naging si Śrī Chaitanya
Mahāprabhu upang mangaral nang tungkol sa Kanyang sarili.
Pumanaog upang ilako ang Kanyang sarili kasama ang iba pang
eternal na kasamahan. Maging si Śrīmatī Rādhārāṇī, ang
katauhan ng debosyon, ay niyakag din Niya dito, hindi ba’t ang
sabi pa nga ni Kṛṣṇa, ‚Ipapakita Ko sa inyo kung bakit labis-labis
na kahali-halina at nakapasarap ang maglingkod sa Akin,
ipapakita Ko din kung gaano kaganda, dakila at karangal ang
debosyon sa Akin nang Aking Kabiyak. Kaya, halina kayo, at
Ako’y inyong samahan.‛ At dahil sa panawagang ito, maging si
Baladeva ay pumanaog din at naging si Nityānanda upang
mangalap, at ang Vṛndāvan ay bumaba din, nagtawag din, at
naging Nabadwīp. Kaya, malaki talaga ang utang na loob natin sa
mga nagtawag, lalu na kay Kṛṣṇa dahil Siya mismo ang bumaba
dito at ipinakita pa Niya kung gaano kaganda, kung gaano

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 22


Ang Paghahanap kay Śrī Kṛṣṇa – Ang Kaakit-akit na Katotohanan

kadakila, at sa pamamagitan ng pagsasakripisyo, maaari nating


makamtan ang banal na pag-ibig.

Unang Kabanata – Ang Kamalayan para sa Kamulatan kay Krsna 23

You might also like