You are on page 1of 7

FIFTH [ESSAY] EXAM IN

ASIA I: ASIA IN THE PRE-COLONIAL PERIOD

AGUILERA, Emmanuel A. Prof. Mc Donald M. Pascual

BA History 3-1 (2-1) 19 October 2015

3. Choose a region in Asia that you are interested the most, and describe it politically,

economically, and socio-culturally. What common traits are evident among the

countries/people in the region so that the region appears as characteristically one and

unique vis-à-vis the other regions of Asia? Enumerate and discuss at least three (3)

common traits to strengthen your claim.

Bilang pagtugon sa pangangailangan ng katanungan, pinili ko ang Hilagang

Silangang Asya, o Northeast Asia, o nabansagan ding dulong silangan o Far East bilang

sentro ng pag-aaral na ito. Interesante ang una: lokasyon nito sa mapa, kung kaya’t nasa

rehiyong ito ang pinakamagagandang nagbabagong kapaligiran ayon sa season, dahil sa

taglay nitong klima; at ikalawa: ang mayama’t maunlad na kultura na naroon na sa dakong

iyon noon pa man. Bilang dominante ng Tsina sa usapin ng nilalaman ng kasaysayan, ang

buong relihiyon kasama na ang Japan, Mongolia, at dalawang Korea, nandirito ang ilan sa

mga katangiang iisa sa kanila (na maaaring lahat, maiuugnay sa iisang ugat: Tsina).

Syempre, maliban sa given nang pagkakapare-parehas ng mga bansa; gaya ng apat a

yugtong season, mga katangian ng kapaligiran, lahi o kulay ng tao; na dala-dala nga ng

heograpikal na kalagayan ng rehiyong ito,may iisang katangiang pinagsasaluhan ang


hilagang silangan. Ito ay yaong mga katangiang istruktural na nabuo dahil sa interaksyon ng

mga tao sa rehiyon, na patuloy na pinayaman ang kasaysayan na nadala naman hanggang sa

kasalukuyan. Sa pagsasagot sa mga katanugan, bibigyan ng tatlong pangunahing

pagkakaparehas ang mga bansa sa Hilagang Silangan: sa usaping pamahalaan, relihiyon, at

sining – mga istruktural na aspetong nabuo sa mahaba nitong kasaysayan, partikular sa pre-

modern na panahon.

Una, ikukunsidera muna ang Tsina bilang pinaka-sentro, ugat, simula ng mga

implwensya na bumuo ng kanilang pamumuhay sa dulong silangan. Sa laki at layo ng inabot

ng mga element ng Tsina sa Mongolia, Korea, at Japan, ang dala-dalang impluwensta at

ganap ngang kumalat sa buong rehiyon. Ang bunga: malaking bahagdan ng mga nabangit na

teritoryo o ansa ang naka-ayon (pattern) ang sistema sa sistema ng Tsina, patunay ng

mahabang itinakbo ng kasaysayan nito.

Sa usaping sistema ng pamumuno, masasabing ang China, Japan, Korea, at Mongolia

ay may magkakahawig na uri ng palakad, kung hindi man eksaktong magkakaparehas. Ang

mga mala-imperyong dinastya ng bawat bansa ay muli, pangunahing maiuugat sa

impluwensya ng kapangyarihan ng Tsina, ayon sa isinasaad ng kasaysayan, kung saan

umabot nga ang pagpapalawak nito sa kabilang ibayo ng mga dagat. Ibig sabihin, ang

sistemang ito ng pamahalaang maituturing ay nagkakahawig-hawig dahil sa iisang ugat na

Tsina: at ang mga element ng ganitong uri’y nagpapatuloy maging sa kasalukuyan.

Sumunod, parehas din ang dominanteng relihiyon sa rehiyon, o iyong bawat bansa

kumbaga ay siyang naroroon: ang Buddhism. Muli, Tsina na naman ang maaaring pinag-

ugatan sa aspetong ito. Sa Tsina unang umabot ang Budismo mula sa India dala ng kalakalan,
bago pa man umabot sa mas silangan pang bahagi. Sa sobrang lakas ng Tsina, na-modify nito

ang Budismo bago narating ang buong rehiyon sa pamamagitan nga ng pagpapalawak ng

kapangyarihan. Ang Budismo na lumaganap sa buong silangan ay mala-Intsik nang

Budismo. Gayunpaman, ang relihiyong ito pa rin ang naging common o universal sa mayorya

ng mga bansa, hanggang sa kasalukuyan.

Huli, ang kultural na aspeto partikular sa sining kung saan mapapansing tila iisa ang

katangian ng mga likha, mapa-Hapon man, Koreano, o Intsik man. Dito makikita ang

pagkakahawig ng itsura ng mga letra ng alpabeto at ang konteksto nito. Bukod doon, ang

sining ng pagpipinta, ay malaki ring manipestasyon ng nabuong kultura roon: makulay,

maganda at makakalikasan. Ito nama’y maituturong bunga ng pagiging mapagmahal o

appreciative ng mga taga-dulong silangan sa sining – partikular sa kanilang sariling sining,

kaya nakabuo sila ng pagkakakilanlan na sa unang tingin pa lamang, malalaman nang

kanilang-kanila.

Bukod sa mga nabanggit marami pang nag-iisang katangiang pare-parehas ang

dulong silangan. Manipestasyon ng pagpapahalaga nila sa kanilang mga tinataglay o

mayroon. May mga pagkakaiba rin (halimbawa, sa aspeto ng pamilya, paniniwala). Sa

pangkabuuan, kung bakit nakabuo ang dulong silangan ng gayoong identity ay maituturo sa

China bilang sanhi: ang papausbong pa lamang na mga bansa noon at nakaugnayan ang

malakas, malaki at matatag nang imperyong Tsina, sa loob ng mahabang panahon. Na siya

namang nagdulot ng kinalagyan ng mga bansa ngayon – lahat ay may elementong Chinese.

Kaiba ito sa ibang rehiyon sa Asya, na varyasyon ng iba’t-ibang impluwensya sa kalahatan.


4. Choose a country that you are interested the most in the region that you selected in

item #3. As regards to the Pre-Colonial/Pre-Modern period, describe the country as

uniquely different from other countries by three (3) factors that serve as its identity or

image.

Kabilang ang South Korea at North Korea sa mga bansang nasa dulong silangang

Asya o Far East, na sentro ng pag-aaral na ito. Samantala, minarapat na lamang na ang buong

Korea na lamang ang talakayin at hindi ang nahating nasyon nito, dahil ito’y pre-kolonyal pa

lamang namang pag-aaral. Ngayon, paano masasabing iba ang peninsula ng Korea, at ang

istrukturang Koreano mula sa iba pang bansa sa Asya, partikular sa dulong silangan? Naririto

ang ilang salik kung paano ito naging iba.

Sa dulong silangang Asya, maaaring sabihin na isa iyong pamilya na may malaking

pagkakapare-parehas sa isa’t-sa. Ang China bilang pangunahing distributor ng impluwensya,

at ang mas maliit na mga bansa ang naging taga-salo ng bahaging ito ng kasaysayan.

Ngayon, sa kabila nito, maaari pa kayag makabuo ng isang nasyon na may ganap na sariling

katangian bilang bansa? Maaaring ang sagot ay hindi na, dala na rin ng gayoon kalaking

impluwensya ng Tsina sa buong rehiyon. Gayunpaman, may ilang natatanging katangian pa

rin na nabuo sa Korea:

Ang Korea ay itinuturing bilang bansa na kung saan ang mga lahi ng naniniraha’y

pinaghalu-halong pinagmulan. Mula sa mga karatig-bansa nitong Japan, Mongolia at

syempre, China, ang mga naninirahan ay nagkaroon ng halo ng ibang lahi. Kaya bilang mga

Koreano, sila’y mapapansin ang varyasyon ng itsura – na bagamat singkit rin kagaya ng mga
kapitbahay nitong bansa, ang pangkabuuan ay nagtatangi ng iba’t ibang itsura na nagpapakita

ng kanilang naimpluwensyahang kasaysayan.

Kung mayroon mang maituturing na katangiang kanyang-kanya ng Korea, ito na

marahil ang pagtatagumpay na magtakda ng sariling pagkakakilanlan, sistema, at

kasaysayan, sa kabila ng pangingibabaw ng Tsina. Kumbaga, sa takbo ng kasaysayan ng

Korea, Tsina kasi ang tila pwersa na bumabalot ditto, na nakaapekto naman sa

pangkalahatang mga pangyayari. Pero gayunpaman, nakabuo pa rin sila ng kaharian: ang

Koguryu, Manchuria, Paekche at Silla sa noo’y hindi pa nahahati sa dalawang Korea.

Bagamat naka-pattern pa rin sa pamahalaan ng China (at kaunting Japan), ang kulturang

nabuo at hindi naman ganap na kopyang-kopya mula sa Tsina.

Sa kabila ng mala-perpektong pagkakahawig ng kabuuan ng Korea sa China, at ang

pagiging modelo ng malaking kaharian para sa mas maliit at papausbong pa lamang na

Korea, nakabuo pa rin ito ng mga katangiang kanyang-kanya, kahit na sabihing hindi naman

galing sa kanya. Ibig sabihin, ang pagiging tila anino lamang ng Korea sa likod ng Tsina sa

pre-kolonyal na panahon ay nagbigay ng daan para sa pagkakabuo ng mga Koreano ng

kulturang maipagpapatuloy at mapapalago nila hanggang kasalukuyan. Ang malapit na

ugnayan ng dalawang bansa ay ginamit ng Korea bilang hakbang o sundadin para makabuo

ng sariling imahe, kahit na naka-pattern lamang.

#
LIST OF REFERENCES

Item #3:

A. Latourette, Kenneth Scott. A Short History of the Far East, Fourth Edition. United

States: McMillan Company, 1965

B. Murphey, Rhoads. A History of Asia, Second Edition. United States: Harper-Collins

College Publishers, 1996

C. Fairbank, John K.; Reischauer, Edwin O.; Craig, Albert M. East Asia: Tradition and

Transformation. Boston: Houghton Mifflin Company, 1973

D. Clyde, Paul and Beers, Burton. The Far East, Fifth Edition (Philippine Edition).

United States: Prentice-Hall, 1972

Item #4:

A. Latourette, Kenneth Scott. A Short History of the Far East, Fourth Edition. United

States: McMillan Company, 1965

B. Murphey, Rhoads. A History of Asia, Second Edition. United States: Harper-Collins

College Publishers, 1996

C. Fairbank, John K.; Reischauer, Edwin O.; Craig, Albert M. East Asia: Tradition and

Transformation. Boston: Houghton Mifflin Company, 1973

D. Clyde, Paul and Beers, Burton. The Far East, Fifth Edition (Philippine Edition).

United States: Prentice-Hall, 1972


Polytechnic University of the Philippines

College of Social Sciences and Development

Department of History

Sta. Mesa, Manila

Fifth [Essay] Examination in Asia I:

Asia in the Pre-Colonial Period

Prof. Mc Donald M. Pascual

Aguilera, Emmanuel A.

Bachelor of Arts in History 3-1

October 19, 2015

You might also like