You are on page 1of 13

Polytechnic University of the Philippines

College of Social Sciences and Development

Department of History

Sta. Mesa, Manila

Fourth Examination in Historical Methodology

Semester I, AY 2015-2016

Prof. Mc Donald M. Pascual

Aguilera, Emmanuel A.

Bachelor of Arts in History 3-1

27 October 2015
FOURTH EXAMINATION IN HISTORICAL METHODOLOGY

Aguilera, Emmanuel A. Prof. McDonald Domingo Pascual

BA History 3-1 27 October 2015

Read the volume (Volume 49) of the Blair and Robertson (The Philippine Islands, 1493-

1898) assigned to you by your professor and do the following items:

1. Write your observations/descriptions in terms of the following:

A. The cover and the appearance and texture of the pages of the volume.

B. The size and the volume (height, width, thickness) in inches.

C. The theme and the sources contained in the volume.

D. Over-all impression of the volume.

Bago ang lahat, ang unang naibigay na volume (volume 46) ng Blair and Robertson

sa akin ng aming propesor ay nailipat sa volume 49, sa kadahilanang wala ang librong

naglalaman ng naunang volume. Ayon sa ginang na librarian ng Main Library ng PUP Sta.

Mesa na aking naabutan, wala na umano roon ang librong naglalaman ng volume 45, 46, at

47 sa kanilang koleksyon ng B and R, kaya tinangka ko na lamang na konsultahin ang aming

propesor at kanyang napagpasyahang ilipat ang kinakailangan sa volume 49 na lamang

(kasunod ng pinakahuling numero sa klase ng BA History 3-1, ang volume 48). Ang volume

49 ay naglalaman ng mga datos ng mga may-akdang Blair at Robertson sa saklaw ng

panahong 1762 hanggang 1765 sa Pilipinas.


Ngayon, akin nang mamarapating bigyang deskripsyon ang Blair and Robertson na

aking ineksamen, ayon sa iba’t-ibang aspeto. Ang mga libro ng Blair and Robertson, o The

Philippine Islands 1493-1898, o madalas na tinatawag na B and R (o BR kapag bilang batis

sa mga libro ng kasaysayan) ay ang prominenteng koleksyon ng mga batis para sa pagsulat

ng kasaysayan ng Pilipinas, at diumano, ayon sa librarian ng PUP Sta. Mesa, ay labis nang

bihira o rare. Ito’y isang libro sa kabuuan, na naglalaman ng tatlong volume na naka-bind

upang makabuo ng isa. Sa madaling salita, hindi nag-iisang volume – na may partikular at

kanya-kanyang saklaw na panahon na nilalaman – ang mayroon sa bawat libro, kundi tatlo

(ayon sa aking nakita sa koleksyon ng nasabing aklatan).

Maihahambing ang pinaka-itsura ng B and R bilang kabuuan sa koleksyon ng

Encyclopedia Americana at tipikal na mga libro ng abogasya at medisina: makakapal,

malalapad at may payak o plain na kulay ng cover o pabalat. Sa kasong ito, ang BR na nasa

aklatan ng PUP Sta. Mesa (gayundin ang BR na nasa Ortigas Foundation Library, Ortigas) ay

may mapusyaw na kulay pulang pabalat, at naka-hard bound o may matigas na klase ng

mala-karton na materyal. Masasalat na ang mismong pabalat ay may magaspang (bagamat

hindi gaano) na katangian, at kung mahahawaka’y tila naman pabalat ng librong Merriam-

Webster New Encyclopedic Dictionary (iyong klasikong bersyon nitong makapal at kulay

pula). May pabalat na plastik ang mga BR sa PUP Sta. Mesa, kung kaya’t ang deskripsyong

ito ng texture ay nakuha mula sa BR ng Ortigas Foundation Library sapagkat parehas lamang

naman ang mayroon sa dalawa.

Tila naka-ukit ang mga gintong letra ng “BR” sa kanang ibabang sulok ng harapan ng

libro, samantalang sa kaliwang bahagi (ang parteng naka-bind ang libro) ay nakasulat ang

pamagat, ang The Philippine Islands, gayundin ang mga volume na laman nito na nakasulat
sa Roman Numeral – sa kulay ding ginto. Panghuli, ang matigas na klase ng materyal na

ginamit sa pang-hard bound ay bumabalot sa makapal nitong pinagsama-samang mga pahina,

na kung tatantyahi’y kulang-kulang sa isanlibo (1000) ang bilang.

Ngayo’y madadako sa pagsusukat ng libro na naglalaman ng aking volume. Gamit

ang Orions ruler bilang panukat, narito ang koleksyon ng mga numero na nakalap mula sa

nasabing libro: (1) Una ay ang lapad, o ang pahalang nitong sukat sa pulgada (inches). Mula

sa kaliwang itaas na sulok ng front cover, patungo sa kabilang kanan nito’y sumusukat ito ng

halos anim na pulgada (6 inches) o upang maging eksakto, 5.875 inches. (2) Pangalawa ay

ang taas nito, o ang patayo nitong sukat. Mula naman sa kaliwang itaas na sulok, pababa sa

kaliwang ibabang sulok, sumusukat ito ng halos siyam at kalahating pulgada (9.5 inches) o

upang maging eksakto, 9.4375 inches.

(3) Sa usapin ng kapal ng libro na naglalaman ng volume 49, minarapat na sukatin ito

sa dalawang paraan. Una ay ang kasama ang hard bound nitong pabalat, at ikalawa ay ang

sukat ng mga kabuuan ng mga pahinang pinagsama-sama. Kung kasama ang pabalat,

sumusukat ito ng isang pulgada’t walong bahagi (1 4/5 inches), o bilang eksakto ay 1.875

inches. Samantalang kung ang mga pahina lamang ang susukatin, na kung tatantyahi’y may

isang libong maninipis na papel (ang bawat volume ay may karaniwang tatlong daan (300) na

mga pahina), sumusukat ito ng isang pulgada’t tatlong bahagi (1 3/4 inches), o upang eksakto

ay 1.75 inches. Kunsakaling kinakailangan, sinukat din ang diagonal na sukat ng libro, na

mula kaliwang itaas na sulok hanggang kanang babang sulok ay sumusukat ng 11.25 inches.

Ayon sa isinasaad ng mga sukat, isa itong tipikal na parihabang sukat na libro, na

kung tutuusin ay may kakapalan din naman sa dami ng pahina. Matapos ang panlabas nito,
ngayo’y madako naman sa loob ng libro, o ang mga pahina na bumubuo rito, kasama ang

texture, itsura, at distribusyon ng letra sa espasyo ng papel.

May manila-nilaw at kaunting mantsa ng pagiging kayumanggi (brownish) ang kulay

ng mga pahina ng BR. Sa unang husga’y tipikal itong kulay ng mga librong makaluma na at

naiimbak sa mga estante ng aklatan, na na-preserba ang amoy nitong makalumang papel na

tila nahamugan o nahalumigmigan. Karamihan sa mga pahina ay ganito, subalit may ilang

piling pahina rin na naiiba ng kulay. Partikular ang mga pahinang may mga ilustrasyon, o

mga imahe (kadalasan ng mga mapa), may makikinis na maputing pahina ang mga ito.

Siguro’y dahil kinakailangang imprentahan ng litrato, kaya napili ang ganitong klase ng

makinis na papel, upang maging malapit sa tipikal na imprentahan ng mga litrato (photo

paper).

Subalit sa kabuuan, ang mga pahinang naglalaman ng pangunahing nilalaman – ang

mga manila-nilaw na may kaunting mantsa ng pagiging kayumanggi – ay may magaspang na

katangian, na kagaya ng isang tipikal na papel ng libro. Mahahalata na ang kalumaan ng mga

ito, dahil sa nagkapunit-punit na rin (at madali nang mapunit) ang mga pahina (bukod sa

pagiging natural na manipis ng mga ito). Kumalas na sa bind ang ilan sa mga pahina, subalit

kumpleto pa naman.

Panghuli, matapos ang deskripsyon ng matigas nitong pabalat, at magaspang nitong

mga pahina, ngayon nama’y ang itsura ng nilalaman nito. Bagamat maraming blangkong

pahina sa laman, makikita pa rin ang pagka-compact ng mga letra sa libro. Bukod sa mga

pahinang pang-pamagat, may katamtamang laki ang mga letra nito. Hindi maliliit at hindi rin

gaanong malalaki. Maaaring maihambing ang sukat nito sa laki ng letra sa libro ni Teodoro

Agoncillo na History of the Filipino People. Tantyaha’y isang pulgada ang margin.
Matapos ang lahat ng pisikal na katangian ng Blair and Robertson na ito, ngayo’y

tatalakayin naman ang pinaka-nilalaman, partikular na ang ika-49 na volume nito. Umiikot

lamang naman ang volume na ito sa naganap na pananakop ng mga Briton sa Maynila noong

1762, at ang mga pangyayaring naganap kasunod ng mga hakbanging ito ng Britanya. Dito

na nanghimasok ang iba pang lahing bukod sa Espanya as Pilipinas: partikular ang mga

Ingles at Amerikano.

Sa volume na ito rin nabanggit ang simula ng pagtatanim ng mga Briton ng ideya ng

kalayaan sa mga Pilipino: na tila ba nag-uudyok na humiwalay na sa kolonya ng Espanya.

Gayunpaman, marami pa ring naganap na operasyon na hindi pabor sa Maynila sa kabuuan.

Halimbawa, sa pamamagitan ng mga dokumento, nailahad ang mga plano ng pag-atake sa

Maynila, hanggang sa Timog Pilipinas. Nasa volume na ito ang presentasyon ng mga

dokumento: mula sa pagpapabagsak dahil sa pananakop, sa mga komunikasyon kaugnay ang

pananakop, at iba pang hakbangin na kumakalaban sa Maynila.

Sa panahong ito rin pansamantalang humina ang kapangyarihan ng Espanya sa loob

ng Pilipinas. Bagamat maunlad naman ang Galleon sa panahong iyon, nagtagumpay ang mga

Ingles na antalahin ang pananakop ng Espanya, sa pamamagitan ng lakas militar. Dahil sa

mga digmaang pandagat, pansamantalang nangibabaw ang mga Ingles sa Pilipinas,

samantalang mahina naman ang pinamamahalaang gobyerno ng Espanya. Isa pa, ito ang

panahon ni Diego Silang sa kasaysayan, o siyang itinuturing na insurgent ng Luzon.

At panghuli, para sa kabuuang impresyon ng volume: magagamit ito para sa pagbuo

ng pag-aaral ukol sa pagdating ng mga Ingles sa Pilipinas, partikular sa Maynila. Mula sa

akawnt ng mga Ingles at Espanyol bilang batis, maiintindihan ang parehong panig ng

dalawang lahi sa mga panahong iyon. Maaari rin itong magamit para sa pag-aaral ng mga
digmaang pandagat, sapagkat ang mga tunggaliang naganap sa panahong iyo’y kadalasang

pumapaikot sa mga dagat o pantalan.

Mula sa mga iprinisintang dokumento, maaaring makakuha rito ng mga primaryang

batis tungkol nga sa nabanggit ngang mga paksa sa nasabing saklaw ng panahon. Pero para

sa simpleng impresyon ay ang komprehensibo palang nilalaman ng BR. Ngayo’y hindi na

nakakapagtaka kung bakit ito ang pangunahing ginagamit ng mga naghahanap ng primaryang

dokumento, na siya namang ginagamit nila sa kani-kanilang mga akda. Ang mga kilalang

pangalan na manunulat ng ating kasaysayan, ay gumamit ng nilalaman nito para sa datos.

Bilang mag-aaral ng kasaysayan, ang nilalaman nitong walang pinapanigan,

nagsasaaad ng magkakabilang panig, at komprehensibo ang paglalatag ng ng datos, ang BR

ay walang dudang masasabing reliable nga bilang batis, sa lahat ng uri ng posibleng

maipaksa sa kasaysayan. Dahil sa nabuo na nitong respeto sa paglipas ng panahon – mula sa

mga iskolar ng kasaysayan, masasabing isa na ito sa pinakamahahalagang dokumentong

naririto sa Pilipinas. Hindi kagaya ng ibang dokumento, artipakto o ebidensya ng nakalipas,

ang BR – na bagamat bibihira’y nailimbag nama’t naipamahagi sa buong bansa – ay higit na

madaling matunton, maintindihan at magamit bilang batis.

Sa volume na ito, makikita ang manipestasyon na siguro ng kung ano ang BR. Mula

sa aking analisasyon sa volume pa lamang na ito, inasahan ko na na ang iba pang volume ng

BR ay may kaparehas na paraan ng paglalahad ng datos: walang pinapanigan, wala pang

anumang elemento ng emosyon sapagkat payak na pagbanggit lamang ng datos at diskusyon

dito ang maaaring motibo. Ngayon, sa aking pagkakatuklas sa kung ano nga ba ang

prominenteng BR, maaari ko nang magamit ito sa aking pag-aaral ng mga kasaysayang

partikular sa Pilipinas bago ang rebolusyong 1898.


2. Corroborate the data/facts or sources contained in the assigned volume with

another primary source with the same or almost the same content like the

accounts of Antonio Pigafetta, Fr. Pedro Chirino, Fr. Juan de Plasencia, Feodor

Jagor, Sir John Bowring, John Foreman, or Fr. Tomas de Comyn, etc. by looking

at:

A. Certain similarities and differences.

B. Perspectives and perceptions of the period/theme/events.

C. Depth and extent of the facts or sources included.

Kung ang volume 49 ay binubuo ng mga komprehensibong datos sa saklaw ng

panahon ng 1762-1765, ang kinakailangang pagkumpara rito’y pinunan sa pamamagitan ng

pag-analisa sa dalawang maikukunsiderang contrasting na mga primaryang akda (sa aspeto

ng pagsasaad ng datos at niloloob), ang Relacion de las Islas Filipinas ni Chirino at ang

Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga. Sa madaling salita, dahil nga maaari rin namang

sabihin na ang Blair and Robertson ay primaryang batis dahil sa may mga koleksyon ito ng

mga aktwal na dokumento, maaaring i-ugnay ang nilalaman nito sa iba pang akdang

primarya.

Kung panahon ang pag-uusapan, gayundin ang tema, tunay namang naiiba ang

nilalaman ng volume 49 sa dalawang nabanggit na akda. Kung sa Blair and Robertson ay

naroroon ang mga diskusyon at dokumento ng 1760’s o kung saan umabot na sa Pilipinas

ang paggalugad ng mga Ingles sa mundo, higit namang mas maaga ang Relacion at Sucesos.

Ang Relacion ay noon pang ika-labing anim na siglo, o dulong bahagi ng 1590’s - ang

panahon ng pagdating ni Chirino. Samantalang ang Sucesos nama’y higit pang mas maaga

rito: bagamat ika-labing anim na siglo rin. Ngayon, kung ganito ang sitwasyon ng
kapanahunan ng mga akda, masasabing wala ang mga itong kaugnayan sa volume na ito ng

BR sa pangkabuuan ng tema.

Ngayon, bakit kinailangan na dalawa sa mga prominenteng nasusulat ang iprisintang

ka-hambingan ng BR? Ito ay para sa usapin ng pagiging patas o just, sa paraan ng kanilang

paglalahad ng datos, sa kabuuan. Habang given na kasi na lahat ang mga ito’y naisulat ng

mga dayuhan sa Pilipinas: ang BR ng dalawang Amerikanong iskolar at ang Relacion at

Sucesos ng dalawang alagad ng Espanya, maaaring may pagkakaiba pa rin ang mga ito. Una,

ang Relacion at Sucesos. Ang Sucesos ay naunang naisulat, at isa sa mga inisyal na

dokumentong isinulat ng mga Espanyol sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Ang Relacion

nama’y sumunod na lamang, bagamat maaga pa rin ang panahon ng pagdating nito sa

kapuluan.

Ang Sucesos ay ang presentasyon o pagpapakilala ng sinaunang Pilipinas – isang

presentasyong napupuno ng maraming pananaw ng Espanyol na awtor. Marami ang

nakapagsabi na ang akdang ito’y hindi may mga pahayag na hindi katanggap-tanggap para sa

mga Pilipino, partikular sa lahi at pagiging sibilisado. Diumano’y nahahalata sa awtor ang

pagiging sentro sa sarili, na tila ba siya, at ang kanyang pinagmulan, lamang ang nagbigay ng

binyag sa mga Pilipino para mabuhay sa isang moral na mundo. Isa na nga sa mga hindi

sumang-ayon sa panulat ng kasaysayan na ito si Dr. Jose Rizal na aniya, si Morga’y isang

ilustreng Espanyol na tila humusga sa kapalaran ng Pilipinas at ng mga tao nito.

Kaiba sa Sucesos, ang Relacion naman ay naglalaman ng mga komentaryo sa

Pilipinas at sa mga Pilipino, sa kultura, paniniwala, lenggwahe, at kanilang pamumuhay – ng

walang anumang lantarang panghuhusga sa mga sinaunang Pilipino. Kahit na ang sumulat –

si Padre Chirino, isang Heswitang pari – ay isang Espanyol, nailarawan niya ang mga
panahon na siya’y nasa Pilipinas sa paraang may malawak na pang-unawa, simpatya, at

interes para sa mga mamamayan ng bansang ito noon. Kumbaga, siya’y naging patas sa

paglalahad – ginawa niya ang kinakailangan niyang trabaho (ang ipalaganap ang

Kristiyanismo) at naitala ang mga na-engkwentro, at wala nang iba pang pag-aangat sa higit

na sibilisadong sarili.

Dito, sa Relacion, maaaring ihambing kung ano ang naging paraan sa BR, bagamat

wala namang simpatya para sa mga Pilipino – mga payak na diskusyon sa kung anong

naroroon, paglalarawan ng pagsisimula ng pagbuo ng pamayanang Pilipino – hindi mula sa

mata ng isang mapanghusgang mata ng isang dayuhan kundi mula sa isang manunulat ng

kasaysayan, o tagapagtala. Maaaring ang pinagkaiba lamang sa Relacion ay mas detalyado na

ang BR, gamit ang dala-dalang mga metodo ng pagsulat ng kasaysayan. Subalit kung

ikukumpara ang patas na pagsulat para sa mga Pilipino, maaaring sila’y magkaisa.

Samantala, kumpara naman sa BR – na may pangatlo o 3 rd person point of view – ay

personal ang naging paglalahad nina Chirino at Morga sa kanilang mga akda. Dahil na rin sa

ang mga tala ng mga Espanyol na ito’y pagiging saksi sa kung anong mayroon sa Pilipinas sa

panahong kanilang nadatnan ang bansa, nagkaroon ng mga elemento ng emosyon, apeksyon

– paghanga man o pangmamaliit – ang mga akda nila. Dahil sa ang BR ay koleksyon naman

ng mga datos ng Pilipinas, hindi na minarapat ng mga may-akda na gawing personal ang

panulat, sapagkat sila’y mga mananaliksik lamang at hindi naman mga direktang saksi ng

kanilang naisulat. Kumbaga, nagkaiba sa perspektiba sa usapin ng pagiging saksi, at sa kung

anong klaseng tala nga ba ang kanilang isinulat: ang kay Morga’t Chirino’y sadyang may

motibong magtala, samantalang ang BR ay para sa pananaliksik. Maaaring ibinase na rin sa

salik na ito ang kanilang mga nabuong pagtingin o persepsyon sa Pilipinas.


Panghuling paghahambing ng BR sa ibang primaryang dokumento, ay kung paano

naman nagkaiba ang saklaw, lalim, at esensya ng mga nilalaman at mga batis. Maaaring

sabihin na dahil mas bago na ang pagkakagawa ng BR, kumpara sa ika-labing anim na

siglong mga akda ng mga Espanyol – ay mas maunlad na ang historiograpiya sa panahon ng

BR. Sa madaling salita, dahil nga mas maunlad na ang paraan ng pagsulat ng kasaysayan,

mas komprehensibo na ang mga nilalaman ng BR. Ikunsidera pa na ang mga may akda, sina

Blair at Robertson, ay mga mananaliksik, at manunulat ng kasaysayan sa propesyon –

kumpara kina Chirino at Morga na kumbaga’y sideline lamang naman ang nagawa nilang

pagtatala.

Bukod doon, purong primaryang dokumento rin kasi ang Relacion at ang Sucesos,

samantalang ang mga volume ng BR ay pinaghalong sekundarya, at diniskusyong primarya

(ikukunsidera ang mga footnote na tinataglay ng kabuuan ng BR). Kaya sa aspeto ng mga

tinataglay na batis, pagiging saksi ang panig ng mga akdang Espanyol, samantalang sa mga

mananaliksik na sina Emma Blair at James Robertson, kanila nang dala-dala ang metodo ng

pagsulat ng kasaysayan. Huli, kung hindi ikukunsidera ang mga damdamin ng pagsulat,

masasabi na hindi tapat kung paghahambingin ang dalawang mga akdang ito, sapagkat sila’y

magkaibang klase o uri ng papel ng kasaysayan. Gayunpaman, lahat naman ang mga ito’y

naglalaman ng mga datos na esensyal para sa isang mag-aaral ng kasaysayan, at iyo’y

dedepende na lamang sa kanyang paggamit.

#
LIST OF WORKS CITED

1. Blair, Emma Helen; Robertson, James Alexander. The Philippine Islands 1493 – 1898

(Volume 49: 1762-1765).

2. Chirino, Fr. Pedro S.J. Relacion de Las Islas Filipinas/The Philippines in 1600

(Translated from Spanish by Ramon Echevarria). Manila: Republished - MDB

Printing, 1969.

3. de Morga, Dr. Antonio. Sucesos de las Islas Filipinas/Historical Events of the

Philippine Islands. Mexico, 1609.

4. de Morga, Dr. Antonio. Sucesos de las Islas Filipinas/Historical Events of the

Philippine Islands (Annotated by Dr. Jose Rizal, with prologue by Dr. Ferdinand

Blumentritt). Paris, 1890.

5. Pascual, Mc Donald Domingo M. Lecture on External and Internal Criticism and

Authentication of Documents (Historical Methodology). Polytechnic University of

the Philippines-Manila, 2015.

6. Agoncillo, Teodoro A. History of the Filipino People, Eighth Edition. Quezon City:

Garotech Publishing, 1990.


MGA LARAWAN NG BLAIR AND ROBERTSON

Kinunan: Polytechnic University of the Philippines, Manila Main Library: 21 Oktubre 2015

You might also like