You are on page 1of 1

Si Sibol at si Gunaw

Ed Maranan
ISANG ARAW, nakaramdam ng matinding banas si Luningning. Ang kanyang tahanan ay nasa
langit — isang di-nakikitang kaharian na nasa ituktok lamang ng Bundok Pangarap. Nagpasya
siyang bumaba sandal sa paanan ng bundok. Doon, may isang batis na kaylamig ng tubig.
Lumusong siya sa bukal, at nagmistulang umawit. Ang awit ay narinig ng haring makata na si
Kapuy, na noo’y nangangaso sa gubat. Nataranta si Kapuy nang masilayan si Luningning.
Natulala at napatula tuloy siya.
Bagamat nagulat, at nainis sa panunubok ni Kapuy, naaliw naman si Luningning sa maindayog
na tula ng binatang tagalupa. Ngunit nangingibabaw ang kanyang pagiging bathala. “Sino ka,
pangahas?” “Si Kapuy ako, binatang nag- aantay, naghahanap ng dalagang kapiling
habambuhay! Sa lupang ito, ang bansag ay hari, lahat ng tanaw mo’y aking pag-aari!Maaari bang
malaman, matamis mong pangalan?”
“Ako si Luningning, bathalumang tagalangit!Ako ang nag-atas sa mga ulap na magbagsak ng
ulan sa pananim ninyong mga tagalupa. Ako ang naghasik ng mga unang binhing pinagmulan ng
lahat ng puno at halaman. Ako ang diwata ng mga ilog at bukal, at ikaw ay isa lamang
tampalasan!” Lalong pinapungay ni Kapuy ang kanyang mga mata, pinahumindig ang kanyang
dibdib, at pinakulot ang kanyang dila.
“O diwatang walang saya, bathalumang pinipita! Kung matamlay ka sa langit, sa iyo ba’y may
awit?” May kung anong naantig sa puso ni Luningning, ngunit nanaig ang matinding kaba at
takot. Bigla siyang tumalilis, subalit mabilis rin ang binatang tagalupa, at sila’y naghabulan sa
kagubatan nang ilang araw at ilang gabi, hanggang ang bathala’y manghina sa matinding pagod.
Napilatang lisanin ni Luningning ang kanyang langit. Bumaba siya sa lupa upang maging asawa
ni Kapuy, at manirahan sa kanyang kaharian.
Sila’y pinalad na magkaroon ng kambal na anak. Unang lumitaw si Sibol, sumunod si Gunaw.
Bata pa si Sibol ay kinamalasan na ito ng pambihirang ganda at kabaitan. Magiliw siya sa mga
hayop at halamanan sa buong kalikasan. Naluluha siya sa pagkalaglag ng mga tuyong dahon.
Saka lamang siya sumaya nang sabihin sa kanya ni Luningning na ang mga dahong natutuyo ay
nalalaglag at naaagnas sa lupa upang maging pataba sa bagong sisibol na halaman. Binigyan ni
Luningning si Sibol ng maraming binhi at buto. Kaya’t wala pa siyang limang taon ay marami na
siyang naitanim at napalagong bulaklak at gulay.
Si Gunaw naman, maaga pa’y nagpakita na ng kakaibang pag-uugali. Maligalig ito.
Nagpapalahaw kapag hindi agad nasusunod ang nais. At ni walang bahid ng kababaang-loob at
malasakit sa hayop at halaman, tulad ni Sibol. Bagamat mahal din ni Luningning si Gunaw,
nagtataka siya sa ugali ng batang lalaki. Ipinagmamalaki naman ni Kapuy si Gunaw, sapagkat
paslit pa lamang ito ay mabulas na ang pangangatawan at may pambihirang lakas. Bago pa man
magsampung taong gulang, kayang-kaya nang itumba ni Gunaw ang mga puno ng saging o
kaya’y bakliin ang kawayang hindi mabali ng hangin.

You might also like