You are on page 1of 1

MENSAHE SA PAGTATAPOS 2017

Maligayang pagbati sa lahat ng mga magsisipagtapos!

Tunay ngang hindi nakagugulat ang inyong tagumpay. Ito ay karapat-


dapat na mapasainyo. Bunga ito ng pagtitiyaga, paghihirap, sakripisyo at
dedikasyon na inyong ipinamalas sa tulong ng inyong mga magulang, guro at
lahat ng mga mahahalagang tao na naging kaagapay ninyo sa mga
mapanghamong taon ng paglagi sa paaralan.

Ikinararangal kong maging bahagi sa makabuluhang yugtong ito ng


inyong buhay.

Higit pa sa masigabong palakpakan at pagpupugay ang nararapat sa


inyo sapagkat alam kong dumaan kayo sa mahirap na paglalakbay.
Ipinagmamalaki ko kayo sapagkat nakayanan ninyo itong pagtagumpayan.

Gaya ng isinasaad ng tema sa pagtatapos ngayong taong ito: “Sabay-


Sabay na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan," lalo pa kayong
magsikap at patuloy ninyong pag-alabin ang pagnanais na magkaroon ng
magandang bukas sa kabila ng mga nakikita ninyong realidad ng buhay. Alam
kong may mga pag-aalinlangan kayo subalit huwag kayong mabahala at
mangamba sapagkat kaakibat ng inyong pagtatapos ang pagkakaroon ninyo
ng kakayahan at kapangyarihan – kakayahan at kapangyarihang maging
instrumento ng pagbabago.

Alam kong makakaya ninyo sapagkat inihanda na kayo at patuloy na


ihahanda ng inyong paaralan. Lagi ninyong tanganin ang nagniningning na
tabak ng kaalaman, kasanayan at pagpapahalaga kaakibat ang matibay at
matatag na kalasag laban sa kamangmangan upang maging handa sa
hamon ng pagiging produktibong mamamayan.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong mga nasimulan at huwag kalilimutang


magpasalamat sa Panginoon. Patuloy rin ninyong hingin ang Kanyang
paggabay sapagkat sa pamamagitan Niya, lahat ay posibleng magkatotoo.

Maligayang pagtatapos! Hangad ko ang inyong patuloy na tagumpay!

You might also like