You are on page 1of 482

Class 3-C has a secret

WELCOME TO HELL.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means,
electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information
storage and retrieval system,without written permission from the author. PLAGIARISM
is a crime!

This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author’s imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

© charotera101.

ALL RIGHTS RESERVED 2012.

-------

NO SOFT COPIES | NO COMPILATION

--- Wag magjudge agad, nakakamatay. Alamin muna ang storya. Di masyadong direct to
the point (patungkol sa plot) ang prologue. Panourin po yung teaser sa multimedia
setion para malaman yung story.

Dedicated to kay ate Aly dahil kakatapos ko lang ng BTCHO (Actually last week pa e,
late ako makapag-dedicate)! Ito nga yung first book ko na natapos eh.Yey!
Haha.Sobrang nag-enjoy talaga ako sa story na yon and sa cellphone lang ako nagbasa
kasi wala lang.Kaya mano-mano kong dina-download yon.Ako na matiyaga *HUGS* Salamat
ate Aly for that wonderful story.

------

CAST
Ai Hashimoto as Denise Villaverde
Kim Bum as Ash Flores

-----

Kung titignan mo...


mga ordinaryong estudyante lang kami...

nag-aasaran...

nagtatawanan...

at kung minsan ay nagkakatampuhan.

Ngunit sa kabila ng imahe namin na ito.

May nakukubling mga sikreto.

Mga sikreto na hindi dapat malaman ng iba.

kundi...

isasama ka nila sa impyerno.

Handa ka na bang... mamatay?

Kasi kami... matagal na.

WELCOME TO HELL.

--
PLEASE READ THE AUTHOR'S NOTE AFTER NG PROLOGUE.

--AUTHOR'S NOTE-- [EDITED] >>

BASAHIN PO.

Uunahan ko na kayo, Hindi po ako galit! HAHAHA

Para po mabasawan na ang mga nagtatanong, ang "Confession" (yung nasa teaser ng
Class 3-C) lang ang inspirasyon ko.Wala po akong napanood na anime o nabasa na
manga na nakuhanan ko ng story na to.Kung napanood niyo na ang movie, sa tingin ko
ay alam nyo na kung bakit may nakuha ako doon na idea.

Para rin malaman nyo ang difference ng Class 3-C sa Arisa at Another (mga
anime/manga).Ang Class 3-C has a secret ay tungkol sa isang klase na may mga
sikreto.Tungkol sa paghihiganti, poot at sa realidad.Hindi lang ito tungkol sa
tatlong murderers, hindi lang ito tungkol kay Denise at hindi lang ito tungkol sa
pagkamatay ni Teacher Yuko.Tungkol ito sa mga buhay nila, sa mga pinagdadaanan ng
bawat isa sa klase at sa epekto sa kanila ng nakaraan.

Sinasalamin ko dito ang mga nararanasan ng mga kabataan ngayon.Maaring hindi nyo
napapansin ang mga ganitong sitwasyon sa buhay pero maraming kabataan ang unti-
unting namamatay dahil sa pang-aabuso at kung ano ano pang bagay.

( SPOILER ALERT! ) Ang Arisa ay tungkol sa isang klase na parang may sinasamba na
"king" dahil tinutupad nito ang isa sa mga wish ng isa sa mga kaklase nila.Tapos
may kakambal si Arisa na pumalit sa pwesto niya sa klase at gusto nito malaman kung
bakit nagpakamatay si Arisa at ang tungkol sa "king"

(SPOILER ALERT!) Ang Another ay tungkol sa isang klase na kakaiba (walang


maisip).Tapos may nanyari 26 years ago ata (di ako sure).Tungkol din ito kay Misaki
Mei at kung bakit parang di siya napapansin ng lahat sa klase.Ano ata, basta may
tradition na sa klase na yon na wag papansin yung isa sa kaklase nila para hindi
maulit yung curse.IDK, di ako sure nabasa ko lang to sa isang post e HAHA.Di ko pa
talaga binabasa/pinapanood.Pareho lang ng section ang Another at ang story ko pero
sobrang layoooooooooooooooo ng story =____=

(SPOILER ALERT!) Ang nakuha ko namang idea sa Confession ay yung first part ng
story ko na magre-resign ang adviser, ang juvenile law at ang idea na high school
students ang mga killers dahil sa mga personal nilang rason.Noong pinanood ko
talaga yan, biglang pumasok sa isip ko ang story na to.Just like the characters,
ang mga ugali ng mga kabataan ngayon at ang mga problema nila.
Kaya for me, "Confession" talaga ang pinakamalapit sa storya at kaya "Class 3-C"
ang ginamit kong section kasi ang gandang pakinggan diba? HAHAHA.Pero kahit
inspiration ko siya, malaki pa rin ang pagkakaiba ng Class 3-C has a secret sa
Confession.

Minsan kasi nakaka-offend, minsan hindi depende sa approach.Alam nyo naman yung
feeling eh. Karamihan satin dito gumagawa din ng story at pangit na yung story na
pinag-isipan mo ay basta basta na lang huhusgahan kahit di pa nila tapos basahin
ito.

C1: Teacher Yuko is.......dead? >>

A/N: First time kong gumawa ng ganitong story kaya sorry kung hindi magiging
exciting o baka maging boring.Hirap kasi gumawa ng ganito.Yung tipong pag-iisipin
mo yung mga readers mo kung sino talaga ang mga muderers pero I'll try my best para
maging maganda.

P.S. Bawal ang silent reader at sana basahin nyo ang author's note palagi.

---

Denise's POV

3 weeks ago..

"Class, I'm sorry."

Gulat kaming lahat habang nagsasalita si Teacher Yuko. Siya ang adviser namin at
ang pinakamalapit sa aming lahat. Sa lahat ng mga teachers, siya lang ang tanging
nakakaintindi sa amin. Siya ang nagtitiyaga para piliting ituwid ang mga sira
naming landas.

Kami ang Class 3-C, ang klase na ayaw pasukan ng mga teachers. Sa kadahilanang wala
naman kaming pake sa mga tinuturo nila, basta pumapasok kami dahil kailangan. Puro
mayayaman, maarte, mga basagulero at ang mga talunan ang mga nakakasama ko.
Kalilipat ko lang kasi ngayong school year sa klase na to. Lumipas ang mga araw na
sobrang saya na ni hindi ko nga namalayan na ilang buwan na lang magiging Senior na
kami.
Tahimik pa rin ang lahat. Hinihintay pa rin ang mga susunod na sasabihin ni Teacher
Yuko.

"Magre-resign na ko...." sabi ni Teacher Yuko habang nakayuko at nakahawak ang


dalawang kamay sa magkabilang dulo ng teacher's table. "Magpapakasal na ako next
week... Sorry kung ngayon ko lang sinabi ito. Sorry kung naglihim ako."

Katahimikan pa rin ang nangingibabaw sa apat na sulok ng classroom namin. Ni hindi


namin alam kung malulungkot ba kami o magiging masaya para sa pinakamamahal naming
teacher.

Ano ba dapat ang maramdaman namin ngayon?

---

After 5 days...

"Patay na raw si Teacher Yuko..."

"Oo nga, nabalitaan ko rin. Totoo ba yon?"

"Nakita yung bangkay niya sa banyo. Sa bathtub mismo, nagpakamatay at puno daw ng
dugo ang tubig. Mayroon ding picture sa dyaryo na may nakasulat na LIAR sa pader ng
banyo ni Teacher Yuko."

"Oo nakita ko nga yon at gamit daw sa pagsulat ay ang dugo mismo ni teacher. Sabi
ng mga pulis... suicide daw ang nanyari."

"Bakit naman gagawin yon ni Teacher Yuko?"

"Baka ayaw nang magpakasal ng fiancee niya?"

"Kawawa naman.."

Kanina ko pa naririnig ang mga kumakalat na balita na patay na raw si Teacher


Yuko.....totoo ba? o baka chismis lamang ito. Tama. Baka nga chismis lang, marami
na ring kumalat na chismis tungkol kay Teacher Yuko pero kahit isa doon wala kaming
pinaniwalaan dahil kilala namin si Teacher Yuko. Impossible na magagawa niya ang
mga bagay na iyon.
At nakausap ko pa si Teacher Yuko noong isang araw... Martes ata yon?

---

Last tuesday..

"Teacher Yuko.."

"Bakit ka napadalaw Denise?"

Inabot ko ang box na hugis puso at binigay kay teacher Yuko.

"Ginawa po ito ng klase namin. Letters and stuff... Masaya po kami para sa inyo."

Dahan-dahang binuksan ni Teacher Yuko ang box at kinuha isa-isa ang mga sulat pati
na rin ang mga litrato namin. Tumulo ang mga luha niya habang tinitignan ito.
Sinarado niya ang box at niyakap ako.

"Tara, tuloy ka sa loob Denise. Pupunta muna ako sa kwarto para itago ito ah?
Salamat talaga. Dito ka muna."

"Opo Maam."

Pumasok ako sa munting sala ng apartment ni Teacher Yuko at na agad namang naagaw
ang atensyon ko ng isang puting panyo na nasa lapag at mukha bang nalaglag lamang.
May nakaburda sa panyo... tatlong itim na paru-paro na tila ba'y lumilipad. Nasa
kanang gilid lang ito ng panyo at pinong-pinong nakaburda rito. Kinuha ko ito at
tinignang mabuti.

Ang ganda...

Hindi pa ako nakuntento. Nilapit ko ang ilong ko at inamoy ang panyo... amoy...
amoy lalaki. Isang matapang na pabango ng lalaki. Inisip ko lang na baka ang may-
ari ng panyo ay ang mapapangasawa ni teacher Yuko. Nilapag ko na lang ang panyo sa
lamesa nang may napansin ulit ako..
... Hindi lang ako ang tao rito..

Malakas ang pakiramdam ko na may nagmamatiyag sa akin.. may mga matang nakadikit sa
akin. Nilibot ng mga mata ko ang paligid ngunit wala naman akong nakita. Yung
amoy... amoy lalaki dito sa sala... ang amoy ng panyo, dumikit lang ba sa ilong ko
o meron talagang ako kasama ngayon? Malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi ako
nag-iisa rito.

Lilingon na dapat ako nang biglang lumitaw si Teacher Yuko sa harapan ko. Nakabalik
na pala siya. Pero may kakaiba sa ekspresyon ng mukha niya... parang nag-aalala...
parang may bumabagabag sa kanya at parang takot na takot sa akin pero hindi ko na
pinansin yon dahil masaya si Teacher Yuko, iyon ang tandaan mo Denise.

Ngumiti na lang si Teacher Yuko sa akin at sinabing..

"G-Gabi na pala Denise... b-baka hinahanap ka na ng m-mommy mo."

"Ah..Opo."

Nagpaalam na ko sa kanya at habang naglalakad ay muli akong lumingon sa apartment


ni teacher Yuko. Napatigil ako ng sandali nang may nakita akong dalawang anino sa
mismong salamin ng bintana ng sala... para bang nag-uusap... ay hindi... nagtatalo.
Pero muli, hindi ko na pinansin iyon... hindi naman siguro diba? Kaya dumiretso na
ko ng lakad pauwi.

-------------------

"Guys!" tTumayo sa harapan si Nichole, ang Class President namin. Isa siya sa mga
naging mabait sa akin noong kakalipat ko pa lamang dito sa klase nila. Isa siya sa
mga pinagkakatiwalaan ko. Natuon ang atensyon ng buong klase sa kanya. Ang iba na
malayo ang iniisip ay nakabalik na sa realidad, katulad ko.

"T-Totoo bang p-patay na si.... si.. Teacher Yuko?" Bakas ang pagkalungkot sa boses
ni Nichole. "Ang mga kumakalat na balita... totoo ba yon?" Tanong pa niya muli.

Tumayo si Andy, ang best friend ko. Pumunta siya sa kinatatayuan ni Nichole at
ibinigay sa kanya ang isang dyaryo kung saan naglalaman ang malagim na balita...
kung ganun totoo pala? Umiyak nang umiyak si Nichole sa dibdib ni Andy pati rin ang
iba sa amin ay umiyak na rin. Hindi dapat nanyari to... di ko kayang matanggap ito.

"Ano ba kayo?! Bakit kayo umiiyak?!" sigaw ni Alyana, ang kaklase naming tomboy.
Sinigaw niya iyon pero halata naman na malapit nang tumulo ang mga luha niya at may
nararamdaman akong kakaiba sa mga kilos niya... para bang kinakabahan siya.

"D-Dapat tayong matuwa!" pagpapatuloy niya.

At bakit?

Sa kanya na nakatuon ang pansin ng buong klase.

"Dahil wala na ang adviser natin, pwede na tayong bumalik sa dati nating gawi.
Malaya na tayo! Wala na si Teacher Yuko, kinontrol lang niya tayo. Magiging masaya
ulit tayo. Hindi ba maganda ang mga iyon?" pagpapatuloy ni Alyana.

"MALAYA NA TAYO!" sigaw ni Rain, ang pinakasiga sa klase.

Nagsitayuan ang mga kaklase namin upang magdiwang. Kaunti lang kaming nanatiling
nakaupo. Hindi ko alam na ganito pala kakitid ang mga utak ng kaklase namin.
Namatayan kami ng adviser pero nakuha pa rin nilang magdiwang?

Tinapon nila sa basurahan ang mga notebooks at libro namin sa subject ni Teacher
Yuko at nagsigawan muli. Puro halakhakan dito, halakhakan doon. Ni wala akong
nararamdamang lungkot sa kanila. Sana man lang ginalang nila ang pagkamatay ni
Teacher Yuko kahit hindi bilang teacher kundi kahit bilang tao.

Nalipat lang naman ako dito dahil sa mga grades ko noong Sophomore pa ko. Yung
ibang matino sa klase na to, wala akong ideya kung bakit dito sila nailagay...
bakit kaya? Dahil ang alam ko dito tinatapon ang lahat ng estudyante na sakit sa
ulo, puro kalokohan ang alam at ang mga walang pakialam sa mundo.

"Wala na ulit makakakontrol sa klase natin! Wooo!" Hindi pa rin natitigil ang
sigawan at tawanan sa klase. Wala, wala na. Pakiramdam ko napapaligiran ako ng mga
baliw.

"Lintek na teacher yan! Ba't ngayon lang namatay yan? Buti naman naisipan niyang
patayin ang sarili niya!" sigaw ni Alyana.
Wag kayong ganyan.. Gusto kong sumigaw, pagalitan at sumbatan sila pero alam kong
walang makikinig sa akin. Baka nga walang lumabas na boses sa bibig ko. Nakakatakot
sila kapag nagalit…

"Magsaya tayo sa pagkamatay ng teacher na yan! Mamaya ah! Buong klase!" Sigaw muli
ni Rain na kinatuwa naman ng mga kaklase namin.

"WOOOOO! MAGSAYAAA!" sabay sabay nilang sinabi at tsaka nagpatuloy sa pagsabi ng


mga masasakit na salita patungkol kay teacher. Bakit ganito sila? Dati naman
napakabait nila na akala mo mga tuta kapag kaharap si Teacher Yuko.

"Maganda lang kasi yung na teacher na yon eh. Malaki pa yung boobs. Pansin nyo ba?
Ang sarap titigan eh." At pagkatapos ay nagtawanan muli sila.

"Pa-inonsente lang naman ang teacher na yon eh! Plastik!" pati ang mga babae
nakikisigaw na rin. Anong nanyayari?

"Yeah.. I know right. She's a bitch. Tinatago lang niya ang baho niya pero hindi
siya marunong magtago nang mabuti. Ayan tuloy, naamoy siya. Besides, napaka-
annoying na teacher Yuko na yan. Kung maka-asta akala mo nanay natin. Akala mo kung
sinong anghel." Sabi ni Amanda, ang nagre-reyna-reynahan sa buong klase. Kulang na
lang ay tawagin naming siyang Queen Amanda. Maganda kasi, mayaman, nasa kanya na
ang lahat. "Anghel na ni-reject sa langit!" Nangibabaw muli ang tawanan.

Tama na please...

Tinakpan ko na ang mga tainga ko ngunit kahit anong gawin ko... boses pa rin nila
ang nangingibabaw sa pandinig ko. Ang mga masasakit at masasamang salita..... bakit
ngayon lang nila sinabi ang mga ito? Hindi ko alam na ganito pala talaga ang mga
naiisip nila. Pakiramdam ko, hindi ako kabilang sa klase na to.

Habang nagkakagulo ang iba, lumapit sa akin si Angie.

"Denise..sumama ka sa akin."

"Bakit?" tanong ko sa kanya.


"May kailangan akong sabihin sayo."

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa.....pagkamatay ni Teacher Yuko." Sabi niya habang may kakaibang ngiti
sa kanya mga labi, ngiti na nakapagpatayo ng mga balahibo ko.

Anong nalalaman ni Angie tungkol sa kamatayan ni Teacher Yuko?

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: CONFESSION

C2: Confession. >>

A/N: Yung .gif sa gilid hindi po si Denise yon ah.That's Angie. Galing sa korean
movie na "Death Bell" (Horror at Mystery na din).Imagine nyo na lang na puro dugo
yung damit niya.

Enjoy sa update *Huuugs*

VOTE | FAN | COMMENT!

---

Denise's POV

Sumunod ako kay Angie papunta sa kung saan man niya gustong makipag-usap. Ano ba
ang mga nalalaman niya tungkol sa pagkamatay ni Teacher Yuko? Tumigil kami sa C.R
ng girls sa may first floor. Hindi ko alam na malayo na pala ang nilakad namin.
Masyadong binabagabag ang utak ko tungkol sa mga sasabihin niya.

"Ano na ang sasabihin mo Angie?" sabi ko nang napansin ko na patingin-tingin lang


siya sa paligid na para bang nagaalala kung may makakita o makarinig sa
pinaguusapan namin. "Anong nalalaman mo Angie?" nagtanong muli ako.

"Walang nanyaring pagpapakamatay. Hindi nagpakamatay si Teacher Yuko.."

"Ngunit...sabi ng mga pulis.."

"Seryoso? Naniniwala ka sa mga yon? Wala namang kwenta yang mga pulis na yan eh.”
Sabi niya na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi. Ang ngiti na di ko malaman
kung dapat ko bang pagkatiwalaan o hindi.

"Sino siya? Sabihin mo sa akin!"

"T-Tatlo sila.... galing sa klase natin." Tugon niya habang palingon lingon sa
paligid kagaya ng kanina... para bang may nanonood sa amin. Pansin ko na
nanginginig din siya.... na akala mo'y isang kuneho na binabantayan ng isang
mabangis na oso.

"Bakit naman may papatay kay Teacher Yuko? At galing pa talaga sa klase natin?
Mabait siya sa atin.... mabuti siyang guro. Maari ngang hindi siya gusto ng
karamihan sa klase pero hindi naman siguro darating sa punto na may papatay sa
kanya. Totoo ba yang mga sinasabi mo Angie?” Hindi ko nga matanggap ang pagkamatay
ni Teacher Yuko lalo pa ba ngayon na sa mga sinasabi ni Angie?

Maniniwala ba ko sa kanya?

"Hahahahahahahaha!!" Tumawa lang nang tumawa si Angie na parang baliw. "Iyon ba ang
pagkakakilala mo sa teacher na yon? Nakakaawa ka naman Denise. Isa ka pala sa mga
naloko niya, sa mga ginago niya!"

Biglang nag-iba ang asal ni Angie. Kung nakakatakot na siya kanina, sobrang
nakakatakot na siya ngayon. Napakatapang ng aura niya.... nandoon pa rin ang
nakakakilabot niyang ngiti pati rin ang mga mata niya na mas matalim pa sa
kutsilyo.

"Mabuti si Teacher Yuko! At iyon ang paniniwala ko. Iyon ang nakikita ko. Hindi ako
maniniwala sayo!" pagtatanggol ko sa namayapa naming adviser.
"Lahat ng tao may sikreto... sa tingin mo si Teacher Yuko, wala? Hindi mo siya
kilala. Hindi mo pa nakikita ang totoong Teacher Yuko. Kasi ako... nakita ko na
siya... kasama ng sikreto niya." Sabi pa niya habang hinahawakan ang bawat hibla ng
buhok ko. Muli niya akong tinignan gamit ang mga matatalim niyang mga mata. Isang
ngisi ang pumorma sa mga labi niya. Nang sahil sa takot… tinulak ko siya palayo.
Parang hindi si Angie na kilala ko ang kaharap ko ngayon. Parang ibang tao ang nasa
harapan ko. Mula nung nanyari iyon, nagbago na talaga siya.

Binigyan niya ako ng isang bugtong na di ko masagot-sagot. Maraming katanungan ang


nabubuo sa utak ko at ni isang kasagutan ay wala akong nakuha. Kilala ko ba talaga
si Teacher Yuko? Bulag nga ba talaga ako sa katotohanan?

"Gusto mo bang malaman kung sino ang tatlong iyon?” Muli ay napatingin ako kay
Angie. "Di ko maaring sabihin ang mga pangalan nila. Pero may pare-pareho silang
tattoo. Kung saan ay hindi ko alam. Tatlong maliit at itim na paru-paro." Sabi
niya.

Paru-paro?

Naalala ko bigla ang panyo sa may apartment ni Teacher Yuko. Yung panyo na yon...
pati din ang mukha ni Teacher Yuko nang nakita niya ako... yung pakiramdam ko na
hindi ako nag-iisa sa sala ng apartment ni teacher Yuko. Sinabi ni Angie na tatlo
sa mga kaklase namin ang gumawa nun kay teacher. Sino-sino sila? Parang dugtong
dugtong ang nanyari. Ang pagdalaw ko... ang pagkamatay ni Teacher Yuko pati na rin
ang reaksyon ng mga kaklase namin.

Angie's POV

Mabuti ng malaman ni Denise ang ibang detalye para mabawasan ang pagka-ignorante
niya sa klase at para na rin makagawa ako ng mabuti bago man lang ako mamatay...
dahil alam kong oras na lang ang natitira ko sa mundo. Ilang oras na lang,
huhusgahan na ko ni Kamatayan. Handa na ako. Handa na kong mamatay.

"Totoo ba talaga yang mga sinabi mo?"

Nakakaawa talaga tong Denise na to. Napakatanga. Pilit na ngang sinusubo sa kanya
ang katotohanan, pilit din niyang niluluwa. Napakagaling namang umarte ng Yuko na
yon? Pwes, totoo ang mga pinagsasabi ko at wala akong dinoktor doon.

"Kung ayaw mong maniwala, edi wag. Tandaan mo... kung bibigyan mo sila ng
pagkakataon... sila na mismo ang lalapit sa'yo." Muling pagbabanta ko. Sayang at
hindi ko masasaksihan ang lahat. Ang paghihiganti... dahil sa mga oras na iyon ay
tiyak na malamig na bangkay na lang ako.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

1 message received.

Binuksan ko ang bagong message at kinabahan ako pagkakita na pagkakita ko pa lamang


ng sender.

Sender: Alyana.

Message: Angie pumunta ka sa Rm. 101-A. Kailangan na nating mag-usap. Maayos pa


natin to, tapusin na natin to. Hihintayin kita.

Tama siya, kailangan na naming mag-usap. Kailangan nang matapos ang lahat bago man
lang ako malagutan ng hininga dahil kung hindi, habang buhay kong dadalhin sa hukay
ang kasalanan ko sa kanya.

"Aalis na ko" sabi ko

"Teka lang!"

Lumingon lang ako sa kanya.

"Sabihin mo sa akin ang.... lahat."

Napangisi ako dahil sa inis. Masyado siyang sinusuwerte. Hindi niya maaring malaman
ang lahat lahat. Dahil kung sasabihin ko, maaring sa oras na ito, papatayin din
siya. Kahit sa mismong kinatatayuan niya... ngayon din.

"Kung ano man ang mga sinabi ko sayo... hanggang doon lang ang kaya ko."

Aalis na dapat ako nang lumingon muli ako sa kanya.


"Huwag na huwag mong ibibigay ang buong pagtitiwala mo sa kanila dahil hindi mo
alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa hindi dapat pagkatiwalaan. Maaring
saksakin ka sa likod ng mga yan kapag di ka nag-ingat... hindi mo sila kilala."

Sumobra ata ang pagkamabait ko ngayon. Mukhang nabawasan ang haba ng sungay ko.

"Kahit sa'yo?" muling tanong ni Denise

Napangiti ako sa tanong niya... iyan ang mga gusto ko.

"Kahit sa akin." Tugon ko habang papalayo sa kanya.

Iniwan ko si Denise doon na mas naguluhan. Alam kong hahanapin niya kung sino ang
tatlong iyon... alam ko. Dadalak na ang dugo. Humanda ka Denise, malapit ka nang
mabura sa mundong ito. Hayaan mo munang makipaglaro ka kay kamatayan.

---

Narinig ko ang ingay ng mga nakakairitang teachers nang dumaan ako sa Faculty room.
Mga teachers na walang alam kundi mag-chismisan tungkol sa mga estudyante. Wala
naman silang pake sa amin e... pera lang naman ang dahilan kung bakit sila
nandito... pare-pareho lang sila, mga mukhang pera.

Humakbang ako papunta sa loob ng Room 101-A. Bakit ang dilim? Pundido ba ang ilaw?
At nasan na si Alyana? "Alyana? nandito na ako." Lumapit pa ako dahil may napansin
akong gumalaw na anino doon sa may bandang gilid. "Alyana ikaw ba yan? Magpaki----"
bago ko pa matapos ang mga sasabihin ko ay may nagtakip na ng bibig ko at agad
kong naramdaman na may biglang pumukpok sa ulo ko...

Dugo...

Puro dugo..

Bago ako nawalan ng malay ay nakita kong bumagsak ang isang baseball bat na tiyak
kong ginamit para paluin ako sa ulo..

Alyana..Ikaw ba yan?
---

Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ay nakita ko ang sarili ko na nasa isang


abandunadong gusali. Nilibot ng mga mata ko ang paligid pero wala akong nakita ni
isang tao. Puro huni lang ng ibon ang naririnig ko. Nasan na ko? Mahigpit na
nakatali ang isang tela sa pagitan ng bibig ko at naka-tape naman ang mga kamay at
paa ko dito sa kinauupuan ko.

Pinilit akong sumigaw... magwala ngunit alam ko naman na walang manyayari...


mapapagod lang ako. Ito na ba? Malapit na ba akong mamatay?

Papatayin na ba nila ako?

"Kamusta ang tulog mo daldalita?" narinig ko ang boses niya sa may likuran ko...
nakakatakot. Hindi ko alam na ganito pala ang takot na madarama ko kapag alam kong
malapit na talaga ang katapusan ko. Hindi ko akalain.

Pumunta sila sa harapan ko. Tinanggal ng isa sa kanila na nasa likuran ko ang tela
sa bibig ko. Tinignan nila ako na para bang nandidiri sila sa akin...
kinasusuklaman nila ako ngayon dahil isa akong traydor. Unti unti nang kakalat ang
mga sikreto... nang dahil sa akin.

"S-Sorry.." ang tangi kong nasabi. Ewan ko ba kung bakit kapag sila ang kaharap ko
biglang umuurong ang buntot ko pati na rin ang mga sungay ko... kumbaga, naduduwag
ako, natatakot sa kanila.

"SORRY?! SORRY IS NOT ENOUGH BITCH!!" Dumukot siya ng baril at tinutok sa akin.
Sige, patayin nyo na ko. Walang kwenta ang buhay ko... patayin nyo na ko! Ngunit
nagulat ako nang kinuha ng isa nilang kasama ang baril at ibinato ito..

"Huwag kang magmadali...darating din tayo diyan." Sabi niya sa kanyang kasama.
"Alam mo ba ang ginawa mo ha?" Muli siyang tumingin sa akin habang nandidilat ang
mga mata niya.

Napayuko na lang ako.


"Pinahamak mo kami! Ganyan ba ang igaganti mo pagkatapos ka naming tulungan? Ha?!"
sigaw niya sa akin habang nanlalaki pa rin ang mga mata niya. "Gusto mo bang ilabas
namin ang sikreto mo?!" sabi pa ng isa sa kanila.

Tumingala muli ako sa kanila at ramdam ko na umiiyak na ako. Tuloy tuloy ang
pagtulo ng luha sa mukha ko na kahit ako mismo ay hindi ko na mapigilan.

"Anong iniiyak-iyak mo diyan? SUMAGOT KA!!!"

"H-H-Hindi po... please. Patayin nyo na lang ako! TAPUSIN NYO NA ANG BUHAY KO!
PARANG AWA NYO NA!" sigaw ko sa kanila. Ngumisi lang sila sa akin habang pinapanood
akong humagulgol dahil sa desperasyon.

Nakakapagod ng huminga. Nakakapagod mabuhay. Ayoko ng mabuhay dito sa mundong wala


namang pake sa akin. Mundo na puro masasamang tao ang nagpapatakbo. Lumapit sa akin
ang isa nilang kasama... na isang tingin mo palang ay masasabi mong
pinakanakakatakot sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siya... sa
kaba... sa takot.. sa gulat. Hindi ko alam na kabilang pala siya sa kanila.

"Masyado ka nang maraming nalalaman..." Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko
at alam kong may hawak siyang kutsilyo sa kaliwa niyang kamay.

Punong puno ng galit ang mga mata niya na para bang gusto niyang durugin ang ulo ko
sa sandaling ito. Maari niyang gawin yon. Dahil ang taong kaharap ko ngayon ay
walang kinatatakutan... walang awa. Gustong gusto niya ng dugo. Gusto niya na may
nagmamakaawa at nasasaktan siya dahil... galit siya sa lahat... galit siya sa mundo
na minsan ay tinalikuran na siya at muli iyong nanyari kaya... maghihiganti siya.

".....kailangan mo nang manahimik."

Napapikit na lang ako.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: THE CALL.

[Extra Chapter] A monster was born. >>


A/N: Nandito yung story ng isa sa mga murderer and expect nyo rin sa mga susunod na
chapters na may Murderer's POV pero hindi ko sasabihin kung sino sila.

Vote | Comment | Fan

---

Murderer's POV

Ako na lang palagi ang mabuting anak, kaklase at kaibigan. Palagi akong mabait sa
kanila. Lagi kong sinusunod ang mga sinasabi nila sa akin. Pero sa huli, ako rin
pala ang kawawa.

Noong nasa Elementary pa lamang ako. Ako na lang lagi ang invisible sa klase. Ni
hindi ko nga alam kung aware talaga sila sa prensensiya ko o hindi. Ako na lang ang
palaging loser, walang kaibigan at walang malalapitan.

Pero noong High School na ko, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko magiging


invisible sa klase. Magkakaroon ako ng maraming kaibigan, lagi na lang nila ako
mapapansin, at wala nang mang-aapi sa akin dahil lahat sila gagawin kong kakampi
ko.

Oo, iyon ang plano ko pero bakit naging ganto?

"Sino pa ba ang kulang?" sabi ng isa sa mga kaklase ko.

Tumakbo na ko ng mabilis papunta sa park. Gagawa kasi kami ng projects. Siyempre


mga 'kaibigan' ko sila e kaya kasama ako. Masaya ako noong naging high school
student ako sabi ko naman diba, magbabago na ko.

"Siya na lang pala ang kulang e. Tara alis na tayo. Ba't ba natin papahalagahan ang
taong yon?"

Napatigil ako sa mga sinasabi nila... ako?


"I know right? Akala niya belong siya sa group natin. Like duh? Kailangan lang
naman natin siya para tumaas ang grades natin eh at tsaka sipsip yon sa mga
teachers."

"I really hate her. She's disgusting."

"Don't worry hindi lang naman tayo ang naiinis sa kanya eh. Paano ba naman feeling
niya alam niya ang lahat. Buti na lang at uto-uto siya. Ambisyosa pa! Talagang
naniwala na kaibigan natin siya." At muli ay nagtawanan silang lahat. Sa bawat
salita na naririnig ko... kumikirot ang dibdib ko.

"Pero hanggang nagagamit natin siya... ligtas tayo. Baka mag-repeat tayo ng 3rd
year ano! Ayokong manyari yon.Ikakahiya ako ng parents ko."

"Okay, let's go girls. Mag-shopping na lang tayo. Sabihin na lang natin sa kanya na
siya na ang gumawa ng mga projects tutal matalino naman siya e."

"Oo nga, let's say na umalis na tayo kasi ang tagal niya."

Ilang minuto akong nakatayo roon. Pilit na ina-absorb ng utak ko lahat ng narinig
ko mula sa mga tinuturing kong kaibigan. Ilusyon lang ito diba? Diba... kaibigan ko
talaga sila? Akala ko ayos na ang lahat. Akala tagumpay na ako sa gustong kong
pagbabago pero ginagago lang pala nila ako.

Sila....hindi ko sila mapapatawad.

---

"Hoy! Ayusin mo nga ito. Lintek na bata ka. Simpleng Physics problem di mo
masagutan ng tama." Sigaw sa akin ng nanay ko. Physics teacher siya. Parang gusto
kong sabihin na hindi ko talaga kaya... 3rd year palang ako.

Pero kung sasabihin ko naman yon... saksaktan na naman niya ako. Gusto niya akong
magin perpekto. Gusto niya akong maging matalinong matalino... maging katulad niya.
Kahit hindi ko naman kaya. Hindi ba pwedeng tanggapin na lang niya na hanggang dito
lang ako?
"Huwag ka ngang tumunganga diyan! Sagutan mo to. Walanghiya ka, masasapok kita pag
hindi mo nasagutan ng tama yan!" Nanggagalaiti ang mga mata niya habang
sinisigawan ako.

Natatakot ako. Binigay ko sa kanya ang sagot ko sa problem at... sinampal niya ako
bigla.

"Mama?" Sabi ko habang mangiyak ngiyak.

"Napakabobo mo talagang bata ka! Nagtataka ako sa school mo kung bakit nilagay ka
sa top kung ganyan ka naman katanga. Wala akong anak na bobo! Maghanap ka na ng
bago mong mga magulang!" nilayasan niya ako pagkatapos niyang sabihin ang mga
katagang iyon.

Tumingin ako sa tatay ko na nakatayo lamang sa gilid ng pintuan at kanina pang


nagmamasid sa aming dalawa ng nanay ko pero imbis na pumunta siya sa kinauupuan ko
at yakapin ako, tinignan niya ako ng sobrang sama... yung tingin na para bang
napakaliit kong nilalang.

"Wala kaming anak na bobo." sabi niya at pagkatapos noon ay umalis na siya..

Mama...Papa...ayaw nyo rin sa akin?

---

"Bakit ka umiiyak?" nagulat ako sa pagdating ng isa kong kaklase.

"Ayaw sa akin ng lahat. Nanay ko...tatay ko... lahat ng taong nakapaligid sa akin.
Lalong lalo na sa klase na ito. Wala, walang kwenta ang mga tao dito. Gusto ko nang
maglaho. Ayoko na. Sawang sawa na ko. Ayoko sa kanilang lahat! Pinagmumukha nila
akong tanga!" Sabi ko habang patuloy na umiiyak. Ni hindi ko inisip ang mga lumabas
sa bibig ko dahil kilala ko naman itong tao na ito. Sa lahat ng kaklase ko siya
lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko kahit na hindi naman kami ganun nakakapag-
usap.
"Pareho pala tayo."

"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya. P-Pareho kami? Impossible. Hindi ko maisip na
pareho kami ng sitwasyon. Ibang-iba siya sa akin. Kung titignan nga parang perpekto
na ang buhay niya.

"Gusto mo tulungan kita?"

"Papano?"

"Maghihiganti tayo."

Punong puno ng galit ang puso't isipan ko, nawala na nga yata kahit katiting na
kabutihan at dahil sa hirap na dinanas ko simula noong binuhay ako ng nanay ko sa
mundong ito. Inaabot niya sa akin ang kamay niya ngunit nagdadalawang isip pa rin
ako... seryoso ba siya?

"Maghihiganti tayo..makikita mo silang nagmamakaawa sa harap mo, umiiyak... diba


napakaganda nun? Ang mga dating sumisira ng buhay mo... ikaw naman ang sisira sa
mga buhay nila. Makukuha mo na ang inaasam mo... ang mapakita sa kanila kung ano
ang kaya mong gawin at kahit kelan di ka na nila pupwedeng ipagwalang bahala na
lang dahil matatakot sila sayo. Gusto mo nun diba?" Biglang pumorma ang mala-
demonyong ngiti sa mga labi niya.

Inabot ko ang kamay niya..

Maghintay kayo... ipaparanas ko sa inyo kung papano mamuhay sa impyerno.

----

A/N: Sa mga nakapanood ng ng Confession, naalala nyo ba si Shuuya Watanabe? parang


katulad siya ng isa sa mga murderer...si Shuuya kasi inspiration ko :">

C3: The Call. >>

A/N: Si Andy nga pala ang nasa gif sa gilid :"> And yung video nga pala na nasa
gilid ayan yung ringtone ng phone ng killer. I-imagine nyo na lang :)
VOTE | COMMENT | FAN

Bawal ang Silent Reader! #demanding as always. Pagbigyan, diyan lang naman ako
demanding, sa comments.

---

Denise's POV

Hindi na muling bumalik si Angie pagkatapos ng pag-uusap namin kahapon. Papasok


kaya siya ngayon? Kailangan kong malaman lahat para malinawan na ako lalo na doon
sa sinasabi niyang sikreto ni Teacher Yuko. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga
sinabi niya at mayroon ding parte sa akin na para bang gustong paniwalaan ang mga
iyon. Ngunit mas mahirap kung maniniwala ako. Ang hirap isipin na ang isa sa mga
taong tinitingala mo ay---

"Good Morning!" napalingon ako kay Andy na nasa likod ko lang pala .Hindi ko siya
napansin agad dahil sa lalim ng iniisip ko. Ngumiti ako at tumugon sa bati niya.

"Morning. Kamusta na ang baseball practice mo kahapon?" tanong ko sa kanya.

Nasalubong ko kasi siya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Angie. Nagmamadali siya at


dala niya ang kanyang baseball bat. May practice daw sila

"A-Ah.. y-yung kahapon ba? Ma-Maayos naman! Magaling ako siyempre."

"Tara pasok na tayo baka nagsisimula na ang klase." Sabi ko naman sa kanya. Tumango
naman siya sa akin at ngumiti bago namin tuluyang tahakin ang daan papunta sa
classroom. Pagkapasok namin sa classroom ay nadatnan namin na nasa harap ang buong
klase at tinigtignan ang black board na akala mo'y may pagsusulit na nakadikit
doon. Lumapit kami at nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat....

Yung buong black board......puro litrato. Mga litrato ni Angie... nakatali siya sa
upuan... puro dugo ang damit niya, nakapikit at namumutla. Napatakip ako ng bibig
sa nakita ko...

Sinong walang awa ang may gawa nito?

"Anong nanyayari?" Tanong ni Andy sa lahat. Lumingon lang si Nichole na tila gulong
gulo at nanlalaki din ang mga mata dahil tulad ko, hindi rin siguro siya
makapaniwala sa nasa harapan niya.

"Hindi ito pwedeng makalabas sa klase! Tanggalin natin ang mga pictures na yan!
Kung sino man ang nangti-trip diyan! Tigilan nyo na! It's not funny anymore!" sigaw
ni Nichole sa buong klase.

Sa tingin niya biro lang ito?

Biglang may nag-ring na phone. Hindi masyadong marinig ngunit alam namin na may
tumutunog na cellphone. Tinignan namin ang mga cellphones namin pero wala namang
galing doon. Nang biglang tumahimik, napansin namin na galing ang tunog sa drawer
ng teacher’s table. Binuksan agad ni Andy ang drawer at bigla siyang napahakbang
palayo sa teacher's table.

Isang kakaibang tunog ang narinig namin mula sa cellphone... nakakakilabot. Ramdam
na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko kasabay ng paglunok ko ng laway ng
ilang beses dahil sa kaba. Kakaibang kaba.

Patuloy pa rin ito sa paggawa ng ingay at kahit isa sa amin ay walang lakas ng loob
upang kuhanin ito at sagutin. "Uy, s-sagutin nyo na.." sabi ko sa buong klase.

"Patigilin nyo na nga yan. Ang ingay!" Utos ni Amanda na nakapameywang ngunit
halatang takot rin naman.

....patuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone.

"AKO NA NGA! MGA DUWAG KAYO!" Sigaw ni Rain nang kuhanin niya ang phone at sinagot
ito..

Ilang segundo ang nakakaraan at binaba ni Rain ang phone sa mesa.


"I-loud speaker ko d-daw eh." sabi niya habang nakatulala na para bang nakakita ng
multo. Napaatras siya pagkatapos niya itong ilapag sa teacher's table at
natahimik.

"Kamusta na kayo?" biglang nagsalita ang caller. Ramdam ko ang pagigiang kabado ng
lahat... para kaming nakikipag-usap sa isang demonyo. Napakalalim at tila ba may
kakaibang echo ang binibigay ng boses niya.

"Si Angie... ayos lang dito." May pang-aasar kaming narinig sa tono ng boses niya.
"Pero hindi ko maipapangakong makakamusta pa niya kayo."

Patay na si Angie? Iyon ang unang tanong na pumasok sa isipan ko. Muli akong
napatingin sa mga litrato sa blackboard. Parang kahapon lang... nakausap ko pa
siya. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. Nakakalungkot at nakakakaba.
Natatakot. Ilang minuto na ang nakakaraan at di pa rin siya umiimik. Tinignan ko
ang buong klase... kumpleto naman kami. Kung hindi sa amin nanggaling... s-sino ang
tumatawag?

"BOOO!" biglang sumigaw ang caller na naging dahilan ng pagsigaw ng ilan sa amin.
Pagkatapos niya kaming gulatin ay tumawa siya nang tumawa at habang tumatagal...
mas lumalakas... mas nagiging nakakatakot.

"SINO KA?!" sigaw ni Amanda.

"Ako? Kilala nyo ko... hindi nyo ko kayang kalimutan."

"Anong ginawa mo kay Angie?!" si Nichole naman ang nagtanong.

"Sino kaya ang isusunod ko?" hindi niya pinansin ang tanong ni Nichole at
nagpatuloy lang sa pagsasalita..

"Ano bang kailangan mo ha?" tanong ni Camille.

"Wala. Gusto ko lang maglaro."

"Wala kaming ginawang masama sayo!"


"Wala nga ba talaga?"

Ilang segundong katahimikan. Naguguluhan talaga ako. Kung wala sa amin... sino?
Anong nanyayari?

"Alam ko lahat ng sikreto nyo... at gagawin kong sandata ang mga iyon... laban sa
inyo." pagpapatuloy ng caller.

*tooot*

*tooot*

Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay naputol na ang tawag. Di ko


alam kung makakatulog pa ako mamaya. Siguro hanggang kamatayan ko maalala ko pa rin
ang boses na yon. Naghari ang katahimikan sa klase.

Ni walang kayang magsalita dahil sa nanyari.

"Alyana?" Biglang sabi ni Maeri kaya napatingin ang lahat kay Alyana. Nakahawak ang
dalawa niyang kamay sa ulo niya at nagsisisigaw na para bang isang baliw.

"WALA AKONG KINALAMAN! SI ANGIE! WALA AKONG KASALANAN! ANGIE! WALA AKONG ALAM!
PATAWARIN MO AKO!" At biglaan na lang siyang tumakbo palabas ng classroom na
sumisigaw pa rin.

Naalala ko tuloy ang mga sinabi sa akin ni Angie noong isang linggo. Noong nakita
ko siyang umiiyak sa c.r, nakaupo lang siya sa may dulo at may hawak na cutter.N
akatapat na ito sa may puslo niya at unti unti niyang sinusugatan ang sarili niya.

"Angie!!" sigaw ko habang papunta sa kinaupuan niya... kinuha ko ang cutter at


inihagis ito palayo sa kanya.

"D-Denise?" umiiyak pa rin siya na sambit niya.


"Anong nanyari? Bakit... bakit ganito?" nakita ko na mga higit na pala sa isa ang
sugat niya. Puro sa braso pati sa mga kamay niya... buti na lang at di natuloy ang
kanyang paglalaslas sa mismong pulso sa ilalim ng palad niya.

"Gusto mo bang malaman ang sikreto ko?" imbis na sagutin niya ng maayos ang tanong
ko ay sinagot niya ito ng isa pang tanong.

"Dadalhin na kita sa clinic!" Hindi ko pinansin ang kanyang tanong bagkus ay inabot
ko ang kamay ko sa kanya upang makatayo siya ngunit tinitigan lang niya ito at
muling nagsalita.

"May karelasyon ako sa klase."

"A-A-Angie?" tumingin siya sa akin na sobrang blanko ng mukha niya. Ayos lang ba
siya?

"Si Alyana. Kadiri diba?” napayuko siya.

"Hindi! Ano ka ba? Walang rason para magpakamatay dahil lang doon."

"Nag-away kami... isang malaking away. Galit na galit siya sa akin." Nagsimula na
siyang humagulgol at takpan ang kanyang mukha gamit ang dalawa niyang mga kamay.

"Angie...sabihin mo sa akin! Tutulungan kita."

"Hindi na... huli na Denise. Nanyari na kung ano dapat manyari. Ayokong mandamay ng
tao." Tumingala na siya upang tumingin sa akin. Bakas pa rin sa mukha niya ang
lubhang lungkot. Ngumiti siya ngunit alam kong hindi ito totoo.

Tumayo siya na parang isang walang buhay na tao. Sinuot ang blazer niya at lumakad
papalayo. Simula noon ay unti unti nang nag-iba ang ugali ni Angie...

Tinanggal ni Nichole lahat ng mga litrato ni Angie.

"Hindi pwedeng makalabas to sa klase natin... w-walang pwedeng magsalita tungkol sa


nanyari." Sabi ni Amanda habang nasa harapan namin. "Isang sikreto ito ng klase."
Dagdag pa niya. Isang bagong sikreto na naman.. isang bagong sandata laban sa amin.

Tahimik pa rin ang lahat. Tinago ni Nichole ang lahat ng pictures sa locker niya sa
dulo ng classroom. Dumating na ang substitute teacher namin para sa Chemistry.
Dahil sa wala pang nakukuhang bagong adviser para sa section namin. Chemistry at
Biology teacher kasi si Teacher Yuko. Napabuntong hininga ako habang iniisip ang
lahat na nanyari. Lahat na nangyayari at lahat na possibleng manyari.

"Bumalik na kayo sa mga upuan ninyo." Pamungad ng dumating na teacher sa amin


habang nilalapag niya ang mga gamit niya sa teacher’s table.

Umupo kaming lahat... wala pa ring umiimik.

"Anong himala ang nanyari? Aba, tahimik nyo ngayon ah?"

Kung alam nyo lang ang nanyari..

"Siguro next week darating na ang bago niyong adviser. Sana naman ay sumunod kayo
sa kanya katulad ng pagsunod nyo kay Teacher Yuko ah?" sabi pa niya

Bagong adviser?

Bakit may kakaiba akong nararamdaman na hindi magandang ideya yan?

---

"San ka pupunta Denise?" tanong sa akin ng best friend kong si Andy habang
nagmamadali ako sa paglabas sa classroom namin ngayong nagkaroon kami ng mahabang
free time.

"Mag-iimbestiga." sagot ko naman nang hindi ko man lang naisip ang sinagot ko.
Pakiramdam ko wala akong sa katinuan ngayon, masyadong nakakagulat ang lahat ng
naririnig ko. Gusto ko alamin..

"Ha?" Pero imbis na sumagot pa ako ay tumakbo na ko palayo. Dapat walang masayang
na oras. Gusto kong malaman ang lahat... kung ayaw man nilang sabihin sa akin ni
Angie... ako na mismo ang maghahanap. Ako ang lalapit sa kanila. Narinig kong muli
akong tinawag ni Andy pero di ko pinansin iyon. Hahanapin ko kung saan nagpunta si
Angie pagkatapos naming mag-usap kahapon. May natanggap siyang text message. Nakita
kong pumunta siya sa mas nakakaangat na palapag.

Ang dami ko nang pinagtanungan pero ang sabi nila hindi daw nila nakita si Angie ng
araw na yon. Susuko na sana ako ng nasalubong ko si Mrs. Espiritu..

"Ma'am." tawag ko sa kanya. Lumapit siya sa akin habang yakap yakap niya ang hawak
niyang libro at ilang pirasong kwaderno. Ngumiti siya sa akin at tumugon.

"Oh bakit Denise?"

"Kailan nyo huling nakita si Angie?"

"Angie Nalus? yung kaklase mo?"

"Opo Ma'am."

"Nakita ko siya kahapon na pumasok sa Room 101-A hinabol ko nga siya kasi napadaan
siya sa Faculty room. May ipapabigay sana ako sa klase ninyo pero mukhang may
gagawin siyang mahalaga kaya nagmamadali. Kaya hindi ko na siya sinundan pa."

"Ah ganun po ba? Sige po. Salamat!"

Dumiretso ako sa sinabing room ni Mrs. Epiritu. Isang abandonadong room? Kailan pa
ba nagamit to? Mukhang ilang taon na ang nakakalipas nang may nakaapak na tao dito.
Puro alikabok. Sinarado ko ang pinto at baka may makakita sa akin.

Pagtingin ko sa paligid ko ay nakita kong pinapaligiran ako ng iba't-ibang bote na


naglalaman ng mga hayop na maaring ginamit ng mga estudyante. Mayroong mga palaka,
daga, ahas at ang iba naman ay laman loob ng iba't-ibang hayop. Napakadilim sa
lugar na ito.Sinubukan kong buksan ang ilaw pero ilang segundo lang ang nagdaan ay
patay sindi na ito.

Di bale, ayos lang naman. Kahit papano may nakikita na ko.


Habang nililibot ko ang paligid ay may natapakan ako na malagkit.... saka ko nakita
ang mga bakas ng sapatos na may dugo sa paligid at ngayon ko lang din napansin na
ang kinatatayuan ko ngayon ay puro dugo. Nanlalaki ang mga mata kong habang
tinitignan muli ang buong paligid. Patay sindi pa rin ang ilaw at mas nakakadagdag
ito sa kabang nadarama at takot na kanina ko pang pilit na labanan. Bahagya akong
umupo ako upang matignan nang mabuti ang sahig at may napansin ako na umiilaw doon
sa ilalim ng isang cabinet. Pinilit kong kuhanin ito sa kadahilanang pwede itong
makatulong sa akin.

Pilit kong abutin ito hanggang sa magtagumpay ako... isang cellphone? Binuksan ko
ang cellphone at saka ko nakita ang mukha ni Angie na wallpaper ng phone. Ibig
sabihin kay Angie itong phone? Noong sigurado na ako na kay Angie nga itong phone
ay saka ko naman binuksan ang inbox. Tinignan ko ang pinakahuling text message na
natanggap niya... at nagulat ako sa nakita ko... si Alyana?

Sender: Alyana.

Message: Angie pumunta ka sa Rm. 101-A. Kailangan na nating mag-usap.Maayos pa


natin to, tapusin na natin to.Hihintayin kita.

Hindi kaya pupwedeng?

Si Alyana?

Dahan dahan akong tumayo upang hanapin si Alyana nang bigla akong may nasipa. Rinig
na rinig ko ang paggulong nito sa di kalayuan. Isang baseball bat na puro dugo....
teka... alam ko kung kanino ito.

...baseball bat ni Andy to ah?

Pinulot ko ang baseball bat. Tila ba mag-isang bumubuo ng istorya ang imahinasyon
ko nang pagkahawak na pagkahawak ko pa lamang ng baseball bat na ito. Bigla ring
bumalik sa memorya ko ang sinabi ni Andy. "May baseball practice kasi kami e."
Nagmamadali siya na para bang may humahabol sa kanya. Pero hindi pupwede... di
magagawa ni Andy iyon. Kilala ko si Andy. Ngunit kung si Alyana nga ang may gawa
nun kay Angie.

Anong ginagawa ng baseball bat ni Andy dito?

-----------------------------------------x
NEXT CHAPTER: MORTEM IUXTA EST

C4: Mortem iuxta est >>

VOTE | FAN | COMMENT!

---

Denise's POV

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Bumungad sa amin ang katawan ng isang senior sa section A, si kuya Kevin, isa sa
mga sikat sa buong Laketon Academy. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa magkabilang
dingding at may takip ang bibig. Punong puno rin ng sugat ang katawan niya ngunit
ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang nakasulat sa dibdib hanggang sa tiyan niya
na "Mortem iuxta est". Sa tingin ko ay sinulat ito gamit ang isang matulis na bagay
kagaya ng kustilyo dahil isang tingin mo palang, alam mong napakalalim ng bawat
sugat... napakarahas. Nasa pagitan ito ng classroom namin at ang classroom mismo
nila kuya Kevin... walang nagtatangkang dumaan.

Di naman kami masyadong nag-uusap ni kuya Kevin pero naririnig ko rin ang iba't-
ibang balita patungkol sa kanya. .Sa pagkakaalam ko, mabait siya, maginoo at walang
kaaway sa buong school .Ngunit bakit sa kanya ginawa ito?

Sigaw pa rin ng sigaw ang mga babae. Nagkakagulo na rin ang ibang estudyante... mga
nagtatakbuhan palabas ng school. Madaming nadadapa sa hagdanan dahil sa siksikan...
madaming takot at isa na ako doon. Ngunit ang pagkakaiba ay hindi ako makagalaw sa
kinatatayuan ko. Napako na ata ang mga paa ko sa kinatatayuan ko na tila ba kahit
anong galaw na gawin ko ay ayaw sumunod ng mga ito.

Pilit kaming pinapakalma ng mga teachers pero wala silang magawa dahil sa takot na
takot na ang lahat. Ang mga natira naman ay nagsiksikan doon sa dulo. Tila, takot
na takot sa bangkay na nasa harap nila.

Sinong gumawa nito?


Ang mga killers ba?

Anong kasalanan ni kuya Kevin sa kanila?

Pinalabas muna kami ng mga teachers at pinapunta sa school grounds. Madami pa ring
hindi mapakali at takot na takot sa amin. Halos kalahati ng klase ay nawala.
Kakaunti na lang kaming natira. Wala na ring 4th year dito. Siguro nagsialisan na
silang lahat at dahil dalawa lang ang classroom sa 3rd floor... kami lang ang
natira.

Dumating ang mga pulis at tuloy tuloy sila sa 3rd floor kung san naroon ang kaawa-
awang bangkay ni Kuya Kevin. Kitang kita mula rito sa kinauupuan ko ang nakasabit
na bangkay ni kuya Kevin. Nakakakilabot. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako
nakasaksi ng ganito. Ito pala ang pakiramdam kapag nakakita ka ng bangkay. Ilang
oras ang nakalipas at nandito lang kami... nakaupo. Ang iba sa amin ay tinatawagan
na ang mga magulang nila upang magpasundo.

"Sino ang tingin nyong pumatay?" narinig ko ang boses ni Camille. Bigla rin akong
napaisip sa tanong niya ngunit nanatili akong tahimik at pinakinggan na lamang ang
usapan nila.

"Siguro yung bagong janitor. He's creepy." Tugon naman ni Amanda

"Oo nga tapos bakla pala yung janitor at nagkagusto si janitor kay kuya Kevin at
dahil straight si kuya Kevin tinanggihan niya si janitor.T apos ni-rape siya at
pinatay." narinig kong sinabi ni Maeri habang seryosong seryoso ang tono ng
pananalita niya.

"Ang stupid mo talaga Maeri. San mo ba nagpakukuha yang mga ideas na yan? Eww."
dagdag ni Amanda.

"Tsss..Malay nyo tama ako."

Siguro nga walang kinalaman dito ang tatlong killers... sana. Hindi ko alam kung
bakit iyon ang hiling ko. Siguro ginagawan ko pa rin ng dahilan ang pagkamatay ni
teacher Yuko. Sana nga hindi totoo ang mga sinabi ni Angie dahil kung totoo,
nakakatakot.
"Ikaw Nichole, sino ang tingin mong pumatay?" narinig kong tanong ni Amanda kay
Nichole.

"Masama ang mangbintang sa kapwa. Hayaan na lang natin na sa mga pulis mismo
manggaling kaysa nag-iisip tayo ng masama tungkol sa ibang tao." Tuloy tuloy na
sagot ni Nichole.

"May point ka. Hintayin na lang natin ang mga pulis kasya nababaliw tayo sa
kakaisip dito."

"Pano kung tayo na ang isunod?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Camille.
Papano nga kung... isusunod na nila kami? "Stop that Camille! Nakakakilabot ang mga
sinasabi mo." Tugon ni Anne. "I'm just being realistic guys." Pagtatanggol ni
Camille sa sarili niya. Natigil ang usapan nila nang lumapit sa amin ang isa sa mga
pulis.

"Ako nga pala si Chief Guevarra." Pamungad ng pulis na lumapit sa amin. Naka-
uniporme siya, may suot na gloves at may hawak-hawak na kwaderno. Tinanggal din
niya ang face mask na suot niya at muling tumingin sa amin. Nagsilapitan naman
kaming lahat. Kahit ang iba ay wala naman talagang pakialam sa sasabihin ng pulis
ay lumapit pa rin naman sila. "Pwede ko ba kayong tanungin ng ilang mga
katanungan?"

"Opo" sabay sabay naman naming sagot.

"Sino ang pinakamalapit sa biktima?"

"Sa pagkakaalam ko po... si Angie at ang mga barkada niya." Sagot ni Rain.

"Kanino ang jacket na to?" pinakita niya sa amin ang kulay puting jacket.

"Kay Angie po.." sabi ko naman. Naalala ko nga ang jacket na hawak niya. Iyan ang
suot ni Angie noong nag-usap kami kahapon dahil sa lamig ng panahon at pagkasira ng
blazer niya. Paano napunta yan sa kamay ng pulis? Diba dapat na kay Angie ngayon
yan? Ngunit patay na si Angie.

"Nasan si Angie? Nandito ba siya?"


"P-P-Patay na po si Angie." Sagot naman ni Nichole.

"Kailan pa?"

"Kahapon lang namin nalaman." Sagot ni Ash sa pulis.

"Iyon lamang ang kailangan kong malaman." Pamamaalam ng pulis kasabay ng muli
niyang pagsuot ng face mask at paglakad papunta sa High school building.

Chief Guevarra's POV

Tinignan naming mabuti ang bangkay ng biktima. Wala kaming makuhang


fingerprints...mukhang binuhasan ng dugo ang biktima at nabura ang mga inaasam
naming ebidensiya. Nag-iisip pa ako ng paraan upang makakuha ng sapat na ebidensiya
sa bangkay ng biktima nang lumapit sa akin ang isa sa mga tauhan ko.

"Sir." Nabaling ang atensyon ko sa isang pulis. "May nakita po kaming jacket sa isa
sa mga classroom. May bahid ng dugo po ito at nasa bulsa ang taling ginamit sa
biktima." Tumango ako sa kanya at sinundan ko ang silid na tinuturo niya.

Pumasok ako sa loob at nakita ko nga ang sinasabi niyang jacket na nasa isa sa mga
upuan ng mga estudyante. Kinuha ko ang jacket at inilabas ang tali sa loob nito.
Tama nga, ito nga mismo ang tali na ginamit sa biktima. May bahid din ito ng dugo
na tiyak kong galing din sa biktima.Kung ite-test ang jacket na ito, maaring
makilala namin ang gumawa ng pagpatay.

At sa pagkakataong ito... maaring isa sa mga estudyante ang pumatay o kaya isa sa
mga staff ng school. Ang kailangan ko pa ay isang matibay na ebidensiya..

Lumabas ako ng classroom.

Nilapitan ko muli ang biktima habang hawak hawak ko ang jacket. Sabi ng mga
guwaridya, wala naman daw tao dito bago dumating ang mga estudyante at hindi nila
alam kung papano nagawa ito ng pumatay. Tila napakatuso ng gumawa nito... mukhang
alam na alam niya kung papano makalabas at makapasok sa eskwelahan na walang
nakakapansin.

Pagkaraan ng ilang sandali ay unti-unti na nilang iniaalis ang bangkay ng biktima


upang ipa-test na ito. Ako lang at ang ilan sa mga tauhan ko ang natira sa crime
scene. Pero maari rin na hindi talaga dito pinatay ang biktima. Tinignan ko muli
ang jacket na nasa kamay ko. Inilapit ko sa ilong ko para maamoy.

Napagdesisyunan kong bumaba sa grounds kung saan nanroroon ang mga natitirang
estudyante. Tinanong ko sa kanila kung sino ang pinakamalapit sa biktima... ngunit
hindi talaga iyon ang pakay ko kundi gusto kong malaman ang tungkol sa jacket na
ito.

"Kanino ang jacket na to?" ipinakita ko sa kanila ang jacket na hawak ko. Ngunit
hindi ko pinahalata ang parte ng jacket na may dugo..

"Kay Angie po.."

Isang babae?

"Nasan si Angie? Nandito ba siya?" tanong ko muli sa kanila.

"P-P-Patay na po si Angie."

Kung babae ang may-ari nito... at kung patay na ang may-ari nito. Bakit nandirito
pa ang jacket? Papano ito napunta sa isa sa mga classroom? Bakit ito ang gamit ng
may sala sa pagpatay?

"Kailan pa?" tanong ko muli.

"Kahapon lang namin nalaman." Sagot muli ng isa sa kanila.

"Iyon lamang ang kailangan kong malaman." Pagpapaalam ko.

Bumalik na ako sa crime scene na may malapad na ngiti sa aking mga labi dahil
tagumpay ang nanyari. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ito... akala ko
mahihirapan ako. Muli akong napangiti nang nakita ko ang hawak hawak kong jacket.
Binigay ko ito sa isa sa mga tauhan ko at tumingin sa baba kung nasaan ang mga
estudyante.

Alam ko na kung sino siya.

Kilala ko na kung sino ang pumatay..

Sigurado ako..Hindi ako pwedeng magkamali..

Nakuha ko ang huling ebidensiya na kailangan ko..

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: A WARNING.

C5: A warning. >>

A/N: Si Maeri at si Rain yung nasa .gif sa gilid ----->

Vote |Comment | Fan

----

Amanda's POV

"Pa-ibigin mo si Maeri. Dapat mo siyang paniwalain na mahal na mahal mo siya at


kapag nagawa mo yon, mamahalin na rin kita. Dapat mo siyang lokohin. Dapat mo
siyang saktan. Hanggang sa wala na siyang mukhang maihaharap sa ibang tao."

Naalala ko pa ang eksaktong mga linya na sinabi ko kay Rain dahil sa sobrang bobo
at uto-uto ni Maeri, agad siyang napaniwala ni Rain. Naging sila pagkatapos ng isa
o kaya dalawang linggo.
Tanga na nga, malandi pa.

Ahas na kung ahas basta ako, handa kong tuklawin ang mga taong nakaharang sa daan
ko. Ako ang Queen Bee at walang makakaagaw sa akin nito kahit isa pa sa mga
kaibigan ko. Pare-parehong lang kaming naghahatakan ng paa rito.

Rain started kissing me torridly. Nasa lumang library kami at walang nakakakita sa
amin dahil mas ginagamit ng mga estudyante yung bagong library sa 1st floor.
Nakasandal ako sa isang bookshelf habang siya naman ay nasa harap ko at unti unti
tinatanggal ang pagkakabutones ng blouse ko. Pagkatapos niyang matanggal ang mga
ito ay malayang malaya ang mga kamay niyang damahin ang dibdib.

Ilang sandali ay umabot ang kamay niya sa mga hita ko. Pataas na pataas hanggang sa
umabot sa pagkababae ko. Agad ko iyong tinapik at tinignan siya nang masama.
Ngumisi naman siya at muli akong hinalikan. Itinaas niya ang mga paa ko at para
bang batang niyakap ang mga hita ko sa beywang niya. Tuloy pa rin ang halikan namin
hanggang sa umabot ang mga labi niya sa leeg ko hanggang sa dibdib ko. Damang dama
ko ang init ng hininga niya nang bumulong siya sa tainga ko. ”You’re too sexy
Amanda.” Pagkasabi na pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay unti unti kong
naramdaman ang dahan dahan niyang paghubad sa pangilalim ko. Agad akong huminto sa
paghalik sa kanya. Inalis ko ang pagkakayap ng mga hita ko sa beywang niya at
tinulak siya.

“Ilang beses ko na bang sinabi Rain? Ayaw kong gawin sayo yung gusto mong gawin.
So, stop being too annoying!” ngumiti lang siya at tinaas ang mga kamay niya na
para bang sinasabi na tama na at naiintindihan na niya. Sinimangutan ko siya at
binutones ko na ang blouse ko.Inayos ko ang palda ko at itinaas ang pangilalim ko.

"Amanda..."

"Oh?!" inis na inis kong tugon.

"Kailangan ko pa bang lokohin si Maeri?"

"Bakit? Nai-in love ka na sa kanya?" sabi ko naman sa kanya. Well, wala naman
akong pake kasi ginagamit ko lang naman silang dalawa para saktan ang isa't-isa
habang ako, pachill-chill lang. Hindi ako seryoso sa tanong ko ngunit parang
napakaseryoso ng ekspresyon ng mukha niya.
"H-H-Hindi ah! Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko." Sabi niya sabay halik sa
kamay ko. "Okay." tugon ko naman na para bang walang epekto ang pagka-corny niya,
nakakairita lang kasi. Tumayo na ako dahil nakakabagot na ang ganito. Nakakainip
talagang kasama to.

"San ka pupunta?" tanong niya nang napansin niya na paalis na ako.

"Magpapahangin. Bumalik ka na sa klase."

Papunta na sana ako sa rooftop nang biglang nag-ring ang phone ko. Napasimangot
ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan kung sino ang epal na
tumatawag. Shit, siya na naman?! Ano na naman bang kalokohan ang sasabihin nito?

"Amanda?" sabi niya sa kabilang linya gamit ang pinakamahina niyang boses na akal
mo'y nanlilimos ng pera.

"Oh?" sabi ko na may tonong naiirita

"I'm so sorry."

"Sorry? Nakikipagaguhan ka ba sakin?" pasigaw ko namang sinabi.

"Please, intindihin mo naman ako."

"Bakit? Kailan mo ba ko inintindi? Kelan mo ba napansin na kailangan pala kita?".

"I'm so sorry.."

"Puro ka sorry. Puro ka please pero kahit kelan naman wala kang ginawa kundi
lumandi diyan. Ilan na ba ang asawa mo? Ilan na ba ang naikama mo ha? Ayos na sana
eh pero bakit pati ang tinuturing kong pamilya ilalayo mo sa akin? Bakit mo
papaalisin sila nanay Imelda?" Gustong gusto kong ibaba ang phone at ibato na lang
sa malayo ngunit kailangan kong sabihin lahat ng nadarama ko. Sumosobra na siya, sa
totoo nga lang, wala na kong pakialam sa kanya. Wag lang niyang guluhin ang buhay
ko.

"Anak, nanay mo rin ako... para sa ikakabuti mo tong lahat." Sabi niya na naiiyak-
iyak na. Ang arte arte talaga.
"Nanay? Isa lang ang nanay ko at siya yung nakakasama ko sa araw-araw. Siya yung
nag-aalaga sa akin. Ikaw lang ang nagluwal sa akin kaya huwag na huwag mong
ipagmamalaki na nanay rin kita dahil si nanay Imelda lang ang tinuturing kong
nanay."

"Anak, maniwala ka naman sa akin. Nasasaktan na ko sa mga sinasabi mo."

"Wala akong pake sa nararamdaman mo. Hindi mo ko anak, at lalong wala akong
malanding ina na katulad mo. Wala akong nanay na prostitute! Di ka ba nandidiri sa
sarili mo? Nakakasuka ka!" Totoo naman ang mga sinasabi ko. Hindi ko siya kailangan
dahil kahit kelan naman di niya ako kinailangan. Never nga niyang naisip na baka
mas nasasaktan ako sa mga nanyayari eh. Wala siyang pake sa akin. Pinapadalhan niya
lang ako ng pera para masabi niya na kahit papano eh nagiging nanay ko siya. May
pamilya na siya doon.....di na ko importante sa kanya.

"Anak.."

"Ilang beses ko bang isusuksok sa kokote mo na hindi mo ako anak! Tanga ka ba o


sadyang bobo ka lang?!" Sigaw ko muli sa kanya. Hindi man magalang, alam ko ang
lugar ko. May karapatan akong magalit. May karapatan akong magtanim ng sama ng loob
sa inang pinamigay lang ako basta basta.

"Anak patawarin mo ako sa mga ginawa ko... nagsisisi na ako. Magsimula tayo muli."
Mas lalo akong nairita sa mga sunod niyang sinabi. Sino siya para diktahan ang
pupwedeng manyari sa amin? Wala ng dapat simulan ulit dahil kahit kailan hindi ko
siya matatanggap. Hindi nga sapat ang impyerno para sa kanya.

"Iniwan mo ako! Pinagpalit mo ako sa iba! Sa tingin mo mapapatawad kita? Hindi ako
isa't kalahating tanga para mapatawad ka. Inabanduna mo ako... kinalimutan mo ako
tapos ngayon babalik-balik ka? Ngayon sasabihin mo na nanay na lang ulit kita tapos
anak mo na ulit ako? FUCK YOU!"

Narinig ko na naman siyang umiiyak. Here we go again. Drama queen.

"Drop the drama.Bitch." Sabi ko sa kanya at mas lalo kong narinig ang paghagulgol
niya na parang tanga.

"Anak...patawarin mo ako. D-Di ko ginusto lahat ng nanyari sayo... sa atin. Wala


akong nagustuhan sa mga yon. Mahal na mahal kita anak... sobrang mahal kita. Kung
pupwede nga lang na pumunta ako diyan pero... anak, sorry. Mahal na mahal ka ni
mama. Para sa'yo tong ginagawa kong sakripisyo... anak... maniwala ka naman kay
mama."

Shit.

Bakit umiiyak ako?

"Kinamumuhian kita! Wag na wag ka nang tatawag sa akin! Sana di mo na lang ako
pinanganak! Sana di mo ako iniwan!" Binaba ko na ang phone. Nilagay ko muli ito sa
bulsa ko at bigla na lang akong napaupo. Bumigay na ang mga tuhod ko hanggang sa
umiyak na lang ako nang umiyak.

My life is a complete mess....

Denise's POV

Dalawang araw na ang nakakaraan pagkatapos ng pagkamatay ni Kuya Kevin at


pinagbawalan ang mga estudyante na ipaglakat ang totoong nanyari. Ayaw nilang
madungisan ang pangalan ng school. Ayaw nilang masira ang imahe nila na matagal na
nilang inaalagaan. Hanggang sa huli, sarili pa rin nila ang inisip nila.

Pagkatapos ng nanyari parang wala lang... balik ulit sa normal ang buhay dito sa
Laketon Academy. Na para bang walang nanyaring pagkamatay noong nakaraang
Wednesday. Parang nakalimutan na ng lahat.

"Alex gusto mo nito diba?" lumapit si Maeri at si Camille sa tahimik na si Alex.


Kulang nga sila eh, wala si Amanda. Nilagay nila sa desk ni Alex ang ang isang
mangkok na puno ng tira-tira nila kaninang lunch. Anong tingin nila kay Alex? Aso?

Umiling lang si Alex at bumalik na ulit sa pagbabasa niya.

"Arte ha. Eh mas masarap naman to kaysa sa baon mo sa araw-araw na tuyo at kamatis.
Napaka-poor mo talaga!" sambit ni Camille. Pagkatapos ng sinabi niya ay nagtawanan
ang lahat. Kahit ang mga katabi at hindi naman talaga kasama sa pang-aasar ay
nakikitawa at nakikisigaw rin. Kinuha ni Maeri ang kamay ni Alex at isinawsaw sa
mangkok. Medyo umapaw ang sabaw sa mangkok kaya nabasa ng kaunti ang palda ni
Maeri.

"Shit! Tignan mo tong ginawa mo sa palda ko!" dahil sa inis kinuha muli ni Maeri
ang kamay ni Alex at sinubo sa bibig ni Alex. "Ayan mabusog ka sana!" sigaw muli ni
Maeri sa kanya. Mas lalong nagtawanan ang lahat. Nakakalungkot isipin na wala akong
magawa. Kahit bawalan man ay hindi ko magawa.

"Sis, sapat na ba yan para sa’yo Maeri? Ang bait mo ha." Kinuha naman ni Camille
ang mangkok at binuhos sa kawawang si Alex. Muli, tawanan ang maririnig mo sa buong
classroom ang ngunit ang tawa nila Maeri ang nangingibabaw sa lahat.

"Sis, tara na nga. Kailangan ko pang ayusin ang palda ko. Dinumihan ni Alex!"
pagsabi nila nun ay lumabas na sila. Naiwan si Alex doon na basang-basa ngunit
nanatili pa rin siyang nakayuko. Walang tumutulong sa kanya ni isa sa mga kaklase
namin. Naawa ako ngunit kung tutulungan ko naman siya pwede akong madamay.

Kahit anong gawin nila ay di sila pinapansin ng teacher sa harap. Isa lang ang
dahilan, dahil binabayaran sila ng magulang ng mga kaklase ko para magsaya ang mga
anak nila. Dito sa school kahit di ka mag-aral, basta may pera kang maipapangsuhol
sa mga teachers, papasa at papasa ang estudyante. Kahit na sira-ulo ka basta may
kapit ka sa school, lulusot ka pa rin.

Ganyang ang sistema dito.

Napatingin ako sa may likuran ng classroom na may nanyayari ding gulo. "Tama na
Rain." Sabi ni John Philip na nakasandal sa may locker at patuloy na binabato ng
tennis ball ni Rain at ng barkada niya. Pero imbis na pansinin nila ang pakiusap ni
Philip ay nagtatawanan pa sila.

Abala ang lahat. Hindi sa klase kundi sa sari-sarili nilang kasiyahan. May mga
natutulog, may mga nagpapatugtog, ang iba ay nagkukwetuhan at ang iba naman ay
walang magawa kundi mantrip.

"Philip, kaysa ba to sa bibig mo?" sabi ni Rain habang nilalagay sa bibig ni Philip
ang hawak niyang tennis ball. "Wag Rain...Please, waag." pagmamakaawa ni Philip
pero kahit anong sabihin niya ay walang makakapigil kala Rain. Pilit nilang
binubuka ang bibig ni Philip ngunit nagpupumiglas si Philip. "Hoy! Ngumanganga ka!
Iuuntog kita!" pagbabanta ni Rain ngunit kahit anong sabihin niya ay ayaw sumunod
ni Philip sa pinapagawa niya.
Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang ulo ni Philip at inuntog ito sa locker.
Sa lakas ng tunog at sa sigaw ni Philip ay alam mong sobrang sakit talaga. Naawa
ako sa kalagayan niya. Handa na sana ang mga paa ko upang tumayo pero may kung ano
sa katawan ko na pumigil pa rin sa mga ito.

Pinagtawanan siya ng grupo ni Rain.

"Wag na wag mo kaming gagaguhin." Sabi naman ni Vince, isa din sa mga barkada ni
Rain. Hawak hawak niya sa kuwelyo si Philip. Bakit ba laging si Philip na lang ang
pinagdidiskitahan nila? Hindi ba nila kayang humarap sa mga kasing-lakas nila?
"Hindi ka pa ba natuto sa ilang taon na magkakasama tayo? Dapat kang sumunod sa
lahat ng gusto namin. Wala kang kwenta. Tandaan mo yan." dagdag pa ni Rain kay
Philip habang dinuduro siya.

Binitawan naman ni Vince sa pagkakahawak niya sa kwelyo si Philip.

"Pumasok ka na lang doon sa isa sa mga locker. Tutal ayaw mo rin namang isubo tong
bola mas magandang di ka na lang namin makita." Sabi pa ni Rain at agad naman nila
hinawakan si Philip at pinihit ang bukasan ng isa sa mga locker. Nagtatawanan sila
habang nagmamakaawa muli si Philip na tigilan na ang ginagawa ng grupo ni Rain sa
kanya. Ngayon lang muling naging ganito ang class 3-C, mula noong nawala si Teacher
Yuko. Napapikit ako dahil sa kalungkutan pero alam kong sa pagdilat ko, ganun pa
rin ang makikita ko. Walang magbabago. Lumabas ang teacher na nasa harapan nang
walang sabi. Siguradong nainis din naman siya sa nanyayari sa klase at umalis man
siya o hindi, wala pa rin namang pake ang klase.

Dumilat ako at nakita kong malapit na nilang mabuksan ang locker. Nagtaka agad ako
kung bakit walang lock ngunit sigurado akong hindi na nila iyon napansin. Hinatak
na ni Rain ang bukasan ng locker nang biglang... may tumaob na timba doon sa loob
ng locker, sa itaas na parte nito. Nakatali ito at nakakonekta sa likod ng pintuan
ng locker.

....dugo?

Puro dugo. Halos napuno na rin ng dugo ang uniform nila Rain at ang mga kasama
niya.Ilang segundo silang nakatayo doon at tinitignan ang nanyari... sino na naman
ba ang may gawa nito? Nagsitinginan ang lahat sa likod kung san nakatayo sila Rain
at biglang may nagsalita sa speaker.

"Natanggap nyo ba ang babala ko?" narinig namin muli ang mala-demonyong boses na
yon. Natakot ang lahat. Hindi lang kami nakakarinig sa kanya sa mga sandaling ito
kundi buong school na.
"Mortem iuxta est..." Sabi pa niya at tumawa siya nang tumawa. Sobrang sakit sa
tainga. Napatakip kaming lahat sa mga tainga naming nang nag-feedback ang tawa na
iyon sa mic. "Gusto nyo pa bang maglaro?"

Mortem iuxta est? Diba iyon yung nasa katawan ng bangkay ni Kuya Kevin?... babala
iyon? Naririnig ko ang sunod sunod na bulungan sa klase. Ni walang nakakaalam kung
ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon ngunit... alam ko. Mula noong nakita ko
iyon, hinanap ko na ang ibig sabihin ng mga katagang 'yon.

"Death... is near?" sabi ko at tsaka nagsitinginan naman sa akin ang lahat.. "I-
Iyon ang babala? Malapit na si kamatayan?" pagpapatuloy ko. Nasindak ang lahat at
tumakbo na kami papunta doon sa sound system room ng school kung nasaan ang mic.
Ngunit ang tangi naming naabutan doon ay isang mic na nakatapat sa isang cellphone.
Yung parehong cellphone na ginamit ng killer noong tumawag siya sa amin. Pano ito
nabalik sa kanya? Kinuha ko ang phone at nakita ko na kakatawag lang ng caller.
Naisahan na naman niya kami. Di na naman mapakali ang lahat...

"Sinong wala sa klase natin?" tanong ni Andy sa lahat..

"Si Alyana?"

Ang huli naming pagkakakita kay Alyana ay nung sumigaw siya nang sumigaw noong
nakita namin ang mga litrato ni Angie sa board. Alyana...ano ba talaga ang
kinalaman mo sa lahat ng ito? Binulsa ko ang cellphone ng killers. Desidido na
talaga ako.

---

Dahil sa nanyari ay pinauwi agad kami ng mga teachers. Tinanong nila kami kung ano
nga ba ang kinalaman namin sa nagsalita sa speaker ngunit wala kaming maibigay na
sagot. Nilinis ang likurang parte ng classroom namin na puro dugo na akala mo'y
mabubura rin sa alaala namin ang panyayaring iyon lalong lalo na ang boses na 'yon.

"Sama ka?" tanong sa akin ni Andy.

"Ha? San?" Para bang nagising ako sa realidad nang narinig ko ang boses ni Andy. Ni
hindi ko nga napansin na nagsisialisan na ang lahat at ako na lang ang nanatiling
nakaupo.

"Lutang ka na naman. Nood tayo sa sine, buong klase."

"Hindi eh. May gagawin pa ko." Pagpapalusot ko pero sa totoo lang wala naman
talaga, kailangan ko lang magpahinga... nakakapagod na ang mga nanyayari. Parang
hindi ko kayang magsaya o ano pa man ang tawag sa gagawin nila. Hindi ko kayang
sikmurain na magsaya habang nanganganib ang mga buhay namin. Hindi kaya ng isipan
ko.

Nakaalis na ang lahat at ako na lang ang natira sa room. Tinignan ko muli yung
locker. Teka... locker ni Angie ito ah? At siya lang ang may hawak ng susi nito.
Tama... kung gagamitin ng mga killers ang isa sa mga locker nila, siguradong
mapagbibintangan sila. Bigla akong napaisip ngunit kahit anong gawing isip ko hindi
ako makabuo ng isang konkretong sagot.

Aalis na dapat ako nang may napansin akong kumikinang na bagay sa loob ng locker.
Kinuha ko ito at may nakita akong isang sing-sing. Silver ito at simple lang ang
desenyo. Tinignan ko ito nang mabuti, ngayon ko lang naman ito nakita... tinignan
ko rin ang loob nito na may nakasulat na "Akira". Di ko pa rin binibitawan ang
singsing... isasama ko rin siya sa mga hawak kong ebidensiya laban sa mga killers
na binabanggit sa akin ni Angie.

Tatalikod na sana ako nang may naramdaman akong kutsilyo sa leeg ko. Napapikit ako.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at Isinandal sa isa sa mga locker...
ilang segundo ang nakaraan bago ko naidilat ang mga mata ko. At nagulat ako sa
taong nasa harap ko...

"A-Ash?..."

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: AKIRA.

C6: Akira. >>

Si Ash Flores ang nasa .gif sa gilid ---->

Vote | Comment | Fan


Enjoy sa Update! #Bawal ang silent reader!

---

Denise's POV

"A-Ash?..."

Ilang minuto na kaming nagtititigan dito. Nakatutok pa rin sa leeg ko ang kutsilyo
niya .Nakakatakot gumalaw dahil baka mamaya magilitan niya ang leeg ko. Takot na
takot ko siyang tinitignan habang siya naman ay galit pa rin ang nangingibabaw sa
mga mata.

"Magpakatotoo ka nga Denise." Bigla siyang nagsalita."Umamin ka!"

"Ha?" sabi ko dahil sa pagtataka sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung
bakit niya ginagawa ito. Anong aaminin ko? May nagawa ba akong mali sa kanya o
kahit kanino?

"Bakit mo pinatay si Angie? Bakit mo pinatay si Kevin? At ano ba talaga ang balak
mo?!"

"Ako? Pumatay?" Pagtataka ko pa rin sa tanong niya. Hanggang ngayon hindi pa rin
kayang initindihan ng utak ko ang mga sinasabi niya. Ako? Killer?

"Ikaw ang killer diba? Umamin ka!" mas diniinan pa niya ang pagkakatutok ng
kutsilyo sa leeg ko. Mas naramdaman ko ang tulis nito. Mas lalo akong natakot. Sa
sandaling ito, sigurado ako na nanginginig na ko sa takot at kumakabog ang dibdib
ko sa kaba.

"N-Nagkakamali ka.." Sabi ko habang para bang nawawalan na ng hininga. Inalis niya
ang kutsilyo sa pagkakatutok sa leeg ko."Ano?" tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng ilang sandali at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hinahanap ko


rin sila.." tumingin ako sa kanya. "Si Angie mismo ang nagsabi sa akin. May tatlong
killer, nasa klase natin. Nakakasama natin sa araw-araw, nakakausap at baka mamaya
isa pa sa mga kaibigan natin. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa ito. Basta
alam ko, nagsimula ito doon sa pagpatay kay Teacher Yuko. Kaya hindi ako kalaban.
Maniwala ka sakin Ash."

Napahawak siya sa ulo niya at biglang tumawa bago magsalita. "Pasensiya ka na ah?
Ikaw kasi yung huling kinausap ni Angie. Ikaw lang din ang may alam sa ibig sabihin
nung sinabi ng killer at isa ka sa mga di ko masyadong kilala sa klase na to. Pero
kapag nagsisinungaling ka lang ngayon, lagot ka sa akin."

Kilala si Ash sa buong Laketon Academy. Pinipilahan ng mga babae dahil sa kanyang
kagwapuhan at personalidad at dahil sa likas niyang galing sa iba'-ibang sports.
Hindi ko siya masyadong nakakausap dahil lagi siyang napapaligiran ng mga kaibigan
niya at sa una pa lang ay nahihiya na akong kausapin siya.

Hinawakan niya ulit ang magkabila kong balikat at tsaka.....at tsaka...

hina---

hinali--

hinalikan niya ko sa pisngi.

k-kiss?..

Ramdam ko ang pagmula ng buong mukha ko at may naramdaman kaming nag-flash sa may
pintuan na parang galing sa isang camera. Napatingin naman kami agad sa may pintuan
at wala na kaming nakita pero may narinig kaming tumatakbo sa hallway. Hindi to
pupwede.

Hahakbang na sana ako para mahabol ang kumuha sa amin ng litrato. Lagot ako nito.
Hindi maaring may kumalat na balita mas mawawala ang focus ko. Hahabulin ko na sana
kumuha ng litrato nang hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag na.Pabayaan mo na yon.
Wala lang magawa ang taong yon." Sabi pa niya at ngumiti.

"Bakit? Malalagot tayo nito." Hindi ba siya naiinis man lang sa ginawa ng kumuha ng
litrato na iyon? Hindi ba siya naiilang? A-Ano bang meron sa taong ito at para
bang napakagaan niya sa sa lahat ng bagay?
"Hindi naman masama ma-link sayo eh." at kinindatan niya ako. Napanganga na lang
ako sa sinabi niya. "It was a 'sorry kiss'. Baka nagtataka ka." Sabi pa niya habang
nakangiti sa akin na nakakaloko. Parang kanina lang, tinutukan niya ko ng kutsilyo
tapos ngayon naman bigla siyang humalik sa pisngi ko? Seryoso, anong problema ng
lalaking to?

"Pare, tara na! Kanina ka pa namin hinihintay sa may parking lot." Nakita ko si
Vince sa may pintuan at tinatawag si Ash.

Tumingin si Ash siya sa akin at nagpaalam na. Iniwan niya akong nakanganga pa rin
dito. Pero sa ilang minuto na iyon, bigla kong nakalimutan ang tungkol sa mga
killers. Dapat akong mag-ingat simula ngayon baka hindi lang si Ash ang nagaakala
na killer ako. Baka mamaya may pumatay na lang sa akin nang bigla dito. Delikado
talaga.

Kinuha ko ulit ang singsing mula sa bulsa ko. Isang bagong ebidensiya nga ngunit
isang bagong misteryo rin. Hindi ba nila sinasadya na ilagay ito mismo sa timba?
Pero bakit? Baka... baka... gusto nilang lumapit ako sa kanila? Baka... hinahayaan
nila akong mahulog sa bitag nila. Dahil kung hindi talaga nila sinasadya ang lahat
ng ebidensiyang nakuha ko... baka matagal na nila akong tinapos..

Ano ba talaga ang kinalaman ko sa kanila?

Murderer's POV

"Akira.." sabi ko habang papalapit sa kanya.Nakaupo siya sa isang kulay pula na


upuan. Lumingon siya sa akin. Nakita ko na naman ang napakalamig niyang mga mata
na biglang nagkakulay nang nakita niya ako. Hawak hawak na naman niya ang kanyang
kulay itim na flute.

"Kamusta na?" sabi niya sa akin.

"Do we really have to do this?"

"Do what?"
"Ah... Nothing."

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

"Humihina na ba ang loob mo? Nababawasan na ba ang poot mo? O unti-unti ka nang
binabaon sa lupa ng konsensiya mo?" wika niya habang hinahawakan ang mukha ko,
bawat sulok nito.

"Akira..."

"Nagsisimula pa lamang tayo. Nagsisimula palang ang laro. Magpapataya ka na agad?


Aba, hindi ka saling-pusa rito." Ngumiti siya sa akin ngunit alam kong hindi totoo
ito, sigurado akong naiinis na siya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong
nakaramdam ng ganito... may mga oras talaga na pakiramdam ko, mali ang lahat at may
mga oras na pakiramdam ko, tama lang ang ginagawa ko. Napakagulo, hindi ko
maintindihan.

"Ano na bang susunod nating gagawin?" Pag-iba ko sa pinag-uusapan. Nagdesisyon ako,


papanindigan ko ito. Tutal, pareho lang naman kami ng layunin ni Akira. Isa lang
ang nasa isip namin, paghihiganti. Bawat araw na lumilipas, mas tumitindi ang galit
ko sa kanya. Sa ginawa niya, doon nagsimula ang lahat. Damay damay na, basta ang
akin, nakapaghiganti na ako. Tumutupad na lang ako sa usapan ngayon.

"Dapat mas sindakin natin sila. Ipaalam natin na mas nakakataas tayo kaysa sa
kanila. Takutin natin hanggang sa sila-sila na rin ang magpatayan." Nanlaki ang mga
mata ko sa mga sinasabi niya. "Oh bakit ganyan ang reaksyon mo?" hinawakan niya ang
mga kamay ko habang nakatingin lamang siya sa mga mata ko. "Ayaw mo ba ng plano
ko?"

"Akira." pagsambit ko sa pangalan niya. "Hanggang kailan tayo ganito?" pagpapatuloy


ko. Nagaalinlangan akong magsalita laban sa kanya. Kung nakakatakot na ko para sa
iba, hindi pa siguro sila nakakakita ng katulad ni Akira.

"Kulang pa ba ang galit mo?"

"Hindi.. pero..."
"Ayun naman pala e. Sa tingin mo magpapasalamat sila sa ginagawa mo ngayon? Sa
tingin mo... magiging maayos na ang lahat kapag ginawa natin ang gusto mo?" sabi
niya habang lumalakad ng paabante habang ako ay umaatras naman. "Hindi diba? Ganun
pa rin sila kahit anong gawin mo. Kahit na harangan mo pa sila ng bala, di pa rin
sila tatanaw ng utang na loob sayo. Ganyan ang mga tao.. kilala ka lang nila sa
sandaling kinailangan ka nila pero pagkatapos nun? Wala na." Napangisi siya. Lubos
kong naiintindihan ang mga sinasabi niya. Muli kong naalala ang lahat, ang
pagtataksil, ang panloloko at ang pag-iwan. Lahat lahat. Tama siya... tamang tama.

"Katulad ng ginawa ng Diyos, lumikha siya ng isang napakalaking baha para mamatay
ang mga makasalanan.. para mamatay ang mga di dapat namumuhay. Tutulungan natin ang
Diyos... tayo ang hahawak ng karit ni Kamatayan. Tayo ang magdedesisyun para sa
tadhana nila. Hanggang sa sila na ang kumuha ng kutsilyo at magmakaawa sa atin na
patayin na lang sila. Impyerno... isang napakagandang lugar para sa kanila.."
Napalitan ng ngiti ang ngisi niya. Tumingin siya sa akin at muling nagsalita.

"Tandaan mo, ang kasamaan ay malulutas lamang ng isa pang kasamaan. Ang krimen ay
matutumbasan lamang ng isa pang krimen. Kung ano ang pinaramdam nila sa atin,
ibabalik natin sa kanila ng doble. Dito sa mundo ang mga lumalaban ng patas ay ang
mga kawawa sa bandang huli dapat marunong tayong mandaya, dapat marunong tayong
manlinlang." Tuloy tuloy pa niyang sinabi. "Kung patuloy mong sasalungatin ang mga
gusto kong manyari... mas maganda na isama na rin kita sa kanila. Gusto mo ba yon?"

Umiling ako at bigla siyang ngumiti na akala mo'y isang demonyo na nasisiyahan sa
mga nanyayari. "Ganun naman pala eh." Bumalik siya sa upuan niya. Mas lalo kong
naramdaman ang galit ko sa dibdib. Hindi dapat ako panghinaan ng loob katulad ng
kanina, ipagpapatuloy ko ito. Wala akong bagay na sinimulan na hindi ko natapos.
Lahat ng ito... gagawin ko ayon sa napagplanuhan. "Akira.. mauna na ko." Wika ko sa
kanya.

"Ayoko rin naman sanang gawin tong ginagawa natin." napalingon muli ako sa kanya
nang nagsalita siya. "Hindi naman ako ganito dati diba? Di naman ako masama...
masayahin ako.. kuntento sa buhay." Naririnig ko na unti-unting nababasag ang boses
niya na para bang malapit ng umiyak. "Sila lang naman ang dahilan kung bakit ako
nagkaganito. Sila ang humubog sakin para maging isang demonyo. Isang araw paggising
ko, halos di ko na makilala ang sarili ko. Sinira nila ang buhay ko... lahat sila."
Naiintindihan ko si Akira... at alam ko sa mga oras na to, kailangan niyang mapag-
isa..

Alam namin lahat ng tinatagong baho ng klaseng iyan.

----ang mga sikretong nilibing nila sa nakaraan.

----------------------------------------x
NEXT CHAPTER: PUNISHMENTS.

C7: Punishments. >>

Vote | Comment | Fan

---

Maeri's POV

"Rain...."

Kaming dalawa lamang ang nasa classroom, nasa speech lab ang iba. Kailangan ko
talagang kausapin si Rain... ng pribado tungkol sa napakaimportanteng bagay na
maaring magpabago ng takbo ng mga buhay namin. Maaring makasira o pasayahin...
depende sa kung ano ang desisyon niya.

Nakatingin lang siya sa akin. Hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. Hindi ko
alam kung papano ko ‘to ipapaalam sa kanya. Di ko alam kung ano ang magiging
reaksyon niya. Matutuwa ba siya o ipagtatabuyan niya ako? Hindi ko makakaya.

"Rain... b-buntis ako." Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Tulad kanina, naghari muli ang katahimikan.

Rain... anong iniisip mo ngayon? Magsalita ka...please. Parang awa mo na, sabihin
mo kung ano ang nasa utak mo. Hindi ko ginusto 'to at lalong-lalong hindi rin niya
ito ginusto pero ngayon nandito na kami sa sitwasyong ito.. sagot na lang niya ang
hinihintay ko.

"Joke ba yan?"

Nanlambot ang mga tuhod ko nang narinig ko ang mga sinabi ni Rain. Unti unting
namumuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Ilang beses akong kumurap upang
pigilan ang tuluyang pagpatak ng mga ito.
"Rain, hindi ako nagbibiro.."

Hinawakan niya ang kamay ko at mulin nagwika.

“Ako ba ang ama niyan?"

Kung may hawak lang akong kutsilyo ngayon baka nasaksak ko na siya ng ilang beses.
Bakit pa ba niya kailangang tanungin yon? Kahit naman na ganito ako... hindi ako
nakikipag-sex sa kung kani-kanino lang.

"Hindi ako ang ama niyan. Sabihin mo! Hindi ako diba?!" galit na galit niyang
sinasabi habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Tinignan niya ang tiyan ko
ngunit wala akong nadama na kahit ano sa mga mata niya. Parang wala lang…parang
walang akong kwenta pati rin ang batang dinadala ko sa sinapupunan ko.

Sobra akong nasaktan sa mga sinasabi niya..

"Please Rain.. stop saying that. Ikaw ang ama... ikaw lang."

Sinipa niya ang upuan na nasa tabi niya. Bakit siya nagagalit? Ginusto ko ba ‘to?
Nasa plano ko ba ang mabuntis sa edad kong kinse anyos? Hindi ko 'to gusto pero
ayaw kong takasan ang sitwasyong ito. Pabalik baliktarin man ang mundo, anak ko ang
dinadala ko. Dugo’t laman ko siya... anak ko siya.

"Pakshet naman Maeri oh! Anong gusto mong sabihin ha? Na dapat panagutan kong yang
lintek na batang yan? Ano? HA?!" sigaw pa niya sa akin.

"Ang gusto ko lang naman ay malaman mo! Para hindi lang ako ang nahihirapan ng
ganito! Ikaw ba ang manganganak ha?! Ikaw ba?" napuno na ko kay Rain, hindi ko na
kayang tanggapin ang mga pinagsasabi niya. "Ang kailangan ko lang naman ay... ikaw.
Kailangan ng ama ng dinadala ko... ng anak natin." Napaupo ako sa upuan na nasa
likod ko at umiyak na lamang. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa harap ko.Hawak
hawak na naman niya ang mga kamay ko at sinabing..

"Tutal, nandiyan na yan. Ipa-abort na lang natin." Inalis ko ang pagkakahawak niya
sa kamay ko at sinampal ko siya. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Natigilan siya.
"GANYAN BA KABABA ANG TINGIN MO SAKIN RAIN? HINDI KO KAYANG PATAYIN ANG SARILI KONG
ANAK!" tinulak ko siya papalayo hanggang sa napahiga na siya sa sahig. Sa ngayon,
punong puno na ko sa kasakiman niya. Sa kitid ng pag-iisip niya. "SASABIHIN KO ANG
LAHAT NG ITO SA MAGULANG MO! HINDI KO IPAPA-ABORT ANG ANAK KO!" Tumakbo na ko
palayo. Takbo ako ng takbo at kung san ako papunta ay di ko alam.

Walanghiyang Rain yon! Hahayaan na lang niya ako nang ganito? Akala ko ba... mahal
niya ako? Na kahit anong manyari ako pa rin ang mamahalin niya? Akala ko lang pala.
Dahil kung mahal niya ako. Kung ginagalang niya ako at ang anak namin, hinding
hindi niya sasabihin ‘yon. Kahit wag na niyang panagutan, wag lang niyang sabihin
na ipalaglag ko ang inosenteng batang ito.

Pero sino ba namang matinong lalaki ang papanagutan ang katulad ko? Tanga na siguro
ang hahayaang masira ang buhay nila dahil lang sa isang sanggol, dahil sa akin.

Napaupo na lang ako sa sahig at umiyak muli.

Anong gagawin ko?

"Tutal nandiyan na yan.Ipa-abort na lang natin."

Naalala ko muli ang sinabi ni Rain... kung kaya ko lang ipa-abort ang anak ko...
kung kaya ko lang patayin ito para sa sarili ko. Ngunit kapag ginawa ko yon...
hindi ba parang wala rin akong pinagkaiba kay Rain? Ayaw kong magpakasakim. Ayaw
kong idamay ang bata. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kung meron lang sanang
taong makakaintindi sa pinagdadaanan ko ngayon..

"Maeri?" May narinig akong pamilyar na boses.

"Amanda!" tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya habang iyak ako nang iyak.

"Anong nanyari sis?"

"Amanda... kung sasabihin ko ba sayo... hindi ka ba mandidiri sa akin?"

"Siyempre hindi. I'm your best friend remember?"


Nakasandal ako sa balikat niya habang ako'y nakayakap ako sa kanya.

"Amanda... buntis ako."

Hinintay kong tumugon siya..Ilang segundong katahimikan bago ko narinig ang tugon
niya.

"Si Rain ang ama?" ang tangi niyang sinabi. Tumango lang ako. Hindi ko na pinansin
ang kawalan ng emosyon sa mga salita niya. Sigurado akong nagulat lang siya sa
sinabi ko. Bukod sa akin at kay Rain, si Amanda palang ang nakakaalam tungkol sa
sitwasyon ko.

"Anong sabi ni Rain?" tanong niya ulit.

"Ipa-abort ko daw."

"At gagawin mo nga?" nakita kong nanlaki ang mga mata niya nang tinanggal niya ang
pagkakayakap ko sa kanya. Hawak-hawak niya ang makabigla kong balikat.

"Hindi no. Wala akong planong patayin ang sarili kong anak."

"That's good to hear." At niyakap niya ako muli. "Everything will be okay Maeri.
Trust me."

Biglang gumaan ang loob ko.

"Thank you Amanda. You're such a good friend. Napakasuwerte ko na kaibigan kita."

Rain's POV
Naiwan ako sa classroom na gulong gulo pa rin ang isip. Bigla na lang niyang sinabi
na buntis siya at ako ang ama. Parang gugunaw ang mundo ko ng mga sandaling iyon.
Hindi ko alam kung magagalit ba ko o iiyak. Basta bigla ko na lang naisip ang
sarili ko. Hindi ko maaring panagunatan ang dinadala niya. Sumunod lang ako sa utos
ni Amanda. Ang sirain ang buhay ni Maeri hanggang sa wala na siyang muha maiharap
sa lahat. Pero paano napunta sa sitwasyong ito? Sa sitwasyon na may buhay nang
nakataya. Na pati ang buhay ko ay maaring masira? Inis na inis kong ginulo ang
buhok ko.

Pero pano pag ginawa nga ni Maeri ang sinabi niya?

"SASABIHIN KO ANG LAHAT NG ITO SA MAGULANG MO! HINDI KO PAPA-ABORT ANG ANAK KO! ANG
ANAK NATIN!"

Hindi pwede iyon. Sigurado akong pipilitin ako ng mga magulang ko lalo na ng nanay
ko na panagutan ang batang dinadala ni Maeri. Kailangan kong umisip ng paraan...
kailangan kong matakasan ang problema na to. Lumipas ang ilang minuto at ngayon ko
lang naisipan na lumabas ng classroom. Binuksan ko ang pinto at napatigil nang
ilang sandali dahil sa nakita ko si Vince na nakatayo sa may tabi ng pinto.

"Kanina ka pa nandiyan?" tanong ko.

Tumingin lang siya sa kin nang masama. Alam ko ang gusto niyang iparating. "Gago ka
ano?" Galit na galit niyang wika sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Mukhang
makikipaggaguhan sakin to ngayon ah? Sige, tutal, badtrip ako.

"Ano bang pake mo? Pwede kong buntisin kahit sinong gusto ko, WA-LA KANG PA-KE!"
talagang sinigaw ko sa kanya ang mga katagang iyon. Mas lalong tumalim ang mga
tingin niya. Hinawakan niya ako sa kwelyo at sinandal sa pader.

"Putangina mo! Wala ka nang ginawang tama sa buhay mo!"

"Bakit? pareho lang naman tayo ah?" sagot ko na may halong pang-aasar sa kanya.
Sinuntok niya ako at napahiga ako sa sahig. Aaminin ko, napakasakit ng suntok na
yon na para bang nagkabali-bali ang panga ko sa lakas. Kitang kita ko na
nanginginig na si Vince sa galit. Kilala ko tong gagong ‘to. Tumayo siya at tumayo
na rin ako. Pinunasan ko ang kaunting dugo sa labi ko dulo ng suntok na iyon.

"Pare, kung di ka seryoso kay Maeri. Bakit mo ginawa sa kanya yon?"


"Di pa ako handang maging ama!" sigaw ko habang lumalapit siya sakin at nakayukom
na naman ang mga kamao.

"Hindi ka pa handa? O hindi mo lang talaga mahal si Maeri?!" sigaw niya na


nanlalaki pa ang mga mata at nangingitngit ang mga ngipin sa galit. Muli niya akong
inaambaan. Napaisip ako sa sinabi niya. "Pare, bakit sa lahat ng lolokohin mo...
ba't si Maeri pa?" wika niya.

“Hanggang ngayon ba galit ka pa rin dahil ako ang pinili ni Maeri?" patuloy ko pa
ring pang-aasar sa kanya. "O sige, kung mahal mo nga si Maeri. Panagutan mo ang
batang dinadala niya." Sinuntok niya ako ulit habang mura siya nang mura. Suntok
siya nang suntok na para bang lilipad na ang mukha ko sa sakit.

"Kung pwede lang.Kung tatanggapin niya lang ako!!" at sinuntok niya ako muli."Kung
mahal niya lang ako." Susuntukin niya dapat ako nang bigla siyang napatigil. Tumayo
na siya at inayos ang polo niya. Naghabol siya ng hininga at muling nagbuntong
hininga habang nakatingin pa rin sa akin nang matalim pa sa kutsilyo. "Tandaan mo
Rain... linisin mo ang ginawa mong kalat... kundi pagsisisihan mo ang lahat ng
ito." Sabi pa niya at naglakad na siya papalayo. Marahas kong inalis ang dugo sa
gilid ng labi ko gamit ang kamay ko.

Gago ka talaga Vince.

Bwisit, nabugbog ako dun ah? Pero kahit anong gawin niyang suntok, kahit alugin
niya ang ulo ko at iuntog pa sa pader, di ko pa rin matatanggap ang dinadala ni
Maeri. Tumayo na ako at sandaling naglakad-lakad habang nakabulsa ang dalawa kong
kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko.

Mahal ko ba si Maeri?

lahat ng ginawa ko ay dahil mahal ko si Amanda?

"Rain.” Tumingin ako sa nagsalita. Bumungad sa harap ko si Amanda at ang kanyang


kakaibang ngiti. Nakapameywang siya at halata ang kasiyahan sa mukha niya.

"Alam mo na?" tanong ko sa kanya.


"Yes. Very good. " Ang saya-saya niya habang kami, problemadong problemado.

"Masaya ka na?" tanong ko sa kanya

"Hindi pa. Hindi pa ko kuntento." pagpapatuloy niya

"Ano pang kailangan kong gawin?"

Lumapit siya sa akin hanggang sa katapat na ng tenga ko ang bibig niya

.....at may binulong siya sa akin

Maeri's POV

"I'll go now. I have to do something." Wika ni Amanda bago bumeso sa pisngi ko


katulad ng palagi niyang ginagawa.

"Bye! See you later." Kaya ko ng ngumiti sa kabila ng mga problemang meron ako
ngayon. Siguro dahil sa may kaibigan akong nalapitan at napagsabihan ng mga
nararamdaman ko. Nagpapasalamat talaga ako kay Amanda para sa lahat lahat na ginawa
niya para sa akin.

Tuloy tuloy ako sa rooftop kung saan ako laging pumupunta sa tuwing malungkot ako.
Maldita man ako, bitch, slut o kung ano pa ang tawag nila... hindi dapat ginagawa
sakin ni Rain ito... wag naman niya sana akong iwan sa ere. Pareho naming kasalanan
ito... kailangan naming pagdusahan ng magkasama ang mga kapalit ng mga ginawa
namin... kahit gaano kabigat... kakayanin ko pero bakit di niya makaya?
Humiga ako at tumingin sa kawalan.

"Maeri... will you be my girlfriend?" naalala ko pa ang mga sinabi ni Rain noong
nililigawan pa niya ako. Madali lang naman ako ligawan... easy to get kumbaga.
That's why I hate relationships. Pero nung si Rain ang nanligaw sa akin... iba eh.
Sobrang seryoso talaga. Maniniwala ka talaga sa mga sinasabi niya.

"Kahit anong manyari... ikaw pa rin ang mahal ko."

"Promise, walang iba Maeri. Ikaw lang."

"I love you Maeri."

"Maeri mahal na mahal na mahal kita.."

"Mahal mo rin naman ako diba?"

Ngunit ngayon nagda-dalawang isip na ko kung totoo ba ang lahat. Napaluha na naman
ang mga mata ko. Napakabilis ng daloy ng luha sa mukha ko. Pasakit nang pasakit ang
mga mata ko habang naninikip ang dibdib ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Sa
lahat ng lalaking minahal ko, siya lang ang natatanging lalaki na binigyan ko ng
pagkakataon na maangkin ang buong ako. Ngunit sinayang ko lang pala ang lahat...

Kahit anong gawing isip ko, di ko pa rin magawang ipa-abort ang dinadala ko. Di ko
kayang patayin ang nasa loob ko... ang anak ko. Wala siyang kinalaman sa
nanyayari... wala siyang kasalanan dito. Hindi dapat siya ang paparusahan.

Maeri ang tanga tanga mo talaga kahit kelan. Nagpabuntis ka sa taong ayaw ka namang
suportahan. Ang bobo mo talaga Maeri!

Tumayo na ako nang tuwid.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinanaw ang buong school. Nakatayo ako ngayon sa
may gilid ng rooftop. Inihakbang ko ang paa ko para makalagpas sa harang nito.
Tumalon na kaya ako? Wala namang manyayari sa buhay ko.
Hinimas-himas ko ang tiyan ko.

"Baby, ayos ka lang ba diyan?" Sabi ko "Sorry kung ganito katanga si mommy ha...
sorry kung madadamay ka pa sa kabobohan ko. Sana kapag pumunta ka na ng heaven,
ihingi mo naman ng patawad si Mommy kay God. Sabihin mo sa kanya na payagang
makasama kita. Mahal na mahal kita." tumulo muli ang mga luha ko.

Hahakbang na sa ako muli para matapos na ang buhay ko nang biglang may humatak
sakin. Sumubsob ako sa rooftop dahil sa lakas ng pagkakahatak niya at medyo
dumudugo ang noo ko dahil nauntog ito sa sahig. Malabo man ang paningin ko ngayon
dulot sa pagkakauntog ngunit malinaw ko pa rin siyang nakiita. Nakasuot siya ng
maskarang itim at makapal ang suot niyang itim na jacket at pantalon. Natatakpan
ang mga mata niya ngunit kitang kita ko ang ngiti niya na mala-demonyo.

"S-Sino ka?" natatakot ako sa presensiya niya. Hindi siya nagsasalita. Nakatayo
lamang siya sa harap ko at nakangiti sa akin. May kinuha siya sa loob ng jacket
niya...

... itim na sako, kutsilyo at isang lubid.

"A-Anong gagawin mo?" napapaatras na ko dahil sa kaba. "Magsalita ka hoy! Layuan mo


nga ako!" Pero habang paatras ako nang paatras, abante pa rin siya nang abante
papunta sa akin. Lubhang nakakatakot ang aura niya. "Sabi kong lumayo ka sa akin
eh!" tinulak ko siya palayo. Kahit anong sabihin ko di siya nakikinig.

Tumatakbo na ko palayo pero bago ko mabuksan ang pintuan ay naramdaman kong


inihagis niya ang kutsilyo papunta sa paa ko. Napasigaw ako nang malakas dahil sa
sakit. Nakalusot ang kutsilyo sa laman ng paa ko. Tinignan ko ito habang tulo nang
tulo ang dugo. Halos nakahiga na ko sa sahig pero pinipilit ko pa ring makalabas...
hihingi ako ng tulong. Dahan dahan akong gumagapang. Lahat ng pwersa na pwede kong
magamit ay ginagamit ko na... para makatakas.

Umupo sa likuran ko ang taong naka-maskara at inialis ang kutsilyo sa paa ko.
Napasigaw ako sa sakit. Halos nakita ko na ang laman ng paa ko dahil sa niliko niya
ang kutsilyo pakanan bago ito tuluyang inalis. Tumingin muli ako sa kanya. "Ano ba
ang gusto mo ha?!" sigaw ko sa kanya. "Ano bang kasalanan ko sayo?!" pagpapatuloy
ko. Ayaw kong mapansin niya na natatakot ako. Hanggang sa maari, pinapakita ko na
matapang ako kahit sa huling sandali..

Ngumiti na naman siya nang ubod ng sama. Lumapit siya sa pintuan at ni-lock ito.
"MAGSALITA KA!!!" sigaw ko muli sa kanya. Sumimangot siya ng sandali at kinuha muli
ang kutilsyo at sinaksak naman ako sa kabila kong paa. Napasigaw muli ako. Umiyak
ako nang umiyak sa kinahihigaan ko habang dinaramdam ang sakit."Parang awa mo na...
buntis ako... maawa ka naman sa amin ng baby ko." Pagmamakaawa ko ngunit muli kong
naramdaman ang kutsilyo niya na bumaon sa katawan ko. Paulit-ulit... napaksakit.

Tumayo siya na nakangiti. Kinuha niya ang lubid at ang sako saka bumalik sa akin.
Tinali niya ang mga kamay at paa ko. Nilagyan din niya ng takip ang bibig ko gamit
ang isang panyo. Pinilit akong sumigaw pero alam ko namang walang makakarinig sa
akin. Bago niya ako binuhat ay pinagkasya niya muna ako sa loob ng malaking sako
halos magkadabali sa sakit ang mga buto ko dahil sa sikip sa loob nito. Naramdaman
ko na bumaba kami sa hagdanan. Marahil ay dinaan niya ako sa fire exit. Singhap ako
nang singhap habang pakiramdam ko ay unti-unti na akong nawawalan ng hangin sa
loob.

"Baby...wag kang mag-alala.Lalaban si mama." Sabi ko sa sarili ko at pumikit na


lang.

Alyana's POV

Ilang araw na akong nakakulong sa kwarto na to. Pero wala naman akong nakikitang
tao. Nakatali ako sa isang mahabang kahoy na nakadikit mula sa dingding hanggang sa
sahig ng nasabing kwarto. Ilang araw na rin akong di kumakain. Hinang hina na ako
at pakiramdam ko malapit na akong mamatay sa gutom.

Pinilit kong sumigaw pero walang nakarinig sa akin. Napagod na rin ako. Pinikit ko
ang mga mata ko at humihiling na magising na ako sa bangungot na lang ang lahat ng
ito. Dahil sa kumakalam pa rin ang sikmura ko ay sumuko na ko sa pagsasayang ng
oras para tawagin ang Diyos. Tss...parang maririnig naman niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko... tumayo ang mga balahibo ko at pinagpawisan ako nang todo
ng may nakita akong nakatayo sa harap ko...

Isang babae. Nakasuot siya ng uniform namin. May mga tuyo na dugo sa buong damit
niya. Maikli ang buhok niya at nakangiti siya sa akin... .nakakatakot na ngiti. May
dala siyang sako at kung ano ang laman nun ay hindi ko alam..
Ngunit ang pinakanakakatakot ay kung sino siya...

"Angie?" ang tangi kong nasabi. Mas lalo niyang nilakihan ang ngiti niya nas mas
nagpatayo sa mga balahibo ko.

Diba........patay na si Angie?

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: REVELATIONS.

C8: Revelations. >>

Si Maeri nga pala yung nasa gilid -----> bulilit edition.

Vote| Comment | Fan

# BAWAL ANG SILENT READER! Gusto kong malaman ang mga opinyon nyo :D

---

Maeri's POV

Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Nag-iisa ako sa isang napakadilim na
lugar. Ni wala akong naaninag na sikat ng araw. Napakainit dito na para akong
niluluto nang buhay. Napagod na ko sa kakasigaw.

Masakit pa rin ang mga sugat sa katawan ko dulot ng pagkakasaksak sakin ng ilang
beses. Hindi ko nga alam kung bakit pa buhay pa ako. Siguro sinadya ito ng taong
nagdala sakin... ang saksakin ako sa mga di gaano kagrabeng parte ng katawan. Mas
gusto niya akong pahirapan kahit na ilang beses ko sa kanyang sabihin na buntis ako
at maaring mamatay ang batang nasa loob ko, ayaw pa rin niyang tumigil.
Hinawakan ko muli ang tiyan ko.

"Baby... makakalabas din tayo dito. Makakalabas tayo nang buhay." Sabi ko habang
dahan dahang hinahaplos ang tiyan ko.

Biglang bumukas ang pinto at nasilaw ako sa nakakabulag na liwanag sa labas.


Tinakpan ko ang mga mata ko at noong dumilat ako ay nakita ko muli ang taong
nakamaskara. Hindi niya sinarado ang nasabing pinto kaya nagkaroon ng liwanag sa
buong paligid. Nakita ko ang labas... nasa isang bahay ako. Mula sa kinauupuan ko
ay nakita ko ang kusina sa ibaba pati na rin ang hagdanan sa may gitna. Isang
normal na bahay.

Lumapit siya sa isang mesa sa kabilang dulo ng kwarto.

"Pakawalan mo na ko please." Ngunit muli, hindi niya ako pinansin. Sa halip ay


kinuha niya ang patalim niya mula sa suot niyang itim na jacket at inilapag ito sa
lamesa na katabi lamang niya. Tinignan niya lang ako saka tumawa nang mahina na
tila ba'y isang bulong lang.

Lumabas siya sandali. Sa kasamaang palad, halos nakadikit na ata ako sa upuan na
ito. Ang higpit ng pagkakatali niya sa akin at mayron pang tape na nagdidikit sakin
at sa upuan. Talagang ayaw akong paalisin ng gago. Hindi nga nakatali ang mga kamay
ko at tanging beywang at paa lamang ang naka-tape ngunit alam kong kahit na alisin
ko ang mga ito, hindi pa rin ako makakatakas dahil sa saksak sa mga paa ko.

Ilang sandali lang ay bumalik na siya.

Inusog niya ang lamesa papunta sa harap ko at may inilagay na video camera sa taas
nito na nakatutok sa akin. May pinindot siya sa video camera at alam kong nagre-
record na ito ngayon. Sisigaw sana ako sa harap ng camera pero laking gulat ko ng
nakita ko siya na lumalapit sakin habang hawak ang napakatalim niyang kutsilyo.
Pumwesto siya sa likuran ko at agad niya akong sinaksak sa may hita. Halos kagatin
ko na ang mga labi ko para hindi ako mapasigaw sa sakit. Tinaas niya ang ulo ko
hanggang nasa harap ko na ang mukha niya. Nakabaon pa rin sa hita ko ang kutsilyo
at tuloy tuloy ang pagtulo ng dugo mula rito.

Mangiyak-ngiyak na ko sa sakit.

"P-Please... k-kung sino ka m-man. Maawa ka naman sa amin ng b-baby ko." Binitawan
niya ako. Lumapit siya sa may gilid at sumigaw. Lalaki pala siya. Sinuntok suntok
niya ang pader at nagwawala. Galit na galit siya. Halos umiiyak na siya roon.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may kinuha siya... isang dos por dos. Lumapit siya sa
akin habang hawak ito. Kitang kita ko kung gaano siya kagalit dahil sa higpit ng
pagkakahawak niya rito. Umiling-iling ako at nagmakaawa muli habang nangingilid ang
mga luha.

"Parang a-awa mo na... p-please... w-wag mong gawin yan."

Napapikit na lang ako nang biglaan niya akong hatawin ng dos por dos sa kanang paa
ko. Hindi ko na napigil ang sigaw at mga luha ko. "PLEASE! MAAWA NA PO KAYO SAKIN!
PARANG AWA NIYO NA!" pero pagkatapos kong sabihin ang mga iyon ay pinalo na naman
niya ang kanang paa ko. Ang sakit... sobra. Sa lakas ng pagkakapalo niya, sa tingin
ko... hindi na ko makakapaglakad pa. Wala na kong nagawa, umiyak na lang ako nang
umiyak.

Hinataw din niya ang hita ko sa kanan kung saan nakabaon pa rin ang kutsilyo. Sa
tingin ko ay lumusot na ang kutsilyo sa hita ko. Napayuko na lang ako at sumigaw.
Mas mabuti na lang mamatay ako kaysa maranasan ko to... ayoko na... pagod na kong
masaktan... pagod na pagod na ko sa lahat ng nanyayari sa buhay ko.

Biglang nagdilim ang paligid...

8 years ago...

"Maeri, siya ang bago mong daddy." Sabi ni Mommy sa akin habang akbay-akbay niya
ang isang matangkad na lalaking ngayon ko palang nakita. "Hi Maeri.Ako nga pala si
Daddy Kyle mo." Nakangiti niyang sinabi sa akin. "Say hello to Daddy Kyle." Wika
naman ni mommy sa akin.

"Hello Daddy Kyle!" sabi ko habang nakangiti hanggang tainga. Sa wakas, may daddy
na ko. Tuwang tuwa kong niyakap siya at hinalikan ko siya sa pisngi habang
naririnig ko ang tawa ng pagkagalak ni mommy. Iyon lang naman ang gusto ko, ang
sumaya si mommy dahil palagi ko na lang siyang nakikitang umiiyak. Ayaw ko nun.

Nakalipas ang ilang buwan at mabait naman sa akin ang bago kong daddy hanggang
sa....
"Anak, aalis lang si mommy. Pupunta akong China magtatagal ako ng 2 months dun.
Para sa business natin to ah. Don't worry I'll call you every night and Daddy Kyle
is always there. Hindi ka niya papabayaan." Hinalikan ako ni mommy sa noo at
nagpaalam na ko sa kanya.

"Baby." Biglaang sabi ni daddy. Nakaupo kami sa sala ngayon at nanonood ng t.v.
Lumapit siya sa akin. Umupo siya sa harapan ko. "Yes daddy?" tugon ko naman kay
Daddy Kyle.

"Do you want daddy to be happy?" Tumango ako nang magiliw sa kanya. Kinuha niya ang
kamay ko at dinala ako sa kwarto. "Daddy....anong gagawin natin?

"You have to kiss daddy." Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti pa pagkatapos


noon. "Oopss... not there" Sabi niya at pagkatapos ay hinalikan niya ang inosenteng
mga labi ko. Hinubad niya ang suot niya at nanyari ang hindi dapat manyari.

"Isubo mo to." Hinarap niya sa akin ang kanyang ari at sinunod ko naman si daddy.
Pakiramdam ko, wala akong magagawa. Gusto kong maging masaya si daddy katulad ng
kagustuhan ko na maging masaya si mommy. Gusto ko lang ng isang masayang pamilya.

Nag-ring ang telepono.

"Daddy... si mommy na po ata ang tumatawag."

Hinawakan niya ang ulo ko at sinubsob sa kanya.

"Wag mo ngang isipin ang nanay mo! Gawin mo lang ang mga sasabihin ko!" Sigaw niya
sa akin. "Daddy...please...magagalit si mommy." Mangiyak-ngiyak kong sinabi sa
kanya. Hinablot niya ako sa braso ko at sinigawan habang nandidilat pa rin ang mga
mata niya. "Putangina mo kang bata ka! Sabi ko naman diba? SUNDIN MO LAHAT NG
GUSTO KO! KUNG HINDI PAPATAYIN KO KAYO NG MOMMY MO!"

Pinigil ko ang pag-iyak at sinunod lahat ng pinagawa niya. Kahit hindi ko pa alam
ang mga pinaggagawa ko noon. Hanggang sa naulit araw-araw ang kademonyohan na
ginagawa niya sa akin... nababoy na ko dati pa... pinaglaruan na ko ng mga
nakakatanda... ng mga lalaki.
Ganyan naman sila eh kapag wala ang nagpapaligaya sa kanila... hahanap at hahanap
sila ng iba para lang mapunan ang kagustuhan at luho nila. Kahit na ang batang
katulad ko, ginamit niya. Napakasama niya... napakasama. Akala ko matatapos na ang
paghihirap ko nung umuwi na si mommy pero iba ang nanyari.

"ANG LANDI MONG BATA KA! ANG BATA BATA MO PALANG GANYAN KA NA! BAKA MAGING POKPOK
KA PAGLAKI MO! PATI STEPDAD MO INAKIT MO!" sinampal sampal ako ni mommy habang
umaarte ang "daddy" ko. Binaliktad niya ang lahat. Sa huli, ako pa ang naging
masama, ako pa ang naging malandi. Tinulak ako palayo ni mommy hanggang sa sumubsob
na ko sa sahig.

"Sandy... tama na." Pinigil pa ng gago si mommy. Ang galing niyang umarte.

Umiyak lang ako nang umiyak.

"Bilisan mo Maeri. Sige paaa.... ahhhh." Sabi ng walanghiya. Lagi niya akong
binabalaan na papatayin niya kami ng mommy ko... wala akong magawa... isang hamak
na bata lang ako. Wala akong laban sa kanya.

"Ano ba! Naririnig mo ba ko?! Bilisan mo hanggang wala pa ang mommy mo." Tumayo ako
at sinuot ko na ang mga damit ko. Halos dalawang taon na rin ang nakakalipas,
dalawang taon na rin akong nagtitiis sa mga pinapagawa niya sa akin... dalawang
taon na akong nagdudusa.

"Ayoko na!" sigaw ko "Itigil na natin to. Ikakas mo na lang yan sa pader!" Hinatak
niya ang buhok ko. "AHHHHHH!" sigaw ko naman nang naramdaman kong matatanggal ang
bawat buhok na hatak-hatak niya. "Lumalaban ka na ngayon? Gusto mo bang patayin na
kita?" nandidilat pa rin niya sinabi sa akin.

"Sige subukan mo! Ipapakulong ka ni mommy!"

"Yung mommy mo? Tssss.. tanga naman yon e. Uto-uto , pareho lang kayo!" Inapakan ko
ang paa niya at napabitaw na siya sa buhok ko. Humarap ako sa kanya at sinipa siya
sa pagkalalaki niya na naging dahilan ng pagsigaw niya dahil sa sakit. Kaya
pagkakataon ko na para tumakbo.. .hihingi ako ng tulong... pupunta ako sa pulisya
na dapat ay dati ko pang ginawa.

Sa may kusina ako pumunta dahil ito ang pinakamalapit na may pintuan palabas ng
bahay. Mabubuksan ko na sana ang pinto nang bigla niyang hinarangan ito. May dala
na siyang patalim. Nakatutok sa akin. "SIGE SUBUKAN MO MAERI PAPATAYIN TALAGA
KITA!" sigaw pa niya.
Napaatras ako...

"Ayan..sumunod ka lang sa lahat ng gusto ko... hindi ka masasaktan." Lumapit siya


sa akin at hinalikan ako sa labi, palalim ng palalim ang halik. Hanggang sa bumaba
ang halik na ito sa leeg ko at unti unti na niyang hinuhubad ang damit ko.

Binuksan ko ang pantalon niya at sarap na sarap naman siya sa ginagawa ko. Habang
ginagawa ko ang kababuyan na ito ay unti unti ko nang kinukuha ang patalim na
nahulog kanina dahil sa kasabikan niya sa akin. Nang nakuha ko na ito ay pinutol ko
na ang dapat putulin. Napasigaw muli siya sa sobrang sakit at nakaramdam naman ako
ng ginhawa. Humiga siya sa sahig habang sumisigaw.

Binigay ko lang ang dapat niyang makuha... kaparusahan sa ilang taon niyang
pambababoy sa isang katulad ko. Unti unti siyang tumayo at may kinuha sa isang
drawer... isang baril. Huli na ng napansin ko na nakatutok na pala sa akin ang
baril.

Nakarinig ako ng tatlong putok ng baril.

Napakabilis ang mga panyayari. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko na bumagsak
ang katawan ng mommy ko sa mismong harapan ko. Ilang sandali ay hindi ko napigilan
ang mga luha ko. Sinugod ko ang gago at pinagsasaksak ito. Hindi ko alam kung
kagaano kadami ang saksak na natamo niya sa akin basta... galit na galit ako sa
kanya. Pinatay niya ang mommy ko... pinatay niya ang babaeng pinoprotektahan ko
simula pa nung una pa lamang.

Tinigilan ko ang pagsaksak ko sa kinikilala kong tatay nang nakita kong


naghihingalo na ang mommy ko. Pero pinilit pa rin niyang magsalita..

"A-Anak... mahal na m-mahal ka ni mommy. S-s-sorry sa lahat. Sorry kung di ako


naniwala sa mga sinabi mo. K-kaya kapag nagkaroon ka na ng anak... mahalin mo rin
siya katulad ng pagmamahal ko s-sa'yo." At pumikit na si mommy. Wala na kong ibang
nagawa kundi umiyak na lang muli nang umiyak.

Dumating ang mga pulis at kinuwento ko ang lahat. Kinuha ako ng mga kamag-anak ko.
Inalagaan nila ako... minahal na parang anak rin nila pero wala pa ring makakatalo
sa pagmamahal sa akin ng totoong kong ina.

Mommy... naririnig mo ba ko ngayon? Mommy... sorry. Mukhang hindi ko ata maalagaan


ang baby ko. Mommy... tulungan mo naman ako.
Alyana's POV

"Angie... ikaw yan diba?" napakatahimik niya. Ni hindi bumubuka ang bibig niya,
palagi lang siyang nakangiti sa akin na para bang may kahulugan. Ilang araw ko na
ring hindi siya nakikita. Simula nung nakita ko yon... di ko na siya nakausap.
Sobra akong nagalit sa kanya at nagsisisi ako sa ginawa ko. Tama siya... tama ang
lahat ng sinabi niya.

"Magsalita ka naman Angie." Inalis niya ang pagkakatali ko sa kahoy at niyakap ako.
"Angie?" Ngumiti lang siya sa akin at binuka ang bibig niya... naluha siya at
umungol..

Si Angie...

Si Angie...

...wala na siyang dila..

Angie's POV

"Masyadong ka ng maraming nalalaman..."

Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko at alam kong may hawak siyang kutsilyo
sa kaliwa niyang kamay. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang kanan niyang kamay at
tinignan ako ng ubod nang sama.

".....kailangan mo nang manahimik." Sabi pa niya habang hinila ang dila ko at unti-
unti itong pinuputol gamit ang napakatalim niya kutsilyo. Sumirit ang mga dugo
papunta sa mukha niya. Hindi ko makakalimutan ang mukha niya na para bang
nasisiyahan sa mga nanyayari. Nagsitawanan sila.

"Ayan, mas magandang ganyan ka." Sabi ng isa. Wala akong magawa kundi umungol nang
umungol. Maluha luha ako ngunit nagawa pa nila akong pagtawanan. Nalalasahan ko ang
sarili kong dugo at tila mapupuno ang bibig ko ng dugo kung hindi lang ito umaagos
pababa.

Nagtatawanan pa rin sila.

Nakita ko rin ang mga litrato na tinitignan nila. Ako yon habang nakaupo kanina
bago pa ko magising. "Akira, napakaganda ng plano mo. Tiyak na matatakot ang mga
yon."

"Magiging maganda ito. Unti-unti na nating bubuksan ang mga kabanata na isinara
nila. Lahat sila... magdudusa." Sabi ni Akira at pagkatapos nun ay lumapit siya sa
akin. "Sa kabila ng lahat Angie, nagpapasalamat pa rin ako sa'yo. Alam mo kung
bakit? Kung hindi dahil diyan sa katangahan mo... hindi matutupad itong gusto
namin. May isa nang nakakaalam. Mayroon na kaming mapaglalaruan. Pero sayang ka
Angie... magiging mabuting magkaibigan pa naman sana tayo." Hinaplos niya ang bibig
ko na patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. "Sana sinabi mo na ang lahat sa kanya...
para sulit itong kaparusahan mo."

---

"Tara maglaro tayo." biglang nagsalita si Akira. Napatingin ako sa tuso niyang
tingin sa akin na para bang may pinaplano na naman siyang iba. Hindi ko inakala.
Kahit ako…nagulat. Mula rito sa kinauupuan ko, naririnig ko ang buong usapan nila.
Malinaw kong naririnig.

"Gabing gabi maglalaro tayo?"

"Teka, ano bang laro yan?"

Tinignan lang sila ni Akira at ngumiti.

"Pakawalan niyo si daldalita." Sabi niya


"Bakit? Baka makatakas siya."

"Bobo! Talagang makakatakas yan."

Agad agad naman silang lumapit sa akin tulad ng utos ni Akira. Tinanggal nila ang
tali ko sa kamay at paa. Tumayo ako. Nakatingin lang ako sa kanila. Papatayin na ba
nila ako ngayon?

"Hoy anong ginagawa mo? Ayaw mo bang tumkabo?" tanong sa akin ni Akira." Anong
gusto mo? papatayin kita o tatakbo ka?" sa pagkakataong ito ay mabilis na kong
tumakbo palabas halos madapa-dapa na ngaako. Nakita ko na lang ang sarili ko na
nasa isang daan... duguan at pagod na pagod pero di ako hihinto... baka abutan nila
ako... tatakas ako.

...maghihiganti ako..

Murderer's POV

"Anong bang ginawa mo Akira?! Tumakas na siya oh.Pano na yan?" sabi ko sa kanya.
Hindi ko talaga siya maintindihan. Masyado siyang tuso. Ngumiti lang siya nang ubod
ng sama. "Naglalaro tayo. Bingi ka ba?"

"Ano bang laro?"

"Habulan." Tugon ni Akira. Tinignan lang namin siya. Ano pang ibig niyang
iparating? "Mga bobo talaga kayo. Tayo ang mga taya." Tumigil siya ng ilang
sandali sa pagsasalita bago muling nagwika.

"At kapag naabutan natin siya... papatayin ko na siya." nagsingitian kami sa mga
sinabi ni Akira.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: AN OLD FRIEND.


[Extra Chapter] 11 Tips for writing a mystery story. >>

Magpapaka-professional muna ako ngayon at mamimigay ng tips para sa mga nagbabalak


gumawa ng mystery na story. Waaa, bayaan nyo na ko. Wala akong magawa eh HAHA.
Malay nyo makatulong ako. Malay lang naman :)

Eto na.

Tip # 1: Simulan mo ang chapter mo na may misteryo na agad at tapusin mo na may


misteryo pa rin.

Tip # 2: Mas maganda na bitin ang mga chapters para abangan ng mga readers.

Tip #3: Wag kang magbibigay ng mga clue na isang tingin palang ng readers ay alam
na nila.

Tip #4 Pero kung magbibigay ka naman ng clue dapat may iba kang plano. Kunwari si
*ano* yung pagmumukain kong killer sa chapter na to pero ang totoo, ibang iba ang
dahilan at yung totoong killer. Guguluhin mo dapat ang utak ng readers mo.

Tip #5: Mas maganda na gumamit ka ng medyo malalalim na salita.

Tip #6: Wag basta basta mag-type. Tignan mo mabuti ang tina-type mo.Gumawa ka ng
draft at i-edit mo. I-edit mo ng paulit-ulit hanggang sa masaya ka na sa resulta.
Kaya nga matagal akong mag-update dahil ilang beses ko ine-edit yan.

Tip #7: Dapat duktong duktong ang mga panyayari kahit sabihin mong napakaliit na
detalye lang yan dapat may napakalaking koneksyon yan sa storya. Madaming clue sa
mga chapters, di nyo lang napapansin kasi nakatuon ang pansin nyo sa iba.

Tip #8: Magbasa ng mga books related sa murder, tungkol sa mga pag-uugali ng mga
tao at kung ano anong kababalaghan. Manood din ng movies, malaking tulong ito.

Tip #9: Mas brutal, mas exciting.


Tip #10: Dapat capable yung kriminal na gumawa ng krimen emotionally at physically

Tip #11: Huwag mong ipilit sa sarili mo kung ayaw mo ng storyang ginagawa mo. Kaya
ang last tip, Mahalin mo ang storya na ginagawa mo at make sure na original yan.
Ang pangit na nakilala lang ang storya mo dahil sa ideya ng iba.

Extra tip: Wag na wag hahaluan ng HUMOR ang story mo. Promise, di magwo-work out
yan. Nakakabasa kasi ako dito ng ibang story na mystery, may killer ober der pero
biglang magsasabi ng pa-joke na statement yung nasa story. Mapapa-What the Fudge
ako nun.

Oh well papel...

C9: An old friend. >>

Si Summer ang nasa gif sa gilid ----->

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise's POV

Nakaupo ako sa kama ko ngayon habang nasa harapan ko ang mga nakuha kong ebidensiya
laban sa mga murderers na sinasabi ni Angie. Nandito ang baseball bat ni Andy,
cellphone ni Angie, pati na rin ang cellphone ng killer at ang singsing na may
nakaukit na ‘Akira’ sa likod nito.

Napakagulo ng sitwasyon. Hindi ko alam kung sino ang iisipin kong may pakana ng
lahat ng ito. Napakatuso nila, baka mamaya pinaglalaruan lang nila ako. Namimigay
sila ng clue na mas nakakagulo ng isipan ko. Kung titignan mo sila, parang walang
mali. Ang hirap magbintang lalo na’t napakalabo pa ng ebidensiya na nakuha ko.

Kinuha ko ang cellphone ng killer. Sa ilang araw na nasa akin ito, ngayon ko pa
lamang mabubuksan. Natatakot man ay pinindot ko na rin ito para mabuksan ang mga
nilalaman ng cellphone ngunit nangangailangan ito ng password. Dahil sa hindi ko
naman alam ang password ay nilapag ko na muli ito sa kama. Bigla akong nakaramdam
ng uhaw sa pag-alam ng password nito. Parang sobra akong nagging mausisa.

Sunod ko namang kinuha ang cellphone ni Angie. Sinubukan kong buksan ang inbox nito
at mabuti na lang at walang password na kailangan. Binasa ko ang mga messages at
may isang message na nakuha ang buong atensyon ko. At kung titignan, isa itong
forwarded message galing kay Alyana.

Sender: Alyana

Message: Alam mo bang may relasyon si Kevin at si Angie? Natanggap mo ba ang


pinadala kong video? Ginagawa ka lang tanga ni Angie at ikakalat niya sa lahat ang
mga pinagagagawa mo. Gusto mo ba yon? Dapat ka nang kumilos ngayon... hanggang
hindi pa huli ang lahat.

Dali dali kong binuksan ang mga video files niya sa cellphone. Hindi naman ako
nahirapan at agad na bumungad sakin ang video ni Angie na nakikipagtalik kay Kevin.
Napabitaw ako sa cellphone... sadyang kagulat-gulat..

Naalala ko ang mga sinabi ni Angie sa akin..

"Nag-away kami...isang napakalaking away...Galit na galit siya sa akin."

"Hindi na..huli na Denise..Nanyari na kung ano dapat manyari.Ayokong mandamay ng


iba..."

Napatakip ako sa bibig ko.

"Anak, may bisita ka." Nagulat ako ng narinig ko ang boses ni mama sa may pintuan.
Mabuti na lang at ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko upang hindi nila makita ang
ginagawa ko. Lalong lalo na ang mga nasa harapan ko ngayon. Sigurado akong
magtatanong sila. Ayaw kong malaman nila ang nanyayari sa eskwelahan. Hindi ko alam
kung bakit pero may parte ng utak ko na nagsasabi na mas magiging malala ang
sitwasyon kung may pagsasabihan akong iba na labas sa Class 3-C.

"Opo, bababa na po." Tugon ko.


Iniligpit ko muna ang mga ebidensiya sa isang secret compartment sa cabinet ko kung
san walang makakakita, ang secret compartment na ako mismo ang gumawa. Humarap muna
ako sa salamin ng ilang sandali at pagkatapos ay inayos ang suot kong damit.

Bumaba na ko.

"Ash?" sabi ko nang bumungad sakin si Ash na nakasuot ng itim na pang-itaas at


maong na pantalon. Hindi ko akalain na siya ang magiging bisita ko. Kinababaliwan
siya ng mga babae, hinahabol-habol at halos pinag-aagawan na... hindi ba sobrang
kakaiba na pumunta siya sa bahay nang biglaan?

"Gusto nyo ba ng juice at sandwhich?" tanong ni mama sa aming dalawa.

"Okay po." Ngumiti si Ash sa kanya at kilala ko ang nanay ko. Alam ko na ang
iniisip niya. Kanina pa siya nakangiti sa akin na parang tanga. Kung ano man ang
iniisip niya, sana kilabutan naman siya kahit papano.

Lumapit ako kay Ash at inalok na umupo siya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Ibibigay ko lang itong mga notes at mga assignments. Diba absent ka nung friday?"
tapos ngumiti na naman siya.

"Pinabibigay ba ng mga teachers?"

"Hindi. Gusto ko lang.”

Simula noong tutukan niya ako ng kutsilyo at basta basta na lang halikan ay naging
kakaiba na siya. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nitong lalaking to. Pero hindi
talaga pangkaraniwan na makipagkaibigan nang ganun ganun na lang ang isang tulad
niya sa akin.

"Oh bakit di ka umiimik?" tanong pa niya sa akin habang may pagtataka sa mga mata
niya. Medyo iniiwasan ko ang pagtitig sa mga iyon dahil parang pakiramdam ko,
parang akong nahihipnotismo sa bawat titig niya.
"Bakit kailangan ko ba?"

"Siyempre. Bisita mo ko eh dapat i-entertain mo ko."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang biglaan niyang hinawakan ang kaliwa kong
kamay habang titig na titig sa akin ang mga mata niya. Nakakatunaw..

"U-Uy... A-Anong ginagawa m-mo?" kabadong kabado na tanong ko. Bakit ba lagi siyang
gumagawa ng bagay na kinakagulat ko?

"Wala. Dati ko pa gustong... hawakan ang kamay mo eh." Tapos kinuha naman niya ang
kanang kamay ko at hinawakan lang ito. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko
nang napansin ko na paparating na si mama habang dala-dala ang tray na may juice at
sandwhich.

"Oh kain na kayo. Maglalaba pa ko eh."

Mas lalo akong naging tahimik.

"Ayaw mo bang nandito ako?" bigla naman siyang nagsalita.

Tumingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang lahat ng
ito. Hindi ko alam kung bakit siya nagsasayang ng oras rito at mas lalong hindi ko
alam kung bakit niya gustong hawakan ang mga kamay ko. Ang gulo... masyadong
biglaan.

"O sige, alis na ko. Magpahinga ka na para makapasok ka na bukas." Tumayo na siya
at pumunta kay Mama. Nakita ko namang nagpaalam siya nang maayos kay mama at umalis
na. Pero nandito pa rin ako, nakaupo. Hindi ko alam....ba't ganto? Narinig ko ang
pag-andar ng kotse sa labas, siguro iyon ang gamit niyang sasakyan. Hindi pa rin
ako makapaniwala sa mga sinasabi niya at ginagawa. Nakakagulat..

---

Bumuntong hininga ako habang paakyat sa hagdanan papunta sa ikatlong palapag, kung
nasaan ang room ng Class 3-C. Habang papunta ay nasalubong ko si Andy. Agad niyang
kinuha ang bag ko. "Uy, Andy akin na yan." Pinilit kong abutin ang bag ko ngunit
kahit anong tingkayad ko ay di ko ito maabot. Kulang talaga ako sa tangkad.

"Baka mabinat ka, nagkasakit ka diba? Best friend mo ko kaya dapat aalagaan kita.
Ayaw mo nun, may best friend ka na, may yaya ka pa." Napangiti ako sa sinabi niya.
Wala na kong nagawa dahil kung magsasalita pa ko ay alam kong sa huli, panalo pa
rin siya. Makikipag-debate lang yun tungkol sa mga tungkulin ng pagiging best
friend niya.

Bigla ko tuloy naalala ang baseball bat niya na nakita ko sa room na yon... si Andy
kaya? Hindi ko talaga maisip na maari niyang gawin yon dahil sa lahat ng tao sa
room si Andy ang pinakamalapit sa akin. Siya ang best friend ko eh. Impossible
talaga. Muli akong tumingin sa kanya at napangiti. Hanggang sa napansin ko si Ash
na nasa harap na pala namin.

"Morning Ash." bati sa kanya ni Andy. Tinignan siya ni Ash. Napatingin din siya sa
bag na hawak ni Andy.

"Good Morning" tugon ni Ash sa kanya na blanko ang mukha. "Good Morning Denise."
Bigla siyang humarap sa akin at bumati na hanggang tenga ang ngiti... kung katulad
ko lang siguro ang ibang babae, baka kanina pa ko nahimatay dito pero hindi eh.

"Good Morning." Sabi ko at naglakad na siya palayo. Nilingon ko siya at nakita kong
nakipag-apir siya kay Vince at sa kasama pa nito na papunta rin sa classroom.

"Ngayon ko lang kayong ata kayo nag-usap?" Puna ni Andy.

"Oo nga eh." pagsisinungaling ko.

Pumasok na kami sa room at inilapag na niya ang bag ko sa upuan ko. Tinignan ko
muli ang mga kaklase ko, wala namang nagbago....ganun pa rin. Ni hindi nga halata
na may nanyayari ng kababalaghan sa klase na to

Napakagaling nilang umarte.

Walang kaalam alam ang mga magulang sa mga nanyayari. Pinagbawalan ang mga
estudyante lalo na ang klase namin para magsumbong... pangalan daw ng school ang
nakataya rito. Ilang linggo na ring pinaghahanap ng mga pulis si Angie at
nagsinungaling ang school sa nanyari kay Kuya Kevin, sabi nila napagdiskitahan lang
si Kuya Kevin ng mga kaaway nito at si Alyana naman daw ay naglayas dahil sa
paghihiwalay ng mama at papa niya. Mga balita na hindi ko alam kung totoo ba. Wala
namang sinabi ang mga pulis tungkol sa nanyari. Basta na lang nila kaming iniwan na
nagtataka pa rin.

"Class, mayron na kayong bagong adviser. Behave ha?" binuksan na ni Sir Buendia ang
pintuan pagkasabi na pagkasabi niya ng mga salitang iyon at pumasok ang isang
lalaki na halatang bata pa, medyo matangkad at aaminin ko na gwapo naman. Narinig
ko ang mga tahimik na tili ng mga kaklase kong babae na halatang pigil na pigil
upang hindi makagawa ng sobrang ingay na tunog. Nangunguna na dito sila Camille.

"Good Morning class, I'm your new adviser as well as your new Chemistry teacher.
Alam kong 5 months na lang ang natitira sa school year na to pero I would like to
build a good relationship with all of you. I'm Sir Paolo Ferrer. You can just call
me Teacher Paolo." Kitang kita ang maluwag na pagtanggap ng buong klase kay Sir
Paolo sa isang tingin pa lamang sa kanila.

"Ang hot niya. Oh. My. God.” Narinig kong sabi ni Anne kay Camille.

"I know right. Akin na siya girls. Watch me, magiging boyfriend ko siya." Tugon
naman ni Camille.

"Shut up. Teacher siya, napakalandi nyo talaga." Saway ni Amanda sa kanila.

"Oh c'mon Amanda. Sobrang hot kaya niya. Don't tell me na di mo siya type?"

"Di ako mahilig sa mga matatanda."

Nakuha naman muli ang mga atensyon namin nang biglang may pumasok na isang
estudyante sa harap. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng lahat maliban sa akin
dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat na ikakagulat ko.

"Hello classmates, Ako nga pala si Summer Dela Vega." Tumigil siya ng ilang segundo
sa pagsasalita. "Siguro karamihan sa inyo kilala pa ako. Classmate nyo ko nung mga
1st year hanggang 2nd year pa lamang tayo. I was in coma for a few months.
Kagigising ko lang last Wednesday pero naka-recover ako kaagad." Nakita ko sa harap
namin ang isang babae na di naman masyadong matangkad, mahaba ang buhok at
panigurado na masasabi kong maganda. "Sorry nga pala kung di ko na masyadong
matandaan ang mga nanyari dahil nagkaroon ako ng kaunting amnesia pero selected
memories na lang naman ‘yon." Ngumiti siya nang ubod ng tamis sa lahat habang medyo
sumisingkit ang kurba ng mga mata niya. " I'm really glad na nakita ko na ulit
kayo."

Pumunta sa harap ang buong klase maliban sa akin at ang ibang transferee sa klase
na to dahil hindi naman namin kilala si Summer. Niyakap siya ng mga kaklase namin
at kitang tuwang tuwa sila sa pagbababalik niya. Napangiti na lamang ako dahil sa
nasasaksihan ko.
"Akala naman wala ka na... wala kaming balita tungkol sayo." sabi ni Nichole

"Yah. Miss na miss ka na namin sis." Bigla namang nagsalita si Anne kasabay ng
pagkayap nito.

"Pareng tag-init, mabuti naman ang bumalik ka na." Sabi naman ni Andy sa paglapit
niya kay Summer at agad siyang niyakap nito.

Sa lahat ng tao doon ay si Amanda lang ang nasa gilid at hindi umiimik, ni hindi
nga siya nakayakap sa dati nilang kaklase. Nagtataka ako kung bakit. Parang malapit
naman si Summer sa buong klase. Noong natapos na ang yakapan nila at nahawi ang
gitna. Magkaharap na ngayon si Summer at si Amanda. Ngumiti si Summer at biglaan
niyang niyakap ang tahimik na si Amanda.

"Best friend! I miss you!" sabi ni Summer na may sobra sobrang sigla. Biglang nag-
iba ang ekspresyon ng mukha ni Amanda kung kanina, mukha siyang nababagot at
sobrang sungit ng mukha niya . Ngayon naman ay nakangiti na siya.

"I miss you more sis!" tugon ni Amanda at mas hinigpitan pa niya ang pagkakayap
nila ni Summer. Mukhang wala naming mali bukod sa kanina.

Nakita kong lumapit si Ash kay Summer at niyakap ito. Ngayong nagkadikit sila, sa
unang tingin pa lang masasabi mo na bagay na bagay sila. Isang maganda at isang
gwapo. Lalo na sa saya ng mukha ni Ash nang nakita niya si Summer.

"Ang tagal mong nawala." Wika ni Ash kay Summer nang nakawala sila sa pagkakayap
pero nakahawak si Ash sa magkabilang balikat ni Summer na halatang sabik na sabik
na nga siya sa kanya. Hindi nila napapansin na nakatingin sa kanila ang buong
klase. Bigla kong narinig ang tuksuhan at hiyawan sa mga kaklase ko .Lumapit si
Vince kay Summer at inakbayan ito.

"Nako, Summer alam mo ba di yan nagka-girlfriend simula nung nawala ka." Pagkatapos
sabihin ni Vince iyon ay tumawa siya kay Ash na halatang inaasar niya lang. "Gago!"
sigaw sa kanya ni Ash. Tumawa lang si Summer.

Ngayong nandito siya, ibang iba ang paligid. Parang nagging magaan ang lahat.
Parang walang mali.

"Okay class, mamaya nyo na ipagpatuloy iyan. We need to start dahil marami kayong
lessons na di na-discuss. Summer you may seat there." Itinuro niya ang upuan sa
likuran ko. Nasa may gilid kasi ako at nag-iisa lang ang upuan sa likod ko. Ibig
sabihin wala siyang katabi.
Binati niya ako. Nagpakilala naman ako at masasabi ko na napakabait niyang tao.
Hindi na nakakapagtaka na gusto siya ng lahat. Sinabi niya sa akin na sayang daw at
wala siyang maiikwento sa akin dahil nga daw naka-coma siya. Sigurado akong wala pa
siyang nalalaman tungkol sa mga nanyayari ngayon sa klase at mas mabuti nga yon.

Amanda's POV

"Kamusta ka na Amanda?" wika ni Summer habang nakatayo sa harapan ko. Dito mismo sa
rooftop, kung saan kami unang nagkakilala. Alalang-alala ko pa ang panahon na iyon.
Ang panahon na sobrang hina ko pa. Tumingin ako sa kanya. Pinilit kong tignan siya
sa mga mata at doon nanumbalik ang lahat. Ang una naming pagkakakilala. Ang dating
Amanda at ang dating Summer.

Patakbo kong tinahak ang hagdanan papunta sa rooftop. Punong puno pa rin ng dumi
ang dapat ko dahil sa pagbabato sa akin ng mga kaklase ko ng mga tira-tira nilang
pagkain. Hindi ko na tintignan ang dinadaanan ko dahil sa abala ang mga kamay ko sa
pagpunas ng mga luhang patuloy at walang tigil na pumapatak mula sa mga mata ko.

Sandali kong hinabol ang hininga ko nang bahagya kong sinara ang pintuan.
Humagulgol ako. "BWISIT NA BUHAY TO!" muli kong hinabol ang hininga ko bago
magpatuloy sa pagsigaw. "WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA SA INYO AH? BAKIT BA AKO
LAGI AKO ANG NAKIKITA NYO? DAHIL NERD AKO? PANGIT? LOSER? EH MGA PUTANGINA NYO PALA
EH! BA'T DI PA KAYO MAMATAY ISA-ISA?!"

Hinatak ko ang ribbon na nasa collar ko at inihagis ito sa harapan ko. Wala akong
lakas kaya nakita ko ang pagbagsak nito sa pwesto na hindi kalayuan sa akin bago
ako sumigaw muli..

"AAHHHH! PATAYIN NYO NA LANG AKO!" Suicide. Minsan na rin yang pumasok sa isipan
ko. Hindi ko na rin kaya. Hindi ko na kaya ang mga pinaggagagawa nila at sinasabi
patungkol sa akin. Dahil unang una, wala akong ginagawang masama sa kanila. Mabait
pa nga ako eh. Kahit sino, kahit ginagawan niya ako ng mali basta’t may kailangan
siya, ni hindi man ako nagda-dalawang isip na pagbigyan pero bakit ganito ang ganti
nila sa akin? Ganito ba sila magpasalamat? Eh tangina naman pala eh. Leche.

Wala ang nanay ko... nasa ibang bansa nakikipagsaya sa mga lalaki niya, ang tatay
ko naman may iba na rin. Iniwan nila ako sa kaibigan nila. Ang saya saya diba?
Basta na lang akong pinamigay sa kung sino man na kakilala nila. Buong buhay ko,
walang sumeryoso sa akin. Malas. Napakamalas.

Nabigla ako ng may nakita akong kamay sa harap ko. Inaabot niya sa akin ang ribbon
na binato ko lang kani-kanina. Namumugto pa man ang mga mata ko ay tumingin ako sa
taong nasa harap ko at nakita ko si Summer Dela Vega, ang pinakasikat na babae sa
school. Siya ang pinakamaganda, siya ang pinakasosyal at siya lang naman ang
pinakamayaman. Siya ang Queen Bee. May sarili siyang istilo sa pagsuot ng uniform
pati na rin ang mga kaibigan niya. Siya ang hinahangaan ng lahat. Siya ang
kabaliktaran ko. Kahit kalian ay hindi ko pa siya nakakausap kahit na magkaklase
naman kami.

Umupo siya sa harap ko at isinuot sa akin ang ribbon. Kinuha rin niya ang panyo
niya na sobrang bango at halatang mahal. Dahan dahan niyang pinunasan ang mukha ko
at nagsalita."Huwag mong hahayaan na ganyanin ka nila. You have to fight for
yourself. Iiyak ka na lang parati... Amanda?" nagulat ako na alam niya pala ang
pangalan ko. Dahil sa pagkakaalam ko, ang mga sikat.. wala silang pake sa mga
losers na katulad ko.

"Maganda ka naman." Hinawi niya ang buhok ko sa mukha at tinanggal ang salamin ko.
"Hindi na masama ang mukha mo." At nginitian niya ako. "Hindi mo deserve ang
ganito." Hinawakan niya ang mga kamay ko para makatayo ako."Ako nga pala si Summer,
let's be friends from now on."

Tinulungan niya ako sa lahat. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Naging sikat na
rin ako katulad niya. Naabot ko na rin siya kahit papano. Hindi na ako ang dating
loser na Amanda... dahil kay Summer.

"Masaya ka ba ngayon?" nagising ako sa realidad. Muli kong nakita si Summer na nasa
harapan ko at nakapameywang. Tama, ibang iba na ngayon. Ni hindi ko na maikumpara
dati ang sitwasyon.

"Summer." ang tangi kong nasabi.

"Masaya bang maging sikat... maging Queen Bee?" sa pagkakataon na ito ay mas lalo
akong hindi nakapagsalita. "Ibang iba ka na ngayon Amanda. Mahirap din pala kapag
masyado ng lumaki ang ulo." Kahit ganito ang mga sinasabi niya, nakangiti pa rin
siya. Ang mala-anghel niyang ngiti.

Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Tatanungin kita ulit Amanda...Masaya ka ba ngayon? Kuntento ka na ba?" Tumaas ang


isa niyang kilay at sumama na ang tingin sa akin. Sa ilang buwan ko siyang hindi
nakita, pakiramdam ko, isang estranghero ang nasa harapan ko.
"......masaya bang maging ako?"

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: PSYCHO.

C10: Psycho. >>

Si Lilith nga po pala ang nasa gif sa gilid --->

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise's POV

Nasa may gilid kami ng hallway kung saan hagdanan ang nasa ibaba nito at ang
tanging matatanaw mo kapag tumigin ka sa ibaba. Hindi ko alam kung bakit tinawag
kaming lahat ni Amanda rito. Basta sabi niya magugustuhan daw namin ang mga
manyayari. Papasok na daw si Lilith ngayong araw na to. Halos ilang buwan din
siyang di pumapasok. Ang sabi ng iba, nasa Mental daw. Siya ang pinakakakaiba sa
klase kaya di nakakapagtaka na araw-araw siyang binu-bully. Isa siyang napakalaking
misteryo sa amin.

Nakakatakot ang presensiya niya lalo na ang mga sinasabi niya. Natatakpan din ng
buhok ang mukha niya. Halos ilong lang ang makikita mo. Minsan matatakot ka pa
kapag nakita mo ang mata niya. Ilang beses na siyang pinagsabihan ng mga teachers
pero kahit anong gawin nila, di pa rin nila mapilit si Lilith na ayusin ang
kanyang sarili. Hindi lang daw niya pinapansin ang mga ito na para bang hangin lang
ang kausap nila, walang tugon.

Kahit kalian ay hindi ko nakitang umiyak si Lilith o nagalit man lang. Nananahimik
lang siya at minsan ay hawak hawak niya ang paborito niyang teddy bear. Araw-araw
niyang dala iyon, minsan nga kinakausap pa niya. Hindi namin alam kung nagdu-drugs
ba siya o ano. Madaming beses na ring kinokumpiska ng mga teachers ang teddy bear
ngunit napapaatras na lamang ang mga ito dahil biglang titingin si Lilith nang
masama sa kanila.
"Anong nanyayari?" lumapit sakin si Nichole habang ang dalawang kamay niya ay
nakahawak sa strap ng bag niya. "Babalik na raw si Lilith." Sagot ko naman. "Wow,
di nga? Magaling na pala siya. Iwe-welcome ba siya ng lahat?"

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin nila Amanda.
Biglang dumating si Vince na may hawak na timba. Ano kayang laman ng timba?
Sinubukan naming itanong ni Nichole kung ano ang balak nilang gawin pero wala
kaming nakuhang matinong sagot. Aalis na dapat kami nang nakita namin na nasa
hagdanan na ang pinakahihintay ng buong klase.

Si Lilith..

Nakatingin lang ako kay Lilith. Wala pa ring nagbago sa kanya. Bukod sa paghaba pa
lalo ng buhok niya at sa kapayatan niya ngayon. Papalapit siya nang papalapit
hanggang sa ilang hakbang na lang siya sa mula pinakadulo ng hagdanan.

Bigla kong nakitang may bumuhos sa kanya. Kulay itim ito at may kung ano anong
bagay na nandoon. Kasabay ng pagbagsak sa kanya ng mga laman ng timba ay nahulog
din ang mga dala niyang libro at bag.

"WELCOME BACK PSYCHO!" sabay sabay na sigaw ng karamihan sa klase namin at sabay
sabay din silang nagtawanan habang nakaturo sa basing basa na si Lilith. Napanganga
na lang kami ni Nichole sa kinatatayuan namin.

Nakatingin pa rin ako kay Lilith na basang basa sa mga basurang nasa damit niya.
Tumutulo ang mga iyon hanggang sa sahig. Kung titignan mo palang ang kulay itim na
likido, alam mong sobrang baho talaga nito. Hindi ko alam kung ano ito pero
napakabaho talaga. Nakatakip ang mga ilong namin pero patuloy pa rin sa pagtawa ang
grupo nila Amanda at nila Vince.

Nakatayo lamang si Lilith doon na hindi man lang gumagalaw.

Biglang namang may naghagis ng blazer sa kanya. Lumingon ako kay Andy na nakatayo
na pala sa likod namin. "Mga gago talaga kayo." Sabi niya kala Amanda at sa grupo
nito. Lumapit si Andy kay Lilith at inayos ang inihagis niyang blazer. Gamit ang
blazer niya ay pinunasan niya si Lilith. Pagkatapos ay yumuko si Andy upang kuhanin
ang mga nahulog na gamit. Inabot ni Andy ang mga ito sa kawawang si Lilith at
umalis na siya palayo.
"Boo!" hiyaw nilang lahat dahil sa nakita nilang pagtulong sa babaeng binu-bully
nila. Tinignan ko ang paligid at nakita kong nagsilapitan na rin ang ibang
estudyante at nagtatawanan pa rin. Hindi ko sila maintindihan. Muli akong
napatingin kay Lilith..

Hindi ako nakagalaw sa puwesto ko dahil nakatingin sa akin nang ubod ng sama si
Lilith na para bang isa ako sa mga kaaway niya. Medyo napapaatras ako dahil sa
takot. Nagulat kaming lahat nang tumakbo si Lilith papunta sa akin at gigil na
gigil na sinakal ako.

.A-Aray... h-hindi na ko m-makahinga. A-Ang mga kuko niya.. .sumusugat ito sa leeg
ko.

Lumapit ang mga kaklase namin at tinulak siya palayo. Nakatitig lang kami sa kanya
habang tumatawa siya nang malakas. "HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!" Nakaupo lang
siya sa sahig dahil sa pagkakatulak sa kanya ngunit hindi pa rin tumitigil ang
pagtawa niya.

"BALIW! FUCK YOU! FUCK YOU!" sigaw nang sigaw si Rain habang pinagtatadyakan niya
si Lilith. Pinigilan lang siya ni Nichole nang itaas ni Rain ang kamao niya para
suntukin si Lilith.

"Tama na." Sabi ni Nichole.

"Ayos ka lang ba Denise?" lumapit sa akin si Summer, kasama niya si Ash. Mukhang
kakarating lang din nila. Hindi ako makatingin kay Ash... bakit nga ba? "Anong
nanyari?" tanong pa ulit ni Summer ngunit dahil sa gulat pa rin ako sa panyayari ay
hindi ako nakasagot.

Sinamahan na ko nila Nichole at ni Summer papunta sa clinic. Sobrang higpit talaga


ng pagkasakal niya sa akin. Nakahawak ako sa leeg ko na may mga sugat at lubhang
namumula.

"Aray!" sigaw ko habang ginagamot ng nurse ang mga sugat ko sa leeg dahil sa kuko
ni Lilith. Napakatulis ng mga ito. Maiyak iyak ako nga kanina sa sakit. Pakiramdam
ko kung hindi naagapan, baka nawalan na ako ng hininga kanina.

Nasa likod ko pa rin sila Nichole.

"Denise, iwasan mo na yung Lilith na yon ah? Baka mamaya hindi lang sakal ang gawin
nun sayo. Delikado." Pagaalala ni Summer. Tumango na lang ako.

Ash's POV

Ayaw niya ba sa akin? Noong isang araw pa niya ako kasi nilalayuan. Ni ayaw nga
niya ng eye contact. May nagawa ba kong masama?

Bumaba na ko sa service at pumasok na sa gate ng bahay namin. Walang gas ang kotse
ko kaya napilitan akong sumabay sa service. Nakita ko siyang nasa garden,
nagdidilig ng mga halaman niya. Nakita niya ako at ngumiti siya. Nakakairita. Tuloy
tuloy ako sa loob ng bahay. Alam kong nasa likod ko lang siya at kanina pa ko
sinusundan. Inihagis ko ang bag ko sa loob at dali dali naman niyang pinulot ito.
Pati ang polo ko inihagis ko rin, pinulot niya pa rin ito. Tss.

Derederetso ako sa kwarto at humiga sa malambot kong kama.

"A-Ash?" narinig ko ang boses niya sa may labas ng pintuan. Hindi ako kumibo.
Hinintay kong magsalita pa siya muli. Saulo ko na. Saulong saulo ko na ang lahat.

"G-Gutom ka na ba? Kung g-gutom ka na, kakaluto ko lang ng a-adobong baboy."

Ngumisi ako habang nakatingin sa pintuan.

"K-Kamusta na ang araw mo?"

"M-Masaya ka ba?"

"A-Alam mo kanina, pumu-----"


Di na niya napagpatuloy pa ang mga sasabihin niya nang binuksan ko ang pinto.
Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Gulat na gulat sa akin. "Alam mo, kung
hindi lang kita tatay....dapat dati pa kita iniwang nag-iisa rito eh." Wika ko ng
walang pag-aalinlangan. "Simula nung nanyari ang araw na yon... simula nung ginawa
mo yon... wala na kong natirang respeto sayo. Alam mo ba kung bakit?" hawak hawak
ko ang panga niya habang sinasabi ko ang mga katagang palagi kong sinusuksok sa
kukote niya.

"....napakasama mong tao." Pagpapatuloy ko at binitawan ko na ang pagkakahawak ko


sa panga. "Hay! Kakauwi ko lang, pinainit mo na agad ang ulo ko!" naglakad na ko
palayo... ayaw ko dito, nasasakal ako. Ayaw kong nakikita siya... ayaw kong naalala
ang gabing iyon.

Lakad ako nang lakad kahit hindi ko man lang alam kung san ako patungo. Madilim ang
daan, delikado na sa mga oras na ito. May narinig akong nagtatakbuhan sa kabilang
daan. Isang babae na suot ang uniform namin. May mga dugo ito sa may damit lalo na
sa palda niya. Maikli ang buhok at halatang halata na nagmamadali na para bang may
humahabol sa kanyang multo.

Hindi ko na sana papansinin nang tinignan ko mabuti ang babae..

Hindi ako pwedeng magkamali..

Kailangan kong pumunta doon...

Baka nanganganib si......Denise..

Denise's POV

"Denise, di ka pa uuwi? 6pm na." Sabi ni Teacher Paolo sa akin pagkatapos niyang
ibaba ang kamay niya nang tinignan niya kanina ang oras sa kanyang suot na relo.

"Ay sir, may tatapusin pa po ako." Naglalakad ako patungo sa library nang
nasalubong ko si Teacher Paolo. Kailangan ko pa kasing ibalik itong mga libro.
Tutal maya-maya pa naman ang sarado ng library.

"O siya sige, punasan mo muna ang mga pawis mo." May inabot siya sa aking panyo...
nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang mga dala kong libro sa nakita ko...
yung panyo... yung panyo sa apartment ni Teacher Yuko. Tumingin ako kay sir. Agad
niyang tinago ang panyo at naglabas ng iba.

"A-Ah..hehe. N-Nagkamali ako ng bigay. N-Nakita ko lang yan sa may c.r. Ibibigay ko
sa sa lost and found pero n-nakalimutan k-ko." Pagpapaliwanag niya. "Sige Denise m-
mauna na ko. Ingat k-ka ha?" agad siyang umalis. Ang tatlong paru-paro na nakaburda
sa panyo na yon... hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong iyon nga yon.
Parehong pareho..

Pinulot ko ang mga librong nahulog nang nakarinig ako ng kaluskos sa may library na
para bang may ilang nalaglag na libro, mabibigat na libro kung susuriin mabuti ang
tunog. Pumunta ako kung saan nanggaling ang tunog na iyon tutal ilang hakbang na
lang ang layo ko sa library at muling umatake ang pagiging mausisa ko.

"Lilith?" sabi ko nung nakita ko si Lilith na nakaupo sa may dulo. Napaatras ako
kaagad nang napansin ko ang hawak niya... isang putol na kamay. Tinaas niya ang ulo
niya sapat upang makita ko ang nakakakilabot niyang ngiti sa labi. May mga dugo pa
sa pisngi niya at kanina pa niya inaamoy ang putol na kamay... sariwa pa ito dahil
patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa laman nito papunta sa uniform ni Lilith.

"Denise?" sabi niya na parang nagtataka kung bakit ako nandito

Tatakbo na sana ako palayo pero di ko magawa... hindi ako makagalaw. Muli kong
naramdaman ang takot lalong lalo na si Lilith ang nasa harapan ko. Kanina lang,
sinubukan niya akong patayin.

"Ikaw pala yan Denise. Akala ko... isa ka sa mga kalaban."

"Kalaban?" pag-ulit ko sa sinabi niya.

"Oo, diba Griselda?" hinarap niya ang paborito niyang teddy bear na para bang
sasagot ito sa tanong niya. Kulay puti ito, may kulay pulang laso sa leeg ngunit
puro tahi ang teddy bear at halatang luma. "Naamoy ko na ang dugo... malapit ko ng
masaksihan ang lahat... ang pinakahihintay kong palabas."

"Nagsasalita ba talaga ang teddy bear mo?" medyo nabawasan ang takot ko. Ito ang
unang beses na kausapin ko siya lalong lalo na sa ganitong sitwasyon. Nasa isip ko
na dapat huwag na dahil maaring mag-iba ang mood niya, baka mamaya biglaan na naman
siyang tumakbo papunta sa akin at maaring sakalin ako ulit.
"Hindi mo ba siya naririnig?" tumingin ulit siya sa akin. Pagkatapos ay kinuha niya
muli ang teddy bear niya at ibinaba ang hawak niyang putol na kamay. "Ano ulit yon
Griselda?" itinapat niya ang bibig ng teddy bear sa tainga niya na para ba talagang
nagsasalita ito.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa nasasaksihan ko.

"Kaaway din siya? Bakit Griselda?" muli ay inilapit niya ang kanyang teddy bear sa
tainga niya. "Oo nga ano?" sabi niya at tsaka tumingin sa akin.

Sa oras na to, kailangan ko nang tumakbo... kundi baka patayin na nga niya talaga
ako. Tumalikod ako at may nakita akong paa sa may kanan ko... nakahiga siya at
naliligo sa sarili niyang dugo. Namukhaan ko siya... ang librarian? S-Sir Brian?

"Lilith... ikaw ba ang may gawa nito?" napaatras ako at nadulas sa mga dugo na
nakapaligid sa akin at nang bigla akong lumingon... nagulat ako dahil napakalapit
na niya sa akin. Halos isang dangkal na lang ang pagitan namin dalawa ni Lilith.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.

Inamoy amoy niya ako...

"Malapit lang pala sila sayo... sobrang lapit. Nararamdaman mo ba sila?"

Napatingin ako sa may gilid ko nang biglang may tumakbo palabas dito... isang babae
na naka-uniform na katulad namin may dala siyang kutsilyo na kumikinang sa di
kalayuan. Maari kayang hindi si Lilith ang may gawa nito?

Bigla kong naramdaman ang pagtayo ng mga paa ko at hindi ko alam na hinahabol ko na
pala ang babaeng may hawak hawak na kutsilyo. Muli akong lumingon sa kinaroroonan
ni Lilith at nakita ko siyang nakatayo pa rin. Hawak hawak si Griselda niya at mag-
isang nagsasalita.

Hindi ko alam kung nasaan na ko basta takbo lang ako nang takbo. Sadyang
napakabilis ng hinahabol ko. Maari kayang isa siya sa mga killers? Kahit na
nakatalikod siya, hindi ko pa rin siya mamukhaan dahil sa dilim ng paligid ng
tinatakbuhan namin.
Biglang tumigil ang babaeng hinahabol ko. Napatigil din ako at sandaling hinahabol
ko ang hininga ko. Napakadilim talaga sa lugar na to. Ang bilis ng nanyari... bigla
ko na lang nakita na tumatakbo ang babae papunta sa akin. Hindi ako nakagalaw dahil
sa pagod na pagod na ko... napapikit na lang ako. Nang.....biglang may yumakap sa
akin. Na naging dahilan ng pagkakasandal ko sa pader.

"Ash?" sabi ko nang nakita ko si Ash na nasa harap ko.Hingal na hingal.....at may.
May... mayroong nakabaon na kutsilyo sa may balikat niya. "Ash!" bigla akong
napasigaw ng nakita na tulo nang tulo ang dugo mula sa balikat niya. Napatingin
muli ako sa babaeng hinahabol ko. Nandoon pa rin siya ngunit hindi ko makita ang
mukha niya... nakatayo lang siya doon at nakatingin sa amin pero ilang sandali ay
agad naman siyang tumakbo at sa tingin ko di ko na siya mahahabol pa.

"Ang tanga mo talaga Denise." Biglang nagsalita si Ash. Halata na sobrang mahina na
siya. Inalis niya at pagkakahawak niya sa magkabila kong balikat at agad na
tinanggal ang patalim sa balikat niya. Kita ko sa muha niya na nasaktan siya. "Ayos
ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Mas tanga ka! Bakit ako pa ang inaalala mo? Sino bang nasaksak sa atin?" sabi ko.
Nagulat naman siya sa biglaan kong pagsigaw. "At sino ba naman ang matinong lalaki
na handang masaktan para sa akin?!"

"Ako." Sinabi niya na seryosong seryoso ang mukha niya.

Natameme ako sa sinabi niya. Unti unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at
muli, hinalikan niya ako... pero sa labi na. Napakabanayad na halik... walang
halong pagpupumilit... walang halong lakas. Napapikit ako at dinamdam ang halik na
iyon.

Inilayo niya ang mukha niya at hinawakan ako sa mukha. Hinalikan niya ako sa noo at
sinabing. "Mabuti na lang at nakita kita." Ilang sandali ang nakaraan at kinuha
niya ang cellphone niya mula sa bulsa at may tinawagan.

"Kasama ko si Denise. Nandito siya sa may kanto... sa may malaking tindahan. Oo,
dun nga. Pumunta ka agad dito." ibinaba na niya ang cellphone at tumingin sa akin.
"Tinawagan ko na si Andy. Ilang minuto na lang at darating na siya para ihatid ka
sa inyo."

"Pano na yang sugat mo?" sa wakas ay nakapagsalita na rin ako "Maliit lang to at
malayo sa bituka." Sa sitwasyon niya ngayon ay nagawa pa niyang ngumiti.

Dumating na si Andy at sumakay ako sa motor niya. Nakatanaw lang ako kay Ash habang
naglalakad ito palayo... medyo iika-ika ito at nakahawak sa balikat niya na patuloy
pa rin sa pagdurugo. Kung bumaba kaya ako sa motor ni Andy at sundan si Ash? Para
kasing wala akong utang na loob para iwan lang siya nang ganun.

"Humawak kang mabuti Denise." Wika naman ni Andy sa akin. Medyo may kakaiba sa
boses niya. "Hindi ko alam kung bakit mo siya kasama pero gumaan ang loob ko dahil
hindi niya hinayaang masaktan ang best friend ko."

Niyakap ko nang tuluyan si Andy. Siguro masyado siyang nagalala sa best friend
niyang mahilig makisali sa gulo. Pumikit ako at hindi ko alam na unti unti na akong
ngumingiti.

Naalala ko pa rin ang nanyari kanina.

.....ang halik ni Ash

..nararamdaman ko pa rin sa mga labi ko.

-----------------------------------------x

TRIVIA:

Ang ibig sabihin ng name ni Lilith:

(In Jewish folklore) Lilith or Lilis, the name of Adam's first wife, whom,
according to Jewish tradition, he had before Eve, and who bore him in that wedlock
the whole progeny of aërial, aquatic, and terrestrial devils, and who, it seems,
still wanders about the world bewitching men to like issue and slaying little
children not protected by amulets against her.

(In Semitic myth) Lilith is a female demon dwelling in deserted places and
attacking children.

NEXT CHAPTER: SECRETS ARE ABOUT TO UNFOLD.

C11: Secrets are about to unfold. >>

Si Vince ang nasa gif --->


VOTE | COMMENT | FAN

----

Nichole's POV

Papunta na sana ako sa classroom at paakyat na ng hagdanan nang may napansin akong
pinagkakaguluhan sa labas ng library. Nasa first floor ito kaya madaling mapansin.
Kitang kita ko na pilit na pinapaalis ng mga pulis ang mga estudyante pero sadyang
hindi nila kaya ang kakulitan ng mga ito. Mas lalo akong naging mausisa sa kung ano
ba talaga ang nanyayari sa labas ng library.

Lumapit pa ko nang kaunti. Naramdaman ko na gumuguhit sa ilong ko ang masangsang na


amoy lalo na nang mas nakalapit ako sa nakahandusay na bangkay ng librarian namin.
Iba na ang kulay ng balat niya, putol ang mga kamay at kaunting hiwa na lang ay
mapuputol na rin ang kanyang ulo. Pero ang pinakanakakakilabot sa lahat ay ang
kanyang mukha. Puro sugat ito at halos makita mo na ang laman. Ang mga mata niya ay
nakatingin sa taas na para bang tinitignan ako.

Narinig kong nag-uusap ang mga pulis sa may kanan ko.

"Maaring konektado ito sa dating patayan... at maari ring hindi." Narinig ko ang
pamilyar na boses ni Chief Guevarra. "May mga bakas ng paa akong nakita. Ngunit
nakakapagtaka kung bakit napakadami. Naisip ko rin na maaring higit sa dalawa ang
pumatay? o may mas naunahang nakatuklas sa bangkay bago ito makita ng guard?"
pagpapatuloy ni Chief. Tumango tango lang ang kausap niya na para bang
naiintindihan ang buong sitwasyon.

"Pero maari ring pinatay ito dahil sa mga exam papers na nakatago para sa susunod
na Periodical Exam?" sabi ng kausap ni Chief Guevarra.

"Ngunit kung iyon ang dahilan ng killer. Hindi ba gagawin niya ang pagnanakaw sa
oras na sarado na ang school? Dahil sinabi sa akin ng guard na nakita niya ang
bangkay bago pa niya isara ang buong school." Tugon naman ni Chief Guevarra. "Sa
tingin ko ay hindi planado ang pagpatay sa biktima di katulad ng nanyari noon." Ang
tinutukoy niya siguro ay yung nanyari kay Kuya Kevin.

“Bakit hindi mo pa ba hinuhuli ang salarin sa krimen na naganap noong una tayong
napunta dito?" tanong sa kanya ng kasama niyang pulis. Nakatingin lang ako sa baba
habang patuloy na pinapakinggan ang usapan nila. Hindi ko naman sinasadya na maging
tsismosa ngunit sadyang may parte sa akin na gustong gustong marinig ang pinag-
uusapan nila.

"Maghintay lang tayo. Hindi natin siya makukuha nang mabilisan at sa tingin ko
hindi lang siya nag-iisa. Impossible na magawa ng iisang estudyante ang ganoong ka-
brutal na pagpatay. May mga kasama siya at iyon ang tutuklasin natin. Tutal, sa
edad nilang iyan hindi sila pwedeng makulong. Wala rin tayong makukuhang hustisya
para sa mga biktima." Sabi ni Chief Guevarra habang may binabasa sa maliit na
kwaderno niya.

Nagulat ako at halos mapasigaw nang may humawak sa balikat ko.

"Relax lang." sabi ni Vince sa akin habang abo't tainga ang ngiti. Agad kong iniwas
ang tingin ko sa kanya. "Ano bang nasa isip mo?" tanong niya sa akin

"Ah...wala." Tugon ko

"Nagbabasa ka ba ng diyaryo o kaya nanonood ng balita?" ngumisi siya pagkatapos


niyang sabihin ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumalabas
sa bibig ni Vince. Napatingin ako sa paligid ko at muling napatingin sa taong nasa
harapan ko at tumugon sa tanong niya.

"Ha?" ang tangi kong nasabi.

"Alam mo ba sa panahon ngayon... isang katuwaan na lang para sa ibang tao ang
pumatay.. .isang libangan. Walang mabigat na dahilan para makapatay ka. Isang
paraan para mabawasan ang pagkabagot nila. Lalo na sa mga katulad nating bata.
Hindi naman tayo makukulong diba? Pinoprotektahan tayo ng batas." Sabi pa niya.
Pagkatapos ay inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko at bumulong. "Kakampi
natin ang batas." At bigla na lang siyang tumawa nang nakita niya ang reaksyon ko.
"Totoo ang mga sinasabi ko diba?" tanong niya sa akin pagkatapos niya akong
pagtripan. Wala na kong ibang nagawa kundi tumango na lamang at irapan siya.

"Anong nanyayari dito?" biglang sumulpot si Andy sa likuran namin at inakbayan


kaming dalawa ni Vince. "Patay na si Sir Brian." Tugon ko sa tanong niya.

Tumingin si Andy sa tinuro ko at biglang na lang siyang tumahimik ng ilang sandali.


Wala akong nakitang pagkaawa man o pandidiri sa reaksyon niya. Para bang
napakalalim ng iniisip niya .Ito ang unang pagkakataon na nanahimik siya ng
ganitong biglaan.

"Hoy! Natahimik ka diyan?" sigaw sa kanya ni Vince na naging dahilan ng pagkagulat


ni Andy.

"Ah. Wala, may naalala lang ako." Sabi pa ni Andy.

"Sige mauna na kayo." Pagpapaalam ko sa kanilang dalawa bago ako maglakad palayo.

Napatigil naman ako sa kakalakad nang nakita ko sa di kalayuan si Ash na kausap ng


nurse habang hawak hawak nito ang balikat niya. Tumingin siya sa akin. Isang tingin
na di ko alam kung galit ba o may ibang ibig sabihin. Seryoso siya ngayon. Iniwas
ko lang sa kanya ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng bag ko at tinawagan ko siya...

Denise's POV

Tuloy tuloy ako sa classroom. Ayokong tignan ang kaguluhan sa baba. Natatakot ako
na baka mapagbintangan nila ako. Baka may mahanap silang ebidensiya laban sa aki.
Nandon ako ng gabing iyon... maaring isa ako sa mga suspects. Kinakabahan ako kahit
alam kong wala naman akong kasalanan.

Nakita ko si Lilith na naglalakad din papunta sa classroom hawak hawak pa rin ang
teddy bear niya. Nais ko sana siyang lapitan at tanungin tungkol sa mga nanyari
kagabi bago ako pumunta sa library ngunit nagbago ang isip ko. Isang nakakatakot na
ideya ang kausapin muli si Lilith. Nakita ko si Vince at Andy na papunta sa
kinatatayuan ko.

"Good Morning!" sabay nilang bati sa akin habang nakangiti.

"Good Morning." Tugon ko.

"Nakita mo ba yung bangkay sa--" may sasabihin sana si Vince tungkol sa nanyayari
sa baba ngunit bigla akong pinuntahan ni Andy at kinuha na naman ang bag ko.

"Tara na?" sabi niya. Wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya. May kakaiba sa
ekspresyon niya na kahit ako, hindi ko malaman. Parang may iba siyang nasa isip.
Parang may bumabagabag sa kanya.

Habang papalapit kami sa classroom, nakita naming nagsisilabasan ang mga kaklase
namin. Nakita ko si Summer at hindi na ko nag-aksaya ng oras at sa kanya ko na
tinanong kung bakit sila nagsisilabasan. "May nakalagay na note sa blackboard na
pumunta daw tayo sa Computer Lab." Sagot naman niya.

"Bakit?" tanong ni Andy sa kanya. Nagkibit-balikat lamang si Summer at muling


naglakad pababa. Wala na kaming nagawa at sumunod na lang kami nila Andy sa kanila.
Baka doon gaganapin ang first subject. Iyan ang nasa isipan ko.

Binuksan namin ang pinto at pumasok sa nasabing room.

"Aano tayo dito? Wala namang teacher?" narinig kong puna ni Anne.

Nagulat naman kaming lahat at napatingin sa malaking pader kung san nakatapat ang
projector mula sa computer na nasa gitna ng silid. Biglang kasing may nag-play na
video sa projector. Natahimik ang lahat. Walang makapagsalita o makagalaw man lang
nang nagsisimula na ang pag-play ng video…

Bumungad sa harap namin si Maeri na nagmamakaawa sa taong nasa likod niya. Iyak
siya nang iyak. Ilang beses siyang hinataw ng dos por dos sa katawan. Pero imbis na
tigilan siya ay kinuha pa nito ang kutsilyo at sinaksak si Maeri sa balikat.
Sinabutan niya si Maeri at tinapat sa camera ang mukha nito. Itinapat niya ang
kutsilyo sa leeg ni Maeri. Pilit pa ring nagmamakaawa si Maeri....

Nagsigawan ang lahat ng babae sa amin habang nakatakip ang mga mata nila at para
bang mga batang nagsisistago sa sulok ng silid at ang mga lalaki naman ay natulala
sa pinapanood. "PLEASEE!! MAAWA NA PO KAYO SAKIN!!" sigaw muli ni Maeri sa video.

"I-off niyo yaaan!" napatingin ako kay Amanda nang biglaan siyang sumigaw. "Parang
awa nyo na i-off nyo yaan!" Nilapitan siya ni Camille at hinahagod ang likuran niya
upang kumalma siya ngunit kahit anong sabihin ni Camille, hindi tumitigil sa
kakaiyak si Amanda.

Naagaw ang atensyon ng lahat ng biglaang humahalakhak si Lilith na nakatayo sa


gilid ng projector. Tawa siya nang tawa sa di malamang dahilan. Mas lalo akong
nakaramdam ng kilabot sa pagtawa niya.

Nabaling muli ang atensyon namin sa video. Napatakip ako ng mga mata ko nang nakita
ko na pilit siyang pinapainom ng kung ano. Mangiyak-ngiyak pa rin si Maeri at ilang
sandali lang ay nawalan na siya ng malay.

"P-Patay na ba s-siya?" biglang nagwika si Vince habang dahan dahan siyang


lumalapit sa gitna. "Sabihin nyo sakin! SINONG MAY GAWA NITO?!" binato niya ang mga
upuan na nasa harap ng mga computers. "MAGSALITA KAYO! SINONG TARANTANDO ANG GUMAWA
NITO KAY MAERI!"

Ramdam ko ang takot ng lahat. Dali dali namang lumapit si Vince kay Rain na
nakatayo lamang sa gilid. Marahas niya itong hinawakan sa kuwelyo at sumigaw muli.
"GAGO KA TALAGA RAIN! MASYADO KA BANG SAKIM? PURO NA LANG SARILI MO ANG INIISIP
MO!"

Hindi nagsasalita si Rain.

"KAYO NI AMANDA! KELAN NYO BA TITIGILAN SI MAERI?!" Nanlalaki ang mga mata kong
tinignan si Amanda. Agad siyang natahimik at tumigil na siya sa kakahagulgol dahil
sa nanyari kay Maeri. Tumingin siya nang deretso kay Vince at suminangot. "MGA PEKE
KAYO! MGA PLASTIK! ANG SASAMA NYO! MGA DEMONYO!!" sigaw ni Vince habang nakatingin
siya kay Amanda at bago pa siya makatingin muli kay Rain ay tinulak na siya nito
palayo.Mabilis ang panyayari.Hanggang sa nakita ko na lang na pinagsu-suntok na
siya ni Rain.

"Ano bang sinabi ko sayo ha?" tumigil ng ilang sandali si Rain sa pagsuntok kay
Vince at nagwika muli. "Diba sabi ko sayo. WALA KANG PAKE?!" ilang suntok pa ang
natikman ni Vince bago muling magsalita si Rain. "BA'T KA BA NANGINGIELAM HA?!"

"K-Kayo ba talaga ang may gawa nun?" Takot na takot na tinanong ni Summer habang
nagtatago sa likuran ni Andy.

"Bakit kapag sinabi ko bang wala akong kinalaman diyan sa putanginang video na yan?
Maniniwala ba kayo ha?!" sigaw ni Rain habang tinitignan ang buong klase. "Diba
hindi?! Isisisi nyo pa rin sa akin. Diyan naman kayo magaling eh. Gusto nyo
inosente kayo kahit mas malala naman kayo sa amin ni Amanda!" isang kakaibang
katahimikan ang tugon ng buong klase. Anong ibig niyang sabihin? Matagal na naghari
ang katahimikan sa silid bago kami makarinig ng nakakabinging sigaw mula kay
Camille.

"KYAAAAAAAAAAAAAH!!!" napatingin kami kay Camille na halos madapa ng ilang beses sa


kaka-atras dahil sa nakasabit na katawan ni Maeri sa harapan niya... nakabigti. "N-
Naglalakad lang ako....tapos....n-natapakan ko to." Tinuro niya ang parte na may
manipis na lubid at nakadugtong sa nakatali sa leeg ni Maeri.
At laking gulat namin na biglang nagpumiglas si Maeri... nasasakal siya... buhay pa
si Maeri. Nagsilapitan kaming lahat maliban kay Rain at Amanda na nanatiling
nakatayo at nakasandal sa pader na para bang nanonood lang ng isang laro.

Sinubukan naming tanggalin ang tali sa leeg niya. Nagmamadali kaming lahat na
maialis si Maeri sa taling iyon. Kitang kita na nahihirapan na siyang huminga pero
sadyang napakahirap tanggalin ng tali. Ilang segundo na lang ay maaring tuluyang
mamatay si Maeri. "Tumabi kayo diyan!" sigaw ni Vince sa amin. Nilabas niya ang
maliit ng kutsilyo sa bulsa niya at pinigtal ang lubid na nasa leeg ni Maeri.
Kinuha ni Vince si Maeri at inilapag sa may sahig. Hinahabol pa rin niya ang
kanyang hininga habang nakahawak sa leeg niya na pulang pula dulot ng pagkakatali
sa lubid.

Natatakot kaming lumapit kay Maeri. Ang kanya mga paa.....iba na ang kulay. Duguan
pa rin siya at napakaraming sugat sa katawan. Halos dalawang araw lang siyang
nawala pero sa itsura niya, parang ilang buwan na siyang pinahirapan ng taong nasa
video kanina. Hindi ko kayang tumingin sa kalagayan ng katawan ni Maeri ngayon.
Sadyang nakakaawa.

"Ang baby ko... ang baby ko... pinatay niya ang baby ko." Mahinang mahina niyang
sinabi habang halatang nanginginig ang buong katawan niya. Hindi siya tumigil sa
kakaiyak. Napapikit ako dahil sa narinig ko. Kahit ako, nasasaktan para kay Maeri.
Hindi ko alam na buntis si Maeri. Hindi ko alam kung bakit ginawa sa kanya ang
ganito. Tinignan ng buong klase si Rain na nakasandal lang sa pader .

Agad namang lumapit si Amanda sa amin. "Oh my God Maeri! Anong nanyari sayo?" sabi
niya kay Maeri ngunit halata naman na nang-aasar lang siya. "Just be thankful, at
least hindi ka niya pinatay. Patapon na rin naman ang buhay mo eh. Tignan mo ang
sarili mo ngayon? I'm sure wala nang lalapit sayong mga lalaki. Hindi ka na maganda
eh. Sirang sira ka na. Akalain mo yun? Nakuha ko ang gusto ko kahit wala naman
akong ginagawa." At tumawa siya muli, isang tawa na kinaiinisan ko.

"Amanda... tama na." Nakita kong lumapit si Rain sa kanya at hinawakan ang balikat
niya. Agad namang kumilos si Amanda at hinalikan si Rain sa labi... sa mismong
harap ng buong klase. Pinipilit umalis ni Rain sa pagkakahalik sa kanya ni Amanda
ngunit pilit namang nilalaliman ni Amanda ang halik na iyon.

Ilang segundo ang nakaraan bago natapos ang munting palabas.

"Yes. Tama ang iniisip nyo. Inahas ko si Maeri, niloko namin siya ni Rain. Hindi ka
naman talaga minahal ni Rain dahil ako lang ang mahal niya. Nagpabuntis ka sa taong
niloloko ka lang at pagkatapos ay nanyari sayo yan. Hindi ka ba naawa sa sarili mo
Maeri? Kung ako sayo, mas maganda na ituloy mo na lang ang pagkakabigti mo kanina."
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Amanda at ginawa niya ang mga iyon.
Sa pagkakaalam at nakikita ko, totoo si Maeri sa kanya. Siya talaga ang masasabi
kong totoo niyang kaibigan pero... bakit ganito?

Tulad kanina, walang nagawa si Maeri kung hindi umiyak na lang habang yakap yakap
siya ni Vince na pilit na pinapagaan ang loob niya. Ngunit walang epekto...
masyadong masakit ang katotohanan na binunyag ni Amanda at kahit ako ang nasa
kalagayan ni Maeri, siguradong hindi ko rin mapipigilan ang mga luha sa pagpatak.

"AMANDA TAMA NA!!" sa pagkakataon na ito ay sinigawan na siya ni Rain.

"Bakit gusto mo bang ipagtanggol yang babaeng yan?" tinaasan ng kilay ni Amanda si
Rain habang nakapameywang.

"Just shut up the fuck up! Hindi mo ba nakikita ang nanyari sa kanya? Dadagdagan mo
pa ba?!" wika pa ni Rain.

"Tsssss....jerk." Nakita ko ang matalim na pag-irap ni Amanda kay Rain kasabay ng


paglalakad nito sa gilid at muli siyang sumandal habang nakasimangot.

"Ahas ka pa rin pala after all these years." Biglang nagsalita si Summer. Naglakad
siya palapit kay Amanda na may kakaibang kislap ang mga mata. Tahimik lang si
Amanda habang nakatingin lang kay Summer at para bang hindi siya makagalaw sa
kinatatayuan niya. "Oh ba't ka biglang natahimik? Naalala mo ba ang lahat? Akala ko
totoo kang kaibigan, akala ko ayos lang ang lahat. Kasalanan ko naman eh... masyado
kasi akong nagtiwala." At pagkatapos ay tumingin siya sa aming lahat. Ngumiti siya.
Hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiting iyon pero kahit ang buong
klase ay hindi makaimik o makagalaw man lang. Kung alam ko sana ang dahilan, kung
alam ko sana ang mga nanyari noon.

"Don't worry Summer, hindi na tayo magkaibigan diba? Karibal kita dati pa and
unfortunately... natalo ka." Nagulat ako nang narinig kong nagsalita si Amanda na
para bang nagkaroon ng sapat na lakas ng loob upang makipagsagutan kay Summer nang
ganun. Nakapameywang muli siya at tinitignan si Summer mula ulo hanggang sa paa.

"Bitch." Narinig kong sinabi ni Summer ngunit mahina lamang ito. Nakayuko siya at
biglang tumingala muli na nakapinta sa kanyang mukha ang napaka-inosente niyang
ngiti. "Ano na nga palang balita sa nanay mong malandi at mukhang pera? eh sa tatay
mong paiba-iba ng pugad na dinadapuan? Ay sorry Amanda, hindi mo nga pala alam kasi
diba, basta basta ka na lang nilang iniwan? Kasi ayaw nila sayo... isa kang
malaking pagkakamali para sa kanila. Hindi ka nila mahal. Tama ako diba?" ngumisi
si Summer nang nakita niya ang reaksyon ni Amanda na naging matalim ang tingin sa
kanya. "Nainggit ka sakin noon dahil lahat ng meron ako... wala ka. Lahat ng
nararanasan ko, atensyon, mga kaibigan, pagmamahal ng magulang, pagmamahal ng
lahat. Diba gusto mong maranasan dati yon? Kaya anong ginawa mo?" nilapitan pa niya
si Amanda hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo niya sa kanya."Pilit mong
inagaw sa akin ang lahat. Nandaya ka Amanda. Dinaya mo ako."
Napatingin kaming lahat sa pintuan nang biglang may nagbukas nito at dali daling
tumakbo papalapit sa amin si Nichole na hingal na hingal at bakas sa mukha ang
pagkagulat lalo na ng nakita niya si Maeri ngunit agad siyang tumingin muli sa amin
at nagsalita.

"G-Guys." Muli niyang hinabol ang hininga niya bago magpatuloy."May... may...
nanyaring kakaiba sa room."

Agad kaming tumakbo papunta sa room. Isinugod naman sa hospital si Maeri. Kanina ko
pa napapansin na pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano ba talaga ang nanyari habang
wala kami sa classroom? Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

"Sila yung klase na yon diba?" naririnig ko sa bulungan ng ibang estudyante. Mas
lalo akong kinabahan.

Sa wakas ay nakarating na rin kami sa bungad ng classroom namin. Pinagkakaguluhan


ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang year level. Kailangan pa naming
makipagsiksikan upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng lahat. Napanganga ako
nang nakita ko ang nanyari sa classroom.

Punong puno ng dugo ang pader...Nagkalat ang mga gamit namin sa sahig. Nakasabit
rin ang litrato ng bawat isa sa klase sa blackboard na may mga dugo pang tumutulo
mula sa mga ito. Mayroon ding mga nakahigang patay na hayop sa paligid. Labas ang
mga laman loob ng mga ito at may mga uod na. Sobrang nakakasuka... nangangamoy at
gumuguhit sa mga ilong namin ang amoy ng mga nabubulok na laman loob ng mga hayop.

Nagsidatingan na rin ang mga pulis.

"Kung maayos pa ang classroom kanina at biglaan lang ito maaring nasa campus pa ang
salarin. Hinahamon niya talaga tayo." Narinig kong sinabi ni Chief Guevarra.
"Halughugin ninyo ang buong campus!" utos niya sa mga pulis at agad agad naman
nilang sinunod ito.

Sobra na ang mga nanyayari. Kailangan na talagang matigil ito ngunit papano? Kung
napakalapit lang nila pero wala akong magawa kundi mahulog sa mga patibong nila. Na
sa huli ay naiisahan nila ang lahat.

Death is near huh?


Lilith's POV

Masayang masaya akong pumunta ako sa library habang patalon talon pa, kasama ng
kaibigan kong si Griselda. May sinabi kasi siya sa akin kanina... dugo... naamoy na
naman niya ang dugo. Dere-diretso ako sa library at wala naman akong nakitang ibang
tao.

Pero biglang may narinig akong mga nagsasalita.

"Ano? Lalaban ka?" pamilyar ang boses niya ."Hindi ba sinabi ko sayo na ibigay mo
itong lason sa kanya? Gusto kong patayin mo siya.Ngunit anong ginawa mo... niloko
mo lang ako. Isa lang ang kaparusahan na bagay sayo." Lumapit pa ko hanggang sa
nasisilip ko sila sa pagitan ng mga libro. "...kamatayan." Pinutol niya ang
dalawang kamay ng lalaki at dali daling tinakpan ang bibig. Kitang kita kong
nagsitalsikan ang dugo sa damit ng babae. "Shhh... wag kang maingay. Gusto mo pati
dila mo... putulin ko?"

Napapangiti ako sa nanyayari. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at


kinuhanan ng video ang palabas na nasa harap ko. Nakita ko habang ginigilitan niya
sa leeg ang lalaki... binalatan niya ang mukha nito at sinaksak ng ilang beses...
ang tuwa sa mukha niya... ang mga halakhak at ngiti niya... lahat nakuhanan ko.

Ngunit habang ginagawa ko iyon ay napatingin siya sa akin.

"Anong ginagawa mo ha?" sa tingin ko ay para sa akin iyon. Mas lalo pa siyang
lumapit sa kinauupuan ko. "Lilith?" ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

"Nagustuhan namin ni Griselda ang ginawa mo... gustong gusto namin." Ang tugon ko
naman.

"Palit tayo?" sabi niya habang inaabot niya sa akin ang kamay ng lalaki na kanina
pa niya hawak hawak. Agad ko namang kinuha ito at ibinigay sa kanya ang cellphone.
Pinahid pahid ko ang kamay sa pisngi ko. Inamoy ko... hmmm... dugo. Malansa...
mabango. "Griselda, may bago na naman tayong koleksyon." Pinakita ko kay Griselda
ang kamay na hawak ko at kitang kita ko ang malapad na pagngiti niya.
Biglang nawala sa harap ko ang babae kanina at nadatnan ko si Denise na nakatingin
sa akin.

"Denise?"

Ilang sandali ay kinausap niya ako..

"Nagsasalita ba talaga ang teddy bear mo?" tanong niya sa akin.

"Hindi mo ba siya naririnig?" tugon ko. Kinuha ko si Griselda nang napansin ko na


may gusto siyang sabihin. "Ano ulit yon Griselda?"

"Denise... isang kaaway... mag-ingat sa kanya." Dahan-dahan na pagkakasabi ni


Griselda. Lubos akong nagtaka sa sinabi niya. Wala akong naamoy ng dugo sa kamay ni
Denise... hindi pa siya nakakapatay... wala siyang intensyong pumatay. Hindi pa
nadudumihan ng dugo ang mga kamay niya.

"Kaaway din siya? Bakit Griselda?" wika ko kay Griselda. Binulong naman sa akin ni
Griselda ang sagot at napagtanto ko nga na tama siya. Maari nga.

Ilang sandali ay nakita niya ang bangkay. Muli siyang lumingon sa akin ngunit huli
na ng napansin niya na napakalapit ko na sa kinatatayuan niya. Nadulas siya sa
dugo. Umupo ako at inamoy ko siya. "Malapit lang pala sila sayo... sobrang lapit.
Nararamdaman mo ba sila?" Tumakbo ang babaeng kausap ko lang kanina palabas ng
library at agad naman siyang hinabol ni Denise.

"Tayo lang pala ang maiiwan Griselda... tayong dalawa lang." Lumingon ako kay
Griselda "...nararamdaman mo ba ang kalungkutan ko? nararamdaman mo ba ang galit
ko? Griselda, sinu-sino ba talaga ang kaaway?"

Tumingin ako nang deretso at tinignan ang unti unting nagdidilim na paligid pati na
rin ang pagpatay ng mga ilaw sa silid sa kaharap kong gusali. Senyales na magsasara
na ang eskwelahan.

"Bakit parang napakatagal naman ng palabas? Naiinip na ko Griselda."

-----------------------------------------x
A/N: Katulad ng title ng chapter na to.Ito ang simula (oo, ngayon palang)...unti-
unti nang mabubuksan ang mga sikreto.Kumbaga, introduction palang ito.

Kuhanin nyo na ang popcorn nyo. It's going to be a wild rideeeeeeeeeeee.

NEXT CHAPTER: CONFLICTS.

C12: Conflicts. >>

VOTE | COMMENT | FAN!

----

Summer's POV

"Nakalimutan mo na ba talaga ang lahat?" nasa harap ko si Alex. Nakatingin siya sa


akin ng deretso na para bang ako'y isang kriminal na iniimbestigahan ng isang
pulis. Hinatak niya ako kanina pagkatapos mag-usap usap ang buong klase. "Tumingin
ka sa akin Summer. Sagutin mo ang tanong ko”

"May mga nakalimutan ako pero di ko sinasabi na lahat. Naalala ko pa rin ang mga
panahon na yon. Naalala ko pa ang mga ginawa sa akin ng mga taong akala ko'y
kakampi ko at noong nanyari ang aksidente----" pagpapaliwanag ko na agad naming
pinutol ni Alex.

"Aksidente?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Bakit?" tanong ko.

"Akala mo ba maniniwala ako sa aksidenteng sinasabi mo Summer?"

"What are you trying to say? Na sinungaling ako?"

"Hindi."
"Pano mo nasabi na hindi aksidente yon?" pumameywang ako habang tinanong siya.

"Alam ko lang." Pagkatapos ay ngumiti siya. Ngiti na sobrang kakaiba, na para bang
may ibang kahulugan.

"Kung iyan lang ang sasabihin mo Alex. Mas mabuting umalis na ko." Tumalikod na ko
sa kanya at naglakad palayo...

"Ano bang plano mo Summer?" Ilang hakbang palang ang layo ko sa kanya. Napatigil
ako. "Ba't ka pa bumalik?" pagpapatuloy niya. Agad akong lumingon sa kanya at
tumugon sa muli niyang pagtatanong.

"Namiss ko lang ang dati kong best friend." Ngumiti ako nang sobrang tamis na alam
kong mas makakapagpainis sa kanya.

"Sorry, hindi kita namiss." Tugon naman niya."Simula noong sumikat ka. Pinagkalulo
mo na ako. Pinagtabuyan at inapak-apakan. Sa tingin mo, maiituring pa kitang
kaibigan?!"Napangiti lang ako sa sinabi niya at tuluyang lumakad palayo.

Tama siya. Simula noong naging kilala na ko... tinapon ko na ang mga basura sa
buhay ko. Inapak-apakan ko na ang mga magpapabaho sa imahe ko. Binago ko ang sarili
ko, mas naging sosyal at palakaibigan ako. Mas naging mabait ang pakikitungo ko sa
iba. Binase ko ang sarili ko sa gusto nilang maging ako. Mahal ako ng lahat, pinag-
aagawan ako ng mga lalaki at maraming lumalapit sa akin. Nasa akin na ang lahat ng
gugustuhin ko.

Pero nagbago ang lahat... dahil sa kanya at dumagdag pa siya.

I was humiliated, I was betrayed. Pero tiniis ko lahat ng iyon. Tiniis ko lahat ng
hirap at pasakit na binigay nila sa akin. Biglang bumaliktad ang mundong
ginagalawan ko... sa isang iglap biglang nawala ang lahat... naagaw niya ang mga
pagmamay-ari ko. Sinira niya ako...

"Summer, wala kang kwenta. Tignan mo, ako na ang sikat. Ako na ang nasa pwesto mo.
Sa tingin mo kailangan ka pa nila? Alam mo ba ang ginagawa sa lumang damit?
Tinatapon, parang katulad mo... pinagsawaan... wala ng kwenta." Naalala ko ang mga
sinabi sa akin noon ni Amanda.
Maari ngang tama siya... siguro nga pinagsawaan na ko... wala ng gustong lumapit at
makipagkaibigan sa isang katulad ko. Ipapaalala ko sa kanila si Summer na kilala
nila dati.

The Queen is back.

"Summer."

Nakita ko si Ash na tumatakbo papunta sa kinatatayuan ko. Ngumiti siya. Ang ngiti
na hindi nagpapalyang magpagaan ng loob ng sino man. Sobrang nakakagaan ang mga
ngiti niya.

“Ano bang nanyari sa balikat mo? Kanina ko pa napapansin yan." Napansin ko kasi na
kanina pa siya nakahawak dito lalo na habang tumatakbo siya papunta sa akin.
Nagulat siya sa tanong ko at tinignan agad ang balikat niya.

"A-Ah. Naaksidente lang ako kagabi. Pinagamot ko nga ka nurse kanina eh kaya hindi
ako nakapasok. Ano ba talaga ang nanyari? B-Bakit ganun ang nadatnan ko? Bakit
umiiyak si Denise? Nasaktan ba siya? Sinong nanakit sa kanya?" napasimangot ako sa
tanong niya. Bakit iba na tong nadarama ko? May dapat na ba akong ipag-alala?

Tumahimik ako ng ilang sandali. Ngunit kahit gaano katagal ang binigay kong
katahimikan, hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan ko lang siya na seryosong
seryoso ang mukha ko.

"B-Bakit?" tanong niya.

Kinuha ko ang kamay niya at hinatak siya palayo.

Denise's POV

Kanina pa kami dito sa Principal's office. Nasa harap namin si Chief Guevarra at
kinakausap niya ang lahat... nagtatanong tungkol sa mga nanyayari ngunit wala
siyang makuhang matinong sagot. Walang gustong umamin. Kahit ang nanyari kay Angie,
ang tawag, pati na rin ang nanyari kay Maeri... lahat ay nanatiling sikreto ng
klase.
Kahit ako, ayaw kong sabihin lahat ng nalalaman ko... mahirap na... kasama ko lang
ang mga killers... nandito lang sila sa room na ito kasama ko. Natatakot ako.
Sobra. Nakaalis na si Chief Guevarra at kasabay ng pag-alis niya ay nag-ring ang
phone ng lahat. Sabay sabay... sobrang nakakapagtaka. Napakunot ang noo ko nang
kinuha ko ang cellphone ko.

Sender: Unknown number.

Message: Natatakot na ba kayo? Higit pa diyan ang makukuha nyo kung hindi aamin ang
may sala... kung hindi lalapit at magmamakaawa. Gaano ba kayo katapang? Maaring
matatakasan nyo ang batas pero di kayo makakatakas sa akin.

Nanatili ang katahimikan sa apat na sulok ng kwarto.

Napatingin ang lahat nang tumayo si Anne at nilapitan si Amanda. Nagtitigan lang
sila ng ilang sandali at nagulat ang lahat lalong lalo na si Amanda nang sinampal
siya ni Anne.

"WHAT THE FUCK?!" napatayo si Amanda at humarap kay Anne. Nanggagalaiti na ngayon
ang itsura niya. Nanlalaki ang mga mata at halatang pinipigilan ang sarili.

"Huwag ka ng magkaila pa Amanda." Sabi ni Anne habang nakatingin kay Amanda nang
deretso sa mga mata. "Ikaw lang naman ang kayang gumawa niyan eh. Ikaw ang killer
diba?!" sigaw ni Anne sa kanya. "Kung kaya mong maging traydor noon... mas lalong
kaya mo ngayon!" Nakapaligid sa kanila ang buong klase. Sasabunutan na sana ni
Amanda si Anne ngunit humarang sa kanila si Andy. Pilit niyang inaawat ang dalawang
babae ngunit hindi sila nagpapapigil. Ang karamihan sa klase ay nanonood lamang.

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo Anne!" sigaw muli ni Amanda habang
pilit na tinutulak palayo si Andy na namamagitan sa kanilang dalawa ni Anne.

"Kilalang kilala ko na. Unti-unti nang nahuhubad ang pagbabalat-kayo mo. Lumalabas
na ang tunay mong kulay. Si Summer lang naman pala ang katapat mo eh. Siguro ikaw
din yung dahilan ng pagka-coma niya ano?! Ikaw ang naglabas ng mga sikreto niya!
Ikaw ang nagkalat ng kung ano anong chismis tungkol sa kanya!" tuloy tuloy na
sinabi ni Anne habang kalmado na nakatayo. Ibang-iba kay Amanda na nagwawala na.
"Ambisyosa ka kasi! Attention Seeker!"

"Wag na wag mo akong pagbibintangan! Wag na wag mo sa aking isumbat ang mga bagay
na hindi ko naman ginagawa. Kung tutuusin nga, mas malinis ako sayo!" sigaw muli
sa kanya ni Amanda.
"Tama na!" awat ni Andy na naiipit sa kanilang dalawa.

"Hindi ba kayo naririndi sa mga pinagsasabi nyo?!" tumayo si Summer at lumapit sa


kaguluhan."Sa tingin nyo ba matatapos ito kung magbibintangan kayo diyan? Kahit na
magpatayan kayo diyan wala kayong naiitulong!" tumigil ito at tinignan ang lahat.
"Wala ba kayong mga bibig? Wala ba talaga kayong mga nalalaman? Bakit hindi pa kayo
nagsalita kanina?! Mga duwag kayo!" sigaw pa niya

Tumayo ako sa harap. Nanginginig man pero nagising ako sa mga sinabi ni Summer.
Kailangan ko nang magsalita. Karapatan nilang malaman.

"Kaklase natin ang mga killers." Nakuha ko naman ang mga atensyon nila. Nagsitayuan
sila sa mga kinauupuan nila at lumapit pa sa akin na halatang interesadong
interesado sa sasabihin ko. "Tatlo sila at sila ang pumatay kay Teacher Yuko. Ang
mga nanyaring kakaiba at mga pagpatay... gawa nila iyon. Kasama natin sila palagi
at maaring isa sa mga kaibigan natin." Tumingin ako kay Andy. Nakatingin din siya
sa akin na gulat na gulat sa mga pinagsasabi ko.

"Stop fooling us." Biglang wika ni Camille at lumapit pa ng kaunti sa akin."Kasama


ka sa kanila diba?"

"Hindi. Camille." Gusto kong magpaliwanag pero walang lumalabas na tinig sa bibig
ko.

"Hindi kami naniniwala sayo!" sigaw pa ni Amanda.

“Kaya pala, ikaw lang ang nakakaalam sa ibig sabihin ng sinabi ng killer. Kaya pala
lagi kang hindi sumasama kapag nagkaka-yayaan. Kaya pala, lagi na lang kakaiba ang
ekspresyon ng mukha mo. Sa tingin mo maniniwala pa kami sayo?" pagpapatuloy ni
Camille.

Agad namang lumapit sa akin si Rain at tinulak ako. Tumama ang likuran ko sa pader,
halos mapasigaw ako sa sakit. Ngunit wala akong nagawa kundi umupo na lang at
damdamin ang sakit. Pinilit kong tumayo pero kahit anong pilit ko ay bumagbagsak
pa rin ako. Nakarinig ako ng ilang tawanan mula sa mga kaklase ko.

"Sinabi ko na nga ba. Hindi ka pwedeng pagkatiwalaan. Traydor ka!" sigaw niya muli
sa akin. Itinaas niya ang kamao niya at akmang sasapakin ako. Agad akong pumikit.
Hindi ko alam pero bakit ko hinihiling na sana nandito si Ash? Na sana ipagtanggol
niya ako ngayon...
Ash..

...nasan ka ba?

"Gago ka pala eh!" narinig ko ang pagsigaw ni Andy. Pagkadilat na pagkadilat ko ay


nakita kong nakabulagta na sa sahig si Rain at hawak hawak nito ang pisngi niya na
mukhang napuruhan. "Sira-ulo ka! Best friend ko yang sasaktan mo! " Nanlalaki ang
mga mata kong tinitignan si Andy na nanggagalaiti. Ito ang unang beses na makita ko
siyang galit na galit nang ganito.

"Mamatay tao yan! Sa kanya ka pa ba kakampi?!" pabalik na sigaw ni Rain. Umiyak ako
noong narinig ko ang mga sinabi niya... hindi... maniwala kayo sa akin... please.

"Mga tanga ba kayo?! Ba't di kayo naniniwala kay Denise? Tignan nyo muna ang mga
sarili nyo! Mahiya nga kayo!" pagpapangaral niya sa mga ito. “Kilala ko siya! Hindi
niya kayang gawin ang mga pinagsasabi nyo sa kanya! Wala kayong karapatang
pagbintangan siya!"Natahimik ang lahat. Nakita ko naman na biglang humarap sa akin
si Andy at binuhat ako.

"Andy?" sabi ko habang lumuluha pa rin.

"Best friend mo ko diba? Hayaan mo namang ako ang gumawa sayo nito." Naglakad siya
habang buhat buhat ako na parang prinsesa. Binigyan kami ng daan ng mga kaklase
namin. Nagsisilayuan sila kapag dumadaan si Andy. Ngunit bago pa man mabuksan ni
Andy ang pintuan ay may nagbukas na nito.

"Denise?" Nakita ko si Ash na nakatayo sa harapan namin. "Anong nanyari?" tumingin


siya kay Andy ngunit wala siyang nakuhang sagot kay Andy.

"A-Andy ibaba mo na ko." Hindi ko alam kung bakit ganto ang nararamdam ko dahil sa
presensiya ni Ash. "Ayos lang naman ako e." Ngunit nakaramdam ako ng kakaiba sa mga
mata ni Andy.

"Tara samahan kita sa clinic." Wika ni Ash. Inabot niya sa akin ang kamay niya...
bababa na sana ako upang abutin ang kamay ni Ash ngunit biglang hinigpitan ni Andy
ang pagkakahawak niya sa akin at naglakad palayo.
"Andy... san tayo pupunta? Ibaba mo na ko Andy."

Narinig ko na sinigaw ulit ni Ash ang pangalan ko.

"Huwag kang lumingon." Nabigla ako sa mga sinasabi ni Andy.

"Andy. Ano ba yang s-sinasabi mo?"

"Please kahit ngayon lang... please. Huwag kang lumingon sa kanya." Narinig ko na
unti-unting nababasag ang boses niya. Hindi ko siya maintindihan...

...ngunit may tumututol sa loob ko. Na para bang hinahanap-hanap ko pa rin si Ash.

Akira's POV

"Alipin natin ang mundo... kayang kaya natin silang paluhurin sa harap natin. Ang
mga tao ang may hawak sa kapwa nila tao at ang mga katulad natin ang laging
nakakaangat. Ang mga marunong lumaban." Sabi ko habang nakatingin sa kanila na
nakatayo lamang sa harapan ko habang nakaupo ako sa pula kong upuan. "Hawak natin
sila sa leeg. Nasa atin ang mga tanikalang nakapalupot sa mga katawan nila."
Pagpapatuloy ko. Ngumisi ako sa kanila. Narinig ko ang mahihina nilang tawa. Ang
tawa ng paghihiganti.

"Ngunit hindi nyo ba napapansin? Ang nanyari kay Maeri, yung nanyari kanina sa
classroom at ang text message na natanggap ng lahat. Hindi natin ginawa yon."
Biglang nagsalita ang nag-iisang tahimik kanina. Tila, kanina pa siya binabagabag
ng mga kakaibang nanyayari.

"At sino naman yon?"

"Hindi pa ko pa alam pero hahanapin ko siya sa kahit saang sulok ng impyerno siya
nagtatago" tugon ko.

"Sinabi ko na nga ba. Nandirito lang kayo." Pagkarating na pagkarating niya ay


lumapit siya sa kinaroroonan namin at kumuha ng isang mansanas sa lamesa dali dali
naman niyang kinagat ito.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" tanong sa kanya ng isa.Tumingin din ako sa kanya
ngunit walamg lumabas na salita mula sa bibig ko. Pakiramdam ko, may manyayaring
hindi tama kung hindi ko siya pinagsabihan. Mahirap na.

"May inasikaso pa ko." At ngumiti siya... isang kakaibang ngiti. "So ano ang
pinaguusapan nyo? Pwede ba kong sumali?" Siya ang pinakapaborito ko sa lahat.
Maaring isang maamong aso ang itsura niya sa panlabas pero isang mabangis na lobo
ang masasabi mo kapag kumilos na siya laban sayo... siya ang pinakatuso sa amin.

"May kumakalaban sa atin." Tugon ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at kumagat muli sa mansanas.

"Edi makipaglaro tayo sa kanya." Sabi pa niya. Binato niya ang mansanas pataas at
sinalo rin naman ito.

Nakita ko ang mga pag-sang ayon ng bawat isa.

"Maari ngang tama kayo. Hindi naman sagabal sa atin ang taong iyan dahil....."
ngumiti muna ako bago ko pinagpatuloy ang mga sasabihin ko.

"....hindi pa pinapanganak ni Satanas ang makakahuli sa atin."

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: FREYA.

C13: Freya. >>

Si Freya yung nasa gilid ------>

Vote| Comment| Fan!


---

Vince's POV

Kanina ko pa siya tinitignan habang siya'y nahihimbing. Isang tingin mo lang sa


kanya ay halatang sobra siyang pinahirapan ng kung sino mang demonyo ang gumawa sa
kanya nito. Napilay ang dalawa niyang paa... may ilang tahi rin siya sa katawan
dulot ng malalalim na saksak at mayroon ding siyang sugat sa leeg dahi sa mahigpit
na pagkakatali sa kanya ng lubid.

Parang hindi ko na kayang makita siyang ganito. Pinahid ko ang mga luha na palabas
sa mata ko... hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Maeri at hinalikan ito.
Napakatatag niya. Hanggang ngayon, lumalaban pa rin siya. Hanggang sa hindi ko na
napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang marahan kong hinahaplos ang kamay niya
at unti unting dinidikit sa pisngi ko. Hindi ko mapaliwanag ang lungkot na nadarama
ko. Ang babaeng pinapangarap ko... ang pinapahalagahan ko... hindi niya dapat
naranasan ang mga ito..

"Mabuti na lang at hindi natamaan ang mga vital organs ng katawan niya... kundi
baka wala na siya ngayon." Naalala ko ang sinabi ng doktor.

Hindi pa nakukuwento ni Maeri ang mga nanyari sa kanya at ayaw ko ring marinig ang
mga iyon. Hahanapin ko ang taong may responsable sa nanyari... hahanapin ko siya
at... baka di ko na mapigilan ang sarili ko.... baka... makapatay ako.

"V-Vince..." Narinig ko ang mahina niyang pagtawag sa pangalan ko.

"Magpahinga ka lang Maeri... nandito lang ako." Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak
ko sa kamay niya nang naramdaman ko ang panginginig nito. Nandito lang ako Maeri..
nandito lang ako.

"Salamat Vince. M-maraming salamat." Kitang kita na napakahina niya ngayon ngunit
nagawa pa niyang ngumiti. "Sa lahat ng t-taong nakakasama ko. Ikaw lang ang
nanatili sa tabi ko. Ikaw lang ang naging totoo sa akin... at s-Sorry din sa
lahat.." May mga luhang tumulo mula sa mga mata niya, agad ko namang pinunasan ito
gamit ng kamay ko. "Sorry... Sorry... S-Sorry talaga."Paulit ulit niyang sinabi.

Muli kong naramdaman ang maaring pagpatak ng mga luha ko. Tinanggal ko ang
pagkakahawak ko sa kamay niya at inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga mata
niya. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata niya.

"A-Ayaw kong makita mo akong ganito." Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko
ngunit hindi ko talaga kaya lalo na’t kahit anong sabihin at iyak ang gawin ko,
walang magbabago. "Magpahinga ka na Maeri."

Ilang oras na ang nakalipas at nakatulog muli siya. Narinig ko nag-ring ang phone
ko, kinuha ko ito sa may lamesa at tumayo para lumabas.

"Akira." Ang sabi ko habang kausap ko siya sa phone.

Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaking dumaan sa harapan ko. Naka-jacket siya na
itim at ang hood niya ay nakatakip sa mukha niya. May kakaiba siyang aura na
binibigay na para bang kailangan kong mag-ingat..

"Sige, papunta na ko diyan." Tugon ko. Binulsa ko ang phone. Sinilip ko muli si
Maeri at nakita kong himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.

Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palayo...

Amanda's POV

1 year ago...

"Amanda Fortalejo.Pumunta ka sa OSA (Office of Student's Affairs) after ng class."


Sabi ni teacher pagkapasok niya palang sa classroom. Inilapag niya ang mga dala
niya sa teacher’s table at tinignan ang lahat na may ngiti sa mga labi saka nag-
discuss.

Habang ang lahat ay nakatingin pa rin sa akin. Mukhang alam na nila kung bakit ako
pinapatawag. Tumingin ako kay Freya na nasa tabi ko lamang at kanina pa
pinaglalaruan ang kanyang lapis. Naka-half smile siya... mas lalo akong nainis.

"What's the problem Miss Fortalejo?" muling nakuha ko ang atensyon ng lahat. Hindi
ko napansin na nabali ko na pala ang hawak kong lapis.
"Wala po maam." Sagot ko naman. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Freya na mas
lalo pang nagpakulo ng dugo ko.

"Alam mo... kung ako sayo, aamin na ko." Narinig ko pang sinabi ni Freya.

"Wala akong dapat aminin." Sabi ko habang nakatingin nang deretso sa black board.

"Talaga lang ha?" pagkatapos ay tumawa muli siya nang mahina, halatang inaasar lang
ako. Napasimangot ako dahil sa dismaya. Bakit ba ako nagpapatalo sa loser na ito?
Eh sa tutuusin, tinatapak-tapak ko lang naman siya eh. Nakakairita.

Ngunit kahit na gustong gusto kong tumayo at sabunutan si Freya at hatakin pababa
ng building ay hindi ko na ginawa. Hindi ko na lang pinansin ang mga pang-aasar
niya. Ano ba ang dapat kong aminin? Hindi ako ang tumulak kay Summer. Inosente ako.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako. Si Summer lang naman ang nagturo sa
akin nito eh, ang kasikatan, pagmamahal ng lahat... nakuha ko yon dahil sa kanya at
mas lalo akong nauhaw... gusto ko pa ng mas marami. Hindi pa ako kuntento.

Mabilis lumipas ang panahon. Napapalitan ang kalendaryo at sa kasamaang palad,


tapos na ang kay Summer. Ang akin naman ang pagtutuunan ng pansin ng mga tao.
Walang makakapigil sa akin. Gusto ko ang atensyon ng lahat... dapat sa akin lang
nakalingon ang mga ulo nila. Dapat ako lang ang tinitignan nila.

"Amanda, ikaw ba talaga ang may gawa nun?" nasa harap ko si Maam Melinda ang
nakatalaga sa OSA ng school namin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong kinalaman doon?" sabi ko
habang nakaupo sa harapan niya. Dere-deretso ang pananalita ko na walang halong
pag-aalinlangan. Deretso rin ang pagtingin ko sa mga mata niya upang wala siyang
ispin na iba. "Hindi ba kayo naniniwala sa akin?"

"Pero Miss Fortalejo, ikaw lang ang may malaking galit sa kanya."

"Sigurado kayo na ako lang?"


"Sino pa ba?" kitang kita ko sa mukha niya ang pagka-interesado sa mga sasabihin
ko. Ngumiti ako bago tumugon sa tanong niya.

"Si Freya."

Tumingin lang siya sa akin na takang taka.

"Hindi kayang gawin ni Freya yon. Impossibleng magawa niya yon. Sigurado ka ba
Amanda?"

"Nakita kong tinulak niya si Summer pero kung ayaw nyong maniwala sa akin. Edi wag,
i-kick out niyo ako at tignan nyo ang manyayari sa school nyo. Ano kayang sasabihin
ng mga tao kapag nalaman nilang hindi nyo pinarusahan ang dapat parusahan?"
pananakot ko sa kanya. Wala siyang nagawa sa dulo kundi kausapin si Freya. Ilang
minuto na akong naghihintay sa paglabas ni Freya sa OSA. Sa simula palang, alam
kong magwawagi ako. Hindi nila alam ang kayang gawin ni Amanda Fortalejo.

"Oh kamusta ka na Freya? Ayos ka lang ba?" nakita ko siyang umiiyak habang
naglalakad ito palabas ng office. "Buti nga sayo!" at tinawanan ko lang siya.
Tumingin lang siya sa akin nang masama.Hindi ko alam ang sinabi ni Maam Melinda sa
kanya pero alam kong…talo siya.

"Ano, galit ka na ba?" pang-aasar ko muli. Binato ko sa kanya ang panyo ko. "Oh
ayan! Umiyak ka hangga't gusto mo!" Naglakad na ko palayo na may malaking ngiti sa
aking mga labi. Nanalo ako.

"Lalalabas din ang katotohanan! Tandaan mo yan Amanda!" sigaw niya sa akin. Mas
lalo kong binilisan ang paglalakad ko at dali dali akong pumunta sa C.R. Hingal na
hingal kong sinarado ang pinto at nagkulong doon. Pawis na pawis ako sa di malamang
dahilan... kumakabog ang dibdib ko at kabadong kabado.

K-Katotohanan? Sinong tinatakot niya? Walang katotohanan na dapat malaman.....hindi


nila dapat malaman. Walang makakatuklas ng sikreto ko. Ang sikreto namin.

Matagal na ring natapos ang araw na iyon. Muntik ko na ngang makalimutan eh pero
noong nakita ko muli si Summer biglang nanumbalik ang lahat. Hindi ko mapigilan ang
matulala nang araw na iyon. Muli kong naalala ang mga nanyari dati. Kaba. Parehong
kaba pa rin ang nadarama ko.
"Naalala mo pa si Freya?" tumingin ako kay Andy na tahimik pa rin buhat nang
dumating siya. "Naalala mo pa siya diba?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay
kinuha niya ang bag niya sa katabi niyang upuan.

"Mauna na ako Amanda." Pamamaalam niya at naglakad na siya palayo. Kahit kailan
iniiwasan niya talaga lahat ng topic tungkol kay Freya. Tinawagan ko pa naman siya
kahit gabi na para lamang malinaw ang mga bagay bagay na nanyari pero walang
nanyari. Hindi ko alam kung bakit ngunit tulad niya, hangga't sa maari ayaw ko rin
pag-usapan ang tungkol kay Freya. Nanunumbalik ang lahat. Pero kailangan... isa
siya sa mga possibleng dahilan kung bakit nanyayari ang mga ito.

Andy's POV

Mabilis akong naglakad palabas at tuloy tuloy ako kahit na nasa gilid ako ng daan.
Kahit sa ingay ng paligid, tila ba bingi pa rin ako dahil sa dami ng nasa isipan
ko. Naalala ko ang panyayaring ng gabing iyon. Dito mismo sa kinatatayuan ko, dito
mismo sa may tulay.

"Umalis ka! Tatalon na ko." Tumingin ako kay Freya na nakatayo sa gilid ng tulay at
isang hakbang na lang niya ay siguradong mahuhulog siya sa ilog sa ibaba na tiyak
na ikakamatay niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumakbo papalapit sa kanya pero
pinigilan niya ako hawakan ko siya. Kaya wala na kong inaksayang panahon at
kinausap siya.

"Kapag ba ginawa mo yan... maayos na ang lahat? Sa tingin mo babalik ang lahat sa
dati nitong ayos?!" sigaw ko. Lumapit pa ako sa kanya.

"Naka-coma si Summer... ako ang tinuturo ng lahat... ba't nandito ka pa ba?" tugon
niya.

"Para sayo." Sabi ko nang hindi nagdadalawang-isip.

"Andy..." Mahina man ay narinig ko pa rin ang pagtawag niya sa pangalan ko.
Tumingin ako sa kanya na may pag-asa na maari niya akong pagbigyan, na hindi na
niya pagpapatuloy ang gagawin niyang pagpapakamatay. Freya.. makinig ka sa akin.

"Abutin mo ang kamay ko Freya." dahan dahan kong itinaas ang kamay ko, sapat upang
maabot ni Freya.

"Kapag ba inabot ko ang kamay mo... mamahalin mo na ako?"

Natahimik ako.

"O diba? Hindi mo naman kaya... .ano pa bang saysay ko? Wala na ako sa school, na-
kick out na ko. Wala akong mga malalapitan na kaibigan. Lahat sila... hindi nila
ako pinaniwalaan." Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan sa kanyang boses. Bigla kong
naramdaman ng kakaibang kirot sa puso.

Freya...

"Freya..nandito pa ako.." mas lalo ko pang itinaas ang kamay ko.

"Naniniwala ka ba na hindi ako ang tumulak sa kanya?"

Natahimik muli ako.

"Tignan mo, pati ikaw nagdududa sa akin." Narinig kong ang mahina niyang pagtawa
ngunit kahit tumawa siya, kalungkutan pa rin ang nangingibabaw. "Sino ba ang
kakampi ko Andy? Sabihin mo... may dadamay pa ba sa akin? Nag-iisa na lang ba akong
lumalaban? Paano ako babangon muli kung wasak na wasak na ang imahe ko?"

Ilang sandali ay pilit na niya akong pinaalis at wala akong nagawa kung hindi
iwanan siya sa tulay na iyon. Hindi ko alam kung ano na ang nanyari kay Freya, wala
na akong narinig na balita sa kanya pero lagi ko siyang napapanaginipan... lagi
siyang humihingi ng tulong sa panaginip ko..

Umupo ako sa may tulay. Kaharap ko ang mga saksakyan na humaharurot sa daan.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa ulo ko at yumuko. Bumabalik ang mga alaala ni Freya
sa utak ko. Lahat lahat... hindi ko alam kung bakit siya naging ganun basta isang
araw bigla na lang siyang nagbago ang pananalita, ang kilos at pati pag-iisip
niya... lahat.

Kinuha ko ang litrato niya sa wallet ko. Simula noon dito ko lang nakita ang mukha
niya na maaliwalas, nakangiti at masaya. Namimiss ko na ang tawa niya. Lahat ng
iyon nawala na parang bula. Nilukot ko ang litrato at tinapon sa gitna ng daan.
Gusto kong makalimot ngunit kaya ko ba?
Tumayo na ako at naglakad muli.

Denise's POV

Dinala ako ni mama sa hospital. Ilang beses ko ng sinasabi kay mama na ayos lang
ako at hindi na dapat ako ipatingin sa doktor ngunit masyado siyang mapilit.
Nandito ako ngayon at naghihintay sa labas ng clinic ng doktor. Hinihintay ko lang
si mama na kasalukuyang kinakusap ng doktor.

Sinuot ko muna ang earphones ko at pinatugtog ang mga paborito kong kanta. Nakayuko
lamang ako habang nakikinig nang may nakita akong mga paa na nasa harapan ko.
Hinubad ko muna ang earphones sa tainga ko at tumingin sa nasa harap ko. May isang
babae na siguro ay kaedad ko lamang. May hawak siyang unan at nakatingin lamang sa
akin. Nginitian niya ako at ngumiti naman ako sa kanya.

"Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin. Masigla siya na para bang bata, abot
tainga ang ngiti niya .

"Denise. Ikaw, anong pangalan mo?" para akong nakikipag-usap sa isang bata pero ang
ganda niya. Ngumuso siya na parang bata bago sumagot.

"Freya."

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: THE WITNESS.

C14: The witness. >>

Si John Philip ang nasa gilid ------>

VOTE | COMMENT | FAN!


-------

Lilith’s POV

“Anak, may surprise ako sayo!” sabi ni mama habang may tinatago sa likuran niya.
Lumapit naman ako at agad na tinanong kung ano iyon.

“Teddy bear!” masigla kong sinabi nang nakita ko ang kulay puti na teddy bear sa
likod ni mama.

“Anong name na ibibigay mo sa kanya?” tanong ni mama.

“Hmmmmmm....” Sabi ko habang nakanguso. ”Hindi ko pa alam mama eh.”

“Sige lang, oh ito na.” Inabot niya sa akin ang teddy bear at niyakap ko siya
habang hinahalikan sa pisngi nang paulit ulit.

“I love you mama!”

Isang gabi, bigla na lang akong nagising dahil sa ingay sa baba. Hinanap ko si mama
na nasa tabi ko lang noong natulog ako ngunit hindi ko na siya makita. Ilang beses
ko siyang tinawag ngunit walang sumasagot. Nakarinig ako ng sigawan at iba’t ibang
ingay sa baba. Kinuha ko ang bago kong teddy bear at dahan dahang lumabas ng
kwarto nang nakilala ko ang boses ni mama.

May nakita akong lalaking nakaitim. Nakatayo siya sa harap nila papa.. mama at kuya
Denzel, ang nag-iisa kong kapatid. Nakaluhod sila mama. Noong una ay wala akong
maintindihan sa mga panyayari hanggang sa makita ko ang baril na hawak ng lalaki.
Sisigaw sana ako ngunit tumingin lang sa akin si papa na para bang nagbabanta.

“Hindi nyo ba talaga sasabihin kung nasaan ang isa nyo pang anak?!”

“Ilang beses ba naming kailangan sabihin na wala siya rito!” sigawnaman ni mama
habang iyak nang iyak. Hinampas siya ng baril ng lalaki at narinig ko ang malakas
na pagsigaw ni mama. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pag-iyak... si
mama... si papa... kuya... anong nanyayari?

“Nasaan ang isa nyo pang anak?!” at hinampas naman niya si kuya gamit ng baril
niya. Mas lalong napaluhod si kuya sa ginawa niya na halos mauntog na ito sa sahig
namin na gawa sa marmol.

“Tama na po.” Ang bulong ko ngunit alam kong wala namang makakarinig sa akin kundi
ang sarili ko.

“Kung hindi nyo ilalabas ang anak nyo. Papatayin ko kayo isa-isa!”

“Wag please waag!” sigaw ni mama.

“Isa!” pagbibilang ng lalaking nakaitim.

“Dalawa!”

“Ayokong pinaghihintay ako!” sabi niya.

“Tatlo!” pagkatapos ng pagbibilang niya ay agad niyang itinapat ang baril sa ulo ng
kuya ko at pinutok ito. Nakita ko kung pano dumalak ang dugo, kung paano nagkalat
ang mga parte ng utak ni kuya sa sahig at kung paano siya bumagsak na walang ng
buhay...

“Hindi nyo ba talaga ilalabas ang isa nyong anak? Ha?!” tinutukan naman niya ng
baril si papa.

“Hindi namin siya ibibigay sayo. Kahit na patayin mo pa kami!” sagot naman ni papa.

“Ah ganun ba?” Tinayo niya sa pagkakaluhod si Papa at hinatak papunta sa may pader.
Tumingin siya kay mama na kanina pa nagmamakaawa. Nasa likod pa rin ako ng isang
lamesa at nakasilip sa mga pangyayari sa baba. Ang tangi ko lang kasama ay ang
aking puting teddy bear.
Napatakip ako ng bibig nang nakita ko ang ilang beses na inuntog ng lalaki si papa
sa pader habang sinisigawan ito. Narinig ko rin ang paulit ulit na iyak ni mama...
hindi ako makapagsalita, gustong gusto kong umiyak ngunit baka marinig ako ng
lalaki.

“Ikaw? Hindi mo ba sasabihin?” lumapit ang lalaki kay mama pagkatapos iwanan ang
duguang katawan ni papa sa gilid. Punong puno ng dugo ang buong sala na halos kulay
pula lang ang tanging nakikita ng mga mata ko sa tuwing titingin ako sa baba.
Umiyak lang si mama kaysa tumugon sa tanong niya at dahil doon ay sinabunutan siya
ng lalaki hanggang sa makaharap na ang mukha nila. “Hindi?” tanong muli ng lalaki
pero imbis na sagutin ni mama ang tanong niya ay dinuraan niya ito sa mukha na
kinagalit naman ng lalaki. “Putangina mo!” kinuha niya muli ang baril niya at
nilagay sa loob ng bibig ng mama ko. ”Mamatay ka na!” sigaw niya muli.

“Waaag po!” hindi ko napigilan ang pagsigaw. Nanginginig akong tumayo habang
nakatingin sa akin ang lalaki. Nakikita ko sa mga mata ni mama na ayaw niya sa
ginagawa ko ngunit huli na ang lahat. Ngumiti sa akin ang lalaki at tinanggal ang
baril sa bibig ng mama ko.

Narinig ko ang yabag ng mga paa ng lalaki habang papunta siya sa akin. ”Tara, gusto
mo laro tayo?” sabi niya habang lumalapit siya sa akin. Niyakap ko nang mas
mahigpit pa ang teddy bear ko at lumakad paatras. ”Huwag kang matakot... ikaw si
Lilith diba? Maglalaro lang tayo.”

“Anak! Takbo!” nakita ko si mama na nasa likod ng lalaki, hawak hawak niya ang vase
na nasa lamesa sa sulok ng pangalawang palapag ng bahay. Ihahampas sana ni mama ang
vase ngunit naunahan siya ng lalaki. Nakita ko si mama na nahulog sa hagdanan.
Bumagsak siya sa babasagin naming lamesa. Tinanaw ko ang duguan at puro bubog na
katawan ng nanay ko... mas lalo akong natakot. Hindi ko na alam ang gagawin ko..

Lumingon muli sa akin ang lalaki. "Bad girl." Sabi pa niya at dahil doon ay tumakbo
na ko... takbo ako nang takbo. Nagtago ako. Narinig kong pumasok siya. "Lilith...
nasaan ka na? Maglalaro pa tayo." Wikai niya na para bang nagpapaamo ng isang tuta.

Nakita ko ang anino niya na nakatayo na sa harapan ng lamesang pinagtataguan ko.


Hindi ko mapaliwanag ang takot na nadarama ko. Muli, pinipigilan kong makagawa ng
ingay. Ayaw kong makita niya ako. Ayaw kong masayang ang buhay nila mama. Habang
iniisip ko ang pagkamatay nila mama, pakiramdam ko'y may nasusunog sa loob ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko.


"Lilith." Nakaring muli ako ng isang tinig. Hindi ang tinig ng lalaki kundi iba
pa... mas malalim... mas nakakatakot ngunit hindi ko alam kung bakit biglang nawala
ang takot na nadarama ko kanina. Gumaan na ang loob ko. "Labas ka na, ipagtatanggol
kita."

Binuksan ko ang pinto ng lamesang pinagtataguan ko at bumungad sa akin ang bangkay


ng lalaking naka-itim. Nasa likod nito ang nilalang na tumawag sa akin. Buong
katawan niya ay kulay pula na para bang nag-aapoy... habang nakangiti sa akin.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya at inabot ko ang kanyang kamay habang nasa
isa kong kamay ang teddy bear ko.

"Griselda." ang tangi niyang sagot.

John Philip's POV

Tuwing nakikita ko ang family picture namin... para bang gusto kong masuka. Gusto
kong magwala at magalit. Lahat ng hirap na nadanas ko, dahil ito sa pamilya ko.
Isang kaawa-awa at walang kwentang pamilya.

Kasalanan naman namin to e... hinayaan naming husgahan kami ng lipunan, isang
napakapait na memorya. Siguro nga ex-convict ang tatay at nanay ko, siguro nga drug
addict ang kuya ko pero ano bang paki nila? Bakit ba husga sila ng husga sa amin
lalong lalo na sa akin.

Sa tuwing maglalakad ako sa labas palagi na lang nakatingin sa akin ang lahat. Alam
ko ang nasa isip nila na salot ako, na galing ako sa isang makasalanang pamilya, na
wala akong karapatan para makuha ang respeto nila. Ganito naman talaga ang buhay
eh, wala nang taong malinis ang pag-iisip. Lahat...nakakagawa ng masama. Lahat nag-
iisip ng masama. Wala ng santo ngayon... lahat tayo makasalanan.

"Nakita mo ang lahat diba?" nakapameywang siya sa harapan ko habang nakasandal sa


pader. "Uulitin ko, nakita mo ang pagpatay diba?"

"Nakita ko nga." ang sabi ko.

"Bakit hindi ka nagsumbong?"


"Kailangan ko ba?"

Ngumiti lamang siya.

"Gusto mo bang sumama sa amin?"

"Sa inyo?"

"Palagi kang kinakawawa sa klase, palagi kang hinuhusgahan ng lahat. Hindi ka ba


nagagalit sa kanila? Ayaw mo bang maghiganti?" nilapitan pa niya ako."Kaya ka
naming tulungan. Hanggang kailan ka ba magtitiis? Hanggang kailan mo ba hahayaan
silang pahirapan ka?" Napatigil ako ng ilang sandali."Hihintayin ko ang sagot mo.
Basta tandaan mo, kami lang ang mga kakampi mo. Kami lang ang kayang magtanggol
sayo at kami lang ang makakapitan mo." Naglakad na siya papalayo at naiwan akong
nakatayo lamang doon.

"Philip!" narinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Thania?"

Denise's POV

"Good Morning Denise!" sabay sabay na bati nila Amanda kasama ang iba naming
kaklase. Hindi ako sanay na ganito sila lalo na't alam kong iba na ang pagtingin
nila sa akin dahil sa mga nanyari noong isang araw. "Oh bakit? Di ka papasok?"
tanong ni Amanda sa akin na may tonong nagtataray. Hindi ko na lang pinansin si
Amanda. Siguradong inaasar niya lang ako. Wala akong mapapala kung papatulan ko
siya mas lalo lang bababa ang pagtingin nila sa akin.

"Denise!" tinawag ako ni Nichole na nakatayo sa tabi ni Camille.

"Bakit Nichole? May problema ka?" si Amanda ang nagsalita ngunit nakatingin lamang
sa akin si Nichole na para bang binabalaan ako.

"Papasok ka ba Denise o gusto mo kaladkarin kita papunta sa loob?" tinignan ako


nang masama ni Camille. Hawak hawak naman ni Amanda ang kanang braso ni Nichole
habang pinandidilatan ito.

"Ayaw mo ba talaga?"

Hindi ako magalaw sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko kaya.
Para bang ayaw sumunod ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko. Bakit parang
kinatatakutan ko na sila ngayon?

Huli na ng napansin ko na tinulak na pala ako papasok nila Amanda na naging


dahilan ng halos pagkasubsob ko sa sahig at nung pagkatingala ko upang makatayo ay
saka naman pinagbabato ako ng eraser ng blackboard ng mga boys. Puro chalk ang
mukha at uniform ko nang nakatayo ako. Pinunasan ko muna ang mukha ko. Narinig ko
ang sabay sabay nilang pagtawa. Wala na kong nagawa kundi kuhanin ang bag ko at
pumunta sa upuan ko.

Napaluha na lang ako nang datnan kong punong puno ng basura ang ibabaw ng desk
ko,may nakasulat na mga mura at masasakit na salita sa upuan ko at sira sira ang
mga librong nasa ibaba nito.

"Oh My God! Sorry Denise ah, akala namin trash can eh!" lumapit sa akin si Amanda
habang nakatakip ang kamay niya sa ilong. "I'm really sorry ha? Tutal mukha ka
namang janitress, pwedeng pakilinis na lang? Don't worry babayaran ka namin."
Diniinan pa niya ang mga huling katagang sinabi niya bago sila nagtawanan lahat.

"Alam mo Denise, di ka naman bagay dito e. Walang lugar ang mga kriminal dito."
Dagdag naman ni Camille. "Nage-gets mo ba ang mga sinasabi ko? In short, basura
ka!"

"Girls ano ba, kawawa naman ang Little Miss Trash natin." Hinawakan ako ni Rain sa
leeg na para bang sasakalin ako. "Gaano ka ba kagaling Denise Villaverde? Kaya mo
bang patayin kaming lahat? Sige nga, gawin mo." Mas lalo niyang hinigpitan ang
pagkakahawak sa leeg ko.

"T-Tama n-na." Ang tangi kong nasabi. Pero imbis na tumigil ay lalo pa silang
nagtawanan.
"Stop fucking with us!" sigaw muli ni Rain sa akin. Nauubusan na ko ng
hininga...parang h-hindi ko na kaya..

Walang gustong lumapit sa akin..

Walang gustong tumulong sa akin..

"Denise!" narinig kong sigaw ni Ash habang papasok ng classroom agad agad naman
niyang tinulak si Rain at inalalayan ako. Pilit kong hinabol ang hininga ko. "Ano
ba talaga ang nanyayari?!" sigaw muli ni Ash sa kanilang lahat.

Walang nakasagot ni isa.

Inilagay niya muna ako sa sulok. Napatingin siya sa upuan ko at nakita ko kung
gaano siya naapektuhan. Nilapitan niya ito at ibinato sa harap. "Sa tingin nyo ba
ayos itong ginagawa nyo? Kung ano man ang rason niyo. Wala kayong karapatan para
parusahan siya nang ganito!" sinisigawan niya ang lahat habang naglalakad sa loob
ng classroom."Kayong lahat! Hindi ba kayo nagsasawa sa pagiging ganito?!" Ibinato
niya muli ang upuan sa gitna."Ano?! Sumagot kayo!"

Tahimik pa rin ang lahat.

Lumapit muli sa akin si Ash at itinayo ako. "Tara na." Malumanay niyang sinabi.
Ngunit bago kami makaalis ay agad naman siyang sinugod ni Rain at sinapak. "Sira-
ulo ka pala eh! Anong tingin mo sa sarili mo? Bayani? Ha? Pare-pareho lang naman
tayong gago! Wag kang umarteng bayani dito!" hinawakan ni Ash ang pisngi niya dahil
sa lakas ng suntok ni Rain at ngumiti lamang.

"Tsss. Rain, wala ka talagang pinagbago. Kahit kelan... inutil ka pa rin." Dahil sa
sinabi ni Ash ay sinuntok siya muli ni Rain. Galit na galit ito... gigil na gigil.
"Tangina mo!! Tangina mo!! Tangina mo!!" ang paulit ulit na mura ni Rain.

Inawat sila ni Nichole. Agad naman silang naglayo sa isa't isa. Natigilan ang lahat
nang biglang pumasok si Andy at Summer at sinabing....

"Nawawala si Maeri!"

-----------------------------------------x
NEXT CHAPTER: THE FORGOTTEN FLOWER.

A/N: Dun nga po pala sa scene ni Lilith at nung taong nag-aapoy. Hindi po totoo
yung taong nag-aapoy. Medyo baliw na si Lilith nun. Siya ang pumatay dun sa
lalaking naka-itim.

Si Philip ang binu-bully na lalaki dun sa Chapter 5. Yung inuntog sa locker at


pinapasubo ng tennis ball. Si Thania ay hindi kasama sa Class 3-C pero abangan nyo
na lang ang role niya..

C15: The forgotten flower. >>

Si Amanda Fortalejo po ang nasa gilid ---->

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Chief Guevarra's POV

"May nakita po akong dalawang babae na may hatak hatak na isang bangkay palabas ng
campus." Sabi sa akin ng isa sa mga janitor habang naglalakad sa hallway ng Laketon
Academy.

"Nakilala mo ba sila?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po eh."

"Mga anong oras at kailan mo sila nakita?" tanong ko muli.

"Alas diyes po ng gabi kahapon Chief. Sigurado akong estudyante sila dito dahil
suot suot pa nila ang kailangang uniporme." Napahawak ako sa baba ko. Alas
diyes... nakakapagtaka na suot pa rin nila ang kanilang uniporme. Hindi ba mas
uunahin nilang itago ang mga pagkakakinlanlan sa kanila?

"Iyon lang ba ang mga nakita mo?"

"Opo Chief."

"Salamat Mang Mando."

Naglakad lakad ako sa High School Department. Ang brutal na pagpatay kay Kevin pati
na rin sa librarian at yung nanyari sa classroom ng 3rd year. Sigurado akong hindi
iisa ang mga gumawa ng mga ito. Maaring alam ko na kung sino ang pumatay kay Kevin
pero isang bugtong pa rin para sa akin ang iba't ibang nanyari.

Napatigil ako ng ilang sandali nang may narinig akong mga tinig.

"Buhay ba talaga si Freya?"

"Sa pagkakaalam ko, patay na siya."

"Impossible... nakita ko siya sa hospital. Hindi ako pwedeng magkamali."

"Baka yung isa ang nakita mo.."

"Sino?"

Inilapit ko pa ang aking tainga sa pintuan kung saan naroroon ang mga nagsasalita.
Pamilyar ang mga boses nila .Alam kong nakausap ko na sila dati pa. Lalo na yung
isang pambabaeng boses... alam na alam ko na kung sino siya. Pamilyar din sa akin
ang pangalan na Freya mukhang nakita ko ang pangalan na yan sa files sa presinto
ngunit di ko masyadong maalala.

Bago ko pa man marinig ang tugon ng isa sa kanila ay may nagtakip na ng bibig ko
gamit ang isang panyo at nagdilim ang buong paligid..

Rain's POV

"Tagay pa pare!" Sigaw ng kainuman ko habang tinataas niya ang hawak niyang baso.
Nandito kami sa isang bar na pagmamay-ari ng ama ng isa sa mga kabarkada ko. "Hoy
Rain! ba't di ka tumatagay diyan? Ilang buwan lang tayong di nagkita, naging mahina
ka na agad!" nagtawanan naman agad sila.

"Tangina nyo." Sabi ko sabay kuha ng baso at ininom lahat ng laman nito. "Sinong
sinasabi nyong mahina? Mga ulol!" Nagtawanan lang ulit sila. May mga lumapit na
babae sa lamesa namin at agad na umupo sa tabi ko. "Umalis nga kayo. Ayan ang ikama
nyo!" tinuro ko ang katabi ko. "Ang lalandi nyo!" at tsaka umalis lang sila na
nagbubulungan pa. Mga babae nga naman akala mo kung sino.

"Pare naman, ba't mo pinaalis ang mga girls? Ang KJ mo naman." Dagdag ni Daryl.

"Tangina mo! May asawa ka na! Binuntis mo agad!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit pareho lang naman tayo diba?" tugon niya habang seryosong seryoso ang tono
ng boses niya. Bigla akong nanggalaiti. Pakiramdam ko'y umakyat ang dugo ko
hanggang sa ulo ko. May saltik pala itong tarantadong ito eh!

"Wag na wag mo akong susumbatan! Babasagin ko yang bungo mo. Ulol ka talaga!" hawak
hawak ko ang kwelyo niya. Pinagtitinginan kami ng mga tao habang pinipigilan ako ng
mga kaibigan ko.

"Pasalamat ka at anak ka ng isang abogado. Ilan na ba ang nabugbog mo ha? Ilan na


ang muntik mamatay nang dahil sayo? Puro pera ka lang naman eh. Kulang na lang
ipalamon mo ang pera sa mga tao." Sumbat pa niya sa akin habang walang takot ang
mga matang nakatitig sa mga mata ko. "Ah, kaya naman pala. Nagmana ka sa tatay mo!"

Mas lalo akong nagalit. Ayaw kong pinupuna ang ugali ko, wala akong pakialam sa mga
gusto nilang sabihin. Wag na wag nilang papakialaman ang buhay ko lalong lalo na
ang mga ginagawa ko. Susuntukin ko na sana siya pero biglang may humawak ng kamao
ko. Nakita ko ang driver namin sa likuran ko.

"Sir Rain tama na." Sabi pa niya.

"Sino ka para utusan ako? Ha?!" galit na galit kong sigaw ko sa kanya.

"Sir hinahanap na po kayo ni Maam Elise."

Ganito naman palagi eh! Naalala lang nila ako kapag may problema. Kilala lang nila
ako kapag may ginawa akong masama, kapag may ginawa akong ikakasira ng pangalan
nila. Eh mga tarantado rin ang mga magulang ko eh. Sirang sira na sila sa akin.
Wala silang kwenta. Wala silang halaga.
"Wala akong pake. Lumayas ka dito, hindi kita kailangan!" pilit kong binabawi ang
kamao ko pero ayaw niya pa ring bitawan. "Bitawan mo ako! Ihahambalos kita rito!"

"Pare... tama na. Sumama ka na sa driver mo." Narinig kong sinabi ng isa sa mga
kasama ko. Nakita ko muli ang buong bar. Itinigil na ang nakakabinging tugtog, sa
akin lang nakatingin ang lahat at nasa harap ko na pala ang mga bouncer. Marahas
kong iniwas ang kamao ko at tumayo. Kinuha ko ang cellphone ko at ininom muli ang
natitirang laman ng baso.

"Ikamusta mo na lang ako kay Maeri!" narinig kong sinigaw pa ni Daryl. Babalik pa
sana ako upang sapakin siya pero pinigilan na ko ng mga bouncer.

"Gago ka talaga! Mamatay ka na!" sigaw ko ulit kay Daryl. Hindi ako nagpapapigil sa
mga bouncer sa harap ko. Hinaharangan nila ako ngunit nagpupumilit ako na lapitan
si Daryl para bugbugin.

"Muna ka! Ulol!" sigaw niya sa akin.

Hinatak na ako ng driver namin papunta sa parking lot. Sinuntok ko ang kotse na
nasa gilid ko at naging dahilan ng pagkasira ng salamin nito. Wala akong pake kung
sa Presidente man itong kotse na ito basta kailangan kong ilabas ang galit ko.
Hinarap ko ang driver namin at itinulak siya sa sahig. Agad ko naman siyang
pinagsisipa.

"Tama na sir Rain... please maawa na po kayo sa akin." Pagmamakaawa ng driver ko


habang sunod sunod pa rin ang sipa ko sa kanya.

Gago lahat ng tao.

Ang tatay ko na walang ibang ginawa kundi makipag-date sa iba't ibang babae...
gastusin ang pera niya sa mga bisyo na kinalolokohan niya pati na rin ang nanay ko
na wala na atang ibang ginawa kung hindi bilangin ang mga pera niya. Pero kapag
nakaharap sa mga tao akala mo kung sinong mga Santo.

"Sa susunod, wag kang mangingielam sa buhay ko. Hindi mo alam ang kaya kong gawin.
Pwedeng pwede kitang patayin ngayon din!" sigaw ko sa kanya.
"Opo...Sir. Sorry na po sir."

"Tangina mo!" dinuraan ko siya at pumasok na ko sa loob ng kotse habang katok naman
nang katok ang driver namin. Mukhang natatakot maiwan."Mamatay ka diyan!" sigaw ko
at pinaandar ko na ang makina ng kotse.Pagka-start ay agad ko itong pinaharurot
palabas ng parking lot.

Ilang oras ang nakalipas at nagmamaneho pa rin ako. Hindi ko alam kung san ako
papunta. Hindi ko naman malalapitan si Vince ngayon at di ko na rin siya nakikita
kahit sa school, hindi ko alam kung saan parte ng impyerno siya napadpad. Kung uuwi
naman ako siguradong sermon ang abot ko lalo na't lasing ako at halos umaga na rin.

Agad kong hininto ang kotse nang may biglang humarang na itim na sasakyan sa harap
ko. Galit na galit kong sinuntok ang manibela. Tangina naman muntik na ko doon ah?
Sino ba tong tarantadong ito? Bumaba ako na inis na inis pa rin. Binalibag ko ang
dala kong alak sa itim na kotse at sumigaw..

"Eh gago ka pala eh! Anong gagawin mo kapag nasira ang kotse ko ha? Ano?! Bumaba ka
diyan! Sira-ulo ka!" kinalampag ko ang harapan ng kotse niya. "Kaputaputahan naman
ng mga putangina! Ayaw mo ba talagang bumaba? Kakaladkarin kita palabas!"

Napatigil ako nang nakita kong bumaba si Vince sa kotse na yon na may dalawa pang
kasamang iba. Ang dalawa ay may suot na maskarang kulay puti at parehong naka-
jacket na natatakpan ng hood ang kanilang mga mukha. "Pare, ikaw pala." Wika niya
na hindi ko alam kung bumabati pa talaga o naghahanap lang ng away.

"Gago ka, sino yang mga kasama mo?" tanong ko. Nakita kong ngumiti si Vince,
kakaiba sa mga ngiti niya dati. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot...
kakaiba. Parang may hindi kanais-nais na manyayari sa akin...

"Sila?" tumingin siya sa dalawang taong nasa likod niya. "Mga bago kong kaibigan."
Muli siyang tumingin sa akin.

"Umalis ka na Vince. Lasing ako, baka kung anong magawa ko sayo." Binalaan ko na
siya ngunit nilabas niya lang ang kutsilyo na lagi niyang dala-dala at pinaglaruan
pa sa harapan ko.

"Sa tingin mo... papalampasin ko lang ang mga ginawa nyo kay Maeri?"

"Vince." Pakiramdam ko'y nawala ang pagkalasing ko.


"Masaya na ba kayo ni Amanda?" bigla siyang tumingin sa akin. Nag-aapoy ang mga
mata niya sa galit na para bang kahit anong sandali ay isasaksak niya ang hawak
niyang kutsilyo sa akin. "Sirang sira na ang buhay ni Maeri. Kuntento na ba kayo?!"

"Wala akong kinalaman sa mga nanyari sa kanya!" pagdedepensa ko sa sarili ko.

"Alam ko." Narinig ko na mahinang tumawa ang mga kasama niya."Sa tingin mo,
hahayaan kitang buhay pa rin hanggang ngayon kung alam kong ikaw ang gumawa nun kay
Maeri? Hindi ako bobo Rain."

"Vince, nagsisisi na ko sa ginawa namin kay Maeri." Lumuhod ako sa harap niya na
parang isang tuta na tinitingala ang amo niya. Bigla kong naramdaman na tila ba'y
nanghina ako. Sa mga sinabi niya... alam kong wala akong laban ngayon.

"Huli na Rain." Lumapit pa siya sa akin. "Buhay ang kinuha... buhay din ang
kapalit." Ngumiti siya at itinaas ang kutsilyo. Wala akong nagawa kundi yumuko na
lamang. Ganito pala ang pakiramdam... ang pakiramdam ng malapit nang mamatay.
Parang hinihila na ko pababa ni Satanas.

"It's payback time."

Andy's POV

"Ano bang meron si Ash na wala ako?"

Hindi siya umimik.

"Denise! Nandito ako palagi para sayo. Lagi kitang pinagtatanggol. Lagi kitang
kinakampihan! Ako na nga ata ang pinakaloyal na best friend sa lahat eh! Alam mo ba
kung bakit? Kasi nandito pa rin ako kahit na may Ash ka na!" panunumbat ko sa
kanya.
"Andy... hindi kami ni Ash." Nangungusap ang mga mata ni Denise na para bang
gustong gustong magpaliwanag. Pakiramdam ko, nalulungkot lang siya sa mga sinasabi
ko. Ngunit sobra na akong nasasaktan. Hindi ko nga alam kung may karapatan ba ako
eh.

"Wag mo akong lokohin Denise! Wag mo kong gawing tanga. Halata naman na may
pagtingin ka na rin sa kanya eh. Dumating lang si Ash... dumating lang siya.
Nakalimutan mo na ako." Kumakabog ang dibdib ko habang patuloy akong nagsasalita.
Alam kong mali, alam kong hindi naman tama. Kaso... nahihirapan na kasi ako eh.

"Andy, hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo. Sorry Andy. Sorry
talaga." Sinubukan niyang hawakan ako sa braso ngunit iniwas ko lamang ang kamay
niya.

"Hindi pa ba halata Denise? Hindi mo ba naramdaman? Denise, matagal na kong


nagpapakatanga sayo." Huminto ako ng ilang segundo. "Sa dinami-dami ng babae dito,
hindi mo ba naitanong sa sarili mo kung bakit ikaw ang kinaibigan ko? Kung bakit
ikaw ang gusto kong kasama? Kahit kailan ba Denise, kaibigan lang ba talaga ang
tingin mo sa akin?"

Tulad ng kanina, hindi siya nagsalita. Nakatayo lang siya roon at tumingin sa akin
na para bang isa akong nawawalang bata. Nakita kong papalapit si Ash sa
kinatatayuan niya, hawak hawak ang bag ni Denise. Nakaramdam ako ng galit. Nasa
harap ko ang lalaking sumira sa lahat ng pinaghirapan ko. Ang aagaw sa babaeng dati
ko pang gusto.

Parang gusto ko siyang suntukin ngayon.

"Anong nangyayari?" tumingin si Ash kay Denise. Nang wala siyang nakuhang sagot kay
Denise ay sa akin siya tumingin.

"Wala. Wala ka na dun." Tugon ko.

Lumakad na ko palayo. Lumingon muli ako kala Denise at Ash. Nakita kong umiiyak si
Denise habang papunta sila sa kotse ni Ash. Gago ka talaga Ash... hindi ko alam
kung kaibigan pa rin ang magiging turing ko sayo.

Sumakay na ako sa motor ko at humarurot palayo. Pilit kong inalis sa utak ko ang
larawan ni Ash at Denise. Pilit kong iniisip na panaginip lang ang lahat ng ito. Na
hindi talaga totoo ang mga patayan... na ako pa rin ang nag-iisang lalaking laging
kasama ni Denise. Tama, inggit. Nilalamon ako ng inggit.

"Andy, hindi ko alam na ganyan na pala ang nararamdaman mo. Sorry Andy. Sorry
talaga." Naalala ko ang sinabi ni Denise. Sorry? Wala naman siyang dapat ika-sorry
eh. Bakit pa ba kailangan niyang iparamdam na sobra akong kawawa? Bakit ba sa lahat
ng pagkakataon na kahit anong gawin niya... hindi ko kayang magalit sa kanya?

"Bullshit!" sigaw ko nang biglang huminto ang makina ng motor ko."Tanginaa!" wala
akong pakialam kung may makarinig. Sobra akong badtrip tapos ganito na lang ang
sunod na manyayari? Sa sobrang inis ay sinipa ko ang gulong ng motor ko.

"Andy?" lumingon ako sa nagsalita.

"Freya?" nagulat ako nang nakita ko siya papalapit sa akin pero may kakaiba sa
kanya. Parang ibang tao ang nakikita ko. Ganun pa rin naman ang itsura niya ngunit
sa isang tingin mo palang masasabi mo na, na iba ang aura niya, na para bang may
kakaibang lamig sa mga mata niya. Na para bang hindi siya ang Freya na kilala ko.

"Hindi ako si Freya."

"Ha?"

"Hindi mo ba ko naalala?"

Napaisip ako ng ilang sandali at may bigla akong naalalang pangalan...

"Thania? Ikaw si Thania?" Mul kong naalala ang kakambal ni Freya, si Thania.

"Patay na si Freya...." sabi niya na may ngiti sa mga labi. Ngiti na kikilabutan
ka talaga.

"Ako na ang bagong Freya."

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: ENVY

[Extra Chapter] Unfinished Business. >>


VOTE | COMMENT | FAN!

----

Alyana's POV

"Buti naman at dumating ka." Pamungad niya sa akin habang nakatayo sa harapan ko.
Nagtext siya sa akin kung saan kami magkikita. Pagkatapos mag-usap usap ng klase
tungkol sa pagkamatay ni Teacher Yuko ay dumeretso na ako rito.

"Pano mo nakuha ang video na yon?" tanong ko sa kanya. Naalala ko muli ang video ni
Angie at Kevin. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko. Noong pinanood ko ang
video na yon... hindi ko alam kung sino dapat papatayin sa kanilang dalawa. Agad
ko iyong pinadala kay Angie para malaman niya ang malaki niyang pagkakasala sa
akin.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Sa tingin ko mas masasaktan ako kung paulit-ulit na
isasampal sa akin ang katotohan. Sinumbat ko sa kay Angie ang lahat... nasaktan ko
siya... ngunit mas lalo niya akong sinaktan.

"Sorry na Alyana! Sorry na..." Naalala ko ang paulit ulit na paghingi niya ng tawad
habang nakaluhod at yakap yakap ang mga paa ko. Nasa may labas ako ng bahay nila.
Wala ang mga magulang niya at pumunta ako doon para tapusin na ang relasyon namin.

"Bakit mo yon nagawa Angie?" ang tanong ko sa kanya.

"Natakot ako. Natakot ako sa mga sasabihin ng iba patungkol sa relasyon natin.
Natatakot ako sa mga mata nila na kapag nalaman nila na ang karelasyon ko ay
babae... baka husgahan nila ako... baka wala na kong mukhang maiharap sa kanila."
Naluluha-luha niyang sinabi. Muli siyang tumingala sa akin at tuluyan nang umiyak.

"Kaya nyo ginawa yon ni Kevin? Kaya naghanap ka ng iba? Sumagot ka!"
"Hindi ko alam... hindi ko alam na ginagawa na pala namin yon. Nalasing ako Alyana.
Nilapitan ko si Kevin para i-open up ang problema ko... hindi ko alam na kaya niya
palang gawin yon sa akin... hindi... hindi ko gusto ang nanyari." Umiyak pa siya
nang umiyak. "Pa-Patawarin mo ako A-Alyana."

"Angie... bakit pa kailangang dumating sa punto na ito? Sana sinabi mo na lang


sakin. Dapat pinaalam mo sa akin ang nararamdaman mo. Kung ayaw mo na akong
mahalin, sige lalayo ako! Kung kinakahiya mo ako, sige ayos lang sakin!" kinalas ko
ang pagkakapit niya sa mga paa ko. Narinig kong sinigaw niya muli ang pangalan ko
ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Sino ba ang gusto mong patayin sa kanila?" bigla akong nagbalik sa realidad nang
narinig ko ang sinabi niya.

"Ano?"

"Si Angie o si Kevin?"

"Silang dalawa." Hindi ko alam kung san nanggaling ang sagot ko. Pakiramdam ko
bigla na lang gumalaw ang mga bibig ko. Pakiramdam ko walang silbi ang puso't
damdamin ko ngayon hangga't naalala ko pa rin ang ginawa niya sa akin. Napakasakit.

Ngumiti siya.

"Tutulungan kita. Akin na ang cellphone mo." Inabot ko naman sa kanya ang cellphone
ko kagaya ng sabi niya. Ilang minuto lang at nagsalita siya muli "Pumunta ka muna
sa Room 101-A. Hintayin mo ako doon, may nakalimutan lang akong dalhin."

Katulad ng sinabi niya ay dumeretso ako sa nasabing room. Ilang taon na ring itong
hindi ginamit simula noong may namatay ditong tatlong estudyante. Dito raw
natagpuan ang mga chop chop na katawan ng mga nasabing estudyante na hanggang
ngayon ay hindi alam kung bakit pinatay at kung sino ang pumatay. Hindi ko alam
pero simula noon ay kinatakutan na itong room na ito. Ito rin ang unang beses na
napasok ako rito.

Pundido ang ilaw kaya in-off ko na lamang ito. Nakakatakot nga, pakiramdam ko ay
may nagmamatiyag sa akin at ilang sandali na lang ay may hahatak sa paa ko. Tumayo
lang ako sa gilid nang may kumalabit sa akin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa
takot pero siya lang pala. May hawak siyang kung ano...
"Hawakan mo to." Binigay niya sa akin ang isang......baseball bat?

"Aanhin ko to?"

"Magkakaroon ng palabas."

"Palabas?"

"Oo." Kahit di ko siya nakikita. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin. "Ang


kamatayan ni Angie." Pagpapatuloy niya.Nagulat ako nang narinig kong pumasok si
Angie sa kwarto..

A...Angie?

"Alyana? nandito na ko." Narinig kong sinabi ni Angie. May kaunting liwanag na
ngayon dahil hindi niya nakasarado ng mabuti ang pintuan. Papalapit siya nang
papalapit sa kinatatayuan namin. Agad naman akong hinatak ng kasama ko hanggang sa
nasa likuran na kami ni Angie.

"Ipukpok mo na sa kanya." Pabulong niyang sinabi.

"Di ko kaya" tugon ko

"Bilisan mo. Niloko ka niya. Kinahiya ka niya. May nanyari sa kanila ni Kevin. Sawa
na siya sayo." Aaminin ko totoo lahat ng sinabi niya... galit ako...k ay Angie at
lalong lalo na kay Kevin ngunit ngayong nandirito na, bigla akong naduduwag. Hindi
ko pala kaya.

"Eh wala ka palang isang salita eh. Sira-ulo ka talaga Alyana." Inagaw niya ang
baseball bat sa akin at agad na pinukpok sa ulo si Angie... may kaunting kirot
akong naramdaman sa puso ko. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng dugo ni Angie sa sahig.
Naramdaman ko sa mga paa ko... dugo... hinawakan ko ito... tama nga... dugo.

"Tulungan mo kaya ako?!" sigaw niya sa akin.


Hinatak namin si Angie hanggang sa may gilid. Naglakad siya paabante hanggang sa
kaharap na niya ang isang cabinet. Binuksan niya iyon .Isang malaki at walang
laman na cabinet. Binuksan pa niya muli ang nasa loob nito na para bang may
sikretong lagusan. Hinatak niya papunta sa loob si Angie. Sumilip ako at may nakita
akong hagdanan, kung san papunta ay hindi ko alam.

"Diyan ka lang! At huwag mong ipagsasabi to kundi... pareho tayong sasabit! Tandaan
mo, kasama ka sa krimen na to." At pagkatapos niyang magsalita ay tuloy tuloy na
siya sa loob. Ilang minuto ang nakaraan at hindi pa rin ako nakakagalaw sa
kinatatayuan ko. Si Angie... patay na ba siya?

Kasalanan ko ito...

Kasalanan ko lahat ng ito...

Tumakbo ako papunta sa C.R. Hinugasan ko ang uniform ko na may mga dugo dulot sa
pagkakahatak kay Angie. Naghilamos din ako at dahan dahan kong tinignan ang mga
kamay ko.. Minahal ko siya... higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Paano niya
nagawa yon sa akin? Ginago niya ako pero ano tong nararamdaman ko... kakaiba.

Nakapaghiganti na ako...

Patas na kami. Nasa impyerno na siya at ako naman, patuloy na mamumuhay sa


impyernong buhay na ito. Hindi man ako ang gumawa sa kanya nun, nakaramdam ako ng
kasiyahan. Nakaramdam ako ng kaginhawaan.

Bigla akong tumawa.

Si Kevin na lang ang kulang...

-----------------------------------------x

C16: Envy >>

Si Nichole po yung babae sa gif ----->


VOTE | COMMENT | FAN

----------

Ash's POV

Nasa dibdib ko si Denise at kanina pang iyak nang iyak. Kanina ko pa tinatapik ang
likuran niya. Hindi ko alam kung ano ang nanyari basta pagkaalis ni Andy ay biglaan
na lang tumulo ang mga luha ni Denise.

Napatigil kami sa paglakad papunta sa kotse ko. Nilingon ko muli si Andy na


nakasakay sa kanyang motor. Parang wala lang para sa kanya ang pag-iyak ng best
friend niya. Kinuyom ko ang kamao ko at parang gusto kong suntukin ang sira ulo na
yon. Kapag nakita kong pinaiyak niya muli si Denise... hindi ko na siya
mapapatawad.

"Denise, tahan na. Nandito naman ako e." Pero kahit anong sabihin ko... iyak pa rin
siya nang iyak. Inalalayan ko siya habang papasok ng kotse at pagkapasok namin ay
binigyan ko siya ng tissue. Hindi ko alam ang sasabihin ko... hindi ko alam ang
gagawin ko para mabawasan ang lungkot niya. Dapat ko ba siyang pasayahin o damayan?

Pinaandar ko na ang kotse. Ilang minuto ang nakaraan na pareho kaming tahimik.
Kanina pa niya hawak ang cellphone niya na para bang may hinihintay na tawag o text
man lang. In-off ko muna ang music player.

“Alam mo...” Tumingin ako sa kanya nang sandali habang nagmamaneho. Pinupunasan na
niya ang mga luha niya at medyo sumisingot singot pa. Tumingin din siya sa
akin .”Handa akong maging best friend mo.”

Hindi naman talaga ako magaling mag-comfort lalong lalo na sa mga babae. Aaminin
ko, hindi ako sanay sa mga babae. Hindi man halata pero naiilang ako sa kanila.
Iniwan kami ng nanay ko kaya simula dati ay hindi ko na natutunan na magtiwala sa
mga babae hanggang sa nakilala ko siya.

Narinig kong tumawa si Denise. Tila isang napakagandang himig sa tainga ko ang tawa
niya na iyon. May kaunting kiliti akong naramdaman sa puso ko.
“Iyan na ata ang pinakamagandang advice na nakuha ko.” Sabi pa niya bago muling
tumawa.

Napangiti na lang ako.

“Kaya mo pa ba Denise?” tanong ko sa kanya.

“Ha?” nakangiti pa rin siya sa akin ngunit may pagtataka sa mukha niya. Itinigil ko
ang sasakyan sa may gilid ng isang ilog. Tanaw na tanaw ang magandang view ng
Maynila mula sa anggulong na ito. Gabi na rin at delikado na sa labas kaya
nagpresinta akong hinatid na lang siya sa bahay nila.

“Ang mga ginagawa nila sayo... kaya mo pa ba?”

“Hindi ko alam. Siguro ngayon kaya ko pa.” tugon naman niya.

“Paano kung wala ako sa tabi mo? Baka kung ano ang gawin nila sayo. Sinong
magtatanggol sayo?” napatigil ako ng ilang segundo. ”Denise tuwing wala ka sa
paningin ko... hindi mo lang alam kung gaano ako nag-aalala. Hindi ako mapakali
hangga’t hindi ako nakakasigurado na ligtas ka.”

Hindi siya umimik.

“Ipagtatanggol kita sa kanila... sa mga kaklase natin.”

“Ash. Hangga't sa maari, ayokong mayroong masali sa gulong pinasok ko.” Sabi niya
habang nakatingin deretso sa mga mata ko.

“Dati pa ko nanghihimasok Denise.” Natahimik muli siya. “Ayokong sinasaktan ka


nila... ayokong nagtitiis ka. Denise handa akong maging kalasag at sandata mo.
Handa akong protektahan ka.”

Halata sa mukha niya na ayaw niya sa sinasabi ko ngunit desidido na ako. Sinimulan
ko ito... tatapusin ko hanggang dulo. Kahit anong manyari, ako ang magiging karamay
mo Denise. Ako ang makakapitan mo. Umalis man silang lahat sa tabi... tandaan mo,
hinding hindi kita iiwan..
Andy’s POV

Nakatingin ako kay Thania habang magiliw siyang kumakain sa harapan ko na para bang
ilang taon na siyang ginutom. Ang sabi niya sa akin ay tumukas siya sa Ospital na
tinutuluyan niya ng mahigit isang taon na. Kilalang kilala ko si Freya at hindi
siya papayag sa ginagawa ng kakambal niya ngayon dahil simula noong bata pa lamang
sila ay magkaribal na sila sa lahat ng bagay. Hindi ko alam ang pumasok sa utak ni
Thania para gawin ito.

Ngunit may pakiramdam ako na hindi tama ito. Hindi tama ang ginagawa ko. Bakit ko
ba siya dinala dito sa apartment ko? May kung anong espiritu atang sumanib sa akin
para maniwala sa mga palusot niya dahil kilala ko rin si Thania... tuso siya.
Kabaliktaran siya ni Freya. Hindi dapat siya pinagkakatiwalaan.

“Thania.” Pagtawag ko muli sa pangalan niya. Agad naman siyang tumingin sa akin
ngunit hindi pa rin niya tinitigilan ang pagsubo ng pagkain.

“Hmmmm?” sabi niya.

“Paano namatay si Freya?” tanong ko.Hawak hawak ng dalawa kong kamay ang baso na
mayroong sprite.

“Nakalimutan mo na ba?” Umiling ako bilang senyales na hindi ko matandaan. Simula


noong gabing iyon.. yung isang tawag. Hindi ko na alam ang nanyari pa. May kung
anong ibang kahulugan ang tingin niya sa akin. Para bang may halong galit. Para
bang gusto niya ako durugin sa sandaling ito.Nakakakilabot.

Ngumiti siya at muling nagwika...

“Pinatay ko siya.” Napabitiw ako sa basong hawak ko dahil sa narinig ko. Tinignan
ko lang ang basag na baso . “Nagulat ka ba?” sabi pa niya habang abot tainga ang
ngiti

“A-Ano?”
“Totoo lahat ng iyan. Diba... gusto mo rin siyang mamatay?” hindi pa rin
natatanggal ang ngiti sa mga labi niya na para bang tuwang tuwa pa siya sa pagpatay
niya sa kapatid niya.

“H-Hindi.”....ang tangi kong naitugon sa mga sinasabi niya.

“Ayoko sa kanya. Lahat nakuha niya. Para lang akong aso, laging napupunta sa akin
ang mga tira-tira. Sobrang inggit ako sa kanya nun. Pero noong bumaliktad ang
lahat.” May narinig akong pagtawa sa boses niya. “Hindi mo lang alam kung gaano ako
natuwa sa pag-iwan mo sa kanya sa tulay, sa pagtanggi mo sa kanya sa pangalawang
beses, sa hindi mo pagtanggap sa pag-ibig niya at lalong lalo na sa pagtalikod sa
kanya ng lahat ng taong pinagkatiwalaan niya.”

Binaba niya ang kutsara’t tinidor at pinunasan ang bibig gamit ang kamay niya.

“Sa lahat ng tao. Siya ang una kong gustong patayin. Ang sarap niyang talian sa
leeg at isabit sa dingding o kaya pagsasaksakin ng ilang beses at paghiwalayin ang
bawat parte ng katawan niya." Nasa tamang pag-iisip pa ba si Thania?

“Ikaw Andy.....”

“Anong gusto maging kamatayan mo?”

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang unti unti siyang tumayo at lumapit sa
akin. Hawak hawak niya ang tinidor niya na gamit gamit niya kanina. “Gusto mo bang
barilin ka? Saksakin? Buhusan ka ng asido? Lunurin ka? O sunugin ka nang buhay?”
mas lumapit siya sa akin habang dinidiin sa akin ang tinidor na hawak niya

“T-Thania...”

Idinikit niya pa rin ang tinidor sa mukha ko. Mula sa bibig hanggang sa pisngi at
papunta sa mga mata ko.

“O dukutin ang mga mata mo? Lahat ng iyon possible sabihin mo lang sa akin.”
Pagpapatuloy niya. Puro pawis na ang mukha ko at nanginginig na ang buong katawan
ko. Iba itong takot na nadarama ko.
Habang nasa mata ko ang tinidor ay inilapit ni Thania ang bibig niya sa tainga ko.

“Binibiro lang kita.” Halos tumalon na ata ang puso ko sa kaba. Nakakatakot ang
boses niya... sobra. “Hindi ka pa rin nagbabago Andy. Hanggang ngayon, duwag ka pa
rin.” Umupo siya sa tabi ng lababo at kumuha ng isang saging sa tabi niya. Kinain
niya agad ito. ”Minahal mo rin naman si Freya diba? pero takot ka. Takot ka sa mga
maari at possibleng manyari. Wala ka pa ring kwenta."

Napalunok ako sa narinig ko. Para bang binabasa niya ang mga nasa isipan ko.
Katatapos lang niyang kumain ng saging, inilapag niya sa lamesa ang balat nito at
muling umupo sa may lababo. “Sa mga oras na to, alam kong gustong gusto mong
patayin si Denise.” Mukhang natuwa siya sa sinabi niya dahil kakaibang ngiti na
naman sa mga labi niya.

“Bakit mo kilala si Denise?!” napatayo ako sa kinauupuan ko at ang dalawa kong


kamay ay nakapatong sa lamesa.

“Masarap siyang kausap lalong lalo na noong sinabi niya na mahal niya si... sino
nga ba ulit yon?” inilagay niya ang kamay niya sa baba niya na para bang nag-iisip
pero alam kong nang-aasar lang talaga siya. ”Ah! Ash. Ash ang pangalan ng mahal
niya.”

Mas naramdaman ko ang sakit lalo na noong sinabi niya ang salitang “mahal”

“Hahayaan mo na lang ba siyang makuha ng iba?” Napahawak ako ng mahigpit sa gilid


ng lamesa. Alam kong nang-aasar lang siya pero bakit sobra akong naapektuhan? “Kung
ako sayo... papatahimikin ko na sila.” At ngumiti na naman siya.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: BETRAYALS.

C17: Betrayals. >>

A/N: Mas nauna po ang scene ni Rain dito kaysa kay Chief. Tulad ng ginawa ko sa
ibang chapters, hindi sunod sunod para kahit papano may thrill. Ayun lang.

VOTE | COMMENT | FAN


---

Chief Guevarra's POV

Kanina ko pa naririnig ang sunod sunod na sigaw ng isang lalaki sa kabilang kwarto.
Nasa isang madilim na lugar ako at may nakakapa akong lamesa sa tabi ko. Ang
tanging liwanag lang dito ay ang sinag ng buwan na natatanaw ko sa bintana sa may
taas ng pader. Walang tali ang kamay at paa ko. Kanina ko pa sinusubukan na buksan
ang pinto ngunit bakal ito at sa naririnig ko sa tuwing kakalampagin ko ito ay
higit pa sa isa ang lock. Kaya wala na kong nagawa kung hindi umupo sa gilid at
tanawin na lang ang bintana.

Pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko kanina, hinanap ko kaagad ang cellphone at


baril ko pero wala akong nakapa, mukhang kinuha nila lahat ng gamit na makakatulong
sa akin. Hindi ko mawari kung nasaan ako pero may nakikita akong isang malaking bar
sa may bintana. Umiilaw pa ang pangalan nito kaya nakakapukaw talaga ng pansin.

Bigla ko tuloy naramdaman ang gutom. Hinawakan ko ang tiyan kong nagrereklamo na.
Mukhang mahirap na kalaban ang mga estudyanteng ito ah? Nailabas nila ako ng
eskuwelahan ng walang nakakapansin, naitago nila ang mga katauhan nila at naisagawa
nila ang mga krimen ng walang kahirap hirap. Kung tutuusin talagang mahirap gawin
ang mga ginawa nila... papanong nagawa ito ng mga high school students lamang?

Sa likod ng mga mala-anghel at inosente nilang mga mukha... nagtatago ang halimaw
nilang pag-uugali.

Narinig ko ang pagbukas ng bakal ng pinto at pumasok siya na may hawak na martilyo.
May hawak hawak siyang tela na pinangpupunas niya sa martilyo, dahil sa may
kaunting dugo pang tumutulo mula rito. Tumingin lang ako sa kanya. Unti unti kong
nakikita ang mukha niya habang humahakbang siya papalapit sa akin. Hindi nga ako
nagkamali.

Siya nga ang pumatay dun sa Kevin.

"Masyado kang mausisa." Sabi niya habang papalapit pa nang papalapit sa akin.
"Gusto lang kitang batiin Chief. Sa wakas nakaabot ka sa punto na to. Hindi ka ba
natutuwa chief?"

Sinong matutuwa sa kalagayan ko ngayon?


"Ikaw ang pumatay dun sa Kevin diba?" tuloy tuloy at walang kagatol-gatol kong
sinabi sa kanya. Kung tatanungin ako ngayon.... hindi ako natatakot. Wala akong
nadarama na takot kahit kaba. Ilang beses na kong nakaharap ang isang kriminal...
at alam ko na kung paano sila pakisamahan. Kung papano sila lituhin lalong lalo na
isang bata lamang ang kaharap ko.

Napabitaw siya sa hawak niyang martilyo. Tumama ito sa sahig at gumawa ng tunog na
masakit sa tainga.

"P-Pano mo n-nalaman?!" sigaw niya sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya. Sa ngayon, kitang kita ko na ang mga matang niyang
nangagalaiti sa galit. Mas lalo akong nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Simple
lang." Ilang segundo akong tumigil at nagpatuloy muli. "Masyado kang makakalimutin.
Nakalimutan mo atang ayusin ang uniform mo nun? Hindi man halata para sa iba pero
nakita ko ang mga bahid ng dugo sa pantalon mo. Hindi maaring dugo mo yon... hugis
kamay at tulad ng sinabi ko, hindi mo pinalitan ang damit mo kaya noong inamoy ko
ang jacket at noong nilapitan ko kayo. Hindi na ako pwedeng magkamali noon. Ang
pabangong ginamit ng kriminal at ang pabango mo... magkapareho diba?" naglakad
lakad pa ako ng ilang hakbang sa harapan niya. "Hindi naman pupwedeng itanggi mo
yon. Impossibleng hindi ikaw ang gumawa kung dalawang ebidensiya ang nasa iyo.
Gusto mo pa ba marinig ang pangatlo?"

Tumingin ako sa kanya. Napangiti na lang ako nang nakita ko na mas lalo siyang
nagalit sa akin.

"Ang karugtong ng taling ginamit sa biktima. Nasa bag mo noong mga panahon na yon
diba?" ngumiti muli ako. Para akong nakikipagasaran sa isang bata.

Ilang sandali ay nakita kong ngumiti siya.

"Ano naman kung alam mo? Wala ka nang magagawa. Nasa kamay na namin ang buhay mo.
Akalain mo yon? Mapapatay ka ng isang tulad ko?”

"Papatayin mo ako?"

"Oo!" nakatingin pa rin siya sa akin nang ubod ng sama.


"Talaga lang ha?" ngumiti lang ako muli.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?!" muli niyang isinigaw.

"Alam na ng tauhan ko ang lahat.Ang tungkol sayo, tungkol sa ginawa mo at kapag


nalaman nila na sa school nyo ako nawala.... hindi ba ikaw ang unang
pagbibintangan?" sabi ko habang naglalakad muli sa paligid niya. Pwede naman akong
magsinungaling ngayon diba? dahil ang totoo, ako pa lamang ang nakakaalam sa mga
ginawa niya.

Nanahimik siya ng ilang sandali habang nakayuko. Napangiti na lang muli ako hindi
ko alam na magiging masaya pala ito. Kinuha ko ang martilyo sa sahig at binigay sa
kanya."Sige ipukpok mo na sa akin." Inaabot ko pa rin sa kanya ngunit ayaw niyang
tanggapin. "Natatakot ka? Tignan natin kung hanggang saan kayo mapoprotektahan ng
batas."

Napatingin ako sa pinto dahil sa may pumasok na isang babae. Hindi siya masyadong
matangkad, maputi at shoulder length lang o medyo mahaba pa doon ang buhok. Agad
naman siyang lumapit sa taong nasa harap ko at hinawakan ang balikat nito.

"It's about time. Tapos na tayo kay Rain. Magpahinga ka na, ako na ang bahala
rito." At tumingin siya sa akin. Isang nakakalokong tingin. Umalis naman agad ang
kausap ko kanina at naiwan kaming dalawa ng babaeng ito sa kwarto.

"Chief, ikaw pala." Bati niya sa akin. "Naalala mo pa ba ako?" may mga patak ng
dugo siya sa damit at mukha niya. Napansin ko rin ang hawak niyang malaking
tanikala. Nakapalupot ang magkabilang dulo nito sa dalawa niyang kamay at hinahatak
hatak ito na para bang mayron siyang ikukulong na malaking baboy.

Tumingin lang ako sa kanya.

“Mukhang di mo na ata ako kilala.” Umupo siya sa harap ko hawak pa rin ang
tanikala. “Eh si Sir Brian.. naalala mo pa ba?”

Nanlaki ang mga mata ko noong naalala ko ang librarian na walang awang pinatay...
siya ang pumatay? Narinig ko siyang tumawa... mahina ngunit nakakakilabot. Pigil na
pigil ngunit nakakapagpataas ng balahibo.

“Kilala mo na ko?” nakangiti niyang sinabi. ”Haaay talaga naman.” Tumayo siya at
naglakad habang ako ay naiwang nakatayo. Bigla siyang tumigil sa harapan ko at mas
lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa tanikala.

Papalapit siya nang papalapit.

“Kailangan mo nang magpahinga... tanda.” Ang huli kong narinig sa kanya.

Vince’s POV

Inilagay namin si Rain sa isang madilim na kwarto sa isang abandunadong gusali.


Hindi pa siya nagigising. Nawalan siya ng malay kanina noong binugbog ko siya.
Hindi ko napigilan ang galit ko. Hindi ko nakontrol ang sarili ko.

Umalis ako ng sandali upang bumili ng yosi. Walang masyadong tao sa paligid maliban
sa mga pumapasok sa isang malaking bar sa harap. Tumingin muli ako sa paligid, wala
bang tindahan dito? Pakshit naman oh. Kung kelan ko kailangan doon naman wala.

Lumapit ako sa isang bouncer.

“Boss, may yosi ba kayo diyan?” tanong ko sa kanya. Binigyan naman niya ako ng
isang stick at inilabas ko ang lighter na nasa bulsa ko at sinindihan ito. ”Salamat
boss!” sabi ko. Tumayo muna ako doon sa may harap ng bar habang hinihithit ko ang
sigarilyo.

Bumuntong hininga ako bago bumuga. Naiisip ko ba kung tama ba ang mga ginagawa ko?
Nasa tamang daan pa ba ako? Bakit ganito ang nanyayari? Napatakip ako ng mukha nang
naalala ko ang mukha ni Maeri na hirap na hirap. Hindi pupwede...kailangan kong
gawin ito. Para sa kanya. Para sa pinakamamahal ko, para kay Maeri.

Biglang may humintong sasakyan sa harapan ko.

“Pare? Anong ginagawa mo rito?” nakita ko si Ash na kasama ni Denise sa loob ng


sasakyan niya..

Tumingin ako sa bar sa likod ko tsaka muling tumingin sa kanila.”Naglilibang


lang.”

“Ah sige mauna na kami. Ihahatid ko pa si Denise sa bahay nila eh. Diyan lang sa
malapit na subdivision.” Pamamaalam ni Ash.

“Sige pare. Ingat kayo!” tumingin ako kay Denise at nginitian siya, ngumiti naman
siya sa akin bilang tugon. Kung ganun nga, kailangan ko nang magsimula.

Binitiwan ko ang sigarilyo na hawak ko at tinapakan ito hanggang sa mawala na ang


sindi nito. Naglakad na ako papasok sa abandunadong gusali, umakyat ako ng hagdanan
at binuksan ko ang pintuan sa pangalawang kwarto. Kinuha ko ang martilyo sa lapag
at tuloy tuloy na ako sa loob.

Rain’s POV

Kanina pa ko nakakulong sa madilim na kwarto na ito. Nasa harapan ko ang dalawang


kasama ni Vince na naka-maskara pa rin. Walang bintana o kung anong gamit din sa
kwarto bukod sa pintuang kahoy na may butas sa gitna nito na para bang sinira ng
kung sino. Narinig kong may nagbukas ng pinto at habang papalapit siya nang
papalapit ay naaninag ko na si Vince pala ito.

“V-Vince?” nakita ko ang hawak niyang martilyo. Nakaramdam na naman ako ng takot at
kaba. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.

“Nalalapit na ang katapusan mo Rain.” Sabi niya habang pinandidilatan ako.

Gusto kong tumakas... gusto kong tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi ko kaya.
Ang sakit ng katawan ko, puro pasa dulot ng mga suntok at sipa ni Vince at sa isang
saksak sa balikat ko.

Bakit hindi pa ba nila ako pinatay kanina?

“Parang a-awa mo na Vince... pare.” Ngunit imbis na tumugon sa pagmamakaawa ko ay


umupo siya sa harapan ko habang nakangiti nang malapad. Hawak hawak pa rin ang
martilyo ngunit may hawak na siya sa kabila niya kamay... p-pako?
“Parang kagat lang ng langgam ito.” Sabi pa niya. pagkatapos ay narinig ko ang
sabay sabay na tawanan ng mga kasama niya.

“Pare... maawa ka sa akin.”

Hindi pa rin siya umimik. Sumigaw ako nang ubod ng lakas noong bigla niyang
pinukpok ang pako sa paa ko. Nararamdaman ko ang pagbaon ng pako sa mga buto ko...
ang mabilis na pagtulo ng dugo at ang unti unti na pagbigay ng katawan ko.

Narinig kong mahina siyang tumawa at muli niyang binaon ang isang pako sa tuhod ko.
Lalo akong napasigaw. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat pagpukpok niya. Parang
binabasag ang mga buto ko. Nakita ko ang mga dugong nagtatalsikan sa mukha niya.
Ang sakit na para bang sumisira sa buong katawan ko.

"Vince. M-Maawa k-ka." Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan sa pagpukpok muli
ng pako sa balikat ko pero ilang segundo lang ay inalis niya ang pagkakahawak ko sa
kamay niya at itinuloy ang pagpukpok. Wala na kong nagawa kundi sumigaw muli.
Lumabas ang dugo sa bibig ko. Tuloy tuloy ang pagsirit ng dugo at halos mapupuno
na ata ang kinauupuan ko ng dugo.

Hinang hina na ako.

Gusto nang bumigay ng katawan ko. Muli kong tinignan ang duguan kong mga kamay at
paa. Hindi ko maigalaw kahit isang buto. Nakita kong muli siyang lumapit sa akin.
Gusto ko sanang magsalita ngunit para akong napipi sa sakit. Ang tangi kong lang
nagawa ay panourin siyang ilagay sa noo ko ang isang malaking pako at pinukpok
iyon nang sobrang lakas.

Ang huli ko lang nakita ay ang pagpasok ng isa pang lalaki sa kwarto.. nilapitan
niya sila Vince at tumingin siya sa akin... hindi maari ito... bakit nandito siya?

Nagdilim ang buong paligid.

Bigla akong napunta sa isa pang madilim na lugar. Nakita ko si Maeri na nakatayo sa
harapan ko. Nakangiti siya habang inaabot niya sa akin ang kamay niya. Bigla kong
naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko. Masyadong malaki ang utang ko sa kanya
siguro kung tutuusin hindi pa sapat ang buhay ko para mabayaran ko lang lahat ng
iyon. Aabutin ko na sana ang kamay niya ngunit biglang may humatak sa kanya. Isang
malaking lalaki.

Hinabol ko sila, habol ako ng habol pero kahit anong gawin ko ay di ko sila
maabutan. Padilim ng padilim ang paligid na para bang lalamunin ako ng kadiliman
kung hindi ako tatakbo nang mabilis. Lumingon ako sa likod ko at may nakita akong
tumatakbo papunta sa akin. Kulay itim ang buo niyang katawan at tila ba'y nag-aapoy
ang mga mata niya. Narinig ko ang mga alon ng dagat pati na rin ang huni ng mga
ibon. Nagsiliparan sa harap ko ang mga uwak at ang nakapaligid sa akin ay mga
nagtataasang puno.

Narinig kong sinigaw ni Maeri ang pangalan ko na naging dahilan ng mas lalong
pagtakbo ko nang mabilis. Ibabalik kita Maeri. Pagbabayaran ko lahat ng nagawa kong
masama sayo. Biglang huminto ang ang lalaking humatak kay Maeri. Nakita ko ang
isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan. Nagpumilit na makaalis si Maeri ngunit
sadyang malakas ang lalaki. Naglalakad ako papalapit sa kanila nang biglang...

May nakita akong malaking liwanag sa di kalayuan. Ngunit ang pinagtataka ko ay


hindi ito masakit sa mata. Gumaan ang loob ko nang nakita ko ang liwanag na iyon.
Dahan dahan akong lumapit sa liwanag at mayroon akong nakita na lalaking naka-puti.
Nagliliwanag ang buo niyang katawan at ang tangi ko lang nakikita ay ang kamay
niyang nakaabot sa akin.

Nakaramdaman ako ng saya, kapanatagan ng loob at para bang pinapakalma niya ang
buong kalooban ko. Nawala ang sakit ng paa ko sa kakatakbo. Pero bigla akong
napaatras at paglingon ko sa likod ko ay nakita ko naman ang lalaking nag-aapoy ang
mata. Nakatayo lamang siya doon at nakangiti sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya
at biglang nanumbalik sa akin ang lahat..s i mommy... si daddy.., si Amanda at ang
mukha ni Maeri.

Napaupo na lang ako habang ang dalawa kong kamay ay nasa ulo ko. Sinubukan kong
sumigaw pero wala akong narinig, sinubukan kong umiyak pero walang tumulong kahit
isang luha. Tumingala muli ako sa lalaking nag-aapoy ang mga mata na nasa harapan
ko pa rin, nakangiti pa rin siya at bigla na lang tumayo ang buo kong katawan....

....at sumama sa kanya.

Denise’s POV

Pinaandar na niya muli ang kotse. Hindi pa rin matanggal sa utak ko ang mukha ni
Andy. Tinignan ko muli ang cellphone ko, hanggang ngayon wala pa ring text galing
sa kanya. Gusto ko sana siyang tawagan ngayon pero sa tingin ko mamaya ko na dapat
gawin iyon, nakakahiya naman kay Ash.
Tinignan ko si Ash at napangiti na lang ako.

Ibang kiliti ang nararamdaman ko ngayon, kakaiba sa lahat ngunit may kaunting kaba
sa dibdib ko.Ayos lang kaya itong ginagawa namin? Kung magkakagusto nga ako sa
kanya, ayos lang ba?

Nagulat ako nang huminto ang kotse.

“Pare? Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ash kay Vince. Nasa tapat lamang ito ng
bintana at may hawak hawak na sigarilyo.

Tumingin siya sa bar na nasa likod niya bago siya tumugon sa tanong ni Ash.
”Naglilibang lang.” Sa dinami-rami ng nanyari siguro nga kailangan niyang maglibang
kahit papano lalo na’t nawawala pa ang katawan ni Maeri.

“Ah sige mauna na kami. Ihahatid ko pa si Denise sa bahay nila eh. Diyan lang sa
malapit na subdivision.” Sabi muli ni Ash.

“Sige pare. Ingat kayo!” sinabi niya na sumaludo sa amin bilang pamamaalam.
Nginitian ko si Vince nang ngumiti siya sa akin.

Gusto ko sanang basagin ang katahimikan na nangingibabaw sa amin ni Ash pero wala
akong maisip na sabihin. Dapat ba kong magpasalamat o humingi ng tawad o kaya
sabihin ko na hanggang ngayon ayaw ko pa rin sa sinabi niya?

Huli na ng napansin ko na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Binuksan niya ang
pintuan at bumaba na ako. “Bye.” Ang tangi niyang sinabi. Kinuha niya ang kamay ko
at tinignan ito ng ilang segundo habang ako ay naiilang sa posisyon namin. Baka
makita ni mama... pero kahit ganito napangiti muli ako lalo na nang hinalikan niya
muli ang noo ko. Dahan dahan niyang inilayo ang mukha niya at itinapat ang mga labi
niya sa labi ko hanggang magdampi muli ang mga labi namin.

Katulad ng halik niya dati. Marahan... hindi nagpupumilit pero may kakaiba akong
nararamdaman ngayon parang ayaw kong matapos ito. Parang gusto kong tumigil ang
oras.

“Good Night Denise.” Narinig kong sinabi niya at lumakad na siya papunta sa kotse
niya. Kumaway siya habang nasa loob at nanatili lang akong nakatayo rito. Nakapikit
ako habang nakahawak sa dibdib ko na parang gustong sumabog.
Dumilat ako at halos mahimatay ako sa gulat nang nakita ko si Andy sa harap
ko.Ibang iba ang itsura niya. Amoy rin siyang... alak.

“A-Andy?” kinikilabutan ako. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin habang ako naman
ay umaatras. Magsasalita pa sana ako ngunit parang hindi naman siya handang makinig
sa mga sasabihin ko.

..parang hindi ang best friend ko ang kaharap ko ngayon.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: TRUST ME, I'M LYING.

C18: Trust me, I'm lying. >>

VOTE| COMMENT | FAN

---

Denise’s POV

“Andy?” inulit ko muli ang pagtawag sa pangalan niya ngunit para bang hindi niya
pa rin ako naririnig. Ang mga mata niya... nakatitig lang sa mga mata ko. Kitang
kita ko na pinagpapawisan siya. Pansin ko ring nanginginig ang buo niyang katawan
at namumutla ang mukha niya. Atras pa rin ako ng atras hanggang sa nakasandal na
ako sa pader. Lumapit pa rin siya sa akin hanggang sa magkalapit na ang mga mukha
namin.

“D-Denise?” ramdam ko ang tensyon sa pagtawag niya sa pangalan na para bang hirap
na hirap siyang sabihin ito. Mas lalo kong naamoy ang alak.

Inilapit pa niya ang mukha niya.


Hanggang sa biglaan siyang bumagsak sa akin. Buti na lang at nahawakan ko siya
ngunit sobrang init niya. “Andy!” pilit kong siyang ginising ngunit nagsalita
lamang siya.

“Ang... lamig.” Bulong niya.

Tinawag ko agad si mama at papa. Inihiga nila si Andy sa kama ko. Sobrang init pa
rin niya.

“Denise. I-check mo ang temperature niya.”

Agad ko namang kinuha ko ang thermometer sa may first aid kit ni mama. Nagmamadali
akong bumalik sa kwarto. Ngayon lang ako nataranta nang ganito.

“Ma, 39.8 celsius po!” tumakbo agad ako kay mama. ”Anong gagawin natin? Isugod na
kaya natin siya sa Hospital?”

“Relax lang anak. Ipunas mo ito sa paa’t kamay niya pati na rin sa mukha niya.
Pakainin mo siya at painumin mo siya ng gamot. Obserbahan natin siya ng ilang oras
at baka bumaba na rin ang lagnat niya.” Ibinigay sa akin ni mama ang bimpo na
binabad niya sa maligamgam na tubig. Kinuha ko ito at sinimulang punasan ang
magkabilang kamay ni Andy.

Andy...

Sorry....

Sorry sa lahat...

May tumulong luha galing sa kaliwa kong mata. Agad ko namang pinigilan ang pag-
iyak ko at pinapatuloy na lang ang pagpupunas sa katawan ni Andy. Pinagpapawisan pa
rin siya at patuloy ang panginginig ng buo niyang katawan.

“Ang lamig.” Muli niyang sinabi.


Tinititigan ko ang mukha niya habang dahan dahan kong pinupunasan ito. Nakakunot
ang noo at halatang hirap na hirap siya. Paulit ulit niyang sinasabi na nanlalamig
siya. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa mukha niya hanggang sa leeg.

Bigla kong naalala ang nanyari kanina... ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam
na matagal na pala siyang nasasaktan. Sa mga ginagawa ko... sa mga sinasabi ko...
hindi ko alam na naapektuhan na pala siya. Masyado akong naging makasarili, masyado
akong naging manhid. Ngunit... huli na ba? Baka hindi na niya ako patawarin. Hindi
ko kayang mawala si Andy sa akin.

Nagulat ako nang biglaan niyang hawakan ang kamay ko. Tumingin ako muli sa kanya at
tulog naman siya.

“Ang lamig. Ang lamig.”

Bigla ko namang narinig ang pag-ring ng phone ko. Inalis ko ang kamay ko sa
pagkakahawak ni Andy. Binanlawan ko muna ang bimpo sa maligamgam na tubig at
inilagay sa noo ni Andy bago sagutin ang tawag ni Ash.

“Denise?” narinig ko ang boses niya ngunit may kakaiba... parang... hingal na
hingal siya.

“Bakit ka napatawag Ash?”

“Nasan ka ngayon?” hindi niya binigyang pansin ang tanong ko bagkus ay sinagot rin
niya ito ng isa pang tanong.

“Nasa bahay.” Tugon ko.

“Pwede ba tayong magkita ngayon?”

“Ha? Bakit?”

“Kailangan kita ngayon... kailangan ko ng kaibigan. Denise... please.”


Tumingin ako kay Andy.

“Sorry Ash pero hindi ako papayagang umalis ni mama at papa ko ngayon e. Sorry
talaga.”

Narinig kong bumuntong hininga siya.

“Sige Denise, naiitindihan ko.” Pansin kong unti-unting nababasag ang boses niya.
Tinawag ko muli ang pangalan niya ngunit binaba na niya ang phone.

Pasensiya ka na Ash... mas kailangan ako ni Andy ngayon.

Bumaba na ko sa kusina para kuhanin ang pagkain at gamot ni Andy. Nasa isip ko pa
rin ang tawag ni Ash kani-kanina lang. Mukhang problemado siya... paano kung may
nanyaring masama? Pano kung---Nanlaki ang mga mata ko nang nakarinig ako ng sigaw
mula sa kwarto kung saan nakahiga si Andy.

Nagmadali akong pumunta sa itaas. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako noong nakita
ko si Andy na nagwawala at sumisigaw habang tulog. Inilapag ko muna ang hawak hawak
kong tray sa lamesang katabi ko.

“Mama tama na! Mama sorry! Hindi ko po sinasadya! Tama na po!" tumakbo ako papunta
sa kanya. Ilang beses kong inalog ang katawan niya ngunit hindi siya nagigising.
Sigurado akong nagde-deliryo siya ngayon.“Mama sorry na! Hindi ko na po kaya mama!
Maawa po kayo!” Narinig kong tumatakbo na sila mama papunta sa kwarto ko.

“Mama please... mama!” sumigaw siya nang ubod ng lakas na para bang hinampas ng
kung anong nagdulot ng malubhang sakit sa katawan niya. Nagsimula siyang umiyak
nang umiyak habang nagmamakaawa. ”Mama... parang awa nyo na!”

Nakita kong tumatakbo papalapit sa akin sila mama at papa.

“Mama parang awa nyo na. H-Hindi ko na kaya." Muli niyang sinigaw. Ang mga paulit
ulit niyang sigaw... sobra akong nababagabag. Para siyang binabangungot.

“Mama anong gagawin natin?” humarap ako kay mama na punong-puno ng pag-aalala sa
mga mata ko. Hinawakan ni mama ang kamay ko at binuhat naman ni papa si Andy
hanggang sa pagpasok sa kotse. Sumunod kami ni mama at pumunta na kami sa Ospital.
Alex’s POV

“Punyeta kang Alex ka!” sigaw sa akin ni papa noong nalaglag ko ang ilang platong
hinuhugasan ko. “Wala ka talagang kwentang bata ka. Kahit kailan tatanga tanga ka!”
dagdag naman ni Mama. Napasimangot na lang ako sa mga narinig ko. Pero ayos lang,
halos manhid na rin ako eh. Sanay na sanay na ko.

Kinuha ko na lang ang walis at dust pan. Sinimulan ko nang linisin ang mga nabasag
na plato. Narinig kong tinawanan lang ako ng demonyita kong kapatid. Tumingin ako
sa kanya nang masama ngunit dumila lang siya sa akin at inirapan ako. Hindi ko alam
kung bakit puro demonyo ang kasama ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagwawalis. At ilang sandali’y lumabas ako para itapon
ang mga bubog. Tumingin na lang ako sa langit at hiniling na sana’y maglaho na lang
ako.Lahat ng tao sa paligid ko... lahat sila... tatandaan ko lahat ng sinabi’t
ginawa nila sa akin. Pagbabayaran nilang lahat ng ito.

“Alex! Walangya ka, magtatapon ka lang ng bubog inabot ka ng siyam siyam diyan.
Halika ka nga rito! Linisin mo tong kwarto ng kapatid mo!” narinig ko ang malakas
na sigaw ni mama. Sinipa ko na lang ang bato sa harap ko dahil sa inis ko.

Bakit ba sila pa ang naging pamilya ko?

Sana pwedeng pumili ng mga taong makakasama mo. Sana pwedeng pumili ng sarili mong
katauhan at kapalaran. Yung bang hiling na sana iba na lang ako. Sana ibang tao
ako... edi sana hindi ko nararanasan ang mga ito. Tangina naman kasi eh, lahat na
ng kamalasan nasagap ko. Wala nang natirang maganda sa buhay ko.

“Hey bitch. Nagda-drama ka pa diyan, akala mo bagay sayo. Pumasok ka na dun,


linisin mo ang kalat ko!” sigaw ng kapatid ko sa akin. Nasa may pintuan siya at
nakapameywang.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Naglakad ako papunta sa kwarto ng kapatid ko. Nakita ko ang mga damit na nagkalat
sa lapag pati na rin ang kama niyang mukhang tambakan ng basura.
“Magrereklamo ka? Bilisan mo! May gagawin pa kong mas importante sa buhay mo.
Babalik ako dito after 10 minutes at kapag hindi yan kasing linis ng maganda kong
mukha, sasabihin ko kay mama na patulugin ka sa tabi ng aso sa labas!” sabi pa niya
at lumabas papunta sa sala. Siguro manonood ng t.v, katulad ng palagi niyang
ginagawa.

Sinimulan kong linisin ang kwarto niya nang may nakita akong kwintas sa ilalim ng
kama niya. Ang ganda. Siguro bigay ni mama at papa ito. Tinignan ko muli ang kwarto
niya. Ang dami niyang damit. Ang dami niyang alahas at sapatos. Ang laki at lambot
ng kama niya. Nasa kanya ang lahat ng wala ako. Halos wala ngang laman ang cabinet
ko eh. Hindi ako nagkakaroon ng mga katulad ng mga gamit niya. Naghihirap ako para
lang sa isang t-shirt. Nagta-trabaho ako minsan para sa sarili kong
pangangailangan. Wala naman ako mapapala sa kanila. Dahil iisa lang ang anak nila.
Hindi nila ako tinuturing na anak.

Wala akong halaga sa kanila.

“Mama!” narinig ko ang sigaw ng kapatid ko. Napatingin ako sa kanila at ngayon ko
lang napansin na nasa likod ko na pala silang tatlo. Nakatingin sa akin nang ubod
ng sama. “Kinukuha niya ang kwintas ko!” tinuro niya ang hawak hawak kong kwintas.
Ako? Magnanakaw? “Kitang kita naman diba mama? Diba papa? Naiinggit sa akin ang
pangit na yan! Kasi loser siya!” Hinatak ni papa ang kaliwang kong kamay at tinulak
ako papalabas ng kwarto ni demonyita.

“Doon ka matulog sa labas! Walang lugar ang magnanakaw sa bahay na ito!"


pinagduduro ako ng tatay ko na para bang napakadumi kong tao.

“Papa Hindi po---“

“Klepto si Alex!” sigaw na naman ng kapatid ko. Tinignan ko muli sila papa at mama.
Pinandidirihan nila ako ngayon. Hindi naman nila papakinggan ang paliwanag ko kaya
wala akong nagawa kundi tumayo at maglakad palabas.

Walang tumulong kahit isang luha mula sa mga mata ko. Wala akong nadarama ngayon
bukod sa poot. Naglakad lakad ako sa labas. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong
pagmamahal. Walang nagparamdam sa akin na importante ako. Na karapat dapat akong
mabuhay ng masaya dito sa mundong ito.

Tinapakan ko ang latang nasa harap ko habang iniisip na ito ang mga taong
nagpapahirap sa akin. Ang pamilya kong walang kwenta... pati ang mga kaklase ko...
lalong lalo na si Summer.
Pfftt...

Mas madali nga kung kasing liit lang sila ng lata. Mas madaling durugin sila... mas
madaling pahirapan.

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakarinig ako ng sigaw sa may gilid ng daan.
Lumapit ako kung saan ko narinig ang sigaw. Ilang sandali lang ay nagtago ako dahil
nakarinig ako ng mga yabag ng paa papalayo. Lumabas lang ako noong wala na kong
narinig na yabag ng paa.

Lumapit ako sa nakahandusay na katawan ng isang lalaki. Hindi naman siya mukhang
matanda. Pormal ang suot niya at halatang mayaman. Ginilitan siya sa leeg at puro
saksak ang katawan niya. Nagkalat din ang mga gamit mula sa bag niya pati na rin
ang wallet. Sigurado akong ninakawan siya ng kung sino man ang iyon.

Tumingin ako sa daan at nabigla ako nang nakita ko si Angie na nakatalikod ngunit
nakalingon sa akin ang mukha niya na puno ng dugo. May hawak hawak siyang patalim
sa kanan niyang kamay na may tumutulong dugo rin mula rito. Nakakatakot ang mga
mata niya... ubod ng sama ang tingin niya sa akin. Napaatras ako. Ang akala ko ay
susugudin niya rin ako pero ngumiti lang siya at nagpatuoy sa paglalakad.

Andy’s POV

Napakasakit ng katawan ko paglabas ko ng bar. Hindi ko alam kung ilang beer ang
ininom ko. Umiikot ang mundo ko ngayon, pinagpapawisan ako ngunit lamig ang
nararamdaman ko. Sobrang sakit ng ulo ko at palakad lakad lang ako.

Muntik na kong hindi papasukin ng guard sa subdivision. Buti na lang at nakilala


niya ang tatay ko. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Tssss. Teka, nasan na ba ako?
Para bang wala akong kontrol sa katawan ko. May nakita akong babae sa harapan ko.
Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko ngunit hindi ko siya makita.

Lumapit pa ako ng kaunti..

“D-Denise?” sobrang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko sanang haplusin ang mukha
niya... gusto kong humingi ng tawad. Ngunit bigla ko na lang naramdaman na bumigay
ang katawan ko.
Pagkadilat ko ay nakita ko ang nanay ko. Hawak hawak na naman niya ang sinturon na
palagi niyang pinanghahataw sa akin.

“Hindi ka ba papasok sa loob ha?!” hinataw niya ulit ako sa braso.

“Mama.... ayoko po.” Tumingin ako sa ref na walang laman sa likod ko.

“Pumasok ka! Bilis!” Nakakatakot ang itsura niya. Pinandidilatan niya ako gamit ang
mga pulang pula niyang mga mata. Ngitngit siya nang ngitngit ng kanyang mga ngipin
habang nanlalaki rin ang butas ng ilong niya dahil sa galit. “Anong sinabi ko sayo?
Diba sabi ko wag na wag mo kaming inaabala?!" nakita ko ang lamesa na punong puno
ng iba’t ibang klase ng droga. Noong una hindi ko alam kung ano iyon basta halos
araw araw nagsisipuntahan ang mga tao rito sa bahay. Nakikita ko silang nagbibigay
ng pera kay mama at tapos ginagamit nila ang mga yon... mismo sa harap ko.

Binuhat ako ni mama papunta sa loob ng ref.M aliit lang ako kaya napagkasya niya
ako ng walang kahirap hirap. Nilakasan pa niya ang lamig ng ref. “Manigas ka diyan!
Punyeta ka!” at ang huli kong narinig ay ang pagtawag niya sa mga kaibigan niya.

“Ang lamig.”

“Ang lamig.”

“Ang lamig.”

Nabigla ako nang may nagbukas ng pinto ng ref. Nakita ko muli ang nanay ko. Hinatak
niya ako palabas. Nakita ko muli ang mga kaibigan niya nagtatawanan habang
sinisinghot ang mga hawak nilang foil ang iba naman ay may kung anong sigarilyo na
hinihithit. Ang iba'y nagwawala ngunit tawanan pa rin ang nangingibabaw sa kanila..

Tinulak ako ni mama sa banyo.

Bahagyang nauntog ako sa inidoro ngunit nakatayo naman agad ako. Pero huli na nang
nakita ko na may hawak na siyang bakal. Hinampas niya ako sa hita at napasigaw ako
sa sakit.

“Mama tama na! Mama sorry! Hindi ko po sinasadya! Tama na po!" Sigaw ko ngunit
naramdaman ko na hinataw na naman niya ako sa hita.

“HAHAHAHAHAHA!” narinig kong tumawa si mama. Tuwang tuwa siya habang sumisigaw ako.
Naka-kurba ang mga mata niya at abot hanggang tainga ang ngiti niya.

“Mama sorry na! Hindi ko na po kaya mama! Maawa po kayo!” Narinig ko muli ang
malakas niyang pagtawa. Tawa lang siya nang tawa habang nakahawak sa tiyan niya at
sa tingin ko ay pagkakataon na para makatakas ako. Sinubukan kong tumakbo palabas
ngunit nahampas niya ako sa tagiliran at napahiga ako sa may pintuan. Hinawakan
niya ang ulo ko at agad itong inuntog sa pintuan.

“Mama please... mama!” hindi ko napigilan ang muling pagsigaw at ang pag-iyak.
“Mama parang awa nyo na. H-Hindi ko na kaya." Muli kong pagmamakaawa nang nakita ko
na nakataas na ang bakal upang ihataw sa akin.

Napapikit ako.

“Tama na Mildred.” Narinig ko ang boses ni Papa. Tinulak niya palayo si mama at
binuhat ako. Umalis kami sa bahay na iyon at pinangako niya na hindi na kami
babalik kahit kailan.

Muling dumilat ang mga mata ko. Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa puting kama.
Tinignan ko ang buong paligid at nakita ko si Denise na natutulog sa tabi ko.

Totoo ang nanyari kagabi?

Agad akong bumangon. Tinanggal ko ang hospital gown na nakatali sa likuran ko at


tinignan ko muli si Denise... hindi na ko bagay para maging best friend niya.
Nakita ko ang phone ko na nasa mesa. Agad kong kinuha iyon at tinawagan si Papa.

“Anak? Nasan ka?” sa boses palang niya ay halatang nag-aalala siya. ”Bakit hindi
ka pa umuwi? Anong nanyari?”

“Pa, I’m okay. Uuwi na ko ngayon din.”

“Papasundo kita. Teka lang, nasan ka?”


“Hindi na kailangan papa. Magta-taxi na lang ako. Bye.” Binaba ko na ang phone.

Hindi na ko kailangan ni Denise.

Sa ngayon ayos lang sa akin na mag-isa..

-----------------------------------------x

A/N:

Bakit pumapatay si Angie? Kailangan nila ng pera. Silang dalawa ni Alyana. Kasi
wala naman sila sa mga magulang nila kaya no choice sila kundi magnakaw.

NEXT CHAPTER: WRONGDOERS.

C19: Wrongdoers. >>

Si Denise nga pala ang nasa gif --->

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise’s POV

Hawak hawak ko ang lunchbox na pinapabigay ni mama kay Andy. Biglaan na lang kasi
siyang umalis sa Ospital at kapag binigay ko ito... magso-sorry ako at sasabihin ko
na lalayuan ko na si Ash... para sa kanya. Naglalakad ako papunta sa classroom kung
saan ko nasalubong si Andy. Papunta siya sa c.r na nasa kabilang hallway.

“Andy!” tinawag ko siya ngunit hindi siya lumingon. “Andy!” tawag ko muli pero
sinuot lang niya ang earphones niya habang naglalakad na para bang sinasadya upang
sabihin na wala siyang balak na pansinin ako. Tinignan ko lang si Andy habang
papalayo siya. May naramdaman akong kaunting kirot... iniiwasan ba niya ako?
Ilang sandali ay tumuloy na ako sa classroom. Wala pa ring nagbabago, nakatingin pa
rin sa akin ng masama ang karamihan na halos sunugin na ako sa mga titig nila.
Inilapag ko ang bag ko at tahimik na umupo. Nakita kong pumasok si Vince. Tuloy
tuloy siya sa upuan niya kahit na binati siya ng ilan sa mga kaklase namin.
Napatulala siya sa black board na para bang may iniisip na malalim.

“Good Morning Denise!” bati sa akin ni Summer habang papunta sa upuan niya na nasa
likod ko.

“Morning.” Tugon ko at ngumiti lang siya sa akin.

Nabaling ang tingin ko kay Ash na papasok pa lang sa classroom. Sabay sabay siyang
binati ng mga babae sa klase.

“Gosh! Anyare sa mukha mo Ash?” narinig kong puna ni Anne sa kanya. Napatingin na
lang si Ash sa akin at tsaka ngumiti.

“Wala lang to.” Tipid na tipid niyang sagot. Tinitignan ko siya habang papalapit
siya sa kinauupuan ko.

“Sira ulo talaga yang si Ash.” Narinig kong sinabi ni Summer. Nilapit niya sa akin
ang upuan niya at nagpatuloy sa pagsasalita. “Tumawag ba naman sa akin noong
biyernes ng gabi tapos nadatnan kong ganyan na ang mukha.”

“Ako ata ang pinag-uusapan nyo ah?” hinatak ni Ash ang upuan sa tabi para umupo
malapit sa amin.

“Hoy ang arte mo ha? Kinukwento ko lang naman kay Denise na nakipagbugbugan ka.
Tapos sa akin ka pa tumawag. Anong tingin mo sa akin? Nanay mo?” tumawa si Summer
pagkatapos niyang magsalita.

“May tinawagan naman akong iba eh.” Napalunok ako sa sinabi ni Ash.”Ikaw lang
talaga ang handang tumulong sa akin.” Ngumiti siya. Ngiti na hindi ko alam kung
kalungkutan ba o kasiyahan. Mas lalo akong nakonsensiya. Mas lalo kong naramdaman
na dahil sa akin kaya nanyari iyon kay Ash.

“Ay teka, sasama ka ba sa fieldtrip Denise?” tanong sa akin ni Summer.


“Oo eh. Nagbayad na ko.” Sagot ko naman.

“Tabi tayo sa bus ah!” sabi ni Summer.

“Sige”

“Pa’no ako?” biglang nagsalita si Ash.

“Madami ka namang friends diyan. Sila na lang tabihan mo.” Tugon muli ni Summer
kasabay ng muling pagtawa. Nag-asaran sila. Kita ko kung gaano kasaya si Ash habang
kausap si Summer. Kita ko kung gaano sila ka-komportable sa isa’t isa. May kaunting
kirot muli ako na naramdaman. Sa bawat tawa at hagikgik nila ay isang kutsilyong
tumutusok sa puso ko.

Handa ko na ba talagang layuan si Ash?

“Summer at Ash, pinapatawag daw kayo ni Sir Buendia!” sigaw ni Amanda. Tumayo na
silang dalawa.

“Tara na Denise.” Hinawakan ni Ash ang kamay ko pero inialis ko lang ito. Hindi
naman sa nagtatampo o ano, pero kakaiba ang nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni
Summer.

“Dito na lang ako.”

“Sige, babalik din kami Denise!” sabi ni Summer habang papaalis.

Pagkalabas nila sa pinto ay nakita kong papalapit sila Amanda sa kinauupuan ko.
Nakasunod sa kanya ang mga kaklase namin. Nagtatawanan sila habang naglalakad
papalapit sa akin. Ipinatong ni Amanda ang dalawa niyang kamay sa desk ko at
tumingin sa akin.

“Oh my. Wala ka ng kakampi ngayon Denise.” Narinig kong muli ang sabay sabay nila
pagtawa.

“Umamin ka na kasi. Hindi ka naman naming isusumbong eh.” Kinuha ni Camille ang bag
ko. ”Mukhang mamahalin tong bag mo ah?” gusto ko sana siyang pigilan ngunit
naunahan ako ng kaba. Binuksan niya ang bintana na nasa gilid ko at inihagis ang
bag ko mula dito sa 3rd floor hanggang sa baba. Napatayo ako at tinignan ang bag
ko sa ibaba. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Camille habang nakangiti. “Ay
sorry. Madulas ang kamay ko eh.” At tumawa muli sila.

“Hindi ka ba talaga aamin Denise?” lumapit sa akin si Amanda. Napatingin ako sa mga
taong nasa likod nila. Mga kaklase ko na akala ko’y kakampihan ako. Mga kaklaseng
di ko aakalaing gagawin ito sa akin.

“Ilang beses ko bang sasabihin na, wala akong kinalaman?!” sigaw ko.

“Lumalaban ka na ngayon ah?” hinatak ni Amanda ang buhok ko, napasigaw ako sa
sakit. Halos kinakaladkad niya ako palabas. Nasa may pintuan na kami nang biglang
pumasok si Andy. “Uh oh. Here comes the Prince.” Narinig kong binulong ni Amanda.
Nakatingin lang ako kay Andy....

Andy....

...tulungan mo ko..

“Ililigtas mo ba ang best friend mo Andy?” tanong ni Camille sa kanya. Tumingin sa


akin si Andy at tsaka tumingin muli kala Amanda. Isang ngiti ang pumorma sa mga
labi niya.

“Best friend?” sabi ni Andy. ”Sa pagkakaalam ko, wala na akong best friend.” At
pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay lumakad na siya papunta sa upuan
niya.

Narinig ko muli ang tawanan nilang lahat pati ang mga hiyawan na patungkol sa akin.
Tinignan ko si Andy na tahimik na nagbabasa ng libro sa upuan niya. Walang ka-emo
emosyon ang mukha niya ngunit alam kong wala sa libro ang buong atensyon niya.
Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Andy ngayon pero hindi ko rin naman siya
masisisi. Siguro nagsawa na siya sa akin. Siguro sobra na siyang nasaktan o baka
nawalan na lang talaga siya ng pakialam.

Pinagpatuloy ni Amanda ang paghatak sa buhok ko. Ilang beses kong sinabihan na tama
na, ilang beses akong nagmakaawa na tigilan na lang nila pero hindi sila nakikinig.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nasa corridor. Lahat sila’y nakatingin sa
akin na para bang isa akong pulubi. Narinig ko rin ang tawanan ng mga 4th year.
Hiyang hiya ako ngayon, gusto kong lamunin na lang ako ng lupa. Gusto kong hindi
nila makita..

Nasa 1st floor na kami. Hindi ko alam kung san nila ako daldalhin. Ilang teachers
na ang nakakita ngunit wala silang ginagawa, sigurado akong ayaw nilang mapaalis
sila sa trabaho dahil halos buong klase ay nakasunod kay Amanda... mga mayayaman...
mga taong kaya silang patalsikin sa trabaho nila. Dito sa school na ito... pera
lang ang nagpapaikot sa lahat. Pera lang ang may kapanyarihan.

Nagpumiglas ako nang napansin ko na papunta kami doon sa lumang “Punishment room”
ng school. Pinilit kong sumigaw ngunit pakiramdam ko ay mabubunot lahat ng buhok
ko. Sobrang sakit. Ang nasabing Punishment Room ay ginamit noong 90’s pa, dito
kinukulong ang mga estudyanteng may ginawang masama at ang karamihan sa kanila...
ay namamatay.

Pero simula noong 1996, hindi na muling ginamit ang room na ito. Isang maliit na
kwarto lang siya na hiwalay sa mga building ng school... para siyang bodega...
walang bintana at madaming lock ang pintuan. May mga sabi-sabi na madami raw
kaluluwang nasa loob na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin kaya sa lahat ng parte
ng school, ito ang pinakakinatatakutang pasukin ng mga estudyante.

Sumigaw ako nang sumigaw. Ngunit tinakpan nila ang bibig ko. Binigay ni Amanda kay
Vince ang susi ng mga lock ng pintuan. Nakita ko namang binuksan ni Vince ang
pintuan kagaya ng sinabi sa kanya ni Amanda.

“Amanda... please.” Pagmamakaawa ko muli

“Too late dear.” At nakita kong tinulak ako papasok ni Vince. Nasubsob ako sa puro
alikabok na sahig ng kwarto. Tumingin ako sa paligid, sobrang dumi at baho... amoy
ng isang naaagnas na tao.... amoy malansa. Tumakbo ako sa pintuan at pinagsusuntok
ito. Narinig ko ang tunog ng mga locks.

“Vince! Amanda! Camille! Pakawalan nyo ko rito!”

Ilang beses kong inulit ang pagmamakaawa pero hindi nila ako pinakinggan. Takot na
takot kong tinignan muli ang buong kwarto. Hindi ko kayang patuloy na makulong
rito. Pakiramdam ko... mababaliw ako nang di oras.

Pumunta ako sa gilid at tinakpan ang mga mata ko.

“Panaginip lang to Denise. Hindi ito totoo... ilusyon lang lahat ng ito.” Ilang
beses kong binulong sa sarili ko.
Amanda’s POV

“Sigurado akong nanginginig na sa takot yang Denise na yan.” Sabi ko sa kanila.


Nasa harap pa rin kami ng Punishment Room. Nagsitawanan rin ang buong klase.
Pinatong ko ang kanang kamay ko sa balikat ni Vince. ”I’m glad na kakampi na kita.”
Ngumiti lamang siya at nakipag-apir sa akin.

Iba talaga kapag sikat. Madaming kakampi... madaming karamay. Ito ang pinapangarap
ko dati. Tama lang ang mga ginawa kokay Summer. Mas bagay naman sa akin ang trono
niya eh. Mas nagagamit ko sa mga mas nakakatuwang bagay. Napangiti na lang ako.

“Guys, hindi ba siya mahihirapan huminga sa loob?” nakita ko si Nichole na nasa


harap ng pintuan. Hawak hawak niya ang mga locks. ”Baka... mamatay rin siya katulad
ng iba. H-Hindi ba... magiging mamatay tao rin tayo kapag nanyari yon?” napaupo
siya sa lapag. ”Ayoko... ayoko... pakawalan na natin siya please.”

“Shut up Nichole. Bakit ka ba sumama pa dito? Masyado kang mahina. Hindi ka bagay
na kasama namin. Kung ikulong na lang din kaya kita?” narinig kong sinabi ni
Camille.

Ilang minuto na ang nakakaraan. Wala na kaming naririnig na sigaw mula sa loob.
Wala ng mga pagmamakaawa. Nakakainis naman. Mas magandang pakinggan ang mga sigaw
ni Denise.... mga pagmamakaawa. Pakiramdam ko’y superior ako. Makapanyarihan dahil
kayang kaya kong gawin ito.

Sa tingin ko ay umabot hanggang tainga ang ngiti ko noong nakita kong papalapit na
si Summer at Ash sa kinatatayuan namin. Pumameywang akong at nginitian ang mga
kasama ko. Nagsingitian din sila sa akin. Handang handa na kami sa laban lalo na’t
madami akong kakampi. Kayang kaya ko sila.

“Nasan si Denise?” lumapit sa akin si Ash.

“Kahit kailan talaga.Wala kang puso Amanda.” dagdag ni Summer.


Lumapit ako kay Summer.

“O c’mon Summer.Ikaw ang nagturo sa akin nito diba? Nilamon ka na rin ng kasikatan
noon. Hindi mo na ba naalala? Lagi tayong magkasama sa mga ginagawa natin. Ikaw ang
nagturo sa akin upang maging ganito.” Nakita kong sumama ang mukha niya. Sigurado
akong galit na siya ngayon.

“Amanda, wala akong kinalaman kung bakit naging ganyan ka. Wala akong ginagawang
halimaw. Tinulungan kita dati. Tinuring kitang mabuting kaibigan. Kung patuloy mo
pa ring sisisihin ang mga tao sa paligid mo. Wala kang mapapala. Ang nanay mo, ang
tatay mo pati na rin ako... hindi naming ginawa sayo yan dahil ikaw mismo ang
nagpahirap sa sarili mo. Wag na wag mo akong idadamay!”

“Putangina mo!” hinatak ko ang buhok niya gamit ang dalawa kong kamay. Sinubukan
akong pigilan ng mga kasama ko ngunit masyado akong galit... gusto kong kalbuhin
tong babaeng ito! Pilit na tinatanggal ni Summer ang mga kamay ko. ”Sa tingin mo
hindi ko alam! Ha?! Noong mga panahon na yon! Ang tingin mo lang naman sa akin ay
isang loser diba?!”

Tinulak ako ni Ash na naging dahilan ng pagkasubsob ko sa damuhan. Galit na galit


ko silang tinignan.

“Anong sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!” sigaw ko kay Ash.

“Ikaw, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Ano bang ginawa sayo ni Denise para
gawin mo to sa kanya?! Ano bang ginawa sayong masama ni Summer para isisi mo sa
kanya ang lahat? Bakit ka ba ganyan Amanda? Hindi ko na alam ang iisipin sayo.
Masyado ka ng malala!”

Ngayon lang ako sinigawan nang ganito ni Ash. Hindi ako makapagsalita para akong
napako sa kinauupuan ko. Hinawi ko lang ang buhok ko at tsaka tumayo. Hinarap ko
muli sila ng may tapang sa mga mata ko. Hindi. Hindi ako magpapatalo... hindi ko
kayang maging isang maliit na dumi na lang sa harap nila na handa nilang tapak
tapakan. Marami na akong pinagdaanan... hindi ko kayang madapa ngayon kung kailan
nasa akin na ang lahat ng gusto ko. Hindi ko kayang bitawan na lang ang lahat ng
dahil dito.

“Wala kang pake Ash at bakit ba lagi mong pinagtatanggol si Denise ha? Ano ba siya
sayo?” Napangiti na lang muli ako nang naalala kong nasa panganib pa rin si Denise
sa loob. Maaring... wala na siyang masagap na malinis na hangin. “Ah nasa loob pa
pala si Denise.” Tumingin ako sa Punishment Room na nasa likuran lang namin.
”Sinong gustong magbukas?” itinaas ko ang mga susi agad namang kinuha ni Ash ang
mga ito. Tumakbo siya papalapit sa pintuan at binuksan ito.
Tinignan ko ang reaksyon ni Summer habang pinapanood niyang magmadali si Ash na
pakawalan si Denise. Kitang kita ko ang inggit sa mukha niya. Ang ekspresyon na
matagal ko nang gustong makita... kahit anong sabihin niya... alam kong..

...si Ash pa rin ang mahal niya.

Ash’s POV

Pagkabukas ko ng pintuan ay napatakip ako ng bibig dahil sa amoy. Bumungad sa akin


ang walang malay na katawan ni Denise. Binuhat ko siya at tinakbo sa clinic.
Narinig kong tinawag ako ni Summer pero nagtuloy tuloy pa rin ako dahil simula
noong gabi na yon... desidido na ako.

Tatapusin ko ang sinimulan ko hanggang dulo.

“Na-suffocate lang siya pero wala namang nanyaring malala sa kanya. Kailangan lang
niya ng pahinga.” Kausap ko ngayon si Nurse Tin. Tinignan ko muli si Denise na
nakahiga, napa-buntong hininga ako. Mabuti na lang at naagapan. Mabuti na lang at
walang nanyaring masama.

Ilang oras na ako nandirito sa clinic. Pilit akong pinapapasok ni nurse sa klase
pero nagmatigas ako. Hindi ko kayang makita ang mga pagmumukha ng mga kaklase ko
baka kung ano ang masabi ko sa kanilang lahat. Nauulit ang lahat. Ang mga kaguluhan
noon... lahat. Pero inaalis ko ito sa isipan ko. Hindi. Hindi pupwede.

“Malapit na ang uwian Ash. Bakit hindi ka muna kumain? Kaninang umaga ka pa hindi
kumakain eh.” Sabi muli sa akin ni Nurse Tin. Nagugutom na rin naman ako kaya
sinunod ko na lang si nurse pero pinangako ko na babalik ako. Pagkalabas ko ng
pintuan ay nakita ko si Andy na nasa labas. Nakatingin siya sakin gamit ang mga
blanko niyang mata.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko sa kanya ngunit bigla siyang naglakad palayo.
“Ganun na lang ba?! napatigil siya at lumingon muli sa akin. “Hanggang dito ka na
lang ba? Bibitawan mo na lang si Denise ng ganun? Andy, kailangan niya ng kaibigan.
Kailangan ka niya! Ikaw ang best friend niya diba? ”

Narinig kong tumawa siya.

“Best friend?” naglakad siya papunta sa kinatatayuan ko.”Wala na akong best friend.
Inagaw mo siya. Inagaw mo si Denise sa akin!” nanlalaki ang mga mata niya habang
dinuro-duro ako.

“Hindi siya sayo!” hinawakan ko siya sa kuwelyo at isinandal sa pader. "Papabayaan


mo si Denise? Dahil lang sa akin?! Eh sira pala ang ulo mo eh! Ganun na lang ba
siya kadaling iwanan? Naggagaguhan lang pala tayo rito eh! Akala ko ba best friend
mo siya? Magaling ka lang magsalita pero hindi mo naman kayang panindigan! Duwag!"

“Tapos ka na?” inalis niya ang kamay ko at itinulak ako palayo. “Kung ano man ang
desisyon ko. Kung ano man ang gusto kong gawin. Wala kang karapatan para sumbatan
ako! Dahil unang una, ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!”

Tumayo ako. “Wala akong kasalanan Andy dahil ako, hindi ko siya iiwan sa ere. Kaya
kong gawin lahat ng hindi mo kayang gawin!”

“Mabuti naman. Ipagtanggol mo siya hangga’t kaya mo.” Nakita kong ngumisi siya at
lumakad palayo.

Lilith’s POV

Inilagay ko si Griselda sa kabilang duyan at nagduyan akong mag-isa. “Ang saya saya
diba Griselda?” tinignan ko siya habang ngiting ngiti siya. ”Matagal na rin tayong
hindi nakakapaglaro rito.”

“Hindi ka ba nalulungkot?” narinig ko muli ang maliit na boses ni Griselda.

“Bakit naman ako malulungkot Griselda? Eh nandiyan ka naman.” Mas binilisan ko pa


ang pagduyan ko. Medyo tumawa pa ako habang nagduduyan nang may nakita akong
dalawang paa sa damuhan.Tumingala ako at may nakita akong lalaki.
“Ako nga pala si Teacher Paolo mo Lilith.” Agad kong kinuha si Griselda at niyakap
ito.

“Isang kaaway... mag-ingat.” Ang paalala sa akin ni Griselda. Tumingin muli ako sa
lalaking nasa harapan ko.

“Teacher.... nakapatay ka na diba?”

Dugo..

Puro dugo ang naamoy ko sa kanya..

-----------------------------------------x

A/N:

Oo nga pala baka magtaka kayo kung bakit nakakapag-aral pa si Lilith. May nag-ampon
sa kanya.

NEXT CHAPTER: HATRED AND VENGEANCE.

C20: Hatred and Vengeance. >>

VOTE | COMMENT | FAN!

------

Teacher Paolo’s POV

“Teacher....nakapatay ka na diba?”
Napaatras ako nang narinig ko ang mga katagang iyon mula sa bibig ni Lilith, isa sa
mga estudyante ko. Hindi pupwede. Paano niya nalaman? Napalunok ako ng ilang beses.
Nararamdaman ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng pawis ko mula sa ulo ko hanggang sa
mukha ko.

“A-Ano ba yang sinasabi mo Lilith?"

Inilapag niya ang hawak hawak niyang teddy bear at lumapit sa akin. Hinawakan niya
ang dalawa kong kamay at inamoy amoy pa ito. Parang gusto kong tumakbo palayo sa
kanya dahil sa binibigay niyang kakaibang aura. Kasalukuyan pa rin niyang inaamoy
ang mga kamay ko. Bigla siyang tumingala hanggang sa kakaunti na lang ang pagitan
ng mukha niya sa mukha ko.

“Ang mga kamay mo, punong puno ng dugo. Nakikita ko sa mukha mo, ang pagkauhaw,
hustisya. Hustisya ang gusto mong isigaw.” Pabulong niyang sinabi. Sa lubhang
pagkatakot ay inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“A-Ano bang problema mo?!” hindi ko namalayan na napalakas na pala ang tono ng
pananalita ko. Siya... anong klaseng tao siya. P-Pano niya nalaman ang mga iyon?
Normal pa ba siya? Nakatingin pa rin sa akin ang nakakapangilabot niya mga mata.

“Totoo diba?” inilapit niya ang ilong niya sa may dibdib ko. ”Punong puno ng poot
ang puso mo..” Itinulak ko muli siya papalayo.

Pinagpag lang niya ang suot niyang uniporme nang tumayo siya. Tumingin ako sa
paligid. Wala namang nakakita. Hindi ko alam kung bakit nandirito pa siya. Sa
tingin ko ay kami na lang ang tao sa school bukod sa guard. Hahawakan ko sana siya
sa braso at hahatakin. Hindi maaring may makaalam ng tungkol sa akin... walang
dapat makaalam sa mga ginagawa ko. Ngunit hindi ko ito nagawa nang biglang may
dumating na isang babae, may suot itong salamin at tiyak kong mas bata sa akin ng
kaunti. Agad agad itong lumapit kay Lilith at kinausap ito.

“Kanina ka pa naming hinahanap. Ba’t ba hindi ka pa umuwi?”

“Gustong kong maglaro dito kasama ni Griselda.”

“Ikaw talagang bata ka.” Lumingon sa akin ang babae. “Sorry po mister, may mali
lang talaga sa pag-uutak itong alaga ko. Kung ano man po ang nasabi at ginawa
niya... sana wag nyo pong masyadong isipin ang mga yon.” Halata na isa siyang
nurse.
“Ayos lang po. Mabait naman si Lilith. Tinatanong ko lang siya kung bakit nandirito
pa rin siya sa school.” Nginitian ko ang babae. Tumingin muli ako kay Lilith na
nakatayo lamang habang hawak hawak ang teddy bear niya. Pinanood ko sila nang
naglalakad sila palayo sa akin.

“Ate Melissa.”

“Elissa name ko Lilith.”

“Ate Melissa... wala ka bang naamoy na masama dun sa teacher na yon?”

Napatigil sila ng sandali.

“Sabi ni Griselda, kaaway siya. Dugo. Hindi mo ba naamoy ang dugo sa kanya Ate
Melissa?”

“Lilith! Tinatakot mo naman ako eh. Uwi na nga tayo.”

“Sige Ate Luisa.”

Napahawak ako sa bibig ko... ibig sabihin, baliw nga siya? Ngunit papaano... paano
niya nalaman? Inilagay ko muli ang kamay ko sa bulsa ko. Kinapa ko ang panyo.
Inilabas ko ito at idinikit sa pisngi ko. Wala na akong ibang gusto kundi makamit
ang hustisya na ilang buwan ko nang hinahanap-hanap. Pero kung magpapatuloy ito...
maaring may makaalam na iba. Ayokong makulong. Kaya lahat ng haharang sa daan ko ay
karapat dapat na patahimikin.

Pinaandar ko na ang kotse papunta sa bahay. Dapat nasa tabi ko siya ngayon. Dapat
maligaya kami. Ngunit nawala ang lahat sa akin dahil sa mga taong hindi ko akalain
na kayang gawin ito sa aming dalawa. Dahil sa kanila... nawala ang pinakamamahal
ko.

Suicide?

Eh gago rin pala sila eh! Hindi niya ko kayang iwan. Hinding hindi kayang patayin
ni Yuko ang sarili niya! Napahampas ako sa manibela nang naalala ko muli ang lahat.
Sa isang iglap, naiwan akong mag-isa. Muntik na akong hulihin ng mga pulis.
Madaming nagsabi na ako ang may sala sa pagkamatay ng pinakamamahal ko.

Hindi ako makakapayag na ako lang nasa impyerno. Hindi ako makakapayag na ako ang
magdudusa. Isasama ko sila sa paghihirap ko.
Binuksan ko ang pintuan at dumiretso sa kwarto kung saan ko nakitang himbing na
himbing siya sa pagtulog. Sinipa ko ang likuran niya na naging dahilan ng
pagkagising niya. Hinatak ko ang buhok niya papalapit sa mukha ko.

“Umamin ka na! Ikaw ang pumatay kay Yuko diba?!”

“P-Please... wa-wala akong kinalaman sa pagkamatay ni teacher Yuko. Pakawalan nyo


na a-ako.” pagmamakaawa muli ni Maeri. Maluha-luha pa rin ang mga namamaga niyang
mga mata. Tumayo ako ng ilang sandali upang may kuhanin sa drawer. Bumalik muli
ako kay Maeri. Pinagduldulan ko sa mukha niya ang cellphone ni Yuko kung saan
nakabukas ang huling mensahe sa inbox niya. “Wala kang kinalaman?! Eh ano tong
message na to ha?!” sigaw ko habang pinandidilatan siya.

Sender: Maeri_Class3C

Message: Hey, Bitch! Sino ka ba sa inaakala mo ha?! Kapag sinabi mo iyon sa parents
ko. Papatayin kita! Huwag na huwag mo kong susubukan, teacher ka lang! Don’t ever
dare to threaten me kasi Hindi mo ako kaya!

“Anong ibig sabihin ng text na yan ha?!” sigaw ko muli sa kanya. Nanlaki ang mga
mata niya noong nakita niya ang message. “Pinoprotektahan ko lang naman ang sarili
ko.” Sabi pa niya. “Pero hindi ko siya pinatay! Binabalaan ko lang siya.”

“Hindi ako naniniwala sayo!” binato ko sa mukha niya ang hawak kong cellphone.
Bigla akong nakaramdam ng pagkairita. Naramdaman ko ang sobra sobrang galit na
sumisira sa utak at puso ko. Tumingin tingin ako sa paligid nang natanaw ko ang
isang ice pick sa kusina. Kinuha ko ito at bumalik agad sa kwarto. Ini-lock ko ang
pinto habang hawak hawak ang ice pick sa likuran ko. Nakatitig ako sa kanya habang
papalapit ako sa kinauupuan niya.

Itinaas ko ang ice pick sapat para makita niya ang katapusan niya. Hindi ko akalain
na maiiligtas siya ng mga kaklase niya ng oras na yon. Mukhang mali ang kalkulasyon
ko sa mga nanyayari. Ang pagpasok ko sa school na yon... ang pagiging adviser ko sa
punyetang Class 3-C at ang paghahanap ko ng kasagutan sa pagkamatay ng mahal ko.
Anong manyayari kung pumalpak ako?

Hindi ko kaya..

Hindi maaring pumalpak ang plano ko. “Please... parang awa nyo na." Narinig ko na
naman ang pag-iyak niya. Lumapit ako sa kanya. Itinapat ko ang ice pick sa pisngi
hanggang sa leeg niya. Ramdam ko ang panginginig ng buo niyang katawan. Napangiti
na lang ako ng paulit-ulit ko na namang narinig ang pagmamakaawa niya.

“Wala ka ba talagang alam?” mas lalo kong diniinan ang pagkakatapat ko ng ice pick
sa leeg niya. “W-Wala akong alam. P-Pakawalan nyo na ako p-please.”

Agad kong sinaksak ang ice pick sa kanyang tagiliran. Narinig ko na naman ang sigaw
niya. Hindi na siya natuto.. walang makakarinig sa sigaw niya. Wala tutulong sa
kanya. Paulit-ulit siyang sumigaw nang susunod sunod ko siyang pinagsasaksak ng ice
pick sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Pinilit niyang gumapang papalayo pero
sadyang mabilis ang kamay ko hanggang sa nakuha ko ang ulo niya.

“Paalam Maeri.” Ang huli kong sinabi at saka sinaksak ko muli siya ng ice pick sa
batok.

Bumagsak siya sa harapan ko. Tulo nang tulo ang dugo mula sa bibig niya. Tinignan
ko ang sahig na punong puno ng dugo. Ilang segundo na lang ay babawian na siya ng
buhay. Dahan-dahan kong hinawakan ang mga sariwang dugo mula sa katawan ni Maeri.
Ipinahid ko ito sa pisngi ko hanggang sa bigla akong nakaramdam ng kasiyahan... ng
kaginhawaan.

Kaunting hakbang na lang... makakamit ko na ang hustisya.

May narinig akong tumutunog na music box sa sala. Agad kong inilapag ang ice pick
katabi ng walang buhay na si Maeri. Binuksan ko ang pinto at nagmamadaling pumunta
sa sala kung saan ko nakita si Yuko na nakaupo habang nakalapag sa hita niya ang
music box.

“Yuko.” tinawag ko ang pangalan niya. Lumingon siya sa kinatatayuan ko at tsaka


ngumiti. Inaabot niya ang kamay niya na agad ko namang inabot. Hinaplos haplos ko
ito at idinikit sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. ”Yuko... miss
na miss na kita.” Ang tangi kong nasabi.

Nakita ko na muli siyang ngumiti. Ang ngiti na nagpapaliwanag ng mundo ko... ang
ngiti na handa kong pagmasdan hanggang sa kamatayan ko. “Dito ka na lang... wag mo
na akong iwanan.” Unti unting nababasag ang boses ko. Inalis niya ang pagkakahawak
ko sa kamay niya at inilagay ito sa mga mata ko. Pinikit niya ang mga mata ko at
pagkadilat ko ay nadatnan ko ang sarili ko sa lugar kung saan namatay si Yuko.

Nakita ko sa bathtub ang walang buhay na katawan ni Yuko. Umaapaw sa dugo ang
bathtub. Tinignan ko ang buong banyo hanggang sa natuon ang atensyon ko sa taong
nagsusulat sa pader. Masyadong madilim... hindi ko mamukhaan ang taong iyon. Pero
ngayon, alam kong kilala ko na siya.
“LIAR.” Bulong ko habang binabasa ang sinusulat niya. Nilapitan ko siya. Sinubukan
kong iharap siya sa akin ngunit hindi ko siya... mahawakan. Galit na galit niyang
nilalagyan ng dugo ang buong pader. Sinira niya ang mga kurtina. Narinig kong
sumigaw siya ng ilang beses... tinignan niya muli ang bangkay ni Yuko. Patakbo
siyang pumunta rito at sinakal ito nang sinakal. Sigaw pa rin siya nang sigaw
habang ginagawa ito.

Biglang may pumasok na isa pang anino. Hinawakan niya sa balikat ang unang anino..

“Kailangan na nating umalis.” Narinig kong sinabi ng pangalawang anino. Ang boses
na yon.... sobrang pamilyar.

Biglang dumilat muli ang mga mata ko at nakita ko na lang na nasa sala na muli ang
katawan ko. Tinignan ko si Yuko... may tumulong luha mula sa mga mata niya at
biglang.... biglang sumabog ang katawan niya sa harapan ko.Nagkalat ang laman
loob... dugo.

Napasigaw ako sa galit. Tumayo ako at inihagis lahat ng pwede kong ihagis. Sabi ko
na nga ba... sabi ko na nga ba! Kailangan nilang bayaran ang ginawa nila kay Yuko.
Ang ginawa nila sa sakin! Buhay lang ang tanging kapalit! Mga buhay! Inihagis ko
ang mga picture frames na katabi ko pati na rin ang mga plato at mga baso. Bigla
akong napaupo habang hawak hawak ng dalawa kong kamay ang ulo. Sobrang sakit...
parang kahit anong oras ay sasabog ang utak ko.

“Waaaaaaaaah!” sigaw ko sabay bato sa pinakamalaking picture frame sa sala. Ang


litrato namin ni Yuko.... pinakahuling memorya ko kasama siya. Nagsimulang tumulo
ng tumulo ang mga luha ko.

Ilang oras na ang nakalipas at tumayo na rin ako. Pumunta ako sa kwarto kung saang
nakahandusay pa rin ang bangkay ni Maeri. Kinuha ko ang itim na maskara mula sa
puting cabinet. Inilatag ko ito sa kama at tinignan.

Mararamdaman nila ang galit ko.

Matitikman nila ang paghihiganti ko.

Magkikita-kita na lang kami sa impyerno.


Summer’s POV

“Summer!” nakita ko si Denise na tumatakbo palabas ng bahay nila. Nakapantulog pa


siya. Hawak hawak niya ang magkabila niyang braso na tila ba’y lamig na lamig.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya. Halos 10:00 pm na rin kaya naiintindihan ko kung
bakit natagalan siya sa paglabas.

“Bakit ka pa pumunta? Gabi na ah?” bungad niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya nang seryoso.

“Mahal mo ba si Ash?” nakita ko kung gaano siya nagulat sa tanong ko. Ilang beses
siyang napalunok. Ibinulsa ko naman ang hawak hawak kong susi at tumingin muli sa
kanya.

“Summer...bakit mo naman tinatanong yan?” ang tanging tugon na nakuha ko mula sa


kanya.

“Gusto ko lang malinawan sa mga panyayari. Ilang buwan akong nawala. Akala ko, wala
na. Akala ko hindi ko na muli mararamdaman ngunit nagkamali ako. I still love him.
Tatanungin kita ulit Denise. Mahal mo ba si Ash? Oo at Hindi lang ang tatanggapin
kong sagot.” Bahagya akong ngumiti sa kanya upang huwag siyang mag-isip ng masama.

“Oo.” Yumuko muna siya bago sumagot nang may tapang sa kanyang pananalita.

“Bakit mo siya minamahal?” muli kong pagtanong.

“Dahil sa mga oras na kailangan ko siya, laging siyang nasa tabi ko. Lagi niya
akong pinagtatanggol. Lagi niya akong----“ bago pa niya matapos ang kanyang
sasabihin ay nagsalita na ako

“Hindi ba naaawa lang siya sayo?” Bigla nanahimik si Denise. Ramdam ko ang kaba
niya. Agad naman akong lumapit at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Denise, I’m
sorry sa sinabi ko. I didn’t mean to offend you.” Tumingin muli siya sa akin at
ngumiti... isang pekeng ngiti.
“Ayos lang Summer. Baka nga naaawa lang siya sa akin. Baka kung ano lang ang naisip
ko. Baka... baka... ganun lang talaga siya sa mga babae.”

“Naging kami ni Ash. Simula noong first year kami hanggang second year.” Napayuko
siya ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. “Naging kami for the sake of
popularity. Siyempre, mas magiging sikat kami kung magkakaroon kami ng relasyon.
Akala ko dati... ganun lang yon.” Napa-buntong hininga ako.“Ngunit ang masakit...
alam kong hindi niya ako minahal. Kaya nga bumalik ako para itama ang lahat. Para
this time, ako naman ang mamahalin niya.”

“S-Summer..”

Binitawan ko ang dalawa niyang kamay.

“Alam mo Denise, kayang kaya kong makuha ang lahat ng gusto ko. Kung ako sayo...
hangga’t hawak mo pa, bantayan mo.” Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa
kotse ko. Ito lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko lang sabihin ang
nadarama ko... ayokong magtago. Ngunit hindi ko siya pipigilan, kagustuhan niya
ito. Ang sa akin lang, ayaw kong lumala dahil baka manyari ang hindi dapat manyari.
Ayokong masaktan.

Andy’s POV

Nakaupo ako sa kama habang tinitignan ang photo album na punong puno ng pictures
naming dalawa ni Denise. Ilang buwan din kaming naging magkaibigan. Ilang buwan
akong nagmahal na hindi man lang niya napapansin. Ilang buwan akong nagtiis.
Kasalanan ko naman itong lahat eh... pero sawa na ako. Ayoko ng magpakatanga sa
kanya. Ayokong magpakamartyr.

Kailangan kong gawin ang lahat ng ito... para sa ikakabuti ko at para sa kanya.
Kailangang kamuhian niya ako...ayoko ng maging konektado sa kanya. Ayokong sa huli
ay magkasakitan lang kami. Pagod na kong masaktan. Pagod na ko. Gustong kong
tumakas. Gusto kong tumakbo.

Tinignan ko ang huli naming litrato na magkasama. Nilukot ko ito at itinapon.


Sabihin man nila na wala akong kwentang kaibigan. Sabihin man nila na nangiiwan ako
sa ere. Wala akong pakialam. Gagawin ko kung ano ang tama para sa akin. Makasarili
na kung makasarili pero gagawin ko ang gusto ko.
“Andy!” narinig ko ang sigaw ng katulong namin.

Hindi ko pinansin ang pagsigaw niya. Itinapon ko ang photo album sa lapag. Tinignan
ko ang buong kwarto... sobrang gulo. Pumunta ako sa harap ng malaking salamin kung
saan nasa kabilang dulo ng kwarto, katapat nito ang pintuan. Mukha akong gago...
parang unti unti na akong namamatay. Hindi ako ang nakikita ko sa salamin ngayon.
Hindi na ito ang dating Andy.

Nakatingin pa rin ako sa salamin nang bigla kong nakita na bumukas ang pinto. Hindi
pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko hangga’t hindi ko pa nakikita kung sino ang
pumasok.

“Anak?”

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang nanay ko. Ibang iba na ang mukha
niya ngayon. Kung hindi ko lang narinig ang boses niya sigurado akong hindi ko siya
makikilala. Anong ginagawa niya rito?

“Andy....ikaw ba yan? Anak ko?”

Naalala ko lahat ng ginawa niya sa akin. Ang mga ginawa niyang hinding hindi ko
matatanggap. Naramdaman ko ang poot na matagal nang nasa puso ko. Ang mga luha na
matagal nang nagtatago. Napasuntok ako sa salamin na naging dahilan ng pagkabasag
ng ilang parte nito. Tuloy na tuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kamao ko. Nakita ko
muli ang mukha niya sa salamin. Sinuntok ko ulit ito..

Lumapit siya agad sa akin. Punong puno ng pag-aalala ang mukha niya habang hawak
hawak ang kamao ko na puro dugo.Tinawag niya ang katulong namin. Ngunit bago pa
niya ako muling hawakan sa kamay ay tinulak ko na siya palayo. Ayoko nang makita
ang malaking bangungot ng nakaraan ko. Ang sarili kong ina... ayokong makita siya.

Bakit?

Bakit pa siya bumalik?

-----------------------------------------x
A/N:

Lahat ng mararanasan na kakaiba ni Teacher Paolo rito ay hallucination niya lang.


In short, magkalahi sila ni Lilith. Kulang kulang din. Yung pagkakalagay niya dun
sa crime scene pati na rin yung paglitaw ni Teacher Yuko sa harap niya... lahat ng
iyon ay guni guni niya. Pero yung nanyari dun sa crime scene, totoo yong nanyari
kay Teacher Yuko. Jsyk~

NEXT CHAPTER: IS IT OVER?

C21: Is it over? >

VOTE | COMMENT | FAN!

-----

Denise’s POV

Tinignan ko lang ang sasakyan ni Summer habang papaalis ito. Hindi pa rin ako
makaalis sa kinatatayuan ko. Paulit ulit pa ring sumasagi sa isipan ko ang mga
sinabi niya. Nakaramdam ako ng kaba... ng takot at lungkot. Baka totoo ang mga
sinabi niya. Maari ngang naawa lang sa akin si Ash...

Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan. Wala akong naisagot sa mga sinabi niya
dahil wala naman akong pinanghahawakan. Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Wala
akong nagawa kundi tanggapin lang ang lahat ng sinabi ni Summer. Nagmukha akong
tanga sa harapan niya. Ngayong wala na akong best friend, hindi ko kayang mawala
rin si Ash. Hindi ko kayang mag-isa. Lalamunin ako ng takot.

Ayokong dumating ang oras na mag-isa na lang akong lumalaban. Nakaramdam akong ng
kirot sa puso ko kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. Wala naman akong
ginawang masama. Bakit ako ang pinaparusahan nila?

Napaatras na lang ako nang bigla akong lumingon. Hindi maari to. Bakit siya nasa
harapan ko? Ilang beses kong kinurot ang balikat ko ngunit hindi pa rin siya
nawawala sa harapan ko.

“A-Angie?” sabi ko habang naglalakad paatras.


Nakatayo lang siya sa harapan ko. Suot suot pa rin ang uniporme niya katulad ng
suot niya nang huli ko siyang nakausap. Puro dugo ang damit pati na rin ang mukha
niya. Amoy na amoy ko ang katawan niya na halatang ilang araw na siyang hindi
naliligo. Diba... patay na siya?

Tumayo ang mga balahibo ko habang naglalakad siya palapit sa akin. Ngunit masyado
siyang mabilis kaya nahawakan niya ang gilid ng buhok ko. Hinaplos haplos niya ito
habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Aaminin ko, nabawasan ang takot na
nadarama ko.

Ibig sabihin... buhay pa nga siya?

“Denise?” napatingin ako kay Alyana na naglalakad papunta sa amin. Lumingon sa


kanya si Angie. Nakatitig lang ako sa kanila habang papalapit nang papalapit si
Alyana sa amin. Hindi ako makapaniwala na totoo ang mga nakikita ko. Ilang linggo
na pala silang magkasama. Hindi ko alam kung paano... kung bakit.

Mas lalo akong hindi makaalis sa kinatatayuan ko. Mas lalong ayaw bumuka ng bibig
ko. Buong pagaakala ko ay patay na si Angie at inisip ko na rin na patay na si
Alyana. Akala ko... alam ko ang mga nanyayari. “Denise... sana wag itong
makakarating sa iba nating kaklase.” Wika sa akin ni Alyana. ”Kung gusto nyong
isipin na patay na kami... iyon na lang ang isipin nyo. Burahin nyo kami sa mga
utak nyo.”

“B-Bakit?”

Tinignan ko si Angie. Hindi siya nagsasalita... tahimik lang siyang nakikinig sa


amin ni Alyana.

“Ayaw na naming madamay.” Tumingin siya kay Angie at nagpatuloy sa pagsasalita.


”Gusto na naming manahimik. Kung kailangang palipat lipat kami ng pinagtataguan.
Kung kailangang araw araw kaming tumatakbo papalayo sa kanila... kakayanin namin.
Pagod na pagod na kaming lumaban.”

“Alyana.” Nakita ko ang itsura niya ngayon. Maiihalintulad na sila sa mga pulubi.
Hindi mo aakalain na galing sila sa isang mayaman na pamilya. Iniwan nila ang lahat
para... dito? Lumapit ako kay Angie at hinakawan ang magkabila niyang balikat.
“Angie! Sino sila?! Sabihin mo sa akin! Sino sila?!" pero imbis na sumagot siya ay
inalis ni Alyana ang pagkakahawak ko kay Angie at muling nagwika.

“Wala na kaming kinalaman sa kanila. Ayaw na naming maungkat muli ang tungkol sa
mga demonyong iyon.”

“P-Please... sabihin nyo na sa akin.”

“Sorry Denise. Pero gusto na naming manahimik.” Tinignan ko muli si Angie. Hindi pa
rin bumubuka ang bibig niya ngunit alam kong may gustong ipahiwatig ang mga mata
niya. May ibig sabihin ang mga titig niya. Puno ng takot... isang pagbabanta.

“Isipin mo na lang na hindi mo kami nakita ngayon.” Yumuko si Alyana at muling


tumingin sa akin. “Sana’y hindi na maulit muli ito. Paalam na Denise.” Wala na kong
nagawa kundi tignan lang sila habang papalayo sa kinaroroonan ko. Ang mga sinabi ni
Alyana... parang labag sa kalooban ni Angie ang lahat. Kitang kita ko sa mga mata
niya. Sana sinabi na lang nila sa akin para matapos na ang lahat. Narinig kong
tinawag na ako ni mama. Pumasok naman agad ako sa loob.

“Anak!” bungad sa akin ni mama habang hawak hawak ang telepono.

“Bakit ma?”

“Si Andy!”

“Ano pong nanyari kay Andy?!”

“Tulungan mo siya anak. Kailangan niya ng kaibigan ngayon.” Dali dali akong pumunta
sa kwarto at nagpalit. Nilabas naman ni papa ang kotse.

“Bilisan mo anak!” sigaw naman ni papa. Patakbo akong pumunta sa kotse. Pinaandar
na ni papa at dumiretso kami sa bahay nila Andy .Bakit? Anong nanyari? Hinawakan ko
ang dibdib ko para damhin ang mabilis na pagtibok nito.

Andy... bakit ba pinag-aalala mo ako nang todo?

Andy’s POV
“Wala akong nanay! Lumayo ka sa akin! Wala akong nanay na katulad mo!” dinuro duro
ko siya pagkatapos kong itulak. Hindi ako makakapayag na basta basta na lang siyang
dumating nang ganito. Maayos na ang buhay namin. Ayokong sirain na naman niya ang
lahat. Ayokong mabasura lahat ng pinaghirapan ni papa dahil sa babaeng yan!

“Anak... nagsisisi na ko sa lahat ng ginawa ko. Patawarin mo na si mama. Anak


please.” Maluha-luha siya habang dahan dahang naglalakad papunta sa akin at
hinawakan ang kamay ko.

“Wala ka nang anak!” Inalis ko ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko at hinatak ko
siya palabas ng kwarto. Nasa may sala na kami malapit sa pintuan palabas ng bahay.
”Lumayas ka! Wala ka ng lugar sa bahay na to!" tinulak ko muli siya na naging
dahilan ng pagkauntog niya sa pintuan. Dapat lang sa kanya yan. Sa lahat ng ginawa
at pinaranas niya sa akin. Sa lahat ng masamang sinabi niya sa akin... hinding
hindi ko siya mapapatawad. Walang kapatawaran na nararapat sa kanya. Dapat siyang
magdusa! “Matagal na akong walang nanay!”

Lumapit siya muli sa akin at niyakap ang paa ko. Nararamdaman ko ang pagtulo ng mga
luha niya. Paulit ulit kong naririnig ang pagmamakaawa niya... na patawarin ko
siya. Sisipain ko sana siya palayo nang narinig kong dumadating si papa. Hinawakan
niya sa balikat ang walanghiya kong ina at itinayo ito. Pumunta siya sa
pinakamalapit na upuan at inupo ang asawa niyang walanghiya.

Tumingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa akin.

“Hindi kita pinalaki ng ganyan!” sigaw sa akin ni papa “Ano bang nanyayari Andy?!
Bakit ka nagkakaganyan? Hindi naman naman ganito dati ah? Anak! Magaling na ang
mama mo. Pinagamot ko na siya at mahal na mahal ka niya!”

Hindi...

Hindi ako naniniwala...

Hindi niya ako mahal..

Sasaktan niya lang ulit ako. Ayoko nang masaktan. Pagod na ko sa lahat ng sakit na
naramdaman ko. Ayoko na. Sawa na ko.

“Hindi ako naniniwala!” sigaw ko kay Papa. Kita pa rin sa mukha niya ang pagkagulat
dahil sa inaasta ko. “Nagulat ba kayo? Ang dati nyong napakabait na anak ay kayang
kayang sigawan ka ngayon? Pwes, may karapatan akong magalit! Matagal mo na pala
siyang pinapagamot. Matagal mo na siyang nakikita at nakakausap. Bakit hindo sinabi
sa akin? Ano bang papel ko sa pamilyang ito ha?!"

Hinawakan ako ni Papa sa kuwelyo.

Wala kang karapatan para sumbatan ako! Anak ka lang! Anak ka lang!"

“Oo nga. Anak lang ako. Pero hindi mo ba naisip ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng
demonyong iyan?” pagkasabing pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay naramdaman ko ang
kamao ni papa sa pisngi ko. Agad ko namang hinawakan ang pisngi ko dahil sa
pagkagulat at sa sakit na naramdaman ko.

“Bastos ka! Napakabastos mong bata ka!” sigaw muli sa akin ni Papa. Nakita kong
tumayo ang nanay ko at pinigilan si Papa sa muling pagsuntok sa akin.

“Tama na Leo. Nasasaktan na si Andy.” Sabi pa niya.

“Ano ba Mildred?! Binabastos ka na ng harapan ng anak mo! Kung hindi ko yan


tuturuan ng leksyon baka paulit-ulit niyang gawin sayo ito!" Humarap muli sa akin
si Papa. “Humingi ka ng tawad sa mama mo!"

“Anak.” Lumapit na naman siya sa akin. Hinawakan ang kamay ko at niyakap ako. May
naramdaman akong tumulong mga luha mula sa mata ko. Totoo ba to? Totoo bang
nanyayari to? Ito ang unang beses na niyakap niya ako... niyayakap ako ni mama.

Panaginip lang ba ito?

“Andy. Anak... patawarin mo na si Mama. Mahal na mahal ka ni mama. Sorry sa lahat.


Anak, matagal ko nang gustong gawin to. Matagal ko nang gusto kang makita at
mayakap. Miss na miss na kita. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko at pangako ko...
papalitan ko ang lahat ng iyon ng pagmamahal.”

Hindi...

Wag kang maniwala Andy..

Sasaktan ka lang ulit niyan! Wag kang maniwala!


Muli ay itinulak ko siya papalayo. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.“Ilang
beses ko bang kailangang sabihin sayo na wala na akong ina! Huwag na huwag ka nang
magpapakita muli sa harapan ko! Bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo!"

Dapat ay susugurin ako ni Papa kung hindi lang siya pinigilan ni mama. Kitang kita
ko ang galit sa mukha niya lalo na sa mga kamao niya. “Sira-ulo ka talagang bata
ka! Wala kang galang! Lumayas ka! Lumayas ka!!” sigaw niya habang pinipigilan siya
ni mama. Ilang beses niya akong minura nang minura. “Kailangan pa niyang mag-isip.
Baka nabibigla lang si Andy. Leo, bigyan natin siya ng oras para tanggapin ang
lahat... para tanggapin ako.” narinig kong sinabi niya kay Papa. Saglit silang nag-
usap tsaka tinawag ni papa ang isa sa mga katulong at may pinatawag sa telepono.

“Ayoko nang maulit ito Andy. Ayusin mo ang sarili mo!” mga katagang huling sinabi
ni Papa bago sila umakyat sa 2nd floor. Bumalik siya rito para sirain na naman ang
buhay ko. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Hindi niya ako mahal. Wala siyang puso.
Poot lang ang nararamdaman ko... iyon lamang. Di ko kailangang ng ina.Sarili ko
lang ang kakampi ko. Lahat sila... sasaktan lang ako. Wala silang ibang alam na
gawin kundi saktan ako. Hindi na... natuto na ko. Lalaban na ako.

Ang hirap magtiwala.

Ang hirap magmahal.

Naglakad ako papunta sa garden. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi
ko ito pinansin at umupo na lang ako sa bench malapit sa fish pond. Nakita ko ang
mga isda na malayang lumalangoy. Mabuti pa sila. Kumuha ako ng bato at ibinato ko
sa tubig. Itinaas ko ang kamay ko upang madama ko lalo ang ulan. Napa-buntong
hininga ako. Bakit nga ba ako nagkaganito? Napapikit ako habang nakayuko. Bumuntong
hininga na naman ako. Sa lahat ng nanyari ngayon... hindi ko alam kung pano ko
haharapin si papa. Sa lahat ng sinabi at ginawa ko... hindi ko alam kung nasa tama
pa ba ako.

“A-Andy.” Napalingon ako kay Denise na nasa may kaliwa ko. May hawak siyang payong
habang nakatingin nang diretso sa akin. Ilang hakbang ang layo niya mula sa
kinauupuan ko. Anong ginagawa niya rito? Tumayo ako at naglakad. Noong nilagpasan
ko siya ay muli kong narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. “Andy.”

“Ano bang ginagawa mo rito. Ayaw na kitang makita.” Tugon ko sa pagtawag niya.

Humarap siya sa akin. Sinubukan niya akong payungan ngunit tinabig ko lamang ang
payong. Nakatitig lang ako sa payong nang nalaglag ito. Hindi ito pinansin ni
Denise at nagpatuloy sa pagsasalita. “Sinabi sa akin ang lahat ng nanyari. Andy,
binalikan ka na niya. Diba ito ang gusto mo dati pa. Huwag mong pigilan ang
nadarama mo. Andy, kilala kita---“

“Ano bang alam mo tungkol sa akin ha?! Hindi ko kailangan ng payo mo. Hindi ko
kailangan ng isang katulad mo! Hindi ko kailangan ng kaibigan!” Mas lalo pang
lumakas ang ulan kasabay ng diskusyon namin ni Denise.

“Andy!” ito ang unang beses na sinigawan niya ako. ”Ano bang nanyayari sayo? Tama
nga sila. Tama ang papa mo. Hindi ka na naming kilala! Huwag mong gawin yan sa
sarili mo. Andy, nandito lang kami. Madami kang karamay. Madaming nagmamahal sayo.
Andy... please wag ka namang ganyan.”

“Nagmamahal?” pasigaw kong sinabi. Tumingin ako sa kanan ko at tumingin muli sa


kanya. Bakas na sa mukha ko ang pagkairita. ”Kasama ka ba sa mga nagmamahal sa
akin?”

“Andy... kaibigan mo ako.”

“Ayun na nga eh!” nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. ”Denise, hindi ko kayang
palaging nasa tabi mo bilang kaibigan lang! Nasasaktan din ako Denise. Nagsasawa
rin ako. Kailan mo ba maiintindihan ang nararamdaman ko?!”

“Hindi mo kailangang maging ganito Andy.”

“Wala kang pake Denise. Umalis ka na. Wala ka nang karapatan para pumunta rito.”
Tinulak ko siya palayo pero tumayo lang siya sa pinagbagsakan niya at humarap muli
sa akin. ”Umalis ka na!” hindi ako makatingin sa mga naluluha niyang mga mata. Kaya
ko ba? Paulit ulit kong naririnig ang pag-iyak niya. Tila pinupunasan ng ulan ang
mga luhang tumutulo sa mga mata niya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang
umiyak ng dahil sa akin. Hindi ko pala kaya... nanlalambot ang mga tuhod ko.
Napayuko para hindi makita ang sakit na nadarama niya. Ayokong saktan siya pero...
dapat kong gawin to.

“Aalis lang ako kung..” nanatili pa rin akong nakayuko. “Titigan mo ako sa mga mata
habang sinasabi mo na kinamumuhian mo ako... na ayaw mo ng maging magkaibigan tayo
at sawang sawa ka na sa isang tulad ko.”

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Unti unti kong itinaas ang mukha
ko at lumapit pa sa kanya ng kaunti. Mas nararamdaman ko ang mga malalaking patak
ng ulan sa balikat at ulo ko.

“Kinamumuhian kita. Hindi kita kailangan at wala na akong kaibigang katulad mo.
Kung ayaw mo pang maniwala, wala na akong magagawa. Sawang sawa na ko sa isang
tulad mo. Kung ano man ang manyari sayo kahit mamatay ka pa sa harap ko... wala na
akong pakialam.”Tuloy tuloy ang mga salita mula sa bibig ko. Gusto na siyang
umalis. Gusto kong matapos na ang pagkakaibigan namin.

Iniwan ko siya na nanatili pa ring nakatayo pa rin roon. Pagkapasok ko sa bahay ay


agad akong binigyan ng tuwalya ng isa sa mga katulong namin. Nagmamadali akong
pumunta sa kwarto ko. Dumiretso ako sa malaking bintana sa kwarto ko kung san
matatanaw ang buong garden. Kitang kita ko si Denise habang iyak siya nang iyak.
Nakaupo siya sa damuhan at ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa mukha niya.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan at nag-aalala ako na baka magkasakit siya pero
alam kong mas masakit ang mga sinabi ko... patawarin mo ako Denise.

Sinaktan ko siya.

Sinaktan ko ang taong pinoprotektahan ko mula pa sa umpisa. Trinaydor ko ang sarili


ko. Trinaydor ko ang puso ko. Sa lahat ng naramdaman kong sakit... dapat lang na
maging masaya ako.

Ngunit bakit ganito?

Akala ko’y kapag nilayuan ko siya.. kapag pinagtabuyan ko sila... lahat ng


nananakit sa akin.. akala ko’y makakaramdam ako ng kasiyahan. Ang mukha ni Denise.
Ang mukha ni mama. Nakita ko silang umiiyak ng dahil lang sa akin. Nasaan ang
kasiyahan na dapat kong madama?

Bakit unti unting nadudurog ang puso ko?

Kailan ba ko magiging masaya?

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: UNTOLD FEELINGS.

C22: Untold Feelings. >>


VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise’s POV

Naiwan akong mag-isa sa garden. Kasabay ng pagluha ko ang pagluha rin ng langit.
Ilang minuto ang nakalipas bago ako tumayo at tumakbo papunta sa kotse ni Papa.
Tanong siya nang tanong kung bakit ako umiiyak at kung bakit basang basa ako sa
ulan pero kahit isa dun... hindi ko nasagot. Pagkauwi naman ay dumiretso agad ako
sa kwarto at ang una kong ginawa ay... umiyak nang umiyak.

“Kinamumuhian kita. Hindi kita kailangan at wala na akong kaibigang katulad mo.
Kung ayaw mo pang maniwala, wala na akong magagawa. Sawang sawa na ko sa isang
tulad mo. Kung ano man ang manyari sayo kahit mamatay ka pa sa harap ko... wala na
akong pakialam.” Muli kong naalala ang mga sinabi ni Andy. Kahit ilang beses kong
marinig ang mga katagang nanggaling mula sa kanya... hindi ko pa rin mapigilan ang
pagtulo ng mga luha ko.

Bakit naging ganito? Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko at huminga ng malalim.
Paano na ko bukas? Anong gagawin ko kapag nakita ko siya? Kung pupwede lang na
ibalik na lang ang dati. Gusto kong bumalik na ang dating Andy.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog na ako.

Paggising ko ay namumugto ang mga mata ko. Mabuti na lang at hindi na ako kinulit
ni papa at mama tungkol sa nanyari kagabi. Nararamdaman nila siguro na ayaw ko na
ring pag-usapan pa. Sobra akong nasaktanpero naniniwala akong babalik ang best
friend ko... babalik ang dating Andy.

---

“Hahaha Andy! You’re so funny. Talaga ginawa dati ni Denise yon? Ewwwww!” napayuko
na lang ako nang muli kong narinig ang pangalan ko. Kausap ni Andy sila Amanda,
Camille, Anne, Vince at ang iba pa. Kanina pa nila ako pinag-uusapan. Halos mabingi
na ako sa mga halakhak nila... sa mga pangungutya na nakukuha ko mula sa kanila.
Napa-buntong hininga na lang ako habang kinukuha ko ang Chemistry notebook ko mula
sa bag.

“Anong nanyari Denise?” sabi ni Nichole habang kasama niya si Alex na hatakin ang
mga upuan nila papalapit sa kinauupuan ko. Tinuturo ni Nichole ang mga mata ko...
napansin rin pala niya. Umiling na lang ako at alam kong maiintindihan niya na ayaw
ko munang magkwento. Naghari ang katahimikan sa aming tatlo. Katahimikan na
nasasapawan ng ingay ng iba naming kaklase.

“Bakit nagkakaganyan si Andy?” wika ni Alex.

“Hindi ko siya masisisi.” Kita ko ang pagka-interesado sa mga mukha nila habang
nakatitig sila sa akin na tila ba’y bitin na bitin sa sinabi ko. ”Kasalanan ko
naman eh.” Hinawakan ni Nichole ang kamay ko at ngumiti sa akin. “Kung kailangan mo
ng kaibigan. Nandito pa naman kami. Kung gusto mong magkwento, makikinig kami pero
kung hindi mo pa kaya... naiintindihan namin.”

Ngumiti ako sa kanila.

“Hindi ko man alam ang nanyari. Sa tinagal tagal ko na kilala si Andy... ngayon ko
lang siyang nakitang trumaydor sa kaibigan niya.” Sabi ni Alex. ”Hindi ganyan si
Andy.” Napatingin kaming tatlo kay Andy habang tumatawa kasama nila Vince. ”Ang mga
tawa niya ngayon, peke. Pilit na pilit ang lahat. Para lang tayong nanonood ng
isang palabas... lahat peke. Hindi na siya si Andy. Naging isa na siyang
estranghero sa paningin ko.” Tumingin muli sa akin si Alex. “Siya lagi ang
nagtatanggol sa mga binu-bully sa klase. Siya lagi ang kakampi ng lahat. Ibang iba
siya sa mga boys dito sa klase. Pero ngayon, halos katulad na siya ng mga taong
iyon.”

“My gosh! Nichole? Anong ginagawa mo kasama ng mga losers na yan? Halika nga rito!”
tawag ni Camille. Tumingin sa akin si Nichole na para bang humihingi ng tawad.
Nanatili lang nakaupo si Alex habang nagmamadali namang tumakbo papunta kala
Camille si Nichole. ”Ano bang sinabi ko sayo ha? Dito ka sa grupo namin. President
ka pa naman, ganyan ka katanga.”

“Sorry Camille pero friend ko rin naman si Denise at Alex eh.

“Shut the fuck up. Kung hate namin siya Dapat hate mo rin siya. Boba! Kami lang ang
friends mo. Pasalamat ka nga na kasama ka namin eh. Tumigil ka na sa katangahan
mo!" Nakita kong natahimik na lang si Nichole at tumayo kasama nila. Patuloy silang
nag-usap usap.
“Oh by the way, Andy. Anong masasabi mo sa paglalandi ni Denise kay Ash?” pansin na
pansin na nilakasan pa niya ang boses niya upang mas marinig ko.

“A-Ah..” bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig ko na sasagot si Andy sa tanong
ni Amanda. Napahawak ako nang mahigpit sa notebook ko pero nanatili pa rin akong
nakayuko. ”Ang basura dapat lang mapunta sa mga basurero. I-recycle man niya to...
wala pa ring magbabago. Ang basura... basura pa rin hanggang dulo.” Nakita kong
tumingin sa akin si Andy.

“BASURA! HAHAHAHAAHAHA!” narinig ko na naman ang nakakabingi nilang tawanan.

Basura... isa lang akong basura sa paningin ni Andy. Isang basura na walang hirap
niyang itinapon. Napa-buntong hininga kasabay ng pagpikit ko. Sobra na akong
nasasaktan sa mga sinasabi niya. Masyado nang masakit. Hindi ko na alam kung sino
ang makakapitan ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Alex sa kamay ko. Ngumiti lang
ako sa kanya. ”Salamat.” Sabi ko.

“Okay class, good morning.” Pumasok si Teacher Paolo sa loob ng classroom. Tuloy
tuloy siya sa gitna. Kasalukuyan namang pumupunta ang mga estudyante sa mga upuan
nila. Hindi naman pinansin ng klase ang pagbati ni Teacher Paolo dahil tuloy pa rin
ang ingay at sigawan sa klase at ang nangunguna sa kaguluhan na ito ay si... Andy.

Sobra na ang ginagawa niya. Sinisira na niya ang sarili niya. Hindi na tama ito
Andy... tigilan mo na ang mga ginagawa mo. May mga taong nasasaktan sa mga ginagawa
mo ngayon... lalo na ako.

“Sinong absent?” tanong ni Teacher Paolo.

“Si Summer po at si Ash wala pa.” Sagot ng presidente ng klase, si Nichole.


Nagpatuloy ang klase. Pati na rin ang sigawan at mga batuhan ng mga gamit. Akala
mo’y walang teacher sa harap.

“Tahimik!!” ngayon ko lang nakitang galit si Teacher Paolo. ”Ang iingay nyo! Para
kayong nasa palengke! Kung gusto nyong mag-ingay lang! Lumabs kayo! Huwag kayong
magsabog ng kabastusan sa klase ko!” Lumapit siya kala Andy at itinayo si John
Philipn kanina pa nila pinagtri-tripan. “Umupo nga kayo!” sinigawan niya sila Andy
na agad namang sumunod pero patuloy pa rin ang tawanan nila.

Ito ang unang beses na may sumuway sa klase namin. Natigilan kaming lahat.
Nakatingin lang kami kay Teacher Paolo habang galit na galit siyang nagsesermon.
Pagkatapos niyang magsermon ay may nilabas siyang tubig at gamot mula sa bag niya.
Kumuha siya ng ilang pirasong pills at Ininom niya ito sa harap naming at muli,
nakita kong hawak niya ang panyo.

Tatlong paru-paro....

Tahimik pa rin ang buong klase. Maragil ay hindi naming aakalain na may teacher pa
pala na sesermunan kami. Nakita ko ang nakasimangot na mukha nila Camille at Anne.
Natatakot ako para kay Teacher Paolo kahit na di ko alam kung bakit nasa kanya ang
panyo... ayaw ko naman na mawalan siya ng trabaho dahil lang sa amin.

Biglang may kumatok sa pintuan. Agad naman na pinuntahan ito ni Teacher Paolo.

“Andy, nasa labas ang mama mo.”

Nabigla ang lahat sa narinig namin. Nakarinig ako ng mga bulong bulungan.

“May nanay pa pala si Andy?”

“Diba drug addict daw yon?”

“Yuck. Kadiri naman.”

“Ibig sabihin... kasama niya ang mama niya? Edi nagsinungaling siya sa atin?”

Napalunok na lang ako. Siguradong hindi maganda ang manyayari sa pagbisita ng nanay
niya.

Andy’s POV

“Andy, nasa labas ang mama mo.”

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Anong ginagawa ng babae na yan dito? Pinapahiya
niya ba ko? Tangina. Narinig ko ang mga bulong ng mga kaklase ko. Ang lakas ng loob
nilang pag-usapan ako. Sino ba sila ha?!
Tumayo ako at hinayaan kong bumagsak ang upuan na gumawa ng malakas na tunog. Sapat
para tumigil sila sa kaka-chismis sa buhay ko. Tumingin ako sa lahat nang masama at
lumabas. Nakita ko siya na may hawak na paperbag. Naka-simpleng shirt lang siya at
pantalon. Nakakahiya siya. Sana hindi na lang siya nagpakita rito.

“Ano bang ginagawa mo rito ha?!” sigaw ko sa kanya.”Sinong nagsabi na pwede mo


akong puntahan?!”

“Anak... gusto ko lang naman makita ang school mo at eto.” May inilabas siyang
lunchbox mula sa paperbag. ”Dinalhan kita ng pakain. Bigla ka na lang kasing umalis
kanina. Hindi ka nakakakain ng almusal kaya dinamihan ko ang nilagay ko. Nagluto
ako ng fried chicken. Masarap---“

“Pwede ka na bang umalis?” nakatingin ako sa kanya na para bang isa siyang
malaking dumi na ayaw maalis sa harap ko.

“Alam mo kasi anak... ito ang dati ko pang gustong gawin. Gusto kong alagaan ka.
Dalhan ka ng pagkain, sunduin ka at---“

“Hanggang kailan ka ba dadaldal diyan? Umalis ka na!” muli kong pagsigaw ko sa


kanya.

Nabaling ng atensyon naming nang nakita ko si Ash na naglalakad sa likod ko.


Humarap ako sa direksyon niya. Late pa ang gago. Nasa ulo niya ang kulay itim
niyang headphone. Napatigil siya nang napansin niya kaming dalawa. Tinanggal niya
ang headphone niya at sinabit sa leeg. Tumingin siya sa akin. Pfftt... bigla na
lang niyang tinignan ang nanay ko at nginitian ito.

“Hello po.” Bati niya sa nanay ko. Nakita ko ang saya sa mga mata ng nanay ko na
para bang sinasabi niya sa akin na napakabait ng Ash na yon. Sira ulo. Eh siya na
lang kaya ang anak niya! Tinignan ko si Ash hanggang sa pumasok na siya sa loob ng
classroom. Napasimangot na naman ako. Lahat gusto siya at lahat ng gusto niya ay
napupunta sa kanya. Tapos ako nakikipagkompetensiya sa kanya para lang sa atensyon
ni Denise? Pakshet lang.

“Akin na nga yan!” inagaw ko sa nanay ko ang lunchbox na kanina pa niya hawak
hawak. Binuksan ko ito at itinapon ang laman mula dito sa 3rd floor hanggang sa
grounds. ”Pwede ka bang umalis ngayon?!” sinigawan ko muli siya.
“Sige. Mauna na ko anak.” Naglakad na siya papalayo sa akin. Kita ko na naman ang
lungkot sa mga mata niya bago siya umalis.

“Huwag na huwag ka nang pupunta rito!” sigaw ko muli. Alam kong narinig niya ito
dahil napatigil siya sa paglalakad ng ilang segundo.

Wala akong planong bawiin ang mga sinabi ko kagabi. Ito ang tama. Tama lang ang
ginagawa ko para sa sarili ko. Masaya naman ako diba? Kaya kong maging masaya kahit
na wala sila. Kahit nag-iisa ako. Kagustuhan ko to at papanindigan ko ito hanggang
sa huli.

Naglakad na ko papasok ng classroom. Nakita kong magkatabi na naman si Ash at


Denise. Parang gusto kong batuhin sila ng upuan. Pagkatapos ng mga sinabi ko sa
kanya kagabi... hindi ako pinatahimik ng konsensiya ko pero ngayon na nakita ko na
naman silang magkasama. Tama lang talaga ang ginawa ko dahil kahit anong bait ko...
kahit anong kabutihan ang ipakita ko sa kanya. Si Ash lang naman ang gusto niya.

Ayokong maging dakilang “best friend” lang niya.

Ipapakita ko sa kanya na kaya ko siyang layuan. Kaya ko siyang saktan nang paulit
ulit para sa huli, siya ang bumitaw sa pagkakaibigan namin. Dapat niya akong
kamuhian. Dapat siyang sumuko. Dun lang ako matatahimik. Dun ko lang siya
makakalimutan pati itong putanginang nararamdaman ko... mawawala.

Denise’s POV

“You’re late Mr. Flores.” Napatingin ako sa harapan at nakita ko si Ash na nakatayo
sa may pintuan.

"Sorry sir.” Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap at biglang napako
ang tingin niya sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa bintana na katabi ko. Hindi ko
pa rin makalimutan ang pinag-usapan naming ni Summer kagabi. “Paupo muna pre.”
Lumingon ako sa kanan ko at nakita kong nasa tabi ko na si Ash.

”Good Morning Denise.” Bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Medyo naiilang
ako.. totoo kayang naawa lang siya sa akin? “Oh bakit namumugto ang mga mata mo?”
“Wala lang to.” Sagot ko.

“Di ako naniniwala. Anong ginawa nila sayo ha? May ginawa na naman ba sila Amanda
habang wala ako? Sinaktan ka na naman ba nila?” tuloy tuloy niyang sinabi na para
bang kinakabahan pa.

“Hindi no. Wala lang talaga to. Bakit ka nga pala late?” iniba ko agad ang topic.
Wala akong planong sabihin sa kanya ang mga nanyari lalo na ang mga sinabi ni
Summer.

“Si Summer kasi.” May naramdaman akong mabigat na kamay na humampas sa dibdib ko.
Si Summer naman pala... napayuko na lang ako.

“Bakit siya yung dahilan?” iniangat ko na ang ulo ko pero hindi ako nakatingin sa
kanya.

“Ewan ko sa babaeng yon. Halos buong magdamag akong kinausap sa cellphone. Ayaw nga
niya ibaba.Hindi ko nga maintindihan eh akala mo mamatay kung hindi ako makausap.
Kaya ayun, hanggang 4am siya ang kausap ko. Nakakapagod nga eh halos nakwento ko na
ang buong buhay ko pero ayaw pa rin niyang ibaba.” Kwento niya sabay taas ng paa at
pangiti-ngiti pa.

“Ah.” Ang tangi kong nasabi.Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Ash, bigla
kong naalala ang mga sinabi ni Summer.

“Alam mo Denise, kayang kaya kong makuha ang lahat ng gusto ko.Kung ako
sayo...hangga’t hawak mo pa, bantayan mo.” Muli kong naramdaman ang takot na
nahaluan ng inggit kay Summer. Hindi ko kayang mawala rin si Ash. Hindi ko
kakayanin. “Siguradong tulog pa yun hanggang ngayon. Kilala ko siya at hindi na
papasok ang babaeng yon. Tinext ko nga kanina eh, di nagreply. Tsss.”

Nanatili pa rin akong tahimik. Tumingin na ko nang diretso sa black board para
maiwasan na matuon ang atensyon ko sa sinasabi ni Ash. Ayaw ko nang makinig... ayaw
kong isupalpal niya sa mukha ko ang katotohanan na wala naman kaming relasyon at
lalong lalo na, wala akong karapatan para makaramdam ng inggit kahit ang selos.

“Uy.” Bigla niyang sinabi.


“Bakit ba?!” hindi ko sinasadya na mapalakas ang boses ko. Siguro naiinis lang
talaga ako. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Bigla na lang
tumibok nang mabilis ang puso ko nang naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak sa
kamay ko. Tumingin ako sa kanya ngunit nakatingin siya sa black board. Bigla na
lang akong napangiti.

Pwede naman akong umasa diba?

Kahit kaunti lang...

Kahit sandali..

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” napatingin ang buong klase sa labas


kung san nanggaling ang malakas na sigaw.

“Nasa kabilang room! C.R ng girls!” nagsitayuan ang mga kaklase namin.

“Ikaw! Ano na naman ang ginawa mo?!” sigaw ni Camille sa akin habang dinuduro ako.
Agad namang inilayo ni Ash si Camille sa akin. “Siya na naman? Palagi na lang si
Denise?!” sigaw niya.

“Mamatay tao yan eh.” Napatingin ako kay Andy pagkatapos niyang sabihin ang mga
katagang iyon. Nakita kong susugod si Ash kay Andy ngunit pinigilan ko siya.
Nakarinig muli kami ng sigaw mula sa c.r. Hindi kami pinapalabas ni Teacher Paolo
dahil baka daw may manyaring masama ngunit hindi napigilan ang ilan sa amin na
lumabas kaya nagsisunuran na rin ang lahat.

Nadatnan naming punong puno ng tao ang pintuan ng c.r. Nandito ang mga 4th year.
Kami lang naman classroom sa 3rd floor. Puro office ng Admin at Staffs ang
nandirito kaya kami ang mga klase na unang nakarinig ng sigaw. Pilit kaming
nakipagsiksikan sa mga tao.

Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa loob. May nakita akong babae na hindi ko
kilala. Siguro ay isa siya sa mga seniors. Nakaupo siya habang takot na takot na
tinitignan ang huling cubicle ng c.r. Halos lima lang kaming pumasok sa loob. Ayaw
magsipasukan ng iba dahil baka raw nakakatakot.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa huling cubicle. Iyak nang iyak ang babae
habang nakatakip ang bibig niya. Habang papalapit ako ng papalapit ay may
masangsang na amoy akong nalalanghap... amoy patay.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip rin ako sa bibig ko nang nakita kong nagkalat
ang mga putol putol na parte ng katawan ng isang lalaki sa loob ng cubicle.
Nakapatong sa toilet bowl ang putol na ulo ng lalaki. Hindi ako pwedeng
magkamali... si Rain to diba? Puno ng dugo ang buong cubicle.M ay mga tumutulo pang
sariwang dulo mula sa loob ng toilet bowl at may nakaipit na mga daliri sa loob
nito. Masuka-suka kaming lahat habang tinititigan ito.

Nakarinig ako ng malalakas na iyakan lalong lalo na sa mga kaibigan ni Rain. Mapa-
4th year man o 3rd year.

Pako... puro pako ang katawan niya. May nakabaon ding malaking pako sa gitna ng noo
niya. Napatingin ako sa babaeng sumigaw habang tumatakbo ito palayo. Nakita ko sa
likod ko si Ash. May lungkot sa mga mata niya.

“Kahit na puro katarantaduhan ang ginawa ni Rain... isang mabuting tao pa rin siya.
Hindi to dapat nanyari sa kanya.”

Hinawakan ko lang ang kamay niya.”Tara na?” sabi ko. Tinignan ko muli ang bangkay
ni Rain. Pinapatawad ko na siya. Sa lahat ng nagawa niyang mali sa akin...
pinapatawad ko na siya.

Tinignan ko si Amanda.Nakatingin lang siya ng diretso sa huling cubicle.Hindi ko


mawari kung lungkot ba o galit ang mga nasa mata niya.Nang napansin niya ang
pagtingin ko ay tinignan niya ako ng masama at tsaka pumasok muli sa classroom.

Pinabalik ang lahat ng estudyante sa sari-sarili nilang classroom.Naririnig ko ang


mga bulong bulungan sa classroom at napapatingin sa akin ang lahat.

“Ang galing umarte.Grabe, pang-Best Actress na siya ah?”

“Ang kapal talaga ng mukha ng malanding Denise na yan.”


“Dapat siya yung nasa cubicle eh.”

“Wag mo na lang silang pansinin.” Nakita ko si Ash sa tabi ko.Ngumiti lang ako sa
kanya pero alam kong di ko maiitago ang takot at kaba sa kalooban ko.

“Sabihin nyo nga sa akin! Anong kinalaman ng klase nyo sa mga nanyayari dito sa
school? Ang daming patayan na naganap at palaging sabit ang klase nyo sa mga yon!
Umamin kayo! Sino ba ang may alam sa mga nanyayari? Nababaliw na ko!” nasa harap
namin ang Principal. Pinalinis nila ang c.r at kung ano man ang ginawa nila sa
bangkay ni Rain ay walang nakakaalam sa amin.

“Magsalita kayo!” sigaw niya muli. Bigla kong nakitang tumayo si Vince. Tumingin
siya sa akin at muling tumingin sa Principal. Please... huwag mong sasabihin na
ako... please.

“Si Denise po! Siya ang gumagawa ng mga yan!” Napatingin sa akin ang Principal.
Umiling iling ako ngunit alam ko naman na kahit anong gawin at sabihin ko ay hindi
nila papakinggan.

"Sigurado ka?" tanong ni Principal sa kanya.

“Siya lang po ang gagawa niyan! Kahit itanong nyo pa sa mga kaklase namin."
Tumingin siya muli sa akin. "Mamatay tao siya." Pagkatapos niyang sabihin ang mga
yon ay umupo siya.

Nagsigawan ang buong klase.

“KICK OUT! KICK OUT KICK OUT! KICK OUT!” paulit ulit nilang sinigaw.

Naramdaman ko na tatayo si Ash pero pinigilan ko siya.


“Huwag. Please huwag mong gawin yan.” Sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin ang
pagsigaw ng mga kaklase namin. Ayaw kong madamay siya. Ayaw kong... tuluyang
magalit sa kanya ang mga kaklase namin “Ano ba Denise? Ipagtanggol mo naman ang
sarili mo! Hayaan mo namang ipagtanggol kita!” sigaw sa akin ni Ash.

Napatingin ako sa buong klase. Nangibabaw sa paningin ko si Andy na tahimik lang


nakaupo sa kinauupuan niya. Nakatingin siya sa akin... hindi ko mawari kung ano ang
ibig sabihin ng titig niya... walang emosyon. Blanko.

“Bayaan mo na lang sila.” Napayuko na lang ako pagkatapos kong sabihin ang mga yon.
Walang nagawa si Ash kundi umupo. Isang tingin palang sa kanya, sigurado akong
galit na galit na siya ngayon.

“Ms. Villaverde, sumunod ka sakin sa Office ko. We need to talk now.” Sinabi sa
akin ng Principal bago siya lumabas. Nagsigawan muli ang buong klase. Tuwang tuwa
sila sa narinig namin mula sa bibig ng principal.

Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ash.

“Hindi. Sasamahan kita.” Hinawakan niya muli ang kamay ko pero inalis ko ulit ito
“Huwag kang mag-alala. Kaya ko to.” Pinilit kong ngumiti sa kanya.... kahit
mahirap. Naglakad ako papunta sa pintuan.

“Sana nga mapaalis ka na sa school na to. Nasusuka ako sa tuwing nakikita kita.
Nakakadiri ka Denise.” Narinig kong sinabi ni Andy. Nakangisi siya sa akin at bago
ko pa mahawakan ang doorknob ay pinagbabato nila ako ng mga nilukot nilang papel.
Hindi ko pinansin yon at lumabas na ako.

Kaya ko to. Kahit anong manyari...dapat kong kayanin to.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: OBSESSED

C23: Obsessed. >>

ANNOUNCEMENT: Guys, pwede po kayong sumali sa group na nasa external link. Kasama
po ang C3-CHAS diyan. Kasama rin yung stories nila YouLoveI at WhosDatGurl. Paki-
click po. Pwede kayong magtanong about sa story/makipag-interact sa author at kung
ano ano. Nasa external link po.
Kapag po naka-italic ibig sabihin flashback pero kapag normal na yung font ibig
sabihin yon yung nararamdaman niya ng mga sandaling yon.

Si Nurse tin nga pala ang nasa gif -->

Enjoy po sa update ^__^

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise’s POV

Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay pinagtitinginan na agad ako ng mga tao.


Siguro’y alam na nila kung ano ang nanyari. Alam na nila na ako ang itinuturo ng
lahat. Marami akong naririnig na bulungan pero di ko mawari ang mga sinasabi nila.
Masyadong malakas ang tibok ng puso at sobra akong kinakabahan.

Bawat hakbang na ginagawa ko ay pakiramdam ko ay papunta sa katapusan ko. Paano


kung i-kick out nga ako?

“Umupo ka muna Denise.” Sabi ng principal pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Agad


naman akong umupo. Mas lalo kong naramdaman ang kaba at takot. Baka hindi niya ako
paniwalaan... baka tawagin niya rin akong sinungaling.

“Sir, hindi naman po talaga ako ang gumawa ng mga yon eh. Nagsasabi po ako ng
katotohanan. Wala po akong ginawang masama.” Tuloy tuloy kong sinabi. Nakatitig
lang siya sa akin at tumango.

“Sa pagkakakilala ko sayo Denise at sa parents mo... hindi mo talaga magagawa ang
mga bagay na binibintang sayo. Alam ko na hindi mo kayang gawin ang mga yon. Hindi
kita pinapunta rito dahil sa mga sunod sunod na pagpatay sa mga kaklase mo.
Pinapunta kita rito dahil sa mga natatanggap mong pangbu-bully mula sa mga kaklase
mo.”
“Sir.” Aaminin ko, natameme ako sa sinabi niya. Alaka ko wala silang pakialam.
Akala ko hindi nila napapansin.

“Kaya pinatawag ko ang mama mo.” Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay at
tinignan ang relo niya. ”Ilang sandali na lang at makakarating na siya."

“Pero sir..”

“Kailangan niyang malaman ang mga nanyayari sayo.”

“Sana nga mapaalis ka na sa school na to.Nasusuka ako sa tuwing nakikita


kita.Nakakadiri ka Denise.” Masyadong masasakit ang mga binibitawan na salita sa
akin ni Andy pero bakit ganito? Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya?
Nasasaktan ako pero walang puwang ang galit sa puso ko para kay Andy. Hindi ko siya
kayang kamuhian.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si mama. Agad akong lumapit sa
kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Anong nanyari anak?” tanong niya agad. Hindi
ko nasagot ang tanong niya dahil pinaupo na kami ng principal.

“Mrs. Villaverde alam nyong labag sa kalooban ko para sabihin to pero... kailangan
nang lumipat ni Denise sa ibang school."

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng mama ko habang nakatingin siya sa akin. ”May
nagawa po siyang masama sir?” tanong niya sa principal. ”Hindi naman po masamang
bata si Denise kaya hanggang ngayon di po ako makapaniwala sa sinasabi ninyo."

“Para po sa anak nyo ang paglipat na minumungkahi ko, Mrs. Villaverde.”

“Ano po bang nanyari?” humarap siya sa akin.”Anak, may nililihim ka ba sa akin?"


Napayuko na lang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ko alam ang magiging
reaksyon ni mama kapag nalaman niya ang mga nanyayari sa akin sa school. Magagalit
ba siya? Ayokong magalit sa akin si mama.

“Mukhang hindi po kayang sabihin sa inyo ni Denise na araw araw siyang binu-bully
ng mga kaklase niya. Emotionally and physically. I’m sorry po Mrs. Villaverde kung
wala akong nagawa para sa kanya.”

Napatayo si mama at marahas na ihihampas ang dalawa niyang kamay sa lamesa ng


principal. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni mama. ”Alam nyo ba ang sinasabi
nyo?! Nung ipinasok ko siya sa school na to, responsibilidad nyo na rin siya!
Pinagkatiwala ko ang anak ko sa inyo! Akala ko.... akala ko maayos pa siya rito.
Bakit wala kayong nagawa ha?! Anong klaseng principal ka?!”

“Kaya nga po humihingi ako ng patawad sa mga nagawa ng mga estudyante ko at sa mga
di ko nagawa. I’m really sorry.” Tumayo ang principal at yumuko kay mama. Umupo na
si mama at hinawakan ang kamay ko. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko ang
panginginig ng mga kamay niya. Itinayo niya ako at muling humarap sa principal.

“Mauna na kami sir. Salamat sa ilang buwan na pagtanggap sa anak ko. Iaalis ko na
siya sa school na to.” Muling hinawakan ni mama ang kamay ko at tumingin sa akin
habang nakaupo ako. Na para bang tinatanong kung sasama ba ako o hindi “Mama..”
gusto kong sabihin na ayaw ko pero tinitigan lang niya ako na nagpapigil sa akin sa
pagsasalita.

Lumabas kami sa principal’s office at naglakad papalayo. Hindi ako kinakausap ni


mama. Kinausap niya ang guard upang kuhanin ang bag ko sa classroom. Nakayuko lang
ako hanggang sa nasa may grounds kami.Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko
at nanatiling nakatayo.

“Anong problema anak?”

“Bago ako umalis, may tao lang akong kailangang makausap.” Nasan kaya si Ash? Gusto
ko siyang makausap... gusto kong magpaalam. Si Andy sana kaso alam ko namang
ipagtatabuyan lang ako nun eh. Magmumukha lang akong tanga sa harapan niya.

“Sige anak. Hihintayin kita sa labas.” Inabot ng guard kay mama ang bag ko. Ngumiti
siya at umalis na palayo.

Mabilis akong naglakad papunta sa classroom pero wala ng tao doon. Nakataob sa
iba’t ibang parte ng classroom ang mga upuan pati na rin ang mga libro. Naglakad
ako palabas ng classroom ng may nakita akong maliit na patak ng dugo. Bakit may
dugo rito?

Lumabas na ako ng classroom at hinanap ko pa rin si Ash. Nang napadaan ako sa first
floor ay nasalubong ko si Philip na kagagaling lang sa clinic.
“Anong nanyari?”

“Nagkagulo kanina nung umalis ka.”

“Nagkagulo?”

“Si Andy at Ash, nagbugbugan. Si Ash nasa loob.” Tumingin siya sa pintuan ng
clinic. “Si Andy nasa covered court, ginagamot siya ni Alex dun.”

Nakatayo lang si Philip habang tinititigan ako na para bang nagtatanong kung sino
ang pupuntahan ko sa kanilang dalawa. Napa-buntong hininga ako at tsaka tumakbo
papunta sa covered court. Hindi ko alam kung bakit ganito... si Andy... ba’t mas
nag-aalala ako sa kanya? Pero tama lang naman tong gagawin ko diba? Wala kaming
relasyon ni Ash. Mas kilala ko si Andy. Best friend ko pa rin siya.

Hingal na hingal ako nang nakarating ako sa covered court. Nakita ko si Andy na
katabi si Alex. Imbis na ginagamot ay nakita ko silang nag-uusap. Sigurado akong
seryoso ang pinag-uusapan nila. Gustong maglakad palayo ng mga paa ko ngunit
sadyang ayaw sumunod ng isip ko. Nanatili pa rin akong nakatayo roon hanggang sa
narinig kong tinawag ni Alex ang pangalan ko.

“Denise!” sumenyas siya na para bang pinapalapit niya ako sa kanila. Tinignan ko si
Andy. Napakasama ng tingin niya sakin pero tuloy tuloy pa rin ang mga paa ko
papunta sa kinauupuan nila.

Andy’s POV

“Kaya Andy, sundin mo ang sinabi ko----“ napahinto si Alex sa pagsasalita at


napatingin sa harapan namin. Medyo dumiin ang pagkakapunas niya ng bulak kaya napa-
aray ako. Tumingin ako sa tinitignan niya at nakita ko si Denise na nakatayo lang
sa harapan naming habang nakatingin lang sa lapag.

“Denise!” tawag sa kanya ni Alex. Nakita kong tumingin siya sa akin pero agad
niyang iniwas ang tingin niya at nagsimulang maglakad papunta sa amin.

“Andy...pwede ba kitang makausap? Kahit three minutes lang.” Tumingin siya kay
Alex. ”Tayo lang.” Tatayo na sana si Alex ngunit hinawakan ko ang kamay niya at
napaupo na lang siya muli sa tabi ko. Tumingin sa akin si Alex na para bang
nagtatanong. “Wala akong oras para sayo. Kung may gusto kang sabihin, magsimula ka
na.”

“Ah..Eh..”

Nanahimik siya bigla.

“Yan lang ba ang sasabihin mo? Sinasayang mo lang pala ang oras ko e. Tara na
Alex.” Kinuha ko ang mga gamot at bulak at hinatak si Alex papalabas ng covered
court.

“Teka lang Andy!” narinig kong tinawag niya muli ang pangalan ko. Napatigil ako sa
paglalakad. ”Gusto ko lang magpaalam sayo.” Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa
kamay ni Alex.

Magpaalam? P-Para san?

“Aalis na kasi ako sa school eh. Gusto ko ring magpasalamat sa lahat ng ginawa mo
para sa akin. Alam kong ilang buwan lang naman ang pinagsamahan pero pinahalagahan
ko lahat ng yon. Lahat ng jokes, lahat ng pangungulit mo... hindi ko
makakalimutan.” Lumingon ako sa kanya at kita kong pinupunasan niya ang kanyang mga
luha. ”At s-sorry din sa mga nagawa kong nakasakit sayo. A-Andy... please... parang
awa mo na... .patawarin mo na ko .Andy...please bumalik ka na sa dati... kahit
ngayon lang.”

Ilang sandali lang akong nakatayo. Wala akong masabi. Aalis na siya? Gusto kong
suntukin ang sarili ko. Gusto kong maramdaman muli ang mga suntok ni Ash kanina.
Diba....ito naman ang gusto ko? Ang malayo sa kanya....ang makalimutan siya?

“Ano naman pakialam ko?” Pakiramdam ko ay kusang nagsasalita ang bibig ko.

“Oo nga pala... gusto mo rin namang umalis ako diba?” kahit na galit ang tono ng
boses niya ay halatang unting unti pa ring nababasag ang boses niya. ”Tama... ayaw
mo na kong makita. Ayaw mo akong makasama kasi nasusuka ka. Nandidiri ka sa akin.”

“Buti natandaan mo ang lahat dahil ayaw kong ulitin ang mga yon sayo.Hindi ka
mahalaga para sayangin ko ang oras ko. Tapos ka na bang magsalita? Pwede na kaming
umalis? Kung aalis ka sa school na to, umalis ka. Dun ka na lang sa prinsipe mo
magpaalam. Magsasaya pa nga kami kapag wala ka eh." Tumigil muna ako bago muling
magsalita. "Isang ka lang malaking dumi sa school na to.“

Hinatak ko muli si Alex at nagmadali akong umalis sa covered court. Ang sakit ng
puso ko... parang may pumipiga. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hingal na hingal ako
nang tumigil ako sa kakatakbo. Tinignan ko sa Alex. Naka-pameywang lang siya habang
nakatingin sa akin.

“Bakit hindi mo sinabi ang gustong sabihin niyan?" Itinuro niya ang dibdib ko.
”Puro kasinungalingan lang ang sinabi mo.”

“Ano pa bang saysay? Eh inagaw na siya sa akin ni Ash!” nakakuyom ang mga kamao ko
habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Wala ng saysay kung aasa pa ko. Iniiwasan
ko lang na masaktan ang sarili ko.

Bakit ba hindi nila maintindihan ang gusto kong manyari?

“Hindi sayo si Denise.”

“Wala rin naman sila ni Ash ah?!” hindi ko sinasadya na mapalakas ang boses ko pero
wala akong nakitang pagkagulat o takot sa mukha ni Alex. Nakatingin pa rin siya sa
akin. Naramdaman ko na naman na tumutulo ang dugo mula sa labi ko. Kinuha niya ang
bulak at pinunasan ito.

“Yun na nga eh.” Pabulong niyang sinabi habang nakatingin sa bulak at muling
tumingin sa mga mata ko. ”Hindi rin siya pagmamay-ari ni Ash. Wala silang relasyon.
Ba’t ka sumuko agad?” inabot niya ang kamay ko at pinanghawak ito sa bulak.” Kung
patuloy mong gagawin yan, hindi lang si Denise ang nasasaktan... hindi mo ba
napapansin? Ikaw ang pinakanasasaktan sa mga ginagawa mo.”

Tinuro niya muli ang puso ko at tsaka nagsalita muli.

“Sundin mo kung ano ang gusto niyan. Iyan lang ang makakapagpasaya sayo.” Kinuha
niya ang mga gamot at bulak at umalis na.

Naiwan akong nanatiling nakatayo at nakatingin sa kawalan. Sundin ang gusto ng puso
ko? Diba... gusto kong lumayo... gusto kong sumaya. Iyon ang gusto ko diba? Pero
bakit parang totoo lahat ng sinabi niya.. bakit tila hindi ko na kilala ang sarili
ko?

Denise’s POV

Hindi ko sinasadya ang lahat ng sinabi ko. Wala akong planong makipagtalo at
isumbat pa sa kanya lahat ng sinabi niya sa akin. Hindi ko dapat ginawa yon... mas
lalo siyang nagalit. Ang gusto ko lang naman ay magpaalaam pero bakit nagkaganito?
Mas lalo akong napalayo sa kanya.

Wala akong karapatan na magalit. Ay hindi... ayokong magalit kay Andy. Hindi ko
talaga kaya. Kahit na saktan niya ako ng paulit ulit... ayos lang. Kakayanin ko
basta para kaya Andy. Para sa pagkakaibigan namin. Ngunit parang salungat sa amin
ang lahat ng nanyayari.. .aalis na ko pero at least nasabi ko naman sa kanya lahat
ng gusto kong sabihin. At least sinubukan ko..

Kanina pa text sa akin ng text si Ash pero hindi ko kayang mag-reply kahit isa sa
mga text niya. Siya naman talaga ang pupuntahan ko eh pero nung narinig ko na may
sugat din si Andy... na nasaktan din siya bigla agad nagbago ang isipan ko.
Kakaiba...

“Anak, ayos ka lang ba?” tumango lang ako sa tanong ni mama. ”Parang kanina ka pa
kasi malungkot diyan eh. Hindi ka ba masaya na aalis ka na sa school na yon? Wala
nang mangbu-bully sayo.” Tumingin ulit siya sa daan at iniliko ang manibela para
makapasok na sa subdivision.

“Masaya po ako.” Pinilit kong ngumiti.

“Ayokong nagsisinungaling ka Denise.” Napayuko ako habang hawak hawak pa rin ang
cellphone ko na kanina pa umiilaw. Naka-silent ito dahil ayaw kong marinig ni mama.
Kanina pa tawag nang tawag si Ash. Ilang beses kong tinangka na sagutin ito pero
ano namang sasabihin ko?

Bumaba na ko ng kotse. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay bumungad agad sa


akin ang galit na galit na si papa. Napaatras ako sa takot. Yumuko lang ako sa
kanya at paulit ulit na sinabi ang mga salitang, “Sorry Papa.”
Hinatak ako ni papa sa braso hanggang a nasa sala na kami. Ilang beses siyang
pinigilan ni mama pero hindi siya nagpapigil. Hanggang ngayon nagngingitngit pa rin
ang mga ngipin niya habang galit na galit na nakatingin sa akin.

“Bakit ka pinapa-transfer sa school mo?!”

“Papa... tama na po.” Ngunit tinulak pa niya ako sa sofa.

“Wala kang kwenta! Sinayang mo lang ang perang pinaghirapan ko! Bakit ka naglihim
sa amin?! Mga magulang mo kami Denise!” patuloy niyang pagsigaw sa akin.

“Tama na.” hinawakan ni mama ang kamay ni papa pero itinulak lang din niya si mama.

“Wag kang mangielam dito!” tumingin siya muli sa akin.”Diba sabi ko, pwede mo naman
sabihin sa amin ang lahat?!”

“Sorry papa...” Nagsimula na akong umiyak. Naiitindihan ko si papa. Naiintindihan


ko kung bakit siya nagagalit sa akin ngayon. Hindi ako naging mabuting anak. Ayoko
lang naman na mag-alala sila sa akin. Ayokong dumagdag pa ko sa problema nila pero
sa mga nanyayari ngayon... mas lalo ko silang ginugulo.

“Bakit hindi mo saamin sinabi na binubullu ka na pala doon?! Sana napagtangol ka


namin. Sana nagampanan namin ang pagiging magulang namin sayo!" umupo siya sa tabi
ko at hinawakan ang magkabila kong balikat. Sa ngayon, mahinahon na si Papa at
ilang segundong huminga nang malalim. ”Anak... kakampi mo kami. Kahit anong
manyayari, sayo kami maniniwala. Anak, mahal na mahal ka namin. Ayaw kong
naghihirap ka ng hindi naming namamalayan.”

Agad kong niyakap si papa. Muli akong humingi ng tawad. Siguro nga mali ang ginawa
ko. Mali ang naisip kong paraan. Lumapit rin si mama sa amin at niyakap kaming
dalawa. Pinaakyat na nila ako sa kwarto. Bumuntong hininga ako nang umupo ako sa
kama. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

“Denise, ayos ka pa rin ba?” bulong ko. Pumikit ako habang umiling iling ako at
dumilat muli. ”Kaya ko to... kayang kaya ko to.” Napangiti na lang ako dahil sa
pakikipag-usap ko sa sarili ko. Maiibabalik ko muli ang dating Denise. Ang masaya
at kuntentong Denise. Nginitian ko ang sarili ko sa salamin.

Ilang sandali lang ay kinuha ko ang cellphone ko. Rereplyan ko na si Ash. Ngunit
may isang text message na kumuha sa atensyon ko.
Sender: Unknown

Message: Pumunta ka sa park sa susunod na kanto. May kailangan akong sabihin sayo.
Importante ito.

Nakaramdam ako ng takot sa simula pero hindi ko alam kung bakit biglang nagmadali
ang katawan ko na lumabas ng bahay. Nagtanong sila mama kung san ako pupunta at ang
sinabi ko ay sa tindahan.

“Bilisan mo anak ah. Kakain na tayo.” Pagpapaalala ni mama. “Opo. Mabilis lang po
ito.” May kaba akong nadarama pero alam ko na kailangan kong pumunta roon. Kung
sino man ang nagtext... kailangan ko talaga siyang makausap.

Ash’s POV

“Sige pre, mauna na ko.” lumabas na si Philip at naiwan na lang akong mag-isa
kasama ni nurse Tin.

“Mukhang napapadalas ang pakikipag-away mo Ash ah?” nginitian ko lang siya. “Alam
mo, hindi ko pa natatanong kung san mo nakuha ang sugat mo sa braso dati. Saksak
yon diba? Huwag mong sabihin na napapasama ka na rin sa mga malalala na gulo?”

“Hindi naman nurse Tin.” Tugon ko na may ngiti sa aking mga labi. "Sus. Bakit ka
napapa-away ngayon? Hindi ka naman ganyan ah?”

Siya ang pinakamalapit sa akin sa mga staffs ng school. Madalas akong bumibisita
rito sa clinic para kausapin lang siya. Tinuturing ko siyang isang kapatid, sa
kanya ko nararamdaman ang pakiramdam na may isang “ate”.

“Siyempre para to sa iba no. Alam mo naman ako.”

“Ash..” tinignan niya muli ako.”Para sa iba?”


“Oo.” Hindi ko alam kung bakit natameme akong bigla. Para niya akong pinagbabawalan
sa mga titig niya. “Para kanino?”

“Kay Denise.” Napatingin ako sa gilid ko para maiwasan ang titig niya.Alam ko na
naman ang sasabihin niya. Papagalitan na naman niya ako dahil sa bagay na to.
“Ash... alam kong---“

“Nurse tin, kaya ko to. Huwag kang mag-alala.Ako pa? Kaunting galos at sugat lang
to.Huwag mo na akong pagalitan. Kagustuhan ko naman to eh.” Napatawa ako upang
mabawasan ang kabang nadarama ko.

“Hindi yon ang pinagaalala ko Ash. Nauulit ang mga panyayari dati.Kung pagpapatuloy
mo pa yan. Baka may masaktan na naman. Tsaka mali yang ginagawa mo, masasaktan mo
lang siya.”

“Katulad ng nanyari kay Summer?”

“Please Ash... tumigil ka na.” Halata sa mukha niya na tapat siya sa mga sinasabi
niya. Kilala ko si nurse Tin, kaligtasan lang ang ninanais niya.

“Tsss... makikita mo nurse Tin. Hindi manyayari yon." Nakangiti ko ulit na tugon sa
kanya. Mukhang kailangan ko nang ibahin ang pinag-uusapan. Tumayo ako sa kama at
sumandal sa pader habang ang dalawa kong kamay ay nasa loob ng bulsa ko. Tumingin
ako kay nurse Tin. Umupo lang siya sa harap ng table niya.”Ash. Ayoko ng ginagawa
mo. Pinapahamak mo lang ang sarili mo.”

“Desidido na ko.Poprotektahan ko siya. Nurse tin, seryoso ako. Kung ilang beses man
ako masaktan, ayos lang. Kilala mo naman ako diba?” tinignan ko lang siya at ilang
sandali ay nangiti siya na para bang tinantanggap ang pagkatalo niya.

“Bahala ka na nga.” Napangiti ako habang papalapit sa kanya.”Nandiyan ka naman para


gamutin ang mga sugat ko eh. Ate kita diba?” tumawa ako at sabay nito ang paghampas
niya sa braso ko.

“Gagi, sa susunod may bayad na to!”

Nagtawanan lang kami.

---
Ilang beses akong nagtext kay Denise. Ang sabi ng guard umalis na daw ito kasama ng
mama niya. Umiiyak daw si Denise kaya mas lalo akong nag-alala. Pano kung na-kick
out nga siya? Ugh. Hindi pupwede. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at umuwi muna.
Titignan ko kung buhay pa ang tatay ko dun.

“Hindi ka sasabay sa service?” tanong sa akin ni Harvey.

“Dala ko kotse ko pre eh.” Sagot ko naman.

“Sige pre. Ingat!”

Pumasok na ko sa loob at pinaandar ang kotse. Hindi talaga mawala sa isipan ko ang
tungkol kay Denise kaya kahit nagmamaneho, text pa rin ako nang text. Ilang beses
ko rin siyang tinawagan pero ayaw niyang sagutin. Ring lang ito nang ring.

“Shit!” napahampas ako sa manibela.

Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Kahit isang text kung okay ba siya o
hindi. Bakit hindi niya magawa yon? Iiwan na lang ba niya ako nang ganito? IIwan na
lang niya ako katulad ng nanay ko? Tangina. Sinubukan ko muli na tawagan siya pero
pareho lang ang resulta. Hindi niya sinasagot.

Pinarada ko sa garahe ang kotse. Nakita ko na naman na dinidiligan niya ang mga
halaman niya. Pagkakita niya sa akin ay sinundan niya ako kaagad. Hinubad ko ang
polo ko at pinulot niya iyon. Ibinato ko ang bag ko at muli, pinulot niya yon.

Hindi lingid sa kaalaman ko na may sakit siya.

“Ikaw ba ang anak ng pasyente?” sabi ng doctor habang nakatingin sa akin.

“Opo.”

“Kinalulungkot ko pero may Asperger ang iyong ama.Isa itong.....mental disorder.”

Nasa tamang edad na ko noon para malaman ang ibig sabihin ng doktor. Iyak ako nang
iyak ng gabing iyon. Dun ko lang napansin ang mga kakaiba niyang kilos.
Ang mga paulit ulit niyang gawain. Gigising siya ng eksaktong 6 am. Magkakape siya
habang nagluluto ng agahan ko. Itlog at kanin kapag Lunes hanggang Martes. Hotcake
naman para sa Miyerkules hanggang sa Biyernes. Hindi siya nagluluto ng agahan kapag
Sabado’t Linggo. Pagkaalis ko papunta sa school naiiwan lang siya sa bahay at buong
araw na inaalagaan ang mga halaman niya. Magluluto siya ng adobong baboy na araw
araw niyang niluluto para sa hapunan. Kapag dumating ako susundan niya ako at
kukuhanin niya lahat ng binabato kong gamit. Kakatok siya sa kwarto para kamustahin
ang araw ko at aayain akong kumain. Magkukuwento siya tungkol sa mga halaman niya.
Kapag natapos na siyang magsalita ay dederetso siya sa kwarto niya at magbabasa ng
libro.

Halos mabaliw na rin ako dahil sa araw araw na ginawa ng Diyos ay yan lang ang
ginagawa niya. Tito ko na lang ang nagpapa-aral sa akin at gumagastos sa lahat ng
gastusin namin.

Hindi ko rin siya makausap nang matino minsan. Palaging matipid ang mga sagot niya,
palaging may katahimikan. Kaya simula noon ay hindi ko na siya tinangkang kausapin.
Ayoko na. Sawa na ko. Madaldal lang naman siya kapag tungkol sa mga halaman niya eh
o kaya sa mga niluluto niya. Pinigilan ko ang galit ko sa kanya pero araw araw
itong nanunumbalik sa alala ko sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganyan. Takot
siyang makihalubilo sa mga tao. Ayaw niyang lumabas o kahit makipag-usap man lang.

Dahil sa sakit niyang iyan... nawala sa amin ang nanay ko. Dahil sa kanya... nawala
nang tuluyan sa tabi ko ang nag-iisang nakakapitan ko ng mga panahon na yon.

“Hindi ko na kaya.Ayaw ko ng asawang may sakit sa utak! Aalis na ko! Bahala kayo sa
mga buhay nyo!" alalang alala ko pa ang mga sinabi ni mama bago niya kinuha ang
maleta niya sa kwarto at nagmamadaling umalis. Palayo sa aming dalawa ni papa.
Palayo sa malaking responsibilidad na nakapatong sa balikat niya.

Sino nga naman ba ang gustong mag-alaga ng isang bata na marami pang
pangangailangan at kailangan ng atensyon at isang matanda na may sakit sa pag-
iisip? Naiintindihan ko si mama ng mga panahong iyon pero kahit anong gawin kong
pag-iintindi ngayon... wala na kong maintindihan. Alam kong hindi ko dapat isisi
kay papa ang lahat, may kasalanan din si mama ngunit... si papa ang tumapos ng
lahat.

Bigla akong nagising sa gitna ng gabi dahil may narinig akong isang malakas ng
sigaw mula sa ibaba. Bumaba ako sa hagdanan na walang dalang kahit anong armas na
pwede kong ipangdepensa sa sarili ko. “Mama!” agad kong natanaw sa kusina ang
malamig na bangkay ng mama ko. Tumakbo ako papunta sa nakahandusay na bangkay ng
mama ko. Nakita ko sa tabi niya ang isang tali at kutsilyo na ginamit upang gilitan
siya sa leeg.
Umiyak ako nang umiyak habang hawak hawak ko ang walang buhay na katawan ng mama
ko. Kahit na balak niya kaming iwanan. Kahit na ayaw na niya kaming makasama hindi
ko pa rin napigilan ang mga emosyon sa dibdib ko ng nakita ko siya sa ganitong
sitwasyon.

Nabaling ang atensyon ko sa tatay ko na kagagaling lang sa c.r. Puro dugo ang damit
niya at halatang naghugas siya ng kamay at naghilamos ng mukha. May nilabas siya
mula sa likuran niya... isang sako.

“Patay na ang mama mo.” Hawak hawak niya ang ulo ni mama habang dahan dahan itong
pinapasok sa loob ng sako. ”Kailangan na niyang magpahinga.” Nakatingin lang ako sa
kanya habang pinapasok niya ang mga hita ni mama sa loob ng sako. Noong hindi
nagkasya ang buong katawan ay bigla na lang siyang umalis papunta sa kwarto. Tulala
pa rin ako hanggang sa nakabalik na siya na may dalang malaking taga.

“P-Papa... anong gagawin mo?”

Hindi siya umiimik. Dere-deretso siya sa katawan ni mama. Inalis niya ang
pagkakalagay ng katawan ni mama sa sako at muli itong inihiga sa harap niya. Una
niyang tinaga ang ulo ng mama ko. Nakita ko kung pano ito gumulong papunta sa
kabilang parte ng kusina at tsaka niya pinagtataga ang ilalim na parte ng katawan
ni mama.

Napatakbo ako sa gilid at umupo habang tinatakpan ang bibig ko. Gusto kong umiyak
at sumigaw ngunit sobrang takot ang nadarama ko. Tinignan ko lang si papa habang
isa-isa niyang nilalagay sa sako ang mga hiwa-hiwalay na parte ng katawan ni mama.

Binuhat niya ang sako at lumapit sa akin.

“Hindi na tayo iiwan ng mama mo.Dito lang siya.” Binuksan niya sa harap ko ang sako
na punong puno ng dugo. Hindi ko natiis at tumakbo ako sa labas upang sumuka. Ang
ulo... ang paa at hita ni mama... hiwa-hiwalay.

“Anak... wag mo rin akong susubukang iwanan ha?” narinig ko ang boses niya mula sa
pintuan ng bahay. Tinignan ko siya ng may takot sa mga aking mga mata. Sobra akong
nanginginig habang dahan dahan na lumalapit sa kanya .Inabot ko ang kamay niya na
puro dugo at sumama sa kanya sa loob

Simula ng gabing iyon... isang halimaw na siya para sa akin. Hindi ko makakalimutan
na siya ang pumatay sa nanay ko.
“Ash kailangan mong tumira kasama ng papa mo. Wag kang mag-alala ako ang magpapa-
aral sayo. May sakit ang papa mo, kailangan niya ng tulong mo.”

Ilang beses akong umiyak sa harap ng tito ko upang makaalis na sa bahay na to pero
kahit isa dun wala silang pinaniwalaan. Ayaw ko namang sabihin na si papa ang
pumatay kay mama. Ayoko. Kaya kahit labag sa kalooban ko, kailangan ko siyang
makasama sa araw araw.

Pumasok na ko sa loob ng kwarto at kinuha ang nag-iisang litrato ni mama na meron


ako. Kahit papano galit din ako sa kanya. Siya ang may kasalanan kung bakit
nagkaganun si papa. Masyado siyang sakim. Sarili lang niya ang iniisip niya. Handa
niya kaming iwan para sa pansariling kaligayahan lang niya. Wala siyang kwentang
nanay... wala siyang kwentang asawa.... wala siyang kwentang babae.

Inilapag ko muli ito sa lamesa ng kwarto ko.

Tulad ng inaasahan ko, narinig ko na naman ang katok niya sa pintuan. Sigurado
akong tatawagin na naman nito ang pangalan ko Aayain niya akong kumain ng adobong
baboy niya at magkukwento ng magkukwento.

“A-Ash?”

Tulad ng lagi kong ginagawa, hindi ako iimik. Pagod na ako sa ganito. Paulit ulit.
Hindi na siya nagsawa.

“G-Gutom ka na ba?"

“Kung g-gutom ka na... kakaluto ko lang ng a-adobong baboy.”

“K-Kamusta ang araw mo?”

Pumikit na ako at inilagay ang headphone sa tainga ko. Inilakas ko ang volume upang
wala akong marinig na kahit ano. Nakakasawa sa bahay. Hindi nila ako masisisi kung
naging ganito ako.

Dumilat ako at nagmadali na kunin ang jacket ko. Inilagay ko naman sa leeg ko ang
headphone. Naririnig ko pa ring nagsasalita ang tatay ko tungkol sa mga halaman
niya. Binuksan ko ang pinto at bumungad siya sa harap ko .Hindi ko siya pinansin at
lumabas ako sa bahay. Kinapa ko ang susi sa bulsa ko at kinuha ito. Sumakay ako sa
kotse.

Kung di niya sasagutin ang mga tawag ko o kaya rereplyan ang mga text ko. Ako na
mismo ang pupunta sa kanya.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: WHITE ROSES

C24: White Roses. >>

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Denise’s POV

Patakbo akong pumunta sa park. Hindi pa naman masyadong madilim ngunit wala ng mga
tao sa paligid. Lahat sila’y nasa kani-kanilang tahanan. Dala dala ko pa rin ang
cellphone ko. Ilang beses kong tinawagan ang nagtext sa akin ngunit hindi niya ito
sinasagot kaya mas lalo akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit ganito pa rin
ang nadarama ko... kahit na kinakabahan ako... parang sinisigaw ng isipan ko na
kailangan kong pumunta roon.

Sana si Andy ito. Sana kausapin na niya ako... sana nga.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko at huli na nang napansin ko na may sasakyan
na pala sa harapan ko. Mabuti na lang at nagpreno siya kaagad kung hindi ay baka
nasagasaan na niya ako. Hindi ko na sinayang ang panahon at agad na kong tumakbo
papalayo. Sayang ang bawat minuto... maaring wala na kong maabutan pagkarating ko
roon.

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko pagkarating ko sa park. Walang naman akong


nakikitang tao. Ilaw lamang mula sa apat na poste ang nagpapaliwanag sa munting
park dito sa subdivision. Nilibot ko muli ang mga mata ko pero wala pa rin akong
makita kahit na isang anino.
Nang bigla akong napatingin sa kaliwang parte ng park. Sa may di kalayuan ay may
nakaupong isang lalaki na may suot na sumbrero. Medyo madilim sa parte na yon kaya
hindi ko maaninag ang mukha niya. Lagpas na sa park ang lugar na kinauupuan niya
kaya hindi ko siya napansin nung una pa lamang.

Tumayo siya nang napansin niya na papalapit ako sa kinauupuan niya. Nakayuko pa rin
siya ngunit alam kong hinihintay lang niya na lumapit ako sa kanya. Habang
papalapit ako nang papalapit ay mas lalo kong napapansin na sobrang pamilyar niya
sa akin.

At hindi nga ako nagkamali. Nang tinanggal niya ang itim na sumbrerong suot niya ay
bumungad sa akin ang mukha ng kaklase ko. Nakatingin lang siya sa akin nang diretso
at walang emosyon. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tao ay siya pa ang
magpapapunta sa akin dito. Anong kailangan niya sa akin? Ang sabi niya...
importante daw ito. Anong kailangang sabihin sa akin ni... John Philip?

“John Philip?” tawag ko sa pangalan niya na may tono pa rin ng pagtataka sa pagtext
niya sa akin. Aaminin ko, medyo nadismaya ako dahil akala ko’y si Andy ang maabutan
ko rito ngunit nagkamali ako. Hindi talaga pumasok sa isipan ko na maaring si
Philip ang nagtext na yon.

Imbis na magsalita siya ay nakita kong may inaabot siya sa akin. Isang papel,
maliit at halatang pinunit sa ibang notebook o kahit ano man na pinagsusulatan. Ang
unang tanong na pumasok sa isipan ko ay kung ano ang nasa papel at kung bakit
importante ito.

“Password.” Ang tangi kong narinig mula sa mga bibig niya.

“Password?” tumingin ako sa hawak hawak kong papel. ”Para saan?” muli kong tanong.

“Sa cellphone ng mga killers.” Masyadong matipid ang mga sagot niya na mas lalong
nagpapakaba sa akin. Bakit niya alam na nasa akin ang cellphone? Pano niya nalaman
na kailangan nito ng password? At lalong lalo na... paano niya nalaman ang
password? Ang daming tanong ang nasa isipan ko ngunit sa sobrang kaba ay hindi ko
na masabi. ”Pagkabukas mo ng cellphone pumunta ka agad sa nag-iisang folder sa File
manager.”

Itinaas niya ang isa niya kamay at tumingin sa kanyang relo. Hindi ko pa ring
magawang buksan ang papel. May kung anong pumipigil sa akin. Doble na ngayon ang
nararamdaman kong kaba.
“Bakit ko nalaman ang password? Ba’t ko alam ang tungkol sa cellphone?” Nakatingin
pa rin ako sa kanya. Parang... binabasa niya ang isipan ko.”Huwag kang magtaka,
kita naman sa mukha mo na gusto mong magtanong.”

Napalunok ako at nagsalita na.

“Bakit mo nga alam ang password?” tanong ko.

“Pano nga ba?” nakita kong ngumiti siya bago magsalita. ”Sabihin na lang natin
na----“

Tumigil siya sa pagsasalita habang nakatingin lang sa likod ko. Si Ash... anong
ginagawa niya rito? Naglalakad papalapit sa amin si Ash habang hawak hawak niya ang
susi ng kotse. Nang nakalapit siya sa amin ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko
at agad na hinatak ako papalayo kay Philip.

“Kanina pa kita hinahanap... nandito ka lang pala.” Narinig kong bulong ni Ash sa
akin pagkahawak na pagkahawak niya sa kamay ko.

“Nauulit ang lahat! Diba... Ash?” napatigil sa paglalakad si Ash nang sumigaw si
Philip. Hindi naman kami masyadong malayo sa kinatatayuan ni Philip kaya malinaw
ang pagkakasabi niya. Nauulit... ang lahat? Anong nanyayari?

“Si Freya... pinagbintangan din siya dati. Ang mga nanyayari ngayon, bakit parang
nauulit? Papayag ka bang maranasan ni Denise ang lahat ng yon?” narinig kong tumawa
si Philip... mahina at maikli pero may galit na kasama.”Alam kong napapansin mo rin
ito. Wala ka bang gagawin? Kapag si Denise na talaga ang naging target nila... may
manyayaring masama.”

Binitawan ni Ash ang kamay ko at humarap muli kay Philip. Humarap na rin ako kay
Philip. Hindi ko maintindihan ng maayos ang pinag-uusapan nila. Wala akong alam sa
mga nanyari dati.

”Masyado ka atang nanonood ng movies Philip. Hindi totoo ang mga yan. Walang
manyayaring masama. Ang nakaraan ay dapat nang ibaon sa nakaraan. Walang dahilan
para muling manyari ang lahat. Hindi magkatulad si Freya at Denise. Iba ang
sitwasyon ngayon at nandito lang ako sa tabi ni Denise para iwasang maging malala
ang lahat.”

“Nasa tabi ka ba talaga ni Denise?”


“Anong ibig mong sabihin?” Kahit pagalit ang tono ni Ash ay nanatili lang siyang
nakatayo. Nakakuyom ang mga kamao niya. Halatang pinipigilan ang pagka-inis.
”Denise, mauna ka na.” Sabi niya sa akin ngunit nakatingin lang siya ng diretso kay
Philip.

“Ash...” Tinitigan lang niya ako. Naramdaman ko na kailangan ko na talagang umalis


ay nagsimula nang maglakad palayo ng mga paa ko. Mahigpit kong hinahawakan ang
papel na binigay sa akin ni Philip habang naglalakad papunta sa bahay. Gusto ko na
siyang buksan ngunit natatakot ako sa kung ano man ang makikita ko sa cellphone na
yon. May kung ano sa loob ko na gustong itapon ang papel sa daan at tumakbo na lang
palayo.

Pwede ko namang kalimutan ang mga nanyari diba? Lilipat na ko ng school... iiwan ko
na ang impyerno na yon. Mas maganda kung tumakbo na lang ako palayo sa mga nanyari
sa school. Makakasama ko ang mga taong hindi ko kilala pero alam kong pwede kong
pagkatiwalaan hindi katulad sa Class 3-C.

“Anak nakausap mo ba si Ash?” sabi sa akin ni mama pagkapasok ko pa lamang sa


bahay. ”Pumunta siya rito kanina. Hinahanap ka tapos sinabi naming na nasa tindahan
ka. Napuntahan ka ba niya?”

“Ah... opo ma. Nakausap ko na siya.” Ngumiti lang si mama at pumunta na agad sa
kusina. Nakita kong nakahain na ang pagkain ko sa mesa. ”Ang tagal mo kasi kanina
kaya nga pinaghain na kita. Kain na anak.” Sabi muli ni mama sa akin.

“Mamaya na lang po. Hindi pa ko gutom.”

Nagsimula na kong maglakad papunta sa kwarto ko. Agad kong ni-lock ang pinto at
binuksan na ang secret compartment sa cabinet ko. Kinuha ko ang cellphone ng killer
at umupo na ko sa kama. Tinitigan ko lang ang puting cellphone. Kinuha ko na mula
sa bulsa ko ang papel na binigay sa akin ni Philip.

Huminga ako nang malalim bago ko dahan dahang binuklat ang nakatuping papel .Hindi
ko alam ang bubungad sa akin. Ngunit nilakasan ko na lang ang loob ko. Sigurado
akong importante ito. Ayos lang naman kung susubukan ko diba.

Napakunot ang noo ko nang nakita ko kung ano ang nakasulat sa papel. Mga numbers.
Ang unang grupo ng numbers ay nasa pinaka-itaas ng papel ang pangalawang grupo ng
numbers ay nasa pinaka-ibaba naman.
“9142438132”

“7363743274”

Ano to?

Kinuha ko na ang cellphone sa tabi ko at binuksan ito. Nilagay ko ang unang grupo
ng numbers. Hindi kaysa lahat ng numbers kaya ang una muna ang ginamit ko. Hindi
ito gumana kaya sinubukan ko ang pangalawa. Kinagulat ko nang hindi rin ito gumana.
Kung walang gumagana sa mga numbers na ito... ano ba talaga ang totoong password?
Bakit mali ang binigay sa akin ni Philip?

Ilang beses na kong tinawag ni mama upang kumain pero nanatili pa rin ako sa
kwarto. Kanina ko pa iniisip ang tungkol dito sa mga numbers na binigay ni Philip.
Hindi kaya maaring... puzzle ito?

“9142438132 7363743274” binasa ko muli ang nasa papel. Wala namang kakaiba rito
maliban sa 1 hanggng 4 lang ang range ng mga number na nasa gitna. 1, 2, 3, 1, 2 at
tsaka 3, 3, 4, 3. 2, 4. Kakaiba parang may pattern... pero ano?

Ilang minuto pa rin akong nag-isip hanggang sa nanlaki ang mga mata ko.
Cellphone... kinuha ko ang cellphone at pinindot ang mga numbers. Nung una wala
akong nabuong matino salita pero bigla akong may naisip na isang paaran. Di kaya
ang number na kasunod nun ay ang number na nagsasabi kung ilang beses mo siyang
pipindutin?

Kumuha ako ng papel at muli kong sinulat ang mga numbers. Pinaghiwa-hiwalay ko ang
mga ito. Tig-dalawa bawat linya.

91

42

43

81

32

73

63

74

32
74

Kung number 9 ang una... ibig sabihin isang beses ko siyang pipindutin? At ang
susunod ay number 4... dalawang beses ko ito pipindutin.Tinuloy tuloy ko ang
pagpipindot hanggang sa nakabuo ako ng dalawang salita.

“White Roses.” bulong ko.

Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko. White roses? Ito na ba ang password?
Binitawan ko muna ang papel at lapis na hawak ko. Nanginginig kong kinuha ang
cellphone ng killers. Ramdam ko ang bawat tensyon na nangingibabaw sa katawan ko.
Tinanggal ko ang space sa pagitan ng dalawang salita nang hindi ito nagkaysa.

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone nang bumukas ito. Nanginginig pa rin ang mga
daliri ko nang pinindot ko ang menu. Tulad ng sinabi ni Philip, binuksan ko ang
nag-iisang folder sa file manager. Iisa lang din ang laman ng folder na ito, isang
mp3 file. Kinuha ko ang earphones at sinimulan na pakinggan ang mp3 file.

Narinig ko ang boses ni Maeri.

“Alam kong mapapakinggan mo to. Simula noong isang buwan hindi ko na masikmura ang
mga pinaggagagawa ko. Wala akong gusto sa mga nasabi ko at lalong lalo na di ko
ginusto na sayo ibigay ang white rose.”

White rose... ang password. Bakit sa lahat ng tao si Maeri pa ang nandito? Nawawala
rin ang katawan ni Maeri ngayon at kahit anong hanap ang gawin ng mga pulis ay di
nila ito makita.

“Gusto ko sanang humingi ng tawad.” Halatang malapit nang umiyak si Maeri sa


pagkakasabi niyang iyon. ”Inilagay niya sa teacher’s table ang mga white roses.
Nung una wala akong alam kung para saan ang mga yon. Nang bigla niyang sabihin na
kumuha kami ng isang rosas bawat isa at ibigay sa isa nating kaklase na... gusto
nating mamatay.”

Napahawak ako sa bibig ko nang narinig ko yon.

“Sobra akong nanghihina habang papalapit ako ng papalapit sa teacher’s table. Ako
ang pinakahuling kukuha at hinihintay ng lahat kung sino ang gusto kong bigyan ng
puting rosas. Tinignan kita habang nakayuko ka at tinitignan ang mga puting rosas
na nasa mesa mo. Tama. Sayo binigay ng lahat ang mga puting rosas... ikaw ang gusto
nilang mamatay....nagsisisi talaga ako sa nagawa ko. Patawarin mo ako. Nanginginig
ako habang pinapatong ko sa mesa mo ang huling rosas na makukuha mo.”

Sino.... para kanino ang mensahe na to?

“Nakita kitang umiiyak sa c.r. Alam mong, gustong gusto kitang damayan. Ngunit
hindi maari, kaaway ng isa... kaaway ng lahat. Alam mo naman ang patakaran na yon
diba? Mga sikat ang kalaban mo.... kami ang kalaban mo... hindi kita maaring
kampihan. A-Ayokong ako naman ang target nila. Ayokong mag-isa... ayokong kamuhian
ng lahat.”

Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone na hawak ko.

“Wala akong nagawa. Wala ka namang kasalanan eh... naniniwala ako sayo. Naging
mabuti ka pero kasamaan lang ang sinukli sayo ng lahat. Sana mapatawad mo kami.
Sana mapatawad mo ako.”

Natapos na ang pagsasalita ni Maeri. Sino ang tinutukoy niya? Ramdam ko na naman
ang mabilis na tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. Kaba... bakit ako
nakakaramdam ng kaba?

“Nauulit ang lahat! Diba... Ash?”

“Si Freya... pinagbintangan din siya dati. Ang mga nanyayari ngayon, bakit parang
nauulit? Papayag ka bang maranasan ni Denise ang lahat ng yon?”

”Alam kong napapansin mo rin ito. Wala ka bang gagawin? Kapag si Denise na talaga
ang naging target nila... may manyayaring masama.”

Naalala ko muli ang mga sinabi ni Philip. Maari kayang alam niya kung sino ang
tinutukoy ni Maeri? Mukhang marami siyang alam tungkol sa mga nanyari dati at sa
nanyayari ngayon..

Agad akong bumaba at nakita ko si Papa at mama na nakaupo sa sala at nanonood ng


movie. Tumayo ako sa harap nila at malakas kong sinabi na...

“Mama, Papa, Hindi na po ako magta-transfer.”


Ash’s POV

“Kung ano man ang pinaplano mo, hindi ko hahayaang magtagumpay ka.” Sabi ko kay
Philip. Mas lalo akong naasar nang nakita kong nakangiti lang siya sa akin. ”Huwag
na huwag kang gagawa ng masama laban kay Denise kundi, ako ang makakaharap mo.”

“Sa tingin ko, hindi dapat ako ang pinagbabalaan mo, Ash.” Tumingin siya sa akin ng
diretso. ”Ako ba talaga ang kaaway?”

“Hindi ko alam. Hindi ko na kilala ko sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan.”


Napayuko ako pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon. ”Pero ang tanging alam
ko, hindi makakatulong kay Denise tong ginagawa mo. Lilipat na siya Philip,
tatahimik na ang buhay niya. Mas pinapagulo mo lang ang sitwasyon.”

“Alam ko, hindi ba mas masaya yon?” nakita ko na naman ang ngiti niya .Hindi ko
talaga maintindihan tong lalaking to. Minsan parang siya ang kawawa pero minsan
naman parang siya ang gumagawa ng ikakasama ng iba.

Philip... sino ka ba talaga?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kuwelyo. ”Kapag may nanyaring masama kay
Denise... humanda ka sa kin.”

Ngumiti lang siya habang inaalis ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya. “Pwes
maghahanda na pala ako ngayon pa lang.” Sinuot niya ang hawak hawak niyang sumbrero
at naglakad na palayo. Nanatili lang akong nakatayo. Kung ano man ang pinaplano
niya... hahadlangan ko ang mga yon. Sigurado akong mabibigo siya.

Bigla kong narinig ang pag-ring ng phone ko. Tinignan ko ang pangalan ng tumatawag
at hindi na ko nagulat na bigla siyang napatawag. Pumunta ako sa kotse ko sa di
kalayuan habang nagsasalita siya sa kabilang linya.

“Naiitindihan ko. Papunta na ko diyan.” Sabi ko at pinaandar ko na ang kotse.

Vince’s POV

“Nakita mo ba ang hawak ni Teacher Paolo kanina?” narinig kong tanong niya sa
akin.Inalis ko muna ang yosi sa bibig ko at tsaka sumagot. ”Oo, ang panyo ni
Akira.” Tinignan ko ang tatlong itim na paru-paro na naka-tattoo sa kaliwa kong
balikat.

“Sabi ko na nga ba, tama lang ang nakita ko. Sa tingin mo, may pinaplano ang
teacher na yon laban sa atin?” Binitawan ko muna ang yosing hawak ko at inapakan ko
ito. Tumingin muli ako sa kanya at halatang hinihintay pa rin niya ang sagot ko.

“Malay ko, hindi naman ako kasing talino mo para malaman ang sagot.” Narinig ko
lang ang mahina niyang tawa. Kung titignan mo, hindi mo maiisip na puro kasamaan
ang alam ng taong to. Napapangiti na lang ako sa tuwing maririnig ko siyang
nagmumura.

“Pero napapansin mo rin ba, kakaiba na si Akira ngayon.” Sabi niya

“Paanong kakaiba?”

“Ewan ko nga rin eh basta kakaiba siya.”

“Panigurado, may pinaplano yon.” Nakita kong tumango lang siya.

Napatingin kami nang bumukas ang pintuan. Nakita kong papalapit si Akira sa amin.
Hawak hawak na naman niya ang itim niyang flute. Tama nga, may kakaiba sa kanya.
Ang kislap ng mga mata niya, kakaiba. Mukhang galit siya.

Inilapag niya sa nag-iisang lamesa sa gilid ang itim niyang flute at tsaka hinatak
ang upuan nito para makaupo siya. ”Anong balita?” tanong niya samin.

“Wala naman masyado.” Sagot ng kasama ko. Medyo nakakatakot ang aura niya ngayon.

“Ako, merong balita sa inyo.” Wika ni Akira amin .”Si Teacher Paolo, siya ang
kumuha kay Maeri. Sa ngayon, patay na si Maeri. Nilibing niya ito sa likod ng
school.”

Napatingin sila sa akin. Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng pawis mula sa
ulo ko hanggang sa leeg ko. Si... M-Maeri... patay na? Hinampas ko ang lamesa gamit
ang kamao ko.

“Nasan na yang teacher Paolo na yan?!!”

“Relax lang Vince. May plano ako at alam kong magugustuhan mo to.” Narinig kong
sinabi ni Akira. Ramdam ko sa ngiti niya na nasisiyahan talaga siya. ”Dapat lang
niyang malaman kung sino ang binangga niya. Magsasama na sila ni Yuko sa impyernong
ginawa natin para sa kanila.”

-----------------------------------------x

A/N: Sabihin nyo lang sa akin kung hindi nyo na-gets yung tungkol dun sa password
ah? Feeling ko kasi magulo yung pagkaka-explain ko eh. Basta i-try nyo sa cellphone
nyo. Wag qwerty pad, alphanumeric pad lang. Yung unang number ay yung number na
pipindutin nyo tapos yung katabi nitong number sa right ay yung number kung ilang
beses mo siya pipindutin. Kaya nabuo ang white roses :)

NEXT CHAPTER: YOU CAN'T CHEAT DEATH.

C25: You can't cheat Death. >>


Si Teacher Paolo po ang gif sa gilid --->

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Teacher Paolo’s POV


Tinitignan ko lang si Lilith habang nakatayo siya sa harapan ko. Hawak pa rin niya
ang lagi niyang dala dala na teddy bear. Kanina pa niya ito kinakausap na para bang
sumasagot ito sa mga katanungan niya. Nabibigla na lang ako kapag tumatawa siya.
Pinaiwan ko siya sa classroom upang isagawa ang plano ko. Kailangan na niyang
manahimik. Alam kong maaring walang maniwala sa kanya pero mas maganda na ang
nakakasigurado.

Nilibot ng mga mata ko ang paligid, gulo gulo pa rin ang classroom nagkalat ang mga
upuan at mga gamit ng mga estudyante. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Lilith kanina
pero nagulat ako nang wala na siya roon. Hanggang sa napalingon ako sa kaliwa ko at
nakita ko muli siya. Kahit natatakpan ang mga mata niya at kaunti lamang ang
nakikita ko ay alam kong nakatingin lang siya sa akin ng diretso na para bang
hinihintay niya na lumapit ako. Hawak hawak niya sa kaliwa niyang kamay ang sira-
sira niyang teddy bear. Dahan dahan akong lumapit sa kinatatayuan niya at agad kong
hinatak ang kanan niyang kamay. Binunot ko ang kutsilyo sa kaliwa kong bulsa at
tinutok sa leeg ni Lilith.

Hindi siya sumigaw. Ni hindi siya nagpumiglas at ang pinagtataka ko sa lahat ay


nakarinig pa ko ng mahinang tawa mula sa kanya. Nagsitaasan ang mga balahibo ko
nang narinig ko ang maikling tawa na yon.

“Papatayin mo rin ba ako?” narinig kong binulong niya. ”Gigilitan mo ba ang leeg
ko?” Ramdam ko pa rin ang pagtaas ng mga balahibo ko. May naririnig akong
paparating kaya napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kutsilyo. Hindi kong sinasadya
na madaplisan ang balikat ni Lilith. Nakita ko na lamang na may tumulong dugo mula
sa kutsilyong hawak ko. Dinampot ko kaagad ang kutsilyo.

Masyadong mabilis ang panyayari, nakita ko na lamang ang sarili ko na tumakbo


papunta sa isang malaking locker na lalagyanan ng mga panlinis. Nakatutok pa rin
ang kutsilyo ko sa leeg ni Lilith. Nanginginig ako habang nanatili namang tahimik
si Lilith na para bang maliit at masunurin na bata. Sinisilip ko si Denise na
kakapasok lang sa classroom. Nagulat siya sa nadatnan niyang gulo. Medyo may
kalakihan ang locker kaya hindi mahirap gumalaw.

Mas lalo akong nanginig nang napansin ni Denise ang patak ng dugo ni Lilith sa
sahig. Mas bumilis ang pagtulo ng mga pawis ko pati na rin ang tibok ng puso ko.
Baka mamaya hanapin niya kung san nanggaling ang dugo na yon. Muntik ko nang
mabitawan ang kutsilyo na hawak ko. Mabuti na lang at naagapan ko ang pagbagsak
nito.

“Huwag kang maingay Griselda. Naglalaro tayo ngayon.” Inilagay niya ang hintuturo
niya sa bibig ng hawak niyang teddy bear. ”Shhhhh... wag ka nang magsalita. Alam
ko, delikado to .Pero...” lumingon siya sa akin at ngumiti. ”Nagsisimula na
Griselda... nararamdaman ko na. Mabubuklat na ang aklat na matagal nang nakatago.
Malalaman na kung sino ba ang totoong may sala. Masaya... ito na ang hinihintay
ko.” Pabulong pa rin niyang sinasabi.

Nakahinga ako nang maluwag ng tumakbo palabas ng classroom si Denise. Tinanggal ko


na sa pagkakatutok ang kutsilyo ko sa leeg ni Lilith at huminga muli ng malalim.
Natigilan na lang ako nang biglang tumakbo palabas ng locker si Lilith hanggang sa
nakalabas na siya ng classroom.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa inis. Nabigo na naman ako.

“SHIT!” napaupo ako habang ang dalawa kong kamay ay nasa magkabilang gilid ng ulo
ko. Hindi matutuwa sa akin si Yuko kapag nagtuloy tuloy ang kamalasan. Dapat patay
na ang Lilith na yan... dapat walang makakaalam ng plano ko.

Uubusin ko silang lahat... ang buong Class 3-C. Matatagpuan na lamang sila ng mga
magulang nila na duguan at wala nang buhay... katulad nang nanyari kay Yuko. Lahat
ng pagkakasala ay may kabayaran at nalalapit na ang oras na yon para sa kanila.
Magtatagumpay ako at kapag nagkita na kami ni Yuko, masasabi niya na natutuwa siya
sa mga ginagawa ko. Mas mamahalin niya ako. Tama, gusto niya ang lahat ng ito.

“Diba... Yuko?” tumingin ako di kalayuan at nakita ko si Yuko na nakaupo sa nag-


iisang silya na nakatayo. Hawak niya ang mga libro na palagi niyang dala dala kapag
nagka-klase. Pupunta sana ako sa kinauupuan niya ngunit unti unti siyang naglalaho.
Sinubukan kong abutin ang kamay niya pero bago ko ito maabot ay naglaho ito na
parang usok.

Nakaramdam na naman ako ng bigat sa dibdib ko. Kinuha ko ang kutsilyo at binulsa.
Kailangan ko nang magplano .Kailangan kong patayin ang mga batang iyan bago pa
nila ako unahan. Sila ang salot sa buhay ko... sa buhay namin ni Yuko.

Inabot ko ang bag ko sa may teacher’s table at inayos muna ang suot kong uniform
bago umalis. Sinigurado ko na maaliwalas ang mukha ko bago ako tumapak papalabas
.Binati ako ng ilang estudyante pagkalabas ko. Nginitian ko lang sila. Mga
ignorante....isasama ko rin kayo. Tuloy tuloy ako kung san naka-park ang kotse ko.

May kakaiba sa loob ng kotse... para bang hindi ako nag-iisa. Ngunit di ko pinansin
ang bagay na yon at pinaandar na ang kotse papunta sa apartment. Walang pumapasok
sa isip ko kundi kung paano ko sila papatayin. Kung paano sila mahihirapan. Pero
tangina talaga, nakatakas sa akin si Lilith kanina. Ang hirap hulihin ang baliw na
yon. Masyadong madulas.

Pinarada ko sa harap ng apartment ang kotse. Lumabas na ko at di ko namalayan na


may lumitaw sa likod ko na isang lalaki. Napaharap pa ko sa kanya kaya nakita ko
ang mukha niya. Agad naman siyang nagsuot ng sumbrero at tinakpan niya ang bibig ko
ng isang panyo na may kakaibang amoy... amoy na... nagpapahina sa katawan ko...
hindi na ko makagalaw parang may pumipigil sa katawan ko.

“Yuko? Anong nanyayari diyan?” pababa ako ng hagdanan nang may narinig akong
sigawan mula sa sala. Boses ni Yuko at boses ng isang lalaki? Natanaw ko silang
dalawa sa di kalayuan. Bata pa ang lalaki. Mukhang galit na galit siya kay Yuko.
Nakita ko namang umiiyak si Yuko sa harap niya. ”Yuko!” napatingin sila sa akin
ngunit bago pa ko makapunta sa kanila ay may naramdaman akong pumalo sa likod ko.
Ang huli ko lang nakita ay si Yuko na tumatakbo papunta sa akin at ang pagbunot ng
kutsilyo ng na nasa likod niya.

Nang binuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko na lang ang sarili ko sa banyo.
Nakatali ang dalawa kong kamay at paa gamit ng duct tape. May nakataling puting
panyo sa bibig ko. Kita ko kung pano nila saksakin si Yuko hanggang sa naglaglag
ang katawan ni Yuko sa bathtub. Hinubad ng isa ang damit niya Yuko at itinapon.

“Tara na.” Inabot ng isa ang kamay ng lalaki ngunit hindi ito kinuha ng lalaki.
”Mauna ka na, tatapusin ko lang to.” Sabi niya habang nakatitig sa nakahandusay na
katawan ni Yuko sa bathtub. Wala akong magawa, nanghihina pa rin ang katawan ko.
Pinapatay na sa harap ko ang pinakamamahal ko... napakahina ko. Wala akong
kwenta.Yuko... patawarin mo ako..

“Tapos na. Nakapaghiganti na tayo.” Sabi pa muli ng kasama niya.

“Diba sabi ko mauna ka na?!” dahil sa pagsigaw ng lalaki kaya lumayo na ang kasama
niya. Tumingin sa akin ang lalaki ngunit di ko makita ang mukha niya... bakit?
Hindi ko makita ang mga mukha nila... ang labo ng paningin ko ngayon at hirap akong
dumilat ngunit pinipilit ko. Kung pupwede lang. Kung kaya ko lang lumaban ngayon.
Ngumiti siya sa akin... ngiti na para bang sinasabi niya na talo ako.

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasawsaw niya ang kanya mga kamay sa bathtub
na puno ng dugo ni Yuko. Galit na galit siyang nagsulat sa pader gamit ng mga dugo
na yon. LIAR. Hindi ko alam kung ano ang nagawa sa kanya ni Yuko para gawin ang
lahat ng ito. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan niya. Pagkatapos niyang isulat
ang mga iyon sa pader ay dali dali siyang pumunta kay Yuko at pinagsasakal ito.

Hindi ko mapigilan ang sumigaw. Pinilit kong makawala pero parang nilalabanan ako
ng sarili kong katawan. Ni tumayo ay hindi ko kaya. Alam kong patay na si Yuko pero
bakit ganito? Mas pinaparamdam niya sa akin na wala akong kwenta... na kahit anong
gawin niya ay hindi ako makakalaban.

“Kailangan na nating umalis.” Dumating muli ang kasama niya ngunit bago siya umalis
ay narinig ko na lang ang mga yapak niya papunta sa akin. Bigla niya akong sinaksak
sa tagiliran. Nung una ay wala akong naramdaman hanggang sa nakita ko na lang ang
pagdurugo ng tagiliran ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng matinding sakit. Sakit na
mas lalong nagpahina sa akin. Habang tinatanggal niya ang pagkakasaksak ng kutsilyo
sa tagiliran ko ay napapapikit na lang ako sa sakit. Sa bawat hatak na ginagawa
niya sa kutsilyo ay mas lalo kong nararamdaman ang bawat tulis nito na nagpapadugo
pa lalo sa sugat ko.

Ilang minuto akong nakatulala at hingal na hingal. Tinanggal niya ang duct tape sa
bibig ko at dinuraan ako sa mukha.

“Magsama na kayo sa impyerno.” Ang huli kong narinig mula sa kanya hanggang sa wala
na akong naramdaman na kahit ano... napapikit ako at di ko alam kung magigising pa
ba ako.

---

Nagising na lang ako na may mga nakakabit sa aking kung ano ano. Nilibot ko ang mga
mata ko sa paligid. Isang di pamilyar na lugar. Kulay puti ang lahat... nasan na
ko? “Ayos na po ba kayo sir?” tanong sa akin ng isang nurse. Hindi ako nakasagot
dahil mayroong pumasok agad na kwarto.

“Anak?! Anak!!” nakita ko si nanay. Iyak siya nang iyak habang yakap yakap ako.
”Anak! Mabuti at di mo na kami iiwan. Salamat sa Diyos! “ ramdam ko ang saya at
lungkot sa boses niya.

“Mama... nasan si Yuko?” natigilan siya nang narinig niya ang tanong ko.

“Anak, patay na si Yuko. Ang sabi ng mga pulis nagpakamatay raw ngunit may
possibilidad din daw na pinatay. At ikaw ng suspek.”

“Ako?” tanong ko sa kanya

“May fingerprints mo ang kutsilyong ginamit. Kaya nga naging suspek ka. Pero naayos
ko na ang lahat... hindi ka na nila pagbibintangan." Napahampas ako sa kama.Ang
lalaking yon... sira ulo siya..

“Nasan si Yuko?!” nagulat si mama sa pagkakasigaw ko.


---

Dahan dahan akong naglalakad sa gitna habang nakatitig lamang sa kabaong ni Yuko.
Hindi pa rin mako akapaniwala sa mga nakikita ko. Pinagmasdan ko ang mga nag-
iiyakang tao sa paligid. Naramdaman ko muli ang sakit... namatay nga si Yuko na
wala man lang akong nagagawa. Pinanood ko lang siyang mamatay.

“Yuko!” tumakbo ako sa harap ng kabaong. Pinagmasdan ko ang nakapikit at tila


mapayapa na mukha ni Yuko. ”Bakit di mo na lang ako sinama?! Iiwan mo na lang ba
ako ng ganito? Yuko, di ko kaya nang wala ka! Kuhanin mo na lang ako! Handa na ko!
Bakit ba hindi na lang akong namatay?!” hindi ko namalayan na kanina ko pa pala
hinahampas ang kabaong ni Yuko. Naramdaman ko na lamang ang mga kamay ng papa ni
Yuko na pumipigil sa akin sa pagwawala ko. Masyadong mabilis... ba’t kinuha nila
agad si Yuko sa akin? Hindi ko rin mapigilan ang tuloy tuloy na pagpatak ng mga
luha ko.

Basta isa lang ang alam ko....dapat silang managot.

---

Nagising na lang ako nang may naramdaman akong sumampal sa pisngi ko. Unti unti
kong binukas ang mga mata ko at nakita ko sila sa harap ko. Pamilyar ngunit medyo
madilim sa lugar na kinaroroonan namin .Nakatali ang mga kamay ko at mga paa sa
upuan. Nakakarinig ako ng mga huni ng ibon. Nasan ako? Sigurado akong gabi na dahil
sa lamig na nadarama ko. Lahat sila’y nakangiti sakin na para bang mga asong ulol.
Nakatulala lang ako sa kanila. Parang natigilan ako sa mga titig at mga ngiti nila.
Nakakakilabot. Sila ba? Sila ba ang responsable sa pagkamatay ni Yuko?

“Ang tagal mong matulog. Nakakainip.” Sabi ng isa at agad na sinipa ang binti ko.
Napangiwi ako sa sakit. “Ikaw ang pumatay kay Maeri diba?” lumapit siya sa akin at
hinawakan ako sa panga habang pinandidilatan ako. Hindi nga ako nagkakamali, si
Vince ang nasa harapan ko. ”Alam mo ba, lahat ng nanakit sa kanya... pinapatay ko?
Alam mo naman ang nanyari kay Rain at pinapangako ko sayo na mas matindi pa ang
mararanasan mo. Unti unti ka na naming binabaon sa impyerno. Ngayon pa lang
sinusundo ka na ng Satanas mo.” Inilayo na niya sa akin ang mukha niya ngunit
sinipa niya ang upuan ko na naging dahilan ng pagbagsak ko. Naramdaman ko ang sakit
ng pagkakauntog ko sa sahig.

Hanggang sa may nakita akong mga paa na papalapit sa mukha ko. “Hindi ko akalain na
papasok ka sa school. Aaminin ko na nung una hindi kita tinignan bilang isang
hadlang sa mga plano namin. Hindi ko akalain na gagawa ka ng katarantaduhan. Walang
nakakalampas sa amin.” Tiningala ko ang taong nagsasalita sa harapan ko at may
nakita akong babae na naka-pameywang habang nakatitig na para ba akong isang
maliit ng ipis na kayang kaya niyang tapakan. ”Kung gagaguhin mo kami. Siguraduhin
mo na walang kang iiwan na butas.”

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Galit... takot.... hinanakit tulad


ng naramdaman ko ng mga panahon na pinapatay sa harap ko si Yuko... napakahina ko
talaga. Mga bata lang naman sila pero bakit nila ito ginagawa? Sinubukan kong
tumayo pero sadyang hindi ko kayang itayo ang sarili ko lalo na’t nakatali pa rin
ako sa upuan na ito. May naramdaman akong nagtatayo sa upuan ko. Isang tao na
nanggaling sa likod ko.

“Tatakas ka tanda? Nakakatawa ka.” Hindi ko man siya nakikita ngunit kilala ko kung
sino siya... alam ko kung kaninong mga boses ang naririnig ko ngayon... mga demonyo
sila. Mga walang puso. Ngunit anong pagkakaiba ko nga ba sa kanila? Pareho pareho
lang naman kami. Mga mamatay tao.

Nakaramdam ako ng mainit sa likod ko na para bang may apoy na nakasindi. Gusto kong
lumingon upang makita kung san nanggaling ang init na iyon ngunit naunahan ako ng
kaba. Napasigaw na lang ako nang naramdaman ko ang dahan dahan na pagpatak ng
kandila... sa ulo ko... sa mata ko at sa bibig ko. Hanggang ngayon wala pa rin
akong magawa upang labanan sila. Tuloy tuloy ang pagpatak ng kandila hanggang
halos matakpan na ang kaliwa kong mata. Sigaw ako nang sigaw hanggang sa umabot na
ang patak ng kandila sa leeg ko. Nakarinig ako ng malakas na tawanan. Masyadong
mainit... masyadong masakit. Gusto ko nang mamatay.

Kanang mata na lamang ang nagagamit ko upang makita sila. Hindi pa rin tumitigil
ang pagtawa sa paligid ko. Natuyo na rin ang mga patak ng kandila sa mukha ko.
Ngunit masakit pa rin... patuloy pa ring nanghihina ang katawan ko. Malapit na
kong... mamatay diba?

Lumapit muli sa akin ang isa sa kanila at tinanggal ang matitigas na wax sa mukha
ko. Napasigaw muli ako. Pakiramdam ko’y matatanggal ang kaliwa kong mata sa sakit.
Kadiliman lang ang nakikita ko sa kaliwa kong mata... kadiliman na unti unti nang
nilalamon ang kaluluwa ko. Bulag na ang kaliwa kong mata ngunit nakikita ko pa rin
ang mga masasaya nilang mukha. Nakita kong nilapitan ako ng isa sa kanila at
pinagtatanggal niya ang mga tali sa katawan ko gamit ang isang kutsilyo....
papakawalan nila ako?

“Tumakbo ka na.” Sabi niya bago niya lingunin ang mga kasama niya na nagsisingitian
pa rin. ”Anong gusto mo? Mamatay na di lumalaban o mamatay na lumalaban?” hindi na
ako nagdalawang-isip pa muli at dali dali na kong tumakbo palabas. Kahit na ang
mata ko lang sa kanan ang nakakakita... alam kong kaya ko.

Pagkalabas ko sa kinaroroonan namin ay nakita ko ang sarili ko sa harap ng isang


malaki at madilim na gubat. Narinig ko ang malakas na pagbibilang ni Vince. Tumakbo
ako upang makatakas... upang mabuhay. Madapa dapa ako nang napansin ko na may mga
humahabol sa akin. Lumingon ako at nakita ko silang tumatakbo. Nagsisistawanan pa
rin habang may hawak si Vince... isang baril. Mas lalo akong natakot.

”Anong gusto mo? Mamatay na di lumalaban o mamatay na lumalaban?” naalala kong


sinabi ng isa sa kanila. Ito ba ang sinasabi niyang lumaban? Kaya ko bang labanan
si kamatayan? Kaya ko bang dayain si kamatayan?

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko hanggang sa may narinig akong pagputok
ng baril na naging dahilan ng pagkadapa ko. Kinapa ko ang nagdudugong parte ng
binti ko. Tinignan ko muli sila... medyo may kalayuan pa ko sa kanila. Hindi ako
magpapatalo. Tumayo ako at tumakbo muli. Takbo nang takbo na para wala ng bukas.
Iniinda ko ang sakit na nadarama ko. Ayaw ko nang maging mahina.

Nakaramdam na naman ako ng sobra sobrang sakit nang may tumama na naman sa aking
bala ng baril sa may balikat ko. Ika-ika akong tumakbo habang nakapatong ang kanan
kong kamay sa balikat ko. Hindi dapat ako tumigil... dapat akong makatakas.

Tama ako, wala silang puso. Mga demonyo sa lupa.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang muli akong tinamaan ng bala... sa likod. Hindi
ko na nakayanan at napaluhod na lang ako. Tuloy tuloy ang pagsuka ko ng dugo.
Hanggang dito na lang ba ako?May nakita akong mga paa sa harapan ko. Tiningala ko
muli sila. Nakapinta pa rin sa mga mukha nila ang mga ngiti na kanina ko pa
pinagsasawaan.

“Pagod ka na?” tanong sa kin ni Vince.”Dapat lang. Doble ang hirap na dinanas ni
Maeri sa mga kamay mo. Sapat lang ang nararanasan mo ngayon.” Binaril niya ako sa
tuhod. Muli, napasigaw ako kasabay ng pagsuka ko na naman ng dugo. ”Nasa likod mo
na si kamatayan.” Iyan ang huli kong narinig mula sa kanya hanggang sa nakaramdam
na lang ako ng pagbaon ng bala sa noo ko at ang pagtulo ng dugo mula rito hanggang
sa mga kamay at tuhod ko.

Ito na ba talaga ang katapusan ko?

Nakita ko si Yuko na nasa tabi ko. Duguan siya at nakahiga katulad ko. Inabot ko
ang kanan niyang kamay. At sabay kaming pumikit.

Yuko.....sa wakas, magkasama na muli tayo.


Thania’s POV

“Nabigay mo na sa kanya?” tanong ko kay Philip habang papalapit siya sa kinauupuan


ko. Hindi naman ako kalayuan sa park na naging tagpuan nila ni Denise. Narinig ko
ang lahat.

“Oo, nabigay ko na.”

“Mabuti naman.” Tinignan ko ang hawak hawak kong dyaryo.

“Isang babae ang natagpuang patay sa Ilog Pasig.Tatlong pu’t pitong saksak sa
katawan ang natamo ng biktima.” Nakita ko ang headline na patungkol kay Freya.

“Ate, tignan mo ang binili sa aking damit ni daddy oh!” sabi ni Freya habang hawak
hawak ang kulay pulang bestida. May bago na naman siyang damit. Nasan ang akin?
“Anong binili sayo Ate?"

“Ah. Pantalon lang.” Pagsisisnungaling ko.

“Wow! Sabay dapat nating suotin yung mga bago nating damit.” Tumango na lang ako.
Pa-inosente ka pa. Sa ating dalawa ikaw na lang palagi ang paborito, ikaw na ang
mabait, ikaw ang maganda, ikaw ang matalino. Wala naman akong kwenta. Ni hindi nga
ako kilala ng iba. Ikaw lang lagi ang natatandaan nila....si Freya na lang palagi.
Kailan ba siya mawawala?

---

Bumaba ako sa sala upang kuhanin ang naiwan kong notebook. Maglalakad na sana ako
papunta sa kwarto ko nang may narinig akong nag-uusap.

“Freya, I’m sorry sa mga nagawa kong mali sayo.” Dahan dahan akong naglakad papunta
sa bintana upang silipin kung sino ang kausap ng magaling kong kakambal. Inusog ko
lang nang kaunti ang kurtina hanggang sa nakita kong nakatalikod ang kakambal ko at
nasa harap niya ay isang maganda, mahaba ang buhok at maputing babae.

“Alam ko naman Summer eh. Sikat ka na... kaya tinanggi mo ako bilang kaibigan mo.
Naiintindihan ko.” Nakita kong ngumiti yung si Summer... .tsss... peke. Ang plastic
ng ngiti.

“I’m really sorry pero alam mo naman na totoo mo akong kaibigan diba? Ayaw ko lang
magkaroon ng gulo. I know na napaka-lame ng reason ko pero I’m just trying to
protect you.”

Sinong pinagloloko niya? Kaibigan? Eh halata naman na plastic siya e.

“Alam ko at palagi lang akong nandito para sayo.” Niyakap ni Freya si Summer at
kita ko kung pano magbago ang ngiti ng plastic na yon. Mula sa mala-anghel na ngiti
ay napalitan ito ng isang ngiti ng demonyo. Tatanga-tanga talaga tong kapatid ko.

---

Pumasok sa kwarto si Freya na iyak nang iyak. Humahagulgol siya sa kama habang ako
nagbabasa ng libro. Walang pinagbago. Tuwing umuuwi siya galing sa school, iiyak
lang siya nang iiyak. Si Summer lang naman ang gumagawa sa kanya niyan.

“Hindi ka ba nagsasawa?” bigla kong sinabi sa kanya ngunit sa libro lang ako
nakatingin. ”Kaibigan mo ba talaga ang plastic na yon? Tanga.”

“Naniniwala pa rin ako sa kanya.” Ang tangi kong narinig mula sa mga bibig
niya.Kahit kailan talaga... tanga ka. ”Sabi niya... sabi niya... k-kaibigan niya
ko. Naniniwala ako ate. Naniniwala ako kay Summer.”

“Gaga.” Bulong ko sabay sinara ko ang librong hawak ko at humiga na ko.

---

Nagising ako isang gabi dahil sa malakas na pagsara ng pinto. Inialis ko ang
pagkakatalukbong ko sa kumot at tinignan lang si Freya habang nakaupo siya sa gilid
at hawak hawak niya ang ulo niya na para bang sinasabunutan ang sarili niya.
Nanginginig ang mga labi niya at nanlalaki ang mga mata niya. Ang ilaw lang mula sa
dalawang lampshade ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto.
Magsasalita sana ako nang bigla ako siyang narinig na magsalita.

“Hindi... hindi ko sinasadya... Summer... hindi ko talaga alam... wala akong


kasalanan... tama... wala akong kasalanan... nagawa ko lang ang mga yon dahil sa...
galit... sorry... Summer... patawarin mo ako.” Paulit ulit niyang sinabi hanggang
sa umiyak na naman siya.

“Ayoko... ayokong maging mamatay tao... di ko talaga sinasadya.”

---

“Tara na, may pupuntahan pa tayo.” Sabi ni Philip pagkatapos niyang basahin ang
natanggap na text niya. Inabot ko ang kamay niya at naglakad na kami palayo.

-----------------------------------------x

A/N: Tulad ng sinabi ni Lilith, unti unti nyo nang malalaman ang mga nanyari dati
at kung pano to konektado sa mga nanyayari ngayon. Papatayin ko lang yung mga
panggulo para masimulan ko na ang pagtatapos ng C3-CHAS. Maghanda na kayo sa mga
panibagong twists at sa nakaraan ng section na yan lalo na sa kung anong kinalaman
ni Teacher Yuko sa lahat ng ito.

Salamat!

NEXT CHAPTER: THE QUEEN BEE.

C26: The Queen Bee. >>

Si Queen bee yung nasa gif. Medyo kaunti lang ang nandito. Flashback lang tsaka
kung ano ano pa.

VOTE | COMMENT | FAN!

---
Alex’s POV

Umupo ako sa gilid ng kama habang hawak hawak ang nag-iisang litrato namin ni
Summer. Kami ang pinakamatalik na magkaibigan sa buong klase noon. Tama, noon... 2
years ago. Hindi ko alam kung ano ang nanyari. Hindi ko alam kung sino ang may
kasalanan. May pagkukulang ba ko? May nagawa ba kong mali?

Noong una, sarili ko lamang ang sinsisi ko. habang tumatagal... naintindihan ko na
kagustuhan ni Summer ang lahat ng nanyari Ginawa niya to para sa sarili niya.
Simula noong sumikat siya, kinalimutan na niya ako. Kahit na araw-araw akong
pinagti-tripan ng mga kaklase namin ay walang ginagawa si Summer kundi pagtawanan
lang din ako.

Naalala ko pa ang panyayari na yon... ang panyayari na mas nagpatindi ng galit na


nararamdaman ko sa kanya.

Lumingon si Summer sa paligid at tiyak ko na sinisigurado niya na walang makakakita


sa amin. Sinisigurado niya na walang makakakita na isang loser ang kasama niya.
Lumingon muli siya sa kinatatayuan ko at ngumiti... ang mala-anghel niyang ngiti.

“Hi Alex! Tagal na nating di nag-uusap ah?” tinapik pa niya ako sa balikat at
pagkatapos ay tumawa siya nang mahina na para bang nakikipaglokohan sa akin.

Sino nga ba ang ayaw na lapitan ng isang Summer De La Vega? Ang Queen Bee... ang
iniidolo ng lahat. Binabati ng lahat sa tuwing maglalakad sa hallway. Pinag-uusapan
at kinatutuwaan ng lahat ngunit ano na namang gimik tong ginagawa niya? Ginagawa ba
niya ito para mas maging maganda ang imahe niya? Kinakausap ba niya ako dahil
kulang na lang siya ng isa pang follower sa school para maging sunod sunuran na sa
kanya ang lahat? Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ni Summer. Ay hindi, sa
simula pa lang ay hindi ko talaga ang alam ang tumatakbo sa isip niya.

“Friends pa rin naman tayo diba?” Tama, friends na lang. Tutal nakalimutan mo rin
naman na best friends tayo eh. Tumango lang ako bilang pagtugon sa tanong niya. Ito
na naman ang feeling... napakahirap niyang tanggihan. Na para bang tama ang lahat
ng lumalabas sa bibig niya. Na maniniwala ka talaga sa mga salitang iyon. ”I’m so
happy! Tara sabay tayong pumunta sa party ni Maddie!” masigla niyang sinabi.
Maddie? Sino yon? Hindi ako nakasagot.

Ni wala ngang nag-imbita sa akin eh.


“Wala kang invitation?” sabi niya. Alam kong gustong gusto na niyang tumawa. Sino
nga ba ang di matatawa sa isang tulad ko? Wala na nga akong friends at wala pang
gustong mag-imbita sa akin sa mga ganyan. ”Don’t worry. I’ll help you. May extra
costume ako rito.” Dali dali niyang kinalkal ang bag niya at may nilabas siyang
malaking plastic bag. ”Sayo na lang. Suotin mo mamaya yan ah.” Pagkatapos ay may
inabot siya sa akin na isang invitation at nagmamadali na lumakad palayo. Ni hindi
man siya nagpaalam. Ganyan ba ako sobrang nakakadiring dikitan?

Inilabas ko ang nasa loob ng plastic at bumungad sa akin ang malaking banana
custome. Sigurado ba siya sa binigay niya sa akin?

-------

Inilapag ko ang costume sa lamesang katabi ng kama ko at pinag-isipan ang mga


nanyari. Sino ba naman ang matinong tao na magsusuot ng banana costume? Nilukot ko
ang hawak kong invitation at binato sa may pintuan.

Ayokong mapahiya na naman. Sigurado akong may manyayaring masama. Ngunit bigla kong
naalala ang masayang mukha ni Summer. Hindi ba’t napakasama ko naman para hindi
siya pagkatiwalaang muli? Lahat naman ay karapat dapat lang na bigyang ng
pangalawang pagkakataon. Baka kung ano ano lang ang iniisip ko. Tama, susubukan ko.
Pinulot ko muli ang invitation.

Nagsuot ako ng black na long sleeves na masikip at tights. Parehong itim ngunit
naka-rubber shoes naman ako na pula. Inilagay ko muna sa bag ko ang banana costume.
Dahan dahan akong lumabas ng bahay dahil kung makikita ako ng mga demonyo kong
magulang ay sigurado akong mata ko lang ang walang latay.

Namasahe ako papunta sa bahay ng... Maddie na yon. Pagkaapak ng mga paa ko sa lupa
ay agad kong narinig ang malakas na tugtog mula sa bahay nila. Pati na rin ang mga
kotse at motor na naka-park sa labas ng bahay. Tama.. .may party nga. Sinuot ko na
ang banana costume ko at kahit na medyo kinakabahan ako ay pumasok pa rin ako sa
loob. Bumuntong hininga ako bago ko buksan ang pintuan na nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung san ko itatago ang sarili ko. Nadatnan ko sila na
nagtatawanan... nagtatawanan nang dahil sa akin. Naka-pormal silang lahat. May mga
hawak na wine glass at ang mga babae ay nakaayos na para bang pupunta sa Prom
habang ako’y... naka-banana costume.

Nabibingi ako sa tawanan sa paligid ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at di ako
makagalaw sa kinatatayuan ko. Palapit sila nang palapit habang tinuturo ang suot
ko at patuloy na tumatawa.
“Nandito na pala ang mascot natin. We’ve been waiting for you Alex.” Tumingin ako
kay Summer habang lumalapit pa siya sa akin. Muli, nasa mukha na naman niya ang
ngiti na iyon. ”I’m so sorry. Gusto ko lang bigyan ng magandang regalo si Maddie
and I’m sure na nagustuhan niya to.” Nakitawa na rin siya katulad ng iba.
Pakiramdam ko... walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Natuliro ako. Walang
hiya ka talaga Summer.

Napatingin ang lahat nang biglang bumukas ang pintuan. Nakita namin si Ash na
papasok na para bang walang tao sa paligid niya. Na para bang siya lang ang tao
rito. Nginitian pa niya ako at patuloy na naglakad papalapit sa kinatatayuan nila
Summer.

“Anong nanyayari?” tanong ni Ash kay Summer.

“Nothing special... actually isang basura lang.” Diniinan niya ang pagkakasabi niya
ng basura at tumingin sa akin. Narinig ko na naman ang tawanan ng lahat. Wala pa
rin akong nagagawa kundi titigan lang silang lahat. Takot na takot akong kumilos.
Gusto kong malaho... gusto kong lamunin ng lupa.

“Ang sama mo talaga.” Ang tangi kong narinig mula sa bibig ni Ash at pumunta na ito
sa gilid para umupo. Tumawa lang si Summer at sinundan si Ash.

May naririnig ako na papunta sa akin. Si Rain kasama ni Vince.

“Di mo ba kami sasayawan?” sabi ni Rain na humihigop pa sa baso niya na puno ng


alak habang si Vince naman ay papalapit pa sakin ng papalapit hanggang sa hawak na
niya ang kaliwa kong braso. Lasing sila.

“Kailangan mo pa bang tanggalin yang costume mo? Sexy ka naman. Pwede na.” Wika ni
Vince. Inialis ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at yumuko. Ayoko na... please.
”Tsss... pakipot ka pa eh!” bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Vince na
pumalupot sa beywang ko. Sinubukan kong magpumiglas pero sadyang mas malakas lang
siya hanggang sa natanggal na niya ang costume na suot ko.

“Tamang tama pare, masikip ang suot!” nagtawanan ang lahat. Pinagti-tripan lang
nila ako. Tinignan ko ang mga tao sa loob ng bahay na to. Lahat sila’y nanonood
lang... nagtatawanan... walang ginagawa kundi panourin lang ang mga ginagawa nila
Rain.

“Tara na. Tapusin na natin to.” Narinig ko ang sigawan na nangingibabaw sa buong
bahay. Napapikit na lang ako... parang awa nyo na. Gusto ko nang umalis dito.
“Ano ba Rain?!” nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Amanda na nasa harapan
ko. Hinaharangan niya ako. ”Hindi ko na matitiis to! Babae rin ako. At tangina
hindi na tama tong ginawa nyo.” Ngayon lang ako nakakita na may sumisigaw kala
Rain.

“Tss... KJ ka naman Amanda. Ngayon pa lang nagsisimula ang totoong party eh.”
Umatras si Rain at umupo na lang.

Tinitigan ko lang si Amanda habang inaayos niya ang buhok ko at damit. Sa lahat ng
nandito... bakit si Amanda pa ang tumulong sa akin? Nginitian niya ako at tumayo
siya. Inabot ko naman ang kamay niya.

“Amanda?” narinig ko ang boses ni Summer. ”Anong ginagawa mo?”

“S-Summer.” Napabitiw agad si Amanda sa pagkakahawak sa akin. ”Hindi lang nakaya ng


konsensiya ko.Sorry.”

“This will be your last warning. Alam mo naman na, kaaway ng isa...” tumingin sa
akin si Summer. “...kaaway ng lahat. Kung gusto mong sumikat. Kung gusto mong
kagiliwan ng lahat. Lunukin mo yang konsensiya mo.” Pagpapatuloy niya. ”Kaya para
makabawi ka naman, gusto kong sipain mo si Alex .”

Tinignan ko muli si Amanda ns may pagmamakaawa sa mga mata ko. Please. Huwag mo
siyang sundin. Tagaktak ang pawis niya. Napahiga ako sa lapag dahil sa malalakas na
sipa ni Amanda.

“Lakasan mo pa! Hanggang diyan ka lang ba Amanda?” narinig ko na naman ang boses ni
Summer at tulad ng sinabi ni Summer ay mas lalo nga niyang nilakasan ang pagsipa sa
katawan ko. Hanggang sa nakisipa na rin ang lahat sa akin. Napakaraming sipa ang
natanggap ko na halos bumigay na ang katawan ko sa sakit.

Umuwi ako ng puro pasa ang katawan. Paano ito nagawa ni Summer sa akin? Hindi
ganito ang Summer na nakilala ko... hindi niya magagawa ito. Ngunit huli na Alex,
nagawa na niya.

------

Pinunit punit ko ang litrato na yon. Hindi ako iiyak. Sa lahat ng dinanas kong
hirap, napagod na ko sa kakaiyak. Sino ba ang niloloko ko? Walang manyayari sakin
kung patuloy akong magiging mahina. Para akong isang kuneho na pinaliligiran ng mga
tigre. Hindi dapat ako magpapatalo.

Tinignan ko muli ang mga punit punit na litrato. Kung pwede lang na ibalik na lang
ang nakaraan upang mabago ang lahat. Upang hindi na nanyari ang mga nanyayari
ngayon. Kung pwede lang talaga at para na rin mabago ko ang nagawa kong kasalanan.

Ang pagkahulog ni Summer.

Ayoko... gusto kong takasan ang mga nagawa ko dati. Ngunit hindi lang naman ako
diba? Matagal ko na dapat nakalimutan ang tungkol sa bagay na yon pero halos gabi
gabi ay nagigising ako. Palagi kong naririnig ang sigaw ni Summer habang nahuhulog
siya mula sa hagdanan. Ang sigaw na nagpapakilabot sa buong katawan ko. Palaging
lumilitaw sa panaginip ko ang mukha niya na nagmamakaawa at umiiyak.

Noong bumalik siya, akala ko’y bumalik siya nang dahil sa akin. Akala ko’y
maghihiganti siya ngunit bakit walang nanyayari? Minsan siya ang pinagbibintangan
ko sa mga nanyayari pero kung siya nga, bakit buhay pa rin ako? Hanggang sa bigla
na lang pinagbintangan ng lahat si Denise. Noong una hindi ako makapaniwala pero
habang tumatagal naniniwala na rin ako... bakit?

Dahil alam ko ang tinatagong sikreto ni Denise.

Murderer’s POV

Walang kwenta ang mabuhay. Kaya nga ang buhay ang pinakamasarap na paglaruan sa
lahat. Ang buhay ng mga walang kwentang tao. Hindi mo aakalain na ang mga taong
gumagawa ng masama sa iba ay ganun pala kahina pag dating sa kamatayan.

Kamatayan lamang ang tangi at nararapat na kabayaran sa mga taong gumagawa ng


kasamaan. Kamatayan lamang ang nararapat para sa mga katulad ko. Wala namang
nagturo sa akin na masama ang pagpatay. Kung gusto mo ang isang bagay... gagawin mo
ang lahat upang makuha ito.

Iyon lang naman ang ginawa ko. Iyon lang naman ang nasaksihan ko. Kaya natatak na
sa isipan ko na, hindi masamang kumitil ng buhay lalo na’t para sa ikakasaya mo ang
bagay na yon. Sino ba naman ang ayaw sumaya? Tss... lahat ng ginawa ko ay para sa
kaligayahan na dati ko pang gustong makamtan.
Nagtiwala ako... nagmahal ako ngunit nasaktan lang ako sa huli. Sobra akong
nagalit... sa sarili ko lalong lalo na sa kanya. Walang makakapagpigil sa akin.
Walang makakaharang sa daan na ginawa ko patungo sa ikakaligaya ko. Hindi ko na
hahayaan na masaktan muli.

Napakabilis ng mga panyayari. Hindi ko alam na hawak ko pala ang kutsilyong puno ng
dugo at mayroon nang duguan na katawan sa harapan ko. Hindi ko na namalayan na unti
unti na akong nagiging replika ni Satanas. Hindi ko gustong maging ganito. Hindi ko
plinanong maging demonyo. Pero huli na ng napansin ko na napakasama ko na.

Papano ba magbago? Possible pa ba kong magbago? Iyan ang palagi kong tinatanong sa
sarili ko. Pero simula nung gabing iyon... hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Wala naman talagang gustong dumamay sa akin. Lahat sila... iiwan lang din ako. Wala
akong kakampi. Sarili ko lang ang dapat kong pagkatiwalaan. Sarili ko lang dapat
ang intindihin ko.

Dahil lahat ng ito ay pampalipas oras lamang, kahit na ang paghinga.

-----------------------------------------x

A/N: Siguro laging nyong napapansin ang words na "demonyo", "impyerno" ,


"satanas". Baka sabihin nyo anti-christ ako HAHAHA. Kailangan ko lang po talaga sa
kwento. Salamat. :)

NEXT CHAPTER: THE QUEEN BEE (PART 2)

C27: The Queen Bee (part 2) >>

A/N: Gusto ko lang pong mag-sorry sa mga mobile readers dahil baka mahirapan kayong
tignan kung flashback o hindi kasi naka-italic po dito ang mga flashbacks. Pero
siguro naman madi-differentiate nyo ang flashback sa hindi. Sana :) Enjoy sa UD
*__*

---

Amanda’s POV

“Ako nga pala si Summer. Let’s be friends from now on.” Inabot ko ang kamay niya
upang makatayo at unti-unting pumorma sa mga labi ko ang isang ngiti.
Naalala ko ang araw na yon. Ang araw na kinaibigan ako ng isang Summer Dela Vega.
Sino ba naman ang makakatanggi sa isang Queen Bee? Mas lalo lang ako mapapasama sa
mga gulo kung tatanggihan ko siya. Nakikita ko ang mga ginagawa niya sa iba. Ang
mga pangbu-bully, ang mga masasamang gawain. Ngunit hindi ko inakala na magiging
ganun din ako kasama.

“You have to walk properly. Walk like you own this whole campus.” Tinignan ko lang
si Summer habang nagma-make up siya sa harap ng salamin. Binigay niya sa akin ang
lip balm niya at ginamit ko naman ito. “Kapag kasama mo ako dapat wala kang
kinatatakutan dahil lagi lang akong nasa likod mo. Don’t worry walang mananakit
sayo hangga’t alam nila na best friend mo ang Queen Bee.” Nginitian niya ako.
Mabait naman talaga si Summer... minsan nga lang ay nasosobrahan ang pagiging sikat
niya.

---

“Ayaw kong mapahiya. Ayaw kong isipin nila na mahina ako. Kaya madalas pinaparamdam
ko na superior ako sa lahat. You know what I mean diba?” tumango lang ako. ”Baka
sabihin nila na hindi ako nakatataas. Baka mawalan sila ng respeto sa akin. Iyan
lang naman ang pinag-iingatan ko sa school na to.”

---

“Hello classmates, ako nga pala si Freya. Sana maging magkaibigan tayong lahat.”
Nasa harap naming lahat ang isang hindi katangkaran na babae, maikli ang buhok at
maganda ang ngiti. Mukha naman siyang mabait. Ngunit nagulat ang lahat nang umalis
siya sa kinatatayuan niya at lumapit kay Summer. Tinignan lang namin sila. Gulong
gulo ang ekspresyon ng mukha ni Summer ngunit si Freya ay ngiting ngiti sa kanya.
“Summer! Naalala mo pa ba ko? Best friend mo ko nung elementary tayo. Tuwang tuwa
talaga ako nang nalaman ko na di ka rin nag-aaral!” tumawa lang siya habang hawak
hawak ang dalawang kamay ni Summer.

“I-Im s-sorry.” Tumingin sa amin si Summer at muling tumingin kay Freya. ”H-Hindi
kita kilala! Lumayo ka nga sa akin! Feelingera!” tumayo si Summer at tinulak si
Freya palayo. Nakita ko naman na lumapit si Andy sa kanya upang itayo ang bago
naming kaklase. Kitang kita ang pagkagulat sa mga mata nito pati rin ni Summer. Ano
ba talaga ang katotohanan? Simula nung araw na yon, hindi na tumigil ang lahat sa
pagpapahirap kay Freya.

Minsan nakikita ko na lang si Freya na tumatakbo papunta sa rooftop... naalala ko


ang sarili ko sa kanya. Ako rin ang ginaganyan dati. Ako ang umiiyak. Pero ngayon,
isa na ko sa mga nananakit. Bakit hindi ako masaya? Bakit parang may kulang pa?
---

Nakarinig ako ng isang magandang tugtog. Tinignan ko si Freya na nag-iisa lang sa


classroom habang hawak hawak niya ang itim niyang flute. Malungkot at medyo matinis
ang tono ngunit maganda naman sa pandinig. Hindi ko alam na marunong pala siyang
tumugtog ng flute.

Noong mga panahong iyon hindi ko talaga siya maunawaan. Hindi ko alam kung bakit
tila napakaimportante ng pagiging Queen Bee. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam
ng nakakataas hanggang sa unti-unti na rin akong nagiging isang Summer Dela Vega.

“Nabalitaan ko na madami ka raw kinakalat na chismis tungkol sa akin." Hinatak ako


ni Summer sa loob ng c.r at muli akong tinitigan nang masama bago muling nagsalita.
"At sinasabi mo rin na dati ko pang sinisiraan sila Maeri at Anne. What the hell is
wrong with you Amanda?!"

"F.Y.I, hindi chismis ang lahat ng iyon. Nagsasabi lang ako ng totoo." Tinanggal ko
ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. "Anong gagawin mo Summer? Pabagsak ka na
nang pabagsak ngayon."

Umirap siya at muling pumameywang. "Tandaan mo Amanda, kung hindi dahil sa


akin....wala ka diyan sa kinatatayuan mo. Kung hindi kita tinulungan, sana nandun
ka pa rin sa rooftop at umiiyak. Hindi mo ba naalala? Amanda the loser?"

"Oh c'mon Summer. Katangahan mo yan, wag mo sakin isisi ang mga ginawa mo dahil
unang una, hindi ko sinabing tulungan mo ako." Tumingin ako sa malaking salamin.
Naglagay ako ng lip gloss at nagpatuloy sa pagsasalita."Isn't it ironic?" lumingon
ako sa kanya. Nanatili lang siyang nakatayo habang tinitignan ako. She's
dumbfounded huh? "Dati ako yung kawawa. Dati ikaw ang nasa taas. Pero ngayon...
baliktad na. Anong feeling Summer? Ang feeling maging si Amanda the loser? Maging
si Freya? Anong feeling maging si Alex? Sabihin mo sa akin Summer, anong feeling ng
nasa ibaba?"

"Fuck you Amanda." Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay tumalikod na siya at
umalis.

Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung tama ba ang mga ginawa ko. Hindi ko alam
kung para kanino... kung para saan. Basta ang alam ko, ginawa ko ang dapat. Ngunit
nagtataka pa rin ako sa mga nanyayari mukhang mali nga. Ako ang masama. Ako ang
demonyo. Ako ang totoong mamatay tao.
"Please.." nasa harap ko ang umiiyak na si Summer. Kitang kita ko ang pagmamakaawa
niya habang nakaluhod siya sa harap ko. "Ayoko pang mamatay." Napayuko siya sa mga
paa ko at ramdam ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Hindi... wag kang maawa Amanda. Ginawa ka niyang denmonyo. Ginawa ka niyang walang
awa. Dapat lang ito sa kanya..

"Itulak mo na siya." Narinig kong sinabi niya. "Ano pa bang hinihintay mo Amanda?
Itulak mo na siya." Tinignan ko ang bukas na pintuan ng rooftop. Kapag ba tinulak
ko siya mula rito... mamatay na siya? "Bakit ka pa ba nag-iisip? Nakalimutan mo na
ba ang mga ginawa niya... hindi lang sayo kung hindi sa ating lahat." Tinignan ko
ang paligid ko.

"Amanda... gawin mo na. Itulak mo na si Summer." Bumalik ang tingin ko kay Summer
na iyak pa rin nang iyak.

"Hindi ko kaya." Lumingon ako sa likuran ko. "Hindi ko kayang itulak si Summer."
Kahit na sobra ang galit ko sa kanya. Bakit ganito pa rin ang nadarama ko? Tama si
Summer. Tinulungan niya ako. Tinuring niya akong isang matalik na kaibigan at
nasasaktan na ko ngayon... hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang manakit ng isang
kaibigan.

Pero nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niyang tinulak si Summer. Narinig ko ang
malakas niyang sigaw at kasunod nun ay ang tunog ng pagbagsak niya. Napaluhod ako
sa nakita ko.

Si Summer...

"Hindi naman mataas ang pagkakahulog niya. Ang tatanga nyo naman. Pwede pa ngang
mabuhay yan eh." Nakita ko siyang pumunta sa nakahandusay na katawan ni Summer at
tinapakan niya ang tiyan nito. "Tss... bakit ka pa ba kasi nangielam?!" sigaw niya
sa katawan ni Summer na akala mo naman ay sasagot sa kanya. "Iyan lang ang
nararapat sayo!"

"Tara na." Tinignan ko muli ang nasa likod ko. Inabot ko ang kamay niya at umalis
na kami.

Andy's POV

"Anak kumain ka na."


Napasimangot na naman ako sa narinig ko.Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa
kanya na huwag na huwag niya akong tatawaging anak? Hindi talaga marunong makinig
ang mga matatanda. Inalis ko ang pagkaka-plug ng charger ng phone ko at lumabas ng
kwarto. Kahit ilang beses kong narinig na tinawag ako ng mga katulong ay dere-
deretso ako sa labas ng bahay.

Ibinulsa ko ang dalawa kong kamay sa pantalon ko. Pupunta ako ngayon sa may kanto.
Binasa ko muli ang text galing kay Summer.

Sender: Summer

Message: Andy, kailangan kitang makausap. Meet mo ko sa kanto sa may inyo.

Anong sasabihin niya?

"Andy." nakita ko siyang lumapit sa akin. "Hindi ko ine-expect na makikipagkita ka


nga sa akin." Mas lalo pa siyang lumapit sa kinatatayuan ko. "Noong bumalik ako,
akala ko magagalit ka sa akin."

"Bakit naman?"

"Dahil nalaman ko na namatay si Freya. Baka kasi ako ang sisihin mo sa mga nanyari.
Pero noong mga panahon na kailangan ko ng kaibigan... si Freya lang ang nandun.
Siya lang ang kumampi sa akin nung mga panahon na wala na kong makakapitan."
Nakangiti niyang sinabi at para bang kumikislap-kislap pa ang kanya mga mata.

"Pero nung kailangan rin niya ng kaibigan. Nandun ka ba sa tabi niya?" sigurado
akong nagulat siya sa mga sinasabi ko. Hindi ko siya masisisi. Alam ko ang lahat ng
mga pinaggagagawa niya. "Noong kailangan niya ng makakapitan. Nasaan ka?"

"Kaya ako pumunta rito para humingi ng tawad. Andy, pinagsisihan ko ang lahat ng
ginawa ko kay Freya. Napakabuti niyang tao. Napakaswerte mo dahil ikaw ang minahal
niya." Nakangiting sinabi sa akin ni Summer.

Minahal?

"Ako maswerte?" tumawa lang ako nang mahina at sumandal sa pader. "Eh kayo ni Ash?
Anong nanyari?" hindi ko naman sinasadya na itanong sa kanya ang tungkol kay Ash.
Hanggang ngayon galit pa rin ako sa lalaking yon pero kapag sinabi mo kasing Summer
Dela Vega hinding hindi mawawala ang isang Ash Flores.

"Alam mo naman na kunwari lang ang relasyon namin dati diba?" tumango ako biglang
tugon sa tanong niya. "Dahil may iba siyang mahal ng mga panahon na yon. Noong una
ayos lang sa akin pero nung nalaman ko kung sino. Andy... may nagawa akong masama."
Napayuko siya ng ilang sandali at muling tumingin sa akin.

"Si Maddie ba yon?"

Naalala ko muli ang mga nanyari dati.

Nadatnan na lang namin ang mga pulis sa classroom. Binalita nila sa amin na namatay
si Maddie Smith, isa sa mga kaklase namin. Natagpuan ang katawan niya sa faculty
office na puro saksak. Ang ginamit na pansaksak ay nakabaon pa rin sa loob ng bibig
niya. Ngunit walang fingerprints ang kutsilyo kaya nasabi ng mga pulis na nasa
murderer pa rin ang totoong ginamit sa pagpatay.

"Si Summer ang gumawa nun!" tumayo si Amanda at tinuro si Summer na nakaupo lang
nang tahimik."Sigurado ako! Nakita naman nating lahat diba? Nag-away sila kahapon
at walang ibang pwedeng pumatay kay Maddie kundi si Summer!"

Nagsitinginan ang buong klase kay Summer

“What the fuck?!” sigaw ni Summer kay Amanda. ”Sino ka para sabihin na kaya kong
pumatay? Watch your words Amanda. Wag kang basta basta mambibintang dahil hindi mo
alam kung ano ang nanyari. At yung away namin? Simpleng away lang yon. Bakit
papatayin ko siya?!”

May muling dumating na pulis at tumayo sa harap ng buong klase.

“Alam nyo ba kung kanino tong bracelet na to? Nakita ito sa tabi ng biktima.”
Itinaas niya ang silver na bracelet. Itinaas naman ni Maeri ang kamay niya at
tumayo. “Alam ko po kung kanino yan.” Sabi ni Maeri at pagkatapos ay tinuro si
Summer.

”Kay Summer po yan!”


Nangibabaw ang sigawan sa buong classroom.

Muli akong bumalik sa realidad.

“Wag ka ngang magbiro Andy. Sa tingin mo, magugustuhan ni Ash si Maddie?” naglakad
siya palayo. ”Yung taong iyon... siya yung taong kahit kailan ay di ko matatalo.
Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng tao sa school siya pa ang minahal ni Ash. Maganda
naman ako diba? Pwede naman niya akong mahalin katulad ng pagmamahal niya sa taong
iyon.” Lumingon siya muli sa akin. Medyo may kalayuan na ang agwat naming dalawa.
”Pero bakit ganun? Bakit di niya ako magawang mahalin?”

Nanlaki ang mga mata ko at huli na nang napansin ko na yakap yakap ko si Summer.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya. ”Sino yung taong yon?!” tumingin ako sa
taong naka-itim na jacket na tumatakbo palayo. ”Bakit balak ka niyang patayin?”
Masyadong mabilis ang nanyari. Habang tinitignan kong palayo sa akin si Summer ay
biglang may lalaking patakbo sa kanya na may hawak na kumikislap... isang kutsilyo.

“H-Hindi ko a-alam.” Ang tanging nasabi ni Summer. Inilayo ko siya sa pagkakayakap


sa akin. Nanginginig siya at tila takot na takot.

“Gusto mo bang ihatid na kita?” tumingin lang siya sa akin. “Ayos lang ba?” tanong
niya. Hinawakan ko lang ang kamay niya at nagsimula na kong maglakad.

“Sa tingin mo hahayaan kong umuwi kang mag-isa pagkatapos ng nanyari ngayon-ngayon
lang.” Hinatak ko muli ang kamay niya papunta sa likuran ko. ”Diyan ka sa likod ko
para mas ligtas.” Ramdam ko ang pagsandal niya sa likuran ko pati na rin ang
panginginig ng kamay niya.

“S-Salamat Andy.” Wika ni Summer.

Ash's POV

Kinuha ko mula sa drawer ang nag-iisang sulat na binigay sa akin ni Summer dati.
Tinago ko ito sapagkat hindi ko to kayang itapon na lamang. Naalala ko pa nung
binigay niya ito sa akin... yung gabing yon.
"Ash... alam ko na." Sinabit ko sa leeg ang suot kong headphone. Nginitian ko lang
siya. Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya ngunit alam kong importante ito sa
ekspresyon pa lang ng mukha niya. Para siyang iiyak. Anong problema ni Summer?
"Mahal mo ba siya?" maiyak iyak niyang sinabi. "Alam mo naman diba---"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Alam ko na Ash. Nakita ko kayong dalawa. Huwag mo nang itanggi." Tuloy tuloy ang
pagluha niya sa harapan ko.

"Oh tapos?" hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. "Summer, alam mo naman
diba? Alam mo naman na hindi kita mahal. Kunwari lang naman tong relasyon na to.
Bakit sobra kang nagpapa-apekto. Wala kang pake Summer. Buhay ko to." Tumalikod na
ko sa kanya. Naiinis ako. Bakit pati iyon inalam niya? Isusuot ko na sana ang
headphone ko ngunit narinig ko na naman na sinigaw niya ang pangalan ko.

"Ash!" pero hindi ako lumingon sa kanya. Nanatili pa rin akong nakatalikod habang
pinapakinggan ang mga sasabihin niya. "Mahal kita! Hindi ba halata?! Sa tingin mo
makikipaglaro ako ng kunwaring relasyon kung wala akong nararamdaman sayo?! Sa
tingin mo tatagal tayo ng ganun kung wala akong gusto sayo? Mahal na mahal na kita
Ash." Napakunot ang noo ko sa mga narinig ko. "At wala akong magawa kundi
magpakatanga sayo kahit na alam kong siya ang mahal mo. Ash, wag mo naman akong
gaguhin. Kung sinabi mo lang nung una ang tungkol sa relasyon nyo, sana hindi na
lang ako nagkaganito. Ash kailan ka ba magsasabi ng katotohanan sa akin?"

Naramdaman ko na may binato siya papel sa likod ko.

"Kung gusto mong itapon yan, itapon mo! Wala na rin akong pakialam sa sulat na
yan."

Binulsa ko lang ang papel at tinulak ko ang bisekleta ko palayo sa kanya. Walang
mararating kung makikipagtalo lang ako kay Summer. Pareho kaming galit. Ngunit
totoo naman ang mga sinasabi niya... ano pa bang laban ko? Iniwan ko siyang
nakatayo doon at pinangako ko sa sarili ko na wala ng ibang makakaalam sa
pinagusapan namin. Pinangako ko na siya ang huling makakaalam.

Hindi ko pa binubuklat ito simula nang gabi na yon. Hindi ko alam kung bakit pero
wala akong lakas para basahin ang mga nandito. Itinabi ko muli ang sulat sa maliit
na drawer ng cabinet ko at kinuha ang cellphone ko. Hindi na muling nagreply si
Denise sa kahit anong text ko. Bakit kasi pinauna ko pa siya?
Tumayo ako sa harap ng malaking salamin.

“Tama pa ba tong ginagawa ko?” bulong ko sa sarili ko.

-----------------------------------------x

NEXT CHAPTER: MEMENTO MORI.

C28: Memento Mori >>

---

Denise’s POV

“Anak, sigurado ka ba diyan?” tanong sa akin ni mama. Tumango lamang ako.


Nangangatog ang mga tuhod ko habang nakatayo sa harapan nila ni Papa. Nakakakaba.

Hindi ko alam kung anong pumasok na masamang hangin sa utak ko para magdesisyon
agad ng ganung kabilis. Ngunit alam ko na gustong gusto ko nang malaman kung ano ba
talaga ang nanyayari. Hindi ako matatahimik hangga’t alam kong nanganganib pa rin
ang buong klase. Maari ngang may mga nagawa silang masama sa akin ngunit di ko pa
rin sila mabibitawan lalo na’t ako lang talaga ang nakakaalam ng totoo.

Kung ayaw nilang maniwala sa akin, pwes ako ang maghaharap sa kanila ng
katotohanan.

“Hindi ako papayag.” Matigas na pagkakasabi ni papa.

“Pero papa---“

“Denise! Huwag nang matigas ang ulo. Para sayo rin naman tong sinasabi ko.” Sabi
muli ni papa.

Lumapit ako kay papa at hinawakan ang kamay niya. ”Papa, trust me, kailangan kong
bumalik sa school na yon. Hindi ako maaring mag-transfer.” Nakita ko namang
hinawakan ni mama ang balikat ni papa at ngumiti. Tinignan lang ako ni papa na para
bang naninigurado kung tapat ako sa mga sinabi ko hanggang sa dahan dahan na siyang
tumango. ”Sige pinapayagan na kita. Pero kapag may nanyari na naman, ako na ang
masusunod.” Tumango lang ako at niyakap silang dalawa. Nagpasalamat ako ng ilang
beses at muling bumalik sa kwarto.

Agad kong kinuha ang phone ko at nag-text kay Ash.

Recipient: Ash

Message: Babalik na ko ulit bukas. See you tomorrow.

Naipinta muli ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Simula ngayon, hahanapin
ko na kung sino talaga sila. Tutuklasin ko ang nanyari noong isang taon...
tutuklasin ko ang sikreto ng Class 3-C.

Ni-off ko na ang phone ko at natulog hanggang nagising na lang ako dahil sa malakas
na pag-ring ng phone ko. Mabilis pa sa alas kwarto kong sinagot ang tawag. Hindi ko
tinignan kung sino dahil noong una ay sigurado akong si Ash ito ngunit... nagkamali
ako.

“Ba’t napatawag ka Ash?”

“Sinong Ash? Nakalimutan mo na ba ako, Denise?” naramdam ako ng pagtaas ng mga


balahibo ko nang narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Sana mali ang nasa isip
ko... sana hindi siya ang kausap ko ngayon.

“S-Sino ka?”

“Nakakalungkot naman. Hindi naman masyadong matagal ang pagkakawalay natin ah?
Nakalimutan mo agad ako?” may pang-aasar sa tono niya. Nakikilala ko siya.
Ngunit... ayaw kong maniwala. Bakit tinatawagan niya ako ngayon? B-Bakit?

“Wala akong oras para makipaglokahan sayo!”

“Sorry na lang Denise dahil ako, may oras.Naalala mo ba yung ginawa mo nun? Dahil
ako, alalang alala ko pa. Sariwang sariwa pa sa alaala ko ang mga kagaguhan mo.
Gusto mo bang isa-isahin ko pa?”
“Tama na!” ibinato ko ang phone ko at agad na nagtago ako sa ilalim ng makapal na
kumot. Hindi... hindi maari... hindi naman siya yon diba? Galit pa ba siya? Tumayo
ako sa pagkakahiga ko at kinuha ang kulay pula na box sa ilalim ng kama ko.
Pinagpupunit ko ang pictures na nandun. Simula sa mga mata niya hanggang sa katawan
niya. Dapat kong makalimutan ang mga nanyari. Dapat ko nang makalimutan ang
nakaraan ko.

Inilagay ko ang mga punit punit na larawan sa loob mismo ng box. Gusto kong sunugin
ito... gusto kong itapon ngunit alam kong kahit anong gawin ko ay di ko pa rin
maalis ito sa mga alaala niya. Ayokong kamuhian niya ako ngunit iyon ang nanyari.

Ano bang pinagkaiba ko sa mga murderers? Wala. Naging masama ako pero ibinaon ko na
ang sikretong iyon kasabay ng paglipat ko. Ayoko nang muli itong mabuklat.

Andy’s POV

“Sige, pasok ka na.” Sabi ko kay Summer. Kinaway lang niya ang kamay niya bilang
pamamaalam at pumasok na sa loob ng bahay nila. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa
siya hinatid hanggang dito sa kanila. Ayos lang naman daw sa kanya ngunit kahit
papano naman ay kaibigan niya ako baka sugurin na naman siya ng nagtangka sa buhay
niya kani-kanina lang. Mahirap na.

“Wala lang si Denise, nakahanap ka na agad ng iba.” Nung una hindi ko sana
papansinin ang mga katagang iyon dahil akala ko’y guni guni ko lang. Iyan rin kasi
ang nasa isip ko.Pero si Summer? Tss.. hindi pupwede. Lumingon ako kay Alex na nasa
may tabi lang. May hawak hawak tig-dalawang malaking plastic bag sa magkabila
niyang kamay.

Agad naman akong lumapit sa kanya at kinuha ang dalawa sa apat na plastic bag. Ewan
ko ba sa sarili ko, siguro ganito na nga ako. Kahit na ayaw ng iba, tutulungan ko
pa rin sila. “Sana ganyan ka rin kabait kay Denise.” Muli kong narinig na sinabi
niya.

“Napapansin ko na ah, simula nung isang araw puro Denise ang lumalabas sa bibig mo.
Baka ikaw ang may gusto dun.” Medyo tumawa ako. Ayoko ngayon ng seryoso. Ayoko ng
mahabang pag-uusap tungkol sa bagay na yan dahil ako na mismo ang nagsasabi na,
gusto ko nang makalimot.

Pero nung tumingin pa rin ako kay Alex, seryoso pa rin siya. Kailan ba hindi magse-
seryoso to? Palagi na lang naka-poker face. Medyo tinabig ko ang balikat niya upang
makuha ko muli ang atensyon niya. Tumingin lang siya sa akin at tumigil sa
paglalakad.

“Gaano mo ba kilala si Denise?” hindi ko alam kung bakit ganito ang lumalabas sa
bibig ni Alex. Pero napaisip rin ako. Gaano ko nga ba kilala si Denise?

“Alam kong muntik na maghiwalay ang mga magulang niya noong freshman pa siya.”
Tugon ko. “At?” sabi niya na para bang naghihintay pa ng mas malawak na sagot.
Tinignan ko si Alex. Kakaiba ang ekspresyon niya sa mukha. Para bang may hinihintay
na mga tamang katagang manggaling sa bibig ko. Para niya akong inuusig... parang
may gustong gusto siyang marinig mula sa akin.

“Yun lang.” Napatingin ako sa malayo pagakatapos kong sabihin yon. Hindi ko na
matagalan ang titig niya. ”Tara na nga.” Nagmamadali akong maglakad ngunit napansin
ko na lang na hindi pala siya sumusunod sakin. Naiwan lang si Alex na nakatayo.
Hawak hawak pa rin niya ang dalawang plastic bag ngunit nakayuko lamang siya.
”Alex!” tawag ko sa kanya. Dahan dahan siyang humarap sa akin na merong kakaibang
ngiti sa mga labi niya. Tumakbo naman ako papalapit sa kanya.

“Paano kung sasabihin ko sayo na may alam akong sikreto ni Denise.” Hindi ko talaga
siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga sinasabi niya. Simula pa
kanina ay nahihiwagaan na ko sa mga kinikilos niya. ”Gusto mo bang malaman Andy?”
tumingin siya muli sa akin... deretso sa aking mga mata.

“Sa likod ng mga inosenteng ngiti at tawa ni Denise. Sa likod ng mabuti niyang
kalooban. Ano na lang manyayari kung malalaman mo ang ibang katauhan ni Denise?
Andy, pwede kong sabihin kung gusto mo.” kinuha niya ang hawak kong dalawang
plastic bag at muli itong binuhat. ”Pero alam kong hindi ka pa handa. Ayaw mo pang
makita ang pinakamamahal mong Denise sa ganung kalagayan.”

Hindi ako makapagsalita. Parang dumikit na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ayaw
bumuka ng bibig ko.

“Sa tingin mo ba, possible na si Denise talaga ang killer?”

Ilang segundo akong tahimik lang hanggang sa nagsalita na rin ako. ”Oo, possible.”
Nakita kong ngumiti si Alex sa akin.

“Pano mo nasabi?”
Hindi ako nakasagot. Sasabihin ko ba na nakita ko siyang puno ng dugo ang uniform?
Sasabihin ko ba na pati si Ash ay puno din ng dugo ang balikat at sariwa pa ang
sugat? At kinabukasan, nakita ang bangkay ni Sir Brian? Hindi talaga ako
makapaniwala. Ni hindi ako nagtanong kay Denise dahil natatakot ako. Natatakot ako
na malaman ang katotohanan. Tulad ngayon, hindi ko kayang masabi kay Alex ang lahat
ng nasaksihan ko. Na para bang pinagtatakpan ko pa si Denise. Pero ano bang
magagawa ko? Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw ko siyang makitang umiiyak kaya
kinalimutan ko ang lahat. Pinilit ko siyang saktan.

“Hindi ko alam.” Ang tangi kong sinabi.

“Malalaman mo rin ang lahat lalo na ang pinakatatagong sikreto ni Denise. Kaya kung
ako sayo Andy, maghahanda na ko.” Naglakad na palayo si Alex pagkatapos niyang
sambitin ang mga katagang iyon. Umalis siya na hindi man lang nagpapaalam. Umalis
siya habang ako, naiwan na nag-iisip sa kinatatayuan ko.

Ano nga ba ang ibig sabihin ni Alex sa mga sinabi niya?

Sikreto ni Denise? Kapag ba nalaman ko ang sikretong sinasabi ni Alex ay magbabago


ang nadarama ko kay Denise? Umiling iling ako. Dapat hindi ko na siya isipin. Dapat
maalis na siya sa utak ko. Ilang beses ko bang sinabi na wala na akong pakialam sa
kanya? Hindi ko na rin alam dahil ilang beses ko na rin yang siniksik sa isipan ko.

Halos labanan ko ang sarili ko sa tuwing nakikita ko siyang kinakawawa sa school.


Kung pwede lang talagang burahin siya sa isipan ko lalo na sa puso ko, ginawa ko
na. Kaya nung nalaman ko na aalis na siya. Napanatag ako. Sa wakas, wala nang mang-
aapi kay Denise. Sa wakas, matatahimik na ang buhay niya. Sa wakas, magiging masaya
na siya. Alam kong mahirap sa una pero ayos lang basta’t alam kong mas magiging
maayos ang pamumuhay niya. Walang gulo, walang away.

Sana nga... sana maging maayos na ang lahat. Gusto ko nang makabalik sa dating
gawi. Gusto ko nang ibalik ang dating Andy. Si Andy na bestfriend ni Denise. Si
Andy na mabait sa lahat. Ang good boy. Ngunit papano? Papano ba ibalik ang lahat sa
dating ayos nito?

Sana nga maaring manyari yon. Sana paggising ko bumalik na muli ako sa nakaraan. Sa
nakaraan na wala akong nasasaktan na mahal ko sa buhay. Sa mapayapang nakaraan.

Denise’s POV
Hinigpitan ko pa ang hawak ko sa strap ng bag ko habang naglalakad ako papasok ng
campus. Ganito pa rin ang pakiramdam. Ang pakiramdam na nakatingin ang lahat sa
akin. Ang pakiramdam na nagbu-bulungan sila nang dahil sa akin. Ang mga
mapanghusgang mga mata. Ang mga bibig na ayaw tumigil sa kakasalita.

“Akala ko magta-transfer ka na talaga.” Tumingin ako kay Nichole habang naglalakad


sa kasabay ko. “Mabuti naman at nandito ka na ulit.” Ngumiti siya sa akin. ”Sana
naman tumigil na sila no?” tumingin siya sa mga tao sa paligid. Tumango lang ako
at muling tumingin ng deretso.

“Nichole.” Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din naman siya. ”Mapagkakatiwalaan


ba kita?” nakayuko ako habang sinasabi ko ang mga katagang yon.

“Siyempre naman.”

“Pwede ba akong magtanong tungkol sa last school year? Nung 2nd year pa kayo?” sa
pagkakataong ito ay tumigin na ako sa kanya. Tumango lang siya at muling ngumiti.
”Tungkol sa mga puting rosas.” Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Naramdaman ko
na para bang ayaw niya sa tanong ko. ”Ayos lang kung---“

Naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsasalita ni Nichole.

“Parang laro lang sa amin yon.” Natigilan ako sa narinig ko sa kanya. ”Kukuha ka ng
isang rosas na nasa table tapos ibibigay mo sa taong gusto mong mamatay. Noong una,
akala namin masaya. Akala namin ayos lang na walang masasaktan sa larong yon. Pero
nagkamali ang lahat.”

“Sinong binigyan nyo ng puting rosas?” tanong ko pa.

“Kailangan ko pa bang sabihin ang pangalan niya? Denise, malalaman mo rin. Wala ako
sa tamang posisyon para sabihin sayo ang lahat. Maiintindihan mo rin ang mga
nanyari Denise.” Dere-deretso siyang naglakad. Naiwan akong nakatayo. Mas lalong
dumami ang mga tanong na bumabagabag sa utak ko. Imbis na mabawasan ay nadagdagan
pa ang mga ito.

Ano ba talaga ang nanyari?

Naglakad na lang ako patungo sa classroom... makikita ko na naman ang buong Class
3-C. Bumuntong hininga ako bago ko akyatin ang hagdanan papunta sa 3rd floor. Bawat
hakbang na ginagawa ko ay parang isang hakbang papalapit sa impyerno. Ang klaseng
walang sinasanto. Ang klaseng puno ng misteryo.

Muli akong napa-buntong hininga nang nasa harapan ko na ang pintuan ng classroom
namin. Nanginginig kong pinihit ang doorknob at pagkapasok ko ay nadatnan kong
lahat sila’y nakatayo sa harapan ko. Nakatitig sa akin na parang wala ng bukas pa.

“Told 'ya.” Sabi ni Amanda habang papunta sa pinakaharap. ”Hindi pumapalya ang mga
source ko. Nagbalik na talaga si Denise.” Tumawa siya at kasabay ng pagtawa niya ay
nagsitawanan na rin ang mga alagad niya. ”Akala ko tatahimik na ang buhay natin.
Masaya na sana eh. Bumalik ka lang.”

Wala akong sinabi. Kung magsasalita lang ako, mas lalong gugulo ang lahat.

Bigla kong naramdaman na may humawak ng kamay ko. Tinignan ko lang si Ash na
naghihikab. Hawak hawak niya ang kanang kamay ko. Nakasabit pa rin sa leeg niya ang
headphone na lagi niyang gamit.

“Ano ba yan. Kararating lang ng tao, ganyan na agad ang ginagawa nyo.” Sabi niya at
muling naghikab. Napangiti na lang ako. Hindi ko alam na ganito pala siya ka-cute.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang nilapit niya sa akin ang mukha niya. Halos isa’t
kalahating pulgada lamang ang layo nito. ”Welcome back.” Bulong niya at tsaka
hinalikan ako sa pisngi. Ilang beses na kumurap ang mga mata ko, gulat pa rin sa
ginawa ni Ash. ”Ganyan ang pag-welcome back.” Nakangiti niyang sinabi sa buong
klase at pagkatapos ay hinatak ako. Tumigil siya sa harap ng upuan ko at pinunasan
ito. Nginitian niya ako tapos inusog ang upuan sapat para makaupo ako.

Hindi ko mapaliwanag ang nadarama ko ngayon. Para bang pakiramdam ko ay hindi lang
naawa sa akin si Ash. Pwedeng namang mali ang sinabi ni Summer diba? Baka...
espesyal din ako para sa kanya.

Kumaway sa akin si Philip at umupo siya sa upuan niya na katabi ko lang. Kakausapin
ko sana siya tungkol sa password na binigay niya sa akin at tungkol dun sa mga
puting rosas ngunit parang hindi sa classroom ang tamang lugar para kausapin siya
tungkol sa mga bagay na yon kaya umupo na lang ako at nanahimik.

Nakita kong pumasok si Andy sa classroom. Binati siya nila Amanda at napatingin sa
kinauupuan ko. Kita ang pagkagulat sa mukha niya. Napayuko na lang ako nang naalala
ko ang pamamaalam ko sa kanya. Nakakahiya. Muli ko siyang tinignan ngunit nakangiti
lang siya pero agad iyong nawala nang sandaling napatingin ako sa kanya.

Nami-miss ko na talaga ang best friend ko.


“Oh my God. Denise?” lumapit sa akin si Summer at niyakap ako. ”Hindi ka na magta-
transfer?” tumango lang ako. Naiilang pa rin ako kay Summer. Naalala ko pa rin ang
pinag-usapan namin. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga salitang lumabas sa
bibig niya.

“Sa isang araw na ang fieldtrip.Denise, sasama ka pa ba?” sabi naman ni Ash habang
papalapit sa aming dalawa ni Summer.

“Hindi na e.” Sabi ko

“Aww... poor Denise. Edi tayong dalawa na lang ang magkatabi Ash?” pinalupot ni
Summer ang kamay niya sa braso ni Ash. Ngunit nakatingin lang sa akin si Ash na
para bang nanghihinayang pa.

“Di na ba mababago yan?” sabi ni Ash sa akin. Umiling lang ako.Ayaw na nila mama
baka daw kung anong gawin sa akin nila Amanda kung sasama pa ko sa fieldtrip. Isa
iyon sa mga kundisyon nila.

“Don’t worry Ash kasama mo naman ako e.” Sabi pa muli ni Summer. Hindi na nagsalita
si Ash at bumalik na sa upuan niya dahil pumasok na si Sir Buendia. Bakit siya ang
pumasok? Nasan si Teacher Paolo?

"Unfortunately, wala si Teacher Paolo. Hindi pa siya pumasok ngayon at hindi namin
siya ma-kontak.So, free time muna ngayon para sa klase nyo." Agad kong narinig ang
hiyawan ng buong klase.

Pagkaalis ni Sir Buendia ay nagsilipatan na ang mga kaklase ko sa mga upuan malapit
sa kakwentuhan nila. Nakita ko sila Vince at Andy kasama ng mga barkada nila na
nasa dulo at sinasaktan na naman si Philip. Sila Amanda naman kasama ng mga alagad
niya ay nakapalibot kay Alex ngunit palagi silang tumitingin sa akin. Sigurado
akong ako ang gusto nilang asarin at kawawain sadyang hindi lang nila magawa kasi
nasa harap ko si Ash.

Inusog ni Ash ang upuan niya sa harap ko at inilagay ang dalawa niyang kamay sa
mesa tsaka dinukdok ang ulo niya patagilid. Ilang segundo na niya akong tinitignan.

"Bakit ka nakatingin?" naiilang kong tanong sa kanya. Hindi ako sanay na tinitignan
ako nang ganito kalagkit.
"Wala, sa lahat kasi ng nandito. Ikaw ang pinakamaganda eh." Hindi ko alam kung
bakit ako napangiti sa sinabi niya. "Hay, sa wakas ngumiti ka na rin. Mas lalo
tuloy akong na-in love." Kusang gumalaw ang kamay ko at binatukan siya. Maloko
talaga tong lalaking 'to. Sabi ko na nga ba, tama ang desisyon ko na bumalik dito
sa klase na to.

Hindi ako nagkamali.

"Aray." Ang tangi niyang sinabi at muling tumingin sa akin."Hindi ka ba napapagod


Denise?"

"Ha?"

"Sa lahat ng ginawa't sinabi nila sayo. Hindi ka ba napagod?"

"Hindi. Hindi ko alam."

Basta't alam kong nasa tabi kita Ash... hinding hindi ako mapapagod

"Sabihin mo lang kapag pagod ka na.... kapag sobrang sakit na. Itatakas kita
Denise." Iniangat niya ang kanyang braso at pinakita ang mga 'muscles' daw niya.
"Macho ata 'to!" tinakpan ko ang bibig ko. Tumawa ako nang tumawa.

Bakit ganito?

Parang nakikita ko si Andy kay Ash.

"Tatanga tanga ka talaga Nichole!" napatingin kaming pareho sa nanyari sa may


harapan. Kita kong may nagkalat na juice sa may sahig at puno din ng juice ang
uniform ni Amanda. "Bakit ba kasi napakatanga mong bobita ka?! Anong gagawin mo
ngayon ha? Nadumihan mo ang uniform ni Amanda!" sigaw ng isang alagad ni Amanda.
Naka-pameywang lang si Amanda habang pinapanood niyang pinagsasabunutan si Nichole.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Paulit ulit na sinabi ni Nichole.


Inawat ni Amanda ang alagad niya at tinignan si Nichole.

"Maghubad ka." Tanging sinabi ni Amanda kay Nichole.

"H-Ha?"

"Palit tayo ng uniform. Tutal dahil naman to sa kabobohan mo eh." Kita ko ang takot
sa mga mata ni Nichole. Gusto kong tumayo at pigilan si Amanda pero... alam kong
hindi ko kaya. "Bilisan mo. Wag mong sayangin ang oras ko Nichole. Hubad na. Ang
arte pa eh."

Nanginginig na tinaas ni Nichole ang kamay niya palapit sa butones ng uniform niya.
Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki.

"Take it off! Take it off! Take it off!" paulit ulit nilang sinigaw.

Hanggang sa nakita kong lumapit si Andy sa kinatatayuan ni Nichole. Tinignan lang


niya si Amanda ng masama at pinatungan ng blazer niya ang uniform ni Nichole upang
takpan ang nakabukas na tatlong butones sa blouse ni Nichole.

"Sobra na 'to." Sabi naman ni Andy.

Umupo lang si Amanda na naka-pameywang pa rin at nagsalita muli. "Oh c'mon Andy.
Nagsasaya lang tayo. Wag ka namang KJ."

"Iba ang nagsasaya sa nambabastos Amanda." Tuloy tuloy na sinabi ni Andy. Napangiti
ako. Tama si Andy.

"Kukuha lang ako ng panlinis." Tumango lang ako kay Ash nang siya upang kuhanin ang
panlinis sa may dulo ng classroom. Sa isang malaking locker. Kinuha ko na lang ang
librong binabasa ko at nagsimulang magbasa.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" narinig ko ang matinis na sigaw ng mga babae.


Tinignan ko lang ang likod at nakita ko napaupo si Ash sa sahig. Takot na takot na
tinitignan ni Ash ang bangkay na nasa harap niya. Kita ko kung pano manginig ang
bibig at ang buong katawan ni Ash. Nakadapa sa harap niya ang isang napakabaho at
napakaduming bangkay. Isang pamilyar na tao. Puno ng dugo at dumi ng lupa ang
nasabing bangkay.

"Si Teacher Paolo!" isang sigaw na naman muli sa grupo nila Amanda. Napatayo ako sa
pagkagulat... gawa ba ito ng mga murderers?

Mas lalo kaming kinabahan at kinilabutan nang lumapit si Lilith sa bangkay. Yakap
yakap niya sa kaliwa niyang braso ang teddy bear niya. Binaliktad ni Lilith ang
katawan ni Teacher Paolo. Sapat upang makita ng buong klase ang nakadilat niyang
mga mata at ang isa pa dito ay puro puti... parang sinunog. May butas din sa noo ni
Teacher Paolo... binaril?

Narinig kong tumawa si Lilith nang inilapit niya ang mukha niya sa tenga ng bangkay
ni Teacher Paolo at may binulong. Ilang sandali ay tumayo si Lilith na sobrang saya
at bumalik sa upuan niya na para bang walang nanyari.

"Itago natin ang bangkay!" sigaw ni Vince."Hindi pwedeng makita yan ng ibang tao.
Isang gulo na naman ito." Nagsilapitan ang mga kaklase namin upang tulungan sila
Vince sa paglagay muli ng bangkay ni Teacher Paolo sa loob ng malaking locker.

“Paano kung makita nila ito?” tanong ni Andy kay Vince.

“Mamayang madaling araw, pumunta tayo rito. Madali lang namang takasan yung guard
eh at ililibing natin si Teacher Paolo sa isang malayong lugar. Magdala kayo ng
kotse nyo ah?” sinarado ni Vince ang pinto ng locker at humarap sa buong klase.

“Isa tong sikreto ng Class 3-C.” Napinta sa mga labi niya ang isang ngiti na di ko
mawari kung masaya ba o isang mapanlinlang na ngiti. Nanatiling tahimik ang buong
klase.

“Sigurado akong may kinalaman si Denise dito.”

“Kababalik lang niya, may nanyari na agad.”

“Salot talaga.”

“Kung wala lang dito si Ash, matagal nang wala na yan.”


Kahit na pabulong ang pagkakasabi nila ay malinaw ko naman naririnig. Lumapit sa
akin si Ash. Umupo siya muli sa harapan ko ngunit tulala lang siya. Ramdam ko pa
rin ang pagkagulat at takot sa kanya. Hindi ko siya masisisi, hindi biro kapag may
bumagsak na isang bangkay sa harapan mo. Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti lang
siya sa akin at muling yumuko.

“Naalala ko si mama.” Sabi niya. ”Hindi ko pa rin makalimutan. Ang pagkamatay ni


mama.” Agad akong tumayo at niyakap siya. Hindi siya umiiyak, tahimik lang siya
habang yakap yakap ko.

Nandito lang ako Ash...

-----------------------------------------x

A/N:
Memento Mori = "Remember your mortality" / "Remember your / the death"

NEXT CHAPTER: LUNA.

C29: Luna >>

---

John Philip’s POV

“Thania.”

Hindi ako nakarinig ng tugon kaya nilingon ko siya. Nakahiga na pala siya at
himbing na himbing na sa pagtulog. Napangiti na lang ako. Minsan gusto kong isipin
na siya si Freya. Si Freya na masayahin, mabait at mabuti sa mga tao pero sa tuwing
titingin siya sa mata ko. Sa tuwing magsasalita siya'y para bang nagigising ako sa
katotohan na hindi si Freya ang nasa harapan ko

“Wag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mag-isa, Philip.” May kung anong kumirot sa
puso ko nang narinig ko ang binulong niya. Kahit kailan talaga nagsasalita siya
habang natutulog... katulad ni Freya. Sana nga panaginip lang ang lahat .Hindi na
sana ako naiipit sa sitwasyon na ito. Pero wala na akong magagawa... nanyari na ang
dapat manyari. Nagawa na ang dapat na gawin. Kung papapiliin lang ako, kung
bibigyan muli ako ng pagkakataon. Sana naitama ko na nung umpisa pa lamang. Sana
nagawa kong protektahan si Freya... ngunit nabigo ako. Pangako. Isang pangako.

Lumapit ako sa kama at kinumutan ang nanginginig na si Thania. Lumabas ako ng


bahay. Naalala ko muli ang gabing iyon.

“Bakit ka naparito? Tatanggapin mo na ba ang alok ko?” nakangiting sinabi niya


habang nilalagay niya ang itim niyang flute sa lamesa. ”Alam mo namang kaunti lang
ang nakakaalam ng lugar na ito at napakaswerte mo na nakapunta ka rito.”

“Tungkol sa alok mo.” Wika ko.”Anong gagawin mo kapag tumanggi ako?”

“Mapipilitan akong patahimikin ka.”

“Kapag ba pumayag ako.” Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang-isip akong ituloy
ang mga sasabihin ko ngunit isa lang ang dapat kong gawin... kailangan ko nang
pumili ngayon.

“Ayaw mo ba?” narinig kong sinabi niya.”Tulad ng sinabi ko sayo dati kami lang ang
kakampi mo Philip. Kami lang ang makakapitan mo. Kami lang ang kayang tumulong
sayo. Maari mong patayin ang mga taong kinaiinisan mo. Kayang kaya mo yun Philip
basta...” lumapit pa siya sa akin at dinuro ang puso ko. ” Basta... sapat ang galit
na nadarama mo.”

“Dati pa nagsisimula ang laro. Ikaw na lang ang hinihintay.” Sabi pa niya

Masyado akong nagpadalos-dalos. Sa tingin ko, mali pa rin ang napili kong daan.
Tinignan ko lang ang mga kumukutitap na bituin sa langit. Hindi ako natigil sa
pagtitig dito hanggang sa may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

“Philip.”

Anne’s POV
Ilang beses ko nang natatanggap ang text ni Amanda. Sasama pala siya kala Vince.
Seryoso ba sila? Ililibing nila ang bangkay ng teacher na yon? Tss... I don't think
that's a good idea.

From: Amanda

Message: Hey, maghihintay ako dun sa kanto. Takas ka na diyan girl.

Nakatanggap na naman ako ng text mula kay Amanda. Bakit ba siya nagmamadali? Isa pa
to e. Di ko alam kung bakit nakadikit pa rin ako sa Queen Bee na to. Naalala ko
yung sinampal ko siya, pinagbintangan ko sa lahat ng nanyayaring kabaliwan sa klase
naming pero pagkatapos manyari yon naisip ko na kailangan ko siya. Kailangan ko ang
isang “Amanda Fortalejo”, ang Queen Bee. Kung wala siya maaring mapagiwanan na ko
sa klase.

Plastic na kung plastic pero hangga’t Queen Bee siya, kaibigan niya ako ngunit kung
manyayari kay Amanda ang nanyari kay Summer, asahan niya na kahit kailan hindi na
niya ako matatawag na “kaibigan”.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Sinilip ko muna ang labas at
nadatnan ko si papa na hinahalikan na naman ang sekretarya niya. Gagawa na nga lang
ng kasalanan, nagpapahuli pa. Nag-reply muna ako sa text ni Amanda at muling
sinilip ang nakikipagharutan na papa ko sa sekretarya niya. Habang himbing na
himbing sa pagtulog si mama, nasa labas si papa, nagkakasala. Mga matatanda nga
naman.

Ganito naman palagi e. Walang katapusan na pagta-traydor. Kaya hindi ako naniniwala
sa kasal kasal na yan. Wala naman kwenta eh. Sa dulo, nagkakagaguhan lang rin
naman.

“Honey, baka marinig tayo ng... ahhh... anak mo.” Sabi ng malanding sekretarya
habang nakapalupot sa leeg ng papa ko at ang gago ko namang papa ay pinapapak ang
leeg ni malanding sekretarya. Kung hindi ko lang talaga kailangang umalis eh, dapat
dati ko pa nilamutak ang pagmumukha ng sekretarya na yan. Wala ibang alam gawin
kundi makipaglandian.

Hinatak siya ni Papa sa mini-library ng bahay. Sa wakas. Dahan dahan naman akong
naglakad palabas ng kwarto. Nadaanan ko pa ang kulay pink na bra ng sekretarya na
yon. Tinapaktapakan ko ito at sinipa. Walang kwenta mga tao.

Binubuksan ko ang pinto habang pinipigilan kong makagawa ng kahit anong ingay.
Nakahinga ako nang maluwag ng nakaalis na ko sa impyernong bahay na to. Ngumiti na
lang ako at inayos ang mukha ko. Mahirap na baka matalbugan ako ni Amanda.
Nagmamadali na kong pumunta sa kanto. Kanina pa naghihintay si Amanda doon. May
kalayuan din ang lalakarin ko at sobrang nakakatakot. Bakit ang creepy? Mas marami
pa atang pundidong ilaw sa mga gumagana eh. Humihirap na ba ang subdivision namin?

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig. Tinignan ko ang phone ko at text
na naman ng text si Amanda. Masyado ata tong atat e. 1:10 am na pala and to think
na mamayang 6:30am ang alis namin para sa fieldtrip. Nahihibang na ata ang mga
kaklase ko.

Hinanap hanap ko si Amanda ngunit wala naman siya rito.

Babalik na nga lang ako sa bahay

“San ka pupunta?” isang pamilyar na boses na magmumula sa likod ko. ”Iba talaga ang
mga uto-uto.” Natatanaw ko sa gilid ng mata ko ang itsura ng taong nasa likod ko.
Hindi maari... bakit siya narito? Tuluyan na kong humarap sa kanya at kitang kita
ko ang nakangisi niyang mukha habang tinititigan ako.

“Nagulat ka ba Anne? Naalala mo pa ba ang lahat? Kasi ako... alalang alala ko pa.”
Kita ko ang pagbunot niya ng isang malaking kutsilyo. Tinignan niya ako ngunit di
pa rin ako makapagsalita. Hindi ko na napansin ang pagsaksak niya sa tagiliran ko
pero ang mas masakit ay ang paghatak niya muli sa kutsilyo. Ramdam na ramdam ko ang
pagdaan ng matulis na kutsilyo sa kaloob-looban ko.

Bago ako bumagsak dahil sa sakit ay nakakapit ako sa tuhod niya.

“S-Sorry...” ang tangi kong nasabi.

“It’s too late Anne. Dati ko pa hinihintay yan na sabihin mo.” At naramdaman ko ang
pagsaksak niya sa hita ko. Ito na ba ang katapusan ko?

Alex’s POV
Luna.

Simula ng gabing iyon ay hindi na muling nawala sa utak ko ang pangalan niya. Luna.
Kinuha ko ang litrato ni Denise nung 2nd year pa siya. Katabi niya ang
pinakamalapit niyang kaibigan, si Luna. Mahaba ang buhok at maganda ngunit mas
maliit kay Denise, iyan si Luna.

Sa kanya ko nalaman ang lahat.

Hawak hawak ko ang payong ko habang papalapit sa pinakamalapit na bench sa gitna ng


park sa bayan. Bumili kasi ako ng mga kailangan sa bahay. Mabuti naman at hindi
umulan. Kinuha ko ang maliit na tinapay na binili ko sa munting bakery na nadaanan
ko.

“Taga-Laketon Academy ka?” nasa harap ko ang isang maganda, hindi masyadong at
hindi gaano katangkaran na babae ngunit kabaliktaran ng ganda niya ay ang boses
niya... kakaiba. Parang walang emosyon... parang ang lamig niyang tao.

Suot suot niya ang uniform ng isang mamahaling all-girls school sa buong Asya. Ang
Marylaine Academy, ang dating school na pinapasukan ni Denise.

“May kilala ako sa school nyo.” Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. ”Denise.Si
Denise Villaverde. Kilala mo ba siya?” tanong niya sa akin. Muli ay tumango na lang
ako. “Sobrang laki ng kasalanan niya sa akin. Kung kaya ko lang siyang patayin...
ginawa ko na.” Napatigil ako sa pagkain ko ng tinapay. ”Gusto mo bang malaman ang
sikreto niya?” bigla akong kinabahan sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit niya
sinasabi ang mga ito sa akin. Si Denise... may sikreto? “Kung gusto mong malaman,
basahin mo lang ang sulat na ito at tiyak kong maiintindihan mo ang lahat.”

Kinuha ko naman ang binigay niyang sulat may nakaipit na isang picture dito. Isang
punit na litrato kung san si Denise lang at ang babaeng iyon ang kita. Tumayo na
ang babaeng kausap ko pagkatapos kong silipin ang loob ng sulat.

“Luna.” Napatingin muli ako sa kanya. Pati pala ang mga mata niya... walang
emosyon. ”Luna ang pangalan ko. Ang pangalan na huwag na huwag mong kakalimutan.”
Ngumisi siya bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad

Luna...

Napakagandang pangalan.
-----------------------------------------x

A/N:

Tama, wag na wag nyong kakalimutan ang pangalan ni Luna :))

NEXT CHAPTER: PROMISES.

C30: Promises. >>

---

Andy’s POV

“Andy.” Narinig ko ang isang pamilyar na boses. Tinignan ko muli kung nasan ako
ngunit sadyang napakadilim sa kinalalagyan ko. Hanggang sa may nakita akong liwanag
sa dulo kasabay ng pagtawag muli sa pangalan ko. Tinahak ko ang daan papunta sa
liwanag na yon.

Kitang kita ko si Freya habang nakaupo siya sa swing sa playground ng campus. Tama,
nanyari na to dati. Nasa harapan ko muli ang nakangiting Freya. Ang Freya na punong
puno ng pag-asa at kasiyahan. Ang Freya na minahal ko.

Alam kong panaginip lang ang nanyayari ngayon at ayos lang kung hindi na ako muling
magising pa.

Umupo lang ako sa bench na katapat ng kinauupuan niya habang pinagmamasdan siyang
tumugtog ng flute. Nakakakalma ang pagtugtog niya. Ito talaga ang pinakapaborito
kong tunog. Mas madalas tumutugtog siya kapag mag-isa lamang siya pero ito ang
unang beses na tumugtog siya na may nanonood sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay lumapit na ko sa katabing swing at umupo doon. Kita ko lang


na tinitignan niya ako habang tumutugtog siya. Pumikit ako habang pinapakinggan ang
ang pagtugtog ni Freya. Kakaiba. Kahit alam kong nananaginip ako’y parang may
yumayakap sa akin sa bawat notang naririnig ko. Nararamdaman ko muli ang pakiramdam
na kasama si Freya... panatag ang loob ko.

Nang dumilat ako ay nasa harap ko si Freya. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo
sa damuhan. “Bakit ganun? Kahit napakapikit ka... ang gwapo gwapo mo pa rin.”
Napangiti ako sa narinig kong sinabi ni Freya. Ngunit ilang segundo na ang
nakaraan pero di pa rin siya nagsasalita. Gusto ko sanang sabihin ang lahat lahat
ng hindi ko nasabi sa kanya dati ngunit... ayaw bumuka ng bibig ko.Tinititigan lang
niya ako gamit ang mga nangungusap niyang mga mata. Nagsusumamo. Naghihintay na
magsalita ako. ”Salamat Andy. Salamat sa lahat.”

“Salamat sa pagtatanggol sa akin sa tuwing kailangan ko ng tulong mo. Salamat sa


magandang pakikitungo sa akin. Salamat sa pagiging mabuting kaibigan at salamat sa
patuloy na paniniwala sa akin. Hinding hindi kita makakalimutan kahit hanggang
kamatayan man.” Napayuko siya na habang may tinitignan na maliit bagay sa mga kamay
niya. “Sana wag na wag mo akong kakalimutan Andy.” Medyo nababasag ang boses niya
pero agad naman niyang naialis yon para hindi ko mahalata.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Inilagay niya ang mga kamay niya sa leeg ko.
Nginitian ko siya at kinuha ang mga kamay niya upang hawakan ko. Hinalikan ko ang
dalawang kamay na yon at niyakap siya.

Freya...hindi kita makakalimutan.Pangako ko sayo, hanggang kamatayan man.

Umalis siya sa pagkakayakap ko at may inaabot sa aking isang singsing. Binigay niya
yon na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

“Sayo yung isa.” Pinakita niya sa akin ang isang singsing na hawak pa niya. ”At sa
sakin ang isa. May nakasulat sa loob.” Sinilip ko naman ang sulat na sinabi niya.
Akira? “Akira. Ang pangalan flute ko.” Tumango lang ako at muling ngumiti.

“Wag na wag mong iwawala yan Andy ah?” nginitian niya ako ulit. Ang ngiti na
pinakahihintay ko sa lahat .”Sana palagi mo akong maalala sa tuwing suot mo yan.”
Kinuha niya ang hawak kong singsing at isinuot sa akin. ”Ito ang simbolo ng
pagkakaibigan natin.” Sabi pa niya muli.

Kita ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Naalala ko na ang
panyayaring ito. Ang unang beses na umiyak siya sa harapan ko. At kinabukasan...
iyon ang gabing nagtangka siyang magpakamatay. Tama, naalala ko na ang lahat. Si
Freya... ang dating masayahin at matatag na tao. Noong mga panahong iyon... para
siyang unti unting pinapatay ng mga tao sa paligid niya... kasama na ako.

Freya... patawarin mo ako.

Biglang dumilat ang mga mata ko. Muli kong tinignan kung nasaan ako .Tama, nasa bus
nga pala kami. Fieldtrip ngayong araw. Hindi pa umaandar ang bus dahil hindi pa
kompleto ang mga sasama. Sigurado akong maraming late na naman.

Napa-buntong hininga ako pagkatapos kong maalala ang napanaginipan ko dahil ang
singsing na binigay ni Freya. Ang singsing na simbolo ng pagkaibigan namin ay...

...nawawala.

“Andy.” Tinignan ko lang si Alex na nakatayo sa harapan ko. Inabot niya ang isang
nakatuping papel. “Basahin mo.” At agad siyang pumunta sa upuan niya sa may dulo.
Binuklat ko naman ang binigay niyang papel. Bumungad sa akin ang isang punit na
litrato. Teka... si Denise to ah? May katabi siyang magandang babae at suot nila
ang uniporme ay sa dating eskwelahan na pinapasukan ni Denise.

Itinabi ko sa bag ko ang litrato at sinimulang basahin ang sulat.

Denise’sPOV

Nagpaalam na sila mama sa akin. Hindi daw sila makakauwi hanggang bukas. Ngayon din
ililibing nila Vince ang bangkay ni Teacher Paolo, hindi kaya sila mahuhuli? Parang
mahirap ang gagawin nila Vince at mamaya na rin ang fieldtrip. Napa-buntong hininga
ako dahil sa lubos na panghihinayang. Ito dapat ang unang beses kong makakasama sa
fieldtrip ngunit hindi pa natuloy.

Sigurado akong masayang masaya si Summer at si Ash ang katabi niya. Maari ngang
mas maganda ito... iwas gulo. Pero masaya rin kaya si Ash? Kahit wala ako?
Napailing ako ng ilang beses. Siguradong magsasaya siya. Hindi naman akong malaking
kawalan e.

Kinuha ko ang cellphone ko na agad ko namang binalik mula sa kinalalagyan nito


dahil wala akong natanggap na text o tawag man lang. Umupo ako sa gilid ng kama at
napa-isip muli tungkol sa mga nanyayari. Matutulog na sana ako ngunit biglang nag-
ring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag-text.

From: Ash

Message: Buksan mo ang bintana sa kwarto mo.


Napaisip ako bigla sa nakuha kong text .Hindi ba kasama siya sa fieldtrip? Lumapit
ako kaagad sa malaking bintana sa gilid ng kama ko. Binuksan ko ito at nagulat ako
dahil nasa harapan ko si Ash. Nakatapak siya sa isang hagdanan at nakangiti sa
akin. Nasa leeg pa rin niya ang palagi niyang ginagamit na headphone.

“Anong ginagawa mo rito?” narinig kong tumawa lang siya nang mahina.

“Hindi mo ba ako papapasukin?” inabot ko ang kamay niya at hinatak siya papunta sa
loob. Ano bang pumasok sa utak niya para gawin to?

“Bakit ka pa umakyat sa bintana? Eh pwede naman kitang pagbuksan ng pinto. Nagmukha


ka pa tuloy magnanakaw.” Sabi ko pero nakita ko lang na ngumiti siya.

“Hindi ko rin alam e. Dapat sasama ako sa fieldtrip pero dito ako dinala ng kotse
ko.” Umupo siya sa kama habang nakatingin sa akin. Nasa mga labi pa rin niya ang
ngiting makakatunaw sa kahit sinong babae. ”Ewan ko ba. Hindi ko ata kayang magsaya
ng wala ka.”

Napayuko ako at ngumiti nang ubod ng tamis.

Hinawakan niya ang kamay ko at muling nagsalita. ”I love you Denise.”

Parang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. Hindi
ko mapaliwanag kung ano ang nadarama ko. Kilig? Tuwa? Gulat? o Takot? Nakatitig
lang siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko. Mabilis pa rin ang tibok ng
puso ko na para bang nagpatigil sa pagsasalita ko. Nakatingin lang din ako sa kanya
na may pagkagulat sa aking mga mata.

Totoo nga ba to? Mahal ako ni Ash? Hindi lang ba ako nag-iilusyon? Hindi lang ba
ako umaasa? Madaming tanong ang nabubuo sa utak ko.M ga tanong na si Ash lang ang
makakasagot. Ano ba ang dapat kong isagot? Na mahal ko rin siya? Hindi... hindi
pupwede.

“A-Ah... g-ganun ba?” ang tangi kong nasabi. Kita ko kung papano magbago ang
ekspresyon sa mukha ni Ash. Mula sa maaliwalas at masaya niyang mukha ay agad itong
napuno ng pagtataka. Parang gustong magtanong ng magtanong ni Ash pero... ngumiti
lang siya. Isang malungkot na ngiti.

“Ganyan na pala ang sagot sa I love you.” Sabi niya ngunit tumayo lang siya at
inabot ang aking kamay. “Tara labas tayo.” Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa
hiya. Pakiramdam ko’y nasaktan siya nang dahil sa sagot ko.
---

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya. Pinaupo niya ako sa tabi ng driver’s seat.
Ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya. Galit kaya si Ash? Siguro nga
hindi ko sinabi ang tamang tugon sa sinabi niya. Ngunit ngayon ko lang napansin na
hindi lang pala tanong ang nangangailangan ng isang sagot. Hindi naman tanong ang
“I love you.” Pero bakit kailangan mong itugon ang “I love you too?” Maari ngang
mali ang sagot ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung pagmamahal na nga ba
talaga to. Hindi ko maintindihan ang nadarama ko. Masyadong mabilis. Hindi ko
inaasahan ang pagdating ng isang Ash Flores sa buhay ko.

Tumigil ang kotse ni Ash sa isang malaking park. Nakalimutan ko ang tawag sa lugar
na ito ngunit napakaganda. Tinignan ko ang paligid, kami lang pala ang tao. Kitang
kita sa kinatatayuan namin ang mga bituin sa langit. Masyadong maganda.

Hinawakan ni Ash ang kamay ko papunta sa gitna ng malawak na damuhan. Humiga siya
doon habang ako naman ay umupo sa tabi niya. Ang sarap niyang panourin habang
nakatitig sa kalangitan.

“Ang sabi ni tita, nandun lang daw si mama.” Tinuro niya ang kalangitan. ”Siya daw
ang pinakamagandang bituin sa lahat at palagi niya akong binabantayan. Palagi lang
daw siyang nakadungaw at pinoprotektahan ako” Ngumiti siya nang lumingon sa akin.

“Tama ang tita mo.Binabantayan ka lang niya at sigurado akong tuwang tuwa siya sa
kung sino ka Ash.”

“Hindi rin.” Hindi ko alam kung nanggaling pa yon sa mga bibig ni Ash o guni-guni
ko lang. ”Sigurado akong ayaw na niya sa Ash na nakikita niya. Baka nga
kinamumuhian niya ako e.”

Humiga na rin ako at tsaka nagsalita.”Nagkakamali ka Ash. Kung ako ang nanay mo,
matutuwa ako. Ipagmamalaki kong anak kita.” Ngumiti ako habang nakatitig din sa mga
bituin.

Naramdam an ko muli ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko nang nakita ko ang
mukha ni Ash na katapat ng mukha ko. Medyo nakahiga pa rin siya ngunit mula sa
balikat niya hanggang sa mukha niya ay nakaharap sa akin.
Napako ang mga mata namin sa isa’t isa hanggang sa tumingin siya sa mga labi ko.
Ito na naman... ang puso ko... parang gustong sumabog. Ngumiti lang siya ng
nakakaloko. ”Aalagaan kita.” Sabi niya sabay halik sa noo ko. ”Di ko hahayaan na
saktan ka nila.” At ramdam ko ang init ng labi niya sa ibabaw ng ilong ko. ”Palagi
akong nasa tabi mo para pangitiin ka.” Sabay halik sa kaliwa kong pisngi at muling
tumingin siya nang deretso sa mga mata ko.”kasi nga... mahal na kita.” Naramdaman
kong naglapat muli ang mga labi namin kasabay ng pagtigil sandali ng pagtibok ng
puso ko. Napakurap ako ng ilang segundo habang dinadamdam ang halik na iyon.

I love you too..

Kung pwede ko lang sabihin. Kung kaya ko lang sabihin. Hinding hindi ako magsasawa
sa kakasabi sayo ng mga katagang iyon Ash.

Bumalik si Ash sa pagkakahiga niya. Hinawakan ang kanang kamay ko at dahan dahang
pumikit. Napangiti ako habang nakatingala sa langit. Hindi ko mapaliwanag ang
sayang nararamdaman ko. Nanatili kaming tahimik habang amin pa ang mundo. Wala ng
iba pa...

Si Ash lang at ako.

-----------------------------------------x

A/N: Ang corny HAHAHAHA. Nakakairita sa ka-kornihan yung last part. Guys, smack
lang po ang kiss nila. Gusto ko pa rin naman ipakita yung innocent side ng mga
kabataan ditey. Ayoko ng mga puro negative lang ang ilalagay ko sa story na to.

NEXT CHAPTER: DECEITFUL TRUTH.

C31: Deceitful Truth. >>

(CURRENTLY EDITING THIS BOOK. DITO NATIGIL AS OF 4/23/13, 10:38 PM.)

A/N: Si Anne po ang nasa gif --->

---

Denise’s POV
Nagpaalam na ko kay Ash at tsaka bumaba sa kotse niya.Medyo umaga na rin kaya nag-
aya na akong umuwi.Akala ko magiging malungkot ako sa araw na to pero binago ni Ash
ang lahat. Pinasaya niya ako. Pinangiti at pinaramdam sa akin na importante pa rin
ako.

Ngumiti muli ako bago ko buksan ang gate.

“Good Morning.....Denise.” nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko muli ang tinig
niya.Ang pagkakasabi niya sa pangalan ko.Ang malamig niya boses.Luna....nasa likod
ko si Luna.”Iba ka talaga eh no? Pagkatapos mong gawin ang mga bagay na
yon...nagawa mo pang lumandi.”

Lumingon ako at nakita ko muli ang maganda ngunit walang ekspresyon niyang
mukha.”Luna.” ang tangi kong nasabi.Matagal ko na rin siyang hindi nakikita ngunit
kita ko pa rin na galit pa rin siya sa akin.Sa bawat salitang binibitawan niya ay
para bang may isang kutsilyong sumasaksak sa akin.

“Nagsisisi ako na naging kaibigan kita.Iniwan mo ko sa ere.Pinabayaan mo akong


pagdusahan ang kasalanang hindi ko naman ginawa.Alam mo ba ang naranasan ko nang
wala ka?! Araw-araw akong nasa impyerno Denise! Hindi mo alam kung gaano kahirap.”

Napayuko na lang ako nang narinig ko ang pag-iyak niya.

“Best friend kita diba? Bakit mo ko iniwan? Bakit mo pinabayaan? BAKIT MO KO


TRINAYDOR?”

“Sorry...Sorry Luna...” hindi ko napigilan ang pagluha.”Natakot ako.Takot na takot


ako.”

“Hinding hindi kita mapapatawad.” Wala na kong nagawa kundi panourin lang siyang
maglakad palayo habang pinupunasan ang mga luha sa mukha niya.Kahit kailan wala
akong naidulot na maganda sa mga taong nasa paligid ko.Wala akong ibang ginawa
kundi saktan lang sila.

Napakasama kong tao...

Huminga ako ng malalim at binuksan na ang gate.Agad akong umakyat papunta sa kwarto
at kinuha ang kulay pulang box sa ilalim ng kama.Pinagmasdan ko muli ang mga
litrato naming ni Luna.Ang dating masaya niyang mukha.....nasan na ngayon? Ibang
iba talaga sila Luna ngayon. Siguro dahil sa akin ay nawalan na rin siya ng ganang
maging masaya.Biglang kumirot ang puso ko.Naalala ko ang lahat na para bang kahapon
lamang....si Luna....ang best friend ko.

“Denise!” tawag ni Luna sa akin sa tabi ng magandang falls.Nakayayaan lang kasi


birthday ni Lisa, ang class president.Sumenyas siya upang lumapit ako at dahil sa
naiinis nga ako sa isa naming kaklase ay lumapit na ko kay Luna.

“Oh bakit naka-kunot ang noo mo?” sabi niya.

“Kasi naiinis talaga ako kay Jessie eh.Masyadong mapapel.” Sabi ko sabay upo sa
gilid ng falls. ”Alam ko na.” Sabi ko kay Luna habang umuupo siya sa tabi
ko.”Pagtripan natin si Jessie.” Mahina ako tumawa at muling tumingin kay Luna.

“Denise...parang hindi ata magandang ideya yan.”

“C’mon Luna! Masaya yon.Diba naiinis ka rin naman sa babaeng yon?” ngiting ngiti ko
siyang tinignan ngunit mukhang hindi pa rin niya gusto ang plano ko.Napasimangot
na lang ako.Gusto kong gawin niya ang gusto ko.Bakit ba nagdadalawang-isip pa siya?
Pinahiya ako ng Jessie na yon....dapat akong gumanti.

“Ayaw mo ba Luna? Gusto mo bang ipagkalat ko ang sikreto mo?” tinignan ko siya ng
masama. Hindi siya maaring tumanggi.Sigurado akong ayaw niyang malaman ng iba ang
sikretong tinatago niya.Sakto naman na paparating si Jessie.Ngumiti muli ako kay
Luna at binulungan ko siya.”Kung ayaw mong sabihin ko ang lahat sa buong
campus...itulak mo si Jessie.”

Nakita kong natahimik si Luna.Hanggang ngayon ayaw pa rin niya? Tss...Nang tumayo
si Jessie sa gilid ay agad akong lumapit sa kanya.Wala na akong ibang choice kundi
gawin ang gusto ko. Kung hindi kaya ni Luna pwes...kayang kaya ko.

“Hi Jessie!” ngumiti lang sa akin si Jessie.Binalikan lang pala niya ang naiwan
niyang tsinelas.

Ang sunod kong ginawa ay itinulak ko siya.Ngumisi ako nang narinig ko ang malakas
na pagbagsak niya sa tubig kasabay ng tila nalulunod niyang pag-arte.Pakiramdam
niya ata artista siya.

Ang arte.Akala mo naman hindi marunong lumangoy.


“Denise! Nalulunod siya!” sigaw ni Luna.

“Umaarte lang yan.Hoy Jessie! Wag ka na ngang umarte diyan.” Ngunit lumipas na ang
ilang minuto at tila nalulunod pa rin siya.Nakaramdam ako ng kaba.....umaarte lang
siya diba? Pero bakit? Anong gagawin ko? Baka...nalulunod nga siya?

“Hindi marunong lumangoy si Jessie! Denise ano ba?!" nakita ko si Luna na nasa tabi
ko habang niyuyugyog ang magkabila kong balikat.

Gulong gulo ang isipan ko.Hindi ko alam ang gagawin ko...paano kung nalulunod nga
talaga si Jessie? Huli na nang napansin ko na tinulak ko na pala si Luna sa
tubig.Nagsilapitan sa amin ang buong klase.

Sinagip ni Luna si Jessie sa pagkakalunod.Nakahinga ako ng maluwag.

“Anong nanyari Denise?” tanong sa akin ni Lisa.

Tinignan ko si Luna habang pilit na sinasagip si Jessie.Nagkakagulo sa paligid ko


at nanatili akong nakatayo.. nakatulala sa harapan ko.Anong sasabihin ko? Na ako
ang may kasalanan? Hindi.. baka tuluyang maghiwalay sila mama kapag nalaman nilang
masama akong anak....hindi pupwede.Ayoko silang maghiwalay.Dapat ako si Denise
Villaverde, ang perpektong anak, ang mabuting kaibigan.Kailangang manatili ang
pagtingin sa akin ng lahat.Kailangang malinis pa rin ang imahe ko sa kanila.

“Si Luna!” nagsitinginan sa akin ang lahat.”Nakita kong tinulak ni Luna si Jessie!”
sigaw ko muli. Tinignan lang ako ni Luna na may pagtataka sa mga mata niya."Sinabi
ko na kay Luna na masamang ideya ang gusto niya ngunit ayaw niyang magpapigil.Luna,
wag ka nang umarte na sinasagip mo si Jessie!Sinubukan mo siyang patayin!"

Hindi na nila nasagip si Jessie.......tuluyan na siyang namatay at si Luna ang


sinisi ng lahat ng nanyari.Sino ba naman ang hindi maniniwala sa isang Denise
Villaverde? Napangiti na lang ako sa nanyari at nakisabay sa panunukso kay
Luna.Inaya na akong umalis ng iba kong kaklase habang inilulubog ng iba ang mukha
ni Luna sa tubig.

Nagtagumpay ako.
Naalala ko ang lahat.Ang isang kasinungalingan na nagduktungan ng isa pang
kasinungalingan hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga kasinungalingan na nasabi
ko.Hindi ko nakalimutan ang mga yon.Hindi ko alam na mali pala ang ginawa ko
noon.Basta ang alam ko pinoprotektahan ko lamang ang aking sarili....ang pamilya
namin.

Umalis ako sa school na yon para limutin ang lahat.Ayoko nang magsinungaling sa
kanila... ayokong magsinungaling sa sarili ko.Bumaba ako at itinapon ang lahat ng
litrato namin ni Luna sa basurahan.Hindi maari....wala na dapat makaalam ng
tungkol sa bagay na ito.

Anne’s POV

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” pagkadilat na pagkadilat ng mga


mata ko ay bumungad sa harapan ko ang nakabigting katawan ni Angie habang
nakataling pahiga si Alyana.Sariwa pa ang mga tumutulong dugo mula sa mga katawan
nila.

Tumayo ako ngunit nadulas naman agad ako dahil sa dugo na nakakalat sa buong
kwarto.Inilagay ko ang kaunting lakas ko sa mga kamay ko habang pinipilit kong
tumayo.Ang sakit pa rin ng saksak sa akin.

Ngunit mas napasigaw ako sa nahawakan ko.Itinaas ko ang bilog at madulas na bagay
na nakapa ko.Isang.....isang....mata.

“KYAAAAAAAAAAAAH!” sigaw ko muli.Tinignan ko ang mga nakabitin na bangkay sa


harapan ko. Sobrang nakakasuka.Tumakbo ako kaagad sa pintuan.Pinilit kong buksan
ang pinto ngunit kahit anong gawin kong pihit ay hindi ito nabubuksan.Ginawa ko na
ang lahat.Sinuntok ko.Binato ko ng upuan ngunit ayaw pa rin mabuksan ang pinto.

“Palabasin nyo akoo!” sigaw ko pero alam ko namang walang makakarinig at


magpapakawala sa akin.Umupo ako sa sulok habang yakap yakap ang mga tuhod ko.Umiyak
ako ng umiyak.Tumayo ako muli at nagpabalik-balik ang lakad.Para akong
nababaliw.Naalala ko muli ang taong nagdala sa akin rito.

Hindi maari.....hindi ko alam na kaya niyang gawin ang lahat ng ito.

Akala ko....ayos na ang lahat?

Umiyak ako ulit.Papatayin ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Ramdam ko ang kaba at
kilabot sa buong katawan ko.Ganito pala ang pakiramdam ng kamatayan.Ganito pala
kapag alam mong mamatay ka na.Nakakatakot...gusto kong tumakas ngunit alam kong
hindi ko kaya.

Pinagpapawisan ako kahit na malamig.Nanginginig ako kahit wala pa kong nakikitang


panganib. Muli akong umupo sa gilid at sumigaw ng sumigaw.Hingal na hingal ako
ngunit hindi pa ko tumitigil.Para akong sasabog sa takot.Inilagay ko ang dalawa
kong kamay sa ulo ko at pinagsasabunutan ang sarili ko. Natatakot ako...hindi ako
mapakali...hindi ko malabanan ang takot na ito.

Napausog ako sa pinakasulok ng kwarto nang narinig kong may bumukas ng pinto.Habang
papalapit siya ng papalapit ay pinagsisiksikan ko naman ang sarili ko sa kinauupuan
ko.Para akong isang kawawang tuta na kaharap ang isang matapang na tigre.Kitang
kita ko ang pagngisi niya sabay ng pag-upo niya sa harapan ko.

“Kamusta ka na Anne?”

Hindi ako nakasagot.Mas lalo akong natakot.Ang mukha niya....parang may kaharap
akong demonyo.Nakakatakot ang titig at ngisi niya sa akin.Napapikit na lang ako
kasabay ng pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

“Ito lang pala ang makakapagpaiyak sayo.Ba’t hindi mo sakin sinabi dati?”

“Patawarin mo ako....patawad.” paulit ulit kong sinabi ngunit hinatak lang niya ang
buhok ko at pinandilatan ako.Ramdam ko ang panggigigil niya sa akin.Takot na takot
kong tinignan ang maliit na kutsilyo sa kanang kamay niya.

“Sa tingin mo, hindi mo pagbabayaran ang lahat ng nanyari? Anne...lahat ng


kasalanan ay may kabayaran.Lahat ng pang-aapi ay may karapat-dapat na kamatayan.”
Ngumisi muli siya. Binitawan na niya ang pagkakasabunot sa buhok ko at hinatak ang
kaliwa kong kamay.

“A-Anong g-gagawin mo?”

“Huwag kang mag-alala.Parang kagat lang ng langgam ito.” Bulong niya.Wala akong
nagawa kundi pagmasdan na lang ang pagdaan ng matulis niyang kutsilyo sa palad ko
hanggang sa braso ko.Napakasakit.Parang ginagawa niyang papel ang braso ko.Galit na
galit niyang diniin ang pagdaan ng kutsilyo hanggang umabot na siya sa balikat
ko.Pinipigil kong sumigaw.Ang saki sakit. Ramdam na ramdam ko ang tulis ng kutsilyo
sa laman ko.
Maluha-luha ako nang muli kong tinignan ang buong braso ko.Natatakpan ang mga laman
dahil sa matinding pagtulo ng dugo.Ibinaba niya ang kamay ko na halos manhid na sa
sakit.Iyak ako ng iyak habang nagmamakaawa sa kanya ngunit hindi niya ako
pinapakinggan.

Initapat naman niya ang kutsilyo sa mukha ko.Kitang kita ko na naman ang ngisi niya
habang binabalatan niya ang pisngi ko hanggang sa baba ko.Tinakpan naman niya ang
bibig ko habang tinatapyas niya ang ilong ko.Narinig kong tumawa siya...tawa siya
ng tawa hanggang sa sinaksak niya ang leeg ko.Agad namang sumirit ang mga dugo rito
at kita ko kung paano ito paliguan ang mukha niya.Pero imbis na pandidiri ay tuwang
tuwa pa siya.

Demonyo..

Sumuka ako ng sumuka ng dugo hanggang sa unti unti kong naramdaman ang paghina ng
tibok ng puso ko.Nanginginig kong itinaas ang kanan kong kamay papunta sa leeg
niya.Inilagay ko ang natitira kong lakas upang sakalin siya ngunit hindi ko
nakayanan.

Bago ako nawalan ng malay ay tumingin ako sa may pintuan.Nakita ko si Vince na


papasok kasama ni.... bakit siya nandito? Teka...bakit...bakit siya pa? Itinaas ko
muli ang kanang kamay ko at tinuro ang babae na nasa tabi ng pinto.Ngumisi lang
siya sa akin at naramdaman ko muli ang pagsaksak sa dibdib ko.Medyo malabo na ng
paningin ko pero alam kong tama ang nakita ko....

Tandaan nyo to..

Dadalhin ko sa hukay ang mga kaluluwa nyo...

----

NEXT CHAPTER: GOODBYE, SUMMER.

C32: Goodbye, Summer. >>

Uulitin ko, flashback po ang mga naka-italic.Enjoy sa UD ^__~


VOTE | COMMENT | FAN!

---------------------------------

Andy’s POV

Bumaba na ko ng bus dala dala ang bag ko.Natapos na rin sa wakas ang
fieldtrip.Hindi ako masyadong nakapagsaya dahil sa binigay sa aking sulat ni
Alex.Sulat kung san naglalaman ang sikreto ni Denise at hanggang ngayon hindi pa
rin ako makapaniwala sa nabasa ko.Hindi ko alam na kayang gawin ni Denise ang bagay
na iyon...pero bakit ganun?

Wala akong nararamdaman na kakaiba.Hindi ako galit, hindi ako naiinis o nadidismaya
man kay Denise. Maari ngang mali ang nagawa niya.Maari ngang trinaydor niya ang
kaibigan niya ngunit alam kong may dahilan siya.

“Si Andy hindi nakikinig.” Napatingin ako sa likod ko kung san nakatayo ang iba
kong kaklase.”Hoy, sasama ka ba? Pupunta tayo sa bahay nila Camille.” sabi ni
Amanda kasama niya sila Vince at ang iba pa.Agad naman akong bumalik sa reyalidad.

“Ah.Akala ko umalis na kayo.” Sabi ko sa kanila.”May gagawin pa ko e.”


Pagsisinungaling ko.Naglakad na ko palayo.Nakita ko naman ang kotse ni mama na
nakaparada sa may harap.Oo nga pala, siya ang susundo sa akin.Huminga ako ng
malalim habang lumalapit sa kanya.
“Masaya ba anak?” nakangiti niyang sinabi.Hindi ko siya sinagot at tuloy tuloy ako
sa loob ng kotse. Masama ba tong ginagawa ko? Sabi nila, nagbago na raw si
mama.Maniniwala ba ako? Tinignan ko lang siya habang nagmamaneho.Sa lahat ng sinabi
kong masama, sa lahat ng ginagawa kong masama sa kanya.Bakit nakukuha pa rin niyang
ngumiti? Bakit patuloy pa rin niya akong nilalambing na para bang naging mabuti
siyang ina?

Kukuhanin ko sana ang phone ko sa bag ngunit biglang nahulog ang litrato ni
Denise.Ang litrato nila ng kaibigan niya.Muli ko itong tinignan.Ang maamong mukha
ni Denise.Ang nakangiti niya at tila napakasayang mukha.

Pinunit ko ang litrato na hawak ko hanggang sa magkahiwalay na si Denise at ang


kasama niya sa litrato. Binalik ko sa bag ang litrato ni Denise at pinagpatuloy na
tignan ang litrato ng kasama niya. Walang nakalagay na pangalan sa sulat.Hindi
pamilyar ang mukha niya ngunit ito ang klase na mukha na hindi mo makakalimutan.Ang
mata....ang ngiti....ang buo niyang mukha....napakaganda.

“Ibaba nyo na ako rito......mama.”nanlaki ang mga mata niya sa huling salitang
binanggit ko. Napayuko naman sa ako hiya.”May pupuntahan lang po ako.Uuwi din ako
mamaya.” Muli ay nagbago ang ekspresyon sa mukha niya ngunit kasiyahan na ang
nakita ko.Isang matamis na ngiti kasabay ng pagtango niya.

Medyo nahiya ako sa ginawa ko ngunit aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko hanggang
sa hindi ko na alam na napapangiti na pala ako.

Mama....isang salitang napakasarap bigkasin.


Hindi ko alam kung bakit pero siguro kailangan ko nang itama ang mga maling nagawa
ko.Kung kaya nila akong patawarin.Siguro naman mapapatawad ko na rin ang sarili
ko.Hawak hawak ko pa rin ang litrato ng kaibigan ni Denise habang nakasakay sa
isang tricycle.

Kailangan kong linawin ang lahat sa kanya.Ang ginawa niya dati at ang rason sa
likod nito. Kailangan kong malaman ang panig niya.Napa-buntong hininga ako kasabay
ng pagtingin ko sa dinadaanan namin.May nakita akong naglalakad na isang
babae.Hindi siya ganung katangkad....teka...

“Manong, para na po.Dito na lang ako.” Inabot ko ang bayad ko saka agad agad na
tumakbo papunta sa babae.Nang napansin niya na sinusundan ko siya ay mas lalo
niyang binilisan ang paglalakad upang hindi ko siya maabutan.Normal lang naman
siguro sa isang babae ang tumakbo kapag alam niyang may sumusunod sa kanya na isang
estranghero kaya mas lalo ko pang binilisan para maabutan ko siya nang....

“Miss!” sigaw ko sabay takbo at hatak sa kanya palayo sa isang rumaragasang


sasakyan.Iniharap ko siya sa akin sapat upang makita ko ang gulat na gulat niyang
mukha dahil sa muntik na niyang kinahinatnan.

“Miss, ayos ka----“ nakaramdam ako ng malakas na pagsipa sa ibabang parte ng


katawan ko. Halos mamilipit ako sa sakit habang tinatakpan ang ibabang parte na
iyon.”Ano ba?!” sigaw ko sa kanya.

Tinignan niya ako gamit ang pinakamalamig na ekspresyon ng mga mata niya.Nilibot
niya ang mata niya mula ulo hanggang sa paa ko na tila ba’y kinikilatis ako.Lumapit
siya sa akin at tsaka tinapakan ang kaliwa kong paa gamit ang sapatos niyang may
takong.Napasigaw ako sa sakit.

“Ano bang probema mo?! Niligtas ka na nga, ikaw pa ang nananakit.” Sabi ko
pagkatapos niyang apak apakan ang paa ko.Ngunit hindi siya nagsalita.Umirap lang
siya at tinalikuran ako.”Miss teka lang!” ngunit tuloy tuloy pa rin siya sa
paglalakad.”Kilala mo si Denise diba? Si Denise Villaverde?” sa mga katagang iyon
ay humarap ang walang emosyon niyang mukha sa akin.
“Ano ngayon kung kilala ko siya?” sa wakas ay nagsalita na rin siya.

“Dun sa sulat.Ikaw ang may bigay nun diba?” ngumisi lang siya kasabay ng muling
pagtalikod sa akin.

Tinignan ko lang siya ngunit nagulat ako nang narinig ko ang boses niya.”Alam mo ba
ang sinabi niyang rason sa ginawa niya? Ang sabi niya, ginawa lang naman niya yon
para sa sarili niya.Noong sandaling yon...parang gumuho ang mundo ko.Pakiramdam ko
lahat ng ginawa’t sinabi niya ay para sa sarili lamang niya.Pakiramdam ko’y nadaya
ako...naloko at nagamit.Alam mo ba kung gaano kasakit? Napakasakit na ang
tinuturing ko pang pinakamatalik na kaibigan ang nanggago sa akin.” lumingon siya
sa na may kakaibang kislap sa mga mata niya. “Sabihin mo nga, paano ko siya
mapapatawad?” pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay mabilis na siyang
naglakad.Pinagmamasdan ko lang siya habang tila ba’y unti unti siyang nilalamon ng
kadiliman ng gabi.

Naiintindihan ko siya.Alam kong nasaktan siya ng lubos.Ngunit may nakalimutan


ako....

Hindi ko naitanong ang pangalan niya.

Summer’s POV
Sumakay na lang ako sa kotse.Sa wakas ay natapos na rin ang fieldtrip pero natapos
ito ng wala si Ash.Anong nanyari sa kanya? Bakit hindi siya pumunta?

Tumingin ako kay Amanda nang sumilip ito sa bintana sa tapat ko.“Hey, sabi nila
Vince kung gusto mo raw sumama?” napipilitan niyang sinabi.Inirapan niya ako sabay
tingin sa grupo nila Vince.”Ano? sagot na.” Kahit kailan talaga hindi pumalya si
Amanda sa pang-iinis sa akin.Imbis na sumagot ay pinaandar ko na lang ang
sasakyan.Napadaan ako kung san nakatayo ang grupo nila Vince at kumaway na lang ako
bilang pamamaalam.Narinig ko ang malakas na tawanan nila kay Amanda.

Puntahan ko kaya si Ash ngayon? Umiling iling ako.Hindi ako papapasukin ng lalaking
yon. Siguradong papauwiin niya ako.Ilang beses na niya akong pinagtabuyan.Hindi ko
na kaya pang maramdaman ang sakit na iyon.Sa lahat ng naranasan ko...ang ginawa ni
Ash ang pinakamasakit sa lahat.

Naalala ko pa ang gabing iyon.Ang gabing kinatatakutan ko sa lahat...Ang gabing


nawala sa akin si Ash...

“Tara na, ihahatid na kita.” Ngumiti sa akin si Ash sabay hawak sa kamay ko upang
samahan siya sa nakaparada niyang bisikleta.Tinignan ko siya na para bang
nagtataka.”Hindi ba sumasakay ang isang Summer De La Vega sa isang bisikleta?”
mahina tumawa si Ash.

“Hindi naman sa---“ agad niya akong hinatak at umupo na rin ako sa likuran ng
bisikleta niya.

Bakit ganito ang kinikilos ni Ash? Kahit kailan wala siyang pinapasakay sa
bisikleta niya....bakit ako? Gulong gulo ako habang yakap yakap ko ang likuran ni
Ash.Pero kahit ganun...ang saya pa rin ng pakiramdam ko.Importante naman ako sa
kanya diba? Kahit kaunti lang....kung magpapatuloy to baka maniwala na ako.
“Ash” tawag ko.

“Hmm?”

“Mahal mo ba ako?” Napahinto siya sa pagpadyak.”Kahit sandali ba...minahal mo ako?


Possible bang mahalin mo rin ako?” yumuko ako pagkatapos kong sabihin ang mga
katagang iyon.Gusto kong malaman ang nararamdaman niya.Gusto kong maliwanagan ang
lahat.Ayokong umasa sa wala. Ayokong maniwala sa isang kasinungalingan lang pala.

“Iyan din ang tinatanong ko sa sarili ko.” Napaangat ako ng ulo.”Sino nga ba ang
gusto ko? Sino nga ba ang mahal ko? Ang babaeng nagpabago sa akin o ang babaeng
walang ibang alam gawin kundi mahalin ako?”

“Sino? Sino ang mas mahal mo?” Bumaba ako sa bisikleta at hinarap siya.Napatingin
siya sa baba at tsaka tumingin muli sa akin.

“Summer....tapusin na natin to” Naramdaman ko ang init ng pagpatak ng luha mula sa


mata ko pababa sa pisngi ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadama ko sa limang
salitang iyon.”Wala naman tayong mapapala sa relasyon na ito. Masasaktan ka lang.”

This is too much...

“Let’s break up okay?” bumaba siya at niyakap ako.”Goodbye, Summer.” Umangkas muli
siya sa bisikleta niya at iniwan akong nag-iisa.Tulala pa rin sa mga naganap at
walang ibang maisip kundi umiyak nang umiyak.
Napayuko ako habang pinupunasan ang mga luha ko.Hindi pa ko umiiyak nang
ganito.Ngayon lang akong nasaktan nang sobra.Bakit sa lahat ng tao.....si Ash pa?
Napaupo ako habang niyayakap ang tuhod ko.Iyak ako nang iyak habang patuloy pa rin
ang paglalakad ng mga tao sa harapan ko.Habang patuloy pa rin ang buhay nila di
katulad ko na para bang huminto ang pag-ikot ng mundo...na para bang hinihiling ko
na pati pagtibok ng puso ko ay huminto na rin.

“Summer?” pinunasan ko muna ang luha ko bago ko tignan si Freya sa harapan ko.”Ayos
ka lang ba?” si Freya...nandito siya.Imbis na tanggapin ko ang panyo na inaabot
niya sa akin ay agad ko siyang niyakap. Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa
kanya habang iyak ako ng iyak sa balikat niya.”It’s okay Summer.Ilabas mo lang
yan.” Tinapik tapik niya ang likuran ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa.Itinanggi ko sa lahat ang pagkakaibigan


naming ni Freya. Nilayuan ko siya at sinaktan araw araw pero bakit ganito pa rin
ang turing niya sa akin? Masyado akong naging sakim.Masyado akong naging makasarili
hanggang sa dumating sa punto na wala na kong pakialam kung sino ang masaktan ko.

Ayaw ko sa Summer na nakikita ko ngayon.Isang mahina at masamang tao.

“Freya....I’m so sorry..” inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang


mga luha ko gamit ang mga kamay niya.Nginitian niya ako ng ubod ng tamis.

“Summer, kaibigan mo ako at kahit anong manyari....mananatili akong kaibigan mo.”


at muli niya akong niyakap.

Freya....bakit napakabuti mo?


Muli akong napaluha sa mga naalala ko.Marami akong sinayang.Marami akong
sinaktan.Ilang beses akong nadapa ngunit si Freya lang ang nakikita kong inaabot
ang kamay upang makatayo muli ako.Sa lahat ng tao si Freya lang ang naging totoo sa
akin.Ngunit hindi ko alam kung bakit nagtapos ng ganun.Siguro nga kasalanan ko rin.

Sa ngayon, unti unti ko nang pinagbabayaran ang mga nagawa kong masama.

Akira’s POV

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong humiga sa kama.Nakakapagod.Agad akong


napatayo sa di malamang dahilan.Hindi ko kayang magpahinga.Kailangan ko ng
plano.Isang magandang plano upang masira na ang buong class 3-C.

Lumapit ako sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko.Binuklat ko ang isang libro kung
san nakaipit ang mga puting rosas.Kinuha ko ang bulok na mga rosas na iyon.Matagal
nang nanyari ito ngunit masakit pa rin para sa akin.

Isang laro para sa kanila ngunit isang malaking insulto sa akin.Naalala ko pa ang
araw na yon...

Pumasok si Anne na may hawak na isang malaking paper bag.Tahimik lamang ako dahil
wala namang papansin sa akin.Walang kakausap sa akin.Sino nga ba ang makikipag-usap
sa tulad ko? Patapon na ako sa klaseng ito.Wala na silang pake sa akin.

Pinaalis niya ang teacher sa harapan at ipinatong niya ang paper bag sa lamesa.

“Guys, meron akong laro para sa lahat.” Nagsitinginan ang buong klase sa kanya
habang inilalapag niya ang mga puting rosas.”Kumuha kayo isa-isa ng rosas.”
Tumingin siya sa akin bago siya nagpatuloy sa pagsasalita “...at ibigay nyo sa
taong gustong gusto nyong mamatay.” Isang mala-demonyong ngiti ang napinta sa mga
labi niya kasabay pag-irap sa akin.”Game?” nagsigawan ang lahat.

Nanginginig kong tinitignan ang bawat rosas na nilalagay nila sa lamesa ko.Tumulo
ang mga luha mula sa mga mata ko tuwing naririnig ko ang mga mahihina nilang
tawanan patungkol sa akin.Napakasakit tanggapin na buong klase ay gusto akong
mamatay.Na para bang wala na akong kwenta upang mabuhay.Napapikit ako upang maitago
ang sakit.

“Hoy.” Tumingin ako kay Anne habang ngiting ngiti niyang inaabot ang isang rosas sa
akin. ”Sinong gusto mong mamatay?” sabi niya habang nakangisi.Nanginginig kong
inaabot ang rosa ngunit agad naman niyang nilalayo sa kamay ko.Patuloy niya itong
nilalayo hanggang sa natumba na ko sa kinauupuan ko. Narinig ko ang malakas at
nakakabingi nilang tawanan.

Tinignan ko ang nagdudugo kong tuhod.Napaiyak ako sa hapdi.Wala pa rin tigil ang
pagtawa niya habang binabato ako ng papel.Nakita kong umupo sa harap ko si Anne.

“Die bitch.Die!” sinabunutan niya ako kasabay ng pagsampal sa akin ng eraser ng


blackboard. ”Just die!” tinulak niya ako na naging dahilan ng pagsubsob ko sa
sahig.Tawanan muli ang nangibabaw sa apat na sulok ng classroom.Mga tawanan na ayaw
ko nang marinig.
Inilayo na ni Andy si Anne habang ang mga natitirang nakaupo ay may halong
pandidiri pa rin ang tingin sa akin.Kasalanan niya lahat ng ito.Kasalanan ng
babaeng iyon.Dapat siyang magdusa.Hindi dapat ako ang sumalo sa kasalanan
niya.Hindi ko dapat nararanasan ang ganito.

Maghihiganti ako...

Sa kanya..

Sa kanilang lahat..

Ipapatikim ko ang ninanais nilang impyerno..

--

NEXT CHAPTER: THE SINNERS.


C33: The Sinners. >

ANNOUNCEMENT: I-Bash nyo este i-add nyo si Denise Villaverde sa peysbuk


(http://www.facebook.com/profile.php?id=100004025552518) <---Nasa External
Link.Salamat! Add nyo ah? Kahit awayin nyo ayos lang HAHAHAHA charot lang! :*
Pangit tong UD na to, bawi na lang ako next time hahahaha. -_-

VOTE | COMMENT | FAN!

---------------

Denise’s POV

Tahimik akong umupo habang pinapanood ang mga kaklase kong ginagawa ang mga gusto
nilang gawin.Mas mabuti na sigurong hindi ako napapansin, mas mabuting hindi ako
nakakakuha ng kahit anong atensyon.Binuksan ko ang libro ko sa unang subject.Bigla
kong naalala na wala na nga pala si Teacher Paolo.Hanggang ngayon wala pa rin akong
alam kung sino at bakit siya pinatay.

"Ang tahimik mo naman." sabi ni Ash habang umuupo siya sa lamesa ko."Good Morning."
ngiting ngiti niyang sinabi sa akin.

"Good Morning." sabi ko sa kanya na may ngiti rin sa aking mga labi.

"Alam mo ba nung---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa nagsalita
si Nichole sa harap.Kita ko ang pagkainis sa mukha ni Ash.

"Ash, balik ka na sa upuan mo.Magche-check lang ako ng attendance." sabi ni


Nichole.

"Pwede namang mag-check ng attendance kahit wala sa upuan diba?"

"Sumusunod lang ako sa utos.Hangga't wala pa tayong teacher, attendance na lang daw
ang grades natin.Tutal hindi naman daw importante ang section C sa school na to."
napasimangot si Nichole sa sinabi niya kasabay rin ng pagsigaw ng buong klase dahil
sa inis.Tama nga naman, para sa school hindi importante ang section C.Section A at
B lang naman ang inaalagaan nila. "Sige bumalik ka na Ash." tinuro ni Nichole ang
upuan ni Ash.

Tumingin muna sa akin si Ash at ngumiti."Babalik ulit ako." mahina niyang sinabi at
tsaka pumunta sa tama niyang upuan.

Natapos rin ang pag-aattendance at tsaka lumabas si Nichole para ibigay ang log
book sa teacher. Nang biglang may kumatok na teacher, si Teacher Buendia.

"Excuse lang kay Ash Flores.May practice ang basketball team." tumayo naman si Ash
at bago umalis ay kumaway sa akin at kumindat na para bang bata.Napangiti na lang
ako.Pakiramdam ko'y espesyal ako kahit mga simpleng bagay lamang ang ginagawa niya
para sa akin.Ewan ko ba, pero sa araw araw na nakikita ko siya, mas lalo akong
nahuhulog.

Bumalik muli ang buong klase sa kanya kanya nilang ginagawa.


Patago kong inilabas ang singsing na nakuha ko sa locker dati.Akira....isa ba siya
sa mga murderers? Ang hirap.Marami akong hawak na ebidensya ngunit hindi sapat ang
mga yon para masabi ko kung sino sila. Ang kailangan ko talaga ay......mahuli sila
sa akto.

Muntik na kong mapasigaw sa gulat nang nakita ko si Andy sa harapan ko kasabay ng


pagpatong niya sa mga kamay niya sa lamesa ko.Agad kong binulsa ang singsing na
hawak ko.

“A-Andy?” Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko.Si Andy? Nasa harap ko?

Ilang segundo na kami nagtititigan ngunit hindi pa rin siya nagsasalita.

“Aiissh!” sabi niya sabay upo sa sahig.Medyo tumayo naman ako upang makita ko
siya.Tinignan niya ako ng masama na naging dahilan ng pag-upo ko bigla.Hindi ko
alam kung bakit ganito ako kabado ngayon. Para bang hindi na ako sanay na kasama
siya.Para bang ang layo-layo ko na sa kanya na halos kahit hibla ng buhok niya’y
hindi ko maabot.Nagulat muli akong bigla nang muli siyang tumayo at iniharap sa
akin ang litrato ni Luna.....teka...

Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pagkuha ko ng litrato.Ilang ulit ko itong
tinignan upang makasigurado.

Si Luna nga talaga ito.

“P-Pano mo to nakuha?” tanong ko sa kanya.

“Alam mo bang hindi ako pinatulog niyan?” sabi niya sa akin habang nakaturo sa
litratong hawak ko.”Oo, alam ko na ang lahat at kahit anong isip ang gawin ko.Kahit
anong palusot ang isipin ko wala akong maisip na dahilan kung bakit mo ginawa yon
sa kanya.Mukha na nga akong baliw sa kakaisip sayo!” natahimik siya sa sinabi niya
habang ako naman ay gulat pa rin.

Napayuko ako at muling nagsalita.

“Takot na takot ako nang panahon na yon.Hindi ko alam ang gagawin ko.Hindi ko alam
kung anong manyayari kapag sinabi kong ako ang may sala.Makasarili ako Andy.Masyado
akong makasarili.”

“Buti alam mo.” matigas niyang sinabi sabay alis at umupo.Sigurado akong nadismaya
siya sa sagot ko. Muli kong naramdaman ang kirot sa puso nang dahil sa huli niyang
sinabi.Napahawak ako sa dibdib ko sa sakit.Hanggang ngayon nadarama ko pa rin to.Sa
tuwing nakikita kong masaya sa iba si Andy.Sa tuwing hindi niya ako kinakausap at
sa tuwing alam kong galit pa rin siya sa akin.Araw-araw kong nadarama ang sakit na
ito na para bang unti unti na kong pinapatay sa sakit.

Andy, kailan mo ba ko mapapatawad?

Tinignan ko muli ang litrato ni Luna.Bakit ba sa dinami-rami ng mga sasaktan kong


tao....sila pa? Akala ko nagbago na ako.Akala ko naialis ko na ang masamang ugali
kong iyon ngunit hanggang ngayon may nasasaktan pa rin nang dahil sa sa akin.Napa-
buntong hininga ako habang tinatago ang litrato ni Luna sa bag ko.

Ngunit papano kaya nalaman ni Andy ang lahat?


Pinagmasdan ko lamang si Andy habang tahimik siyang nakaupo ngunit gulong gulo pa
rin ang ekspresyon ng mukha niya.Ramdam ko ang kaba sa buong katawan ko...paano
kung may nakaalam pang iba?Hindi....hindi maari.

Tatayo sana ako para pumunta sa kinauupuan ni Andy nang nakarinig kami ng isang
malakas na sigaw ng babae.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" nagsitakbuhan agad ang buong klase sa


sigaw na yon.Si.....si Nichole yon diba? Sumunod na rin ako at bumungad sa amin ang
nakabitin na katawan ng isang estudyante.Nakabitin ito sa gitna ng faculty
room.Duguan ang katawan niya at puro pasa.Hindi rin kita ang mukha niya dahil sa
sako na nakatakip dito.

Kita ko naman kung papano dahang dahang tanggalin ni Nichole ang tali ng
sako.Napaatras kami nang nakita namin kung sino ang taong iyon.....

Napahawak sa mga bibig ang iba naming kaklase at nanlalaki naman ang mga mata ko
nang may nakita akong tattoo sa katawan niya....ang tatlong paru-paro.

Teka......isa siya sa mga murderers?

Akira's POV
Ngumisi ako habang tinitignan ang bangkay niya.Lumapit ako sa bintana at sumandal
sa pader.Malaki rin ang tinulong niya sa akin.Ngunit sa tingin ba niya, kakampi
niya ako? Bobo. Umupo ako upang titigan ang dugo na patuloy na lumalabas mula sa
katawan niya.Napangiti ako muli.

Sigurado akong magugulat siya sa ginawa ko.

"Ang aga mo namang pinatay yan.Akala ko pa naman makakaabot siya hanggang sa huli."
narinig kong sinabi niya habang papalapit siya sa akin.Tumayo ako at lumapit sa
kanya.

"Ang mga saling pusa dapat inaalis bago pa man matapos ang laro.Para walang
gulo....walang sagabal." nakita kong ngumisi siya kasabay nang pag-upo niya sa tabi
ng bangkay.

"Sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niyang pinatay mo yan." mahina siya
tumawa. Tawa na tila ba isang magandang musika sa pandinig ko.

"Wala akong pakialam sa mararamdaman niya.Teka, naawa ka sa kanya?" sabi ko muli sa


kanya.

"Hindi." ngumiti siya sa akin at muling nagsalita."Naiisip ko lang, baka saling


pusa rin ako sa paningin mo." hinawakan ko ang kamay niya.

"Alam mo namang tayong dalawa lamang ang magkakampi diba?" hinawakan ko siya sa
magkabilang balikat at tsaka nagdampi ang mga labi namin.Pumikit ako habang patuloy
na nilalaliman ang halik.Dumilat ako at muling nagsalita."Mahal kita."
Ngumisi siya at muli akong hinalikan.

Akin ka lang.

Hanggang kamatayan man...

---

A/N: Mas nauna po ang scene ni Akira sa scene dun sa classroom.Ibig sabihin,
parehong bangkay lang ang tinutukoy nila.

Well, alam kong magkaka-clue na kayo sa chapter na to.Baka nga makilala nyo na si
Akira e HAHAHAHA pati na rin yung kasama niyang murderer.Bonus na to para sa
inyo.Waley tong UD na to.Wala kasi akong maisip at tsaka ang dami kong
ginagawa.Binibigyan ko lang kayo ng mga clues :))

Pero kahit waley tong UD, sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa hahaha.Ang dami kong
sinabi -___-.

NEXT CHAPTER: TRUTHFUL LIES.

C34: Truthful lies. >>

Si Amanda po ang nasa .gif ----> Nandito na ang PBB Teens moment ni Lilith!
WAHAHAHA.Labyu Lilith :*

VOTE | COMMENT | FAN!

--------------------

Andy’s POV

“Ibaba nyo na yan hanggang wala pang dumarating na teacher.” pabulong na sinabi ni
Amanda. naman agad ang ilang boys at tumuntong ang iba sa isang lamesa upang maabot
ang talihabang ang ibang girls naman ay nagbantay sa pintuan.

“Andy, hawakan mo ng mabuti.” Sabi ng isa sa akin.Hindi ko talaga alam kung bakit
namin kailangang itago ang mga bangkay.Para iwas gulo? Tss..Hinigpitan ko lang ang
pagkakahawak ko sa lamesa para tumigil na sila sa kakareklamo.
Kahit ilang beses kong titigan ang bangkay ni Vince, di ko pa rin mapigilan na
manghinayang at medyo malungkot na rin.Kahit papano naging magkaibigan kami.Naging
kaklase ko siya mula freshmen pa kami. Kahit na medyo sira ulo at may pagkagago to,
alam kong may dahilan siya.

Alam na alam ko.

Dahan dahan nilang binaba ang katawan ni Vince.Iniiwasan nilang makagawa ng kahit
anong tunog.Nakahinga sila ng maluwag nang naihiga nila ng maayos ang katawan ni
Vince.Ngunit ang pangalawa nilang problema...

“San natin itatago ang bangkay?” sabi ng isa.

Napaisip sila Amanda at ang iba.San mo nga ba maiitatago ang isang bangkay na
walang makakakita? Lalo na’t nandito pa kami sa faculty.

“Hindi ba pwedeng sabihin na lang natin?” sabi ko ngunit tumingin ang lahat ng
masama sa akin na tila ba’y may nasabi akong sobrang sama.”Mas madali kung
ipapaalam natin sa kanila na may bangkay kaysa naman mamatay tayo dito kakaisip
kung pano natin itatago yang lintek na bangkay na yan!” hindi ko alam kung bakit
napataas ang tono ng pananalita ko.Masyado kasi silang makikitid mag-isip.

“Sinong magsasabi?”

Tinignan lang ako ni Amanda at tinaasan ako ng kilay.”Kung sino ang may gusto, siya
ang magsabi.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga yon ay umusog siya sa kaliwa niya
upang bigyan ako ng daan palabas.Ngumisi siya nang nagsimula na akong maglakad.
“Mr. Nice guy huh?” narinig kong binulong niya nang nasa tapat na ako ng
pintuan.Nilingon ko siya ngunit nakangisi lang siya sa akin kaya dumiretso na ko sa
first floor kung nasan ang Principal’s office. Sigurado din naman akong mahuhuli
sila dahil siguradong may teacher na pupunta sa faculty room kaya kahit di ko
ipaalam sa principal, malalaman rin nila.

Dederetso sana ako nang may nakita ko muli ang nag-iisang bakanteng room sa first
floor.Sa pagkakaalala ko, music room ito ngunit dahil sa nalipat na ang music room
sa kabilang building ay hindi na muling nagamit ang room na ito.Naalala ko pa ang
mga panahon na lagi kong nadadatnan si Freya sa loob ng kwartong ito.Masaya siya
tuwing tumutugtog siya.Alam kong napapawi lahat ng lungkot at sakit na nadarama
niya sa tuwing hawak hawak niya si Akira.

Tuloy tuloy ako sa loob siguro namang walang tao rito.Binuksan ko ang ilaw at
nilibot ng mata ko ang apat na sulok ng silid.Napangiti ako nang naalala ko muli
ang lahat.Pinagmamasdan ko ang pahabang lamesa sa dulo ng silid at para bang
nakikita ko si Freya na nakaupo doon habang tumugtugtog.Bigla akong nakaramdam ng
kakaibang kasiyahan.Hanggang ngayon...ganun pa rin ang nararamdaman ko.

Aalis na sana ako nang halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang nakita ko si
Lilith na nakahiga sa likod ng pinto.Hawak hawak niya ang teddy bear niya.Nilapit
ko ang mukha ko sa kanya upang gisingin siya.

“Lilith.” Bulong ko.”Lilith.” medyo nilakasan ko pa ang boses ko ngunit hindi pa


rin siya dumidilat. Tatayo na sana ako at iiwan siya pero hindi sumunod ang paa ko
sa sinasabi ng utak ko.Hinawi ko ang buhok niya sa mukha at bumungad sakin ang
isang napaka-inosenteng mukha.Ilang beses na kumurap ang mga mata ko at tila
napatulala sa nasa harapan ko.Masyadong maganda ang mukha niya para itago lamang.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig pero habang tumatagal ang
pagtitig ko sa mukha niya, mas lalo siyang gumaganda.

Halos mauntog ako sa lamesang nasa likod ko nang biglang bumukas ang mga mata
niya.Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako napansin.Inangat lamang niya ang teddy
bear na hawak niya at nagsimulang kausapin ito.

“Griselda, tapos na kong matulog.Ikaw naman.” Hindi ko mawari kung tatawa ba ako o
maiiyak.Ito ang unang beses na makita kong kinakausap niya ang teddy bear niya.Nung
una kong narinig na kinakausap niya ito’y hindi ako naniwala.Pero ngayong nasa
harap ko na, siguro nga tama sila.

Niyakap niya ang hawak niyang teddy bear at inugoy ugoy ito na para bang isang
sanggol na hawak hawak ng ina niya.

“Pssst.” Tawag ko sa kanya.Agad naman siyang napatingin sa akin.Halata sa mukha


niya ang pagkagulat ngunit nawala agad ang ekspresyon na yon at naging blanko muli
ang mukha niya. Nag-indian sit ako sa harap niya habang nakapalumbaba.Natatakpan
muli ang mukha niya at hindi ko na makita ang magandang mukha na tinititigan ko
kani-kanina lang.

“Nandiyan ka pala.” Sabi niya.”Sige, aalis na lang kami ni Griselda.” Tatayo na


sana siya ngunit hinila ko ang kamay niya para umupo siya ulit.

“Ikaw ang nauna dito.” Sabi ko sa kanya.”May nanyari nga pala sa kla---“

“Shhhhhh.” Pinatong niya ang hintuturo niya sa labi niya.”Natutulog si Griselda,


ang ingay ingay mo.”

Napangiti na lang ako.

Napaka-weird nga niya pero........cute.

Tumayo ako at nginitian siya.Tinitigan lang niya ako na may pagtataka sa mukha
niya.Tuloy tuloy ako sa harap nang pinto.Pipihitin ko na sana ang doorknob kaso may
nakalimutan akong sabihin. Tumingin ako sa gilid ng pinto kung nasan si Lilith
hanggang ngayon pala nakatitig siya sa akin. Nginitian ko ulit siya at tsaka
nagsalita...
“At tsaka nga pala, mas maganda ka kung hindi natatakpan ng buhok mo ang mukha mo.”
ngumiti muli ako.”Hindi lang pala maganda.Magandang maganda.”Pagkasabi ko nun ay
lumabas na ako at dumiretso sa principal’s office.

Hindi ako nagbibiro, napakaganda nga niya.

Denise’s POV

Pasimple akong lumapit sa nakasabit na bangkay ni Vince upang mas lalong makita ang
tatlong paru-paro sa balikat niya.Medyo tanggal kasi ang polong suot niya kaya
kitang kita ang tattoo na ito.Alam kong ako lamang at si Ash ang nakakaalam tungkol
sa mga tattoo ng mga murderers kaya hindi nila masyadong pinapansin ang maliit na
tattoo na ito.

Kung ganun....isa siya sa mga murderers.

Pero sino ang pumatay kay Vince? Kaaway ba nila? O......sila mismo? Bigla akong
kinabahan sa huling naisip ko.Siguro naman hindi nila kayang patayin ang naging
kakampi nila.Siguro naman hindi ganun kasama ang mga puso nila.

“Hindi ba pwedeng sabihin na lang natin?” napatingin ako kay Andy.Naibaba na pala
ang katawan ni Vince.Hindi ko alam kung bakit nagalit ba ang lahat dahil sa sinabi
ni Andy.Tama naman siya diba?
“Mas madali kung ipapaalam natin sa kanila na may bangkay kaysa naman mamatay tayo
dito kakaisip kung pano natin itatago yang lintek na bangkay na yan!” Halatang
naiinis si Andy sa nanyayari.Bakit nga ba kailangang itago ang mga bangkay? Bakit
ba kami nagpapakahirap na itago ang mga nanyayari sa klase?

“Sinong magsasabi?”

“Kung sino ang may gusto, siya ang magsabi.” Sabi ni Amanda habang naka-pameywang
at mukhang nang-aasar kay Andy.Nang umusog si Amanda ay nagsi-usugan na rin ang iba
naming kaklase.Dumaan si Andy sa gitna upang makalabas ng kwarto.

“Mr. Nice guy huh?” narinig kong bulong ni Amanda kay Andy.Hindi ako masyadong
malayo kay Amanda kaya malinaw na malinaw kong narinig ang bawat salitang binitawan
niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.

Pagkalabas na pagkalabas ni Andy ay nagkagulo muli ang klase.Lumabas rin kaming


lahat ngunit nanatili kami sa pintuan upang abangan ang pagdating ni Andy.Nakalipas
na ang ilang minuto at wala pa ring Andy na dumadating.Naiinip na ang buong klase
lalong lalo na si Amanda.

Nakarinig kami ng tunog na may paparating.Agad na nagtakbuhan ang buong


klase.Bumaba ako hanggang sa first floor.Lumapit ako sa isang pintuan.Sa tingin ko
ito yung dating music room. Bubuksan ko na sana ang pintuan upang doon magtago
nang...

Teka..

Si Andy ito ah?


Napahawak ako sa dibdib ko nang nakaramdam ako nang parang isang napakalaking kamay
na pumipiga sa puso ko.Habang pinagmamasdan si Andy na nilalapit ang mukha niya sa
isang babae na di ko makilala kung sino.Napaatras ako nang ilang beses hanggang sa
tumakbo ako.

Hingal na hingal akong nakarating sa playground.Pagtingala ko sa harapan ko ay may


nakita akong babaeng nakaupo sa swing.Umiiyak siya.Maikli lamang ang buhok niya at
may kaliitan siya.Hindi ko maiialis sa kanya ang mga mata ko.Iyak siya ng iyak na
para bang isang batang nawawala.

“M-Miss?” tawag ko sa kanya ngunit tumingin lang siya sa akin at tsaka tumakbo
papalayo.”Teka lang. Yung i.d mo!” tawag ko muli sa kanya ngunit hindi niya ata ako
narinig kaya pinulot ko na lang ang i.d niya na nahulog sa ilalim ng swing.”Hanako
Perez.Class 2-C.” Sabi ko habang binabasa ang pangalan at section sa i.d niya.
Napa-buntong hininga na lamang ako.

“Denise!” tawag sakin ni Sir Roland, ang coach ng baseball team.Lumapit siya sa
akin at may binibigay. ”Nahulog mo oh.” Nanlaki ang mga mata ko at agad kong kinuha
ang singsing na nasa bulsa ko. Pakiramdam ko’y tumigil ang oras nang narinig ko ang
sunod niyang sinabi.

“Bakit nga pala nasa iyo ang singsing ni Andy?”

Ilang segundo ang nakaraaan bago ako nakapagsalita.”K-Kay Andy po ito?” sabi ko
habang pinapakita sa kanya muli ang singsing.

“Oo hija.Araw-araw niyang suot yan.Pinakita pa nga niya sakin yung nakasulat sa
likod eh.Bigay daw ito ng isang napaka-importanteng babae.” Ngumiti si Sir Roland
at tsaka nagsalita muli. ”Ikaw siguro yung babae no?” pagkatapos niyang sabihin yon
ay nagpaalam na siya at umalis. Naiwan akong nakatayo doon at gulong gulo.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang hinahabol ang hininga ko.Pati pagtibok ng
puso ko’y damang dama ko.Bigla akong kinilabutan dahil sa isang tanong na nabuo sa
isipan ko.

Kasama ba si Andy sa mga killers?

Umiling iling ako at napapikit upang burahin ang ideya na yon sa isipan
ko.Napasakit kung si Andy ay isa sa kanila.Hindi ko kakayanin. Sana’y hindi
nga.Sana’y mali nga ang nasa isipan ko dahil kung isa nga si Andy sa
kanila......hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko.

-----------

A/N: Sinong suspects nyo? :)) Sorry nga pala sa supeeeeer late update.

NEXT CHAPTER: THE GAME OF DEATH.

C35: The game of Death. >>

A/N: Okay guys, tungkol sa POV ng murderers.Pwede kong gawin ang POV niya kahit na
mayron na siyang POV sa chapter na iyon at pwedeng si Akira ang nasa murderer’s pov
basta isa siya sa kanila, kahit sino pupwede.Nakalimutan ko lang sabihin sa inyo
haha.
VOTE | COMMENT | FAN!

---------------------------------

Lilith’s POV

Naglalakad ako habang yakap yakap si Griselda.Si Griselda lang naman ang gusto kong
kasama.Tuloy tuloy kami sa bakanteng room sa first floor at agad na umupo sa likod
ng pinto.Nginitian ko si Griselda. ”Griselda, pwede tayong matulog dito.Ang dami
kasi natin nilaro kagabi kaya kaunti lamang ang tulog natin.” Ngumiti si Griselda
bilang pagtugon.

“Sige matutulog na ako.Bantayan mo ako Griselda ha? Tapos mamaya ako naman ang
magbabantay sayo.” Sabi ko muli at humiga na ako habang nakasandal ang likod ko sa
pader.Ilang minuto lang ang nakalipas at nakatulog na ako.

Nakita ko na lamang ang sarili ko sa isang malaki ngunit napakadilim na lugar.Hindi


ko makita kung san ang hangganan ng kinalalagyan ko pero alam kong napakalaki
nito.Hindi ko alam na nagsimula na pala akong umiyak nang umiyak.

“Griselda! Griselda! Nasan ka?!” alam kong nasa panaginip ako ngunit hindi ko pa
rin mailis ang takot na nadaram ko.Naalala ko ang gabing iyon. Ang gabi kung san
kinuha sa akin ang lahat at ang lahat ng iyon ay pinalitan ni Griselda. Paano na
lang kung hindi ko kasama si Griselda? Paano na lang kung mag-isa na naman ako?

Iyak pa rin ako ng iyak habang dahan dahan kong nilalakad ang napakadilim na
kinalalagyan ko. Nanginginig na ko sa takot at tila mahihimatay ng di oras.
“Lilith.”

Tumingin ako sa paligid.Gusto kong sumagot ngunit walang lumalabas na boses sa


bibig ko.

“Lilith.” Mas lalo pa niyang nilakasan ang pagkakasabi niya.Hindi naman nakakatakot
ang pagkakasabi niya.Natakot ako at tumakbo nang tumakbo hangggang sa bigla akong
napadapa.Hinawakan ko ang tuhod ko ngunit wala naman itong sugat ni wala akong
naramdaman na sakit.

Oo nga pala, panaginip lamang ito.

Tumayo ako muli at nagsimulang maglakad habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa
tainga ko. Tumigil na ko sa kakaiyak ngunit parang iiyak na naman ako nang may
naramdaman akong presensiya sa likuran ko.

Lilingon sana ako nang biglang may nagbukas na pintuan sa harapan ko.Napakaliwanag
sa lugar na iyon. Patakbo akong pumunta sa pintuan na iyon at tumayo muna sandali
upang tignan ang napakadilim na pinanggalingan ko.

"Griseldaaaaaaaaa!" sigaw ko nang nakita ko si Griselda na nakatayo sa


kinatatayuan ko kanina. Hindi maari....ayaw ko siyang iwan.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay agad kong naalala si Griselda.Tinanggal ko kaagad


ang pag-aalala at pinagpalagay na panaginip lamang ang lahat at hindi ito
magkakatotoo “Griselda, tapos na kong matulog.Ikaw naman.” Sabi ko at ngumiti kay
Griselda.Hinawakan ko siya at inugoy-ugoy. Pagkagising niya, maglalaro
kami.Napangiti ako sa naisip kong ideya.Gusto ko, tagu-taguan at tsaka----
“Pssst.” Tumingin ako kung san nanggaling ang tunog na iyon at may nakita akong tao
na nakaupo sa harapan ko. Alam ko, kaklase ko siya pero di ko na masyadong
matandaan ang pangalan niya.Sino nga ulit siya? Tumingin ako sa tulog na tulog na
si Griselda at tsaka nagsalita...

“Nandiyan ka pala.” Sabi ko.”Sige, aalis na lang kami ni Griselda.” Tatayo na ako
nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at para bang tinulak ako pababa upang
makaupo.

“Ikaw ang nauna dito.” Sabi niya.”May nanyari ngapala sa kla---“

Bigla kong naalala ang kawawang Griselda na tulog pa rin.“Shhhhhh.” Sabi ko habang
nakapatong ang hintuturo sa mga labi ko.”Natutulog si Griselda, ang ingay ingay
mo.” hindi ko maintindihan kung bakit siya narito.Ito ang tulugan namin ni Griselda
at walang ibang pwedeng magtagal dito kundi kami lang.

Tinitigan ko lang siya nang ngumiti siya ng paulit-ulit.Ang hirap naman niyang
maintindihan.Kaya ayaw kong nakikipag-usap sa mga katulad niya e.....dapat si
Griselda lang talaga ang kausapin ko.Tumayo siya sa harap ng pinto at handa nang
umalis ngunit tumingin pa rin siya sa akin kasabay ng isa pang ngiti.

“At tsaka nga pala, mas maganda ka kung hindi natatakpan ng buhok mo ang mukha mo.”
napakurap ako nang ilang beses pagkatapos ng narinig ko.Teka...na-nakita niya ang
m-mukha ko? “Hindi lang pala maganda. Magandang maganda.”

Kakaiba..

Bakit parang....ang bilis ng pintig ng puso ko?

Hinawakan ko ang dibdib ko kasabay ng pag-buntong hininga.Gulat na gulat ako nang


narinig kong nagsalita si Griselda.
“Anong problema?” sabi niya.Umiling lamang ako.Sa di malamang dahilan ay napangiti
ako at agad ko namang inalis ang ngiting iyon.Kakaiba talaga.Nag-aya nang umalis si
Griselda.Siguro dapat na kaming lumipat ng tutulugan ni Griselda.Kaya siguro ako
nagkakaganito kasi may nakaalam ng lugar na iyon....tama iyon nga.

Pero hindi pa rin maialis sa utak ko ang mga huli niyang sinabi...

“At tsaka nga pala, mas maganda ka kung hindi natatakpan ng buhok mo ang mukha
mo.Hindi lang pala maganda.Magandang maganda.”

Hindi ko alam kung bakit pero....parang naniniwala ako sa sinabi niya.Siya pa


lamang ang unang unang nakakita ng mukha ko mula nang gabing iyon.Sabi ni Griselda,
mas ligtas ako kung walang makakilala at makakatanda ng mukha ko.Ngunit may kung
anong ideya ang gumugulo sa isipan ko.Kailangan ko na bang magbago? At sa pagbabago
ba na yon ay kailangan ko na rin kalimutan si Griselda? Tumingin ako kay
Griselda.Ngunit kinagulat ko ang pagbabago sa itsura niya.Hindi siya ang Griselda
na dati kong nakikita.Iba na siya....katulad na siya ng mga normal na teddy bear na
binebenta sa mga tao.

Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin ngunit hindi siya sumasagot.

Griselda...iniwan mo na ba ako?

Andy’s POV
“Ang ganda pala niya.”

“Takte, di ko siya nakilala.”

“Mas maganda pa siya sa Queen Bee.”

Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa sunod sunod na bulungan na naririnig ko.Sino
ba ang tinutukoy nila? Tinignan ko lang oras sa suot kong relo.Eksaktong 7:20 am,
ang aga pa.Binati ako ng ibang estudyante habang papaakyat ako sa 3rd floor.Kahit
na section C ako, wala namang discrimination kapag tungkol sa pakikitungo ng ibang
estudyante basta wag mo lang isasama ang mga staffs at mga admin na yan.Para kasi
sa kanila....walang kwenta ang mga taga-section C.Hindi ko talaga alam kung
bakit.May mga matatalino naman sa amin? Sa amin pa nga ang mga sikat pero.....bakit
ba napunta ako sa section C?

Napansin ko ang ingay sa loob ng classroom.Ano na namang gulo ang meron? Binuksan
ko ang pinto at bumungad sakin ang nagkumpulan na tao sa loob na akala mo’y may
artista.Dederetso na sana ako sa upuan ko ngunit hindi ko nagawa dahil sa nakita ko
kung bakit sila nagkakagulo.Pakiramdam ko’y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan
ko at hindi ko maialis sa kanya ang paningin ko.Alam kong hindi na dapat ako
magulat pero.......kakaiba...sobrang kakaiba itong nadarama ko.

“Lilith?” pagkasabi ko nang pangalan niya ay agad siyang lumingon sa akin.Nakatali


ang buhok niya at kitang kita ko muli ang napakaganda niyang mukha.Sino nga ba ang
hindi mato-torete sa kanya? Ngumiti siya sa akin at tuloy tuloy na siya sa upuan
niya sa dulo ng classroom.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ngumiti.

Pinagmasdan ko pa rin siya habang siya’y tahimik na nakaupo.Nakatingin lang siya sa


malayo kahit pinagtitinginan pa rin siya ng lahat.Hindi ko sila masisisi,
napakaganda niya.Hindi ko alam na napapangiti na pala akong mag-isa.

“Ehem...Andy.Pwede ka bang umupo?” napalingon ako kay Sir Buendia.Ako na lang pala
ang nakatayo. Nakita ko naman ang mga mukha ng kaklase ko na halatang pinipigil ang
mga tawa.Napakamot na lang ako sa ulo at napangiti habang papunta sa upuan ko.
Binati din ni Sir Buendia ang malaking pagbabago kay Lilith.Sinabi niya na isa raw
itong magandang pagbabago sa kanya.Hanggang ngayon gulat pa rin ang iba.

“Psst.” Lumingon ako kay Amanda na katabi ko lang.Ngiting ngiti siya habang
tinitignan ako at ayaw ko ng ngiti na yan. ”She’s pretty right?” sabi niya.Hindi ko
alam ang sasabihin ko kaya hinintay ko na lang na magsalita siya muli.”I guess,
gusto mo siya?” tumingin ako kay Amanda ng masama.Mas lalo pa siyang napangiti sa
ginawa ko.”Tsk tsk...si Mr. Nice guy talaga oh.Iba talaga ang mga taste mo no? Si
Freya, si Denise tapos ngayon si Lilith? Tss...mga losers.” Sabi niya sabay ngisi
sa akin.

“Ano bang problema mo ha?!” hindi ko namalayan na napatayo na pala ako at nasigawan
ko si Amanda. Nakatingin sa akin ang buong klase lalong lalo na si Sir
Buendia.Napaupo na lamang ako sa hiya.Narinig kong mahinang tumawa si Amanda.Mas
lalo akong nairita.

“As I was saying, sa ngayon wala kaming mahanap na adviser at walang gustong
pumalit sa dating pwesto ni Sir Paolo nyo.It’s either mag-self study na lang kayo
or magkakaroon kayo ng summer class for Chemistry.”Narinig ko ang iba’t ibang
sigawan ng mga kaklase ko.Ang iba ay dismayado, may mga masaya at ang iba naman ay
pinapaalis na lang si Sir Buendia sa kinatatayuan niya.Hindi pa rin nila nalalaman
kung san nakalibing ang bangkay ni Sir Paolo.....

Hindi pa rin nila nalalaman ang sikreto ng klase..

Amanda’s POV

Napapangiti ako sa tuwing nakikita kong naiirita si Andy.Ewan ko ba, bakit ba ang
sarap sarap nitong pikunin? Tinignan ko lang habang dumadaan si Summer sa harap
ko.Kasama ko si Camille ngayon sa cafeteria.Iba talaga ang saya na nadarama ko
kapag nakikita kong nag-iisa lang si Summer.

Naalala ko ang dating Amanda.Ang dating Amanda na matagal ko nang pinatay.

Kung gaano siya kabilis mapunta sa pinakatuktok.Ganun din siya kabilis lumagapak sa
pinakababa.

Halos lahat ng nasa cafeteria, sa kanya rin nakatingin.Kami lamang ang section C
ngayon sa cafeteria at hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on ang mga taga-
section A at B sa ingay na ginawa ni Summer last school year.Sino nga ba ang di
makakalimot sa mga balita tungkol sa kanya?

Ang pagkamatay ni Maddie.

Ang aksidente “raw” niyang pagkahulog.

Lahat yon kasinungalingan.Pero ang pinagtataka ko, bakit niya kailangang pagtakpan
ang ginawa namin sa kanya? Bakit pa niya kailangang gumawa ng isang kasinungalingan
na makakapagsalba sa amin? Aaminin ko, sobra akong kinabahan nang bumalik siya
dito.Akala ko may makakaalam ng ginawa ko...ginawa namin pero ang mas kinagulat ko
ay ang pagtatakip niya sa katotohanan.

Hindi ba niya maalala?

Baka may pinoprotektahan siya?


Sinipsip ko na lamang ang straw ng juice na iniinom ko.Kahit anong isip ang gawin
ko hindi ko mapagtanto kung ano nga ba talaga.Pero sa lahat ng tao dito sa
academy....ako lamang ang nakakaalam ng lahat lahat.

Ako ang nakakaalam ng katotohanan at isa ako sa mga susi ng kaguluhan na nanyayari
ngayon sa klase.

Napangiti na lamang ako kasabay ng pagtayo at paglapit sa kinatatayuan ni


Summer.Tumingin lamang siya sa akin.Aalis dapat siya ngunit mahigpit kong hinawakan
ang balikat niya at muli siyang binalik sa kinatatayuan niya.Alam kong nasa amin
ang atensyon ng lahat at kahit taga-section A at B sila, wala silang karapatan na
pigilan ang Queen Bee baka pagbuhol-buhulin ko pa ang mga utak nila.

Nilapit ko ang bibig ko sa kanang tainga ni Summer.”Kilala ko siya.Kilala ko ang


nagpasimuno sa pagpatay sayo.Alam kong huli na ang lahat pero sana ako na lang pala
ang tumulak sayo noon at sisiguraduhin ko na patay ka na sa pagkakataon na iyon.Ang
tagal mo naman mamatay Summer.Iba talaga kapag masamang damo noh?” inilayo ko ang
bibig ko at ngumisi sa kanya.Walang makakapagbago ng sitwasyon.Siguro nga
pinanganak ako para pahirapan si Summer.

Bitch na kung bitch pero hindi nila mababago ang lahat.Ako si Amanda Fortalejo, ang
Queen Bee at kayang kaya ko silang apak-apakan kahit kailan ko gustuhin.Binigay
sakin ang bag ko ng isa pang alalay ko na taga-section B.Sumabay siya sa paglalakad
ko at ngiting ngiti pa siya.Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya.

“Who the fuck are you para sabayan ako sa paglalakad?” pagtataray ko sa
kanya.”Excuse me, Queen Bee ako at para sa akin, isa ka lang langaw.” Ngumiti ako
at nagsimulang maglakad muli.

“Pero tandaan mo ang langaw palaging nakasunod sa tae.” Tinignan ko ng masama si


Summer na nasa likod ko.”Sa pagkakaalam ko sosyal at sikat na sikat ang Queen Bee
pero bakit tila nawawalan ka na ng mga alalay? Don’t tell me nalalaos ka na?” hindi
ako nakasagot hanggang sa inirapan ako ni Summer at nagpatuloy na lang siya sa
paglalakad.Nakakuyom ang mga kamao ko habang pinapakinggan ang mga mahihinang
tawanan sa likuran ko.Lumingon ako at tinignan silang lahat ng masama.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Tandaan mo Summer, pagsisisihan mo ang ginawa mong pamamahiya sa akin.Kung


kailangang manyari muli ang pag-iyak at pagmamakaawa mo sa harap ko, gagawin
ko.Mapatahimik lang kita.

Murderer’s POV

Tuloy tuloy ako sa loob ng kwarto ko at padabog kong sinara ang pinto.Hindi ko pa
rin matanggap ang nanyari.Lalong lalong hindi ko mapigilan ang inis at galit na
pumapaibabaw sa katawan ko ngayon.

Nangangamba ako.Naguguluhan at nagagalit.Hindi ko mawari kung sino ba talaga ang


kakampi sa kaaway.Hindi ba kasama ako sa kanila? Hindi ba....kakampi ko sila? Pero
bakit tila kahit kami ay magpapatayan na rin.Hindi nila dapat ako maunahan.Hindi
nila dapat ako maisahan.Hindi ako gagaya kay Vince.Walang makakapatay sa akin sa
larong ito.

Alam ko ang lahat at handa kong ibunyag ang lahat para lamang sa kaligtasan
ko.Hinahabol ko ang hininga ko na para bang isang asong ulol.Kinuha ko ang inhaler
ko at agad agad itong ginamit.Ilang segundo bago naging maayos ang paghinga
ko.Binulsa ko kaagad ang inhaler at muling inisip ang problema.

Hindi ko alam kung tama ba itong naiisip ko.Dapat muna akong mag-obserba.Hindi ko
alam ang takbo ng isip niya.Ayaw kong magpadalos dalos pero di ko maiwasang isipin
na ako na ang isusunod. Napakatuso niya.Hinding hindi ko kayang magtiwala sa mga
sinasabi niya.Pumasok ako sa gulong ito at makakalabas ako nang ligtas at walang
galos.
Kinuha ko ang maliit ng box sa drawer katabi ng kama ko.Ang box kung san nakalagay
ng nakuha kong cellphone ni Lilith.Hinawakan ko ito at binura ang video na
nakuhanan niya.Matagal na rin bago ko ito binuksan muli.

Kung pwede ko lang itama ang lahat ngunit alam kong impossible.Marami nang namatay
at marami pang kasunod.Ang kailangan kong gawin ay tapusin na ang larong ito.

------------------------

A/N: Ikaw, paano mo lalaruin ang laro ni Kamatayan?

NEXT CHAPTER: DOUBT

C36: Doubt. >>

Add nyo si Andy Fajardo (Papa Andy) at si Lilith Santiago sa Peysbuk! Tignan nyo
na lang sa About me (ng profile ko dito sa wattpad) para sa mga links ng account
nila.Salamat!

Si Alex po at Nichole ang nasa .gif ------------------->

VOTE | COMMENT FAN!

-----------------------

Alex’s POV

Pinagmasdan ko lamang si Amanda habang inis na inis na umalis siya sa kinatatayuan


niya.Papunta kami ni Nichole sa cafeteria nang nasaksihan naming ang munting eksena
nila Summer at Amanda.Tinignan lang ako ni Nichole at tsaka nag-aya na tumuloy na
sa loob ng cafeteria.Dumaan lang sa amin si Summer habang may ngisi sa mga labi
niya.

Tywing nakikita ko si Summer, naalala ko ang nanyari noon, ang nagawa kong
kasalanan sa kanya.Ayokong maungkat ang panyayari na iyon.Isang malaking
pagkakamali ang nagawa ko at aaminin ko na, nabulag ako nang mga panahon na yon.

Isang pagkakamali na handa kong dalhin hanggang sa hukay.

“Ayos ka lang?” lumingon ako kay Nichole.May dala dala siyang dalawang mineral
water.Hindi ko namalayan na nakabili na pala siya.Masyado ata akong nag-iisip.

“Salamat.” Imbis na sagutin ang tanong niya ay tinanggap ko na lamang ang tubig at
nagpasalamat.”Ikaw ang dapat kong tanungin.Nichole, ayos ka lang ba talaga?”
Tumango na lang siya ulit pero alam kong may mali pa rin.Hindi ako makuntento sa
ilang beses niyang pagtango at ngiti sa akin.

Napatigil muli kami nang nakita namin si Lilith.Ibang iba na talaga siya
ngayon.Medyo nakikipag-usap na rin siya sa iba.Nakapagtataka.Bakit bigla na lang
siyang nagbago?

“Lilith.” Napalingon naman kami ni Nichole kay Andy na nasa likod lang pala
namin.Nginitian kami ni Andy habang lumalapit siya kay Lilith.”Sabay na tayo.” Isa
pang nakapagtataka.Ano bang nanyayari sa mga tao ngayon? Tumango lamang si Lilith
kay Andy tsaka sila naglakad muli.

Napa-buntong hininga ako.


Siguro nga, may mga bagay na dapat magbago.May mga bagay na dapat iwan na lang sa
nakaraan at ngumiti muli para sa kinabukasan.Pero....may mga bagay rin na nasa
nakaraan na dapat tapusin bago pa man magtungo sa kinabukasan.Magulo pero tama.

Lahat ng nasa klase gustong ibahin ang nakaraan na iyon.Madami tayong baho at
kasamaan at tanging nakaraan lamang ang makakapagsabi .Ang mga
sikreto.....kailangan kaya mabubunyag?

“Alex.” Muli akong bumalik sa reyalidad.Nakatayo na si Nichole sa may pintuan at


tinatawag na ako.

Nichole.....hanggang kailan ka maglilihim sa akin?

Lumapit na ko kay Nichole at sabay kaming naglakad papunta sa classroom.Nagkwento


siya nang nagkwento ng masasayang karanasan.Ilang beses siyang tumawa at ngumiti
habang papunta kami sa 3rd floor.

Bago pa man kami makapasok sa room ay hinarap ko siya.

“Hihintayin ko kung kailan ka handang sabihin sakin yang nasa nakabara sa dibdib
mo.” nakita kong nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagyuko niya.Hindi ko na
hinintay ang tugon niya at pumasok na ko sa loob.

Ang ayoko sa lahat ay ang naglilihim sa akin.Ayoko na muling traydurin ng isang


kaibigan.Gusto ko alam ko ang lahat.Ayokong maging mangmang at ignorante sa mga
nanyayari.
“Alex!” lumapit sa akin si Denise.”Kilala mo ba si Hanako Perez? Taga-Class 2-C
kasi siya e.Madami ka daw kakilala dun.” Nag-isip ako ng ilang segundo.Hanako
Perez...

“Ah.Oo kilala ko siya.Bakit?” Naalala ko na si Hanako.Palagi ko siyang nakikitang


umiiyak sa playground. Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami ang problema niya sa
klase.Siya ang pinagkakaisahan ng lahat. Naranasan na niya ata lahat ng klase ng
pangbu-bully.Nakakaawa ngunit.....wala kaming magagawa.

“Nahulog niya kasi ang I.D niya.Eh wala ata siya ngayon.Pwedeng pakibigay na lang
sa kanya?” sabi ni Denise habang inaabot sa akin ang I.D ni Hanako.

“Sorry Denise pero hindi ko siya nakikita nang madalas eh.Baka nandiyan lang siya,
hindi nag-aabsent yon.”

“Sige, hahanapin ko na lang siya.Salamat Alex!” sabi niya habang papaalis.Nakita ko


namang sinamahan siya ni Ash sa paglabas niya.Umupo ako sa pwesto ko at tinignan
ang mga taong nakapaligid sa akin. Parang hindi ko na sila kilala.

Bukod sa kamatayan.....isa rin ang pagbabago sa hindi kayang takasan ng mga tao.

Denise’s POV

“Bakit ba kasi kailangan mong isauli yang I.D niya?” sabi ni Ash na halatang
naiirita.Nakabulsa ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon
niya.Nakasabit na naman ang headphone niya sa leeg niya habang naglalakad.
“Alam mo, ayos lang naman kahit wag mo na kong samahan e.” Sabi ko sabay irap sa
kanya.

Agad kong naramdaman ang paghawak niya sa kaliwa kong kamay.Tumingin ako sa kanya
ngunit kasabay ng pagtingin ko ay tumingin siya sa ibang direksyon.Pilit kong
inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit.....ayaw niyang bitawan.

“Ano ba Ash.Bawal ang PDA dito.” Bulong ko sa kanya.

“PDA na ba to?” tumigil kami sa paglalakad at humarap sa isa’t isa.”Ang alam ko,
ito yung PDA e.” Nanlaki ang mga mata ko nang biglaan niya akong hinalikan sa
pisngi.Agad siya tumakbo palayo. Tumingala siya sa building ng high school kung san
nakatanaw ang ibang estudyante na nakasaksi sa paghalik niya sa pisngi ko.Inilagay
niya ang magkabila niyang kamay sa gilid ng bibig niya at sumigaw ng ubod ng
lakas.”MAHAL NA MAHAL KO SI DENISE VILLAVERDE! SI ASH FLORES AY BALIW NA BALIW KAY
DENISE! TANDAAN NYO YAAAN!” pagkatapos niyang sumigaw ay tumingin siya sa akin na
abot tenga ang ngiti sa mga labi.

Hindi ko alam ngunit.....habang mas tumatagal, mas lalo siyang nagiging importante
sa akin.Kayang kaya niya akong pangitiin sa kahit anong paraan na gawin niya.Kayang
kaya niyang iparamdam sa akin na iimportante ako at totoo ang mga sinasabi niya.

Ash Flores.....mahal na yata kita.

Tumakbo siya muli at lumapit sa akin.”Iyon ang PDA.” Kinindatan niya ako at muling
hinakawan ang kamay ko.”Hahanapin pa natin yang Hanako na yan.Tara na nga....baby
Denise.” Hinatak niya ako.

“Gago ka talaga.” Sabi ko sabay tawa.


“I love you too.” Ngumuso siya sa akin at muling ngumiti.

Mawala na ang lahat.....wag lang si Ash.

Lilith’s POV

“Ako na.” Ngumiti na naman sa akin si Andy.Kinuha niya ang hawak kong tray kung san
nakalagay ang mga pagkain ko ngayong lunch.

Natandaan ko na ngayon ang pangalan niya.Ilang beses din siyang nagpakilala kanina
kasi nakakalimutan ko.Kahit kailan, mahina talaga ako sa pag-alala ng mga pangalan
tanging si Griselda lang ang nakasama ko mula pagkabata.Pero ngayong wala na siya.

“Andy..”

“Natatandaan mo na pala ang pangalan ko.” Nakarinig ako ng mahinang tawa mula sa
kanya.Nakatingin lang ako sa kanya ng blanko tsaka nagsalita muli.

“Ah.Oo e.” Umupo muna ako at kakaupo lamang niya.Magkaharap ang upuan naming at
kanina pa siyang ngumingiti nang ngumingiti sa akin.”Bakit ka laging nakangiti?
Hindi ba napapagod yang bibig mo sa kakangiti?” dere-deretso kong tanong sa kanya.

Ngunit imbis na sumagot ay tumawa lang siya ng tumawa.


“Anong nakakatawa sa tanong ko?” sabi ko sabay subo ng kanin at ulam.

“Hindi ko nga alam e.Pero natutuwa talaga ako ngayon sa pagbabago mo.Parang
nakikilala ko na talaga si Lilith.Si Lilith na matagal nagtago sa likod ng buhok
niya at sa teddy bear niya. Nakakausap ko na rin si Lilith ngayon at
siyempre....mas komportable na ko sa Lilith ngayon. Hindi ba nakakatuwa yon?”
ngumiti na naman siya.

“Ang dami mo namang sinabi.Tinatanong lang naman kita kung bakit ka laging
nakangiti e.” Ang ayaw ko sa lahat ay yung madaldal.Hindi ko alam ang sasabihin
ko.Hindi naman kasi ako pala-kausap na tao. Buong buhay ko si Griselda lang ang
gusto kong kausapin.

Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang kurutin ang pisngi ko.Ngumiti lang siya
sa akin at patuloy niyang kinain ang noodles niya.Habang ako ay gulat na gulat.Ito
ang unang beses na may gumawa ng ganun sa akin.Ilang segundo pa rin ang nakaraan
pero hawak hawak ko pa rin ang kaliwa kong pisngi.

“L-Lilith.” Muntik na siyang mabilaukan sa gulat.May mali ba sa mukha ko? ”Ayos ka


lang ba?”

Wala akong masabi kaya tumango na lamang ako.

“Pulang pula kasi yung mukha mo e.” Bigla akong napayuko upang maitago ang mukha
ko.Te-Teka...namumula ba talaga ako? H-hindi pupwede.Nakakahiya.

Muli akong humarap sa kanya at tumingin na para bang walang nanyari.


“Ang init kasi kaya namumula ang mukha ko.”

“Ah ganun ba?”

Nanahimik kami ng ilang minuto.Sa totoo lang, ayaw ko talaga makipag-usap.Bakit ba


kasi sinabayan niya ako? Bakit ba kinakausap niya ako ng kinakausap?
Nakakainis.Hindi ako sanay. Sobrang kakaiba itong nararanasan ko ngayon.

“Anong mas gusto mong flavor ng ice cream?” sabi niya habang naglalakad kami.

“Cookies ’n cream” sabi ko.

“Anong favorite mong color?” tinignan ko siya ng masama pero ngumiti na naman siya
sa akin.

“Black.”

“Ay.Bakit black?”

“Eh kasi yun ang gusto ko.” Naiinis kong sinabi sa kanya.
“Anong gus----“

“Tama na nga.Ang dami dami mong tanong.” Medyo pasigaw kong sinabi.Narinig ko na
naman yung tawa niya.Naiinis na nga ako, tatawanan pa ako? Mas gusto ko pang kasama
si Griselda e.

“Gusto lang mas makilala si Lilith.” Hindi ko lang siya pinansin at nagsimula na
kong maglakad. Nararamdaman ko naman ang presensiya niya sa tabi ko na pilit akong
sinusundan.Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking to.Ba’t ba laging nakabuntot
to sakin? Buti sana kung siya si Griselda.

“Oh Lilith at Andy.” Tumingin kami kala.....sino nga ba sila? “Tama pala yung
nabalitaan ko. Nagbago ka na pala talaga Lilith! Congrats!” tinignan ko lang
sila....kaklase ko sila pero ano nga ba ang mga pangalan nila.

Tinignan ko yung kasamang babae ng kumakausap kay Andy.Nakatingin siya sa kabilang


direksyon na para bang may iniiwasan....para bang naiilang.Alam ko, kilala ko siya
e....sino nga ba talaga sila? Tama, si Denise nga pero bakit ganito ang ekspresyon
ng mukha niya ngayon? May galit ba siya sa akin?.

“Sige pre.Una na kami.” Sabi ni Andy at tsaka hinawakan ang kamay ko.....h-
hinawakan ang kamay ko... Ito ang unang beses na may humawak ng kamay ko.Ngunit
hindi ko rin gusto ang ekspresyon sa mukha niya. Mukha siyang galit...mukha siyang
naiinis.

Tumigil muli ako sa paglalakad.Napansin niya kaya tumigil na rin siya.

“Kung kamay niya ang gusto mong hawakan, sana hindi mo na lang inabot yung akin.”
Sabi ko.Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo palayo.Dapat talaga
si Griselda lang ang kasama ko.Dapat siya lang...hindi niya ako sasaktan.
Hindi niya ako gagamitin.

----------------

A/N: Ang masasabi ko lang ay naguguluhan pa po ang mga characters natin.Nasa stage
pa lang sila na sobra silang naguguluhan kung ano nga ba talaga ang dapat nilang
gawin....ang gusto ba nila o ang tama?

Kung si Biggel ang boy pers taym sa PBB.Si Lilith naman ang girl pers taym sa C3-
CHAS! HAHA.

UHMAYGHAS.Nabi-bitter ako sa sarili kong storya hahahaha.Gusto ko TRAGIC! *evil


smirk*

NEXT CHAPTER: CONSPIRATOR

C37: Conspirator. >>

ANNOUNCEMENT: If gusto nyo pong makatanggap ng teasers, announcement para sa mga UD


basta kahit ano tungkol sa C3-CHAS.Please do like C3-CHAS' page.Nasa external link
po.Dito rin po ako magpo-post about sa book 2 at iba't ibang plano about C3-
CHAS.You can also communicate and share ideas with your co-readers ^___^ Feel free
to like and post.

Dedicated to Lyann. :)) Salamat sa paggawa ng page ng C3-CHAS, sa pagbabasa, sa


paggawa ng fanfic, at napakaaaaaaaaaaadami pa.Sobrang thank you! :*

VOTE | COMMENT | FAN!


Andy’s POV

Ilang beses akong kumurap na para bang hindi pa rin pumapasok ang mga nanyari sa
isipan ko.Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang tumakbo palayo si Lilith.Bukod
sa sinabi niya, nakita ko ang sakit sa mga mata niya.May nagawa ba akong mali? May
nagawa ba akong nakakasakit sa kanya? Nakalipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa
rin ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko.

Aaminin ko na hindi ko rin maiwasan na masaktan tuwing magkasama si Ash at


Denise.Kahit papano nagkaroon din ng puwang ang puso ko para kay Denise.Kahit
papano, minahal ko rin siya.Alam ko yon at sigurado ako sa nararamdaman ko.

Ngunit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kay Lilith.Ang bilis.Siguro hindi


ko pa masasabi na pagmamahal na ito pero...alam ko na dun na rin naman
patungo.Kapag nalimutan ko na ang nararamdaman ko kay Denise, pwede ko na bang
sabihin na malaya na kong magmahal muli?

“Pre.” Nilingon ko si Philip.Tinapik niya ang balikat ko tsaka ngumiti.Hindi ko


maintindihan kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiti na yon pero isa lang ang pumasok
sa isipan ko....

..kailangan kong humingi ng tawad kay Lilith.

Agad akong tumakbo.Halos lahat ng lugar na maaring puntahan ni Lilith ay tinignan


ko na ngunit hindi ko pa rin siya makita.Hingal na hingal akong pinatong ang dalawa
kong kamay sa tuhod ko habang bahagyang nakatayo upang habulin ang hininga.

Lilith, nasan ka na ba?

Hanggang sa napatingin ako sa isang room.Tama, ang music room.Ito na lamang ang
hindi ko tinitignan. Sana nandito si Lilith.Sana.Kahit na hingal na hingal ay
patakbo pa rin akong pumunta sa nasabing silid.Binuksan ko kaagad ito at nakita ko
si Lilith na nakaupo sa mahabang lamesa sa dulo ng silid.Hawak hawak niya ang dati
niyang teddy bear at tila sinisigawan ito.

“Griselda! Sumagot ka naman.Kailangan kita ngayon! Griselda, mag-isa na naman


ako.Ayokong mag-isa! Lahat sila...lahat sila sasaktan lang ako.Katulad ng mga taong
pumatay kala mama’t papa.Lahat sila walang ibang gustong gawin kundi saktan lang
ako.Griselda, bumalik ka na.” Kahit malayo siya, kita ko pa rin ang tuloy tuloy na
pagtulo ng mga luha niya.Naririnig ko kung paano siya humikbi sa pagitan ng mga
salitang sinasambit niya....at pati ako’y nasasaktan.

”Ikaw lang ang kaibigan ko Griselda.Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko.Parang awa
mo...bumalik ka na sa akin Griselda.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang
iyon ay niyakap niya ang teddy bear na tinatawag niyang Griselda at iniyakan ito ng
iniyakan.

“Lilith...” isang mahinang bulong ang tangi kong nasabi.Alam kong hindi niya
maririnig, maaring wala siyang pake.Natatakot ako na baka lumayo siya kung lalapit
ako sa kanya.Natatakot akong umiyak siya nang umiyak sa harapan ko.Hindi ko
maiwasang maalala ang panyayari kung san umiyak si Denise sa harapan ko....nang
dahil sa akin.

Tumalikod na ako upang umalis nang narinig kong nagsalita si Lilith.

“Sino ka?” walang ka-emosyon ang boses niya nang sinabi niya ito.Tila ba hindi ko
na makita sa tinig na iyon ang kaninang iyak nang iyak na si Lilith.Muli siyang
naging malakas sa pandinig ko.”A-Andy?” sabi pa niya.

Humarap na ako sa kanya.Hiyang hiya man dahil alam ko namang ako ang dahilan ng
pag-iyak niya. Napalunok ako ng ilang ulit dahil sa kaba.Ganito ako kapag si Lilith
ang kaharap....sobrang kabado na tila ba’y may kaharap akong isang malaking tao na
hindi ko kayang abutin kahit ano mang gawin ko.

“Lilith...” medyo malakas na ang pagkakasabi ko.

“Anong kailangan mo?” mas lalong tumapang ang boses niya.Hindi ko alam kung
nanginginig na ba ako na parang tanga sa harapan niya.”Bakit ka pumunta rito?”
sunod sunod ang tanong niya.Iba iba man ang salitang ginamit ngunit iisa lamang ang
gustong sabihin.

“A-Ah...gusto ko lang humingi ng tawad.“


“Humingi ng tawad.Teka, para saan?” napantingin ako sa kanya.Blanko pa rin ang
ekspresyon ng mukha niya pero ramdam na ramdam ko ang galit sa pananalita niya.

“Lilith naman..please patawarin mo na ko kung ano man ang nagawa ko.”

“Ang kasalanan, pagkakamali o ano pa man ang tawag mo diyan, hindi yan nakukuha sa
isang patawad lang.Sa isang ‘sorry’ at ‘hindi ko na uulitin’.Andy, hindi ako
nakukuha sa mga ganyan.” Napayuko ako pagkatapos kong marinig ang mga sinabi
niya.Wala na kong nagawa kundi titigan siya nang dumaan siya sa harapan
ko...papalapit sa pinto.Palabas na sana siya nang muli akong nagsalita.

“Anong kailangan kong gawin? Lilith, anong pwedeng kong gawin?”

Lumingon siya sa akin.Nananatili pa ring blanko ang mukha niya ngunit hindi na ito
katulad ng kanina. May nagbago kahit papano.Medyo maaliwalas na rin ang ekspresyon
ng mukha niya.

“Patunayan mo.Andy, iyon lang ang gusto ko.” At umalis na siya.

Patunayan ko? Ang ano?

Tulad ng kanina, hindi pa rin ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.Patuloy ko pa ring


iniisip ang sinabi niya. Ano nga ba ang dapat kong patunayan? Tinignan ko muli siya
habang siya’y naglalakad palayo. Masyadong siyang misteryosa ngunit gustong gusto
kong makilala si Lilith, ang buong Lilith.

Pumikit ako at bumuntong hininga.


Dati ako si Andy, ang best friend ni Denise.Ngayon....sino na nga ba si Andy?

Ash’s POV

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang mood ni Denise.Bakit ba ganito ang
mga babae? Kanina masaya tapos biglang magiging masungit na lang.Kanina ko pa siya
tinatanong kung bakit pero wala lang daw.Tuloy tuloy kami sa loob ng lumang
library.Minsan lamang magkaroon ng bantay ang library na ito. Wala rin namang
magnanakaw ng mga libro.

May nakapagsabi kasi na dito daw lagi si Hanako kapag wala siya sa
playground.Minsan lang daw ito pumasok sa klase dahil maliban sa pinagtutulungan
siya ng mga kaklase niya ay kakawawain din naman daw siya ng mga guro nila.Ang
saklap naman ng buhay niya.

Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Denise ngunit parang lumuluwag na ang kapit niya
sa kamay ko.Na para bang gusto na niyang bumitaw kaya mas hinigpitan ko ang
pagkakahawak dito.Tumingin lamang siya sa akin ngunit kakaiba din ang pagtingin na
iyon....may kalahong lungkot.

Hindi ko na lamang pinansin at ayoko rin na mapansin niya na binabagabag ako ng


kakaibang kinikilos niya.Tinignan ko muli ang i.d na hawak ko tapos pinagmasdan ko
rin yung babaeng nakaupo sa isang table.Tama....siya na nga.

“Ayun siya.” Sabi ko kay Denise at dali dali siyang hinila palapit sa babaeng
kanina pa namin hinahanap dahil sa i.d niya.”Hello, Hanako.” Ngumiti ako sa kanya
ngunit walang siyang reaksyon. ”Nasa amin nga pala yung----“ Tumingin lamang siya
sa akin ng sandali at tsaka bumalik sa pagbabasa.Ilang minuto na ang nakalipas at
para bang wala lang sa kanya ang presensiya namin ni Denise.”Hoy, may mga tao sa
harap mo.Pansinin mo naman kami.Ano ka? Chicks?!”

“Ash, wag mo naman siyang awayin.” Tumingin sa akin si Denise.Nginitian ko si


Denise at sinimangutan naman si Hanako na ngayo’y nakatingin na sa amin.Kung hindi
ko pa sisigawan, hindi pa niya kami mapapansin.Tsss..
“Hanako diba?” tumango lang siya kay Denise.

“Bakit kapag siya yung nagsalita sinasagot mo? Bakit kapag ako---“ napatigil ako sa
pagsasalita dahil naramdaman ko na ang tingin ni Denise.

“Ako yung nakapulot ng i.d mo.” inabot naman niya ang i.d at kinuha naman nito nung
Hanako na yon. Tss..kung hindi ko lang kasama si Denise.”Bakit ka nga pala umiiyak
noon?” tanong sa kanya ni Denise.

“Salamat.” Tanging tugon ni Hanako.

“Wow ha.Nagtanong sayo ng maayos yung tao tapos ganyan lang isasagot mo? Pwede
namang sagutin mo yung tanong kahit papano.” Hindi ko alam kung ba’t ang init ng
dugo ko sa babaeng ito. Huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko na naman na
nakatingin sa akin si Denise.”Sige, sorry na lang at you’re welcome!” hinatak ko na
si Denise palabas ng library.Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad niyang pilit na
inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.Napatigil ako sa paglalakad.

At napalingon ako kay Denise.

“Ayoko sa inarte mo sa loob.Bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong niya sa akin.

“Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit nainis ako nang ganun.Hindi ko alam ang
tumatakbo sa isipan mo! Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago yung mood mo!
Ayokong isipin na dahil yon kay Andy.Ayokong isipin na may gusto ka sa kanya.Ayoko
Denise.Ayokong masaktan!” bigla biglang lumabas ang mga salitang kanina ko pa
tinatago.Siguro nga hindi dahil kay Hanako kaya nag-init ang ulo ko.Siguro dahil
ito sa dumi ng isipan ko.Madumi dahil pati si Denise, pinaghihinalaan ko ng kung
ano ano.

Natameme si Denise.Ngunit mas nagulat ako nang may nakita akong mga luha sa mata
niya.Agad akong lumapit sa kanya upang punasan ito.

“Sorry.Hindi ko sinasadya Denise.” Niyakap ko siya habang sinasabi ang mga katagang
iyon. Naramdaman ko sa balikat ko ang mga luha niya.Hindi maari....ayoko siyang
umiyak.Muli akong humarap sa kanya at muling pinunasan ang mga iyon.
“Ako dapat ang mag-sorry Ash.Hindi ko alam ang nararamdaman ko...hindi ko
maipaliwanag.”

“Naiintindihan ko Denise.Please wag ka nang umiyak.” Hinawakan ko ang magkabila


niyang pisngi at mas nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya.Napapikit siya na
naging dahilan ng pagngiti ko.Dahan dahan kong hinalikan ang magkabila niyang
mata.Pagkatapos kong gawin yon ay nakita kong dumilat na siya. ”Tandaan mo, ayokong
nakikita kang umiiyak.Huwag ka nang mag-alala sa mga sinabi ko.Okay?”

Sa wakas, unti unti nang ngumiti si Denise.

“At dahil diyan, ililibre mo ako!” tumakbo ako ngunit tumigil din.Kaunti lamang ang
pagitan naming ni Denise.Nakatawa pa ako habang pinagmamasdan si Denise na
nakangiti sa akin.Ngunit kinagulat ko ang sumunod na nanyari.

Napakabilis.

Hindi ko napansin.

Itinaas ko ang kanang kamay ko at pinunas sa kanan kong pisngi....dugo.Tuloy tuloy


ang paglabas ng dugo mula sa isang malalim na sugat sa pisngi ko.Tumingin muli ako
kay Denise.Nanlalaki ang mga mata niya habang tumatakbo papunta sa akin.

Ano nga ba ang nanyari?


Murderer’s POV

Nakatayo kaming dalawa ni Akira sa loob ng madalas namin puntahan sa tuwing


kailangang mag-usap usap.Isang sikretong lugar na tanging kami lamang ang
nakakaalam.Tumatakbo ang plano sa kagustuhan namin.Kaya madalas kong nakikitang
masaya si Akira.Palaging nakapinta sa mga labi niya ang ngiti.

“Nakita mo ba yung nanyari kanina kay Ash?” napatingin ako sa kanya.Masyado siyang
mapanganib. Masyadong mapanglinlang.”Sa susunod, mas malala pa ang mararanasan
niya.” Tumingin siya sa akin na may kakaibang kislap sa kanyang mga mata.”Mas
guguluhin natin ang laro.Akala siguro nila tatahimik na lamang tayo.Baka mamaya
minamaliit na tayo ng mga gagong yon.”

“Akira.” Tawag ko sa kanya.”May problema tayo.”

“At ano yon?”

“May nakakaalam ng sikreto ni Teacher Yuko bukod sa atin.” Nakita kong biglang
nanliit ang mga mata. Galit.Punong puno ng galit.Walang pwedeng makaalam ng sikreto
ni teacher Yuko dahil maari itong makaapekto sa laro.....sa plano.

“Sino?” matigas ang pagkakasabi niya.

“Si Camille.”

Tumayo siya at kumuha ng isang patalim sa lamesa.Tumingin siya sa pader kung san
nakadikit ang mga litrato ng buong Class 3-C.Pinaglaruan muna niya nang sandali
ang kutsilyong hawak niya tsaka galit na galit niyang binato ng kutsilyo ang
litrato ni Camille.

“May bago na tayong biktima.” Tumingin sakin si Akira at ngumiti.Ngiti na normal


mong makikita sa kanya kapag siya na si Akira.Ngiti na makakapagpatayo ng balahibo
mo.
Akira....ako ang papatay sayo.

Tatapusin ko ang buhay mo bago mo pa man tapusin ang akin.

----

A/N: Ang daming silent readers T^T Ayos lang yung mobile readers pero yung iba...
</3 Guys, i need your opinions, reactions o kahit ano pa man yan.Namumulubi po ako
sa inspiration.

NEXT CHAPTER: FATALISM

C38: Fatalism. >>

Madaliang update lang po ito.Walang edit edit, mabilisan ang pag-type.Sa susunod ko
na lang lalagyan ng gif at wala akong teaser na nagawa dahil halos isang oras ko
lang ni-type XD Ang sakit ng kamay ko.Pero kahit madalian at bara-bara lang ang mga
pinagta-type ko, sana magustuhan nyo kahit papano :)) Enjoy!

VOTE | COMMENT | FAN!

--------------------------------------------

Denise’s POV
“Anong nanyari?!” hingal na hingal kong hinahawakan ang sugat ni Ash.Kita ko pa rin
ang pagkagulat sa mga mata niya habang ako'y hindi mapakali at tila ba hindi alam
kung ano ang dapat gawin.Ang bilis.Kanina lang ay nakangiti siya at tumatawa pa
ngunit sa isang iglap, nawala ang ngiti na iyon.

Dahan dahan akong umupo upang kuhanin ang isang bagay na nakaagaw ng pansin ko.Para
itong dart ngunit mas maliit nga lang ito ng kaunti.Pagkahawak ko'y agad nagkaroon
ng maliit ng sugat ang daliri ko.Mabilis ko itong nabitawan.Nagkatinginan kami ni
Ash at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.Sinong gumawa nito kay Ash?

Pinulot ni Ash ang nasabing dart.Hinawakan niya ito sa dulo kung san ito ligtas
hawakan.Tinignan niya ito ng mabuti.Nakalipas ang ilang segundo at tinago niya sa
wallet niya ang dart na iyon.Hindi na ko nagtanong pa.

Agad ko naman siyang dinala sa clinic.Iba ang nurse na nandito ngayon hindi na yung
nurse na madalas kong maka-kwentuhan sa tuwing masasalubong ko.Tinanong niya kung
paano nagkaroon ng ganitong sugat si Ash ngunit, hindi ko sinabi.Tinitignan ko lang
si Ash habang ginagamot siya ng nurse,May kalaliman ang sugati ngunit....alam kong
damplis lamang ang talagang nanyari.Hindi nakakapagtaka, sadyang napakatulis ng
dart na iyon.

“Fukiya.” Sabi niya nang umalis ang nurse.

“Fukiya?” tanong ko sa kanya.”Ano yon?”

“Isang weapon.Katulad siya ng Shobo.Pareho silang nagta-target ng isang tao o bagay


sa malayo at kayang kaya nitong sugatan o patumbahin ang nasabing target.Depende
kung may lason ang ginamit nila.” Ngayon ko lang napansin na hawak hawak na niya
pala ang nasabing dart.”May alam akong taong nagma-may ari ng Fukiya ngunit di ako
sigurado...”

“Pwede ko bang malaman?” tumingin ako sa kanya ngunit nakatuon lamang ang pansin
niya sa hawak niyang dart.

“Hindi.” Tumingin siya sa akin.”Hindi ko alam Denise.Ayokong mambintang.” Ngumiti


siya ngunit wala akong nakitang sigla sa ngiti na iyon.Ibang iba sa mga masisigla
niyang ngiti na kayang makatunaw sa taong nasa harap niya.Para bang...napakalungkot
niya.
Hindi ko na muling inungkat ang pag-uusap na iyon.Naglalakad kami ngayon papunta sa
gilid ng daan kung san kami makakapara ng mga dumadaan na taxi.Hindi ako masusundo
ni Papa ngayon dahil sa abala siya sa trabaho.Ilang beses na kong kinulit ni Ash na
ihatid ako ngunit ayaw ko naman siyang maistorbo.Baka rin iba ang isipin ni mama
kung sakaling may maghatid sa akin na isang lalaki.Magagalit si mama, sigurado ako.

“Sige, bye Denise!” nagbalik na muli ang masigla niyang ngiti.Ngunit bago ako
sumakay ay mabilis kong hinalikan ang sugat niya na natatakpan ng gauze bandage at
kung ano ano pa.Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko.

Bigla akong napangiti.

“Sa susunod kong iki-kiss yang pisngi mo...gusto ko wala nang gauze bandage ah?”
ngumiti ako sa kanya.Gusto kong pasayahin siya kahit anong manyari,siya pa rin ang
Ash na lubos kong hinahangaan. Ang Ash na laging nagpapasaya at nagpapagaan ng loob
ko sa mga oras na halos bumagsak na ako.

Sana napasaya kita kahit sandali Ash.

Hindi pa rin nawawala sa labi niya ang ngiti na halos abot tainga na.Mahina akong
tumawa habang sumasakay ako sa taxi.

Pagkasakay na pagkasakay ko ay isang matamis na ngiti ang napinta sa mga labi


ko.Hindi ko mapigilan. Napapikit ako at bumuntong hininga.Sana naprotektahan ko man
lang si Ash.Alam kong impossibleng mapagtanggol ko siya pero sana....magawa ko.

Nagulat ako sa pag-tunog ng phone ko.Agad ko namang sinagot ang tawag ng isang
unknown number. Baka si mama ito dahil sabi niya tatawagan niya ako pagka-uwi
ko.Ngunit...bakit unknown number?

“Hello?” sabi ko sa taong nasa kabilang linya.

Wala akong ibang narinig kundi ang sunod sunod niyang paghinga.Napakababa ng boses
at para bang hindi normal na boses ng tao.Pagkatapos ng ilang paghinga na ginawa
niya ay nagsalita na rin siya.

“Denise Villaverde.” Pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ko ay tumawa


siya.Teka....alam ko tong boses na to.Ang murderer.”Nakita mo ba ang nanyari sa
pinakamamahal mong Ash?” nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.Nanginginig ang
bibig ko at tila ba takot na takot.
"Sa dulo kaya anong pipiliin mo?” rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko dahil sa
kaba.

“Ang buhay mo o ang buhay ni Ash? Anong mas importante....Denise?” natapos ang
tawag sa malakas niyang tawa.Ganun pa rin ang nadarama ko sa boses na
iyon.Nakakapangilabot.

Ngunit muli kong naisip ang huli niyang tanong.Ano nga ba ang mas importante?

Ang buhay ko o ang buhay ni Ash?

Camille’s POV

Walang ibang tao sa bahay.Tanging ako lang at ang mga katulong.Kung nasan si Mama
at Papa, wala na kong pakialam.Sigurado akong nasa trabaho na naman ang mga
yon.Wala namang importante sa kanila kundi trabaho e.Baka nga nakalimot na sila na
may anak silang naghihintay sa bawat pag-uwi nila.

“Maam, bawal daw po kayong mag-sigarilyo.” Saway sa akin ni Manang Flor, isa sa mga
pakialamera at sipsip sa bahay.

“Ano bang pake mo ha?!” sinigawan ko siya.Hawak hawak ko pa rin ang sigarilyo at
binubuga ang usok nito sa bawat hithit ko.T*ngina naman kasi, ano bang pake nila?
Wala namang ibang importante sa kanila kundi pera.As if naman totoo silang nag-
aalaga sa akin.Pera lang naman nila mama ang gusto nila.

Huli ko na napansin na ubos na pala ang sigarilyong kanina ko pa hinihithit.Minsan


lang akong humithit ng ganito kadami, lalo na kapag problemado at hindi alam ang
dapat gawin.Umakyat ako ng hagdanan at tinanaw si Manang Flor na nililinis ang mga
upos na sigarilyong iniwan ko sa baba.

“Hoy tanda!” sigaw ko sa kanya.Agad naman niyang itinaas ang ulo niya para tignan
ako.

“Bakit po maam?” magalang niyang tanong.Tss..plastik.

Tinapon ko ang hawak kong upos na sigarilyo at tinignan ko siyang nagmamadali


pulutin ito bago pa man makadumi sa carpet.Napangiti ako sa nakita ko.Walang
kwenta.

Mga walang kwenta ang taong kasama ko.

“Pumasok na kayo sa lungga niyo.Wala na kong kailangan sa inyo.I-lock nyo ang pinto
at pabayaan nyo ko rito.Wala si mama’t papa, ano pa bang inaarte nyo?” nginitian ko
siya, isang nakakalokong ngiti bago ako pumasok sa kwarto.

Pagkapasok ko ay agad akong humiga sa kama.Ilang beses na bang nanyari to? Halos di
ko na mabilang kung ilang beses akong naghangad ng ibang pamilya.Ayos lang sa akin
kahit mahirap kahit hindi kami makakakain ng tatlong beses sa isang araw, ayos lang
talaga.Hindi katulad ng ganito.Halos isang linggo lang kami nagkakasama sa isang
buwan.Ni hindi pa kami nag-uusap usap.

T*ngina, pamilya ba ang tawag dito?

Narinig kong ilang beses na nag-ring ng telepono sa baba.

“Tanda! Sagutin mo nga yung telephone!” sabi ko ngunit patuloy pa rin ito sa pag-
ring.Bigla kong naalala na pinaalis ko nga pala sila sa bahay.Tiyak kong nasa likod
ang mga yon, nagchi-chismisan.Chismis tungkol sa akin.
Wala na kong nagawa kundi bumaba.Ilang beses akong lumingon dahil may nararamdaman
akong nakatingin sa akin na tila ba sinusundan ang bawat hakbang ko.Kabado man pero
nilakasan ko ang loob kong sagutin ang telephone.

Tinapat ko na sa tainga ko ang telephone ngunit lumingon muli ako sa magkabilang


gilid ko pati na rin sa likod.Kakaiba talaga.

Sigurado akong hindi ako nag-iisa..

“Hello?” ilang beses kong inulit ngunit tanging paghinga niya lamang ang naririnig
ko.

“Hoy! Magsalita ka!” sigaw ko sa taong nasa kabilang linya ngunit halos mapatalon
ako sa gulat nang may tumunog sa likod ko.Teka...pano napunta ang phone ko
rito.Ring ito nang ring.

“Kung ayaw mong magsalita, bahala ka!” sigaw ko muli tsaka ko binaba ang
telephone.Kinuha ko naman ang phone ko na nasa katabing mesa lamang.Nagtataka ako
dahil wala naman akong inaasahan na tawag lalo na't galing sa isang unknown number.

“Hello?” sabi ko ngunit tulad ng kanina, paghinga lamang ang naririnig ko.”Ay
pakshet! Wag mo kong pinagti-tripan!” sigaw ko.Ibaba ko na sana ang phone nang
nagsalita siya....nagsitaasan ang mga balahibo ko sa boses na ito.Tama, narinig ko
na ito dati.

“Kamusta na Camile?” nanginginig kong hinahawakan ang phone ko.

“S-Sino to?” tanong ko.

“Walang kwentang tanong.” Sabi niya.”Sa tingin mo, sasagutin ko yan?” napalunok ako
ng ilang beses habang pinapakinggan ang mga susunod niyang sinabi.”Oh bakit ka
nanginginig Camille? Natatakot ka na ba? Hindi pa ko nagpapakita, natatakot ka na
agad.Nasan na ang tapang mo Camille?”

Agad akong lumingon sa paligid.


“Nasan ka?! Sabihin mo! Anong kailangan mo?!”

“Hindi na importante kung nasan man ako.Kahit nasa loob man ako ng bahay mo....o
katabi mo...hindi na importante yon Camille.Ngayon, tanong ko naman ang sagutin
mo....” napapikit ako sa takot.

Manang Flor... tulungan nyo ko.

“Handa ka na bang....mamatay?”

Pagkasabi niya ng pagkasabi ng mga salitang iyon ay may naramdaman akong tumusok sa
leeg ko.Bago pa man ako mawalan ng malay ay tumingin ako sa kanya.May nagbukas ng
pinto sa likod ng kusina kung san katapat ng kinatatayuan ko.Naka-maskara ito kaya
hindi ko nakita ang mukha ngunit nagulat ako nang may isa pang lumabas sa gilid ng
malaking vase.May hawak siyang kung ano na tiyak kong pinanggalingan ng kung anong
bagay na tumusok sa akin.Kitang kita ko kung sino siya...kahit malabo ang paningin
ko at malapit nang mawalan ng malay...hindi ako pwedeng magkamali.

Bakit siya pa? Sa lahat ng tao.....bakit siya pa?

--

A/N: Mapapansin nyo siguro na laging nagtataka ang mga biktima dun sa isang
kasama.So, bakit kaya? >:)

NEXT CHAPTER: HUSH HUSH.


C39: Hush Hush... >>

Si Camille po yung nasa gif --->

Bawal po ang silent reader! As much as possible, voice out your opinion! At tsaka
"Read between the lines" Yun lang.Enjoy!

VOTE | COMMENT | FAN!

---

Camille’s POV

Hinawakan ko ang ulo ko habang dahan dahan na bumabangon sa higaan. Medyo nahihilo
pa ako.Hindi ko mawari kung nasan ako.Napakadilim sa loob at napakalakas ng ulan sa
labas.Rinig na rinig ko ang malalakas na patak ng ulo sa bubong na kinalalagyan
ko.Ano nga ba ang nanyari? Paano ako napunta rito?

Ilang minuto ang nakaraan bago ako nakatayo nang maayos.Medyo nabubuwal ako kaya
nanatili akong nakakapit sa dingding ng kinalalagyan ko.Ginagamit ko lamang ang
pandama ko sa paglalakad.Sadyang napakadilim sa lugar na ito.

“Nasan siya?” isang boses ang narinig ko sa labas.Sa tingin ko ay nakadaan ako sa
mismong pintuan ng kwartong ito.Agad kong hinanap muli ang pintuan na iyon.Dumikit
ako sa pintuan na ito at nakinig sa nag-uusap sa labas.

“Nasa loob.” Matipid na sagot ng kasama niya.

“Bakit mo ginawa yon?”


“Ang alin?”

“Huwag ka nang magmaang-maangan pa, alam mo ang tinutukoy ko.”

“Bakit may problema ka ba sa---“ Natigil ang usapan nila nang hindi ko sinasadyang
makagawa ng ingay.Bigla akong kinabahan habang pinapakinggan ang mga hakbang ng mga
paa nila papunta sa pintuan na naghihiwalay sa amin.Sa lugar kung san ako ligtas
mula sa kanila.Napa-atras ako at umupo sa gilid habang yakap yakap ang tuhod ko.

Hindi maari...ayoko pa.Ayokong mamatay.

Narinig ko ang pagsuksok niya ng susi at pagpihit niya ng tatangnan ng


pinto.Nagngingitngit ang mga ngipin ko kasabay ng patuloy na panginginig ng buong
katawan ko dahil sa takot.Para akong batang walang kalaban laban.Isang batang
madaming kinatatakutan.

Mama, Papa...kailangan ko kayo ngayon.

Bumukas ang pinto at tila ba nabulag ako sa liwanag na galing sa labas ng silid na
kinalalagyan ko.Ilang segundo ang nakaraan bago ako makakita nang maayos.Pagkadilat
ko muli ay bumungad sa akin ang mukha niya.

Buo ang paniniwala ko dati na si Denise ang nasa likod sa mga sunod sunod na
pagkamatay ng mga taong malalapit sa aming lahat.Akala ko si Denise na talaga
ngunit wala pa talaga akong alam sa mga nanyayari.Wala pala akong karapatan upang
mambintang. Hindi ko akalain....sila...hindi ko akalain na kaya nilang gawin
ito.Kaibigan.....kaibigan ang tingin ko sa kanila.

Tinignan ko ang pagngisi niya habang hawak hawak ang panga ko.Itinaas niya ang ulo
ko sapat upang magkalapit ang mga mukha naming dalawa.Alam kong pinagtatawanan na
niya ako dahil sa panginginig at paglikot ng mga mata ko na para bang sinasaniban
ng kung anong masamang espiritu.
“Natatakot ka na naman?” siya...hindi ako nagkamali.Siya nga.”Wag kang matakot
Camille.Malapit nang matapos ang pangahoy mo.Alam mo ba kung bakit?” Pinandilatan
niya ako ng mga mata niya kaya napilitan akong sumagot.Tinignan ko siya nang puno
ng takot sa aking mga mata at tsaka umiling ng maraming beses.Mas tumatagal, mas
lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko na tila ba balak niyangbaliin
ang bawat buto nito.

“Susunduin ka na ni Kamatayan papunta kay Satanas.Papunta sa isang lugar na para sa


atin.....sa mga makasalanan.” ngumisi muli siya at ramdam ko ang bawat talim ng
titig niya sa akin.”Huwag kang mag-alala, magsa-sama sama rin naman tayo doon.”
Ngayon ko lang napansin ang hawak niyang patalim.

“Pero bago matapos ang lahat.May gusto lang akong malaman.” Hindi ko alam kung
bakit mas lalo akong natakot sa mga sinabi niyang iyon.Mas lalong tumaas ang mga
balahibo ko at halos habulin ko ang bawat paghinga na ginagawa ko.Dinadamdam ko ang
bawat pagtibok ng puso ko dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon upang
magawa ito.Ito na....nararamdaman ko na.

“Alam mo ba kung ano ang sikreto ni Teacher Yuko?” Biglang napaangat ang ulo ko at
napantingin sa kanya.Nanlalaki ang mga mata ko at tila nangungusap kung ano ba ang
dapat kong sagutin.Napayuko ako muli bago ako nagkaroon ng lakas ng loob upang
magsalita.

“Oo.” Tumingin ako muli sa kanya na may tapang sa mga mata.”Alam ko kung sino ang
sikreto ni Teacher Yuko.” Diniinan ko ang pagkakabigkas ko sa salitang ‘sino’ at
nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

Alalang alala ko pa kung pano ko nalaman. Ang araw kung kailan ko nakilala ang
totoong teacher Yuko. Ang mga tinatago’t pinapahalagahan niya..ang mga kamalian at
pagkukulang niya lahat iyon ay pinagtapat niya sa akin habang lumuluha.

Tumingin ako sa taong nasa tapat ng pinto.

Siya.
Siya ang sikreto ni Teacher Yuko.Kahit medyo madilim, alam kong siya yon.Ang hubog
ng mukha, ang ilong, ang bibig....siyang siya.Bumalik ang tingin ko sa taong nasa
harap ko.Bigla siyang ngumisi sa akin. Bumalik ang matatalim niyang tingin pati na
rin ang kaba at takot na nadarama ko.

Hanggang sa nakaramdam ako ng biglaang pagsaksak sa kaliwa kong hita.Mas lalo kong
naramdaman ang sakit nang hugutin niya ito palabas ng katawan ko.Natulala ako sa
sakit.Tinignan ko ang patuloy na paglabas ng maraming dugo.Hinawakan ko ito at
itinaas ang kamay ko upang mas lalong makita ang mapulang likido na lumalabas mula
sa katawan ko.....dugo. Walang sigaw ang nagmula sa akin.Ni iyak o ungol.Wala.Dahil
alam kong, malapit na.

Malapit na ang katapusan ko.

Napatingin naman ako sa taong nasa pinto.Nakangiti siya sa akin at may kakaibang
kislap ang mga mata niya.Umalis siya sa kinatatayuan niya at may kinuha sa
labas.Napipikit na ko pero pinipilit ko pa ring dumilat.Bakit hindi na lang nila
ako tapusin?

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong siyang bumalik.May hawak hawak
siyang dalawang makakapal na bakal.Lumapit siya sa kanya at hinawakan ang kasama sa
balikat.

“Ako na.” Sabi niya.Tumayo ang taong sumaksak sa akin at nakita ko siyang umupo sa
harapan ko.Takot na takot akong tumingin sa kanya.”Camille..Camile..Camille” paulit
ulit niyang binanggit ang pangalan ko.”Minsan talaga pati pagtatago ng
sikreto...nakakamatay.” magkalapit na ang mga mukha namin. Bigla akong nakaramdam
ng matinding galit.Kung sa kamatayan lang din naman kami pupunta, susulitin ko na.

Agad ko siyang dinuraan sa mukha.Kita ko ang galit at pagka-irita sa mga mata niya.

“Patayin nyo ko! Sige! Patayin nyo na lang ako! Ano pa bang hinihintay mo? Patayin
mo na kooo!” paulit ulit kong sigaw sa kanya.”Akala ko....akala ko kaibigan ko
kayo! P*tangina nyo! Mabubulok tayo sa impyerno.Tandaan nyo yan!” ngumisi lamang
siya hanggang sa pumuwesto siya sa gilid ko at hinawakan ang dalawang bakal gamit
ang magkabila niyang kamay.Napapikit ako nang itinaas niya ang mga kamay niya.Alam
ko ang gagawin niya at handa na ko.Napasigaw ako sa sakit nang hatawin niya ang mga
paa ko gamit ang hawak hawak niyang dalawang bakal.Bigla akong humagulgol sa
sobrang sakit. Hindi ko maitago ang sakit na nadarama ko.Halos kulay itim ang
magkabila kong paa lalo na’t sinaksak ng kasama niya ang kaliwa kong paa.Pakiramdam
ko’y basag basag na ang mga buto ko.Umiyak ako nang umiyak sa sakit.Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko upang mabawasan ang sakit na nadarama ko.

Hingal na hingal kong itinaas ang kanang kamay ko na puno ng dugo.Pinahid ko sa


mukha niya bago ko sabihin ang pangalan niya.Nakita kong ngumisi siya sa
akin.Demonyo....isa kang demonyo.

Naramdaman ko ang paglabo ng paningin ko.Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata
ko.Bago pa man ako mawalan ng malay ay naramdaman kong binuhat nila ako.Siguro
dadalhin na nila ako sa impyerno.

Impyerno..

..magkikita rin tayo sa lugar na iyon.

Muli kong naimulat ang mga mata ko.Tinignan ko ang seatbelt sa katawan
ko.Pinagmasdan ko kung nasan ako.Isang umaandar na kotse.Hindi ko maigalaw ang paa
ko kaya nililiko liko ko na lang ang manibela gamit ang kamay ko.Kaunting lakas na
lang ang kaya kong ibigay.Hinang hina na ako at hindi ko alam na kayang ko pang
makaabot sa ganitong kalagayan.

Medyo malabo pa rin ang paningin ko ngunit halos mabulag ang mga mata ko sa ilaw ng
isang paparating na bus.Narinig ko ang malakas nitong pagbusina.Alam kong wala na
kong magagawa kaya napatingin na lang ako sa kanan ko.Teka..

“T-Teacher Yuko?” mahina kong sinabi at pinilit kong mabuo ang bawat salita kahit
na hinang hina na ako.Ngumiti siya sa akin, kagaya ng palagi niyang ngiti sa mga
estudyante niya.Ngiti na matagal ko nang hindi nakikita.May tumulong luha mula sa
kanan niyang mata.

Sa ginawa niyang iyon...naging panatag ang kalooban ko.Kung pupunta man akong
impyerno, wala akong panghihinayang na nararamdaman dahil wala akong ginawang
masama.

Mas lalong lumapit ang ilaw ng bus sa kotseng kinalalagayn ko.Hinawakan ni Teacher
Yuko ang kamay ko at sa sandaling ito ay pumikit na ako.

Salamat Teacher Yuko.

Lilith’s POV

Pagka-uwi ko, nagkulong agad ako sa kwarto.Ilang beses na kumatok ang mga katulong
pati na rin si nurse ngunit hindi ako sumagot.Pinagmasdan ko ang buong
kwarto.Bagong pinta, bagong kama, bagong dekorasyon....bago ang lahat. Wala na yung
madumi at madilim na kwartong puno ng kung ano anong insektong nasa botelya.Wala na
yung kwartong kinalakihan ko.

Nagbago na ang lahat.

Narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas kasabay ng malalakas na


hangin.Tama, nagbago na nga ang lahat.Tumayo ako at naglakad lakad sa loob ng
kwarto.

“Patunayan mo.Andy, iyon lang ang gusto ko.” Muli kong naalala ang sinabi ko kay
Andy .Kahit ako, di ko alam ang nararamdaman ko.Di ko maintindihan kung bakit ko
nasabi ang mga iyon.Wala akong karapatan Ni tampo nga, wala akong karapatan e. Sino
ba si Lilith? Sino ako para isumbat ang mga iyon kay Andy?

Nakakahiya.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nanggigigil sa hiya.Tumalon ako sa kama at
pinagyayakap ang mga unan dito.Sobra talaga nakakahiya ang mga inarte ko.Umupo ako
sa gilid ng kama at napa-buntong hininga.Pakiramdam ko, wala na akong mukhang
maihaharap kay Andy.

“Lilith!” isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng bahay.

“Po?!” tugon ko naman.Sa totoo lang, ayaw ko talaga bumaba ngayon pero sa tingin ko
ay si mama ang tumawag sa akin.Si mama na pinalitan at inako lahat ng
responsibilidad ng namatay kong nanay.Hindi ko alam kung paano ko siya
papasalamatan.

“Nandito ang kaibigan mo!” napakurap ako ng ilang beses.

“K-Kaibigan?...” bulong ko sa sarili ko.

Ilang segundo ako nakatayo bago pa man ako bumaba.Hindi ko alam kung sino ang
kaibigan na iyon.Teka...baka si....Griselda? Mas lalo akong nagmadali sa pagbaba
dahil sa naisip ko.Baka bumalik na si Griselda.Siya lamang ang kaibigan ko.Siya
lang.

Napanganga ako nang nakarating ako sa baba.

“Andy?” tawag ko sa pangalan niya. Nginitian niya ako habang tinutulong siyang
punasan ng mga katulong dahil basang basa siya mula ulo hanggang paa.Napalunok ako
habang papalapit sa kanya.”Bakit ka nandito?”

“Alam ko na Lilith at tulad ng sinabi mo....papatunayan ko.” Sabi niya habang


nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Natigilan ako sa mga sinabi niya.


“Umupo ka muna hijo.Ikaw kasi di ka naman nagsasabi na kanina ka pa nasa labas.Ayan
tuloy, basang basa ka.” Sabi ni mama habang binibigay kay Andy ang panjama at t-
shirt ni papa.Inabot naman ni Andy ang mga damit at muling nagsalita.

“Nahihiya po kasi ako eh.Kanina pa po ako nagda-dalawang isip kung magdo-doorbell


ba ako o hindi.” Isang ngiti na naman ang nakita ko sa maaliwalas niyang
mukha.Ngayon lang ako nakakita ng tao na kahit walang dahilan ay ngumingiti.Ako ang
nangangawit sa kakangiti niya e.

“Ako nga pala ang mama ni Lilith.” Tumingin sa akin si mama at pinaupo ako sa tabi
niya.”Inampon namin siya ng asawa ko.Hindi naman alam kung bakit napakagaan ng loob
namin sa kanya.Nakita lang namin siya na naglalaro sa isang gilid habang hawak
hawak ang teddy bear niya.Habang ang ibang bata ay masayang naglalaro sa
playground.Mula noon, tinuring na namin siyang totoong anak a bilang ina, tuwang
tuwa ako sa pagbabago na nanyayari kay Lilith.”

Ngumiti muli si Andy at tumingin siya sa kin.Napatingin ako sa kabilang


direksyon.Para bang nakakatunaw ang bawat titig at ngiti niya.Kakaiba.Sobrang
kakaiba.

“Kami rin po.Isa pong malaking bagay ang paggaling ni Lilith.”

“Matanong ko lang hijo, ano ka ba ni Lilith? Kaibigan o....higit pa don?” tumingin


ako ng masama kay mama pero tinawan lang niya ako.Nakita ko namang yumuko si Andy
habang nangi-ngiti.

“Mama!” saway ko kay mama na ayaw tumigil sa kakatawa.”Anong bang nakakatawa?”


tanong ko sa kanila.

“Sige hijo, magbihis ka muna at baka magkasakit ka.” Tumayo silang dalawa na
halatang pinipigilan pa rin ang tawa.Dumiretso si Andy sa c.r at si mama naman ay
pumunta na sa taas.Naiinis ako.Hindi ko sila maintindihan.Tumayo ako at
pumameywang.Napa-buntong hininga ako bago pa muling umupo.

“Lilith.” Napatingin ako kay Andy na papalapit sa kinauupuan ko.Natigilan ako.Bakit


ganito?
Hindi ako makahinga.

Naramdaman ko na umupo siya sa tabi ko at alam kong nakatingin lang siya sa akin.

“Mainit na naman ba?” nabasag ang katahimikan dahil sa sinabi niya.

“H-Ha?” tugon ko.

“Namumula ka na naman e.Teka, umuulan naman ah?” seryoso niyang sinabi habang
nakatingin sa labas muling nabaling ang tingin niya sa akin pagkatapos kong hindi
sumagot agad.

“M-Mainit! “ hindi ko sinasadyang mapalakas ang boses ko ngunit narinig ko lang


siyang tumawa.

“Andy.” Sabi niya.Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang may binibigay sa


akin kulang brown na teddy bear.”Andy ang gusto kong ipangalan mo sa kanya.” Inabot
ko naman ang teddy bear.Hinaplos ko ang malambot nitong balahibo pati na rin ang
kulay pulang ribbon sa may leeg nito.

Andy...

Napakagandang pangalan para sa isang bagong kaibigan.


-----------------------

Naniniwala talaga ako dun "Sundo" thingy kaya inilagay ko dun sa part ni
Camille.Wala lang, kaartehan lang XD

NEXT CHAPTER: EAGLE'S PREY.

C40: Eagle's Prey. >>

Walang gif.Hindi ko laptop to.Next month pa mapapagawa laptop ko :( (PAULIT ULIT)

VOTE | COMMENT | FAN!

-------------------

Philip's POV

Lumingon ako sa paligid habang nakabulsa ang dalawa kong kamay sa magkabilang
bulsa ng pantalon na suot ko.May mga nag-iiyakan, may mga taong hindi mapakali at
palakad lakad sa pasilyo ng gusaling kinalalagyan namin.Siguro nga ganito ang
makikita mo sa ospital lalo na't maari at madalas ditong malagutan ang mga buhay ng
mga taong pilit nilang nililigtas.

Ngunit walang makakapigil.

Kung oras mo na, kahit anong gamot o operasyon pa man yan...mamatay at mamatay ka.
"Tara na." binasag ni Nichole ang katahimikan sa pagitan naming tatlo nila
Alex.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako kay Nichole sa
pagpunta dito sa ospital, kung san naka-cofine si Camille.Siguro’y interesado lang
ako sa nanyari.

"Good Morning po." sabay sabay naming sinabi sa mga magulang ni Camille habang
nakaupo sila sa mahabang silya sa gilid ng silid.Ngumiti sila sa amin ngunit bakas
sa mga mata nila ang labis na pag-iyak.Sino nga bang magulang ang hindi maiiyak
kung nagkaganyan ang anak nila? Lalo na’t nag-iisang anak lamang si Camille.

Nilalapag ko ang prutas at bulaklak habang pinapakinggan ang pagku-kwento ng nanay


ni Camille.

"Gulat na gulat ako kagabi nang may tumawag na mga pulis." pagpapatuloy niya habang
pinipigilan ang pagtulo ng mga luha."Halos mahimatay ako nang sinabi nilang na-
aksidente si Camille.Isang himala na raw kung ituturing na na-comatose lang
siya.Mabuti na lang at nakaiwas ang bus at nabangga sa poste ang sinasakyan ni
Camille." ngunit nabigo siya, halos humahagulgol na sa harap namin ang ina ni
Camille habang pinapakalma siya ng asawa niya."H-Hindi namin alam kung san niya
nakuha ang s-saksak sa hita niya.S-Sigurado akong hindi lang siya basta na-
aksidente." medyo lumakas ang pananalita niya.Sigurado akong galit na ang nadarama
niya.May pagitan sa mga salitang binanggit niya dahil sa labis na pag-iyak."Alam
kong may nagtangkang pumatay sa anak ko!" hawak hawak niya ang kamay ng asawa niya
habang umiiyak."Anak ko...ayokong mawala ang anak ko."

Lumabas muna ang mga magulang ni Camille.Tanging kaming tatlo na lamang nila
Nichole at Alex ang naiwan sa kwarto.Umupo ako sa kung san naka-upo kanina ang
nanay ni Camille.Kung titignan mo si Camille ngayon hindi mo aakalain ang mga
masama niyang ginawa't sinambit.Habang nakahiga siya ngayon, habang iba't ibang
klase ng apparatus ang nakadikit sa katawan niya...hindi mo talaga aakalain.

"Dumalaw na ba si Amanda?" narinig kong tanong ni Alex kay Nichole.

"Hindi e.Wala daw siyang balak dumalaw." napa-kunot ang noo ko sa narinig kong
lumabas sa mga bibig ni Nichole.

"Tsss." sambit ni Alex habang umuupo siya sa tabi ko.Tinignan ko lang siya at
muling napatingin kay Camille.Madaming nanyayari na nakakapagtaka.
Madaming nanyayari na taliwas sa napagplanuhan.

Taliwas sa inaasahan ko.

Hindi ko na alam kung paano ito matatapos.

Kailangan ko ng isang konkretong kasagutan.

Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang mga sinabi ni Nichole.Ang mga katagang
ngayon ko lang narinig sa kanya...

"Sana hindi ka na magising...Camille." sabi niya habang hinahaplos ang mukha ni


Camille.Isang ngiti ang napinta sa mga labi niya.

Nichole....sino ka ba talaga?

Alex’s POV

“Sana hindi ka na magising….Camille.”


Napatingin ako kay Nichole nang matapos niyang sabihin ang mga iyon.Ibang iba.May
mali talaga sa kanya.Pero kung iisipin, talagang mabuti para sa kapakanan niya ang
mawala si Camille.Kung iyon nga ang iniisip niya, napakasakim naman niya.

Lumingon sa akin si Nichole na may ngiti sa mga labi.Ngiti na masasabi mong hindi
makakagawa ng kahit isang kasamaan.Napaka-inosente.

Nakakatakot.

Dumiretso si Nichole sa lamesa na katabi ng kama ni Camille.Tinanggal niya ang


bulaklak at inilagay ito sa vase.Napakaganda.Sobrang makulay.Siguro kung makikita
ito ni Camille, matutuwa siya.Ngunit nakakapagtaka na hindi talaga dadalaw si
Amanda.Siguro’y may dahilan at kung ano man yon ay siguradong sa hindi ko
magugustuhan.

Sabihin na nilang hindi ko naman talagang lubos na kaibigan si Camille pero alam
kong biktima lamang siya.Hindi siya ang kaaway.Hindi siya ang dapat iwasan.Isa lang
siyang bulag na kuneho na napapaligiran ng mga sakim na lobo.

“Lalabas lang ako.” Sabi ni Philip habang hawak hawak ang phone niya.May tatawagan
daw siya.Kung sino man ay hindi niya sinabi.Nagkatinginan kami ni Nichole.Isang
tinginan na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin.Pareho lang ba ang naisip
namin?

Iniwas ko ang tingin ko kay Nichole at pinanood ang malakas na pagpatak ng ulan sa
labas. Napa-buntong hininga ako.

“Sa Monday na ang exam ah.” Sabi ni Nichole habang umuupo sa tabi ko.”Nag-review ka
na ba?” sabi niya na may ngiti sa mga labi.Tumango lang ako at ngumiti.Pero sa
totoo lang, wala akong planong mag-aral para sa exams.

“Minsan talaga, nakakasawa na ring mag-aral ano?” sabi muli ni Nichole na parang
nababasa ang mga iniisip ko.Tumawa siya nang mahina at tumingin lang ako sa kanya
na para bang walang naiintindihan sa mga sinasabi niya.
Tumayo ako at ni-lock ang pinto.Kita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko.Tinignan
ko siya ng masama.Ilang beses siyang kumurap, halata pa rin ang pagkagulat.

“Ano ba talagang problema Nichole?” bigla siyang natigilan sa mga sinabi ko.”Gusto
kong sabihin mo sa akin ang lahat! Kaibigan mo ko.” Hindi ko sadya ang pagtaas ng
boses ko.Nanatiling nakayuko si Nichole pero…

Kita kong nakangisi siya.

“Nichole.” Pabulong kong nasabi ang pangalan niya.Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Denise’s POV

Hawak hawak ni Ash ang kamay ko habang papunta kami sa parking lot kung san
nakaparada ang kotse niya.Hindi naman talaga planado itong lakad na ito.Nagkataon
na nagkita kami sa mall.Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang kinalabit niya
ako at nung lumingon ako ay bigla niyang hinalikan ang pisngi ko.

Hindi naman sa ayaw ko pero.....hindi ako sanay.

"Gusto mo pa ba?" inabot niya ang hawak niyang coke float ngunit umiling lang ako
habang nakangiti.Kanina pa niya ako kinukulit na kumain sa Mcdo kaya nung halos
mabingi na ako ay pumayag na rin ako.Libre daw niya e.

"March 10, 2012." tumingin ako sa kanya nang bigla niyang sabihin ang petsa
ngayon."Ang unang date namin ni Denise." pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumingon
siya sa akin na ngiting ngiti.Hinampas ko ang balikat niya at nagtawanan lang kami.
Hindi ko alam pero napakasaya ko sa piling niya.

"Teka..si Summer ba yon?" tinuro ko si Summer na nasa loob ng


kotse.Nakikipaghalikan sa isang lalaki."Si Summer nga!" sabi ko muli.Tinignan ko si
Ash at nanlalaki ang mga mata niya.Ngunit ang ginawa niya ang pinakakinagulat ko.

Binitawan niya ang kamay ko.

Itinapon niya ang hawak niyang coke float at tumakbo papunta sa kotseng
kinalalagyan ni Summer. Naiwan akong nakatayo doon...walang magawa kundi tignan
kung papano suntukin ni Ash ang lalaking kahalikan ni Summer.

Bakit?

Siguro nga ganung ka-importante si Summer.Siguro nga.Bumuntong hininga ako at


nagsimula nang maglakad papalayo.Mahirap na kung makakaabala pa ko sa kanila.

Bigla ko tuloy naramdaman na parang wala akong halaga para sa kanya.

Ash..ayokong masaktan.

Murderer's POV

Sinuot ko ang face mask na galing sa maliit na bulsa ng dala kong bag.Binaba ko
naman ang sumbrero ko sapat para matakpan ang mga mata ko.Hindi ako pwedeng makita
ng mga tao.Sa panahon na ito, mahirap kung may makilala sayo.

Room P-101

Tinignan ko ang suot kong relo, 12:13 am.Napangiti ako habang papasok sa loob at
nadatnan ko si Camille na nakaratay pa rin sa kama niya.Kahit na gusto ko pa siyang
pahirapan, hindi maari.Patay na siya kung ituturing.

"Sino ka?" tumingin ako sa babae na kakatayo lamang mula sa pagkaka-upo."Bisita ka


ba ni maam Camille?" sabi niya muli.Tuloy tuloy siya sa lamesa at kinuha ang maliit
na kutsilyo. Sinimulan niyang balatan ang mansanas habang nagsasalita."Si maam
Camille kahit na masungit at hindi maganda ang trato niya sa amin.Naiintindihan pa
rin namin siya." lumingon siya sa akin habang nakangiti.

Kahit na masungit?

Kahit na hindi maganda ang trato?

Kalokohan.

Tahimik kong ni-lock ang pinto at lumapit ako sa kanya, tumingin lamang siya sa
akin nang kinuha ko ang kutsilyong hawak niya. Wala akong oras para
makipagkwentuhan.Itinaas ko ang kutsilyo kapantay sa mga mata ko.Bahagya kong
inikot ikot ito na para bang pinaglalaruan.Tinignan ko siya muli, halos
pinagsiksikan na niya ang sarili niya sa gilid.

"Wag po.Maawa po kayo"

Hindi man niya nakikita pero abot tenga ang ngiti ko.Dahan dahan akong lumapit sa
kanya at umupo sa harapan niya.Pinatong ko ang kutsilyo sa mga labi niya upang
patahimikin siya.Ayoko sa lahat ay ang maingay.
"Shhh" sabi ko.

Ilang minuto ang nakalipas at napakalma ko na siya.Ngunit alam kong hindi


pangmatagalan ito, kailan ko rin siyang patayin.Para sa plano, para sa akin at para
sa kanya.Sa lahat ng nagawa ko hindi na ko dinadalaw ng konsensiya.Ito ang gusto
kong gawin.

Ito ang dapat kong gawin.

Ilang taon akong nagtiis.Hindi ako maaring magkamali kahit sabihin mong maliit na
pagkakamali lamang iyan, hindi maari.Dapat tapusin ko itong laro nang
maayos.Kailangan kong tapusin ang nasimulan ko.Kailangan kong pumatay para hindi
ako ang mapatay.

Ako dapat ang mandaragit hindi ang dadagitin.

Tinakpan ko ang bibig niya habang dahan dahan kong dinadaanan ng talim ng kutsilyo
ang braso niya.Halos kagatin na niya ang kamay ko pero hindi ko iniintindi
iyon.Itinapat ko ang kutsilyo sa leeg niya.Umiling siya nang umiling habang
nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa kutsilyong hawak hawak ko.Nakarinig ako
ng tinig sa pinto.

"Manang Flor! Buksan nyo ang pinto."

"Shit." napabulong ako.Wala na ko ibang mapagpipilian kundi isaksak ang kutsilyo sa


leeg niya. Tumayo ako at bahagyang yumuko upang tanggalin ang kutsilyo.Agad na
sumirit ang mga dugo. Napangiti muli ako.

Bago pa man maubusan ng oras ay lumapit na ko kay Camille.Ilang segundo ko siyang


tinitigan.

"Oras mo na Camille" sabi ko ng may ngiti sa aking labi.


Sinuot ko muna ang puting gloves sa magkabila kong kamay bago ko mabilisang
tinanggal ang dextrose at oxygen na nakakabit sa katawan niya.Pati rin ang
mechanical ventillator.Ilang minuto ang nakalipas ay tumunog nang tumunog ang
cardiac monitor na nasa gilid niya.

*toooot*

*toooot*

Isang sinyelas na wala na siyang tibok ng puso.Pumikit ako habang nakangiti.

"Nurse! Nurse! Buksan nyo tong pinto! Yung anak ko! Baka kung anong nanyayari sa
anak ko!" narinig ko muli ang tinig sa labas.

Kailangan ko nang umalis.Tinanggal ko ang gloves at nilagay sa loob ng bag


ko.Kinuha ko ang dalawa puting tela na nasa loob din ng bag ko.Binalot ko ang
kutsilyong ginamit ko sa pagpatay at tinago sa loob ng bag.Pinunasan ko naman ang
kamay at mukha pati na rin ang damit ko gamit ang natitirang tela.Binuksan ko ang
bintana sinigurado ko munang naka-apak na ko sa maliit na pasilyo bago ko isara
ito.Walang makakakita sa akin dahil sa likod na parte itong kinalalagyan ko.Dahan
dahan at ingat na ingat akong humakbang sa maliit na pasilyo na ito.Nasa gitna na
ko nang narinig ko muli malakas na sigaw mula sa kwarto ni Camille.Mas binilisan ko
ang paglakad.Dire-diretso ako sa hagdanan sa gilid na para sa fire exit.Inakyat ko
ito upang makaapak sa mismong hagdanan.

Nakahinga ako nang maluwag at tinanggal ang face mask na nasa bibig ko, itinapon ko
ito.Pinalitan ko rin ang jacket na suot ko at tinapon rin ang sumbrero na nasa ulo
ko.

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan ko siya.

"Patay na si Camille." pamungad ko sa kanya.

"Sige.Umalis ka na diyan." binaba ko ang phone ko at binulsa na lamang.


Huwag kang mag-alala, ikaw na ang isusunod ko.

Tatapusin ko na ang p*tanginang larong ito.

-----

A/N: Naka-post na sa page kung hanggang ilang chapters ang C3-CHAS.Naghihiram lang
ako ng laptop ngayon kaya limited lang yung time ko at midterms next week.So
ayon.Sana maintindihan nyo.

For the nth time, HINDI KO PO KAYANG MAG-UPDATE ARAW-ARAW.Walanjo naman oh.May
buhay ako at ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako 24/7 nakaharap sa laptop?
Hindi po ako tambay, COLLEGE STUDENT po ako.At try nyo kayang mag-update nang basta
basta sa isang mystery story, SABOG ang plot niyan kung gagawin ko.Try nyo kaya sa
sitwasyon ko.Ang dali nga lang magbasa sa tingin nyo madali din magsulat? -.-

NEXT CHAPTER: BEGINNING OF AN END.

F.A.Q >>

Frequently Asked Questions (READ BEFORE YOU ASK)

Break muna tayo sa mga patayan.Dito ko na po ilalagay ang mga tanong na madalas
kong nakukuha.Sana pagkatapos nito, mabawasan na ang mga nagtatanong T^T Ayaw ko po
talaga ng paulit-ulit.Para akong sirang plaka.

Q. Hanggang ilang chapters ang C3-CHAS?

-----50 chapters.Pwedeng less than or more than.Di pa masyadong sure.


Q. Patay na ba si Freya or buhay pa?

------PATAY na po.Patahimikin na natin si Freya.

Q. Anti-christ po ba kayo (ako)?

-----Utang na loob.Katoliko po ako.Di porket "WELCOME TO HELL" ang description ay


anti-christ na ko.Srsly? Kailangan ko po yan sa kwento ko at pati na rin ang iba't
ibang words na masama.Kung ayaw nyong makabasa niyan, edi wag. :)

Q. May book 2 po ba?

-----Meron po.Class 3-C has a secret 2: Memento Mori.Ang haba ano? Kaartehan kasi.
=_=

Q. Ire-reveal na po ba ang mga killers sa book 1? or sa book 2 na ire-reveal?

-----Ire-reveal ko po sa book 1.Humahanap lang ng tiyempo ^___^

Q. Same characters po ba sa book 2?

-----No, bagong characters.Matatawag pa bang Class 3-C yan kung magiging 4th year
na sila Denise? (kung makakaabot pa sila ng 4th year HAHAHA) De, basta ganun.Bagong
klase, bagong killers at mga bagong victims.
Q. Ilan po ba talaga ang killers?

-----Sabi ko naman sa inyo dati, it's either maniniwala kayo kay Angie na tatlo ang
killers or maniniwala kayo sa mga hula nyo.Kanya kanyang trip yan :))

Q. Pano nyo po nagagawa ang gifs?

-----Sa Movie Maker po.Iti-trim ko yung video tapos isa-save ko.Iko-convert naman
into gif sa Format Factory :) Then, KABOOM! May gif ka na.Kaso medyo malabo at
magulo yung gif (tulad ng nakikita nyo) kasi kailangan ko rin nun, medyo pa-
suspense na nakakainis na ewan e XD

Q Paano nyo po nagawa yung trailer/teaser?

-----Movie Maker is my best friend. :))

Q. Movie po ba to? Bakit may trailer/teaser?

-----UTANG NA LOOB ULIT.PARANG AWA NYO NA.Nagugulat na lang ako kapag may
nanghihinga ng download link ng movie na C3-CHAS "daw".Ipo-post ko ba tong C3-CHAS
kung movie to? Edi sana binigay ko na lang sa inyo yung link para mas
mapadali.Hindi lang naman ako ang gumagawa ng trailer dito eh -.-

Q. Anong movie po ang nasa trailer nyo?

-----Ito yung pinaka-nakakainis na tanong mula nun pa e hahahaha.Nandun na sa mga


comments yan, paulit-ulit ko nang sinabi.Pati dun sa description ng video (kung
pinanood nyo sa youtube).Kasi, bago magtanong maghanap muna ng sagot.Hindi po spoon
feeding ang gusto kong gawin.Meaning, di po ako isang teacher na ibibigay sa inyo
ang lahat.Nasa tamang pag-iisip tayong lahat (malamang), kaya sana wag masanay na
hihintayin mo lang ang author na sabihin sayo ang ganito...ganyan...tapos kapag di
ka sinagot, tatawagin mong snob.
Q. San po kaya nagdo-download ng movie? at papano?

-----Torrent po.Search ka ng gusto mong movie sa google or kaya dun sa torrentz.eu


(search engine para sa mga torrents) tapos download mo yung torrent file ng
movie.Dapat meron kang torrent downloader (BitTorrent/FlashGet....blahh..) Parang
i-o-open with mo siya dun sa torrent file tapos siya na yung magdo-download ng
buong movie.

Q. Kung patay na si Freya, bakit o papano napunta ang flute niya dun sa Akira?

----- SOON! Pramis, masasagot ko yan.Wag muna ngayon.

Q. Ano po yung mga movies na ginagamit nyo sa mga gifs nyo?

-----Death Bell 1 & 2, Jungle Fish 1 & 2, Dead friend, 4th period murder mystery,
Confession, A love to kill....blah..blah...Sa tingin ko, may nakalimutan ako XD

Q. Pwede po bang maging OP (operator) ng character/s nyo?

-----Lately ito ang nakukuha ko and yes, pwede po.PM nyo lang ako :)

Q. San po kayo nag-eedit ng pictures?

-----Sa PhotoScape at Photoshop po.

Q. Bakit Class 3-C has a secret ang title?

-----Alam nyo ba yung manga na"7th period is a secret" (Romance po yon hindi
mystery) Ayon dun ko nakuha yung "has a secret" Tapos Class 3-C kasi maganda
pakinggan at sabihin.Class 3-C has a secret ^__^ Nung naisip ko ang plot, talagang
pumasok na sa isipan ko ang title na to e.

Q. Sino yung fictional character nina Freya at Thania?

-----Di ko po alam T^T Hinanap ko din kaso wala akong makitang pangalan.Kasi parang
extra lang ata sila dun sa drama kaya ayon.

Q. Magbibigay po ba kayo ng soft copy after nito?

-----Hindi po :( Sorry sa pagdadamot ko.Gusto ko lang talagang protektahan ang


story ko.Ayoko rin na pumili lang ng mga bibigyan kasi unfair para sa iba kaya wala
na lang akong pagbibigyan.

Q. Gagawa po ba kayo ng compilation?

-----Yep.Gagawa ako kasi ie-edit ko po lahat ng chapters before or after matapos


ang story kasi puro typo at mali mali yung mga nasa chapters hahahaha.Tuwing
nababasa ko yung mga unang chapters ng C3-CHAS, batang bata yung nagsulat e.Kaya
ie-edit ko kasi nandidiri ako sa way ng pagsusulat ko dati.Ewan ko ba.

------------

At baka tanungin nyo kung kelan ang UD (for chapter 41), bukas po o kaya sa
Sunday.Ngayon lang ako nagkaroon ng free time (salamat kay midterms) tsaka kagagawa
lang ng laptop so, please do understand na lang.Tuwing maghahanap ng UD wag po kayo
dito sa story tumingin at magko-comment pa.Bisitahin nyo na lang po ang propayl ko
kasi nandun kung made-delay ang UD o kaya kung kelan ako makakapag-UD o kaya kung
busy ako o inactive. Salamat.
God Bless para sa lahat :* Ulan na naman nang ulan -.-

C41: Beginning of an end. >>

So, ayon.Enjoy kayo sa UD at don't forget to share your opinion. ^__^ Add nyo rin
po yung mga characters.Ang mga links po ay nasa propayl ko.May fb account na po si
Alex, Summer at Amanda.God Bless! :*

VOTE | COMMENT | FAN

-----

Denise’s POV

Hinawi ko ang buhok ko bago pumasok sa main gate ng school.Pinakita ko sa guard ang
I.d ko bago para makapasok.Nilabas ko ang cellphone sa maliit na bulsa ng bag ko
upang tignan ko ang oras, 6:10 am.Maliit lang na bag ang dala ko.Tanging reviewer
at pagkain ang laman.Balak ko kasing hindi lumabas ng classroom sa snacks at
manatili na lamang sa loob para mag-review.Hindi rin kasi ako nakapag-review nang
maayos, sa sobrang pag-iisip ng kung ano anong bagay na dapat ko na lang ipagwalang
bahala.

Ang tanga mo Denise.

Iyan ang ilang beses kong sinabi sa sarili ko.Napa-buntong hininga ako.

“Anong nanyari?” bigla kong nakita si Lilith sa tabi ko.Muntik na kong mapasigaw
sa gulat dahil sa biglaan niyang paglitaw.Para siyang kabute, kung san san
sumusulpot.
“A-Ah..w-wala naman.” Tugon ko sa tanong niya.

“Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?” sabi niya ngunit nakatingin lang siya
nang diretso sa dinadaanan namin.

“Nagulat lang ako sayo e.”

“Tss..weirdo.” narinig kong binulong niya pero hindi ko alam kung bakit napangiti
ako.Siguro dahil ito ang unang beses na kinausap niya ako nang ganito…normal…parang
magkaibigan lang.

“Ang cute naman ng teddy bear mo.” Sabi ko nang napansin ko ang yakap yakap niyang
kulay brown na teddy bear.”San mo nabili yan? Sa Blue magic?”

“Si Andy to.”

Napatigil ako nang ilang sandali sa sinabi niya.Na tila ba’y kinakalikot ko ang
isipan ko kung ano sa mga tanong ko ang sinagot niya.

“A-Andy?”

“Oo, si Andy.Bingi ka?” pagkatapos niyang sabihin yon ay umalis na siya sa tabi ko
at tuloy tuloy sa 3rd floor habang yakap yakap pa rin ang teddy bear niya.Ngumiti
ako bago magpatuloy sa paglalakad.Siguro nga hindi na ako kaya pang patawarin ni
Andy.

Sobra ko nang namimiss ang best friend ko.

Binuksan ko ang pinto ng classroom at pumasok sa loob.Punong puno ang isipan ko.Ni
hindi ko alam kung ano ba ang uunahin kong intindihin.Madaming bumabagabag sa
akin.Siguro mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang nanyayari sa klase kaysa sa
mga ganito…
“Fvck!” nakita ko na lang ang sarili ko na halos sumubsob sa sahig.Tinignan ko si
Amanda nang sumigaw siya.Hindi ko namalayan na nabangga ko na pala siya.Pinagpag ko
ang palda ko hanggang sa tuhod nang nakatayo ako.

“Sorry Amanda.” Sabi ko bago umalis.

“Hoy babae!” rinig ko ang pagsigaw niya muli.”Halika nga dito.” Lumingon ako at
tinuro ang sarili ko.Ako ba ang tinatawag niya? “Oo, ikaw.Huwag mong dalhin ang
korona ng katangahan dito sa school.Maglalakad ka na nga lang, tatanga tanga ka
pa.”

“Nag-sorry naman ako diba?”

“Wow! Lalaban!” sabi ng isa sa mga kasama ni Amanda.Nakita kong ngumisi si Amanda
bago nagpatuloy sa pagsasalita.

“Hoy babaeng tanga, diba sabi ko lumapit ka rito?” para wala nang gulo lumapit ako
sa kanya.Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng ilang beses.”Pulutin mo.”

“Pulutin ko? Ang ano?”

“Tanga! Ano pa ba ang pinupulot? Edi yung nalaglag!” sabay sabay silang nagtawanan
sa sinabi ni Amanda.Kahit na nakaramdam ako ng inis pinabayaan ko na lang.Dahan
dahan akong umupo upang pulutin ang notebook na nalaglag siguro nang nabangga ko
siya.”Ayos pala to ano? Para siyang lumuluhod sa harap ko.” Narinig kong sinabi
muli ni Amanda kasabay ng nakakabingi nilang tawanan.Tumayo ako agad at pinatong sa
katabi kong upuan ang notebook niya.

Kinuha ni Amanda ang notebook niya at bigla itong binitawan sa harap ko.

“Oops.Nalaglag ulit.” kahit mahina naririnig ko ang mga bungisngis nila.

Sobra na.
Hindi ko na kaya.

“ANO BANG---“ sisigawan ko sana sila nang biglang nagsalita si Lilith na nasa likod
lang nila Amanda.

“Hindi ba kayo tatabi?” sabi niya kala Amanda.

“At bakit?”

“Siguro dahil nakaharang ka sa daan.” Nakita kong umirap si Amanda at tila ba


nawalan ng sasabihin.”Lalabas ako kaya tumabi na kayo.Hindi nyo ba alam na ang
iingay nyo, kitang nagre-review ang mga kaklase natin.” Napatingin ang buong klase
kala Amanda dahil sa napalakas ang boses ni Lilith.Pipigilan na dapat ni Nichole
ang nanyayaring sagutan dito sa harap ngunit napigilan siya ng mga kasama ni
Amanda.

“Sino ka ba dito? Nagbago lang ang itsura mo, lumakas na ang loob mo.Gusto mo bang
makatikim sa akin?”

“Hindi ako gutom.” Malakas na pagkakasabi ni Lilith.Narinig kong nagtawanan ang


grupo nila Amanda.”May sinabi ba kong nakakatawa? Wala akong sinabing pwede nyo
akong tawanan.”

Lumapit sa kanya si Amanda at hinawakan si Lilith sa magkabilang pisngi.Agad namang


inalis ni Lilith ang pagkakahawak ni Amanda sa magkabila niyang pisngi.

“Wala akong sinabing pwede mo kong hawakan.” Pagkatapos niyang sabihin yon ay dere-
deretso siya sa labas.Natameme ang grupo ni Amanda.Kahit papano, niligtas rin ako
ni Lilith.Umalis na rin ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa upuan ko na nasa
dulo ng silid.
Binuklat ko ang ginawa kong reviewer.Agad ko naman itong nilapag dahil pakiramdam
ko ay wala akong maintindihan na kahit ano.

“Balita ko, patay na si Camille.” Hindi ko sinasadya na marinig ang pinag-uusapan


nila Amanda.Sadyang malalakas ang mga boses nila kaya hanggang dito sa puwesto ko,
naririnig.Nabalitaan ko nga ang pagkamatay ni Camille sa ospital.

“Yup.” Tugon ni Amanda.

“Kailan ka pupunta sa libing?”

“Ako? Pupunta? No way.” Nagtaka ako sa mga sinabi ni Amanda.Sa pagkakaalam ko, isa
si Camille sa mga pinakamalalapit niyang kaibigan.”Hindi ako makikiramay lalo na sa
taong napakalaki ang kasalanan sa akin.”

“Pero diba…sobrang close kayo?”

“Hindi lahat ng nakikita ay dapat paniwalaan at lalong lalong hindi lahat ng


naririnig ay dapat pakinggan.” Sabi niya habang umuupo sa pinakamalapit na upuan.

Natahimik ang mga kasama niya katulad ko kasabay ng pagpasok ni Lilith at Andy sa
classroom. Tumatawa si Andy habang si Lilith ay blanko pa rin ang mukha.

“Good Morning Class 3-C.” natuon ang atensyon ng buong klase nang may pumasok na
isang lalaki na masasabi kong matanda na ngunit hindi ganun katanda.Kitang kita na
nakakaangat siya sa buhay.Ang mga mata niya…ang pagsasalita pati na rin ang
pagkilos, napakaelegante.

Nagulat ako nang yumuko ang buong klase sa kanya.Pagkatapos nilang yumuko ay sabay
sabay silang nagsalita.
“Good Morning Mr. Laketon.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.Ibig sabihin, siya ang may-ari nitong school?
Ito ang unang beses na nakita ko siya.

“Pwede na kayong umupo.” Sabi niya na kasunod ay isang mahinang tawa.”Alam nyo
naman siguro na every finals ay pumipili ako ng klase para bantayan.Tutal walang
teacher ang gustong magbantay sa inyo at madami akong nababalitaan tungkol sa klase
nyo, kayo ang napili ko.”

Madami akong naririnig na nagbu-bulungan sa loob ng silid.

“Karamihan sa inyo---“ napatingin si Mr. Laketon sa pumasok.Yumuko naman si Summer


at Ash na kakapasok lang.

Sabay pala silang pumasok.

“Good Morning Mr. Laketon.” Sabay nilang sinabi.

“Good Morning Mr. Flores and Ms. De La Vega.Hanggang ngayon late ka pa rin sa
exams, Mr. Flores.” Natawa ang iba naming kaklase.Ngunit diretso lang akong
nakatingin kay Ash na kinakamot ang ulo habang nagpapaliwanag kay Mr. Laketon
tungkol sa pagka-late niya.Tawanan muli ang narinig ko.

“Hindi ka pa rin nagbabago Mr. Flores.” Muling natuon ang atensyon k okay Mr.
Laketon.”O siya, gusto ko sanang simulant ang pre-testing procedure ngunit..”
itinaas niya ang kaliwa niyang kamay upang tignan ang relo.”Wala na tayong sapat na
oras.Kaya sa tingin ko dapat na nating simulan exam.”

Pinagpasa-pasa ang mga test papers.Huminga ako nang malalim bago ko ito
sagutan.Ngunit kahit anong gawin kong pag-iisip tungkol sa mga tanong sa exams,
hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Ash at Summer. Naalala ko nung una kong
nakita si Summer.Noong nagpakilala siya sa harap.Isa lang ang nasabi ko tungkol sa
kanila ni Ash.

Bagay na bagay sila.

Napapikit ako.

-----

“Okay, snacks na 3-C.You only have 40 minutes .” masigla na pagkakasabi ni Mr.


Laketon bago siya umalis.Yumuko ang buong klase at umupo na rin pagkalabas na
pagkalabas niya.Ang iba ay pumunta sa cafeteria upang kumain at nabibilang lamang
ang mga nanatili sa classroom, isa na ko dun.

Kinuha ko sa bag ang sandwich na ginawa ko kaninang madaling araw nang hindi ako
nakatulog.Dahan dahan koi tong kinain.Muli kong naramdaman ang pakiramdam na nag-
iisa, wala si Ash sa tabi ko, wala si Andy sa tabi ko.

“Denise..” tumingala ako at nakita ko si Ash.”Galit ka ba sa akin?” Umiling


ako.”Bakit di mo sinasagot ang tawag ko pati na rin ang mga text ko?” nag-kibit
balikat ako.”Kausapin mo naman ako oh.” Madami akong gustong sabihin sa kanya,
madami akong gustong itanong pero tila ba nakalimutan ko lahat ng iyon.

Sinundan ng mga mata ko si Ash habang papunta siya sa upuan niya.Nilapitan siya ni
Summer at nakita kong nag-usap sila.Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil sa
madalas na pagtingin sa akin ni Summer.Hinawakan ni Summer ang kamay ni Ash bago
bumalik sa upuan niya na nakangisi.

Summer…ano ba talaga ang pakay mo?


Summer’s POV

Binulsa ko ang phone ko habang papalapit kay Denise .

“Bye ate Summer!” bati sa akin ng isa sa mga freshman.Ngumiti lang ako sa kanya at
nagpatuloy sa paglalakad.Kaunti lamang ang tao dito sa cafeteria.Siguro dahil uwian
na rin naman at wala nang masyadong tao sa school.

Tumingin sa akin si Denise nang napansin niya na papalapit ako sa kanya ngunit
tumingin rin siya palayo.Isang ngiti ang napinta sa labi ko nang umupo ako sa harap
niya.

“Hi Denise.” Bati ko ngunit hindi pa naalis ang atensyon niya sa binabasa niyang
libro.Hindi niya ako kinibo.

“I don’t want to add fuel to the fire kaya ie-explain ko ang side ni Ash.” Sa
pagkakataong ito ay tumingin na siya sa akin.Kitang kita na interesado siya sa
sasabihin ko.Alam ko namang hindi ko na kailangang gawin ito pero gusto ko lang
itama ang isang pagkakamali.Mahirap na.

“Niligtas lang ako ni Ash sa lalaking pilit akong hinahalikan.” Nanlaki ang mga
mata ni Denise.”Hindi ko alam na kaya niyang gawin yon sa akin.Akala ko wala siyang
ibang dahilan nang niyaya niya akong kumain pero…nagkamali ako.Nagpapasalamat ako
na napansin ni Ash ang sitwasyon kundi baka kung ano ang nanyari sa akin.”

“Sorry…H-Hindi ko alam..” narinig kong mahina niyang sinabi.

Tumayo ako bago magsalita.”Okay lang.I have to go na, hinihintay na ko ng dad ko sa


parking lot.” Nginitian ko si Denise at tumalikod sa kanya.

Tama.
Siguro nga sayo si Ash ngayon.Pero Denise, akin lang si Ash.Gagawin ko ang lahat
para bumalik lang siya sa akin.Maaring kailangan kong magparaya ngayon pero si Ash
ay para kay Summer lang.Pagdating ng tamang panahon, kung kalian maayos na ang
lahat…alam kong babalik siya sa akin at mamahalin na niya ako.

Kinuha ko muli ang phone ko at tinawagan ko siya.

“Magkita tayo.Ngayon na.” Sabi ko.

Denise’s POV

Umupo ako sa gilid ng kama.Ilang beses kong narinig na tinawag ako ni mama ngunit
hindi ako sumasagot.Hindi pa rin kasi nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ni
Summer.Nakakahiya.Kung ano ano pa ang inisip ko tungkol sa nanyari.Masyadong madumi
ang isipan ko.Tumayo ako at nakita ko na naman ang sarili ko na palakad lakad sa
loob ng kwarto.Hindi ko alam ang gagawin ko.

Kung tawagan ko kaya siya?

O kaya i-text?

Pero ano namang sasabihin ko? Pumikit ako kasabay ng isang buntong hininga.Lumingon
ako sa gilid ko at nakita kong nakaharap ako sa isang malaking salamin.Blanko ang
pagtingin ko sa sarili ko sa salamin na para bang isang estranghero ang nasa harap
ko.Sa loob ng ilang buwan, nakabangon ako sa pagkakadapa ko.Pero nung lumipat ako
sa Laketon, sa tingin ko nahulog ako sa isang malaki at malalim na balon.Hindi ako
makaakyat sa taas.Walang kamay ang handang magtaas sa akin.
Napatingin ako bigla sa ani mo’y malaking bintana sa kwarto ko.Ilang beses na kong
nakakarinig na para bang may bumabato dito ngunit hindi gaano kalakas, mahina lang
sapat para makagawa ng tunog sa napakatahimik kong kwarto.Natatakot man ay lumapit
ako at binuksan ang bintana.

“Ash?” pabulong kong pagsabi ng pangalan niya nang nakita ko siyang nakatayo sa may
gilid ng bakod at nakatingala sa akin.May hawak hawak siya maliliit na bato sa
kanan niyang kamay.

“Denise!” sigaw niya sa pangalan ko.

Hindi maari baka marinig siya nila papa.Pinatong ko nag hintuturo ko sa labi ko
upang masabi sa kanya na kailangan niyang hindi gumawa ng ingay ngunit muli niyang
sinigaw ang pangalan ko.

“Denise! Sorry na!” sabi niya habang nakapaligid ang magkabila niyang kamay sa
bibig niya upang maging mas malakas ang sigaw niya.Muli kong pinahiwatig na
kailangan niyang hindi sumigaw.

“Ano ba? Huwag kang sumigaw baka marinig ka nila---“

“Sino yan Denise?” nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang malalim na boses ni
Papa sa likod ko.

“Ah..Eh..Papa..”

Kita ko kung pano tignan ni Papa si Ash, na para bang kinikilala niya itong mabuti.

“Papasukin mo siya.Bakit mo pinaghihintay ang bisita mo sa labas?” sabi ni Papa


habang paalis sa kwarto ko.Ibig sabihin, hindi siya galit?

“Pumasok ka daw!” sinigaw ko kay Ash upang marinig niya nang mas mabuti.Ngumiti
siya sa akin bago umalis sa kinatatayuan niya.Tinignan ko muna ang sarili ko sa
salamin.Ayos naman ang suot ko, siguro naman desente na para sa mga pambahay na
damit.

Nakalipas ang ilang minuto bago ako makababa ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako
ng hagdan ay narinig ko angboses ni Ash..

Hindi ako makapaniwala..

Tila ba’y napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.Tama ba ang narinig ko? O guni-
guni lamang ito?

“Ako po si Ash Flores at handa ko pong ligawan ang anak nyo.”

Akira’s POV

Umupo ako sa nag-iisang upuan sa kwarto.Ang paborito kong kulay pulang upuan.Kinuha
ko ang flute na nakapatong lamang sa isang lamesa.Tinignan ko itong mabuti.Wala pa
ring pinagbago.Ito pa rin ang Akira ni Freya.Napangiti ako.

Pinatong ko ito sa labi ko upang tumugtog ng ilang nota ngunit pumasok na siya.

“Kamusta?” bati niya sa akin.

Sa nakaraan na mga araw, naging kahina-hinala ang kilos niya pati ang pagtitig niya
sa akin.Lahat lahat.Ang titig na para bang gusto na niyang kumuha ng kutsilyo at
isaksak na lang sa akin.
“Lahat ay umaayon sa napagplanuhan.May kaunting problema lang na nanyari pero sa
tingin ko magiging maayos naman ang takbo.” Ngumiti ako sa kanya.”Malapit na ang
katapusan.”

“Malapit na talaga.” Muli, napansin ko na naman ang titig niya sa akin.

“Galit ka ba sa akin?”

“Hindi.Bakit naman?” ngumiti siya ngunit alam kong nagsisinungaling lang siya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha ng kustilyo sa lamesa bago ako humarap sa


kanya.Inabot ko sa kanya ang kutsilyo ngunit hindi niya ito tinatanggap.

“Ayaw mo? Huwag ka nang magmaang-maangan pa.Gusto mo kong patayin diba?” tuloy
tuloy kong sinabi sa kanya.Lumapit pa ko sa kinatatayuan niya at umikot ikot sa
kanya habang dinadaanan ng pinakadulo ng kutsilyo ang balikat hanggang sa likod
niya.”Napakadali mong basahin.Para kang salamin kung tignan.Kung papatayin mo ko,
gusto ko yung marahas, yung nakakakilabot.Kapag hindi mo nagawa yon nang maayos….”

Pumunta ako sa likod niya at tinapat ang kutsilysa leeg niya.”Babalikan kita.”Isang
ngiti ang napinta sa mga labi ko nang nakita kong nanginginig siya sa kinatatayuan
niya.

Ayoko sa lahat ay yung mga traydor dahil sila ang dahilan kung bakit ko ginagawa
ito.
--

NEXT CHAPTER: THE MONSTER INSIDE.

C42: The monster inside. >>

Si Nichole po ang nasa gif :)) Voice out your opinion.Sana mag-enjoy kayo sa UD
kahit medyo na-late hahaha. :)

VOTE | COMMENT | FAN

----------

Denise’s POV

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng bag ko bago pumasok sa main gate ng


school.Ngayon na lalabas ang resulta ng pagsusulit.Kagabi ko pa hinihiling na
sana’y kahit pang-top 50 sa highschool department ay makapasok ako.Gusto ko lang
ipakita kay mama’t papa na hindi nasasayang ang binabayaran nilang martikula sa
mahal na eskwelahan na ito.

May nakabangga sa saking isang estudyante.Muntik na kong mapaupo buti na lamang ay


may nakahawak sa balikat ko upang mapigilan ang lubos na pagkakaupo.

“Ash.” Banggit ko sa pangalan niya.


“Ayos ka lang?” ngumiti siya.Tumango lamang ako at tumayo nang mabuti.Kinuha ni Ash
ang hawak kong folder at inaabot din niya ang bag ko ngunit pinigilan ko siya.

“Manliligaw kita, hindi alalay.” Nakita kong napangiti ko muli siya sa sinabi
ko.Naramdaman ko na lamang ang init ng kamay niya na saktong sakto ang pagkakahawak
sa kamay ko.Para bang ligtas ako sa piling niya.Para bang propotektahan niya ako sa
kahit anong sitwasyon.

“Gusto mong tignan ang resulta?” tanong niya.Napatingin naman ako sa bulletin board
sa first floor na pinagkakaguluhan ngayon ng mga estudyante.Tama, ang mga
resulta.Muntik na itong mawala sa isipan ko.Tumango lamang ako at naglakad na kami
sa kabilang daan upang lumapit sa malaking bulletin board.

Hindi kami makasingit kaya hinintay namin na mabawasan ang mga estudyanteng
tumitingin dito.Nakita naming dumating si Nichole kasama si Alex.Pareho silang
lumapit sa amin ni Ash at bumati ng magandang umaga.Katulad namin, hinintay rin
nila na makaalis ang karamihan sa mga estudyante.

Nakaraan ang ilang minuto at nagsipasukan na ang mga estudyante na kanina pa


nagsisiksikan sa harapan ng bulletin board.Lumapit kaming apat at hinanap kung san
nakalagay ang ranking sa buong 3rd year.

Ngumiti ako kay Ash nang nakita ko ang pangalan ko sa pang-22 sa ranking.

“Congrats.” Sabi niya.

“Shit.” Narinig kong bulong ni Nichole.”2nd….na naman.” Pagkatapos niyang sabihin


yon ay umalis na siya na nakasimangot.Sumunod naman sa kanya si Alex at naiwan
kaming dalawa ni Ash.Tinignan ko kung sino ang nasa 1st na naging sanhi ng pagka-
irita ni Nichole.

“Class 3-A . Reese, Blake.”

Ang vice president ng SSC.Pamilyar ang pangalan niya, sigurado akong sikat siya
dahil sa angkin niyang talino.Nagkatinginan kami ni Ash sa di malamang
dahilan.Hinawakan niya muli ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa room.

Katulad ng dati, magulo pa rin ang klase.Kahit nabawasan kami kung titignan mo,
parang walang kulang.Ang mga bakanteng upuan ay hindi binibigyan ng pansin, parang
wala lang.Kahit anong gawing isip ko, wala akong konkretong kasagutan.Sa mga
nanyayari na patayan at ang katotohanan na sa amin ang mga may sala.Siguro nga
sadyang napakahirap basahin ng mga tao.

Hindi ko masagot ang napakalaking bugtong na ito.

Tinignan ko lang si Nichole habang papunta siya sa harap at gawin ang


responsibilidad niya bilang presidente ng klase, ang attendance.Bakas pa rin sa
mukha niya ang sobrang inis.Isa isa niyang tinatawag ang mga kaklase namin.Kaunti
lang ang nakikinig ang karamihan, may kanya kanyang ginagawa.

Napakagulo..Sa ingay, sa mga daldalan at tuksuhan.Ang mga sigaw at tawanan…


nakakabingi.

“TUMAHIMIK KAYOOOOOOOOOO!”

Isang napakalakas na sigaw mula kay Nichole.Gulat na gulat man ay nagawa pa ring
magkomento ng mga kaklase namin.

“Hoy boba! Wala kang karapatan na sigawan kami okay?” lumapit sa kanya si Amanda at
hinawakan si Nichole sa panga.Tinaas niya ito sapat para magkatinginan sila sa mga
mata.Ngunit nakakagulat ang sunod na ginawa ni Nichole.

Tinulak niya si Amanda na naging dahilan ng pagkauntog ni Amanda sa isa sa mga


desk.Nagsitayuan ang lahat at tinignan kung ayos lang ba si Amanda.

“Back off!” sigaw muli ni Amanda.”Ayos lang ako.” Tinignan ni Amanda ang lahat bago
pagtuunan ng pansin muli si Nichole.”Be ready, bitch.Di mo alam kung pano ako
maningil.” Isang nakakalokong ngisi ang naipinta sa mga labi ni Amanda.

Dahil sa pagkairita, tinanggal ni Nichole ang kanyang relo sa kaliwang kamay


niya.Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.Hindi maari…
Tama ba tong nakikita ko?

Sinundan ko ng tingin si Nichole nang lumabas siya sa room.Isa lang ang nasa isip
ko ngayon.

Isa siya sa mga murderers.

Ash’s POV

Sinundo na si Denise ng papa niya.Naglakad lakad ako sa campus habang hinhintay si


Summer. Hindi naman sa naging obligasyon ko na si Summer ngunit ito lang ang
hinihingi niya sa aking pabor.Siguro naman hindi magtatanggal ang ganitong
sitwasyon.

Hindi siya mapalagay sa sophomore na may gusto sa kanya.Ang lalaking pilit siyang
hinalikan noon.Hindi ko masyadong namukhaan pero alam kong alam ng buong Laketon
ang katauhan at pangalan niya.

“Ash.Salamat sa paghihintay.” Ngumiti siya.Katulad pa rin ng dati, mala-anghel.

“Tara na.” naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.Agad koi tong tinanggal at
binulsa ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon ko.Nakita kong
sumimangot siya ngunit isang ngiti muli ang napinta sa labi niya.

“Pakipot ka pa Ash e.” sabi niya kasbay ng isang mahinang tawa.Tumingin siya sa
akin at nagsalita. ”Wala naman si Denise ngayon.” Sinabit niya ang kamay niya sa
braso ko.
Ayoko sa ginagawa niya.

Aalisin ko sana ang braso niya ngunit napigilan niya ako sa mga salitang lumabas sa
bibig niya.

“Please.Ash, pagbigyan mo na ko.Kahit ngayon lang.Umarte tayong ganito.” Nag-iba


ang tono ng pananalita niya.Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang
naglalakad.”I love you Ash.” Narinig kong bulong niya.

Sa pagkakataon na ito ay tinanggal ko ang braso niya na nakakabit pa rin sa braso


ko.Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sinandal sa kotse.

“Oo, alam ko.Di mo na kailangang ulit ulitin.” Sabi niya.”Sorry.” muli niyang
sinabi.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa balikat niya at humingi din ako ng patawad sa


naging reaksyon ko.Pinapasok ko na siya sa kotse at papasok na rin sana ako upang
makaalis na ngunit may humatak sa akin at isang suntok ang sumalubong sa mukha
ko.Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kotse at pagsigaw ni Summer sa pangalan ko.

Humarap ako sa lalaki at nakita ko ang sophomore na pilit hinalikan si Summer


noon.Pinahid ko ang palad ko sa dugo mula sa sugat ng bibig ko.

Gago to ah?

“Ano? Nasan ang angas mo?!” sigaw niya sa akin.Nagsitawanan ang mga kasama
niya.Isang sipa ang naramdaman ko sa sikmura na naging dahilan ng pagdura ko
dugo.Napamura ako sa isipan ko.Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon.

Ilang sipa ang natanggap ko nang pumagitna si Summer.

“Cyrus! Tama na!” tinulak niya ang lalaki pati na rin ang mga kasama nito.”Ano ba?!
Bakit napaka-immature mo?!” hindi ko na masyadong narinig ang mga sumunod na salita
ni Summer dahil pakiramdam ko ay nahihilo na ko.

Nagtalo silang dalawa habang ako’y halos nakahiga na sa lapag.Napakahina ng katawan


ko ngayon tila ba wala sa kondisyon.Hindi ako pwedeng mawalan ng malay.
Walang kasama si Papa sa bahay…

Dahan dahan akong tumayo.Napatingin silang lahat sa akin.Muli ay narinig kong


sinigawan ni Summer ang lalaking tinatawag niyang Cyrus.Hawak hawak ko ang sikmura
ko at nang muli kong minulat ang mga mata ko ay nakita kong tinulak ni Cyrus si
Summer.Tiyak kong nasaktan si Summer dahil sa malakas na tunog mula sa pagkakatulak
niya sa kotse ko.

Napamura muli ako.

Bigla kong naramdaman ang inis.Ang galit na naramdaman ko nang pinatay ni Papa si
Mama sa harapan ko.Ang galit sa sarili ko na wala akong nagawa na kahit ano nang
mga panahon na iyon.Sariwa pa rin sa alaala ko ang lahat.Parang isang sugat na ayaw
maghilom.Ang pagpatay ni papa para sa sarili niyang kaligayahan, para sa sarili
niyang kaginhawaan.

Hindi ko makakalimutan ang mga iyon.

Agad kong sinuntok ang Cyrus na yon at isang sipa ang binigay ko sa kasama
niya.Naramdaman ko naman na nasuntok ako sa sikmura ng isa niyang kasama ngunit
hindi ko ininda iyon.Binalikan ko siya ng mas malakas na suntok sa mukha.

“Babalikan kita!” malinaw kong narinig mula sa bibig ni Cyrus at nagtakbuhan na


sila palayo.Lumapit naman ako kay Summer na nakaupo sa lapag habang iniinda ang
sakit ng likod niya.Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat.

“Summer!” pagtawag ko sa pangalan niya.Dumilat siya at pinilit niyang tumayo ngunit


parang nahihirapan siya kaya inalalayan ko na siya sa pagtayo.Pinasok ko siya sa
loob ng kotse at pinaandar na ito.Naghari ang katahimikan sa aming dalawa.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Summer ay walang kibuan na


nanyari.Nagpaalam at nagpasalamat siya sa akin bago pumasok sa bahay nila.Inikot ko
naman ang manibela upang umuwi na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 5:45 pm.
Sigurado akong hinihintay na ko ni Papa.

Nakalipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa bahay.Ngunit nagulat ako nang
hindi ko nadatnan si Papa na nagdidilig ng mga halaman.Sinirado ko ang gate bago
ako pumasok sa loob.

“Denise?” nakita ko si Denise na nakaupo sa sofa habang nasa harap ni Papa.Ngumiti


siya sa akin at binati ako ni papa.

Nakakapanibago.Hindi ganito ang araw-araw na ginagawa ni Papa.Pumunta ako sa kwarto


ngunit di ako sinundan ni papa.Nakakapagtaka.Nagbihis ako at muling lumabas upang
sumama sa usapan nila Denise. Tungkol sa halaman ang pinag-uusapan nila.

Napansin kaya ni Denise?

Napansin kaya niya ang karamdaman ni papa?

Halos isang oras na ang nakakaraan at halaman pa rin ang pinag-uusapan nila.Pero
ngayon, tumatawa at mukhang napakasaya ni papa.Para ring may kung anong kasiyahan
ang bigla kong nadarama.Ito ang unang beses na may ibang kinausap si papa maliban
sa akin.

“Anak..gusto mo bang lutuin ko ang paborito mong Adobong baboy?” ngumiti lang ako
at tumango. Tumayo si papa at nagsimulang magluto sa kusina.

“Ang bait ng tatay mo Ash.” Sabi ni Denise habang ngiting ngiti.

“May napansin ka bang kakaiba sa kanya?” tanong ko sa kanya.


“Meron kaso di na importante yon.” Tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.

“Kailangan ko na palang umalis.Dumaan lang ako dito para sabihin sayo na


iniiimbitahan ka ni papa’t mama para sa anniversary nila.Sana makapunta ka.” May
inabot siya sa akin na isang envelope na naglalaman ng imbitasyon.Tumango ako at
nagpaalam sa kanya.Ngunit bago siya umalis ay lumapit muna siya kay papa at
nagpaalam.

Pumunta ako sa kwarto at nilapag ang envelope sa maliit na lamesa sa gilid ng kama
ko.Lumabas ako kaagad upang puntahan si Papa.Kahit ganito siya, kahit may mali sa
kanya at kahit pinatay niya si mama, tatay ko pa rin siya.

Naghain na siya sa lamesa at nagsimula na kaming kumain.Nasanay na ako na


katahimikan lamang ang nangingibabaw sa aming dalawa habang kumakain ngunit nagulat
ako nang nagsalita siya.

“Sayang at umalis na si Denise.Sinarapan ko pa naman para magustuhan niya.”

Napangiti muli ako.

“Naalala ko ang mama mo sa kanya.”

“Ako din papa.Naalala ko si mama sa kanya.” Tugon ko at nakita ko ang malaking


ngiti sa labi niya.
Nichole’s POV

Pumasok ako sa bahay at inilagay ang sapatos ko sa tamang lalagyan.Sinuot ko naman


kaagad ang tsinelas at dere-deretso sa loob.Nakita ko si mama, nagluluto at si
papa, nanonood ng pelikula.Nasanay na ako na hindi nila pinapansin kahit ang
presensiya ko ngunit alam nila na ngayon ang bigayan ng resulta para sa exam.

“Pang-ilan ka?” matapang, matigas at malakas na pagkakasabi ni mama.Halata na


napipilitan at mayron lamang siyang piling sagot na magugustuhan.

“2nd.” Tanging tugon ko.

“Bobo ka kasi.Hanggang 2nd ka lang.” Narinig kong sabi ni mama.

Niyukom ko ang kamao ko at tanging pagtayo lamang doon ang nagawa


ko.Bobo.Napakabobo ko.Wala silang ibang alam sabihin kundi bobo.

“Sorry mama.Gagalingan ko sa susunod.”

“Wag na.Di mo rin naman kaya eh.” narinig ko naman na sinabi ni papa habang
nakatutok ang mga mata niya sa t.v.

Wala na akong reaksyon.Napayuko na lamang ako habang tuloy tuloy ako sa kwarto.

Kinuha ko ang box sa drawer kung san nakalagay ang cellphone ni Lilith.Alam kong
binura ko na ang video kung san ko walang awang pinatay ang librarian na si Sir
Brian.Napangiti ako hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa galit.Hindi ko
kasalanan.Dapat lang siyang patayin.Sinabi ko sa kanya na lasunin niya si Denise…
patayin na niya si Denise pero hindi niya nagawa.Tatanga tanga siya.
Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko.Sumali ako sa grupo ni Akira para makaramdam
ng tuwa, maramdaman kung papano maging nasa itaas.Palagi akong kawawa.Palagi akong
niloloko at ginagamit. Pagmamahal, atensyon, katapatan lamang ang hinihingi ko.

Mahirap bang ibigay yon?

Inalis ko ang relo sa kaliwa kong kamay at tinignan ang tatlong itim na paru-paro
na nakaguhit sa ibabaw ng pulso ko.

Tama, mamatay tao ako.Nagkasala ako sa Diyos, impyerno na ang kakalagyan ko.Ngunit
ito ang tanging paraan.Wala akong makakamit na hustisya sa mga nararanasan ko,
walang manyayari kung hindi ako kikilos.Naniningil lang ako ng mga utang.

Tumingin ako sa kisame habang pinapakinggan ang tunog ng orasan sa tuwing iikot
ito.Importante ang bawat segundo, bawat minuto at bawat oras.Kahit anong manyari
dapat unahan ko siya.Dapat mapatay ko si Akira.

Ngunit papano?

Inilapag ko ang cellphone ni Lilith sa kama.Isang ideya ang pumasok sa isipan ko.

Kung ano ang pinanggalingan ng lakas ni Akira, iyon ang gagamitin ko bilang
kahinaan niya.Tama.Iyon nga.Dapat ko siyang gamitin.Dapat ko nang patahimikin si
Akira.Para matapos na ang lahat.Matapos na ang larong ito.

Dapat isa sa amin ang mamatay…

At ako na ang bahala sa iba.


Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.Agad kong siyang hinanap sa contacts ko at di na
ko nagsayang ng oras at tinawagan ko siya agad.

“Magkita tayo.Importante to.Hintayin mo ako sa harapan ng bahay nyo.”

Hindi ko na hinintay na tumugon siya, agad kong binaba ang cellphone at nagpalit ng
damit.Lumabas ako ng bahay na naka-pantalon at simpleng blouse.Hinawi ko ang buhok
ko habang papalapit sa taxi na pinara ko.

Nanginginig ako hindi dahil sa lamig sa loob ng taxi kundi dahil sa takot at kaba
na nadarama ko.Hindi ko alam kung bakit umabot sa punto na ito.Hindi ko naman
akalain na kaya niyang pumatay ng isang kakampi.Pinatay niya si Vince.Alam kong
siya lang ang gagawa nun.

Simula noon, nabagabag na ako sa susunod na manyayari.Halos hindi ako


makatulog.Baka isunod na niya ako.Baka patayin niya ako habang ako’y
natutulog.Baka….dalhin na niya ako sa impyerno.

Ayoko.

Hindi ko pa oras.

Pinatay ko si Camille dahil sa kagustuhan niya.Ginawa ko yon para sa ikakatahimik


niya, ayaw niyang mailabas ang sikreto ni teacher Yuko.Ayaw niya, may
pinoprotektahan siya.Isang napakahalagang tao sa buhay niya.Bumisita ako kay
Camille bago ang gabi na papatayin ko siya dahil sa pag-uutos niya pa rin.Kailangan
kong maging pamilyar sa lugar upang mas maging madali ang gagawin kong pagpatay.

Binayaran ko ang driver at umalis na ako sa taxi.Nakita ko siyang nasa labas ng


bahay, nakasandal sa pader at nakatingin sa akin.

“Anong sasabihin mo?” seryoso niyang tanong.


“Tulungan mo ko.” Tanging sinabi ko.

“Tulungan sa?” napaalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin na may pagtataka


sa mga mata niya.Kitang kita na interesado siya sa mga sasabihin ko.

“Tulungan mo kong patayin si Akira.”

Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya.

--

A/N: Dapat hindi ko muna ire-reveal ang identity ng murderer which is Nichole pero
tinignan ko yung magiging scene ng pagre-reveal ko sa kanya next chapter, parang
magulo.Kaya napag-isipan ko na kasabay ng paghingi niya ng tulong, dun ko na ire-
reveal para naman isang bagsakan na lang.

May kaunting sabit pa rin sa plot.Silang dalawa na lang talaga ang problema ko.

So, tama ba ang mga hula nyo? ^__^ Siya na yung pinakamadaling hulaan e.Obvious na
obvious hahaha.

NEXT CHAPTER: APOCALYPTO

C43: Apocalypto >>

Add nyo si Nichole sa FB! HAHA.Nasa external link po :))) Enjoy sa UD.Di ako
nakapagpost ng teaser kasi umalis ako ngayong araw at gusto ko na ring i-post tong
UD e haha.Eksayted.Madami pa kasing gagawin.

VOTE | COMMENT | FAN

-----

Thania’s POV

Lumapit ako sa tabi ni Philip.Tinignan ko siya at hinawakan ang kamay


niya.Hinigpitan ko ang pagkakahawak dito kasabay ng pagsandal ko sa balikat niya.

“Wag mo kong iiwan ha?” muli kong sinabi ang mga katagang lagi kong sinasabi sa
kanya.Alam kong maaring makulitan siya at magsawa sa pakikinig sa mga salitang ito
ngunit naninigurado lang ako.

Nang nawala si Freya.Nakuha ko lahat ng inaasam ko.Iniwan man ako ng pamilya ko at


nabulok ako sa ospital.Wala na kong pake sa bagay na yon.Pamilya? Hindi ko
kailangan ng pamilya dahil sa wakas nakuha ko na ang dapat na akin.Nakuha ko na ang
nag-iisang bagay na kulang sa buhay ko.

Si Philip.

Alam kong mahirap para sa kanya.Isang mahabang panaghoy ang buhay para sa aming
dalawa.Para kaming mga nalulunod na isda sa loob ng malawak na karagatan.Isang
mapanlinlang na rehas.Kung san wala kaming tigil na pinaparusahan.Mga nalulunod na
isda na walang ibang alam gawin kundi humingi ng tulong pero sa dulo, wala rin
kaming mapapala.
Mga nalulunod na isda.

Tama.

Tinignan ako ni Philip sa mga mata.Ito ang lalaking matagal ko nang


pinapangarap.Tanging si Freya ang hadlang.Siya lang ang dapat alisin sa
daanan.Mahal ko ang kapatid ko ngunit mas matindi ang galit at inggit kaysa sa
pagmamahal na iyon.

Nasa kanya ang lahat habang ako’y walang pinaghahawakan na kahit anong katibayan na
karapat dapat akong sumaya sa mundong ito, sa malawak na karagatan na ito.Pinatong
ko ang dalawa kong kamay sa mata niya at ipinikit ang mga ito.

“Kapag ba nakapikit ka at alam mong nakaharap ka sa akin.Sino ba ang gusto mong


makita?” huminto ako ng ilang segundo.”Si Freya o si…Thania?” nag-aalangan kong
sinabi.

Hindi siya nakasagot agad ngunit nakaramdam ako ng matinding kirot sa loob ko nang
narinig ko ang sagot niya.

“Si Freya.”

Wala na siya.Patay na si Freya.Bakit siya pa rin? Pinatay ko na siya…pinatahimik ko


na siya.Dapat na siyang mawala sa mga isipan nyo.Ako ang nagpatuloy ang buhay na
iniwan niya.Si Freya ay wala na…ako…si Thania na ang bagong Freya.

Bakit ba walang makaintindi sakin?


Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakapatong sa mga mata niya.Tumayo ako at lumapit
sa pinakamalapit na bintana.Tinanaw ko ang paligid mula dito.Matagal tagal na rin
akong nagtatago sa lugar na ito.Kung sino o ano man ang pinagtataguan ko, hindi ko
rin alam.

Basta ang alam ko, kailangan kong magtago.

“Si Freya naman pala ang gusto mong makita.Ba’t nandito ka pa?” hindi ko pa rin
maialis sa isip ko ang sinabi niya.Ngunit kahit paulit ulit kong tanungin iyon,
Freya pa rin ang pangalan na lumalabas sa bibig niya.Si Freya, palagi na lang si
Freya.

“Hindi kita iiwan.Palagi akong nasa tabi mo.Sapat na yon diba?” narinig kong sinabi
niya habang papalapit siya sa kinatatayuan ko.Naramdaman ko ang paghawak niya sa
magkabilang balikat ko.Tanaw na tanaw ko sa repleksyon sa salamin ang mukha
niya.Itinaas niya ang kanan niyang kamay at tinuro ang salamin ng bintana kung san
kita rin ang mukha ko.

“Lagi tayong magkasama.Para sa akin, ayos na yon.” Sabi niya muli.Naramdaman ko


ang dahan dahan niyang paghalik sa kanan kong balikat.Pagkatapos dumampi ang mga
labi niya sa balikat ko ay muli niyang tinignan ang bintana sa harapan namin.

Ganito naman siya palagi.

Awa lang ang nadarama niya.Ganito ba ko kahina? Ganito ba ko ka-walang kwenta?


Hindi man siya akin.Hindi man ako ang gusto niya.

Alam kong, ako lang ang nagmamay-ari sa kanya.

“Philip.” Tawag ko muli sa pangalan niya.”Kung malalaman mo ang sikreto ko, iiwan
mo ba ko?” tanong ko sa kanya.”Kung sasabihin ko ba sayo, matatanggap mo kaya?”
hinintay ko ang tugon niya ngunit wala akong nakuha kaya muli kong tinawag ang
pangalan niya.”Philip.”

Nakatingin lang siya sa bintana kung san makikita ang repleksyon niya.Hindi ko alam
na kanina pa pala siya nasa tabi ng pintuan.Agad akong tumalikod sa bintana upang
humarap sa kanya.Tinignan ko si Philip na halatang nagtataka sa nakikita niya.

Isa lang ang alam kong nasa isip niya…

Sigurado akong natuklasan na niya ang sikreto ko.

“Bakit ka nandito?” tanong ni Philip sa kanya ngunit wala siyang nakuhang


tugon.Ngumisi lang siya kay Philip.Isang ngisi na kahit ako’y hindi alam ang ibig
sabihin.Nakakatakot ang presensiya niya.Isang lobo na nagbabalat-kayo bilang isang
kuneho.

Hindi niya pinansin ang presensiya ni Philip sa apat na sulok na kwartong


kinalalagyan namin.Tinignan ko si Philip bago ako muling tumingin sa
kanya.Nginitian ko siya bago magsalita..

“Tamang tama, nandito ka na.” ngumiti ako nang nakita kong tumango siya.Hinawakan
ko ang kamay ni Philip at muling nagsalita.”Matatapos na rin ang lahat.Sa wakas.”

Pagkatapos ng lahat, magsasama tayo Philip.

Malayo sa mga taong sakim at walang ibang inisip kundi ang pansarili nilang
kapakanan.Malayo sa mga taong nananakit ng iba upang maka-ginhawa sila.Kapag
nanyari iyon, sisiguraduhin ko na magiging masaya tayo.
..Hanggang kamatayan.

Nichole’s POV

Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya.

“Sabi ko na nga ba, hindi ka tatanggi.” Sabi ko sa kanya habang may matamis na
ngiti sa mga labi ko.Hindi ko man alam kung bakit siya papayag ngunit siguro sa
kanya na ang dahilan na iyon.Kailangan ko siya ngayon.Ngunit alam kong dapat ko na
rin siya isunod pagkatapos nito.

Walang matitira.Kahit ako, hindi ko alam kung nakatayo ako hanggang dulo ngunit
sinisigurado ko na bago manyari yon, namatay na ang dapat na mamatay.

Lahat sila, buburahin ko silang lahat sa mundong ito.Hindi nila alam kung pano ako
gumanti.Ayoko silang maging abala sa daan ko patungo sa tagumpay at makakamit ko
lamang ito…..nang wala silang lahat.

Ginagawa ko lang ang dapat.Minsan kahit mali, nagiging tama.Depende kung para san,
para kanino o anong dahilan dahil minsan, ang tama ay nagiging mali din.

“Anong plano mo?” tanong niya sa akin.Sumandal muli siya sa pader na


pinagsasandalan niya kani-kanilang lang.Bigla akong napaisip sa sinabi niya.Baka
pagtawanan lang niya ako kung sasabihin ko na basta na lang akong sumugod dito nang
walang dalang armas laban sa kalaban, laban kay Akira.

Hindi ako nakasagot sa tanong niya.


“Wala?” muli niyang sinabi.Tumango lamang ako at nakita kong ngumiti siya
muli.Isang nakakalokong ngiti pero nandoon pa rin ang pagka-inosente sa bawat kurba
ng labi niya.Kung iba siguro ako, matutuwa ako dahil sa nakangiti siya.Ngunit alam
ko ang takbo ng isipan niya.

May plano na siya.

“May naisip akong magandang ideya.” Sabi niya.Tumingin lamang ako sa kanya na may
pagtataka sa mga mata ko.”Mag-iimbita tayo ng mga munting bisita.”

“Bisita?” pag-ulit ko sa sinabi niya.Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang
sabihin.Bisita? Sa pagpatay kay Akira? Kahit anong gawin kong pako-konekta sa
proseso, wala pa rin malinaw na kasagutan ang nabubuo sa isipan ko.

“Mga manonood.Mga mapaglalaruan pa natin.Alam kong kilala mo na kung sino ang nasa
isipan ko.” Nakatingin ako sa mga mata niya.May kakaibang kislap sa mga ito.

Ngumiti ako.

Si Denise…alam kong isa si Denise sa mga sinasabi niya.

Mukhang magugustuhan ko ang nasa isipan niya.

Lumapit pa ako sa kanya at inabot ang kamay ko upang makipagkamay.”Deal?” tanong ko


sa kanya.Kinamayan naman niya ako at isang ngiti na naman ang naipinta sa mga labi
niya.Lumakad na ako palayo.Narinig kong nagring ang phone ko.
Tumatawag si Akira..

“Akira.” pamungad ko sa kanya.

“Pumunta ka rito.” Hindi na niya hinintay ang tugon ko at binaba na niya


ito.Ngumisi ako bago pumara ng paparating na taxi.Kung trayduran ang hanap mo
Akira, bibigyan kita nito.Matitikman mo kung papano traydurin muli.

Tumawa ako ng mahina nang naalala ko ang pagpatay ko kay Akira. Masyado na kong
nasasabik.Bawat saksak, bawat hiwa at bawat butil ng dugong maiidulot ko sa kanya,
lahat nang iyon ay magiging prutas ng paghihirap ko….ng pagtitiis ko.Wala nang
ibang maari at dapat kumitil ng buhay niya kundi ako.

Demonyo laban sa demonyo.

Magkikita-kita naman tayong lahat sa impyerno.

Ang lugar para sa mga makasalanan.

Alex’s POV
Bumaba ako mula sa taxi na sinakyan ko papunta dito sa burol ni Camille.Nahihiya
man ay binati ko ang mama’t papa ni Camille.Isang mahigpit na yakap lang ang kaya
lang kong ibigay sa kanila.Halata ang pagkalungkot sa mga mata nila.Itim na itim
ang suot ng lahat ng taong nandito maliban sa akin na nakasuot pa rin ng
uniporme.Siguro isa na ito sa dahilan kung bakit may nararamdaman akong kaba sa
bawat hakbang na ginagawa ko papunta sa kabaong ni Camille.

Pagkalapit ko sa puting kabaong ni Camille ay agad kong sinilip ang itsura


niya.Kakaiba.Sobrang kakaiba sa pakiramdam lalo na’t parang kailan lang ay nakikita
ko siya sa eskwelahan.Hindi ko inaasahan na madadatnan ko siyang mahimbing na
nakahimlay sa puting kabaong na ito.

Sandali akong nagdasal sa harapan ng kabaong ni Camille.Isang dasal para sa


kaluluwa ni Camille.Para gabay sa pagpunta niya sa kabilang buhay.Pagkatapos kong
magdasal ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Camille.

Rest in peace, Camille.

Naalala ko muli ang mga sinabi sa akin ni Nichole nang araw na iyon.Ang araw bago
mamatay si Camille.

“Nichole…” Pabulong kong nasabi ang pangalan niya.

Ngunit tumayo lamang siya at lumapit sa akin.Dahan dahan niyang hinaplos ang buhok
ko pati na rin ang pisngi ko.Pakiramdam ko’y nanginginig ako sa kaba.Parang may
kung anong espiritu ang sumanib sa kanya lalo na kapag napapatingin ako sa mga mata
niya.Binaba niya ang kamay niya at isang ngisi na naman ang nakapinta sa mga labi
niya.

“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong niya.Wala na kong ibang nagawa kundi tumango
na lamang.”Pero alam mo, hindi mo naman kailangang malaman agad eh.” napakunot ang
noo ko sa sinabi niya.”Malalaman mo rin naman…balang araw.”
Tumalikod siya sa akin at bumulong.Alam kong sinasadya niyang marinig ko ang mga
sinambit niya dahil malapit lamang ako sa kinatatayuan niya.Hindi ko alam kung sino
ang nasa harap ko.Si Nichole pa rin ba ito? Nakakapagtaka.

“..kapag patay ka na.”

Pagkabulong na pagkabulong niya ng mga katagang iyon ay muli siyang humarap sa akin
na may ngiti sa mga labi.Katulad ng mga dati niyang ngiti….napaka-inosente…
nakakagaan ng pakiramdam.

“Tara Alex! Kumain tayo sa labas.” Sabi niya sa akin na na ngiting ngiti.

Nichole…ano ba talaga ang tinatago mo sa akin?

Pumara ako ng taxi upang makauwi agad ngunit bago ko pa man mahawakan at buksan ang
pintuan ng nakaparadang taxi sa harapan ko ay nagulat ako sa pagdating niya.

“Amanda?” hindi ko napigilan na sabihin ang pangalan niya.Ang alam ko, wala siyang
planong pumunta sa burol o kahit sa libing ni Camille.Ngunit, bakit siya nandito?
Tumigil siya sa harapan ko at umirap bago pa man magsimulang magsalita.

“So what kung pupunta ako?” mataray niyang sinabi.”Gusto ko lang naman na makita
siyang nakahiga sa kabaong na yan.Alam mo na…titignan ko kung bagay siya sa
loob.Tutal mabubulok naman siya doon.” isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya
bago siya tumuloy sa loob.

May mga tao talagang hindi mo alam kung tugma ang sinasabi ng isip sa sinasabi ng
bibig.
--

A/N: "Apocalypto" which in Greek means "an unveiling and a new beginning".

NEXT CHAPTER: CONSEQUENCES.

C44: Consequences >>

For the nth time, voice out your opinion! #Demanding as always haha.

VOTE | COMMENT | FAN

----------

Amanda’s POV

“Sino bang absent?” tanong ni Nichole sa buong klase.Bumuntong hininga ako dahil
inis.

“Si Ash, Andy at Lilith tsaka si Gerwin at Joana.” sagot ni Alex.Sila lang naman
ang nag-uusap sa tuwing nagche-check ng attendance.Mga losers kasi.Tsss.
Tumayo ako at pumunta sa gitna.Ngumisi ako kay Nichole na kasalukuyang nagche-check
pa rin ng attendance.Pumameywang ako at ngumuso sa kanya.Tinuro ko ang upuan niya
gamit ang aking nguso.Isang irap ang muli kong binigay sa kanya habang papalapit
siya sa upuan niya.

“Ang boring.” Sabi ko sa buong klase.Umupo ako sa teacher’s table at ngumiti sa


kanila.Isang ngiti na alam kong magugustuhan nila ang ibig sabihin.”Let’s
play.Pinaghandaan ko ang araw na to.I’m sure namimiss nyo na ang larong ito.”

Tinignan ko ng masama ang isa sa mga kaklase namin at automatiko niyang kinuha ang
malaking paper bag sa tabi ng upuan ko.Walang makakatanggi sa akin dahil ako ang
Queen Bee.Nilapag niya sa tabi ko ang malaking paper bag at nakita ko namang
nagsilakihan ang mga mata ng iba, ang iba naman ay lumapad ang ngiti dahil sa
paglabas ko ng laman nito.

Mga puting rosas.

“Para sa mga bago, simple lang ang laro.Kumuha ka ng isang rosas at ibigay mo yon
sa taong gusto mong mamatay.Anong makukuha natin dun? Wala.” Ngumisi ako bago
magsalita.”Pero malay nyo…mamatay nga siya talaga.”

Nakita kong nagngitian sila

“Magsimula na tayo.” Nilapag ko ang lahat ng puting rosas sa teacher’s table.Tumayo


ako sa gilid nito at hinintay ang unang tao na nasa first row.”Hoy gaga, sabi ko
magsimula na.Bilis.Napakatanga.” sabi ko sa kanya at agad agad naman siyang kumuha
ng rosas at binigay kay…

Sino pa ba?
Kay Denise.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang sunod sunod ang pagbibigay sa kanya ng puting
rosas.Lima na lang ang hindi nakakapagbigay.Ako,si Philip, Denise, Alex, Nichole at
si…Summer. Unang pumunta si Nichole at sa isang sama ng tingin ko pa lang sa kanya
ay automatiko na siyang pumunta sa upuan ni Denise upang ilapag sa lamesa niyang
punong puno ng puting rosas.Napangiti muli ako.Pangalawang pumunta si Alex at tulad
ni Nichole ay nasindak din siya sa sama ng tingin ko.Lumapit naman sa akin si
Summer.Tinignan niya ako ng masama saka ngumisi.

“Kanino ko kaya ibibigay to?” narinig kong bulong niya.Sigurado akong inaasar
lamang niya ako.”Sa tao..” tumingin siya kay Denise “..o sa demonyita? “ nabilang
naman sa akin ang atensyon niya.”Kanino kaya Amanda?” ngumisi lamang ako sa kanya.

“Huwag mo kong kinakana.Gusto mo bang ipaalala ko ang lahat? Baka umiyak ka


diyan.Kung ako ikaw, sa sarili ko ibibigay ang rosas na yan.Napakasama mong damo
Summer.Akalain mo yon? Nabuhay ka pa.Himala na ngayon ang nagigising sa pagka-
coma.Lakas talaga ng kapit mo no?” pagtataray ko sa kanya.

Lumapit sa akin si Summer at binulungan ako sa tainga.”Sure.Bitch.” sabi niya


habang inaabot sa akin ang puting rosas.”Sorry, best friend.Alam mo naman kung
gaano kita kamahal.” Isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin bago umupo.

Summer De La Vega…di ka pa rin nagbabago.Same bitch, different shit.

Tinignan ko lang si Philip habang dahan dahan siya tumatayo.Inalis niya ang
earphones sa tainga niya habang papalapit sa teacher’s table.Kinuha niya ang
pangatlo sa dulo sa mga natitirang rosas at tumingin sa akin gamit ang pinaka-
blankong ekspresyon ng mga mata niya.Lumapit siya sa akin at inabot ang rosas.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.Isa siyang….loser tas ako ang binigyan niya
ng rosas?
Ngumiti sa akin si Philip habang dahan dahan niyang nilalagay sa mga tainga niya
ang earphones. Pakiramdam ko ay nanliliit ako sa harapan.Dalawa ang puting rosas na
hawak ko.Ang isa ay galling sa karibal ko at ang isa ay galing sa isang walang
kwentang tao.

Fck.

Kahit naiinis ay nagawa ko pa ring ngumiti.Kinuha ko na ang dalawang rosas na


natitira at agad agad akong pumunta sa likuran kung san nakaupo si Summer.Nilapag
ko ang isa sa mesa niya at ngumiti.

“Bitch.” Sabi ko sabay irap.Tumalikod ako sa kanya at lumapit sa mesa ni Denise na


halatang malapit nang umiyak at nanginginig na sa kaba.Nilapag ko ang rosas sa
lamesa niya.”It’s your turn. Denise…sinong gusto mong mamatay sa klaseng ito?”

Pumameywang ako sa harap niya habang nakatingin ng diretso sa kanya.Dahan dahan


niyang kinuha ang puting rosas na kakaabot ko pa lamang sa kanya.Bakas pa rin sa
mukha niya ang pagkagulat na naging dahilan naman ng pagtawa ng karamihan sa
klase.Isa kang kawawang nilalang Denise.

“Ibibigay ko to..” mahinang sinabi ni Denise.”..sa sarili ko.”

Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ko nung narinig ko ang mga sinabi niya.Tama nga,
napakahina mo Denise Villaverde.Narinig ko ang malalakas na tawanan ng buong
klase.Isang sinyales na nagustuhan nila ang naging resulta ng libangan namin.

“Then go, kill yourself!!” Narinig kong sigaw ng isa sa kanila.Tumingin lang ako
kay Denise habang blanko ang ekspresyon ng mukha niya.Para siyang nawawala sa
tuliro.Parang walang pumapasok sa isipan niya kundi ang nanyayari ngayon.

Kinuha ni Denise ang lahat ng rosas na nasa mesa niya at nagmamadaling


umalis.Sinundan siya ng karamihan sa klase.Ang iba, walang pakialam.Nagkatinginan
kami ni Nichole.Hindi ko alam kung bakit pero…bigla akong kinabahan.
Baka seryosohin niya ang sinabi nila.

“Tawagan mo si Ash.Sabihin mo pumunta siya ngayon din sa school.Bilisan niya.” Utos


ko kay Nichole.

“Si Andy ang dapat nating tawagan.” Pagtutol niya s autos ko.

“Edi siya tawagan mo! Bilisan mo! BOBA!” sigaw ko sa kanya at tumakbo na ko palabas
ng classroom. Walangya ka Denise, ba’t kinakabahan ako ng ganito? “Nasan siya?!”
sigaw ko sa isang naming kaklase na pabalik ng classroom at halatang hingal na
hingal.

“Nasa rooftop!” nagmamadali niyang sinabi sa akin.”Seryoso siya! Magpapakamatay


siya!” tumakbo na ko paakyat.Aaminin ko, hindi ganito ang nasa isipan ko.Walang
pumasok sa utak ko na seseryosohin niya ang mga nanyari.Sino ba namang matinong tao
ang magpapakamatay dahil dun? Sige, mali na nga ang ginawa namin. Pero ito ang
unang beses na…manyayari to.

Akala ko wala akong magiging reaksyon…pero mali.Kahit papano, ako pa rin si Amanda,
ang dating loser.Ang babaeng walang ibang ginawa kundi pagbigyan ang lahat.Naging
mabait ako, naging matulungin pero walang nanyari.Ngayong nandito na ko sa
kinatatayuan ko bilang queen bee…ba’t ganun?

Bakit hindi pa rin ako masaya?

Umakyat ako sa huling dalawang hagdanan papunta sa rooftop.Ang hagdanan kung san
nahulog si Summer.Umiling iling ako habang pilit na kinakalimutan ang mga alaala na
bumabalik sa isipan ko.Ayokong maulit muli ang pagkakamaling iyon.

Hindi..Amanda…hindi ikaw ang tumulak kay Summer.Hindi mo kaya.Dahil lang yun sa


galit.Dahil sa isang mapanlinlang na kaibigan, si Camille.Siya ang may kasalanan ng
lahat.Siya ang dahilan kung ba’t kami nag-away ni Summer.

Si Camille, si Anne…gusto nilang sirain si Summer.Kaya ginamit nila ako.


Napapikit ako sa mga naaalala ko.Ayoko.Gusto ko nang kalimutan ang lahat.Halos
tinakbo ko na papunta sa pintuan at binuksan ito agad.Kitang kita ko si Denise na
nakaapak sa gilid ng rooftop.Isang maling hakbang at mahuhulog siya mula sa
ikatlong palapag ng highschool building.

Madaming pumipigil sa kanya.Mga teachers, guard, ibang estudyante…sinisigaw nila


ang pangalan ni Denise ngunit para siyang walang naririnig.Dahan dahan niyang
itinaas ang kamay niya at binitawan ang hawak hawak niyang mga puting rosas.

“Denise!” sinigaw ko ang pangalan niya ngunit parang wala pa rin siya naririnig.

Hanggang sa nanyari ang kinatatakutan ko…

“Denise!!”

Andy’s POV

“Hindi na ko papasok.” Sabi ko kay Lilith habang nakangiti.”Sasamahan na lang kita


rito.” Tumingin lang siya sa akin at naglakad muli sa pasilyo ng ospital.Pupunta
raw siya sa clinic ng doctor niya.Halos isang buwan na rin naman daw siya hindi
nakabisita dahil sa alam niya ay magaling na siya.

“Sige.Ginusto mo yan ah.” Narinig kong sinabi niya.Binilisan ko ang paglalakad ko


para maabutan ko siya.Nung nakatabi na ko sa kanya habang naglalakad ay dahan dahan
kong hinawakan ang kamay niya na naging dahilan ng pagkagulat niya.Napangiti ako
nang nakita kong namumula ulit siya.

“Dahil sa hindi mo dala si Andy ngayon.Hayaan mo akong maging substitute sa kanya.”

“So, gusto mo ring maging teddy bear ko?”

Natawa ako sa sinabi niya.

“Ang ayoko sa lahat ay yung tinatawanan lang ako.Tinanong kita diba? Dapat sumagot
ka nang maayos.” Kahit na masasabi kong sobrang malapit na kami sa isa’t isa, di pa
rin mawawala ang prangka at sobrang sungit na si Lilith.

Iyon ang gusto ko sa kanya.

“Bakit? Pwede ba?” sabi ko sa kanya habang ngiting ngiti ako.

“Sa susunod, wag mong sasagutin ng tanong ang tanong ko.” Bigla siyang tumingin sa
ibang direksyon. Halata pa rin ang pamumula ng buong mukha niya.Ilang minutong
naghari ang katahimikan sa amin.Umupo kami sa upuan sa labas ng clinic ng doctor
niya kasama ng ibang magpapa-check up din.

“Alam mo ba Andy…natatakot ako.” Napalingon agad ako sa sinabi niya.

“Bakit naman?”

“Kahapon kasi, may parang sumusunod sa akin.Alam kong may sumusunod sa akin
hanggang sa makauwi na ko.Nakakatakot pala.” Hinawakan ko muli ang kamay niya at
bahagya itong pinisil ng kaunti.
“Wag kang mag-alala, ihahatid na kita pauwi para walang manyaring masama ne?”
nginitian ko siya ngunit pagkatingin niya sa akin ay isang masamang tingin mula sa
mga mata niya ang nakuha ko.”Bakit parang galit ka sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Siguro lahat ng nakakasama mong babae, ginanyan mo na no?” tanong niya sa akin
habang nanlilisik ang mga mata niya.Natawa ako.”Sinabi ko bang pwede kang tumawa?”
pagtataray niya ulit.

“Iba ka Lilith, ibang iba ka.Sure na ko sa nararamdaman ko.Wag kang mag-alala, ako
lang ang Andy mo.” Namula ulit ang mukha niya at agad naman akong tumawa nang
tumawa.Hinahampas ako ni Lilith nang nagring ang phone ko.

Agad ko naman tong sinagot.

“Bakit Nichole?” tanong ko kay Nichole na nasa kabilang linya.

“Andy! Andy! Pumunta ka ng school bilis!” sigaw niya.Bigla akong kinabahan sa tono
ng pananalita niya.Napatingin ako kay Lilith na kanina pang nagtatanong kung ano
ang nanyayari.

“Bakit? Relax lang okay?”

“Si Denise!!” bigla akong nakaramdam ng kaba sa pagkakabigkas niya sa pangalan ni


Denise.Anong nanyayari? “Magpapakamatay si Denise!!” nanlaki ang mga mata ko
kasabay ng biglaan kong pagtayo.Binaba ko na ang phone at humarap kay Lilith.

“Lilith, kailangan ko munang umalis.Babalik ako! Promise! Hintayin mo ako.Babalikan


kita.” Sabi ko sa kanya.Hindi ko na nahintay ang tugon niya at nagmamadali akong
tumakbo palabas ng ospital.Malapit lang naman ang school dito.Kailangan kong
makarating doon bago maging huli ang lahat.Narinig kong tinawag ni Lilith ang
pangalan ko kaso wala akong oras para lumingon.Pangako, babalik ako.

Kailangan ako ng best friend ko…


Lilith’s POV

“Lilith, kailangan ko munang umalis.Babalik ako! Promise! Hintayin mo ako.Babalikan


kita.”

Iyan ang paulit ulit kong sinisiksik sa isipan ko.Babalikan ako ni Andy
dito.Hihintayin ko siya at sabay kaming uuwi.Siguro natagalan lang siya ng
kaunti.Nakapag-usap na kami ng doctor ko at nalaman kong kaunting medikasyon na
lamang ang kailangan ko.Naging mas mabuti ang lagay ko nang sinubukan nila ang
bagong gamot para sa mga katulad ko.

Na kung tawagin nila ay baliw.

Kinuha ko ang tubig sa tabi ko at nilagok ang laman nito bago ako tumayo at
nagpalakad lakad sa pasilyo.Tinignan ko ang oras, 4:30 pm na.9:45 am ako iniwan ni
Andy.Hindi pa ko kumakain tanging tubig lamang ang nagpapabawas ng gutom na
nadarama ko at pagod na kong maghintay.Pero sabi niya, babalik siya.Nagtitiwala ako
kay Andy.Babalikan niya ako.Alam ko yon.

Umupo muli ako.Ilang oras na lang..babalik rin siya.

Lilith, babalikan ka ni Andy.Hindi siya katulad ni Griselda na iniwan ka na lamang


bigla.Ibahin mo si Andy.
Kumakalam na ang sikmura ko nang tinignan ko muli ang oras, 7:30 pm.Nahihilo na
talaga ako sa gutom kaya lumabas na ko.Bumili muna ako ng tinapay at muling
naghintay sa loob.Kapag hindi dumating si Andy pag natapos akong kumain…susuko na
ko.

8:15 pm at wala pa rin si Andy.Tumayo ako at sinabit ang bag ko sa likuran ko.Tama
nga, hindi na siya babalik.Siguro ako lang yung tipo ng babae na kayang kayang
lokohin at paikutin.Nagkamali ako, isa lang din si Andy sa kanila.Wala siyang
pinagkaiba sa kanilang lahat.

Pare-pareho lang ang mga lalaki.

Umasa ako.Naghintay ako sa wala.Si Griselda lang talaga ang makakaintindi sa


akin.Mas mabuting bumalik ako sa dati kaysa sa ganito.Naramdaman kong may tumulong
mainit na likido sa mga mata ko.Dahan dahan ko itong hinipo…umiiyak ako?

Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na pala ang pagtulo ng tinawatawag nilang luha.Sa
pagkakatanda ko, ang huli kong iyak ay nung namatay sila mama’t papa…ngayon lang
muling lumabas ang mga likidong ito. Nagiging mahina na naman ako.

Dahil kay Andy.

Naglakad na ko palabas.Sumakay ako ng taxi at muling maglalakad papunta sa bahay.Sa


ngayon, hindi na ko umiiyak.Hindi na ko iiyak.Napayuko ako nang naalala ko muli ang
paghihintay ko kay Andy.Naloko ka na naman Lilith.

Napagdesisyunan kong dumaan sa kabilang daan papunta sa bahay.Kung san walang tao
baka sakaling maiwasan ko ang taong sumusunod sa akin ngunit bigla akong napatigil
sa paglalakad at lumingon sa likod.

Ito na naman….sinusundan na naman niya ako.


Wala akong nakita sa likod ngunit nang lumingon ako ay may taong bumungad sa harap
ko.Nanlalaki ang mga mata ko nang nakita ko ang hawak niya sa kanan niyang kamay na
halatang matalim at makintab na patalim.Naka-maskara siyang puti na nagtatakip mula
sa mukha niya hanggang sa batok niya habang suot suot niya ang kulay itim na jacket
at maluwang na pantalon.

Biglaan niyang tinanggal ang maskara at ngisi ang nakapinta sa mga labi
niya.Nanlaki muli ang mga mata ko.Agad akong kumaripas ng takbo papunta sana sa
kabilang daan kung san may mga tao.Sana’y may makakita sa akin.Tinitignan ko siya
habang mabilis akong tumatakbo.

Hinahabol niya ako.

Ngunit bigla siyang tumigil sa pagtakbo.Akala ko makakatakas na ko nang may


nabangga akong isang tao.

“Nichole?” sabi ko sa kanya habang dahan dahan akong umaatras palayo.Ngayon lang
akong nakaramdam ng ganitong takot at kaba habang papalapit siya nang papalapit sa
akin.Kilala ko siya.Naalala ko ang ginawa niya sa librarian.

Mamamatay tao siya.

Nilingon ko muli ang taong humahabol sa akin kanina.Nakatayo lamang siya doon
habang nakangisi.Hinatak ako ni Nichole gamit ang pananabunot sa buhok ko.Sinandal
niya ako sa pader kung san naiilawan ng isang munting poste.Mas lalo niyang
hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok habang pinandidilatan niya ako.

“Bago matapos ang lahat.Gusto ko lang magpasalamat Lilith.” Tinignan ko siya na may
pagtataka sa mga mata ko.”Salamat sa pagtatago ng sikreto ko.Naging malaking tulong
ka sa mga nanyayari ngayon.Hindi mo lang alam kung gaano mo ko pinasaya.Tatandaan
kita Lilith.Oras mo na.”
Oras ko na?

--

A/N: Tulad ng nasabi ko sa teaser (nasa fanpage) Ngayon pa lang, nagso-sorry na


ko! *with matching luhod* sa manyayari.Labag man sa loob ko, kailangan mamatay ng
mga panggulo.

NEXT CHAPTER: TO PERISH OR TO SUBSIST.

C45: To perish or to subsist. >>

Hindi lang pala "Read between the lines" kundi, "Read beyond the lines." ang
kailangan.Mostly, may ibang meanings ang nandiyan.Akala mo naintindihan mo pero
hindi pala.Ayon lang.Enjoy!

VOTE | COMMENT | FAN!

-----------------

Denise’s POV

Narinig ko ang tunog ng sapatos ni Amanda habang papalapit siya sa kinauupuan


ko.Nakatulala ako sa mga puting rosas na nasa mesa ko.Hindi ko alam ang dapat
madarama ko.Magagalit ba ko? Iiyak? O magpapakamanhid na lang at ngingiti tas
sasabihin sa kanila na ayos lang.

”It’s your turn. Denise…sinong gusto mong mamatay sa klaseng ito?” sabi sa akin ni
Amanda pagkatapos niyang ilapag ang rosas sa lamesa ko.Tinignan ko ito.Nasasaktan
ako ngunit walang tumutulong kahit isang patak ng luha mula sa mga mata
ko.Kumikirot ang puso ko ngunit para bang walang pumapasok sa isipan ko
kundi….tapusin ang lahat.

“Ibibigay ko to..sa sarili ko.” Mahina kong sinabi.Narinig ko na naman ang mga
nakakabingi nilang tawanan.Ang mga boses ng mga taong gusto akong makitang
mamatay.Ang mga tawanan ng mga taong gusto akong masaktan.

“Then go, kill yourself!!” isang sigaw na nangibabaw sa buong klase.

Tama, gusto nyo kong mamatay.Gusto nyo kong mawala.Gusto nyong matapos na ang
lahat.Tumingin ako ng diretso ngunit nakatitig lang ako sa kawalan.Pakiramdam ko’y
para bang wala na kong ibang nararamdaman kundi matinding kalungkutan.Kinuha ko
lahat ng puting rosas at mabilis akong lumabas sa classroom, sa impyerno ko.

Tuloy tuloy ako sa hagdanan papunta sa rooftop ng High school department.May mga
kaklase akong nagsisunod sa akin ngunit wala akong pake.Kung ano ang gusto nila,
iyon ang ibibigay ko sa kanila.Kung gusto nila akong mamatay, gagawin ko.

Tatapusin ko na ang lahat ng ito.

Nakakarinig ako ng sigawan.Tinatawag nila ang pangalan ko ngunit para bang wala
akong gana na pansinin sila.Tulala ako.Dahan dahan kong inapak ang mga paa ko.Para
akong wala sa sarili basta ang alam ko, kailangan kong tumalon.Tinignan ko ang
baba, mataas ngunit sa sakit na nadarama ko ngayon, wala nang mas sasakit pa sa
pagpapamukha nila na dapat akong mamatay.

Ang sakit sakit.

Itinaas ko ang kamay ko at dahan dahan kong pinakawala ang mga puting rosas na nasa
kamay ko.Tinignan ko ito habang isa-isang bumabagsak sa baba.Ito ang mga rosas para
sa kamatayan ko.Hindi ko aakalain na magagawa nila ito sa akin.Nang wala na akong
hawak na rosas ay bumuntong hininga ako at muling tumingin sa kawalan.Ito na siguro
ang katapusan.
Hahakbang na sana ako at narinig ko na ang sigawan ng lahat nang may humawak sa
kamay ko bago pa man ako makahakbang.

Si Andy.

Hinatak niya ako na naging dahilan ng pagkasandal ko sa dibdib niya.Hingal na


hingal siya habang yakap yakap ako.Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko at kinausap
ako habang deretsong nakatingin sa aking mga mata.

“Ayos ka lang ba? Denise!” inalog alog niya ang balikat ko ngunit para bang wala
akong reaksyon na natatanggap mula sa utak ko.Wala akong maramdaman…gusto ko pa
ring tumalon.”Denise! tumingin ka sa akin! ” sigaw niya muli sa akin.

Hindi ako nakasagot kaya muli niya akong niyakap at ang pag-iyak niya ang kinagulat
ko sa lahat.Hindi ko alam kung bakit pero tuloy tuloy na ring tumulo ang mga luha
ko nang sandaling iyon.Lahat ng luhang hindi ko nailuha kanina, lahat ng hagulgol
na hindi ko nagawa…ngayon lang bumuhos ang lahat.

“Gusto nilang akong mamatay…Andy, gusto nila akong mawala…” paulit ulit kong
sinasabi kay Andy.Alam kong hindi niya masyadong naiintindihan ang mga sinasabi ko
dahil sa labis kong pag-iyak ngunit hindi ko na kaya…kailangan kong ibuhos ang
lahat ng ito.

“Sorry..sorry..” binubulong sa akin ni Andy habang humagulgol ako sa balikat


niya.”Nandito na ko Denise..nandito na ang best friend mo.” Dahil sa mga sinabi
niya ay napayakap pa ko ng mahigpit sa kanya.

Andy’s POV

Kahit na malapit lamang ang school at kayang kaya kong lakarin ito ay pumara pa
rin ako ng taxi.Dalawang beses ko nang sinabi sa driver na bilisan ang
pagmamaneho.Halos nanginginig na ko sa kaba habang nakaupo.Kahit na sabihing ilang
buwan ko rin siyang hindi kinibo, hindi pa rin maiaalis ang pag-aalala ko, dahil
best friend ko pa rin siya kahit anong manyari at aaminin kong dati ko pa siyang
gustong kausapin ngunit wala lang akong lakas ng loob.

Pagkadating na pagkadating sa main gate ng school ay agad akong pumasok.Walang


guard na nakabantay kaya mas madali akong nakapasok.Pagkapasok ko sa loob ay agad
na nakuha ang atensyon ko ng isang babae na nakatayo sa rooftop na para bang
magpapakamatay.

Madaming taong nanonood sa kanya at isa na ako dun.Kitang kita ko ang pagtaas niya
ng kamay niya at dahan dahan niyang binibitawan ang mga hawak niyang bulaklak.Hindi
ko siya agad namukhaan ngunit nang lumipas ang ilang segundo ay automatikong
gumalaw ang mga paa ko at madaling madali akong umakyat papunta sa huling palagpag
ng high school dept. Ilang beses akong napamura sa isipan ko.

Hindi ako makakapayag na mamatay si Denise.

Hingal na hingal man ay hindi ako tumigil sa pagtakbo.Nakabukas ang pintuan papunta
sa rooftop mismo kaya tuloy tuloy ako.Narinig ko ang malakas nilang sigawan nang
unti unting tinataas ni Denise ang paa niya sa hangin.

“Denise! Wag!” sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya.Hinatak ko agad bago pa


man niya ituloy ang gusto niyang gawin gamit ng paghawak sa kamay niya.Hinawakan ko
ang ulo niya sapat para matignan ko siya ng mabuti sa mga mata.

“Ayos ka lang ba? Denise!” inalog alog ko ang balikat niya ngunit para bang wala
siyang naririnig. Nakatingin lang siya sa baba.”Denise! tumingin ka sa akin!” sigaw
ko muli sa kanya.

Hindi siya sumagot kaya wala na kong nagawa kundi yakapin siya nang mahigpit.Bigla
kong naramdaman ang pagluha ko at sa bawat pagpatak nito ay may kirot akong
nararamdaman.Hindi ko akalain na darating sa ganitong punto ang mga bagay bagay.

“Gusto nilang akong mamatay…Andy, gusto nila akong mawala…” Malabo man ang
pagkakasabi niya ay naintindihan ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.Kung
ano man ang nanyari, hindi ko sila mapapatawad.

“Sorry..sorry..” walang tigil ang paghagulgol niya. Hindi ko alam kung papano siya
patahanin.”Nandito na ko Denise..nandito na ang best friend mo.” Naramdaman ko ang
paghigpit ng yakap niya.Inalalayan ko siya habang pababa kami ng hagdanan.Tinaklob
ko si Denise sa suot kong jacket, hanggang ngayon kasi umiiyak pa rin siya.Madaming
taong nanonood sa amin ngunit hindi ko na ito pinapansin.Kahit anong sabihin nila,
wala nang magpapabago sa sitwasyon.Dere-deretso kami sa clinic kung san maaring
makapagpahinga si Denise.
Kumatok kami at dali daling pumasok sa loob.Sinalubong naman kami ni nurse Tin at
agad na inalalayan si Denise upang makaupo.Tinignan niya ito na para bang awang awa
at dahan dahang hinawakan ang kamay ni Denise.

“Paparating na si Ash.Nasa Tarlac siya pero uuwi daw siya.” Ngumiti si Denise sa
kanya, napakalungkot na ngiti.”Sa ngayon, magpahinga ka muna dito.Hangga’t hindi pa
nagiging okay ang pakiramdam mo.” Tumayo si nurse Tin at pumunta sa kabilang kama
na kaharap ng kinauupuan ni Denise ngayon.”Alam mo, wala nang naidulot na maganda
yang laro na yan e.”

“Laro?” tanong ko sa kanya.”Anong laro?”

“White Rose.Alam mo na siguro ang ibig sabihin nun.” Tumango lang ako.Tama, ang
white rose.Napayuko ako nang naalala ko muli ito.”Akala ko nung nawala na siya,
mawawala na rin ang larong ito.” Tinignan ako ni nurse tin na para bang may gustong
ipahiwatig.Nagtanong naman si Denise kung sino ang tinutukoy niya.

“Ang nagpasimuno ng laro.” Agad na napatingin si nurse tin sa bintana.”Si teacher


Yuko.”

Sa pagkakasabi niyang iyon ay mas lalong sumama ang ekspresyon ng mukha ni


Denise.Napausog siya at sumandal sa pader habang ako’y nanatiling nakatayo.Hindi ko
alam na sa kanya nagmula ang larong iyon.”Pano mo nalaman?” tanong ko muli kay
nurse tin.

“Alam ko lang.” tumingin siya sa akin at ngumiti…kakaibang ngiti.“Sige, mauna muna


ako.Pinapatawag ako sa office of the president.Babalik din ako.” Pamamaalam
niya.Binuksan ko naman ang pinto at hinintay siyang lumabas bago isarado ito.

Bigla kong naalala si Lilith.

Hinihintay niya ako.

Nakita kong nakahiga na si Denise sa kama at nakatingin sa akin.Lumapit ako sa


kanya at umupo sa gilid ng kama.”Aalis na ko.May babalikan pa ko.” Sabi ko sa kanya
sabay tayo.Papunta na sana ako sa pinto nang hawakan niya ang dulo ng suot kong
shirt.Tinignan ko siya at nakita ko muli ang malungkot niyang mukha.

“Wag mo kong iiwan Andy..kahit ngayon lang.”

Wala na kong nagawa kundi umupo sa tabi niya at bantayan siya habang
natutulog.Tinignan ko muli ang mukha niya.Ang tagal ko na rin itong hindi
natitignan nang malapitan.Bumaba ako ng kama at bahagyang umupo upang matapat ang
mukha ko sa mukha niya, para mas matignan ko siya.

Kung wala si Ash, kung hindi lang dumating si Ash….sana ako na lang Denise.

Dahan dahan kong nilapat ang labi ko sa noo niya.

“I miss you, best friend.”

Lilith’s POV

Oras ko na?

Isang ngisi ang pumorma sa mga labi ko na kinagulat naman ni Nichole at naging
dahilan ng kanyang pag-atras.Ayokong ipakita na natatakot ako.Kung kailangang
lumaban…lalaban ako. Wala akong kakampi. Walang makakapagtanggol sa akin kundi ang
sarili ko.

Ngunit bigla niyang hinatak ang kamay ko.Pinilit kong ialis ito sa pagkakahawak
niya ngunit tila wala akong lakas.Biglang nawala ang lakas ng loob na inipon ko
kani-kanina lamang.Ngunit dahil sa wala na ko ibang magpapipilian ay kinagat ko ang
braso niya.Iniinda niya ang sakit ngunit mas lalo ko itong diniinan kaya napabitaw
siya bigla.

Tumakbo ako nang tumakbo papalayo kay Nichole.Papalayo sa taong gustong pumatay sa
akin.

“Akira! Ba’t nakatayo ka lang diyan?!” narinig kong sigaw niya kaya mas lalo kong
binilisan ang pagtakbo.Nagtataka ako nang hindi nila ako hinahabol.Napangiti ako
nang naisip ko na natakasan ko na silang dalawa.

Napahinto ako at sandaling hinabol ang hininga ko.Nakapatong ang dalawa kong kamay
sa tuhod ko habang bahagyang naka-upo.Nang pakiramdam ko ay maayos na ang paghinga
ko ay tumayo na ako nang maayos habang nakapikit upang mas makondisyon ang katawan
at isipan ko.

Nakatakas ka na, Lilith.Ligtas ka na.

Tatakbo na sana ako ngunit pagdilat ko ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa
harapan ko.Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ko kung sino siya.Napahawak ako sa
bibig ko at nanginginig na umatras.

Hindi maari…

Ba’t siya nandito?

Hinatak niya ako sa braso at pinatong ang isang panyo sa bibig ko.Kakaiba ang amoy…
tila ba pinanghihina ang katawan ko.Muli ko siyang tinignan bago ako nawalan ng
malay.Sa pagpikit ko ay isa lang ang nasabi ko sa isipan ko.
Kung isa nga siya sa kanila…nanganganib talaga ang lahat.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa isa akong malaking kwarto na walang laman kundi
isang malaking orasan na nakasabit sa dingding.Maliwanag ang buong paligid dahil sa
ilaw na nasa kisame ng kwarto.Sa isang tingin mo pa lamang sa kwartong ito ay
masasabi mong parte ito ng isang abandunadong gusali.

Nakatali ang mga kamay ko at ang dulo ng tali ay nasa kisame.Bahagya akong nakatayo
at tila ba ngayon ko lang naramdaman ang lubhang pananakit ng mga paa at kamay ko
dulot sa pagkakatali nang mahigpit.Tinignan ko muli ang kadugtong ng tali sa mga
kamay ko sa kisame.

Mahirap makatakas..

Isa pa sa nakakadagdag ng takot ko ay ang malakas na pagtunog ng orasan sa tuwing


tumatakbo at lumilipas ang bawat segundo, bawat minuto at bawat oras.Hindi ko alam
kung bakit pero sa bawat tunog nito ay napupuno ang isipan ko ng mga imahe na hindi
ko dapat isipin.

Papatayin na nila ako.Yun lang ang alam ko.

Hindi na ako ang dating Lilith na para bang nasisiyahan pa sa mga bagay na hindi
masikmura ng mga normal na tao.Wala na ang Lilith na yon.Ang Lilith na walang
kinatatakutan…kahit ang kamatayan.Sa pagbabago ko, naging mahina ako.Natuto akong
masaktan.Natuto akong matakot.

Muli ay sinubukan kong alisin ang mga tali sa mga kamay ko.Ilang beses ko ring
hinatak ang kamay ko pababa para sakaling masira ko ang tali na nasa itaas ngunit
bigo ako.Tumayo ako ng maayos ngunit muli kong naramdaman ang sakit ng mga paa
ko.Halos napasabit ako nang napaupo ako sa sahig.Nakataas ang mga kamay ko habang
ito’y nakatali at napayuko na lamang ako sa panghihinayang.

Hindi ko akalain na manyayari to.

Napatingin naman ako kaagad nang narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.Nakita
kong papasok si Nichole kasama siya.May hawak hawak na duct tape si Nichole sa
kaliwa niyang kamay at isang malaking kutsilyo naman sa kanan.Nakaramdam ako ng
matinding takot nang nakita ko ang mga ngisi sa mga labi nila.

“Ako na.” narinig kong sinabi niya.

“Pero..Akira.” pagtutol ni Nichole.

“Kapag sinabi kong ako na, ako na!” wala nang nagawa si Nichole kundi ibigay sa
tinatawag niyang Akira ang hawak niyang duct tape at malaking kutsilyo.Lumabas si
Nichole na may naiiritang eskpresyon sa mukha nito.Nabaling naman ang atensyon ko
sa kanya.Tinignan ko siya ng masama habang papalapit siya nang papalapit sa
kinatatayuan ko.

“Kung nakakamatay na ang tingin, sigurado kanina pa ko patay.” Pagkasabi niya ay


tumawa siya nang mahina na para bang isang malaking biro lang ito sa kanya.

“Ba’t mo ko papatayin? Wala akong kasalanan!” sigaw ko sa kanya.”Dapat sila ang


pagbayarin mo, bakit ako?!” muli kong pagsigaw.Hindi ko talaga mawari kung ba’t
nandito ako sa sitwasyong ito.Lumapit siya sa akin habang nakayuko.Nang malapit na
ang mukha niya sa mukha ko ay bigla niyang hinablot ang buhok ko sa may batok at
sinabunutan ito ng ubod nang higpit.

“Sa tingin mo wala kang kasalanan?!” sabi niya habang pinandidilatan niya ako.Muli
niyang hinigpitan ang pagkakasabunot niya sa buhok ko.”Dahil wala kang ginawa!”
naramdaman ko ang matinding emosyon sa bawat salitang sinambit niya.Galit..poot…
lahat.Ilang sandali ang nakalipas at binitawan na niya ang buhok ko.Pumilas siya sa
duct tape na hawak niya at tinapal ito sa bibig ko.Lumakad siya ng ilang hakbang
palapit sa pader .

“Itaas mo ang tali.” Sigaw niya sa may dingding.


Kaba

Takot

Iyan ang naramdaman ko habang tinataas ako.Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng mga
balikat at braso ko.Pilit kong ginagalaw ang buo kong katawan.Pilit kong inaalis
ang pagkakatali ngunit tila ba’y napakatatag ng taling ginamit nila.

Takot na takot ko siyang tinignan habang papalapit muli siya sa akin.Itinaas niya
ang kutsilyo.Pinaikot ikot niya ang hawakan nito gamit ang kamay niya.Tumigil siya
sa harapan ko.Ilang hakbang lamang ang layo ng kinatatayuan niya mula sa
kinalalagyan ko.

Umiling iling ako upang maipahiwatig na maawa siya sa akin.

“Noong namatay si Freya, ako lang ang nagluksa.Lahat sila…pinagtawanan lang ang
pagkamatay niya.Alam ko, alam kong iyon ang naramdaman nila..” tumingin siya ng
deretso sa mga mata ko tsaka nagsalita muli.”Kasama ka dun Lilith?” Umiling iling
muli ako.”Sinungaling!” sigaw niya sa akin kasabay ng pagtapon ng kutsilyo deretso
sa binti ko.

Halos lamunin ko na ang duct tape sa pagsigaw na alam ko namang walang magagawa
kahit isang tunog.Lumapit siya sa akin at binunot ang kutsilyong nakabaon sa kaliwa
kong binti.Maaring hindi naman masyadong malalim ang pagkakabaon nito ngunit
sadyang masakit pa rin…wala akong maisip na salita na maaring makapagpaliwanag ng
sakit na nadarama ko ngayon.

“Lahat kayo…lahat kayo may kasalanan.Sa akin, kay Freya…” napayuko siya habang
hawak hawak sa kanan niyang kamay ang malaking kutsilyo.Tuloy tuloy ang pagtulo ng
dugo mula sa binti ko katulad ng luha ko na kanina pang umaagos sa mukha
ko.”Magbabayad kayo….tatapusin ko ang larong ginawa nyo.”

Sa bawat pagtunog ng orasan..sa galaw ng kamay nito sa bawat segundo…nararamdaman


ko na ang nalalapit kong kamatayan.Katapusan ko na nga ba talaga? Napapikit ako sa
sakit nang naramdaman ko ang muling pagbaon ng kutsilyo sa mismong buto ng kanan
kong paa.
“Mas masakit pa ang pinaramdam nyo sa akin kaysa sa mga saksak na yan.” Lumapit
siya sa akin.Tumingala siya upang matignan ang mukha ko haba ako’y nakayuko naman
upang makita kung ano ang gagawin niya.

Takot man, kailangan kong harapin ang kamatayan. Sa sakit na nadarama ko ngayon ang
tanging gusto na lamang ay ang mamatay nang tuluyan.

Patayin mo na ko..

Madiin madiin niyang binaon ang kutsilyo sa likuran ko.Nanlaki ang mata ko sa sakit
na dinulot ng pagkakasaksak niya.Narinig kong tumawa siya habang dalawang beses
siyang umatras palayo sa akin.Duguan ang katawan ko habang walang kalakas lakas na
nakasabit.Para akong karne na nakasabit sa mga tindahan sa palengke.

Walang kalaban laban.

“Gusto mo na bang mamatay?” mahina niyang sinabi .Tumingin ako sa kanya na may
pagmamakaawa sa mga mata ko.Nagmamakaawa na tapusin na niya lahat ng ito.Hindi na
kaya ng katawan ko…hindi na kaya ng isipan ko.

Gusto ko nang mamatay.

Naramdaman ko ang pagbaba ng tali hanggang sa nakaapak na ko sa sahig.Halos hindi


ako makatayo ngunit piniit ko…ito na lamang ang huli kong magagawa bago pa man ako
mamatay.Gusto kong muling maramdaman ang lamig ng sahig, ang pagtibok ng puso,
pagtulo ng pawis at dugo dahil ito na ang huling beses na magagawa ko ito bago pa
man ako maging malamig na bangkay.

Hinang hina akong tumingin sa kanya.Umiikot na ang paningin ko ngunit nagawa kong
tumingin ng deretso sa mga mata niya.Lumapit muli siya sa akin.Natatanaw ko ang
kislap ng kutsilyong hawak niya sa kanang niyang kamay.Pinatong naman niya ang
kaliwa niyang kamay sa may ilalim ng batok ko.

Patayin mo na ko.Parang-awa mo na.Hindi ko na kaya.

Inilapit naman niya ang bibig niya sa tainga ko at tsaka bumulong. “Paalam…Lilith.”
Hanggang sa kabilang buhay hindi ko malilimutan ang pagbigkas niya ng pangalan ko…
napakalamig..puno ng pighati at galit.Napapikit ako nang naramdaman ko ang madiin
na madiin niyang pagsaksak sa batok ko.

Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib kasabay ng pagdilim ng akin paningin.

Paalam..

Nang naimulat ko ang mga mata ko ay nasa isa akong kwarto na walang ibang kulay
kundi puti.Ang sahig, ang dingding, ang kisame..lahat puti.Bigla akong napaisip
kung nasan ako.Nagpalakad lakad ako upang hanapin ang pinto.

Ngunit ilang minuto na kong naglalakad at tila walang hanggang itong kwartong
kinalalagyan ko at wala akong nahanap na kahit anong lagusan palabas ng puting
kwarto na to.Napaupo na lamang ako sa isang sulok at niyakap ang mga tuhod ko.

Nag-iisa na naman ako.

Ilang sandali lang at dinalaw ako ng antok.

“Lilith.”
May naririnig akong boses.

“Anak.”

Napatingala ako kaagad at nakita ko sila mama’t papa kasama si kuya.Inaabot ni papa
ang kamay ko kasabay ng muling pagtawag sa akin ni mama.

“Anak, tara na.”

Tinignan ko naman si kuya Denzel, ang nag-iisa kong kapatid habang siya’y nakangiti
sa akin.

“Matagal ka na naming hinihintay.” Sabi ni kuya Denzel.Ngumiti ako kasabay ng pag-


abot sa kamay ni papa.Nagtawanan kami kasabay ng paglalakad namin.Walang hanggang
kaming naglalakad sa kwartong puti na ito.

“Mama, nasan ba ang pinto palabas?” tanong ko kay mama.

“Kung san tayo dadalhin ng mga paa natin, iyon na ang pagkakalagyan natin.Nasa
paraiso na tayo.Mamaya, makikita mo Siya.”

“Sinong siya?” tanong ko muli.

“Ang pinagmulan ng lahat.”


--

A/N: R.I.P Lilith </3

NEXT CHAPTER: ----

C46: Distorted. >>

Dedicated kay Xandra :> Panourin nyo po yung video sa gilid! Boses niya yon at
original composition niya :"""> Thank you ulit! :***** Galing galing tologoooo.

Si Thania nga pala ang nasa gif, ang kakambal ni Freya.Di ko talaga mahanap yung
pangalan ng fictional character nila T__T Kaya sa mga may gusto magka-peysbuk si
Thania, pengeeeng fictional character! HAHA.

#Enjoy! Bawal ang silent reader!

VOTE | COMMENT | FAN!

----

Denise’s POV

Nagising ako na wala si Andy sa tabi ko bagkus ay nakita kong nakatayo sa isang
gilid si Ash habang nakasandal sa pader at nakabulsa ang dalawa niyang kamay sa
magkabila niyang bulsa.Tinignan ko lamang siya.Agad akong tumayo at niyakap ko siya
nang ubod nang higpit.

“Ash, mabuti at nandito ka na.” sabi ko sa kanya.Narinig kong bumuntong hininga


siya.Mukhang may problema..”Bakit Ash?” tanong ko sa kanya.

“Wala Denise..nag-aalala lang ako sa’yo.” Binalik niya ang pagkakayap ko sa kanya
at ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.”Tara na.Gabi
na.Hinihintay ka na sa inyo” Hinawakan niya ang kamay ko at binuksan niya ang
pintuan.”Di na kita ginising dahil sobrang himbing ang tulog mo.Sabi ni nurse Tin,
kailangan mong magpahinga dahil sa stress at depression.Tinawagan ko na rin ang
mama’t papa mo.” Sabi niya habang nilo-lock ang clinic.

“Ash..sorry.” sabi ko ng mahina sa kanya.Humarap lamang siya sa akin at hinawakan


ang magkabila kong pisngi.Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at tinignan ako sa
mga mata.

“Denise, wag kang magsorry.Naiintindihan ko…naiintidihan ko.Dapat ako ang humingi


ng tawad sa’yo dahil sa oras na kailangan mo ko, dun pa ako wala.”

Nakita kong ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

Matagal tagal na rin kaming nakaupo sa kotse niya at tahimik na nagbabyahe.Di ako
makapagsalita at alam kong hindi rin siya komportable pagkatapos ng nanyari sa
akin.Siguro kailangan ko rin nito…ang katahimikan.

“Tara.” Huminto kami sa isang malaking simbahan.Lumabas si Ash at binuksan ang


pinto ng kotse para sa akin.Lumabas naman ako at sandaling tumayo doon habang
tinitignan ang malaking simbahan.

“Anong ginagawa natin dito Ash?” tanong ko sa kanya.Nakita kong ngumiti siya at
hinatak ako papunta sa loob.

“Matagal na rin akong di nakakapunta dito.Nagalit kasi ako.Nagalit ako sa Kanya.”


Tumingin siya sa taas ng simbahan kung san may malaking krus.”Siguro dahil wala na
kong ibang masisisi kaya Siya na lang ng sinisi ko sa lahat ng nanyari sa buhay
ko.Matagal na rin akong di nagpapasalamat at humingi ng tawad sa Kanya.”

Napayuko ako.

“At sa tingin ko, Siya ang kailangan mo ngayon.” Tumingin ako sa kanya at alam kong
ilang sandali ay maiiyak na ko sa harapan niya.Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa
kamay ko habang naglalakad kami papunta sa upuan.

Umupo ako at bumuntong hininga.Nakita kong lumuhod si Ash sa luhuran at


nagdasal.Nakadikit ang mga kamay niya sa noo niya habang nagdadasal ng
seryoso.Tumingin ako sa altar, biglang kumirot ang puso ko.Masyado akong naging
mahina.Masyado akong nagpadala sa mga tao pero hindi ko naisip ang Diyos…nagpadalos
dalos akong wakasan ang buhay na hiniram ko sa kanya.

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.Nanginginig ako
habang lumuluhod at kasabay ng dasal ko ang hagulgol at pagluha.Paulit ulit akong
humingi ng tawad, nagpasalamat at humingi ng tulong..…ng lakas.

Naramdaman ko ang paghagod ni Ash sa likuran ko upang kumalma ako nang kaunti.Hindi
ko naisip si Ash, si Andy, si mama’t papa at ang Diyos na patuloy akong
minamahal.Napakamakasarili ko talaga.Dahan dahan akong umupo na humihikbi-hikbi
pa.Tahimik lamang si Ash sa tabi ko habang nakatingin din sa altar.Siguro gusto
niya lang akong bigyan ng pag-asa kaya niya ako dinala rito.

Upang maparamdam na hindi ako nag-iisa dahil nandiyan pa sila…nandiyan pa Siya, ang
Diyos.

Sumandal ako sa balikat ni Ash habang patuloy ang pagtulo ng mga luha.Naramdaman ko
ang paghagod niya sa kaliwa kong balikat upang mapatahan ako.Ilang sandali ang
nakalipas at hinawakan na ni Ash ang kamay ko upang makatayo.Hindi na ko nagtanong
o nagsalita pa.Tuloy tuloy kami sa kotse niya.Tumingin siya sa akin bago paandarin
ang kotse.Nginitian niya ako.

Panatag na ang loob ko.


Salamat Ash.

Andy’s POV

“Opo, nakalugay po ang buhok niya.Naka-jacket po siyang puti na may hood at naka—“
agad akong napatigil sa pagtatanong sa nagdaan dahil umalis na ito habang paulit
ulit na sinasabing wala siyang nakitang ganung babae.Agad akong lumingon upang
maglakad muli at magtanong tanong.

“Nakita nyo po ba ang babaeng to?” pinakita ko ang litrato ni Lilith ngunit umiling
iling lang ang babae.Napaupo ako dahil sa pagod.Inis na inis kong ginulo ang buhok
ko bago tumayo sa kinauupuan ko.Akala ko umuwi na si Lilith sa kanila…akala ko
hindi na niya ako hinintay ngunit nagulat ako nang tumawag ang mga magulang ni
Lilith at sinabing hindi pa raw ito umuuwi.

Hindi ko alam kung san siya hahanapin.

Masama din ang kutob ko na may nanyari sa kanyang masama.Kasalanan ko to…hindi ko


siya binalikan.Kasalanan ko lahat ng ito.Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko
kapag may nayaring masama kay Lilith.

Muli akong lumapit sa isang ale at pinakita ang litrato ni Lilith ngunit tinulak
lang ako nito.Napaupo ako sa semento at bumuntong hininga bago muling tumayo.Hindi
ako maaring tumigil.Kailangan ko siyang makita.Tumakbo ako papunta sa kabilang
direksyon kung san mas marami ang tao.

Ilang beses na kong hindi pinansin, sinungitan at tinaboy ngunit kailangan kong
gawin ito.Hahanapin ko si Lilith at ilang sandali na lang ay makikita ko siya,
naniniwala ako.
Lilith, nasan ka na ba?

Napalingon ako nang may humawak sa balikat ko.

“Thania?” pagsambit ko sa pangalan niya.

“Anong ginagawa mo?” tinignan niya ang hawak hawak kong litrato ni Lilith.

“Nawawala si Lilith.Sige mauna na—“ di ko naipagpatuloy ang pagsasalita ko nang


narinig ko ang tugon niya.Ang tugon na nagpakaba ng lubos sa akin.

“Nawawala o Namatay?”

Biglaan kong hinawakan ng mahigpit ang magkabila niyang balikat at tinignan siya ng
ubod ng sama bago nagsalita.

“Nasan siya? San mo siya dinala?!” ngunit bago ako makakuha ng tugon sa kanya ay
inalis niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya.Tumayo lamang siya doon habang
nakatingin ng diretso sa mga mata ko.Isang ngisi ang pumorma sa mga labi niya..

“Anong pakiramdam Andy? Anong pakiramdam ng naghahanap? Ang mawalan ng mahal sa


buhay? Ang iwan? Ganyan din ang naramdaman ni Freya..Wala siyang kakampi.Wala
siyang malalapitan. Binalikan mo ba siya Andy? Nung sinabi niyang umalis ka at
magpapakamatay na siya, bumalik ka ba Andy? Hindi diba?!!” naramdaman ko ang galit
sa pagsasalita niya lalo na sa pagtaas ng tono ng boses niya.

“Naghihiganti ka ba para kay Freya? Hindi ba ikaw ang pumatay sa kanya? Ba’t iyan
sinasabi mo yan?” tanong ko sa kanya.Narinig kong mahina siyang tumawa.
“Nakalimutan mo na ba? Ako na ang bagong Freya.” Tumigil siya sandali sa
pagsasalita bago ipagpatuloy ang sasabihin niya.”Nakikipaglaro lang ako.Ikaw Andy,
nakikipaglaro ka rin ba?” tinuro niya ang dibdib ko.”Totoo ka rin ba? O nagbabalat-
kayo ka lang?” hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.”Pero wala na kong pake
kung alin ka sa dalawa basta ang importante, ikaw ngayon ang nataya.” Ngumisi siya
sa akin bago siya naglakad palayo.

Naupo muli ako sa inis.

Napatingin ang lahat ng tao sa akin nang sumigaw ako na parang baliw.Gusto ko lang
ilabas ang nasa loob ko. Gusto kong umiyak nang muli kong naalala ang lahat
lahat.Ang mga mata ni Freya, ang mga sinabi niya…lahat lahat.Humawak ako nang
mahigpit sa dibdib ko nang naramdaman ko ang matinding pagkirot nito.

Tumayo ako muli.Kailangan kong hanapin si Lilith kaysa alalahanin ang


nakaraan.Narinig ko ang pagring ng phone ko.Tinignan ko kung sinong tumatawag, ang
nanay ni Lilith.Agad ko itong sinagot at iyak ang bumungad sa akin.Nabitawan ko ang
phone na hawak ko nang narinig ko ang sinabi ng nanay ni Lilith.

“P-Patay na si L-Lilith.Nakita naming ang ba-bangkay n-niya..”

At sa mga salitang iyon ay para bang gumanaw na ang mundong ginagalawan ko.

Nichole’s POV

Tinignan ko ang suot kong relo, 11:30 pm.Kanina pa umalis si Akira at ito na ang
oras upang makapag-usap kami.Nakita ko siyang pumasok sa kwarto.Ni hindi niya ako
tinignan o binati man lang at tuloy tuloy siya sa upuan.Mukhang dismayado siya.

“Anong problema?” tanong ko sa kanya.


“Wala ka na dun.” Nakaramdam ako ng inis sa tugon niya.

Di bale, papatayin ko rin naman siya.

“Tungkol sa plano.Pwede na ba nating gawin to?”

“Kung kalian mo gusto.” Sabi niya.

Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya.Nakatingin lamang siya sa ibaba na para


bang may kung anong gumugulo sa isipan niya.Sa isang tingin pa lang niya ay alam ko
nang sadyang napakalalim ng iniisip niya.

“Ano bang plano mo?”

Imbis na alamin ko kung anong gumugulo sa kanya ay mas mabuti na lang na dumiretso
na ko sa gusto kong malaman.Hindi na importante kung ano ang iniisip niya, mawawala
rin naman siya.Isa siya sa mga kalat na dapat kong walisin.

Tumingala siya upang makita niya ko.May kakaibang kislap ang mga mata niya.

“Dalawa.” Tumayo muna siya bago niya ipagapatuloy ang mga sasabihin niya.”Dalawa
ang magiging bisita natin.Pareho silang makakatanggap ng text message at
sisiguraduhin kong pupunta sila.Dun natin papatayin si Akira.”

“Ba’t kailangan may bisita pa? Hindi ba makikilala tayo ng mga yon?” palakad lakad
siya sa harapan ko na tila ba nag-iisip pa ng mas malalim.

“Hindi tayo tanga para makilala nila.May isa pa akong plano.Isang palabas, bibigyan
natin sila ng magandang palabas.” Ngumisi siya sa akin.Hindi ko maipaliwanag kung
bakit pero..
Natatakot ako sa isa pa niyang plano…

Denise’s POV

“Isang karumal-dumal na pagpatay ang nanyari sa anak ng business tycoon na si


Lilith Santiago. Natagpuan daw ang nasabing bangkay na nakasabit sa mismong pintuan
ng bahay nila sa isang sikat na subdivision dito sa Maynila.Kinuwestyon ang
siguridad ng nasabing subdivision dahil sa panyayaring ito.”

Iyan ang bumungad na balita sa buong Laketon Academy, sa buong Pilipinas.

Malungkot man ay pumasok pa rin ako.Siguro dahil sa nanyari kahapon, di maiwasan


ang pagtingin sa akin ng mga tao.Kalat na kalat sa buong Academy kahit sa ibang
lugar ang pagtangka kong pagpapakamatay.Tapos ngayon, nabalitaan pa namin na patay
na ang isa sa kaklase na si Lilith.

Nilapitan ko si Alex habang naglalakad siya papunta sa classroom.Kailangan ko ng


kasama sa paglalakad.Upang mabawasan ang pagkahiya at pagka-ilang sa paligid.

“Good Morning.” Bati ko sa kanya.

“Ayos ka na?” tanong niya sa akin.Kita ko naman sa mga mata niya ang pagka-concern
sa nanyari.Tumango lamang ako at ngumiti.”Wag ka na kasing magpapa-apekto.Ganyan
talaga ang mga yan, mga manhid.” Sabi niya habang paakyat kami sa hagdanan papunta
sa third floor kung san nandun ang classroom.

“Oo nga e.Masyado lang akong nagpadala sa sitwasyon.” Mahina kong sinabi.
“Namatay na pala si Lilith.” Bigla niyang sinabi.”Nakakalungkot naman.”

“Oo nga.” Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang.Isa na naman sa amin ang
nawala.Sana naman hindi ito gawa ng mga killers sa classroom.

Pagkabukas na pabukas ng pinto ng classroom ay nanlaki ang mga mata ko sa


nanyari.Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng lahat.Ang mga taong binigyan ang ng
puting rosas, ang mga taong gusto akong mawala…niyayakap ako?

Paulit ulit kong naririnig ang mga paghingi nila ng tawad.

“Sorry Denise.Sana mapatawad mo kami.”

“Denise, sorry ha? Di na mauulit.”

“Patawad Denise.Sana wag kang magalit sa amin.”

Aaminin ko, kasabay ng pagkagulat ko ay nakaramdam ako ng kasiyahan.Ito ang unang


beses na humingi sila ng tawad sa akin.Ang class 3-C ay marunong palang humingi ng
tawad, ang tumanggap ng pagkakamali nila.Ito ang unang beses na lumabas ang mga ito
sa mga bibig nila.

Ang salitang “Patawad” o “Sorry”

Nakita kong papalapit sa akin si Amanda.Aalis na sana ako upang pumunta sa upuan
ko.Akala ko kasi aawayin niya ako o aalipustahin ngunit kinagulat ko muli nang
niyakap niya ako nang ubod ng higpit.Ito na ata ang pinakamasayang nanyari sa buhay
ko.
“I’m so sorry Denise.Masyado akong naging insensitive.” Naramdaman ko ang pagtulo
ng luha ko.Hindi dahil sa lungkot, galit o ano pa man.Masaya ako, masayang
masaya.”Oh, ba’t umiiyak ka?” sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko.Di
katulad dati, ramdam ko na totoo ang sinasabi’t ginagawa niya.Totoo ang pinapakita
niya.”Don’t cry okay? Magiging maayos na ang lahat.” Tumango tango ako habang
pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko ngunit kaibahan ng kahapon, nakangiti na ako.

Totoong ngiti.

Nagsibalikan ang lahat sa upuan nang dumating ang teacher.Binalita nito sa amin ang
pagkamatay ni Lilith.Alam na ng iba, ang iba naman ay hindi pa.Narinig ko ang mga
palitan nila ng opinyon sa pagkamatay ni Lilith.

Madami ring naawa, madami ang nagluluksa.Siguro nga, ibang Class 3-C na ito.Sana’y
tuloy tuloy.Nagbigay ng ilang minutong katahimikan para sa pagkamatay ni
Lilith.Nagdasal ang lahat upang magabayan ang kaluluwa ni Lilith patungo sa
kabilang buhay.

“Rest in peace, Lilith.” Sabay sabay na bulong ng buong klase.

Nagkayayaan na mamaya pagkatapos ng klase ay magsisipuntahan ang lahat sa burol ni


Lilith.Kanina ko pa hinahanap si Andy ngunit hindi siya pumasok.Si Ash naman ay may
practice pa sa basketball.

Sayang at hindi ko sila kasama ngayon.Siguradong mas magiging masaya kung nandirito
sila sa oras na pinakamasaya ako.Maingay dito sa cafeteria dahil sa ang Class 3-C
ay nasa iisang mahabang table.

Tawanan..

Asaran..

Balik muli sa dati.


Sa dati na tahimik pa ang lahat.

Tumatawa na ko, nakikipagkwentuhan at nakikipag-asaran.Ibang iba sa nakita nilang


Denise kahapon.Kakagat na sana ako sa pagkain kong sandwhich nang biglang nag-ring
ang phone ko.Isang text message.Agad ko itong binasa, nagbabasakaling galing ito
kay Andy.

Sender: Unknown number

Message: Sa sabado ng alas-otso ng gabi, pumunta ka sa unang abandunadong gusali na


makikita mo, ilang kilometro malayo sa subdivision na tinutuluyan mo.Kung gusto
mong malaman ang lahat, sasabihin ko.Wag kang magsasama ng ibang tao kundi ang
kapalit ay isang buhay. Kilala mo na siguro kung sino ako diba?

Napatingin ako sa mga taong nasa harap ko.Ang masasaya nilang mga mukha.Ang bawat
tawa at hagikgiik na naririnig ko.Hinanap ng mga mata ko si Nichole ngunit wala
siya ngayon.Ngayon ko lang din napansin na maraming hindi pumasok ngayon.

Napayuko ako nang muli kong naalala na hindi pa natatapos ang lahat.

Nandito pa rin sila.

"What's the problem Denise?" tanong sa akin ni Amanda bago siya sumubo sa kinakain
niyang noodles.Nagsitanungan na rin ang iba kung bakit daw ako nanahimik
bigla.Binalik ko muli ang tingin ko sa cellphone ko bago ko sila harapin at
umiling.

"Wala, nagtext lang si mama." kasabay ng isang matamis na ngiti.


Buo na ang desisyon ko…

…pupuntahan ko siya, ang tinatawag nilang Akira.

--

NEXT CHAPTER: ---

C47: The vengeful one >>

Feel free to hate teacher Yuko :)

Guys, thiz iz it.Kinakabahan ako sa UD na to pero keribombom lang.*inhale* *exhale*


At kung may author's note din sa dulo, please do read it dahil tungkol sa kwento
yon.Kung di mo babasahin, sorry kahit anong tanong mo about that, hindi ko
sasagutin.Ocake?

Enjoy! Bawal ang silent reader :*

VOTE | COMMENT | FAN!

--------------------------------------------
Denise’s POV

Bukas na.

At ngayon palang, nakakaramdam na ako ng kaba at takot.Dapat ba talaga akong


pumunta? Ilang beses ko na ring pinag-isipan ito bago matulog kagabi.Masyadong
delikado lalo na’t alam kong lubha silang mapanganib upang pagkatiwalaan.

Ngunit ba’t ganito ang nararamdaman ko?

Para bang…

Kailangan na kailangan kong pumunta.

“Hindi ka pupunta sa basketball game ni Ash?” sabi ni Philip habang papunta sa


upuan niya na katabi ko lamang.Umiling lang ako kasabay ng isang ngiti.”Bakit
naman? Mas maganda kung nandun ka.” Sabi niya nang nilapag niya ang bag niya.

“Hindi kasi ako mahilig manood ng mga ganun.” Simple kong sagot.Sa totoo lang,
hindi naman dahil dun.Gusto kong tumakas.Narinig ko kasi na manonood ang mga taga-
Marylaine Academy.Ayokong makita sila, ayaw kong makita nila muli ako.Malapit ko
nang makalimutan ang lahat…ayaw kong maalala muli ang lahat lahat.
“Andy! Mabuti at pumasok ka na.” napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Andy
na nakangiti sa iba naming kaklase.Kasabay niyang pumasok si Nichole.Bigla kong
naalala ang nakita kong tattoo na tatlong paru-paro sa may pulso niya kung san
paliging tinatakpan ng relong araw araw niyang suot.

Sabay silang pumasok ni Andy?

“Ayos ka lang?” tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa kinauupuan ko.

“Oo naman.Bakit naman ako hindi magiging maayos?” sagot niya na nakangiti pa
rin..katulad pa rin ng dati.Tumingin ako sa kanya ng deretso at natatawa niya akong
tinanong.”Ano bang problema Denise? Ang weird mo.” Kasabay ng isang mahinang
pagtawa ulit.

“Sa lahat ng taong nandito ikaw ang pinakamalapit kay Lilith.Kaya…” hindi ko alam
kung sasabihin ko ba na dapat siya ang pinakanagluluksa o ang pinakamalungkot dahil
sa pagkamatay ni Lilith pero tila ba napakahirap sabihin nito.

“Wala na.Wala na siya.Kahit anong gawin ko, wala na talaga siya.” Ngumiti lang muli
sa akin si Andy.

Nagsisinungaling siya..

Alam ko.

Napatingin ako sa harap nang pumunta doon si Nichole.Bigla akong nakaramdam ng


inis…hindi galit.Sa lahat ng taong nandito siya ang unang una kong
pinagkatiwalaan.Ang class president, ang pinakamabait, pinakapasensyosa at ang
pinakatahimik ngunit ang lahat lang pala ay pagbabalat-kayo.Kung totoo nga ang
sinabi ni Angie tungkol sa mga tattoo ng mga killers, isa nga siya sa kanila.
“Magche-check lang ng attendance.” Sabi niya sa buong klase.

“Bakit natahimik ka diyan?” sabi ni Andy.Umiling lang ako sa kanya upang masabi na
hindi naman importante ang pagkatahimik ko.

Natapos ang pagche-check ng attendance at nakisama ang lahat.Balitang balita na rin


sa buong Academy ang pagbabago ng Class 3-C.Maraming natuwa, marami rin namang may
inisip pang mas masama.Pero kung ako ang tatanungin nila, nagbago na nga ang Class
3-C…kaunti na lang at magiging maayos na ang lahat.

Tumingin lang ako kay Summer nang dumaan siya sa harapan ko upang umupo sa upuan
niya na nasa likuran ko lang.Kahit nakatalikod ako…alam kong nakatingin siya sa
akin.Umalis na rin si Andy upang bumalik sa upuan niya.

“Denise.” Pagtawag ni Summer sa pangalan ko.Lumingon ko sa kanya.

“Anong pakiramdam ng bigyan ng puting rosas?” napakunot ako ng noo nang narinig ko
ang tanong niya.Muli kong naalala ang lahat.Nakaramdam muli ako ng kirot ngunit
agad ko naman itong inalis sa pag-iisip ko.

Tapos na ang lahat.

“Masakit.” Tangi kong sinabi.

Tumahimik siya ng ilang sandali at yumuko ngunit kita ko ang pagngiti niya habang
nakayuko siya.Tinignan niya muna ako bago magsalita.”Yan palang ang nararanasan
mo.” Napakurap ako ng ilang beses dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

“Kawawa ka talaga Denise.” Muli niyang sinabi bago tumingin sa bintana kung san
nasa kaliwa lamang niya.Hindi na siya muling nagsalita pa bagkus ay kinuha niya ang
earphones niya sa bag at sinuksok ito sa magkabila niyang tainga.

Natapos ang klase, hanggang ngayon ay di ako pinapatahimik ng mga sinabi ni Summer
kanina.Ngunit nawala ang mga iniisip ko nang nakita ko si Nichole na nakaupo sa may
bench malapit sa covered court.Nagtaka siya nang agad akong lumapit sa kanya at
umupo sa tabi niya.

Kaunti na lamang at halos mabibilang ko sa mga kamay ko ang tao sa paligid.


Tinignan ko siya deretso sa mga mata.

“Bakit Denise?” tanong niya ngunit imbis na sumagot ay kinuha ko ang kamay niya
kung saan nakasuot ang relo niya.Ngunit bago ko pa man maihubad ang relo ay agad
niyang natanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.”Ano ba?!” sigaw niya sa akin.

“Alam ko na Nichole.Isa ka sa kanila! Kasama mo sila Vince at kung sino man ang
Akira na yan. Huwag mo nang itanggi.Nichole, isa ka sa kanila diba?” tuloy tuloy
kong sinabi sa kanya.Ngunit ngumisi siya.Ang tila ba anghel at napakabait na tao
kanina ay biglang nawala.Sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya ay nagsitaasan
ang mga balahibo sa katawan ko.

“Paano kung sabihin kong, ‘Oo, isa ako sa kanila?’ Anong magagawa mo?” biglang
napalitan ng kaba ang tapang na nasa loob ko kanina.”Wala diba? Maari kitang
patayin kahit anong oras.Dapat nga matagal ka nang patay.Swerte ka lang talaga.”
Tumayo siya at pumuwesto sa harapan ko.”Denise..Denise..Denise.” paulit ulit niyang
pagsabi ng pangalan ko.”Wala ka pa talagang alam.”

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang pinapanood ko siyang umalis palayo sa akin.

“Maari kitang patayin kahit anong oras…”

Ngayong kilala ko na ang isa sa kanila, hanggang dun lang pala ang magagawa
ko.Isumbong ko man, sabihin ko man sa mga pulis.Wala pa rin akong sapat na
ebidensiya.Tama si Nichole, wala pa rin akong magagawa.Wala pa rin akong laban sa
kanya.

Nakakatakot.

Mas lalong nakakatakot ngayong alam ko na kung sino ang kalaban…kung sino ang dapat
iwasan.Ilang beses kong binabalikan ang mga nakuha kong ebidensiya pero kahit isa
dun walang laban sa kanila.Vince, Nichole…sino pa ang isa?

Sino si Akira?

Tinignan ko muli ang text sa akin.Bukas ng alas otso ng gabi, sabi niya malalaman
ko ang lahat.Napapikit ako nang naisip ko ang manyayari.Kung ano anong imahe ang
naiisip ko….kasama na ang kamatayan ko.

Summer’s POV

Inayos ko ang gamit ko bago lumabas nang tuluyan sa classroom.Tinignan ko muna ito
bago umalis.Isang klase ng tingin na hindi magugustuhan ng kahit sino.Pagkasarado
ko ng pinto ay bumungad sa akin si Amanda.

“Hi Summer.” Bati niya sa akin.Nabalitaan ko na nagbago na raw siya kasabay ng


pagbabago ng buong klase.

Pathetic.
Ngumiti lang ako sa kanya at tuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa narinig ko
ang sinabi niya.

“Kilala mo ang tumulak sayo diba? Wala kang nakalimutan sa lahat ng


nanyari.Kilalang kilala mo siya at alam mo kung bakit niya kami ginamit para
pagtangkaan kang patayin.” Lumingon ako sa kanya.

“Ano bang gusto mong sabihin?” sabi ko sa kanya.

“Yun nga e.Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dapat kong sabihin pero sa
lahat ng nanyari gusto kong humingi ng tawad.Nagpadala ako sa mga nanyari noon,
masyado akong nakinig sa mga taong hindi ko naman dapat pakinggan at dahil sa mga
iyon, nasira ang pagkakaibigan natin.”

“Natin?” pag-ulit ko sa sinabi niya.

“Oo, diba magkaibigan tayo..dati?”

“Naging mabait ka lang, naging tanga ka na rin.” Nakita kong nagulat siya sa sinabi
ko.”Walang kai-kaibigan sa queen bee.Mga alagad lang sila na walang ibang dapat
gawin kundi sumunod.Masyado lang akong mabait para tulungan ka noon Amanda.Masyado
kang nag-feeling kasi.”

Sinungaling.
Sinungaling ka Summer.

Natameme siya doon at naglakad na ko palayo.Ayaw ko nang maalala ang mga katangahan
ko noon.Ayaw kong maalala ang mga pagkakamali ko.Dapat kong ipamukha sa kanila na
ako si Summer De La Vega, at hindi nila ako naloko at maloloko.Natuto na ko.

Matatag na ko ngayon.

“Kilala mo ang tumulak sayo diba?”

Muli kong naalala ang tanong ni Amanda kanina.Tama, kilala ko siya.Naalala ko ang
lahat.Bawat detalye, bawat salita na sinabi nila…lahat lahat.Kilalang kilala ko
siya.Siya ang munting bangungot ko nung mga panahon na iyon.

Si teacher Yuko…

Muling nanumbalik ang nanyari nang gabing iyon..

“Hey Ash, nandito ako sa library.Gagabihin na ko kaya wag mo na kong hintayin


okay?” binaba ko ang phone at inilagay ko ito sa bag.8pm pa naman ang sarado ng
library at 7pm palang naman.Ayoko lang umuwi nang late si Ash kasi alam ko namang
hinihintay siya ng papa niya.Binaba ko muli ang hawak kong libro.
Hindi ito ang hinahanap ko.

Natigilan ako nang may humawak sa balikat ko.Tinignan ko siya nang masama.Tinanggal
ko ang pagkakahawak niya at lumayo.Ayaw ko sa kanya.Ayaw niya sa akin.Tapos ang
usapan.Napakalaki ng kasalanan niya sa akin.Nakakadiri siya.

“Teacher mo ko, wag kang umarte ng ganyan.” Narinig kong sinabi niya.Naramdaman ko
ang sobra sobrang inis at galit sa katawan ko habang papalapit sa kanya.

“Oh I forgot about that teacher Yuko.Hindi kasi halatang teacher ka.Mataas ang
tingin ko sa mga teacher pero bakit ganun, napakababa ng tingin ko sayo?”
pumameywang ako habang kunwaring nag-iisip upang mang-asar lang.”Siguro dahil hindi
ka karapat dapat na tawaging ‘teacher’ no?” nginitian ko siya nang ubod ng
tamis.”Nawalan na ko ng ganang maghanap ng libro para sa report ko.May asungot
kasing dumating.” Sapagdaan ko sa gilid niya ay sadya kong tinabig ang kanan niyang
balikat.”Bye Yuko.Oops, teacher Yuko nga pala.” Tumawa ako nang mahina para
madagdagan ang inis niya.Sigurado akong malapit na siyang sumabog sa pagkainis.

It’s not my fault.

Siya ang may kasalanan ng lahat.

“Bitch.” Malakas niyang pagbulong.

Napakaplastic.

A two-faced bitch.

Iyan si teacher Yuko.


Pagkalabas na pagkalabas ko sa library ay dalawang tao na nakatakip ng garbage bag
ang mukha ang bumungad sa akin kasabay ng pagtakip ng panyo sa bibig ko.Patuloy na
tinakpan ng isa ang bibig ko habang ang isa naman ay pumunta sa likod ko at tinali
ang mga kamay ko.Pinagsisipa ko sila.Lumaban ako nang lumaban hanggang sa takot na
takot kong tinignan si teacher Yuko habang papunta siya sa harap ko.

“Summer, sayang ka talaga.Kung hindi ka lang tanga sana nagkasundo tayo.” Sabi niya
habang hinahaplos haplos ang buhok ko.”Masyado kang palaban pero ngayon, mali ang
binangga mo.Gagawin ko ang lahat para maitago ang sikreto ko.” Sabi niya kasabay ng
isang ngisi.Siniko niya ang leeg ko kung saan nakalagay ang pulso ko.

Nawalan ako ng malay..

Nang naimulat ko ang mga mata ko ay nasa rooftop na ako.Walang takip ang bibig ko
at hindi nakatali ang mga kamay ko.Nakita ko silang nasa harapan ko.Si teacher
Yuko, si Amanda at si Alex, ang mga taong tinuring kong kaibigan…dati.

“Buhatin nyo siya at dalhin nyo dun.” Tinuro ni teacher Yuko ang dulo ng gilid ng
rooftop kung san kapag nahulog ako ay dederetso ka sa gitna ng field.Napalunok ako
sa nabuong mga imahe sa isipan ko.Hindi…ayoko pang mamatay.Lumapit sa akin si Alex
at Amanda.

“Alex..Amanda..parang awa nyo na.Parang awa nyo na.” paulit ulit kong sinabi sa
kanila.Nakita ko ang awa sa mga mata nila..alam kong hindi nila kayang gawin ito sa
akin.

“Hindi ko kaya.” Sabi ni Alex.Nakita kong lumapit sa kanya si teacher Yuko at


sinampal siya nang ubod ng lakas.Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ng guro namin.

“Boba!” sigaw niya kay Alex.

“Hoy, wala kang karapatan saktan nang basta basta ang kaklase ko.Kundi isusumbong
ka namin!” sigaw ni Amanda kay teacher Yuko ngunit lumapit lang sa kanya si teacher
Yuko at hinawakan siya sa panga habang pinandidilatan.
“Di ko kailangan ng opinyon mo! At kahit magsumbong ka, walang maniniwala sayo!!”
sigaw niya kay Amanda.”Mga boba kayo, akala ko ba gusto nyong mamatay yan ha?!!”
sigaw niya muli kay Alex at Amanda.

Bigla akong nakahanap ng pagkakataon upang makatakas.Tumakbo ako papunta sa pintuan


palabas ng rooftop ngunit agad kong naramdaman ang paghatak ni teacher Yuko sa
buhok ko.Napasigaw ako sa sakit.Itinaas niya pa ang pagkakasabunot niya sa ulo ko
upang matapat sa mukha niya.

“Wag na wag kang tatakas…tatapusin pa kita.” Matigas niyang sinabi sa


akin.Sinubukan kong tumayo ngunit sinipa niya ako sa likod ng binti ko kaya napaupo
ako bigla.Narinig kong sumigaw si Alex upang pigilan si teacher Yuko sa ginagawa
niya ngunit hindi nila kayang pigilan si teacher Yuko.

Tinignan ko lang si teacher Yuko nang buksan niya ang pintuan palabas ng
rooftop.Bumalik siya sa kintatayuan niya kanina na nasa likod ni Amanda.

“Itulak mo siya diyan.” Utos ni teacher Yuko kay Amanda habang nakaturo sa pintuan
kung san ang huhulugan ko ay mga hagdanan na maari ring ikamatay ko.Tinignan ko
sila na maluha-luha na rin ang mga mata ko.

"Please.." lumuhod ako sa harap ni Amanda.Paulit ulit akong nagmakaawa sa


kanya.”Ayoko pang mamatay..." halos lumuhod ako sa paa niya dahil sa takot, kaba…
kilabot.Iisipin ko palang na mahuhulog ako diyan, natatakot na ko.

Nararamdaman ko pa rin na may awa sa mga mata niya ngunit agad itong
nawawala.Ganito ba kalaki ang galit niya sa akin? Hanggang sa punto na maiisipan
niya akong patayin?

"Itulak mo na siya." Narinig ko muling utos ni teacher Yuko kay Amanda."Ano pa bang
hinihintay mo Amanda? Itulak mo na siya.Bakit ka pa ba nag-iisip? Nakalimutan mo na
ba ang mga ginawa niya...hindi lang sayo kung hindi sa ating lahat.." narinig ko
ang bawat salita mula kay teacher Yuko.Hindi…ginugulo lang niya ang isipan ni
Amanda.

Amanda..wag kang maniniwala sa kanya.

"Amanda...gawin mo na..itulak mo na si Summer." Iyak na ako nang iyak sa harapan


niya habang nagmamakaawa pa rin ngunit tila ba naguguluhan pa rin siya kung sino
ang papaniwalaan niya.
Amanda..wag mo siyang sundin,

"Hindi ko kaya..." nakaramdam ako ng kaunting pag-asa.Lumingon si Amanda kay


teacher Yuko."Hindi ko kayang itulak si Summer." Salamat Amanda.Hinabol ko ang
hininga ko.Tatayo na sana ako nang nakaramdam ako ng paghawak sa balikat ko.Halos
ihagis ako palabas ng pinto.Naramdaman ko ang bawat tulis at tigas ng hagdanan sa
katawan ko.Ang bawat pagtama ng ulo ko sa semento hanggang sa napahiga ako sa
pinakadulo ng hagdanan.May malay pa rin ako ngunit hindi na ako makagalaw.Puro dugo
ang ulo ko at tila ba pilay ang ibang parte ng katawan ko.

May nakita akong papalapit sa akin.

“Freya..” mahina kong tawag ko sa pangalan niya.”Tulungan mo ko..Freya..” tumingin


siya sa akin na takot na takot.

“S-Summer?” sabi niya sa akin.Agad siyang nagtago nang narinig niya ang mga yapak
ni teacher Yuko na papalapit sa akin.Agad akong nagkunwari na walang malay.

“Tss...bakit ka pa ba kasi nangielam?!" sigaw niya sa akin kasabay ng pagtapak siya


tiyan ko.Muntik na kong sumuka ng dugo ngunit napigilan ko ito."Iyan lang ang
nararapat sa mga pakielamera!" sabi niya bago tuluyang umalis.Narinig ko rin ang
mga yapak nila Amanda at Alex na pababa ng hagdanan.

Nakaramdam ako ng galit.

Galit sa kanya.

Galit sa kanila.

Sa kanilang lahat.
Dumilat muli ako.Medyo hindi na malinaw ang paningin ko at tila ba umiikot ang
mundo.Itinaas ko ang kamay upang maabot niya ito.Kung hindi niya ako tutulungan…
maaring ikamatay ko ito.Ngunit takot na takot niya akong tinignan.Nararamdaman ko
na nagda-dalawang isip siya.Hindi maari…dapat niya akong tulungan.

Ayaw kong mamatay nang ganito.

“Teka lang S-Summer, babalikan kita.M-Maghintay ka lang diyan.” Sabi niya bago
tumakbo palayo.

Ngunit hindi na niya ako binalikan hanggang sa nawalan na ako ng malay..

Hindi ko alam kung ba’t niya ako hindi binalikan nang araw na iyon.Hindi ko rin
alam na-comatose ako.Basta ang alam ko sa buong panahon naka-coma ako, nakakarinig
ako ng mga tinig.Madilim ang paligid ngunit rinig na rinig ko ang tinig nila mama’t
papa, tinig ng mga doctor at nurse…lahat.

Hindi ako nakakapag-isip ng kahit ano noon basta ang tangi ko lang nagagawa ay…
makarinig.

Hanggang sa nagising na ako..

Minulat ko ang mata ko at para bang napakalabo ng paligid.Ilang minuto ang nakaraan
bago pa man luminaw ito.Puti..puti ang lahat.Tinignan ko ang mga kamay ko..buhay pa
ko.Sa dinami-dami ng apparatus na nakadikit sa akin, hindi ko alam kung ano ang
nanyari.

May nakita akong nakaupong babae.Maikli ang buhok niya at ilang sandali ang
nakaraan bago ko siya nakilala.
“Freya?” pagtawag ko sa pangalan niya.Ngumiti siya sa akin bago lumapit sa
kinahihigaan ko.Hinaplos niya ang pisngi ko bago nagsalita.

“Mabuti at gising ka na.”

Nawala ang lahat ng pagtataka ko.Ni wala akong naramdamang galit kahit na hindi
siya nakabalik..kahit na muntik na mahuli ang lahat, nandirito pa rin siya.Siya
lang talaga ang nag-iisa kong kaibigan.

“Sana mabilis ang pagre-recover mo.May mahalaga ka pang gagawin.” Nilapag niya ang
black flute niya sa may kamay ko.

“Maghihiganti ka pa.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

Tumingin siya sa flute niya.Hinawakan niya ang kamay ko at binuka ito upang
mahawakan ko ng mabuti ang flute.”Naalala mo ba dati? Sabay tayong
tumututog.Naalala mo pa ba si Akira?” mahina pa man ang katawan ko ay nagawa kong
tumango.

“Gusto kong ipaghiganti mo ako.Ipaghiganti mo ang sarili mo.Patayin ang dapat


patayin.” Binitawan niya ang kamay ko at mas lalong lumapit sa tabi ko.Hinaplos
niya muli ang pisngi ko.”Akira..”

Pumunta ako sa c.r.Tumingin ako sa salamin.Di ko mapigilan ang ngumiti sa sarili


ko.Ako pa rin ito, si Summer.Natuto lang akong lumaban…natuto lang akng
gumanti.Pero ako pa rin ito..akong ako.

Nagring ang phone ko at agad ko naman itong sinagot.


“Akira.” Pamungad sa akin ni Nichole.

“Oh? Anong problema?” tanong ko sa kanya.

“Wala naman.Pero kailangan nating magkita bukas ng gabi, alas otso.Sa abandunadong
gusali kung san natin pinatay si Rain dati.” Tuloy tuloy niyang sinabi.

“Bakit?” tanong ko naman.Palabas na ko ng c.r papunta sa parking lot kung san


nakaparada ang kotse ng daddy ko.

“May regalo ako sayo…isang munting regalo.”

“Regalo? Siguraduhin mong matutuwa ako diyan.” Sabi ko habang naglalakad.

“Magugustuhan mo.Alam ko.” Napangisi ako sa sinabi niya.

Wag mo kong hinahamon Nichole.

Hindi ako madaling kaaway.

Kung ano man yan, paghahandaan ko yan.

“Sige, magkita tayo bukas.” Sabi ko kasabay ng pagbaba ko ng phone.

--
A/N: Sasabihin ko na sa inyo na hindi si Freya ang kausap niya.Hindi rin niya iyon
imahinasyon at lalong lalong hindi nagmumulto si Freya.Si Thania po iyon.At naalala
nyo pa ba yung part na umuwi si Freya at umiiyak na para bang sinisisi niya ang
sarili niya sa nanyari kay Summer, yun ay dahil hindi niya binalikan si Summer
dahil kahit papano ay galit rin siya rito.

Yep, Si Summer De La Vega ay si Akira.Naalala nyo pa yung sinabi ni Nichole dati?


Si Akira ay may pinoprotektahan at meron din siya pinanggalingan ng lakas.Sino ang
yon? dalawang tao o iisa lang?

NEXT CHAPTER: ---

C48: The other side of the coin. >>

Dedicated kay @ShooterHigh para magpasalamat sa paggawa niya ng tumblr account ng


C3-CHAS.Thank you! :* Follow nyo! Nasa external link :> Enjoy sa UD! As usual,
bitin.What's new? HAHA.

VOTE | COMMENT | FAN

--------------------------------------------

Summer’s POV

Kinuha ko ang kape sa mesa na ako mismo ang nagtimpla.Walang tao sa bahay kundi ako
lamang.Napakalaki ng bahay na ito para sa amin.Sa sobrang laki, halos di na kami
nagkikita-kita.Kaalis lang ni daddy papunta sa trabaho.Si Mommy naman, di pa rin
umuuwi.Siguro kasama ng mga ‘amigas’ at ‘amigos’ niya na walang ibang gusto kundi
ang pera at kasikatan ni mommy.

Mga manggagamit.
Mga hampas lupa.

Kung iisipin', dalawa lang sa sampung katao ang masasabi mong mapagkakatiwalaan
mo.Na masasabi mong, totoo sayo.Minsan nga nagiging isa lang yan.Depende sa lugar
na ginagalawan mo at pangalan na pinanghahawakan mo.

Humigop muli ako sa mainit kong kape.

Hanggang sa unti unti na lang akong napapangiti .Nang muli kong naalala ang lahat.
Napapikit ako nang muli nanariwa ang bawat detalye.Ang totoong nanyari .

“T-Teacher Yuko?” nabitawan ko ang mga papel na hawak ko.Inutusan ako ni Mrs. Roque
na ilagay ang mga ito sa mesa niya bago ako umuwi.Ngunit halos tumigil ang tibok ng
puso ko sa nadatna ko.”T-Teacher Yuko?” Ngumisi siya sa akin kasabay ng matalim
niyang pagtingin sa sa kutsilyong hawak niya na tumutulo pa rin ang sariwang dugo
ni……Maddie

Napaatras ako ng ilang hakbang habang pinagmamasdan ang nakahandusay na katawan ni


Maddie at si teacher Yuko na papalapit na papalapit sa akin.Marahas niyang hinablot
ang kanang kamay ko at hinatak ako papalapit kay Maddie.Ngumisi siya muli bago
tuluyang nagsalita.

“Tama, pinatay ko siya.” Isang mala-demonyong ngiti ang pumorma sa mga labi
niya.Mga ngiti na di ko pa nakikita.”Alam mo ba kung bakit?” tinulak niya ako na
naging dahilan ng pagkaupo ko sa tabi ni Maddie.Nakita kong nalaglag ang bracelet
ko papunta sa bangkay ngunit dahil sa takot ay nagmamadali akong umatras upang
makasandal sa malapit na pader.Niyakap ko ang mga tuhod ko habang tinitignan ang
demonyo sa harap ko, si teacher Yuko.“Dahil sayo pinatay ko siya.nang dahil sayo
Summer! Hindi naman nila ako pag-iisipan ng masama.” Lumapit siya sa akin at
bahagyang umupo upang mapantayan ang taas ng ulo ko.”Dahil simula ngayon, ikaw na
ang pumatay sa kanya.” Ngayon ko lang napansin na ang hawakan ng kutsilyong ginamit
niya ay balot na balot ng panyo.Isang puti panyo.Ngumiti siya sa akin bago pumunta
sa bangkay ni Maddie.Marahas niyang binaon ang kutsilyong may puting panyo sa loob
ng bibig ni Maddie.Napatakip ako ng bibig upang mapigilan ko ang malakas kong
pagsigaw.
Narinig ko siyang humalakhak.

Binato niya sa akin ang panyo at takot na takot ko siyang tinignan bago siya umalis
ng Faculty Room.Nanginginig kong binulsa ang puting panyo at bago pa man ako
lumabas ng kwartong iyon ay tinignan ko muli ang katawan ni Maddie.May mga tumulong
luha sa mga mata ko ngunit agad ko naman itong pinunasan.

Humigop muli ako sa mainit kong kape.Nilapag ko ang tasa nang mas malakas dahil sa
naramdaman kong galit.Hindi sapat ang buhay ni teacher Yuko para mawala ang sakit
at pighati na nadarama ko.Hindi sapat ang lahat ng buhay nila para mawala ito sa
memorya ko.

Ngunit wala na kong magagawa.

Dapat kong tapusin ang nasimulan ko.Dapat silang mamatay.Ang mga taong humusga,
umalipusta at inapi ako nung mga panahon na kailangan ko ng mga kaibigan.Lahat
sila’y parte ng naranasan ko.Tinawanan nila ako, pinaglaruan at halos hindi na
ginalang kahit bilang babae…kahit bilang tao man lamang.

Binabalik ko lang ang dapat nilang maranasan.

…ang kamatayan.

Muling nanumbalik sa akin ang mga ibang nanyari.

“Teacher Yuko!” tumakbo ako papunta sa kanya at marahas kong hinablot ang braso
niya.Kami lamang ang nasa loob ng classroom.Halos hinatak ko siya papalapit sa akin
upang hindi na siya makatakas. Pinagtatawanan ako ng buong Laketon, tinatawag na
mamatay tao, sinungaling at kung ano ano.Nakakatanggap ako ng mga hate messages at
halos tapakan na ako nila Amanda at iba pa niyang mga kasama dahil sa mga
binibintang nila sa akin..
..ako daw ang pumatay kay Maddie.

Kasalanan ito lahat ni teacher Yuko.Siya ang dahilan ng lahat ng ito.Ang pagpatay
niya kay Maddie, ang pagpapasa niya sa akin ng kasalanan niya at ang sikreto
niya.Siya ang ugat ng mga ito…siya lang din ang tanging susi upang matapos ang
paghihirap ko.

“What is it Ms. De La Vega?” magalang niyang tanong.”Lahat ng classmate mo nasa


labas na.Do you need something?” Ngumiti siya sa akin na tila ba isa siyang
napakabuti at napakabait na guro.

“Gaga ka rin no? Ikaw na ang pinakaplastik na taong nakita ko.Ingat ka, baka maamoy
ka ng mga kauri mo.Mabulilyaso ka pa.” ngumiti lamang siya sa akin at hinaplos
haplos ang gilid ng buhok ko.Sinimangutan ko siya at ilang sandali lang ay
sinabunutan niya ang hawak hawak niyang buhok ko.Halos napasigaw ako sa
pagkakasabunot niya.Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa buhok ko at tumawa ng
malakas.

“Mabuti nang maging plastic at gaga kaysa maging katulad mo.Sapat lang yang
kaparusahan para sayo.Masyado ka kasing…pakilamera, ambisyosa at walang kwenta.”
Ngumisi siya bago maglakad palayo.

“Teacher Yuko!” muli kong sinigaw ang pangalan niya.Maiyak iyak akong lumuhod sa
harapan niya.Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya sa sandaling lumingon
siya.Tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko habang pilit kong tinutuwid ang
pagsasalita ko.”Please…maawa na kayo sa akin.Linisin nyo naman ang pangalan
ko.Pangako, di na ko mangingielam….kahit kalian.” Ngunit halos mabingi ako sa lakas
ng tawa niya.Nakatulala lang ako sa kanya habang pinapanood ko siyang tumawa nang
tumawa.

“That’s good Summer.Nag-iimprove ka na.” pang-aasar niya bago siya tuluyang


lumabas.Pinunasan ko ang mga luha ko at muling sumimangot.Leche talagang teacher
yon.

Walang puso.
Binaba ko muli ang tasang hawak ko na ngayo’y wala nang laman.Nilagay ko ito sa
lababo at binabaran ng tubig bago umalis.Kinuha ko ang susi na nakalapag lamang sa
lamesa at tuloy tuloy sa garahe.

“Magda-drive ako ngayon.Pasabi kay mommy na gagabihin ako.” Pagpaalam ko sa driver


namin.

“Pero maam Summer, bawal po kayong mag-drive.” Tinitigan ko ng masama ang driver
bago magsalita.

“Sino bang amo dito? Umalis ka nga!” sigaw ko sa kanya bago ko buksan ang pinto ng
kotse.Nangingiti ako nang hinawakan ko ang manibela.Matagal na rin bago ako muling
nakapagmaneho.Napabuntong hininga ako bago pinaandar ang kotse palayo sa bahay.

Muli kong tinignan ang oras sa cellphone ko, 7:45 pm.8:00 pm ang usapan namin ni
Nichole.Kung ano man ang sinasabi niyang ‘regalo’, maaring katapusan ko na iyon.

Napangisi ako sa naisip ko.

Kung kamatayan ang magiging kabayaran ng lahat na ito, malugod kong tinatanggap ang
kaparusahan na iyon.Niliko ko ang manibela papunta sa huling kanto kung san
naroroon ang tagpuan namin.Ngumiti ako at pumikit ng sandali.

Nararamdaman ko na.

Malapit na.
Denise’s POV

Huminga ako ng malalim bago muling humakbang papalapit sa daan papunta sa lumang
gusali na sinasabi nila.Ang harap nito ay isang bar kung san nanggagaling ang mga
nakakabinging ingay mula sa mga maiingay na tugtugin.

Humakbang pa muli ako sa maliit na lumang gate ng abandunadong gusali na ito nang
napansin ko ang taong papalapit din sa kinaroroonan ko.Hindi ako pwedeng
magkamali.Bakit? Bakit siya nandito?

“Ash?” pagtawag ko sa pangalan niya habang papalapit siya nang papalapit sa


akin.Napatakbo siya sa kinatatayuan ko at ilang beses na tinanong kung ayos lang
daw ba ako.Tumango lang ako bago muling nagsalita.”Bakit ka nandito?” tanong ko sa
kanya.

“May natanggap akong text kanina.” Pinakita niya sa akin ang hawak niyang cellphone
.

Sender: Unknown

Message: Pumunta ka sa abandunadong gusali malapit sa subdivision na tinitirahan ni


Denise.Pumunta ka ng 8pm kung ayaw mong mawala ang pinakamamahal mo na si Denise.

“Wala ba silang ginawa sayo? Ayos ka lang ba?” alalang alala niyang
pagtatanong.Napakurap ng ilang beses ang mga mata ko nang biglaan niya akong
niyakap.”Muntik ka nang mawala sa akin.Ayaw ko nang maulit muli iyon.” Sa bilis ng
tibok ng puso ko ay di ko na alam kung ano ang dapat kong itugon sa mga sinabi
niya.

“Kailangan kong pumasok sa loob.Pinapunta nila ako.” Sabi ko sa kanya.


“Sasama ako sayo.”

“Hindi na Ash.Delikado.” hinawakan niya ang kamay ko at muling ngumiti.

“Hindi ako mapapalagay kung maiiwan lang ako dito.Sasamahan kita okay?” ngumiti ako
sa kanya at mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.Pumasok
kami sa lumang gate. Tinignan ko muna ang paligid bago kami naglakad muli nang..

“Teka Ash.” Napatingin siya sa akin.”Nakita ko si---“

“Sino?” tumingin tingin siya sa paligid na animo’y hinahanap ang taong nakita ko.

“Si Andy.Nakita ko siya dun.” Tinuro ko ang puno na ilang hakbang lamang ang layo
sa kinatatayuan namin.Bigla akong nakaramdam ng kaba.Ba’t nandito si Andy? A-Anong
ginagawa niya dito.Lugar kung san naroroon ang mga murderers.

“Baka namalik-mata ka lang.Impossibleng nandito si Andy.” Paninigurado ni Ash.

Tama, impossible.Best friend ko si Andy.Hindi maaring nandito siya.

“Siguro nga.Tara na.”

Pumasok kami sa loob ng abandunadong gusali kung san sadyang napakadilim.Ginamit na


lang naming bilang flashlight ang cellphone ni Ash.”Humawak ka mahigpit.” Sa sinabi
ni Ash ay mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaliwa niyang kamay.

Sa lamig ng gabi ay ramdam ko pa rin ang tagaktak na pawis sa mukha ko hanggang sa


leeg ko.Pati ang paghihingal ko dulot ng kaba at takot na nadarama ko.Ibang iba
ang pakiramdam ko dito sa loob.
Para bang…

May nagmamasid sa amin.

May mga matang nakadikit sa bawat kilos na ginagawa namin.

“Ash..natatakot ako.” Bigla kong naramdaman ang kamay niya na humawak sa balikat
ko.

“Wag kang mag-alala, kasama mo ko.” Pumikit ako saka sumandal sa balikat
niya.”Ipagtatanggol kita hanggang dulo.Diba nga ako ang kalasag at sandata mo?”
ngumiti ako nang narinig ko ang mga salitang iyon.

“Teka..Ano yon?” sabi niya kasabay ng pagtapat niya ng ilaw sa may pinto, ilang
hakbang ang layo sa amin.”May tao.” Tumingin siya sa akin kasabay ng muling
paghawak sa kanang kamay ko.Lalapit sana kami roon ngunit..

Unti-unting nagdidilim ang buong paligid.Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko rin
ang pagbagsak ni Ash.Hinawakan ko ang ulo ko na may dugo.Kita ko ang pagpunta sa
harap ko ng isang tao.

Malabo..

Di ko makita..
Katapusan ko na ba?

---

NEXT CHAPTER: ---

C49: The one who sets fire >>

VOTE | COMMENT | FAN!

---------------------------------------

Nichole’s POV

Unti unting lumapad ang ngiti ko nang nakita kong papalapit sa akin si Summer, si
Akira.Ngumiti siya sa akin ngunit iba ang sinasabi ng mga mata niya.Alam kong alam
na niya ang balak ko.Hindi siya tanga lalong lalo nang hindi siya manhid.

Papunta siya sa pangalawang palapag ng abandunadong gusali ngunit tumigil siya ng


ilang sandali sa gilid ko at nagsalita.
“Siguraduhin mo lang Nichole.Tandaan mo, babalikan kita kapag di ko nagustuhan ang
munti mong regalo.” Mas lalo akong napangiti sa narinig ko.Sigurado ako.Siguradong
sigurado ako.

“Magugustuhan mo.Kaunting hintay na lang.” tumingin ako sa mga mata niya.”Malapit


na.”

Bukod sa mga ngiti niya ay ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya bago siya
pumanhik sa taas.Pagka-akyat na pagka-akyat niya sa hagdanan ay pinatay ko lahat ng
ilaw nang nakita ko ang pagdating nila..

Ang mga palamuti sa munti naming palabas..

Kinuha ko ang malaking kahoy na nakasandal sa pader, ilang hakbang malayo sa


kanila.Hinawakan ko ito nang mahigpit at dahan dahan akong tumawid sa kabilang dulo
ng kinalalagyan namin.Nasanay na ko sa dilim.Ramdam ko ang bawat paghakbang na
ginagawa nila papalapit sa kinatatayuan ko.Lumayo ako at pumunta sa may likod nila
nang narinig ko ang sinabi ni Ash.

“Teka..Ano yon?” muntik na niya akong matapatan ng ilaw na hawak nila nang...”May
tao.” Sa pagsabi niya na yon ay hinanda ko na ang pagpalo ko ng kahoy sa mga ulo
nila.Napangiti ako nang nakita ko ang pagbagsak nila.Kinuha ko ang nalaglag na
flashlight at hinatak si Ash sa kanan niyang kamay at nilagay sa isang kwarto
malapit sa hagdanan.Iniwan ko naman ang flashlight doon at bumalik kay
Denise.Magaan lang ang kanyang katawan kaya nakaya ko siyang buhatin hanggang sa
pangalawang palapag ng abandunadong gusali na ito.Nilapag ko siya malapit sa
hagdanan at dere-deretso ako sa pangatlong kwarto sa kaliwang bahagi ng pasilyo
kung saan naroroon si Akira. May ilaw dito sa pangalawang palapag kaya kitang kita
ko ang buong paligid.

Sa di malamang dahilan ay nagpalagay siya ng isa pang upuan sa silid na ito.Hindi


ko na itanong kung bakit o para saan…basta alam ko, kasama ito sa plano namin, sa
pagpatay kay Akira.

“Parating na siya.” Pamungad ko sa kanya.


“Sino?” tanong naman niya.

“Ang munti kong regalo.”

Narinig ko ang mga yabag niya papunta sa kinaroronan namin.Karga karga niya si
Denise na may ngiti sa kanyang mga labi.Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni
Summer at ang panginginig ng bibig niya habang tinititigan niya kung sino ang nasa
harap niya.

“I-Ikaw?” hirap na hirap niyang sinabi.

Ngumiti lamang siya kay Summer, isang mapanuksong ngiti na hindi mo alam kung
kabutihan ba ang ibig sabihin o kasamaan.Napaka-komplikado.Nilapag niya si Denise
sa gilid at may tinapat na panyo sa ilong upang mas matagalan ang pagtulog nito.

Habang si Summer ay walang nagawa kundi umiyak.

“Katulad ka rin nila..” tumingin kami kay Summer nang nagsimula siyang
magsalita.”Sasaktan mo rin pala ako.Walang hiya ka! A-Akala ko..akala ko…kakampi
kita!” sigaw ni Summer sa kanya.Narinig ko siyang tumawa nang mahina habang
papalapit na papalapit kay Summer.May kinuha siya sa bulsa niya…isang patalim.

Dahan dahan niyang pinadaan ang patalim sa mga labi ni Summer.

“Ganito kita kamahal.” Walang ano-ano niyang sinabi ngunit iyak pa rin nang iyak si
Summer.Hinaplos niya ang mga pisngi ni Summer.Isang ngiti na naman ang naipinta sa
mga labi niya.”Hindi ka ba naniniwala?” tanong niya kay Summer.Umiling lang nang
umiling si Summer hangggang sa marahas niyang itinaas ang mukha ni Summer gamit ang
paghawak nito sa panga ni Summer.Upang maiharap sa mukha niya.”Mabuti naman.Gusto
lang kitang batiin dahil sa unang beses, hindi ka na naging tanga.” Binitawan niya
ang mukha ni Summer at tinignan ako.
Isang senyales na takpan ko na ang bibig ni Summer na agad ko namang ginawa.

“Tanga ka talaga kahit kailan.Lahat ng ito..” naglakad lakad siya sa harapan ni


Summer.”Kalokohan lang ang lahat ng ito.Hindi mo ba napapansin? Akala mo ikaw ang
naglalaro, akala mo ikaw ang pasimuno.” Tumawa siya bago niya pinagpatuloy ang
sasabihin niya.”Hindi mo alam…isa ka rin sa mga pinaglalaruan.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya.Hindi ko alam kung ba’t ganito ang
nararamdaman ko.Tila ba’y natatakot ako sa kanya.Sa bawat salita na lumalabas sa
bibig niya ay karagdagang kaba ang nadarama ko sa dibdib ko.Tama nga, siya ang
pinakamapanganib sa lahat.

Kailangan kong mag-ingat.

Iyak pa rin nang iyak si Summer.Ang dating Summer na matapang at walang


kinatatakutan ay para bang naputulan ng sungay.Hindi ko na makita ang matatag na
Summer na ngayon ay wala nang ibang gawin kundi umiyak nang umiyak.

“Sisimulan na ba natin?” Tumingin siya sa akin na may kakaibang kislap sa mga mata
niya at tumango.Dahan dahan akong lumapit sa lamesa kung nasaan ang kutsilyo ko
nang naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.Ramdam ko rin ang tulis ng
patalim na hawak niya na unti unting dumidiin sa leeg ko.

“T-Teka…a-kala ko ba magkakampi tayo?” natatakot kong tinanong sa kanya.

“Kakampi? Wag mo nga akong gaguhin.” Takot na takot kong tinignan sa gilid ng mga
mata ko ang hawak niyang patalim habang inuupo niya ako sa upuan na binilin
niya.Ngayon alam ko na, alam ko na kung bakit siya nagpalagay ng isa pang
upuan….malinaw na ang lahat.
May narinig kaming kaluskos sa may bintana kung san nakatapat ang isang malaking
puno.Para bang may…tao ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus ay tumingin muli siya
sa aming dalawa ni Summer at ngumiti.

“Gusto ko kayong patayin sa pinaka-espesyal na paraan.” Bago niya sabihin iyon ay


tinali muna niya kaming dalawa ni Summer sa upuan at tulad ng pinagawa niya sa akin
kanina kay Summer ay tinakpan din niya ang bibig ko gamit ang electrical tape na
nakalapag lang sa mesa.

“Handa na ba kayo?”

Ngumiti muli siya bago siya lumabas.Nagkatinginan kami ni Summer.Muli, luha lamang
ang lumalabas sa mga mata niya habang ako ay…galit.Hindi ko akalain na ito pala ang
pakay niya.Naloko ako.Hindi ito maari.Kailangan kong lumabas sa gusaling
ito.Marahas akong nagpumiglas.Nagnanais na lumuwag ang pagkakatali sa mga kamay at
paa ko ngunit walang epekto.Sadyang napakatibay ng pagkakatali niya sa
amin.Tinignan ko si Denise na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Tama nga siya, isang palabas na hindi ko akalain na isa ako sa magiging biktima.

Isang palabas na siya lamang ang bida.

Isang palabas na alam ko na ang kahahantungan….kamatayan.

Napapikit ako nang nakita ko siya dahan dahan na naglalakad papunta sa amin habang
hawak hawak ang isang…lagari.“Isang hakbang na lang ang layo nyo sa impyerno.” Sabi
niya habang papalapit pa na papalapit sa amin.Halos hindi marinig ang mga sigaw
namin dahil sa nakatapal na electrical tape sa mga bibig namin ngunit sinusubukan
pa rin namin..

“Ngunit bago kayo mawala.May ipapakilala lang ako sa inyo.” Mas lalong nanlaki ang
mga mata namin nang may pumasok na tao sa loob ng silid na kinalalagyan namin.Ang
malamig niyang ngiti ang mas nagpakilabot sa aming dalawa ni Summer.
“Sa wakas, mamamatay na rin ang mga saling pusa.” Sabi niya nang sinarado niya ang
malaking pinto ng kwarto.Siya..sabi ko na nga ba.May kinalaman siya sa lahat ng
ito.

“Pano ba yan? Kita kita na lang sa impyerno.”

Iyon ang huli kong narinig…

Denise’s POV

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!” isang sigaw ang nagmula sa akin nang


nakita ko ang dalawang ulo sa harapan ko.”Nichole….S-Summer?” ang tangi kong nasabi
nang natignan ko nang mabuti ang mga itsura nila.Ang mga nanlalaki nilang mga mata
at ang mga bibig nila ay may nakatapal na electrical tape.Teka…sinong gumawa nito
sa kanila?

“A-Anong nanyari?” tinignan ko ang buong paligid.Nagkalat ang dugo sa lapag at


napatakip ako ng bibig nang nakita ko ang katawan ni Summer at Nichole na nakaupo
sa dalawang silya sa harapan ng silid.Pinigilan ko pang muling sumigaw sa mas
tumitinding takot na nadarama ko.Nanginginig man ay kinaya ko pang tumayo at
lumapit sa katawan nila Nichole.Nakatakip ang mga kamay ko sa bibig ko habang
tinitignan ko ang leeg na halos matabunan ng dugo nila.

Sa pagkakaalam ko, isa si Nichole sa mga killers..ngunit..papanong…

Tinignan ko si Summer na hindi naka-butones ang tatlo sa mga butones ng suot niyang
blouse.“A-Akira?” binasa ko ang maliit ngunit kitang kita mong tattoo sa kaliwang
parte ng dibdib ni Summer.Medyo mataas kaya makikita agad lalo na’t hindi nakasuot
ng mabuti ang kayang damit.Sa taas ng huling letra ay nakita ko ang maliliit na
paru-paro na mayroon si Nichole at Vince.

H-hindi maari..Hindi ko akalain…

“Good Evening Ms. Villaverde.” Isang malalim na boses ang narinig ko mula sa mga
speakers na nakakabit sa bawat sulok ng kisame.”Mabuti naman at nagising ka.Akala
ko mabubulok ka na diyan sa kwartong iyan.” Napaatras ako nang ilang beses.”Tama
ka.Iyang nasa harap mo ang dalawang taong nagdulot ng pagkamatay sa klase nyo.” Sa
kaliwang sulok ng kisame ay may nakita akong CCTV camera.Napatingin ako dito at mas
lalo akong nakaramdam ng kaba.”Masaya ba? Kilala mo na sila.Tapos na ang
laro.Teka..tapos na nga ba talaga?” Tila ba umurong ang dila ko sa takot.Ang buong
lugar na ito ay napakapanganib.Kahit anong oras…pwede akong mamatay.Pumunta ako sa
dulo ng kwarto upang subukan na sirain ang bintana ngunit sadyang mahirap lalo na’t
napapalibutan ito ng alambre mula sa itaas hanggang sa dulo ng bintana.Mas lalo
akong nakaramdam ng takot.

Wala akong kawala.

Biglang nagdilim ang buong kwarto.Halos matapakan ko ang mga ulo nila Summer nang
biglaan akong tumakbo papunta sa malaking pintuan.Medyo nausog ko pa ang upuan ni
Summer kaya siya ay nahulog.Takot na takot man ay itinayo ko pa ito.Bilang respeto
sa kaluluwa’t katawan niya..

Marahas kong binuksan ang pinto at nagtagumpay naman ako, nakalabas ako.Hinintay
kong muling marinig ang tinig na iyon ngunit hindi na ko nagsayang pa ng
panahon.Hinanap ko kaagad ang papunta sa unang palapag ng gusaling ito.Ngunit
pagkatapak ko na pagkatapak ng unang hakbang sa hagdanan ay may namataan akong
babae..hindi ko mamukhaan kung sino dahil ang ilang parte ng ikalawang palapag ay
walang ilaw.

May hawak hawak siyang baril na nakatutok sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at para bang dumikit ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.Ito
na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Narinig ko ang pagputok ng baril.Napapikit
ako.Handa para sa kamatayan ko.

Ngunit…
Biglang may yumakap sa beywang ko at tinulak ako sa kasama ng katawan niya sa gilid
ng hagdanan.Nang muli akong nakatayo ay tinignan ko muna kung may galos o ano pa
man ang katawan ko ngunit…wala.

“Ash!” nakita kong nakadapa si Ash habang dinadamdam ang sakit na nadarama niya sa
may likod ng kanang balikat niya.”Ash!” muli kong pagsigaw sa pangalan
niya.Tumingin siya sa akin na halos maluha-luha ang mga mata.Bukod sa tama ng baril
sa likod ng balikat niya ay may malaki rin siyang sugat sa kanan niyang kamay dulot
sa pagkakasubsob sa magaspang na semento.

“D-Diba sabi k-ko naman sayo…a-ako ang kalasag at s-sandata m-mo…” nahihirapan man
siya magsalita ay nagawa niyang iparating ang gusto niyang sabihin sa akin.Napaluha
naman ako dahil sa nakikita kong paghihirap ni Ash..para sa akin."W-wag kang mag-
alala, d-daplis lang naman i-ito..." hinaplos niya ang pisngi ko at muling ngumiti.

Nilagay ko ang kaliwa niyang kamay sa braso ko at pinilit ko talaga siyang ibaba
nang mas mabilis pa sa makakaya ko dahil sa babaeng humahabol sa amin.Ilang beses
kong sinubok na kilalanin ang mukha niya subalit mas naging madilim pa ang naging
sitwasyon dito sa unang palapag.Tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing
liwanag sa gusaling ito.

Ilang beses niyang sinubukan na kami’y bariliin ngunit palagi itong tumatama sa
pader o sa ibang parte ng unang palapag.Ilang sandali ay nawala na ang babaeng
humahabol sa amin at napaupo na lang kami ni Ash kasabay ng pagsandal sa
pader.Sandali kong hinabol ang hininga ko nang narinig kong nagsalita si Ash.

“K-Kunin mo ito.” Inaabot niya sa akin ang isang lighter.Sinindihan ko ito at mas
naging maliwanag ang paligid.

“Umalis na tayo Ash.” Sabi ko sa kanya ngunit umiling lamang siya.

“N-Nang nagising ako, lumabas agad ako d-dun sa kwarto..” napahinto siya nang
muling kumirot ang sugat niya.”N-Nakakita ako ng gallon ng g-gasolina.Kinalat ko
ito sa buong unang palapag hanggang dun sa h-hagdanan kung san kita n-nakita.”
Huminto siya nang sandali at muling nagpatuloy.”Sa tingin ko, n-nung niligtas k-
kita, na-itapon ko pa ito…”

“Wag mong sabihin…” ang tangi ko sinabi nang naintindihan ko ang ibig sabihin ni
Ash.
Pilit siyang tumayo at agad ko naman siyang inalalayan upang mas makatayo nang
maayos.Bago kami umalis ay tinignan ko siya Ash at tumango siya, senyales para
gawin ko na ang sinasabi niya.Itinapon ko ang lighter na hawak ko malapit doon sa
lugar na itinuro sa akin ni Ash.Agad na nagsimula ang maliit na apoy hanggang sa
lumaki ito nang lumaki.

Halos tinakbo namin ni Ash ang palabas ng abandunadong gusali na ito.Pagkalabas na


pagkalabas namin ay agad kaming pumara ng taxi at agad na nagpahatid sa
pinakamalapit na ospital.Madaming dugo na ang nawawala kay Ash at kailangang
kailangan niyang magamot agad.Mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa ang taxi
driver.

Lumingon ako sa nasusunog na gusali na ngayo’y pinagkakaguluhan ng mga tao mula sa


club na katapat lamang nito.Hindi ko alam ang madarama ko.Sadyang napakabilis ng
mga panyayari.Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung papano naging si Summer…
hindi…sana nga.

“Manong, pakibilisan pa po.” Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay
ni Ash at kahit malamig sa loob ng taxi ay tuloy tuloy ang pagtulo ng panis sa
mukha ko.Nagdasal na ako ng ilang beses para sa kalagayan ni Ash.

Sana…sana wala nang manyari pang masama.

Sana..tapos na ang lahat..

Pinapanalangin ko talaga na sana ang apoy na iyon ang puputol sa lahat at


magpapaitigil sa kaguluhan ng bawat buhay sa klase namin, sa..class 3-C.

--

A/N: Ang baril po ng ginamit ay kay chief Guevarra.And yes, patay na siya.Parang
ayaw ko na rin buhayin kasi gusto ko nang matapos ito.
3-5 chapters to go! (ata?)

NEXT CHAPTER: ----

C50: The end is near. >>

A/N: Seryoso, halos lahat obvious na.Nabigay ko na lahat ng clue na dapat at halos
sinasabi ko na kung sino sila.Madali na lang ito guys! Kayang kaya diba?

Panourin nyo po yung video sa gilid --> Dapat kahapon ko ito ipu-publish pero di
ko nagawa kasi di pa ko satisfied sa UD kahapon.Kakauwi ko lang din ngayon kaya UD
agad.

Dedicated kay @PerfectShots at @KrazyHeart para sa paggawa nila ng twitter acc. ng


C3-CHAS.Sorry di ako makapagdedic sa dalawa eh.Walang chance para sa iba XD Follow
nyo ah? @3CHasASecret at tsaka ako na rin *sume-segway* follow nyo ko sa
@enahmpalaya.Salamat! Enjoy sa UD!

"Read beyond and between the lines."

VOTE | COMMENT | FAN!

---------

Denise’s POV

“Ayos ka na ba?” tanong ko kay Ash habang nakahiga siya sa kama.Nasa hospital kami
ngayon. Napakaswerte na naihabol pa namin si Ash kung hindi, mawawalan siya ng
maraming dugo.Tumango lamang siya at ngumiti.
“Nandiyan ka naman eh.” sabi niya.Ngumiti ako sa kanya at muli kong binaling ang
atensyon ko sa tatay niya.Pinagmamasdan niya at tila ba’y pinag-aaralan ang halaman
na nasa gilid ng bintana.Lumapit ako sa kanya at nagsalita.”Tito, gusto nyo po ba
sa may garden? Mas maraming halaman doon.” Nagkaroon ng masisiglang kislap sa mga
mata niya na tila ba’y isang batang inalok ng sorbetes.Nagpresenta naman ang
kararating na nurse na samahan ang tatay ni Ash patungo sa garden at bantayan na
rin doon habang ako ay naiwan sa loob ng silid.

”Pupunta silang lahat.” wika ko kay Ash pagkatapos kong matanggap ang text ni
Amanda.Halos buong klase daw ay pupunta dito sa hospital upang bisitahin si
Ash.Tumango muli sa akin si Ash at sinabihan ko na magpahinga muna siya nang
sandali.

Pagkaraan ng ilang minuto ay narinig kong may kumatok.Pinapasok ko naman agad sila
Amanda at tulad ng inaasahan, halos buong klase nga ay nandirito.Nakangiti silang
lahat habang papunta sa kama ni Ash.Kinamusta nila ang lagay ni Ash at kung minsan
ay nagkakabiruan na lamang.Napakagaan sa pakiramdam.Mukhang tapos na nga talaga ang
lahat.

Napilit rin kami ng ilan na ikwento ang lahat.Doon nila nalaman ang mga totoong
murderers, si Nichole, Summer at Vince.Ang iba ay nagulat, ang iba naman ay nagsabi
na hindi kagulat-gulat na sila ang gumawa ng lahat ng iyon.Napatingin kaming lahat
nang pumasok si…Andy.

“Oy, Andy nandito ka na pala.” Sabi ni Ash ngunit walang tugon si Andy.Nginitian
lang niya ako at si Ash saka sumama sa kumpulan ng klase.Nakipag-apir siya sa ibang
lalaki at kinamusta si Ash.

“Grabe, parang adventure pala ang ginawa nyo.Buti nakatakas kayo.” Sabi ng isa
naming kaklase.

“Oo nga eh, di pa rin ako makapaniwala ngunit may pinagtataka talaga ako sa
lahat.Hindi ko nabanggit sayo ito Denise kagabi dahil sa bilis ng panyayari na
nakalimutan ko na rin ito ng mga sandaling iyon.” Napatingin ako kay Ash sa sinabi
niya.”Nung nagising ako, agad kong nakapa ang flashlight sa tabi ko.Binuksan ko
yon.Tinawag ko si Denise ng ilang beses, akala ko nandoon lang siya.Malaki ang
kwartong kinalalagyan ko.Tapos may bigla akong nailawan na babae.Kamukha ni
Denise, ganung ganun siya pero nakatalikod papunta sa pintuan.Kamalasan naman at
naubusan ng baterya ang flashlight na hawak ko basta nakita kong tumakbo yung
babae.Sa buong pag-aakala ko na ikaw yun ay sinundan ko siya.Doon ko nakita ang
gallon ng gasolina.Natanaw ko naman na nakalabas siya ng gusali kaya…inisip ko na
nakatakas ka na.Kahit nagdududa ako nun, kinuha ko na yung gallon ng gasolina at
kinalat sa buong unang palapag.Balak ko ring libutin ang pangalawang palapag…baka
sakaling…namalik-mata lamang ako nun…dun kita nakita.” Tumingin sa akin si Ash na
may pagtataka sa mga mata niya.”Baka nga namalik-mata lang ako ng panahon na iyon.”
Pagpapatuloy niya.

Tumingin ako kay Andy pero parang may kakaiba.Hindi ko maipaliwanag pero malakas
ang kutob ko na kailangan ko siyang tanungin tungkol sa kagabi.Sigurado talaga
akong nakita ko siya sa abandunadong gusali.

“Andy.” Tawag ko sa kanya nang napansin kong nagkakasayahan na ang mga kaklase
naming kasama si Ash.”Pwede ba tayong mag-usap?” tanong ko sa kanya.Tumango naman
siya.Lumabas kami ng silid at pinili na lang naming umupo sa mga upuan na nasa
labas lamang ng kwarto.

“Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.Nandoon ka ba kagabi?” nanlaki ang mga mata niya
ngunit bigla akong nanlumo sa sinagot niya.Alam ko.Halata naman na nagsisinungaling
lang siya.

“Nagulat naman ako dun.” Tumawa siya ngunit alam kong peke.”Wala ako dun no.Tsaka,
anong gagawin ko dun? Bakit? Nakita mo ba ako?” Tanong niya sa akin.Tumango ako sa
kanya at wala akong nakuhang reaksyon sa ekspresyon ng mukha niya.

Bigla akong napatingin sa gilid ng kanan niyang braso na para bang nasunog ng
kaunti.Agad ko itong hinawakan at napa-aray si Andy sa sakit.Napakunot ako ng noo
at tumingin sa kanya.”May hindi ka ba sakin sinasabi? Andy, best friend mo ko.Bakit
pati sa akin, nagsisinungaling ka?” agad niyang hinatak ang braso niya upang
matanggal sa pagkakahawak ko.Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Ash at bumungad sa amin si Alex at John Philip.

“Oy, anong problema?” tanong sa amin ni Philip nang nahalata niya ang tensyon sa
pagitan namin ni Andy.Umiling na lamang ako at nanatiling tahimik.”Tara na, sama na
kayo dito.” Sumunod sa kanya si Andy na halatang ayaw nang ipagpatuloy ang usapan
namin.Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Alex sa tabi ko.

“Alam mo, lahat ng bagay ay may katapusan.” Napatingin ako sa kanya habang
nagsasalita siya.”Ito na ba ang katapusan? Tapos na ba Denise? Kung namatay nga
yung humabol sa inyo, iyon ba yon?” tumingin naman siya sa akin na may lungkot sa
mga mata.”Nakakalungkot isipin na kailangan pang mamatay ang karamihan nating
kaklase bago pa man matapos ang lahat ng ito.Bakit kailangan pang dumating sa
puntong ito? Bakit kailangan pa nilang pumatay ng mga tao? Mga tao na walang ibang
kasalanan kundi maging makasalanan.Normal naman iyon diba? Normal lang sa mga tao
ang magkamali, ang magkasala.” Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ito
ngunit wala akong ibang nagawa kundi makinig na lamang.”Nakakatakot.Hanggang
ngayon, natatakot pa rin ako.Hindi ko alam kung bakit.Ni hindi ko nga alam kung
dapat ba kong matakot.”

Hinawakan ko ang kamay ni Alex at nginitian siya.

“Maayos na ang lahat. Huwag ka nang mangamba, tapos na.Tapos na ang gulo.Tutal,
malapit na ang bakasyon.Sa susunod na linggo, matatapos na ang school year na ito.”
Tumingin ako sa kawalan at muling nagsalita.”Hinding hindi ko makakalimutan ang
school year na ito.”

“Tama.Lahat tayo, walang makakalimot sa school year na ito.” Napangiti kaming


dalawa ni Alex.Isang ngiti na ang ibig sabihin ay nakaginhawa, nakahinga ng maluwag
at kalmado.

After two weeks…

“Sa wakas, magkakasama na naman ang Class 3-C!” sigaw ng isa naming kaklase habang
nakadungaw siya sa bintana ng inarkila naming van para sa buong klase.Umarkila kami
ng dalawang van para magkasya ang buong klase.Kanina pang maingay at tila ba hindi
maubusan ang mga kwento sa isa’t-isa.Buhat nang nanyari ang sunog na iyon ay
nanahimik na talaga ang class 3-C.Wala nang gulo na muling dumating at naging iisa
na ang mithiin ng klase at iyon ay, maka-graduate.Buo ang Class 3-C ngayon at
papunta kami sa malaking bahay bakasyunan nila Amanda.Tatlong araw kaming mamalagi
dito at siguradong magiging masaya dahil sa may dagat itong katabi.

Tumingin ako kay Ash na hawak hawak pa rin ang kamay ko.Bakas pa rin sa kamay niya
ang malaking sugat na naging bunga ng pagkasubsob niya dahil sa pagkakahulog sa
hagdanan nung gabing iyon.Sabi niya matagal pa raw ito bago maging peklat.Hinaplos
ko naman gamit ng kaliwa kong kamay ang pisngi niya.Sa malapitan, makikita mo pa
rin ang maliit na peklat dulot ng pagkakasugat sa kanya gamit ng sinasabi niyang
‘Fukiya’.Napangiti ako dahil sa natapos na nga talaga ang lahat.

“I’m so excited na talaga!” narinig kong sabi ni Amanda.Balita ko’y ang bahay na
iyon ay regalo sa kanya ng kanyang ina na pinatawad niya.Nagkasama sila ulit at
nawala na lahat ng galit na nadarama ni Amanda.Nakakatuwa.Muli kong nabaling ang
tingin ko kay Ash na ngayo’y pipikit pikit na.Siguro, napuyat ito kaya kulang sa
tulog.Napasandal ang ulo niya sa balikat ko.
“Grabe, makahanap na nga ng boyfriend, nakakainggit naman!” narinig kong reaksyon
ng isa sa mga kaklase ko.Tumawa na lang ako ng mahina.”Nako, kung si Ash lang din
naman ang boyfriend edi ayos na.Ang swerte swerte mo talaga Denise.” Nakaramdam ako
ng kasiyahan.Lubos lubos na kasiyahan.Muli kong tinignan ang natutulog na si
Ash.Ang mala-perpekto niyang mukha, ramdam ko ang malambot niyang kamay na medyo
lumuwag dahil sa pagkakatulog niya.Hindi ko alam kung saan itatago ang sobra-
sobrang kasiyahan na nadarama ko.

Sa wakas, nasa ayos na ang lahat.

Ito ang gustong gusto naming makamtam simula pa noong una.

“Nandito na tayo guys!” sigaw ni Amanda habang sayang saya na pumasok sa


loob.Napangiti na lamang ako habang dahan dahang bumaba.Inabot ni Ash ang kamay ko
sa pagbaba at nagpasalamat ako sa kanya bago kami tuluyang pumasok sa
loob.Sinalubong kami ng mama ni Amanda na agad namang nagpaalam dahil may lalakarin
pa raw sa ibang lugar.

“Kayo na bahala dito ah? Nandiyan naman sila manang Lydia at si manong Jay.Sundin
nyo sila okay?” nagsitanguan ang lahat at nagpaalam sa mama ni Amanda.Pinuri ng
buong klase ang ganda ng bahay bakasyunan, ang pagkakagawa nito ay halatang
magarbo.Mamahalin ang mga naka-display at napakalinis ng bawat sulok ng
bahay.Masayang masaya naming nilibot ang buong bahay hanngang sa pangatlong
palapag.Tinanaw namin sa balkonahe ang ganda ng tanawin sa labas.Napakaganda
talaga.

“Ang ganda ganda no?” sabi ni Andy nang tumabi siya sa akin.Kaming dalawa na lamang
ang nasa balkonahe.Nagpaiwan ako kasi gusto ko pang tignan ang ganda ng paligid at
sadyang nakakabighani ang lahat ng ito.Tumango lamang ako kay Andy at muling
tumingin sa malawak na dagat sa gilid ko.”Sorry nga pala.”

Napatingin ako sa kanya muli.

“Sorry para saan?”

“Basta, gusto kong humingin ng tawad.Ngayon palang, humihingi na ko ng tawad.Sorry,


hindi ako magiging mabuting best friend.” Pagkasabi niya nun ay umalis na siya sa
tabi ko at sinundan ang buong klase na nasa ibaba.
“Denise!” tawag sa akin ni Ash na tanaw na tanaw ko sa ibaba.Kasama niya sila Alex
at Philip na nakatingala rin sa akin ay kinakawayan ako upang bumaba.”Tara! Punta
ka dito!” sigaw muli ni Ash.Ngumiti ako at nagsimulang bumaba ngunit bago ako
bumaba ay may nakita akong pumasok sa pinakahuling pinto na nasa kabilang dulo ng
ikatlong palapagSusundan ko sana siya, nagbabakasali na isa siya sa mga kaklase ko,
nang may humawak sa kamay ko.

Si Amanda.

“Let’s go, Denise.” Sabi niya sakin nang ngiting ngiti at tila ba sobrang sabik na
sabik sa pagbaba.Ngunit kahit nasa ibaba na ako at kasama sila Ash ay hindi ko pa
rin malimot ang sinabi sa akin ni Andy..

“Sorry, hindi ako magiging mabuting best friend.”

Hindi ko alam ngunit sobra akong kinakabahan sa mga sinabi niya lalo na’t nung may
nakita akong dumaan sa pasilyo ng bahay bakasyunan.Alam ko.Nararamdaman ko.Hindi ko
magugustuhan ang mga manyayari.Muli kong naalala lahat ng ebidensiya na nakuha ko
ang baseball bat, ang singsing..yung kagabi…bakit sa lahat ng nanyayaring
kababalaghan, may naiiwang ebidensiya laban kay Andy? Bakit lahat ng ebidensiya ay
siya ang tinuturo? Hindi man lang ito pumasok sa isipan ko dati dahil siya ang best
friend ko.Sa lahat ng tao, siya ang hindi ko aakalain o mapagbibintangan man
lang.Pero bakit ganito? Bakit pati sa kanya nagdududa na ako?

“Denise, ayos ka lang ba?” tanong sakin ni Ash.Tumango lang ako at sumandal sa
balikat niya habang nakaupo kami sa buhangin at nakatanaw sa malawak na karagatan
sa harapan namin habang ang iba naming kaklase ay nagsisindi ng apoy upang makapag-
picnic daw kami rito mamayang gabi.

“Yung totoo? Marunong ba kayong gumawa ng bonfire?” narinig kong tanong ni Amanda
sa mga lalaki naming kaklase.Napalingon kami ni Ash sa kanila at natawa na lamang
sa mga ginagawa ng mga kaklase namin.”Ako na nga! Grabe kayo, di pala kayo
marunong.” Sigaw muli ni Amanda.Nagtawanan na lamang ang iba naming kaklase.

Hindi ko pa rin mawari kung bakit ako kinakabahan nang ganito.Ang lakas talaga ng
kutob ko na may manyayaring hindi inaasahan.Napakagat ako sa labi ko at muling
napaisip.
Natapos na nga ba talaga ang lahat sa apoy na iyon?

“Ay malas!” sabi ng iba naming kaklase.Doon ko lang napansin na palakas na palakas
na pala ang ulan at kanina pa inaabot ni Ash ang kamay niya upang makatayo ako.Agad
ko naman itong inabot nang nagsimula nang magtakbuhan ang kalahati ng klase papunta
sa loob ng bahay bakasyunan nila Amanda.Sumukob ako sa polo ni Ash habang yakap
yakap niya ako sa beywang at tumatakbo papunta s bahay bakasyunan.

Pagkarating na pagkarating naming doon ay agad kaming nagsipuntahan sa ikalawang


palapag kung nasaan ang mga gamit namin.Ang huling kwarto sa kaliwa ay para sa
aming mga babae at ang huling kwarto sa kanan naman ay para sa mga lalaki.

“Nagpaluto na lang ako kala manang ng dinner natin.Sabi niya nakahain na raw ang
mga pagkain sa mesa.” Sabi ni Amanda habang pinapatuyo ang buhok niya.Umupo siya sa
kama at tumingin sa amin na para bang nag-aalala.

“Bakit ganyan ang mukha mo? “ tanong ni Alex sa kanya.”May problema ba?”

“Kinakabahan ako e.” sabi ni Amanda na naging dahilan ng pagbaling naming ng


atensyon sa kanya.Nagsilapitan kami sa kanya at nakinig sa sasabihin niya.”Umalis
kasi si manang pagkatapos nilang magluto, may nanyari daw sa bahay nila na nasa
kabilang bayan pa.Kinakabahan ako na maiwan tayo na walang kasamang nakakatanda
dito.Hindi naman sinasagot ni mama ang mga tawag ko.”

“Ano ba, kaya naman natin to ano.Para namang may manyayaring masama sa atin dito.”
Sabi ng isa naming kaklase.”Tulong tulong na lang tayo mamaya.Ayos lang naman
samin.” Sabi pa muli ng isa.Tumango at ngumiti si Amanda ngunit alam kong may
bumabagabag pa rin sa kanya.Katulad ng nararamdaman ko ngayon.

Tama siya.

Hindi kami maaring maiwan ng walang kasamang nakakatanda ngayon ngunit naisip ko
rin, kung sakaling kasama naming sila manang…maiiligtas pa ba kami kung sakaling
totoo nga ang kutob na nadarama ko? Napalunok ako sa kaba.Ramdam ko ang mabilis na
tibok ng puso ko kasabay ng panginginig ng mga kamay ko.
Sana nga.Sana nga hindi tama itong nararamdaman ko.

Biglang namatay ang ilaw.Nagsigawan kaming lahat ngunit agad naman nanumbalik ang
ilaw nito.Agad kaming lumabas at nadatnan namin ang mga lalaki sa labas na
sinalubong kami at tinanong kung ayos lang daw ba kami.

Kinakabahan man ay tuloy tuloy kami sa ibaba kung nasaan ang hapagkainan.Nagdasal
kaming lahat bago magsimulang kumain.

“Okay guys, may sasabihin lang ako.” Sabi ni Amanda pagkatapos naming kumain.”Alam
na ito ng mga girls.” Tumingin siya sa akin, kay Alex at sa iba pa.”Wala tayong
kasamang matanda sa loob.Tayo tayo lang ang nandito.I’m so sorry na nangako ako na
may kasama tayong nakakatanda para di mag-alala ang mga parents nyo pero binigo ko
kayo.” Nakarinig kami ng ilang kumento galing sa mga lalaki.Lahat sila ay sinabing
ayos lang naman daw at walang problema dahil hindi ito sinasadya.Nakita kong
panatag na ang ekspresyon sa mukha ni Amanda pero hindi pa rin ako mapalagay.

“Ash.” Binulong ko ang pangalan ni Ash na agad naman niyang narinig at tumingin sa
akin habang nagkukwentuhan ang buong klase.”Nararamdaman mo rin ba?” sabi ko muli.

“Ang ano?” tanong niya sa akin.

“May iba tayong kasama dito.” Bakas sa mukha ni Ash ang labis na pagtataka sa mga
sinasabi ko.

“Hindi ba, tayo-tayo lang ang nandito? Anong sinasabi mo Denise?”

“Nararamdaman ko.May nakatingin sa bawat kilos natin sa bahay na ito.Ash, natatakot


ako.Ito yung pakiramdam ko nang bumisita ako sa bahay ni teacher Yuko.Ang parehong
pakiramdam noong nakita ko ang reaksyon ni teacher Yuko.Ang dalawang anino na nag-
aaway.Ito yun Ash…mapanganib.Sobrang mapanganib.” Tuloy tuloy kong
sinabi.Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Ash sa kamay ko.

“Huwag kang mag-alala, nandito lang ako Denise.”


SOMEONE’S POV

Biglang namatay ang mga ilaw.Hudyat na handa na siya.Malapit nang magsimula ang
dapat na tapos na noon pa.Kasinungalingan.Lahat ng pumapalibot sa amin ay
kasinungalingan.Lumingon lingon ako upang tignan kung ayos lamang ang lahat.Tumakbo
kami papunta sa grupo ng mga babae na nasa kabilang dulo ng pangalawang
palapag.Tinanong nila kung ayos lang sila habang ako ay nanatiling tahimik.Lumingon
ako sa kanya na ngayo’y ginagampaman pa rin ang kanyang parte sa larong ito…
napakagaling.Hindi ko talaga akalain na isa siya sa kanila.

Hindi man ako lubos na pumapayag sa plano niya.

Gagawin ko pa rin.

Tutuparin ko ang pangako ko.

Ilang minuto pagkatapos ng hapunan ay nagkayayaan silang manood ng pelikula.Sinuot


ko ang jacket ko dahil sa lamig na dulot ng malakas na hangin at ulan.Napatigil ako
nang sandali nang nasabit ang jacket ko sa isang matulis na parte ng isang
kagamitan na naka-display sa harapan ng terrace.Pumunta ako sa malaking terrace sa
unang palapag at agad kong siyang tinawagan.Tatlong ring lamang ang narinig ko bago
niya sagutin ang tawag ko.Agad ko narinig ang malumanay niyang boses.

“Handa ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Oo.” Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

”May asungot na sumunod sa akin dito sa ikatlong palapag.Mukhang kailangan na


niyang mauna sa mga kasama niya.” Wika niya.

“Hindi ba, usapan natin, wag munang pumatay hangga’t di pa oras? Susunod ako sa
plano, basta sumunod ka din sa plano.” Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa
kabilang linya.

“Sige.Pagbibigyan kita.” Ilang segundo ang nakaraan at muli siyang


nagsalita.”Paalala ko lang ah? Huwag kang masyadong mabait.Nakakasuka eh.” Alam
kong nainis siya sa inasal ko pero ito ang dapat.Dapat masunod ang plano.Ayaw kong
pumalpak.Ayaw ko siyang pumalpak.

Binaba ko na ang cellphone at umakyat kung nasaan sila.Sa pag-akyat ko ay may dala
akong orange juice.Kitang kita ko ang masasaya nilang mga mukha habang iniinom nila
ang juice na binigay ko.Napatingin ako sa kanya.Handang handa na siya sa
manyayari.Sila lang dapat ang kasali sa palabas na ito eh.Hindi ko alam kung
papaano o bakit niya ako napilit.

Basta paggising ko na lang, nakakulong na ko sa larong ginawa nila.Sa palabas na


hindi pa natatapos at sa kwentong walang makakapagsabi kung sino nga ba ang
umakda.Nakatulala ako sa kawalan habang tinitignan ang buong klase na himbing na
himbing sa pagtulog dahil sa nainom nilang pampatulog na inihalo ko sa orange
juice.Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin.

“Walang lugar ang awa at konsensiya dito.Itatak mo na sa kukote mo na isa lang ang
dapat mong gawin ngayon.” Tumigil siya ng ilang sandali at muling nagpatuloy.

”Ang magpaka-demonyo.”

Ngumisi siya sa akin at tsaka lumabas ng kwarto.Sumunod naman ako sa kanya.

Nagsisimula na.

Malapit nang magsimula ang katapusan.


--

NEXT CHAPTER: ----

C51: The manipulator. >>

VOTE | COMMENT | FAN

---------

Denise’s POV

Nakaramdam ako ng mga kamay na patuloy akong niyuyugyog sa mga balikat ko.Ilang
minuto ang nakaraan bago ako tuluyang magising.Nakita ko si Andy na pawis na pawis
at nakatingin sa akin.Hingal na hingal siya.Nilibot ng mga mata ko ang
paligid.Tulad ng gabing iyon, liwanag na lamang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw
namin.Ngunit ang pagkakaiba ay mas maliwanag ngayon.Naririnig ko ang sunod sunod na
kidlat at kulog ngunit mahina na ang ulan di katulad kanina.Nakita ko si Philip,
Amanda at Andy na nakaupo sa harap ko at takot na takot….sa mga nakapaligid sa
amin.Patay…puro patay.

“A-Anong n-nanyari?” bulong ko habang tinignan ko ang buong silid na punong puno ng
mga bangkay ng aming mga kaklase.Napatakip ako ng bibig nang nang napansin ko ang
mga bangkay nila na walang mga ulo..tanging leeg lamang hanggang sa paa ang
natira.Ni hindi ko na sila makilala kung hindi ko lang makikita ang mga suot nilang
damit.Nilapitan ko ang isa sa mga kaklase ko.Nakakapangilabot.

Tanging kaming apat lamang ang nanatiling buhay sa silid na ito.Ito na..ito ang
kinatatakot ko.Nagkalat ang mga katawan ng mga kaklase namin sa buong silid.Narinig
kong iyak nang iyak si Amanda habang pinapatahan naman siya ni Philip.Hindi ko pa
rin maitago ang gulat at takot na nadarama ko.Bakit? Bakit di pa kami pinapatay?
Bakit kami lang ang buhay?

“Tapos na ang laro…teka tapos na nga ba talaga ang laro?” Naalala ko muli ang
sinabi ng boses na iyon noong nasa abadunadong gusali pa lamang ako.Tama, hindi pa
nga tapos.Tulad ng inaasahan ko, ngayon palang matatapos ang lahat.Nangangamba ako
at natatakot sa mga maaring manyari…sa mga pwede maging katapusan nito.

“Kasalanan ko ito.Kasalanan ko lahat ng ito! Kung hindi ko kayo dinala rito…h-hindi


sana m-manyayari ito.” Patuloy ang paghagulgol ni Amanda habang hinahagod ni Philip
ang likuran niya at sinasabi sa kanya na tumahan na at makakaalis rin kami sa lugar
na ito.

“Nasan si Ash at Alex?” tanong ko nang napansin ko ang pagkawala nila Alex.Nilibot
ko ang buong silid at hinanap sila Ash at Alex halos madapa na ko sa
pagmamadali.Kailangan ko silang makita….lalong lalo na si Ash.”Nasan sila?!” sigaw
ko nang unti-unting nilalamon ng kaba at takot ang puso’t isipan ko.Halos mapamura
ako sa isipan ko habang iniisip na maaring wala na si Alex….si Ash.

“Hindi namin alam.Tulad mo, Denise nagising din kami---“ tinignan ko ng masama si
Andy na naging dahilan ng pagkatigil niya sa pagsasalita.”B-Bakit?” naramdaman ko
ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.Kung kani-kanina ay takot at kaba ang
nararamdaman ko ay napalitan ito ng inis..galit..poot.Tahimik akong umiiyak habang
nakatingin pa rin ng masama kay Andy.Ang atensyon nilang tatlo ay nalipat sa akin.

“Umamin ka Andy! Anong kinalaman mo sa lahat ng ito?!” sigaw ko sa kanya.Best


friend ko siya…masakit na sabihin ko ito sa kanya pero..kung totoo at tama nga ang
nasa isip ko…maaring siya ang may pakana ng lahat ng ito at nasa kanya si Ash.

“Anong sinasabi mo Denise? Pinagbibintangan mo ba ako?” malumay niyang sinabi sa


akin.”Pinagbibintangan mo ang best friend mo?” muli niyang sinabi.Lumapit siya sa
akin at hinawakan ako sa balikat.Yayakapin niya sana ako ngunit tinanggal ko ang
pagkakahawak niya sa balikat ko at pinaghahampas ko ang dibdib niya.

“Sinungaling! Ang tagal tagal mo nang nagsisinungaling sa akin!” Sigaw ko habang


patuloy ang pag-iyak at paghampas sa dibdib niya ngunit wala siyang ibang ginagawa
kundi tanggapin ang bawat hampas ko.”Andy…hindi ko na alam…hindi ko na alam kung
sino ang dapat paniwalaan.” Napaupo ako habang sinasabi ko ang mga katagang iyon at
patuloy na umiyak nang umiyak.”Andy..hindi kita naiintindihan.Sa mga sinabi mo
sakin, kasinungalingan iyon diba? Andy…ano ba talaga ang totoo? Ano ba talaga ang
kinalaman mo? Parang awa mo na…parang awa mo na.”

Napapikit ako sa sakit ngunit wala pa rin siyang sinasabi na kahit ano..nakatingin
lang siya sa akin na may mga luha sa mata.Ni hindi ko alam ang iniisip niya.Basta
ang alam ko, may alam siya.Sigurado akong may alam siya.

“Wag na tayong magbintangan dito.Lumabas na tayo hangga’t may oras.” Sabi ni Philip
habang tinutulungang tumayo si Amanda.Inaabot sa akin ni Andy ang kamay niya ngunit
tumayo ako mag-isa.Naguguluhan ako.

Sobrang naguguluhan.

Ako ang nanguna sa aming apat papunta sa pintuan.Dalawang beses kumidlat bago ko pa
man pihitin ang doorknob.Huminga ako ng malalim bago ko ito tuluyang
pihitin.Napatulala ako.Hindi ako natinag sa kinatatayuan ko at tanging mga luha na
lang ang naramdaman ko.Tila ba’y naging manhid ako at natulala sa dalawang bangkay
na nakasabit sa harap ng pintuan.

“A-Ash…A-Alex..” tangi kong nasabi habang tinitignan ko silang nakatali sa kisame


sa mismong harap namin.Ang mga balikat nila ay konektado sa isang makapal na tali
at ang mas pinangingilabutan ko pa ay ang paggewang ng mga katawan nila habang
nakasabit.Tulad ng iba, wala rin silang ulo at tangi na lang nilang pagkakakilanlan
ay ang mga damit na suot nila.Ang polo ni Ash, ang suot na pulang blouse ni Alex…
sila…Napaupo muli ako habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko.Naramdaman ko
ang kamay ni Amanda sa balikat ko.Bahagya rin siyang umupo at niyakap ako.

“Denise…kailangan na nating umalis…kailangan nating makaligtas.” Narinig kong pilit


niyang sinabi kahit na unti unti na ring nababasag ang boses niya.Dahan dahan niya
ako tinayo.Hindi…hindi ko kayang dumaan sa pintuan na ito.”Denise..tara na.” muli
niyang sinabi sa akin habang inaabot ang kamay niya.Hinawi ni Andy ang katawan ni
Ash na nakasabit sa kaliwang parte upang makadaan kami.Hirap na hirap akong huminga
habang nakapikit at dahan dahan na lumalabas…

Ash...

Tumayo ako nang alam kong ilang hakbang na ang layo ko mula sa kanila.Tinignan ko
si Amanda na nakatingin lang sa akin na para bang kinakaawaan ako, si Philip na
nakatingin sa kawalan at si Andy na para bang may takot ang mga mata sa bangkay ni
Ash.Tumingin si Andy sa kin.Kakaiba.

Sa ngayon, kahit ayaw ng kalooban ko…si Andy lang ang nasa isip ko na possibleng
gumawa nito.Kumurap ako ng ilang beses upang mapigilan ang muling pagtulo ng mga
luha.Napatingin ako sa taas nang may narinig ako akong tunog sa itaas

Lumingon muli ako kala Amanda at muling nagsalita.”Mauna na kayo.” Walang emosyon
kong sinabi sa kanila.Sana nga.Sana nga mali ang nasa isip ko.Agad akong tumakbo
paitaas…Kailangan kong malaman ang lahat lahat at hindi pagtakas ang sagot para
doon.Hindi iyon ang tanging solusyon na naiisip ko.Kung hindi ko ito haharapin
ngayon, baka wala na kong matirang oras para malinawan sa lahat lahat.Dahil sa
totoo lang, ignorante ako sa mga nanyari sa klase na ito.Wala akong alam sa
nakaraan at kung ano ang pinaglalaban ng mga pumapatay.Wala akong pake kung
nilalapit ko na ang sarili ko sa kamatayan.Dito rin naman mapupunta ang lahat…

Tumakbo ako nang tumakbo sa ikatlong palapag.Mas madilim sa lugar na ito dahil sa
kaunti ng bintana sa palapag na kinalalagyan ko ngayon.Hinanap ko kung san
nanggaling ang tunog na narinig ko kanina nang natapat ako sa silid na kanina ay
dapat kong pupuntahan kung hindi lang ako pinigilan ni Amanda.

Bubuksan ko sana ito nang biglang may nagtakip ng bibig ko…tinapalan niya ito ng
tape.Narinig ko ang mahina niyang tawa sa likuran ko.Isang kahindik hindik na
tawa.Nagpumiglas ako ngunit sadya akong mahina kumpara sa kanya.Agad niya akong
tinulak papasok sa isang napakadilim na kwarto.Narinig ko ang ilang tunog na isa
lang ang ibig sabihin, ni-lock niya ako sa kwartong ito.Tiyak na sarado ang bintana
at ramdam ko ang kilabot sa pagtayo ko.Tumakbo ako sa pinto at pinaghahampas ito.

Nagbabakasaling…may makarinig.Ngunit nakaraan ang ilang minuto at napagod ako sa


kakahampas ng pintuan…napaupo ako nang may naramdaman akong taong papalalapit sa
akin mula sa pinakadulo ng silid.

“Denise…Denise..Denise, ito na ang pinakahihintay ko.Tapos ka na bang mag-ingay?”


Lumapit siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ko siya sa
boses.Hindi…hindi maari.Paano siya napunta rito? Napahawak ako sa dibdib ko at
hinintay ko ang tuluyan niyang paglapit.“Ako naman.” Sabi niya nang may binunot
siyang makislap na bagay, isang patalim.

Amanda’s POV
“Denise!” sigaw ko kay Denise nang tumakbo siya nang biglaan.Hindi ko napigilan ang
mga paa ko na sumunod sa kanya.Unti unti siyang naglaho sa dilim habang paakyat
nang paakyat sa hagdanan. Sinubukan akong sundan nila Philip ngunit pinigilan ko
sila.”Susundan ko lang si Denise.Pumunta na kayo sa first floor.Nakasabit sa
pangalawang bintana sa kanan ng pintuan ang susi nung isang van.Hintayin nyo kami
dun.” Nagpumilit sila ngunit hindi ako nagpatinag.Kailangan kong ayusin ito.Ako ang
may kasalanan ng mga nanyayari.

Ako ang nagdala sa kanila rito kaya ako dapat ang mag-alis sa kanila rito.

Pagka-akyat na pagka-akyat ko sa ikatlong palapag ay ilang beses kong tinawag muli


si Denise ngunit walang nagsasalita. May narinig akong kalampag ng pintuan ngunit
agad nakuha ang atensyon ko ng isang boses.Si mama…

“Anak…anak..naririnig mo ba ko? Tulungan mo ko anak.” Nanlamig ang katawan ko sa


naririnig ko.Hindi ako pwede magkamali.Boses ni mama itong naririnig ko.Hinanap ko
kung san nanggagaling ang tunog.Nanginginig man ay pinihit ko ang doorknob at mas
narinig ko ang boses ni mama..”Anak! Tulungan mo kooo! Anaaaaak! Anaaak! Pa-Patayin
na niya ako.Anak…anak..” unti unting nanghihina ang boses.Pumasok ako sa isang
madilim na kwarto na nasa kaliwang parte ng ikatlong palapag.Hinanap ko ang
buksanan ng ilaw.Hindi ako pamilyar sa palapag na ito dahil hindi pa ko napupunta
sa kahit anong kwarto rito.Imbis na mahanap ko ang buksanan ng ilaw ay may nasagi
akong bagay na nasa ibaba.Muli itong tumunog.“Anak…anak..naririnig mo ba ko?
Tulungan mo ko anak.” Pinulot ko ang mp3 recorder at naiyak na lang muli sa patuloy
kong naririnig na paghingi ng tulong ni mama.Niyakap ko ang recorder at umiyak.Nang
narinig kong sumarado ang pinto.

“Sino yan?” tanong ko.”Andy? Denise? P-Philip?” walang sumasagot.”Sino yan?!”


narinig ko ang yabag ng mga paa niya papunta sa akin.Bigla namang sumindi ang mga
ilaw at halos mabitawan ko ang hawak kong recorder nang nakita ko siya..

Siya…
Nanlalaki ang mga mata ko habang umaatras.”Kyaaaaaaaaaaah!” sigaw ko nang may
natapakan ako muli.Si...S-Si mama..nakita kong nakabulagta si mama sa lapag.Puno ng
saksak ang buong katawan ni mama at nakabaon pa rin ang kutsilyo sa may puso
niya.”M-Mama!” sigaw ko habang tumakbo ako papunta sa katawan niya at halos yakapin
ito.

“Nagustuhan mo ba ang regalo ko?” ngiting ngiti niyang sinabi sa akin.

“Baliw ka na ba?! Bakit mo ito ginawa sa mama ko?! Anong kasalanan niya sayo?!”
sigaw ko sa kanya ngunit bahagya siyang umupo sa harap ko at ngumiti nang ubod ng
sama bago nagsalita muli.

“Pinakita ko lang sayo kung ano ang kaya kong gawin.Maswerte ka nga eh.Kung
tutuusin dapat ikaw ang sinunod na patayin kay teacher Yuko.Pero dahil tatanga
tanga si Summer at sa sobrang tanga niya, pumasok ang salitang ‘pagkakaibigan’ sa
mapurol niyang pag-iisip.” Tumayo siya at ngumisi muli.”Wala naman talaga akong
pake.Kung ikukumpara sa larong Chess sabihin na nating isa lang siyang Pawn dito sa
larong ito.”

Napayuko ako nang muli kong naalala ang pagkamatay ni Summer.”I-Ikaw ang pumatay
kay S-Summer?” tanong ko sa kanya.

“Hindi.” Tumingin siya sa akin ng masama.”Hindi ako kasing tanga ng Summer na yon
para basta basta pumatay.Kung ako sa kanya.Dati ko pa ginawa ito.Ang patayin ang
lahat nang mabilisan.” Lumapit siya sa akin at tinignan ko naman siya ng may takot
sa mga mata.”Ako ang manipulator.Ako ang may hawak ng lahat.Ako ang nasusunod.”

Napaatras ako habang nakaupo.Takot na takot kong tinignan ang mga mata niya na para
bang wala sa sarili.Hindi ko alam.Hindi ko alam na ganito siya.Ni hindi ko naisip
na maaring siya ang nasa likod ng lahat ng ito.Akala ko nakalimutan na niya.Akala
ko nanahimik na siya.Akala ko….hindi na siya babalik.Kilala ko siya.Alam ko kung
bakit niya ginagawa ito.Ngunit hindi ko akalain na…dadating sa punto na ito.Dahil
ito sa akin…lahat.Halos mangiyak ako nang lumapit siya sa akin na may hawak na
blade sa kanan niyang kamay.Pinilit kong suntukin siya…hampasin ngunit tinututok
niya ang blade sa leeg ko at galit na galit na sinabi..

“Huwag kang lumaban baka di ako makapagpigil.Baka mapatay kita kaagad.Ayaw ko pa


naman yon.” Nagsisigaw ako nang bahagya niyang hinatak ang kaliwa kong kamay at
unti unting binabalatan ito.Umiyak ako nang umiyak ngunit at takot na takot kong
tinitignan ang bawat hiwa na ginagawa niya sa balat ko…ang mga laman at dugo na
lumalabas.”Gusto ko…dahan…dahan.” Sabi niya habang patuloy na binabalatan ang braso
ko.”Oh, ayaw mong makita?” sinabi niya sa akin na para bang napakasimple lang ng
ginagawa niya.Ramdam na ramdam ko ang sakit sa braso.”Gusto mo pa?” umiling ako
nang umiling.Tila ba’y naging pipi ako sa takot at kilabot na nadaram ko.May kinuha
siya sa gilid niya.Isang bote.
“Huwag! Parang awa mo na! Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!” ngunit kahit anong sabihin ko
ay biglaan niyang binuhos ang suka sa sugat sa kamay ko.Napasigaw muli ako sa
sakit.Lalo na nung narinig ko siyang tumawa…tumawa nang tumawa.

“Masarap ba? Masarap ba sa pakiramdam? Ha?!” binato niya sa dulo ng silid ang bote
ng suka habang ako ay naiwan dung umiiyak.

“Sorry…sorry..” wala na kong ibang nasabi kung hindi ang paghingi ng tawad.

“Mga puta kayo! Tinapos ko lang ang sinimulan nyo noon.Ang sinimulan MO!” ramdam na
ramdam ko ang galit sa mga mata niya.Bumalik siya muli sa akin na may galit pa rin
sa mga mata.”Ayaw mong makita? Ayaw mo na ba kong makita?” tumingin lang ako sa
kanya.”Sige, pagbibigyan kita.” Muli akong sumigaw.Sinubukan kong tumakbo ngunit
nahatak niya ang buhok ko at sinandal ako sa pader.Bago pa niya magawa ng binabalak
niya ay nakita ko pa siyang ngumiti.Ang huling ngiti na makikita ko.Ang ngiti ng
isang demonyo.Agad niyang tinusok ng blade ang kaliwa kong mata.Ramdam ko ang unti
unti nitong pagbaon hanggang sa dulo….dugo..wala akong makitang iba kundi
dugo.”Parang awa mo na…wag mong gawin sakin ito.” Napaupo ako doon sa kinatatayuan
ko nang bigla siyang tumahimik.

“Ganyan din ang sinabi ko sa inyo.Ganyang ganyan.Sabi ko nga sayo, ako lang ang
tumapos…dahil iyon ang hiling niya.Kasinungalingan.Puro kasinungalingan ang
nasambit ko simula noon.” Umupo siya muli sa harapan ko.Malabo..hindi ko siya
masyadong makita.”Huwag mo kong itulad kay Summer..hindi ako hangal.Hindi ako uto-
uto.Alam mo ang naramdaman ko habang tinitignan ko kayo kanina na masayang masaya?
Na para bang walang problema?” tumayo siya muli.Tumalikod siya nang sandali at para
bang inis na inis na lumingon sa akin.”Nakakatawa! Mga mukha kayong tanga.Akala
nyo, tapos na? Mga bobo!” lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha mula sa kanan
kong mata.”Hindi ko alam na iiyak ka sa harapan ko.Ganyan din ako dati diba? Umiyak
ako sa harap nyo…lumuhod…nagmakaawa na ako pero anong ginawa nyo?”

Kasalanan ko.Kasalanan namin.

“Pinagtawanan nyo lang ako at sinantabi…pinagpatuloy nyo ang ginagawa nyong


kademonyohan.Sa tingin mo, sinong demonyo? Ako?” tumigil siya ng ilang
sandali.”Kayo..kayo ang demonyo.Ngayon nyo mararamdaman ang galit ko.Ngayon nyo
makikita kung ano ang pagkakamali nyo.”
“Patawad.Patawarin mo ko.” Muli kong sinabi ngunit tumingin lang siya sa akin ng
masama at may dinukot sa may pantalon niya.Isang baril.

“Katapusan mo na.” hindi ko alam kung bakit pero ang tangi kong hinihintay ay ang
pagputok niya ng baril.Ang baril na tatapos sa akin.Sa lahat ng kasalanang nagawa
ko.Sa lahat ng taong nasagasaan ko.Sa lahat ng nanyari na kagagawan ko.

“Isama mo sa kamatayan mo ang sikreto ng Class 3-C.” Ang huling narinig ko sa


kanya…

--------------

A/N: Sa white part ng mata nasaksak si Amanda na may mga blood vessels daw kaya may
dugo.Ni-search ko pa yan! HAHA.Nagtaka din kasi ako.

NEXT CHAPTER: THE LAST MURDERER.

C52: The last murderer. >>

This is the last chapter guys.Get ready for more revelations and voice out your
opinions.Sabihin nyo kung waley o havey.Pero kahit waley, wala tayong magagawa
hahaha.Ganyan talaga ang layp.Enjoy!

VOTE | COMMENT | FAN!

-------------------
Andy’s POV

“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” bubuksan na sana namin ang pintuan ng kotse


nang may narinig kaming malakas na sigaw.Nagkatinginan kami ni Philip.Bigla akong
napaisip.”Boses ni Amanda yon!” sigaw ni Philip.Ngunit isang ideya ang pumasok sa
isip ko na kanina pang bumagabag sa isipan ko.Tama ang hinala ko…kasama
siya.Nakarinig muli kami ng isa pang sigaw mula kay Amanda.Kahit na nasa ibaba kami
ay malinaw kong narinig ang mga katagang sinigaw niya. ““Huwag! Parang awa mo na!
Huwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!” Binigay ko ang susi kay Philip.”Pre, hintayin mo ko
rito.” Narinig kong pinigilan niya ako at sinabing sasamahan niya ako ngunit hindi
ako nakinig bagkus ay tumakbo ako nang mabilis paakyat sa ikatlong palapag.

Napahinto ako nang sandali nang nakarating ako sa ikalawang palapag.Wala na kong
narinig na sigaw mula kay Amanda ngunit nakarinig ako ng ilang yabag ng mga paa na
para bang nasa paligid ko lang..nasa likuran ko lang.Tumingin ako sa likod ko
ngunit wala namang tao.Napailing na lang ako at inisip na mali lang ang narinig
ko.Nang nakarating ako sa ikatlong palapag ay agad akong napalingon sa kaliwang
parte ng palapag na ito.Madilim man ngunit kitang kita ko ang isang tao na para
bang may hinahatak na patay na tao papasok sa isang silid.

Nakarinig ako ng malakas na kulog kasabay ng isang kidlat na naging dahilan ng


pagkakita ko nang sandali sa mukha niya..Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko
kung sino siya…Hindi ako makapaniwala.Pumasok siya sa loob ng silid na iyon habang
hatak hatak pa rin ang isang bangkay. Susundan ko sana siya ngunit biglang may
nagtakip sa bibig ko gamit ang isang panyo.May naamoy akong kakaiba na naging sanhi
ng paglabo ng mga mata ko hanggang sa nawalan na ko ng malay…

Namulat ko ang mga mata ko sa abandunadong gusali na iyon.Usok…puro usok ang


paligid.Ito mismo ang eksaktong panyayari nang gabing iyon.Paulit-ulit kong
tinawag ang pangalan ni Denise ngunit tila ba’y ako na lang ang nag-iisa sa
gusaling ito.Umubo ubo ako ngunit kahit nahihirapan sa paghinga ay patuloy pa rin
ang pagtawag ko sa pangalan ni Denise.

Nang may nakita ako sa gilid ko…si Nichole, hawak hawak niya ang baseball bat ko na
puro dugo.Ngumiti siya sa akin habang inaabot sa akin ang baseball bat na hawak
niya ngunit bago ko pa man ito mahawakan ay biglang naglaho sa paningin ko si
Nichole.Alam ko na sa simula pa lamang…alam kong siya ang may kagagawan sa nanyari
kay Angie.Ngunit nagbulag-bulagan ako.Pilit kong tinanggi.Na kahit utak ko ay
naniwala na rin.Sinabi ko na hindi niya magagawa iyon.Na maaring nililinlang lamang
ako ng aking paningin at isip..ngunit kahit anong tanggi ko.Napatunayan ko nang
gabing iyon na isa nga siya…kasama ni Summer.
Humakbang ako paharap habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa ilong ko.Nang may
nakita muli akong tumakbo sa gilid ko.”Denise?” tanong ko.Sinundan ko siya hanggang
sa pangalawang palapag kung san unti unti na ring nilalamon ng apoy.Nakita ko si
Summer na nakatali ang mga kamay sa isang silya sa gitna ng ikawalang
palapag.Umiiyak siya ngunit hindi ko masyadong marinig ang hagulgol niya dahil sa
may nakatakip sa kanyang bibig.Pilit akong lumapit sa kanya ngunit bago pa man
akong lumapit ay bigla siyang nagliyab sa harapan ko hanggang sa naglaho rin siya
katulad ni Nichole.

Nakita kong pinatay sila.Nakita ko kung paano sila tanggalan ng mga ulo.Kitang kita
ko.Ngunit ang malabo lang ay, hindi ko masyadong nakita ang gumawa ng mga
iyon.Madilim sa parte na kinatatayuan nila habang nakamasid ako sa nag-iisang puno
na nasa gilid ng gusali.Maliit.Napakaliit lang na porsyento ang nakita ko dahil sa
mga nakaharang na alambre sa bintanang iyon.Pati ang mga sinasabi nila ay hindi ko
masyadong marinig.Ngunit malinaw sa akin ang nanyari, pinatay niya sila.Natakot ako
dahil alam kong…kapag nalaman nilang nandoon ako…baka isunod na rin nila ako…hindi
maari.Bumaba agad ako sa puno at nagmuni-muni hanggang sa nakita kong umuusok ang
gusali.Muli kong naalala si Denise.

Nang minulat ko ang mga mata ko.Nandirito muli ako sa bahay bakasyunan nila
Amanda.Sa isang madilim na kwarto.May nakatali sa mga kamay ko at kahit anong gawin
kong hatak ay hindi matanggal ang kadena nito na nakadugtong sa pader.Para akong
isang hayop na nakakulong sa hawla nito.

Madilim man ay kita kong may nakaupo sa isang sulok ng kwarto.Kita kong tumayo siya
at dahan dahang lumapit sa akin habang nagsasalita.”Sabi ko naman sayo pre
eh.Sasamahan kita.” Nang lumapit siya ay muling kumidlat kaya kitang kita ko ang
mukha ni Philip.Nakangiti siya sa akin habang hawak niya sa kanan niyang kamay ang
isang maliit na kutsilyo.Lumapit pa siya sa akin nang kaunti at umupo sa harapan
ko.”Ikaw na mismo ang naghukay ng libangan mo.Ang trabaho ko na lang ay itulak ka
papunta doon.”

“I-Isa ka sa kanila?” tanong ko sa kanya.

Umiling siya.”Sabihin na nating, sinasamahan ko lang sila.” Bumuntong hininga siya


saka nagpatuloy muli sa pagsasalita.”Hindi ko nga alam kung ba’t ganito magtatapos
ito eh.Hindi naayon ang lahat sa plano pero kahit anong katapusan nito…buhay nyo pa
rin ang kapalit.” Napayuko ako.Umupo siya sa tabi ko at muling nagsalita.”Wala
naman talaga akong balak maging parte sa larong ito pero ito ang pangako ko.Pangako
ko sa kanya.” Tumingin ako sa kanya.”Kay Freya.” Nanlaki ang mga mata ko.”Namatay
siya.Isang kasinungalingan.Nanatili siyang buhay sa isip at puso ko.Pero ikaw Andy,
hanggang sa kaloob looban mo, patay na siya diba?” nakaramdam ako ng kakaibang
kirot sa dibdib.

Napalunok ako.
“Naniniwala ka bang ang tanging dahilan ng pagkamatay ni Freya ay si Thania?
Naniniwala ka bang siya lang ang may kasalanan? Patay si Freya..Oo…dahil kay
Thania…pero ang unang unang dahilan ay ang klase nyo..natin.” narinig ko ang unti
unti na pakabasag ng boses niya.

“Sila ang pumatay kay Freya!” tumayo siya at bahagyang umupo sa harapan ko.Marahas
niyang hinablot ang kuwelyo ko at tinitigan ako sa mga mata.”Hindi ka ba nandidiri
Andy? Ang lakas lakas ng loob mong ipagtanggol siya dati..ang lakas lakas ng loob
mong sabihin na ikaw lang ang nag-iisa niyang kakampi! Pero pinabayaan mo lang
siya! Hindi mo ba talaga naalala? Yung gabing iyon…yung gabing tinawagan ka niya at
nanghihingi ng tulong.Yung gabing…muli mo siyang tinanggihan.” Nakita kong may
tumulong luha sa mata niya.”Hinding hindi ka niya mapapatawad…hindi ka namin
mapapatawad.”

Napapikit ako habang pinipigilan ang bawat luha sa pagpatak.Habang inaayos ko ang
kirot na nadarama ko.Hindi ko alam.Halos nakalimutan ko na ang panyayaring
iyon.Tama, oo nga pala…napakasakim ko.Hanggang sa huling hininga ni Freya,
tinanggihan ko siya.

Muling nanumbalik sa akin ang panyayaring iyon..

“Ano ba papa?! Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako lilipat ng club.Gusto kong
maglaro ng baseball! Buhay ko to! Wala kayong pakialam sa kung ano ang gusto kong
gawin!” sigaw ko kay papa.Hindi ko alam kung san nanggaling ang mga salitang ito
ngunit ang paglalaro ng baseball ang tanging kinaliligayahan ko.Bukod sa mga
problema dito sa bahay, sa school…ang baseball na lang ang nagpapawala ng mga pag-
aalinlangan ko at ito ang tanging paraan para masabi ko na may silibi pa ko sa
mundong ito.

“Tatay mo ako! At may pakialam ako sa buhay mo!” dahil sa inis ay nagmadali akong
umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.Sabi ko na nga ba na maling ideya na pumunta
sa bahay na ito.Kinuha ko ang susi sa lamesa ng kwarto ko.Ang susi ng motor ko at
ng apartment ko.Doon ako pumupunta sa tuwing ayaw kong umuwi sa bahay.Puro
problema.Sawang sawa na ako.Lalabas na sana ako nang narinig kong patuloy ang
pagring ng cellphone ko.Inis na inis man ay agad kong sinagot ang tawag ni….Freya.

“Oh ano na naman ba?!” hindi ko sinasadya na sigawan siya.Ngunit ito ang
nararamdaman ko ngayon.Inis at galit.Naririnig ko muli ang paghikbi niya at tila ba
hinahabol ang hininga.
“A-Andy…t-tulungan mo---“

“Ayan ka na naman eh! Kung gusto mong magpakamatay! Mamatay ka na!” tulad kanina,
parang kusang nagsasalita ang bibig ko.Siguro nakadagdag na rin ang kalasingan
ko.Kani-kanina lang ay sumama ako sa inuman nila Vince, Rain, Amanda at halos
kalahati ng klase.”Wala na kong pake, sawang sawa na ako Freya!”

“Andy….pasensiya na..a-akala ko kasi..matutulungan mo ako.” Hindi ko na masyadong


marinig sinasabi niya dahil para bang unti-unti na siyang humihina.”Mahal kita…
Andy, mahal na mahal kita.” Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay
binaba na niya ang cellphone.Muli, dahil sa galit ay binato ko ang cellphone na
hawak ko sa kama at nagmadali nang lumabas.

“Hoy san ka na naman pupunta?!” narinig kong sigaw ni papa sa akin habang palabas
ako ng pintuan.

“Sa Impyerno!” sigaw ko nang sumakay ako sa motor at pinaharururot ko ito palabas
ng gate.

Napaluha ako sa naalala ko.

“Hindi ko alam…hindi ko alam na iyon na pala ang nanyayari.Lasing..lasing ako nun


at nag-away kami ni papa.Hindi ko akalain na ganun na pala.” Napaluha ako habang
nagsasalita ngunit galit lamang ang nakita ko sa mukha ni Philip.”Kasalanan ko…kung
sineryoso ko ang tawag niya.Sana nakatawag ako sa pulis o sana---“

“Wala na.Huli na Andy.” Sabi ni Philip.

“Patawad..Patawarin nyo ako.” Ang tangi kong nasabi.


“Napagbayaran na nila…ikaw na lang ang natitira.” Tumingin si Philip sa pintuan at
doon ko nakita si Thania…ngumisi siya sa akin.Naalala ko muli ang pagkikita namin
dati.Kaya pala sa bawat salitang binibigkas niya ay para bang may kasamang galit…sa
akin.

“T-Thania.”

“Malinaw mo na bang naalala Andy? O gusto mo pang ikwento ko sayo ang lahat?” Sabi
niya habang nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa akin.”Ako.Ako nga ang pumatay
kay Freya pero iyon ang hiling niya.Ako lang ang nagtuloy ng sinimulan ng mga
kaklase mo.Kilalang kilala ko sila…Vince, Rain, Maeri, Amanda, Angie, Alyana at ang
iba pa…Ang mga lasing mong kaklase.Mga demonyo..” mas lalong tumalim ang bawat
titig niya sa akin.”Nagmakaawa ako..nagmakaawa kami..pero sadyang mataas at mahaba
ang mga sungay nila.Dapat lang sa inyo ang lahat ang ito.Sa dinami-dami ng ginawa
nyong kaululan.Dapat lang kayong magdusa .Dapat lang kayong mamatay.Mga walang
modo, mga basagulero….mga mamatay tao.”

Lumapit sa akin si Thania at mas lalong umurong ang dila ko sa sinabi niya.

“Muli, tatanungin kita Andy.” May dinukot siyang kutsilyo sa likuran niya.Tinignan
niya ito nang mabuti bago tumingin muli sa akin.”Anong gusto maging kamatayan mo?”
ngumisi siya bago niya isasak ang kutsilyo sa binti ko.Napangiwi ako sa sobrang
sakit lalo na nung tinanggal niya ang pagkakasaksak nito sa binti ko.Halos kagatin
ko na ang dila ko upang mapigilan ang pagsigaw.Ayokong sumigaw.Pinipigilan kong
sumigaw.Dapat lang sakin ito.Dahil kung tutuusin, sa ginawa ko kay Freya..para ko
na rin siyang pinatay nang paulit-ulit.”Masakit diba? Gusto mo bang madama ang
naramdamang sakit ni Freya noon?” tumingin siya sa akin habang nanggagalaiti ang
mga mata.”Masakit na masakit na masakit!!!” habang sinisigaw niya iyon ay paulit
ulit niyang sinaksak ang binti ko.Halos tinadtad niya ito ng saksak.Napapikit ako
nang mariin habang iniinda ang sakit na dulot ng napakaraming saksak na natamo ko.

“Tama na..tama na..” ang tangi kong nasabi habang dinadamdam ko ang matinding sakit
na nadarama ko.Tumayo si Thania at pumunta sa sulok ng kwarto.Nang muli siyang
lumalapit sa akin ay narinig ko ang sunod sunod na kalansing ng bakal.Saka ko lang
nakita ang hawak niyang malaking kadena na halos ipalupot niya sa kamay niya.

“Hinihintay ka na ni Freya sa kabilang buhay.” napapikit ako habang pinapalupot


niya ang kadena sa leeg ko ngunit nakuha ko pa rin magsalita bago pa man mahigpitan
ang mga iyon.

“Patawad…patawarin nyo ako.” Pagkatapos kong masabi ang mga katagang dati ko pa
sana nasabi ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapalupot ng kadena sa leeg ko
at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapalupot nito sa leeg ko hanggang sa
naramdaman ko na lamang na unti-unit na kong nawawalan ng hininga…..

Patawarin mo ako Freya..

Denise’s POV

“Hindi ka makapaniwala?” nanlalaki ang mga mata niya habang tinatanong ako.Sa
ngayon, sapat na ang liwanag na meron upang makita ko ang mukha niya.Ilang beses
kumidlat at kumulog ngunit hindi nito napantayan ang kaba at takot na nadarama
ko.Gusto kong pumikit at pagdilat ko ay panaginip lang pala ang lahat.Gusto kong
sabihin na ilusyon lamang ito.Bakit? Unti unti tumulo ang mga namumuong butil butil
na luha sa mga mata ko.Tinaas niya ang mukha ko gamit ang marahas na pagtaas sa
panga ko.Nakita ko ang pagngisi niya.”Napakadali nyong lokohin, napakadali nyong
paniwalain.” Tinanggal niya ang pagkakahawak sa panga ko at muling tumayo sa
harapan ko.”Kasalanan niya ito.Niloko niya ako.Pinaasa.Sinantabi.” tumingin siya sa
akin na may galit sa mga mata habang ako ay punong puno ng takot at kalungkutan.

Tinignan niya muli ang hawak niyang patalim.Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko at
tila ba napako sa kanya ang mga mata ko.Paano niya…paano…bakit..napakadaming tanong
ang nasa isipan ko.Bakit? Hindi ko akalain na ganito ang manyayari.Napapikit muli
ako.Bakit hindi ko alam?

Bakit hindi ko napansin?

“Alam mo ba ang sikreto ni teacher Yuko?” nanlalaki ang mga mata niyang tinanong sa
akin.”Ako.” ngumiti siya sa akin bago muli nagsalita.”Kami.” Hindi ko man alam
kung iyon nga ba ang sinasabi niya ngunit biglang may pumasok sa isipan ko.”Sikreto
niya kami.Ang relasyon namin.Pero dahil niloko niya lang ako.Iniwan ako…niligpit ko
rin siya kagaya ng ginawa ng tatay ko sa nanay ko at para maging kapanapanabik,
sumama ako sa kanila…pumayag ako sa plano niya…sumali ako sa laro ni Kamatayan.”
Tinanggal niya ang tape sa bibig ko.”Anong masasabi mo Denise? Ako ba ang nakilala
mong Ash? O tulad ni Summer, nabulag ka sa kasinungalingan na pilit kong pinapasok
diyan sa mapupurol nyong isipan?!”

“A-Ash…” Ang tangi kong nasabi habang unti unting pumapatak ang mga luha.Ang lakas
ng kabog ng dibdib ko.Kahit anong sabi ko sa utak ko na hindi ito totoo…hindi siya
ang nasa harapan ko.Ang totoong Ash ay nasa ikalawang palapag…patay na.Ngunit
ngayon ko lang napansin, ang titig sa akin ni Andy kanina na para bang
nagbabanta.Ngayon ko lang naalala ang sugat niya sa kamay…wala iyon sa
bangkay..hindi ko na natignan..mas lalong bumilis ang pagtulo ng mga luha nang unti
unti na kong nagigising sa katotohanan na kasinungalingan lang pala ang lahat.

“Hindi naman dapat dumating sa punto na ito eh.Pero Denise, ikaw ang pumili.”
Napakunot ako ng noo sa narinig ko sa kanya.”Hindi mo ko pinili.” Tumingin siya sa
akin nang may galit sa mga mata.”Naalala mo ba yung gabi na tumawag ako sa’yo at
humihingi ng tulong dahil kailangan ko ng kaibigan? Iyon lang ang tangi mong
tiyansa para hindi masali sa kaguluhan na ito.Inis na inis ako sa sarili ko
nun.Galit na galit ako sa mga sinabi ni Chief Guevarra.” Umupo siya muli sa harapan
ko.”Mamatay tao ako, manloloko..lahat ng iyon pumasok sa isipan ko.Hanggang sa may
biglang nasagi sa isipan ko na ‘kailangan ko nang magbago’.Tinawagan kita nun
Denise.Kapag pinuntahan mo ako ng hindi nagda-dalawang isip…titigil ako.Pero mas
pinili mo siya.” Nangiti siya.”Mabuti na lang.Doon ko lang naramdaman na kahit
anong gawin ko, hindi ako makakatakas sa pagiging ganito.Iniwan kami ni mama,
iniwan ako ni Yuko at alam kong iiwanan mo rin ako.Wala akong ibang makakapitan
Denise.Lahat ng babae, lahat ng pinagkakatiwalaan ko…iniiwan din ako.” Itinaas niya
ang kutsilyo hanggang sa naging pagitan ito ng mukha ko at ng mukha niya.”Hindi ko
kaya yun Denise.Kaya uunahan na kita.” Nanginginig akong umusog hanggang sa
nakasandal na ko sa pader.

“A-Ash…wag kang ganyan..” tumawa siya.Tumawa nang tumawa.

“Sa tingin mo ba mahal kita? Sa bagay, di rin kita masisisi, muntik na nga akong
maniwala sa sarili ko eh.” Hinatak niya ang braso ko nang marahas hanggang sa
napasandal muli ako sa pader.Nakakulong ako sa bisig niya habang nakasandal ang mga
palad ng kamay niya sa pader na sinasandalan ko.Dinikit niya ang mukha niya
hanggang sa nagkatapat ang mga labi namin.Napapikit ako.Ngunit hindi niya ako
hinalikan katulad ng ginagawa niya.Dumilat muli ako at nakita kong nakatingin lang
siya sa akin.”Hindi kita mahal.Wala akong naramdaman na kahit ano para sayo.Isa ka
lang palamuti sa palabas na ito.Masaya ba Denise? Masaya bang lokohin? Iwanan?
Ululin?” umiling iling ako habang patuloy ang pag-iyak ko.”Ganyan ang naramdaman
ko.Niloko ako.Iniwan nang paulit-ulit.Akala ko si Yuko na ang magpapabago sa
pananaw ko sa mga babae ngunit nagkamali ako….siya pa ang nanakit sa akin nang
husto.Dapat lang sa kanya ang patayin.Niloko niya lahat tayo.Niloko ka niya.”

“Mabait sakin si teacher Yuko! Hindi niya ako niloko!” pagkasabi na pagkasabi ko
nun ay sinikmuraan niya ako.Napayuko ako sa sakit at sumuko ng dugo habang hawak
hawak ko ang tiyan ko.Agad ko namang naramdaman ang pagsabunot niya sa buhok ko
upang muli magtapat ang mga mukha namin.

“Iyan ang ayaw ko sayo Denise.Bilib na bilib ka sa teacher na yun.Bakit ilang taon
mo ba siyang nakasama? Alam mo bang ginawa na namin lahat ng ginagawa ng
magkasintahan.Halik..Yakap…Sex.” diniinan niya ang pagkakasabi niya sa huling
salita na sinabi niya.Mas lalong kong nadama ang sobra sobrang kirot sa dibdib ko
habang paulit-ulit kong narinig sa utak ko ang mga sinabi niya.Tinabig ko ang kamay
niya.
“Ayoko! Wag ka nang magsalita Ash! Tama naa!” Mas lalo akong humagulgol.Ramdam ko
ang pagkirot ng puso ko na para bang may pumipiga rito.”Tama naa…please…tama
naaaaaa…Di ko na kaya.” Ang tangi kong nagawa ay lumuhod sa harapan niya at
umiyak.”Parang awa mo na…tama na.” ngunit ngumisi lang siya sa akin.Tinayo niya ako
gamit ang pagkahawak sa balikat ko.

“Gusto mo bang maranasan ang ginawa kong pagpatay kay Kevin?” sabi niya habang
nakangisi. Sinubukan kong tumakbo palayo ngunit agad niya nahablot ang kanan kong
braso.Marahas niya itong hinatak papalapit sa kanya.Agad kong naramdaman ang
malalim niyang pagsaksak sa tagiliran ko.Napatingin ako sa kanya ngunit isang
matamis na ngiti lamang ang natanggap ko mula sa kanya.Pagkatapos niyang hugutin
ang kutsilyo ay sinaksak naman niya ako sa likuran.”Wag na wag mong iisipin na ako
si Ash, ang nagpopropotekta sayo.Ako ang tatapos nito.” Ngumisi siya.”Ayon sa plano
niya, ni Thania.”

T-Thania?

“Maaring wala kang alam tungkol sa mga nanyari noon pero alam mo, napakasarap mong
lokohin, nakakagaan sa pakiramdam sa tuwing naniniwala ka sa bawat salita ko.Ang
bobo mo Denise. Napakabobo mo.Katulad ka lang ni Summer.Pareho kayong tanga.”
Pagkasabing pagkasabi niya nun ay muli niya ako sinaksak sa may likod ng balikat
ko.Unti unti akong nanghihina sa dami ng dugo na nawawala sa katawan ko.Kitang kita
ko ang damit niya na punong puno na ng dugo mula sa katawan ko.

“Any last words Denise?” tumingin siya sa akin.

Mahina pa man ay tinaas ko ang kanan kong kamay na puno ng dugo.Hinaplos ko ang
pisngi niya.At sa huling sandali, nginitian ko siya.

“Mahal na mahal kita Ash…” nakita ko ang reaksyon niya.Napatulala siya ng ilang
segundo.Ngunit agad na napalitan ng galit at pagkamuhi ang ekspresyon ng mukha
niya.

“Sinungaling.” Ang tanging lumabas sa mga bibig niya at kasabay nun ay sinaksak
niya ako sa may dibdib.Naramdaman ko ang biglang kirot ng puso ko kasabay ng unti-
unting pagkawala ng hininga ko na para bang lahat ng bahagi ng katawan ko ay
nagsibagsakan at tila di na gumana.

Ngunit sa huling sandali ay pilit kong hinawakan ang kamay niya.Hanggang sa mawalan
ako ng hininga..
Ash…mahal na mahal kita..

Thania’s POV

Binuhat ni Philip ang bangkay ni Andy at nilagay sa isang kwarto kasama ng bangkay
Amanda at ng nanay niya.Nakatingin lang ako kay Philip habang pinapagpag niya ang
damit niya.Ngumiti ako sa kanya.”Nakamit na natin ang hustisya para kay Freya.”
Ngunit tinignan niya lang ako ng masama at tsaka ngumisi.

“Hustisya pala ito.” Napakunot ako ng noo sa tugon niya.”Alam mo, kung hindi lang
dahil kay Freya, hindi ako sasama sa plano mo.Mas mabuti na lang na isa ako sa mga
patayin mo kaysa sa ganito.”

“Napaka-inosente mo talaga Philip.Mula nung una palang palagi mo akong


tinatanggihan.Hanggang sa malaman mo ang sikreto ko.Sa akin ka lang dapat
naniniwala Philip.Ako lang ang dapat pagkatiwalaan sa larong ito.” Hinawakan ko ang
kamay niya…

Malinaw kong naalala ang lahat..

“Freya, kung ginagago ka lang ng mga kaklase mo, mas mabuting lumipat ka na ng
ibang school.” Tumingin lang siya sa akin habang umiiyak.”Ayan ka na naman eh!
Lahat dinadaan mo sa iyak! Iyak dito, iyak doon.Alam mo Freya kung ano ang mali
sayo? Pinapabayaan mong tapak-tapakan ka ng mga gagong iyon.Kinakawawa mo ang
sarili mo!” ngunit mas lalo lang siyang humagulgol sa sinabi ko.Inis na inis ko sa
kanyang binato ang unang na hawak ko at pumasok sa c.r.Tinignan ko ng masama ang
salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili ko.Ngumisi ako.”I’m much better than you
Freya.” Sabi ko at binuksan ko ang gripo at naghilamos.Pagkaangat ko ng ulo ko ay
narinig ko ang malakas na sigaw ni Freya.
Napalabas ako agad ng banyo saka ko nakita si Freya na hawak hawak ng dalawang
lalaki na nakasuot ng uniform ng school niya, ang Laketon Academy.”Sino kayo?!
Paano kayo nakapasok dito?!” sigaw ko sa kanila at nagtangka akong tumakbo papunta
sa kakambal ko nang hinatak ako ng isang babae.

“You’re Thania right?” tinignan ko siya ng masama at tinanggal ang pagkakahawak


niya sa braso ko.

“Wala kayong karapatan pumasok dito! Layas! Umalis kayo! Kundi---“ tinutukan ako ng
kutsilyo ng isang lalaki..

“Kundi ano? Tatawag ka ng pulis? Tatwagan mo ang magulang mo? Ano? Ano ang kaya
mong gawin?” napalunok ako habang tinitignan ang kutsilyo na nakatapat sa tagiliran
ko.”Umupo ka diyan!” sinunod ko ang utos ng lalaki.Rinig na rinig ko ang patuloy na
pagsigaw ng kapatid ko.

“We’re just here to have fun.Right, Rain?” sabi ng isang babae habang lumalapit
siya sa lalaking nakahawak sa braso ni Freya.Nagsitawanan sila.Sa amoy palang nila
ay halatang nasobrahan sila ng inom ng alak.Sumigaw ako at nagpumiglas nang
hinuburan ng isang lalaki si Freya habang paulit-ulit sa kanyang sinasabi na dapat
lang sa kanya iyon dahil mamatay tao siya.

Hindi mamatay tao ang kakambal ko.

Nagpumiglas pa ako nang lumapit sa akin ang isa sa mga lalaki at sinikmuraan
ako.”Tumahimik ka!” sabi niya at dinuraan pa ako bago bumalik sa ginagawa nila kay
Freya.Narinig ko muli ang pagsigaw at paghingi ng tulong ng kakambal
ko.Nagpupumiglas siya ngunit sadyang malalakas ang mga lalaki na nasa harapan
niya.Tatlo…hindi….anim…pito..madami sila habang ang mga babae ay nagtatawanan sa
pinapanood nila.

“Mga walang hiya kayo! Layuan nyo ang kakambal ko! Mga demonyo!” sigaw ko muli sa
kanila ngunit sinipa ako ng isang babae.

“Just shut the fck up and enjoy the show! Stupid.” Sabi niya sabay irap sa akin.

“Huwag mo na siyang pansinin Maeri.Tatahimik din yan mamaya.” Ngayon ko lang


naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.Habang pinapanood ko ang kapatid kong
minomolestya sa harapan ko, ang bawat sigaw at paghingi niya ng tulong..kumikirot
ang dibdib ko.Nawala lahat ng galit na nadarama ko sa kanya…ang lahat ng
inggit.Kapatid ko pa rin siya...laman at dugo.

“Parang awa nyo na…parang awa nyo na..” paulit ulit kong sinisigaw.Sa kasamaang
palad, wala sila mama..walang magpoprotekta sa amin.Sinabi kong iba ako kay Freya
pero mukhang umurong ang sungay ko sa sitwasyon na ito…sobra na…hindi ko na
kaya..Narinig ko ang tawanan nila habang umiiyak si Freya sa sakit.”Freyaaaaaaaaaa!
Maawa kayo kay Freyaa!” sabi ko habang humahagulgol ako.Ngunit tawanan pa rin ang
nangibabaw kaysa sa sigaw ko.

Hanggang sa…

“T*ngina Vince.Anong ginawa mo?!” narinig kong sigaw ng isa sa mga babae.Biglang
nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Freya na may saksak sa tagiliran.Agad
akong tumakbo nang nagsilayuan sila kay Freya.”H-Hindi ko sinasadya! Hawak hawak ko
lang yan! Siya ang sumaksak sa sarili niya! Hinawakan niya ang kamay ko at tsaka
sinaksak sa sarili niya!” sigaw nung Vince habang umaatras palayo sa amin ni Freya.

“Puta.” Narinig kong sabi ng isa sa mga babae.”Tara na nga.”

Habang nagtatalo sila doon ay hinawakan ko sa mukha si Freya.Pilit ko siyang


kinausap.Dahan dahan niyang dinilat ang mga mata niya.”Ate, pagod na ko..pagod na
pagod na ko..” naramdaman ko muli ang pagtulo ng mga luha ko.”Ayoko nang mabuhay
ate…ayoko na.”

Narinig ko ang mga hakbang ng mga paa nila pababa ng bahay.Nagsitakbuhan sila na
para bang hinahabol ng multo.Galit...napuno ng galit ang isipan ko.

“Hindi..Hindi Freya..Hihingi tayo ng tulong.” Kinuha ko ang cellphone niya na nasa


kama.

“Andy..Gusto kong makausap si Andy.” Sabi ni Freya nang nahawakan ko ang cellphone
niya.Agad kong hinanap si Andy sa contacts niya at tinawagan ito.Dalawang beses
lang nagring at agad niya itong sinagot.Ako sana ang kakausap kay Andy nang dahan
dahang tinaas ni Freya ang kamay niya at dahil sa kagustuhan niya, binigay ko sa
kanya ang cellphone.

“A-Andy…t-tulungan mo---“ ang tanging nasabi ni Freya.Nakadinig ako ng sigaw sa


kabilang linya ngunit hindi ito malinaw dahil sa hina ng tunog.“Andy….pasensiya
na..a-akala ko kasi..matutulungan mo ako.” Unti unting nanghihina si Freya habang
nagsasalita.Kukuhanin ka na sana ang hawak niyang cellphone nang narinig ko ang
sunod niyang sinabi.”Mahal kita…Andy, mahal na mahal kita.” Hindi ko alam ang
sinabi ni Andy ngunit sigurado ako, tinanggihan niya si Freya.Lumingon sa akin si
Freya na namumuo ang mga luha sa mga mata habang malungkot na nakangiti.

“P-Patayin mo na ako ate.Parang awa mo na, patayin mo na ko.Para sa akin, para sa


ikaliligaya ko, tapusin mo na ang b-buhay ko.”

Nanlaki ang mga mata ko at umiling iling sa kanya.Hindi ko kaya…hindi maari.Ngunit


hinawakan ni Freya ang kanan kong kamay at nilagay sa tagiliran niya na nakasaksak
pa rin ang patalim.”Patayin m-mo na ako..” halatang mahinang mahina na ang katawan
ni Freya ngunit nagawa pa niyang bunutin ang kutsilyong nakabaon sa tagiliran
niya.Binigay niya ito sa akin at muling ngumiti.

Tuloy tuloy ang pagluha ko nang binaon ko sa dibdib niya ang kutsilyong tatapos sa
buhay niya.

Hawak hawak ko ang kamay ni Philip habang papunta kami sa huling silid na nasa
kanang parte ng palapag.Kung saan naroroon ang isa ko pang pawn sa larong ito at si
Denise, ang pinaglaruan.Kinuha ko ang susi at binuksan ko ang pintuan.Nakita ko
siyang nakatayo sa sulok at nakabulsa ang magkabilang kamay sa pantalon.Nakatingin
siya sa akin nang diretso saka ngumisi.

“Tapos na.Patay na siya.” Tinignan ko ang nakahandusay na katawan ni


Denise.Tumingin ako sa kanya na may awa sa mga mata.Kung hindi lang niya siniksik
ang sarili niya sa larong ito, sana kasama na siya sa mga kaklase niyang namatay
habang nahihimbing.Pero dahil siya ang napili, siya ang nagsilbing palamuti.Para
maging kapanapanabik ang laro.Para may naiiwan sa gitna na hindi alam kung ano ba
talaga ang totoo sa kasinungalingan.Siya ang tanging dahilan kung bakit hindi agad
agad kong tinapos ang sinimulan ng 3-C.

“Good job.Ash.” sabi ko habang papalapit sa kanya.Nilingon ko si Philip na para


bang walang pakialam sa mundo habang nakasandal sa may gilid ng pintuan at
nakatingin sa bangkay ni Denise.

“Nang napatay nyo silang lahat, anong naramdaman nyo? Kasiyahan? Pagiging
kuntento?” biglang nagsalita si Philip.Napatingin lamang kami ni Ash sa kanya na
takang taka.”Pwede nyo namang patayin ang mga gumawa nun kay Freya.Hindi nyo na
dapat idamay ang iba.” Sabi niya.
Magsasalita sana si Ash na halatang naiirita nang tinaas ko ang kamay ko upang
hindi na siya kumibo pa.”Philip, huli na para magsisi.Hindi ka man humawak ng
kutsilyo at binaon mo sa katawan ng ibang tao, parte ka pa rin namin.” Ngumiti ako
sa kanya.”Isa ka ring mamatay tao.”

“Yun na nga eh, pinatay nyo ang mga mamatay tao sa paningin niyo.Baka gusto nyo
ring isunod ang mga sarili nyo---“ hindi ko napigilan si Ash.Agad siyang lumapit
kay Philip at tinutok nang mariin ang kutsilyo sa leeg niya.

“Pumili ka Philip, tumahimik ka o papatahimikin kita?!” galit na galit niya sinagaw


kay Philip.

“Tama na Ash.Tama na Philip.Para kayong mga bata.” Marahan kong nilayo si Ash kay
Philip.”Hindi tayo dapat abutin ng pagsikat ng araw dito.” Tumingin ako sa suot
kong relo, 3:10 am.”Dapat na tayong umalis.” Nilabas ni Philip ang susi sa bulsa
niya at binato kay Ash na sinalo naman ang bigay nitong susi.Napangiti
ako.Magkakasundo rin naman pala itong dalawa itong eh.

Tinignan ko sila habang palabas ng kwarto.

Tapos na.

Muli kong nilingon si Denise habang palabas ako ng kwarto.Ngumiti ako sa kanya.Isa
rin siyang biktima ngunit mali siya ng kinampihan at mas lalong, mali siya ng
binangga.Sumunod ako kala Ash sa ibaba.Nang natapos ang laro, saka rin tumila ang
malakas na ulan.Wala na ring maiingay na kulog at matatalim na kidlat.Sumakay ako
sa van at nagsimula na itong umandar papaalis.

Hinawakan ko muli ang kamay ni Philip na halatang hindi pa rin sang-ayon sa mga
nanyari.Sumandal ako sa balikat niya at sinabing.

"Magsisimula ulit tayong tatlo..isang magandang panimula.Para sa bago nating


buhay.Malayo sa nakaraan.Malayong malayo.”
-----------------------

A/N:

Someone – Philip

Manipulator – Thania

4th murderer – Ash

Remember yung scene na nag-uusap usap yung mga killers tapos may dumating tas
kumagat sa apple? Si Ash yon.Siya yung pumatay kay Kevin.Siya yung lumitaw sa harap
ni Lilith nung tumakbo ito palayo kala Akira.Siya yung lalaki sa likod ni Denise
nung bumisita siya kay teacher Yuko.Yung anino na kaaway ni teacher Yuko.

Si Philip, hindi niya tinanggap ang alok ni Akira.Pero sinabi niyang “parang mali
yung tinahak kong daan.” (something like that) dahil sa si Thania ang manipulator
at mas pumili niyang kumampi kay Thania.Ginamit lang ni Thania sila Summer para
maghiganti tapos para mabawasan ang trabaho niya.Una niyang nilapitan si Ash tas
nilapitan niya si Summer (nung pagkagising sa coma).Ayun kinontrata ni Ash si
Summer hanggang sa ayain ni Ash si Nichole…blah..blah…So, tulad ng sinabi ko...

Ang buong kwento ay tungkol sa paghihinganti.

THIS IS ONLY THE BEGINNING.

NEXT CHAPTER: EPILOGUE & AUTHOR'S NOTE.

EPILOGUE >>

"THIS IS ONLY THE BEGINNING---

VOTE | COMMENT | FAN!


-------------------------------------------------

After 3 weeks...

“Nandito tayo ngayon sa isang parte ng Batangas ng eksaktong 8:02 ng gabi.Ilang


oras ding nilibot ng mga pulis ang di umanong bahay bakasyunan na punong puno ng
mga bangkay.Madami na ring nakakaamoy ng masangsang na amoy na nanggagaling sa
malaking bahay bakasyunan at ang ilan sa kanila ay lumapit na sa pulisya upang
matignan kung san nga ba nanggagaling ang amoy.”

Inayos niya ang pagkakaupo niya habang nagtataka at tila ba kinakabahan sa


balita.May nararamdaman siyang kakaiba patungkol sa balitang ito.Malakas ang
kutob.Hindi siya pwedeng magkamali sa nadarama niyang kaba.

“Ilang linggo na rin ang nakakaraan nang nakatanggap ng mga kaso ang pulisya
tungkol sa pagkawala ng mga nasabing estudyante ng Laketon Academy.” Huminto ng
sandali ang reporter at tinignan ang hawak niyang papel kasabay ng mas pagtalim ng
tingin niya sa telebisyon nang narinig niyang binanggit ang 'Laketon Academy'.”Sa
paghahanap ng mga pulis ay nakakita sila ng dalawangpu’t apat na mga bangkay sa
loob ng bahay bakasyunan.Ang ibang bangkay ay nakahiwalay at ang karamihan sa mga
bangkay ay nasa iisang kwarto lamang.Hindi pa alam ang mga pangalan ng mga bangkay
dahil karamihan sa kanila ay pinugutan ng mga ulo.Ngunit may mga ilang bangkay rin
na namataan na buo pa rin ang katawan. Nakilala ang mga bangkay dahil sa binigay na
mga litrato ng kanilang mga magulang at sa kasamaang palad ang mga nasabing
estudyante ay kasama sa masasabi nating unang ‘massacre’ ngayong 2012.” Huminto
muli siya at muling tinignan ang hawak na papel.”Ang mga nakilalang bangkay ay sina
Denise Villaverde, Andy Fajardo at napag-alaman na isa sa mga kaklase nila na si
Amanda Fortalejo.”

Nagpokus ang camera sa mga magulang na humahagulgol habang yakap yakap ang kanilang
mga anak at ang iba naman ay hinahanap ng tamang bangkay ng kanilang mga
anak.”Hanggang ngayon ay puno pa rin ng iyak ang maririnig mo sa mga magulang na
hindi akalain na sa isang gabi ay mawawala ang kanilang mga anak.”

In-off niya ang telebisyon na nasa harapan lamang niya at ilang metro lang ang
pagitan sa kanya.Binulong niya ang pangalan ng taong lubos niyang kinamumuhian na
ngayo’y wala nang buhay.”Denise Villaverde.” Ngumisi siya kasabay nang pagtayo
niya.Tinignan niya ang liwanag ng buwan at ang mahinhin na pagpatak ng ambon sa
kanyang bintana.Binuksan niya ito at dinama ang mahina ngunit malamig na ambon sa
labas.Hindi niya napigilan ang pagngisi.

Narinig niya ang pagtawag ng pangalan niya ng kanyang ama na nasa unang palapag ng
kanilang bahay.Umirap siya dahil sa inis bago niya isarado ang bintana at lumabas
sa kwarto niya.Tinignan niya ang ama niya na halos nanggagalaiti at kulang na lang
ay isupalpal sa kanya ang hawak nitong report card.

“Ano to?! Bakit ganito ang grades mo?! Sumagot ka!!!” sigaw nito sa kanya.Ngunit
ngumisi lang siya sa harap ng ama niya at nagsalita.

“May pakialam pala kayo?”

Muntik na siyang masuntok ng ama niya ngunit napigilan nito ang kamao niya sa
pagdampi sa mukha ng nag-iisa niyang anak.Tumingin lang muli siya sa ama niya
katulad ng pagtingin niya sa lahat, malamig..walang buhay…walang emosyon.

“Anong balak mo ha? Uulit ka ng third year!! Pinapahiya mo na naman ako!” sigaw
nito muli sa kanya ngunit tumayo lamang siya doon na parang walang pakialam habang
iniisip ang sasabihin.”Hindi mo ba alam na isang kahihiyan ito ha! Pagtatawanan
nila ako kapag nalaman nila na ang isang Levesque ay uulit ng taon sa pag-aaral?!
Nakakahiya ka!” napayuko siya ngunit walang tumulong luha.Masakit ngunit hindi
bakas sa kanyang mukha ang sakit na nadarama niya.Sanay na siya.Muli niyang hinarap
ang kanyang ama.

“Hindi ko kailangang maging mabuting anak para hindi kayo mapahiya sa mga tao.Unang
una, hindi mo ako anak.Pangalawa, walang kayong pakialam sa akin.Pangatlo,
masyadong malaki ang mundo para ituon nyo ang pansin nyo sa kamalian ko.Wala kayong
alam.Walang wala.” Natahimik ang kanyang ama sa sinabi niya.Tatalikod na sana siya
upang bumalik sa kwarto niya nang muli siyang lumingon sa kanyang ama at
nagsalita.”Sa Laketon Academy ako mag-aaral sa susunod na school year.Asikasuhin
nyo na.Baka mainip ako.” Tuloy tuloy siyang umakyat sa pangalawang palapag.

Umupo siya agad sa kama at tinignan ang sarili sa malaking salamin na halos katapat
lamang niya.Mag-isa man ay nagwika siya para sa sarili niya.”Laketon
Academy.Maghintay ka lang.Aalamin ko ang lahat.” Ang nasabi niya dahil sa
nabalitaan niyang nanyari sa demonyita ng buhay niya, kay Denise Villaverde.

Humarap siya sa drawer na katabi lamang ng kama niya.Kinuha niya ang nag-iisang
litrato na naroroon.Hindi niya napigilan ang pagsimangot nang muli niyang nakita
iyon.Sa tuwing gusto niyang mas magalit sa mga taong gumawa sa kanya ng sandamakmak
na kasalanan ay ito lamang ang dapat niyang makita.
Ang huling litrato niya na nakangiti kasama ng pinakakinamumuhian niyang nilalang,
si Denise.Nilukot lukot niya ito at tinapon sa lapag.Muli, walang ni isang luha ang
pumatak.Gaano kasakit, gaano man kahirap.Pinangako niya na kahit isang patak na
luha ay hindi papatak.Napagod na siya.Pagod na pagod.

Tumayo siya at muling pumunta sa tapat ng bintana.Katulad ng kanina, muli niyang


pinanood ang liwanag ng buwan na ngayon ay nagiging kulay pula na.Ang paborito
niyang kulay, ang pula…dugo…rosas…misteryo.Pati ang kaninang mahinang ambon na
ngayo'y lumalakas na ang pagpatak.Hinipan niya ang salamin ng bintana at bumuo ito
ng kahalumigmigan.Dahan dahan niyang sinulat ang kanyang pangalan at binulong niya
ito nang matapos siyang magsulat.

“Luna.”

x---------------------------------------------------

Hanggang sa muli….

A/N: Ayun, diba si Haruna Ono yung sabi kong fictional character dati ni Luna?
Iibahin ko po at makikita nyo sa trailer kung sino siya.Baka bukas ko na lang i-
post ang author's note.Importanteng basahin nyo yun kasi about yun sa book 2 at dun
ko ilalagay ang trailer.

Sabi ko naman sa inyo eh, wag nyong kalimutan si Luna. :)))

Salamat!
AUTHOR'S NOTE + TRAILER >>

Ehem.Ehem.

Maraming maraming salamat at nakarating ka sa puntong ito.Ang tangi ko lang


talagang masasabi ay, Salamat! Salamat! Kung ano ano ang nanyari at sa wakas,
nakatapos na rin ako ng isang storya (or novel? IDK.) Ayon, di ko talaga akalain na
may magseseryoso sa gawa kong ito dahil ako mismo, hindi kaseryoseryoso *insert
tawa here*.

Sa totoo lang, ginawa ko ang C3-CHAS na walang matinong plot.Hanggang chapter 5


lang ang napagplanuhan sa storya na ito at ang lahat ay biglaan ko na lang naisip
nang nagta-type ako ng UD.Ang character ni Akira, Freya, Summer,
Thania...Lilith..teacher Paolo at ang iba pang nagdagdag ng flavor sa librong ito,
hindi ko sila pinagplanuhan.Hanggang chapter 5 lang talaga XD Kung itatanong nyo
kung paano ko nakonek ang lahat lahat, hindi ko din alam.Basta gawa ako ng ganito
tas gawa ng palusot.Tapos ayon na.Impromptu lang halos ang lahat ng nandirito.

Ang mga unang killers dapat ay sina Ash, Nichole at Maeri.Layo no? XD Kahit yung
black flute, natype ko lang yun pero di ko talaga sinadya na maging isa sa mga clue
para sa hanapin ang killers.Kumbaga, para bang may sariling utak ang mga kamay
ko.Shet lang.Kung ano ano na pala ang nata-type ko tapos pag natapos ko yung UD.
'Watdapak? Ako gumawa nito?!' #LUL.

Nagsimula ang C3-CHAS na para bang isang blankong papel na wala tayong alam kung
ano ang maiilimbag ngunit habang patagal na patagal, dun ko lang naisip na
'Ahhh...may kwento na pala.' Hindi ko talaga akalain na makakagawa ako ng ganitong
klaseng libro at magkakaroon ako ng mga readers dahil inaamin ko sa inyo, nonsense
akong tao. XD

So ayon, basta nagpapasalamat ako sa lahat ng taong sumuporta ng munti kong gawa na
ito at sa mga susuporta pa hanggang sa book 2.Salamat! Maraming maraming
salamat.Ang mensahe na ito ay para sa lahat.Mapa-silent reader, active reader o
demanding reader man...etc..Salamat at mahal na mahal ko kayo *in porenger accent
ples*.

Ehem.Ehem.

About sa book 2, hindi ko po ito ipo-post agad agad.Mag-iisip muna ako ng plot at
magpapahinga muna ang mga brain cells ko pati na rin yung sa inyo XD Baka December
or 2013 ko na rin ma-post ang book 2.Depende sa takbo ng utak ko ne? Ayon ayon.

Dahil ang kwento na ito ay tungkol sa paghihiganti.Asahan nyo na ganun din sa book
2 pero with a twist.You'll get to know more about Laketon Academy.May mga pumapasok
na ideas na sa utak ko pero I know naman na hindi ko gagamitin yun pag ginagawan ko
na ng UD.Basta, bahala na si Batman.

And tungkol nga pala sa mga nagbigay sakin ng names para maging character sa book
2.Nasabi ko naman sa inyo na kaunti at kapag sinabi kong kaunti...kaunting kaunti
lang talaga ang kaya kong kuhanin kaya kung sakaling di ko magamit ang name nyo,
pasensiya na po.Walang kai-kaibigan sa ganito.Di ako bias.Basta I'm after the
'name'.Kung bagay ba siya sa character na ibibigay ko sa kanya o hindi.And hindi na
po ako tumatanggap ngayon ng mga pangalan, ang dami na eh XD

Salamat! Panourin nyo ang trailer sa gilid para sa book 2------------>

About nga pala dun sa trailer, kaya yung unang part lang yung conflict at yung
ibang part, nicheverlalu ko na lang.Di ko pa kasi alam ang flow ng story kaya
pinapakilala ko muna sa inyo yung ibang characters (yung iba di ko kilala diyan XD)
tsaka tignan nyo na rin bilang 'scenes' ng book 2 ang mga clips.

Nandiyan din si Park Jiyeon (Alex Mendex ng class 3-C) pero it doesn't mean na
kasama siya sa book 2.Kumbaga, di ko lang talaga siya matanggal sa mga clips XD Yun
lang.

LABYU ALL :*

HANGGANG SA MULI~

-----

Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means,
electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information
storage and retrieval system,without written permission from the author. PLAGIARISM
is a crime! © charotera101

ALL RIGHTS RESERVED 2012.

You might also like