You are on page 1of 6

Aksiyon sa PBA tuloy sa Big Dome

March 10, 2020 Filed under Basketball Posted by Balita Online Balita RSS RSS Feed

Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. — TNT vs Phoenix Super LPG

7:00 n.h. — NLEX vs Northport

APAT na koponan ang magtatangkang magtala ng unang tagumpay upang makahanay ng opening day
winner at defending 5-time champion San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2020 PBA
Philippine Cup ngayong araw na ito sa Araneta Coliseum.

Unang pares na mag-uunahang makapagtala ng panalo ang isa sa mga itinalagang paborito na TNT
Katropa at Phoenix Super LPG sa kanilang pagtutuos sa pambungad na laro ganap na 4:30 ng hapon.

Kasunod naman nila na magtutuos sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi ang NLEX at Northport.

Matapos makuha sa NLEX ang big man na si Poy Erram, buo na ang starting five ng Katropa na pawang
mga Gilas players na kinabibilangan ni Erram, Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario at ang kari-renew
pa lamang ng kontrata na si Ray Parks Jr. na syang dahilan kung bakit sila itinalagang isa sa mga
contenders.

Unang susubok sa tikas ng Katropa ang Super LPG na problemado naman sa kanilang gitna gaya ng ibang
koponan dahil kagagaling pa lamang sa operasyon ng kanilang mga big men na sina Dave Marcelo at
Jake Pascual tatlong linggo bago ang opening ng season.

Dahil dito, sasandig si coach Louie Alas kina Justine Chua, Jason Perkins at bagong recruit pero beterano
na ring si Jay-R Reyes para tumao sa kanilang frontcourt.
Bukod dito, hinihintay din nila ang pagbabalik mula sa indefinite suspension ni Calvin Abueva.

Sa tampok na laban, nalagasan sa gitna sa pagkawala ni Erram, sisikapin ng Road Warriors na maituloy
ang magandang performance na ipinakita nila sa nakaraang pre-season tournament.

Inaasahang mamumuno sa tropa ni coach Yeng Guiao si Gilas standout Kiefer Ravena at ang nagbabalik
mula sa injury na si Kevin Alas.

Para naman sa Batang Pier, sila ang itinalagang “dark horse” sa pamumuno ng nakaraang Governors Cup
Best Player na si Christian Standhardinger na inaasahang magsisimula para sa una niyang buong season
para sa koponan.

-Marivic Awitan
Knights, nakaisa sa Palayan City
March 10, 2020 Filed under Basketball Posted by Balita Online Balita RSS RSS Feed

GAPAN –Matira ang matibay ang siyang magiging kahihinatnan ng labanan ngayong darating na Linggo
para sa Game 3 ng 2020 Community Basketball Association (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball
finals.

Napigilan ng defending champion na San Juan Knights ang host team na Palayan City sa isang
kumbinsidong 74-66 panalo na ginanap sa Gapan City Gymnasium dito noong Linggo ng gabi.

Hindi nagpatinag ang tropa ni coach Randy Alcantara kahit pa nga nasa mas lamang ang kalaban
pagdating sa suporta ng audience dahil sa homecourt advantage nito.

Naging makapigil- hiniga ang laro nang buhat sa 44-24 kalamangan ng San Juan Knights sa pagtatapos ng
second quarter ay nakahabol ang Palayan City sa 59-60 Kung saan ginamit nila ang lakas nina Gab Reyes
at Renz Alcorisa galing sa 13-4 run sa pagpasok ng ikahuling yugto.

Ngunit Hindi hinayaan ni Ato Ular na makuha agad ng Palayan ang kampeonato kung saan pinangunahan
niya ang San Juan upang ipursigi Ang Game 3.

Tumipa 20 puntos at 14 rebounds si Ular habang si Judel Fuentes naman ay may iniambag na 13 puntos.

Hindi naging madali angpanalo para sa San Juan ngunit Alam mo Alcantara na nantiling naktuon at may
diskarte ang kanyang koponan sa nasabing laro.

“The boys kept their composure even after they (Capitals) came charging back. Hindi nasiraan ng loob
kahit pa nasa homecourt kami ng kalaban,” Ani Alcantara.

Aminado naman si Coach Alvin Grey na nanggigil ang kanyang mga bataan na agad na makuha ang
panalo ngunit tumukod din sa bandang huli.
“Gigil Kasi Yung mga Bata. They wanted to end it na so Ang naging kalaban tuloy namin Yung mga sarili
din namin. They wanted to prove something to the home crowd kaso nga kinapos kami,” ani Grey.

Hindi naging sapat ang 22 puntos na tinipon ni Guilmer Dela Torre ngunit tuwala si Grey na makakabawi
sila ngayong Game 3.

Tatanggap ng P1 milyon ang koponan na magkakamoeon sa nasabing torneo.Annie Abad

Iskor:

San Juan Knights (74) – Ular 20, Fuentes 13, Gamboa 11, Nocum 8, Lugo 7, Nieles 5, Salenga 4, Garcia 3,
De Vega 3, Serrano 0, Delaten 0, Cantos 0

Palayan City Capitals (66) – Dela Torre 22, Dela Cruz 10, Reyes 8, Aguirre 8, Alcoriza 7, Abanto 4, Ocampo
3, Maroga 2, Juanico 2, Torrado 0

Quarterscores: 23-9, 44-26, 58-55, 74-66,


PSC regional Games, Palaro, Collegiate Games, kanselado sa COVID-19
March 10, 2020 Filed under Sports Posted by Balita Online Balita RSS RSS Feed
HINDI na rin nakaligtas ang komunidad ng sports sa tumitinding COVID-19.

NAGBIGAY ng ‘update’ hingil sa paghahanda ng Team Philippine sa 2020 Tokyo Olympics si Chief of
Mission Nonong Araneta nang harapin ang mga miyembro ng media kahapon sa Philippine Sports
Commission conference room. Kinatawan ni Marc Velasco (kaliwa), PSC Executive Assistant to the
Chairman, si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

NAGBIGAY ng ‘update’ hingil sa paghahanda ng Team Philippine sa 2020 Tokyo Olympics si Chief of
Mission Nonong Araneta nang harapin ang mga miyembro ng media kahapon sa Philippine Sports
Commission conference room. Kinatawan ni Marc Velasco (kaliwa), PSC Executive Assistant to the
Chairman, si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ipinahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’Fernandez at In-
Charge sa PSC Regional Games na kanselado na ang Limasawa Children and Coastal Games na nakatakda
sa Marso 27 hanggang Abril 1.

“Pursuant to Presidential Proclamation No. 992, dated March 8, 2020, the Limasawa Children and
Coastal Games events scheduled on March 27 to April 1 is cancelled and will be scheduled on a later
date,”pahayag ni Fernandez.

Nitong Martes, idineklara ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ‘State of Public Health Emergency’
bunsod na rin sa mabilis na pagtaas ng mga pasyente na nagpositibo sa naturang virus. Sa huling report
ng Department of Health (DOH) umabot na sa 24 ang pasyente na positibo sa COVID-19.

Tumalima na rin ang University of Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate
Athletic Association (NCAA) – dalawa sa pinakamalaking collegiate league sa bansa – at agad na
kinansela ang mga laro sa kabuuan ng lingo.

Nauna rito, kinansela ng Department of Education (DepEd) ang Palarong Pambansa na nakatakda sa
Marikina City sa Abril.
Sinuspinde na rin ang pasok sa lahat ng antas ng klase sa buong Metro Manila mula kahapon hanggan sa
Marso 14 bilang bahagi ng pagkilos upang maabatan ang higit pang pagtaas ng bilang ng mga
nagkakasakit.

Sa datos, ang 24 na mga pasyente na positibo sa COVID-19 ay nagmula sa Pasig, Makati, Quezon City,
Marikina, Cainta at Taguig.

“It was raised because of the increasing number of cases of COVID- 19 in the country. The league has
also deemed that all of its events must be suspended as well,” ayon sa opisyal na pahayag ng UAAP
management.

Kanseldo ang mga laro sa Collegiate Volleyball, Collegiate Football, Collegiate Softball, Collegiate
Baseball, at High School Girls’ Basketball.

“In the meantime, the president and the league are calling all of the students to “be confined in their
homes and continue to study,” anila.

You might also like