You are on page 1of 2
GABAY SA PAGTATANIM NG PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA, Mainam ang lupang buhaghag na sagana sa_organikong bagay at parating may tubig. Ang angkop na pH ng lupa ay 6.0-7.5. Itanim sa mga buwan na maiksi ang araw kaysa gabi upang maiwasan ang maagang pamumulakak. PAGPILI NG BINHI Pumili ng binhing angkop sa kundisyon ng lugar na pagtatamnan, may mataas na pangangailangan sa pamilihan kung ipagbibili, at may panlaban sa mga sakit at peste. PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN Araruhin at suyurin ang taniman ng dalawang beses. Maglagay ng 1 kg na binulok na dumi ng manok at 300 g na carbonized rice hull (CRH) kada metro kuwadrado. Gumawa ng mga tudling na ‘may pagitan na 15-25 cm. a PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON: Mag-text'sa Philfice text center 0920-911-1398 ow rice_mmatters (tuatter), | rice.matters (fecebook) Bisitahin ang/Pinoy Rice Knowetige Bank www.pinoyrice.com Kabilang ang mustasa (Brassica juncea) sa_mga dahong-gulay. Ang mga dahon nito ay may kakaibang amoy at lasa at kinakain ng hilaw, binuro o nilalahok sa uulam, Itinatanim din ito para sa buto na pinoproseso bilang pampalasa at mantika. Mainam na mapagkukunan ng bitamin A, K, calcium, iron, at phosphorus ang gulay na ito. PAGTANIM Kailangan ng 4-7 kg kada ektarya na buto. Itanim ang mga ito sa tudling sa pagitan na 15 cm at lalim na 2.Scm. Maaari ring magpunla at ilipat-tanim pagkalipas ng 4-6 na linggo. Mas maagang anihin ang mga nilipat-tanim na halaman at mas may panlaban sa at peste. PANGANGALAGA Mag-aplay ng manure tea o fermented plant juice (FPI) ng isang beses sa 1 linggo o kung kinakailangan pang maging malusog ang mga halaman. Diligan ang taniman 2-3 na beses sa isang linggo o kung kinakailangan. Tanggalin ang mga damo nang sa gayon ay walang kompetensya sa sustansya at araw. PHILRICE PAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE ‘Ang mga karaniwang peste ng mustasa ay dapulak, diamond back moth, paru-paro at uod. Upang makontrol ang mga ito, mag-spray ng (100 g sa 16 Lng tubig) na hinaluan ng 1 kutsara ng sabon. Magtanim ng sibuyas, amarilyo, mais, zinnia, at cosmos sa paligid upang maitaboy ang mga ito at mapanatili ang dami ng mga kalbigang kulisap, ‘Ang amag, pagkabulok sanhi ng bacteria, pagkatuba, batik-batik sa dahon at ‘mosaic virus naman ang kadalasang sakit ng mustasa. Maiiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na binhi, pagpapanatinili. ng kalinisan sa taniman at pagtatanggal ng mga halamang tinamaan ng sakit. Diamond backmoth Uod 0 cutworm Pagkabulok 0 black rot Batik-batik sa dahon oleaf spot SECURE ED? LIER eRe eT) apes kage y MGRHGU En TORRE ETS cL PAG-ANI Maaari ng anihin ang mga dahon simula 2 buwan pagkatanim o kung ang mga tangkay ay malutong pa. Tanggalin ang mga may sira at naninilaw na dahon. Pagsamahin ang 3-5 na tangkay at talian ng lastiko. REFERENCES Canadian Food Inspection Agency. 2012. The Biology of Brassica juncea (Canola/Mustard). Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.inspection.gc.ca. George RAT. 2011. Tropical Vegetable Production. CAB International, UK. 225 p. McCaffery D, Bambach R, Haskins B. 2009. Brassica juncea in north-western NSW, Primefact 786 2nd Edition. Department of Primary Industries, New South Wales. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.nvtonline.com.au. Motes JE, Cartwright, Damicone JP. Greens Production (Spinach, Turnip, Mustard, Collard, and Kale). Oklahoma Cooperative Extension Service HLA-6031. Oklahoma State University. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa. pods.dasnrokstate.edu. Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development. 2014. Organic Lettuce Production (Pulyeto). PCARRD Information Bulletin No. 46. Plant Village. Mustard. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.plantvillage.com. WILLIAMS M. 2012. Organic Lettuce and Leafy Greens. Cooperative Extension Service, College of Agriculture, University of Kentucky. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa www.uky.edu. 2015. Mustard (Mustasa) Production Guide in the Philippines. Petsa ng pagdownload: Setyembre 13, 2015 mula sa community.farmon.ph. ‘Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring kinuha ng buo o isinalaysay sa sariling paliwanag mula sa pinaghalawan. ‘Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan.

You might also like