You are on page 1of 2
PANGANGAILANGAN SA LUPA AT KLIMA, Pinaka-angkop ang lupang banlik na mataba at sagana sa organikong bagay. ‘Ang mainam na pH ng lupa ay 6.5-7.0. Mahalaga rin na palaging may sapat na ‘tubig sa lupa at may maayos na pagdaloy ng tubig para sa magandang pagtubo ng mga ugat. Angkop itanim ang letsugas sa malalamig na lugar sna may temperaturang 12°C-20°C ngunit may iilang binhi rin na angkop sa mga mababang lugar. PAGPILI NG BINHI Mayroong pitong klase ng letsugas. Ang mga ito ay ang sumusunod: Loose leaf, Crisphead, Butterhead, Romaine, Celtuce, Latin, at Oilseed. Ang mga binhing mainam sa organikong produksyon ay Estrosa at Lolo Rosanna Romaine. Angkop ang mga ito sa malalamig nna lugar. Mainam naman ang Kaiser, President, at Xanadu sa mabababang lugar. PAGHAHANDA NG LUPANG TANIMAN Araruhin at suyurin ang taniman ng 2 beses. Gumawa ng kamang taniman na mataas, may lapad na 1m at ‘PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON: ‘Mag-text'sa PhilRice text centet 0920-911-1398 Bisitahin ang Pinoy Rice Knowedge Bank www,pinoyrice.com ide matters (twitter) | rice.matters (facebook) Popular ang letsugas (Lactuca sativa L.) bilang gulay na ginagawang salad. Isa ito sa mga gulay na madaling itanim sa organikong pamamaraan. Sagana ito sa sustansya at mas maraming sustansya ang makukuha sa mga “Jose leaf” kaysa mga heading na uri llan sa mga tinataglay nito ay Bitamina A,k, folate at protina. anumang haba, at pagitan na 0.75 m. pagitan na 2.5-3.0 m.Haluan ito ng 1 kg nna binulok na dumi ng manok at 300 gna carbonized rice hull (CRH) kada metro kuwadrado. Maglagay ng dayami o plastik bilang mulch at butas na may pagitan na 30-40 cm. Nasa 2-3 hanay ng butas na may pagitan na 50 cm bawat hanay ang maaaring gawin sa bawat kamang taniman. PAGTATANIM Kailangan ng 150-200 g ng buto para sa 1 ektarya. Maghanda ng limang punlaan na may sukat 1 m x 10 m bawat isa. Pulbusin ang lupa at lagyan ng 1 kg na pinabulok na dumi ng manok at 300g na CRH kada metro kuwadrado. Basain ang punlaan at gumawa ng mga tudling na may pagitan na 7-10 cm. Ibabad ang mga buto sa maligamgam na tubig sa loob ng 4 na oras. Patuyuin ang mga ito sa hangin at ibudbod ng manipis sa punlaan. Takpan ng kaunting lupa at ipa 1g palay o dayami ang punlaan. PHILRICE Vee oe ee TS PAGLILIPAT-TANIM Diligan ang bawat butas/tundos nang lubusan at maglipat-tanim ng isang punla bawat tundos. Sa tag-araw, maglipat-tanim sa hapon para maiwasan mabigla ng mga halaman. Palitan ang mga namatay o nagkasakit na punla. PANGANGALAGA ‘Ang madalas na pagdidilig ay kailangan. Puwedeng gumamit ng sprinkler o drip irrigation. Bago maglipat-tanim, maglagay ng 3-5 tonelada kada ektarya na compost o binulok na dumi ng hayop o vermicompost. Mag-aplay ng manure tea o fermented plant juice (FPI) ng isang beses sa isang linggo upang maging malusog ang mga halaman at tumaas ang resistensya ng mga ito sa sakit at peste. PAMAMAHALA SA SAKIT AT PESTE Dapulak at semislooper_—_ ang pangunahing peste ng letsugas. Para makontrol ang mga ito, mag-spray ng dinurog na sili (100 g sa 16 Lng tubig) na hinaluan ng 1 kutsara ng sabon. Pangunahing sakit naman ang pagkatuba at pagkabulok sanhi_ ng fungus (Rhizoctonia solani). Ang pagkatuba ay maiiwasan sa pamamagitan ng paglalagay ng mulch at pagpapainit ng kamang taniman bago maglipat-tanim samantalang ang pagkabulok dulot ng fungus ay maiiwasan kung may maayos na paagusan at mataas na lebel ang taniman, Langaw o fruitfly Bottom rot ng letsugas MOGHG0 En SNE SOMES REE PAG-ANI Maaari_ ng ani ang mga klaseng Crisphead 45-60 araw mula pagkalipat-tanim o kung medyo matigas nna ang mga ulo. Ang mga Loose leaf na uri naman ay dapat anihin bago mamulaklak, kung umabot na sa kailangang aki. Gawin ito nang maaga para maiwasan ang pagkalanta ng mga dahon. Putulin ang buong halaman na nasa ibabaw ng lupa para mapanatili halos lahat ng dahon. llagay ang mga na-aning dahon sa kahon na plastik 0 karton. REFERENCES Department of Agriculture, Forestry and Fisheries. Production guidelines for lettuce. Directorate Agricultural Information Services, Department of Agriculture, Forestry and Fisheries. South Africa. Petsa ng pagdownload: Setyembre 07, 2015 mula sa http://www.nda.agric.za/docs/Brochures/ProdGuide Lettuce.pdf. Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development. 2014. Organic Lettuce Production (Pulyeto). PCARRD Information Bulletin No. 46. Kuepper G, Bachmann J, Thomas R. 20032. Specialty Lettuce & Greens: Organic Production. Appropriate Technology Transfer for Rural Areas. USA. 12 p. Petsa ng pagdownload: Setyembre 07, 2015 mula sa http://www.hort.vt.edu/ghvegetables/documents/Or ganic%20Production/ATTRA_SpecialtyLettuceandGre ens_OrganicProduction_2002.pdf. ‘Ang mga impormasyon sa babasahing ito ay hindi pagmamay-ari ng PhilRice. Ang mga ito ay maaaring kinuha ng buo 0 isinalaysay sa sariling paliwanag mula sa pinaghalawan. Ang copyright ay mananatili sa orihinal na pinaghalawan. iets Tea emeeee Clee tee pa eee pee peer et TT Ee ieee

You might also like