You are on page 1of 9

Kabanata 28: Mga Liham

Inilathala sa isang malawak na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa. Ginawa ito
upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng
pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa
karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni
Padre Hermando Sibyla, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng
gabinete, Batanggas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng
dalawang banda ng musiko noong disperas ng pasko. Ang pagsundo ng maraming
kalbo at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan
ng Hermana Mayor at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De
los Santos upang kunin si Padre Salvi at Padre Damaso Verdolagas.Alas onse ng
umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan
ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San
Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng
mga artista. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon
din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiyago. Ang
nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa
ganda. Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-
anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng monte sa
mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari JP, Kapitan Juaquin, Kabesang
Manuel at ang konsul. Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni
Andeng. Unang liham:

Ilang araw na nang hindi tayo nagkita. Ikaw daw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal
kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha.
Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan
palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay
talagang iiwan ko sila.
Kabanata 29: Kapistahan
Maaagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga
nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.as Ang mga tao ay
nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si
Pilosopong Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng Tinyente
Mayor. Sumagot ang Pilosopo na Ang magsaya ay 'di nangangahulugan ng
paggawa ng mga kabaliwan. Ang pagsasaya, anya ay pagtatapon ng pera at
tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na ito
ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng Kapitan at ng Kura
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot.
Binabatak naman ng mga Hermana Mayor ang mga tao upang tumikim ng
kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga Kastila at Alkalde ang magsisimba ng araw na
iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng
sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama
niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego
kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing
nangangasiwa sa kumbento.
Siya ay pinahiran ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot.
Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim
ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San
Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay
nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at
mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng
de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salvi ang
nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng
mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago.
Nakadungaw sa bintana ang Alkalde, si Kapintan Tiyago, si Maria, si Ibarra at ilan
pang Kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas
lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatay
Kabanata 30: Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong higop sa agua bendita.
Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay
binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa
loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa
komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga
nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero
at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba
ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot
niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib.
Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang
pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may
hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero,
tanging palibak ang inukol niya kay Pari Martin, na ang ibig sabihin ay higit na
magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.
Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno
upang kumuha ng tala.
Kabanata 31: Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at
Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX,
Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad
ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y turuan, hindi
mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi
ang kanilang pagkauhaw"
Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay
napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling ang pambungad na
iyon sa kanyang sariling sermon.
Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong
malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat
ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na.
Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador.
Sinabi ni Padre Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng diyos upang
maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa
lupain ng banal na si francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan
ang mapagwaging si gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si
Roldan ng kakkristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.
Nakita ni ari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang tinuran. Kung
kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na "opo, ginoong Alperes, higit na
matapang at makapangyarihan bgamat walang armas kundi isang krus na kahoy
lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer.
Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay diego de Alcala."
Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa wikang Kastila,
kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay
ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang
muha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil
sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.
Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang
pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang
tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng alak at madalas na
usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng patente.
Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si Maria
ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni
Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay
tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro
panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si
Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi
nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan.
Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at
mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo...ang mga parinig na ito ay
nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.
Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si pari Salvi
upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may
kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang
lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan.
Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit
sa bato sapagkat maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad
namang umalis.
Kabanata 32: Pasinaya
“Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa
paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang
istrukturang ito ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa
ilalim ng lupa. Ang apat na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa
tingin ay napakatibay ng pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang
ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa nuno ni Ibarra na si Don Saturnino.
Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na
siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na haligi. Hinangaan naman ito
ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid.
Dumating ang araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang
araw na iyon, naghanda din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa
mga panauhin. Mayroon ding mga banda ng musiko.
Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang mga
mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang
kahang bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang
nagko-kontrol sa bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga.
Hawak naman ng taong dilaw ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at
nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao upang sumaksi.
Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya winala
ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi
ay humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng
balangkas.
Ilang saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan
ng nasirang kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi
si Ibarra. Nais ng alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na
ang bahala sa lahat.”
Kabanata 33: Malayang Diwa
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang
pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad lamang
ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-
ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong kaaway." Batas
ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa
pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang
sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias.
Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa
kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin
sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni
Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang taong madilaw
ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi
kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita
ninyo."
Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na
ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito
humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni
Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami
pa sanang mababatid 'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski
na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-
uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang
humatol at naging hukom.
Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay
nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang
lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias
na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya
nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya
ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob
kay Ibarra.
Kabanata 34: Ang Pananghalian
Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.
Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa
magkabilang dulo ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si
Maria sa gawing kanan at ang eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag
sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan ng bayan ng San Diego, mga prayle,
mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina Maria at Ibarra. Nagtaka naman
ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre Damaso. Habang kumakain
ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan sa hindi pagdating
ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga kubyertos, ang
mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban
kay Ibarra. Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso
ang patutsada kay Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba
ang usapan ngunit lalong nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si
Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit talagang nananadya si Padre Damaso kayat
inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay na hindi mapapayagan ni Ibarra
kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang sasaksakin. Pinigilan naman ni
Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra at umalis na lamang
Ito. masakit para sa Isang anak ang makarinig ng mga insulto tungkol sa
kapamilyang namayapa Na, Lalo na kung Ito ay walang katotohanan. Ganito Yung
ginawa ni padre Damaso Kay Ibarra sa harap ng maraming tao sa pananghalian.
Hindi lahat ay kayang magtimpi kapag pamilya Ang nadadawit sa Isang usapan.
Ang ina ay nawawala sa wisyo at nakapagdadala ng sakit sa iba. Mabuti nalang at
nagawa ni ibarrang pigilan Ang sariling masaktan si padre Damaso

You might also like