You are on page 1of 2

Ano kaya ang mangyayari sa 'yo kapag sinabing nanalo ka ng 900 million

pesos sa lotto?  Malamang hihimatayin ka sa tuwa o kung di naman ay


aatakihin ka sa puso sa sobrang kagalakan!  

May isang kuwento na minsan daw ay may isang lola ang walang kaalam-
alam na nanalo s'ya sa lotto ng 900 milyong piso.  Ang problema ng
kanyang mga kasambahay ay kung paano nila ito sasabihin sa kanya sa
kadahilanang may sakit siya sa puso at matanda na!  Naisip nilang
imbitahan ang kanilang kura-paroko dahil kaibigang matalik ito ng
kanilang lola at isa pa ay matagal din siyang naglintgkod sa simbahan
bilang isang Legion of Mary.  Hiniling  nila sa pari na s'ya na ang
magbalita sa kanilang lola sa maingat na paraan na hindi niya ikabibigla.
Sumang-ayon naman ang pari at isang gabi ay dumalaw ang pari sa bahay
at kinausap ang matanda: "Lola, kamusta na ang lagay ninyo?" Sagot ng
matanda: "Mabuti naman po padre..." At nagkuwentuhan sila ng matagal.
Nang mapansin ng pari na nalilibang na at relax na ang matanda ay
tinanong niya ito: "Lola, kung sakaling manalo kayo ng Php 900 million sa
lotto... anung gagawin ninyo sa pera?" "Aba padre," sabi ni lola, "kung ako
ang mananalo ng 900 million sa lotto ay ibibigay ko ang kalahati sa
Simbahan." Nang marinig ito ng pari ay inatake siya sa puso at namatay!
hehehe... 

Sino nga ba ang di hihimatayin sa ganoong kalaking kayamanan? Wala


naman sigurong taong matino ang pag-iisip ang ayaw yumaman. Dati rati
ang kayamanan, hinuhukay, sinisisid, nilalakbay ng malayo. Ngayon
siguro mas madali, tumaya ka lang sa lotto (pero, sorry tayo kasi, ipinasara
ang mga lotto outlet.. hehehe.. ) o kaya naman ay sumali sa mga contests
na may malaking cash price at instant yaman ka na!

Ang talinhaga ng nakatagong kayamanan at mamahaling perlas ay


nagsasabi sa atin na dapat ay handa nating isakripisyo ang lahat
mapasaatin lamang ang kayamanang nais nating makamtan.  Hinalintulad
ito ni Jesus sa "Kaharian ng Diyos." Kung kaya nating magsakripisyo para
sa kayamanang makamundo na nabubulok at nasisira ay dapat gayun din
sa mga bagay na espirituwal. 
Ang "kaharian ng Diyos" ay ang pagharian tayo ng Kanyang biyaya at
mabuhay bilang mga tapat niyang anak. Dapat ay matuto tayong
magpahalaga sa mga bagay na dapat unahin sa ating buhay. Kapag ang
pagsisimba ay ipinagpapalit mo sa mga lakad mo sa araw ng Linggo ay
hindi ka pa handang pagharian N'ya.  Kapag sinasabi mong wala akong
oras magdasal o gumawa ng mabuti sa iba ay hindi mo pinahahalagahan
ang Kaharian ng Diyos sa iyong buhay. Kapag mas mahalaga sa iyo ang
mga bagay na materyal kaysa ispirituwal, kapag labis mong
pinagtutuunan ng pansin ang iyong katawan at napababayaan mo ang
iyong kaluluwa ay malayo ka pa sa paghahanap sa tunay na kayamanan.

Ano ba ang tinuturing mong kayamanan ngayon sa buhay mo?   Ngayong


araw ay ipinagdiriwang din natin ang kapistahan ni San Ignacio ng Loyola.
Kakikitaan natin siya ng pagpapahalaga sa kayamanang kanyang
natagpuan, at ito ay ang kanyang pagtataguyod ng pamamayani ng
kagandahang loob ng Diyos. Kung kaya’t ang kanyang personal motto ay
“Ad Majorem Dei Gloriam” (for the greater Glory of God).

Tayo rin bilang mga kabataan ay may kakayahang pamayanihin ang ang
kabunyihan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng ating
pananampalataya at pagpapahalaga sa ating buhay. Marahil ay dapat
nating unahin ang tamang pagapapahalaga sa ating sarili lalong lalo na sa
ating dignidad bilang mga tao.  Isunod natin ang pagpapahalaga sa ating
pamilya.  Hindi natin pinili ang ating pamilya.  Ito ay regalo ng Diyos sa
atin kaya't dapat nating itaguyod ito at mahalin.  At siyempre, ang
pinamakamataas na pagpapahalaga ay ang sa Diyos na nagbigay sa atin ng
ating buhay. Bigyan natin ng importansya ang ating buhay espirituwal at
isabuhay ang ating pananampalataya.  

Kaya't kung pagninilayan lamang natin ng mabuti ay makikita natin na


may tunay tayong mga kayamanan na dapat nating pinahahalagahan.
Piliin natin ang higit na mahalaga sa ating buhay. Tandaan mo na kung
nasaaan ang kayamanan mo... naroroon ang iyong puso. 

You might also like