Pagdating ng hatinggabi, dumapo ang Adarna sa sanga ng Piedras
Platas. Sinunod ni Don Juan ang utos ng Ermitanyo at pagkatapos ng mahirap na laban sa sarili, nakatulog ang Adarna at nakuha ni Don Juan ito. Pagkatapos, madali siyang bumalik sa Ermitanyo dala ang Adarna. Isinilid ng Ermitanyo ang ibon sa hawla at iniabot ito kay Don Juan kasama ang isang bilin na kumuha ng banga at sumalok ng tubig. Dala ang banga, bumalik si Don Juan sa Piedras Platas at binuhusan ang tubig sa mga batong naroon. Unting-unti lumitaw at nakita niya ang kanyang mga kapatid. Masaya silang bumalik sa bahay ng Ermitanyo kung saan silang pinakain at pinauwi.