You are on page 1of 6

THE C4

Characters:

Kurt Maverick Castillo – ex-boyfriend ni Miz Righteous at isa sa mga C4

Miz Righteous Cerezo – pinsan ni Jay-M, ex-girlfriend ni Kurt at isa sa mga C4

Jay-M Cabrera – isa sa mga C4

Jay-R Cristobal – isa rin sa C4

Alissa Castro – bestfriend ni Kurt

Dr. Angelica Castro – dentista at ina ni Alissa

Dr. Maylene Jade Cabrera – doctor at ina ni Jay-M

SCENE 1 : SA KALSADA HABANG NAGLALAKAD SI JAY-R PAPUNTANG SCHOOL

(May nasagasahan kung kaya’t maingay ang tao at ito ang naging dahilan upang magkumpulan ang mga ito)

Bata: Kawawa naman. (nalulungkot)

Ale: Oo nga ee.

Mga Tao: Patay na ata.

Jay-R: (Nacurious kaya biglang sisingit) Teka lang pooooooo. Magsintabi po kayo saglit, kapatid ko po yan.

(Nagsitinginan ang mga tao at biglang natawa)

Jay-R: (Kumaripas ng takbo palayo matapos makitang aso pala ang nasagasahan)

SCENE 2 : SA SCHOOL

Jay-R: (Papasok ng room)

Teacher: Jay-R late ka na naman.

Jay-R: Ma’am pasensya na po, late po kasi yong relo ko.

Teacher: Problema ba yon? E di iadvance mo.

Jay-R: (Inadvance ang relo habnag nasa upuan sabay tayo)

Teacher: Oh Jay-R, ssan ka pupunta?

Jay-R: Base sa relo ko ma’am, uwian na po.

(Magtatawanan ang mga studyante)

Teacher: Nakooo ikaw talagang bata ka, maupo ka nga diyan at ika’y makinig.

(Magdidiscuss si teacher)

(After magdiscuss, uwian na)

SCENE 3 : CAFETERIA

(Magkakasama sina Jay-M, Jay-R, Kurt at Alissa at si Jay-M at Jay-R ay bibili ng kanilang pagkain)

Jay-M: (kausap ang tindera) Bessssss, dalawang banana cue at dalawang iced tea.

Jay-R: Bessssss, magkano sa lumpia?

Tindera: Lima bente bessssss.

Jay-R: Sampo nga bessssss at dalawang coke.


(babalik na sa upuan ang dalawa matapos makuha ang order)

(Makikita ni Alissa ang Tondol Beach sa post at yayain ang barkada)

Alissa: Guys.

Kurt: Bakit?

Alissa: Ang ganda ko. (Tatawa) Charot lang, ang ganda dito oh (sabay pakita ang post). Tara?

Jay-M at Jay-R: Game.

Kurt: Bukas? Tamang tama weekends.

Alissa: Sige. Wait, paalam niyo akong tatlo kay Mama.

(Pupunta sa Clinic ng Mama ni Alissa)

SCENE 4 : FLASHBACK TUNGKOL SA DALAWANG MAG-AMA

Kapitan: Agik, itdan ta kayoy philhealth. Ayan philhealth nagamit yo ya ed saki-sakit yo.

Tatay: Salamat Kapitan. Balbaleg ya salamat.

(Kinagabihan, sumakit ang ngipin ng Tatay)

Tatay: Anak, di’ba inbaga nen kapitan ya para saki-sakit may philhealth?

Anak: On tay.

Tatay: Mamunsil ka pay melag ta ansakit so ngepen ko.

(Pumunit ng maliit ang anak, ibinigay ito sa ama at nilagay ng ama ang maliit na piraso ng papel sa ngipin na masakit)

Tatay: Anak, ansakit ni. Mangala ka pa ni, balegan moy daeset.

Anak Sige tay. (kumuha ulit)

(Nilagay ulit ng ama sa kanyang ngipin)

Tatay: Nak, ansakit ni ya maong. Alam pa lan amin may philhealth ta.

(Kinuha na ng anak ang buong natitirang papel at nilagay ito ng ama sa kanyang ngipin hanggang sa lumipas ang ilang
oras at namaga ito)

(Naisipang pumunta na lamang sa clinic ni Dr. Angelica)

Anak: Doc, masakit po ngipin ni tatay at namamaga na po.

Dr. Angelica: May philhealth kayo nak?

Tatay: Mmmmmm, mmmmmmmm, mmmm (sabay tinuturo ang bunganga)

Dr. Angelica: Tara na po sa loob nang makita ko yang ngipin ninyo.

SCENE 5 : SA CLINIC

(Darating na sina Jay-M, Jay-R, Kurt at Alissa sa clinic at nakibeso-beso ang apat)

Kurt: Tita pupunta po kaming tondol bach bukas, okay lang po sumama si Alissa.

Dr. Angelica: O sige. Basta mag-iingat kayo aa. Kayo na bahala diyan sa anak ko.

Alissa: Yey! Thanks ma.

SCENE 6 : KINABUKASAN

(Mahaba ang pila sa terminal)

Kurt: Ano ba yan! Ang tagal naman.


(Nakita ni Kurt na pinasingit ng konduktor ang isang buntis)

Kurt: Guys, may plano ako.

Jay-M at Jay-R: Ano yon?

Kurt: Alissa, maglagay ka ng mga damit sa tiyan mo para kunwaring buntis ka. Ikaw Em di’ba may shades ka?
Magpanggap kang bulag at ikaw Ar, pilay ka naman. May bandage ako dito.

Jay-M: Paano ka pre?

Kurt: Ako ang aalalay kay Allisa kunwari ako ang asawa niya.

(Naghanda ang apat tsaka biglang lumakad palapit sa konduktor)

Konduktor: Mauna na po kayo. (Inaalalayan si Em na kunwaring bulag nang bigla nitong sinabi na)

Jay-M: Wait lang, paunahin muna natin itong buntis.

(Nabuko ang apat at pinabalik sa kanilang linya)

(Nakita muli ni Kurt na pinasingit ng konduktor ang isang matanda at naka-isip na naman ito ng plano)

Kurt: Saglit lang aa. May kukunin lang ako

(Kumuha ng kahoy na maaring baston)

Kurt: Magpapanggap tayong mga senior citizen na at ikaw Allisa, tutal maliit ka naman. Magshades at magsumbrero ka
at ikaw ang aking apo.

Jay-R: Ayoko na sa kalokohan mo pare.

Kurt: Sige na, effective na to. Promise. Kasi naman si Em kanina biglang nakakita.

(Nagpanggap muli ang apat para lang makasingit na nang....)

Konduktor: Sandali lang miss aa. Paunahin lang natin sina Lolo.

(Naputol ang baston ni Kurt at biglang napatayo ng tuwid sina Jay-M at Jay-R dahil sa katatawa)

Konduktor: Kayo na naman? Nako, ito talagang mga batang to.

(Bumalik na sa linya ang apat hanggang sa makasakay na sila)

SCENE 7 : BIYAHE

Kurt: (Kausap si Alissa) Bakit di ka lumalaki ha?

Alissa: Pake mo ba? Atleast maganda.

Kurt: Pwe. Baka pinakamaganda sa lahi ng mga unggoy. Joke lang, oo na maganda ka na (Pabulong)

Alissa: Ha? Ano?

Kurt: Wala wala. Hahaha

(Patuloy na nagkwentuhan ang dalawa at sa kabilang dako)

Jay-M: (Nabasa ang post ng pinsan na si Miz Righteous na nasa Pilipinas na siya.) Pre (Sabay pakita kay Jay-R ang
phone at biglang napatingin sa dalawang sina Kurt at Alissa na masayang nagkwekwentuhan)

Jay-R: Pano yan?

Jay-M: Bahala na. Sa tingin mo ba?

Jay-R: Sa tingin ko ay kung ano ang sa tingin mo at sa ngayon ang nasa isip mo ay akin ring iniisip.

(Kumain na lang ang dalawa ng mga dala nilang pagkain at tanghali na ng makarating ang mga ito sa Tondol Beach kung
kaya’t sila muna ay nagpahinga)
SCENE 8 : GABI NA KUNG KAYA’T SILA’Y NASA TONDOL BEACH CAFETERIA AT KAKAIN NA

(Paupo na ang tatlo ng may nakitang Chix si Jay-R)

Jay-R: (Sinabi niya habang nakatalikod ang babae) Napakagandang binibini ang nasa harapan ko ngayon. Isang diwatang
namasyal sa lupa upang aking masilayan ang namumukod tanging kagandahan. Likod pa lang ang ganda na, a girl like
you babe is hard to find. See you later at the beach?

Babae: (Humarap at biglang nagsalita) Okay babe (Nagulat si Jay-R at kumaripas ng takbo matapos marinig ang lalaking-
lalaking boses ng babae)

Kurt: Oh bakit pre? Hingal na hingal aa? Masyado bang matagal yong mmmwooooo (sabay pout)? Hahaha

Jay-R: Putek pre, babaeng babae kapag nakatalikod lalaking lalaki kung magsalita. Kilabutan ka nga sa sinasabi mong
mmmmwwwoo (sabay pout) Kadiri, maglalaslas ako kapag nahalikan ko yon.

Jay-M: Nakooo! Magpatuli nga di mo kaya, maglaslas pa kaya.

(Nagtawanan ang apat)

(Habang nagkwekwentuhan, nakita ni Jay-M ang My Day ni Miz na may caption na “Here at the LITTLE BORACAY OF
THE NORTH” which is the Tondol Beach at ito ay nabahala)

Jay-R: (Biglang nakita si Miz palapit sa Cafeteria) Mga pre, ang sakit ng tiyan ko parang natatae ata ako. Tara na sa
hotel.

Alissa: Ayaw mo lang makita yong bakla kanina ee.

Jay-M: (Nakita rin si Miz kaya ginuyod niya na si Kurt at Alissa na nakatalikod sa entrance ng cafeteria) Nakoo. Tara na
bago pa maghasik ng lagim si Jay-R dito.

(Bumalik na ang apat sa kanilang kwarto)

SCENE 9 : LUMABAS ANG APAT MGA BANDANG ALAS NUEBE NG GABI, GUMAWA NG BONFIRE AT
NAGLARO MALAPIT SA BEACH

Jay-R: Guys, how about spin the bottle? Truth or Dare?

Kurt: Tara. Game.

(Kumuha ng bottle si Alissa sa Cafeteria at pagkabalik nito ay naglaro na sila)

(Umikot na ang bote at natapat ito kay Kurt)

Jay-R: Truth or Dare?

Kurt: Dare

Jay-R: Okay. Kurt nakikita mo yong nagtitinda ng balut doon? (sabay turo kay kuyang nagtitinda) bumili ka ng balut at
hanapin mo ang nanay nito.

Kurt: (Pumunta na kay kuyang nagtitinda) Kuya? Pabili pong balut isa lang. Kuya bunso ba to? Tsaka nasaan po nanay
nito? Baka po kasi umiyak kapag napisa, hanapin nanay niya.

Kuya: (kumunot ang noo)

Kurt: sige, kuya salamat po. Ako na lang maghanap. Concern citizen lang po ako.

(Bumalik na si kurt pinaikot muli ang bote at tumapat kay Jay-M)

Kurt: Jay-M Truth or Dare?

Jay-M: Dare

Kurt: Dalagang Pilipina Challenge

Jay-M: (Nagdalagang Pilipina) (Insert Music of Dalagang Pilipina)


(Pinaikot muli ang bote at tumapat kay Jay-R)

Jay-R: Dare

Alissa: Sumigaw ka ng “HINDI PA AKO TULI”

Jay-M at Kurt: Wahahahahha. Sakto pare!

Jay-R: HINDI PA AKO TULIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII (Napakalakas dahilan ng pagtawa ng ibang tao na nasa paligid nila)

(Pinaikot muli ang bote at tumapat kay Alissa)

Alissa: Truth

Jay-M at Jay-R: Ooooooooooooowwwww!

(Bumulong si Jay-R kay Jay-M)

Jay-M: Complete the sentence. You have crush on ________________.

Alissa: (Natahimik ng saglit) I have crush on, I have crush on Kurt Maverick Castillo (pabulong ngunit sapat na para
marinig ng lahat)

Jay-R at Jay-M: Woooooohhhhhhhh.

Jay-R: Oh siya, maiwan muna namin kayo.

(Nanatiling tulala si Kurt at nang pagkatayo ng dalawa ay biglang nasa likuran pala nila si Miz)

Jay-M: Miz (pabulong)

(Nakita ito ni Kurt at nagwalk out)

SCENE 10 : FLASHBACKS NG RELASYON NI KURT AT MIZ

(Nung sila ay bata pa)

Kurt: I will be your husband as we grow up ha?

Miz: Then I will have an ugly husband in the future. How sad (sabay pout)

Kurt: Then it will be the beauty and the beast.

(Teenage years, sila na)

Kurt: Kung nabebenta lang ang kagwapohan, sobrang yaman ko na.

Miz: Utot mo!

Kurt: School ID ko pa nga lang na nahulog, dinudumog na. (papogi)

Miz: Jay-M, batukan niyo nga ‘tong kaibigan nyo nang matauhan.

Kurt: Eeeeeeeee, I love you so baby cheesecake pancake salad ko.

Miz: I love you more burat.

(They are very sweet and seems like a perfect couple. Sobrang napakamaalaga ni Kurt at kitang kita talaga sa kanila na
mahal na mahal nila ang isa’t isa. Akala ng lahat sila na talaga then suddenly)

Miz: I’m sorry.

Kurt: Pwede namang dito ka na lang. Kahit ‘wag ka na mag-aral. Ako na lang tapos ako din magwowork in the future.

Miz: I know that you know Kurt na this is my dream. I want to pursue it. I want to become a Fashion Designer. However,
I need to study in Paris. I’m sorry.

Kurt: (ayaw ng LDR) Okay but I can’t accept if you will leave.
(Umalis sa Pilipinas si Miz nang walang closure ang dalawa at ilang buwan ding malungkot at cold si Kurt hanggang
dumating si Alissa na naging bestfriend nito)

SCENE 11 : BALIK SA TONDOL BEACH

Alissa: Bakit? Nabigla ko ata siya.

Jay-M: Hindi.

Alissa: Ee bakit siya umalis agad?

Jay-R: Siya yon. Ex niya (sabay turo kay Miz gamit ang nguso)

Miz: Kamusta guys? It’s been a long time since then.

(Nagbeso-beso sina Miz, Jay-M at Jay-R habang hindi pa nagsisink in kay Alissa ang lahat at nang mapagtanto nito ay
agad din siyang kumaripas ng takbo)

(Natulog na ang lahat)

SCENE 12 : LINGGO NG HAPON, UMUWI NA ANG MAGKAKAIBIGAN NGUNIT WALA PA RING IMIK
SINA KURT AT ALISSA SA SASAKYAN

Jay-M: Hayaan na lang muna natin sila.

Jay-R: Sabagay

SCENE 13: PAGKALIPAS NG ISANG BUWAN

Miz: (Kausap si Kurt) I’m sorry. I know this won’t work (umiiyak) but I still love you, I really do.

Kurt: (nakatingin lang sa baba)

Miz: I hope you will be able to forgive and accept me again.

Kurt: (Niyakap ng mahigpit si Miz)

SCENE 14 : SCHOOL

(Naglalakad papasok sina Miz, Kurt, Jay-R at Jay-M)

Student 1: Bumalik na pala si Miz Righteous.

Student 2: Oo nga. Buo na ulit ang C4.

-THE END-

You might also like