You are on page 1of 1

Tila ba tayo'y parang kriminal,

Sa bahay nagtatago hindi makapangalakal,

Tirahan nati'y tila'y naging isang kulungan,

maging silid aralan para lang ika'y malabanan.

Mga ekonomiya ay itinigil,

para mabawasan ang buhay na 'yong kinikitil,

Mga kalsada'y naging tahimik,

Maging jeepney biglaang tumirik.

Gutom dito gutom doon,

Kapag may kaso may diskriminasyon,

malungkot na paslit sikmuray kumakalam,

Tayo'y sumunod yan ang tanging paraan.

You might also like