You are on page 1of 6

PERSONAL NA PAGKILALA

Siya si Andrea U. Bungbunga , labing pitong taong gulang. Ipinananganak noong Setyembre 04,

2002 na may zodiac sign na Virgo. Nakatira siya sa Mabini street, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Siya ay unica hija.

Tulad ng nakararami maraming bagay na ayaw si Andrea tulad ng mag-isa, magulo, at

extracurricular activities at sports. sa kabilang banda gusto niya ang ilang bagay tulad ng

pagsama sa magulang, travels, panonood ng Korean dramas at Hollywood movies. Sa mga

personalidad naman ay gusto niya sila Kim Minkyu isang sikat na Korean idol at si Selena

Gomez isang kilalang international celebrity. Kung lugar naman ang pag-uusapan ay Iceland ang

nangunguna sa kaniyang listahan.

Sa buhay niya marami siyang nagging karanasan na humubog sa kung sino at ano siya sa

nagyon. Lumaki siya sa pamilyang mapagmahal at binibigay lahat ng kahilingan o ninanais

niya. Sinusuportahan din siya ng kaniyang magulang sa lahat ng pagkakataon. Siya si

Andrea U. Bungbunga. Isa siyang mapagmahal na anak.


MGA PARAISO NG TAO.

Sa ating mundo punong-puno ng mga nakakahalinang tanawin na para sa ibang tao ay

nagsisilbing kathang isip lamang. Kung ating pagninilayan ang tunay na ganda ng mga mundo ay

mapapaisip tayo at mapapatanong na kathang isip lang ba ito? Ngunit kung ating mamarapatin na

buksan ang ating mata at kaisipan upang tukuyin ay mapag aalaman natin na hindi lamang ito

panaginip o kathang isip lamang. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod; Banaue

Rice Terraces, Hundred Island sa Pangasinan, at Mayon Volcano sa Albay at isang anyong tubig

o talon.

Ang mga lugar na ito ay nakapagbibigay ng iba’t ibang sensasyon at pakiramdam. Una na rito ay

ang Rice Terraces sa Banaue na sumisimbolo sa pagkamalikhain ng mga Pilipino sa larangan ng

paggawa at pag-iisip ng mas magandang paraan upang mas maging presentable o magandang

tingnan at puntahan ang isang lugar. Pangalawa, Ang Hundred Islands sa Pangasinan na

naglalarawan sa mga magagandang maraming pulo na naka ibabaw sa anyong tubig. Ito ang

pambansang parke ng Pilipinas. Pangatlo, Ang Mayon Volcano sa Albay isa ito sa mga tanawin

na nakakaagaw ng pansin sa mga turista o dayuhang dumarating. Ang Bulkang mayon ay

hinango mula sa pangalan ni Daragang Magayon na ang kahulugan ay Dalagang maganda. Sa

paniniwala ng mga taong aninirahan rito ay ang apoy at usok na ipinoprodyus ng bulkan ay

sumisimbolo sa pagkamuhi at galit ni Daragang Magayon dahil sa isang kasalanan sa kanya.

Huli ay ang anyong tubig na nakakapaghatid ng masaya at matiwasay na pakiramdam.


Lahat ng nasabing lugar o tanawin ay maituturing na kayamanan at biyaya ng Panginoon para sa

ating mga tao. Inigawad sa atin ang ganito kagandang mga tanawin upang pangalagaan at

ipreserba hindi sirain at maltratuhin ng hindi kaaya-aya. Hindi ito kathang isip lamang dahil ito

ay mga paraiso ng tao.


BIYAYANG HANDOG NG PASKO AT BAGONG TAON

Isang malaking pasasalamat dahil hindi namin naranasan ang malakas at nakakabahalang pag

hagulgol ng kalangitan na nakaapekto sa ilang bahagi sa Pilipinas noong sinalubong naming ang

pasko at bagong taon. Bago namin idinaos ang pasko at bagong taon ay nagtungo kami sa

simbahan na tila kalangitan na tahanan ng Diyos. Pagkatapos ng aming pagtungo ay dumiretso

kami sa bahay at hinintay ang aming mga bisita at kamag-anak na darating. Ilang oras na ang

lumipas at nakarating na sila sa amin. Hindi nagtagal ay nag umpisa na kaming magsindi ng

nakakaaliw at nakakatuwang lusis. Aliw na aliw kami sa ibinibigay nitong liwanag.

Pagkatapos ng aming kasiyahan at pagkaaaliw sa mga maliliwanag na lusis ay nagsimula na

kaming kumain ng masusustansiya at masasarap na pagkaing nakahain sa kulay kayumangging

lamesa na may palamuti na sakto para sa pagdiriwang. Sa kabilang banda ay nagpapaingay at

nagpapaandar ng kanilang mga motorsiklo at torotot ang aming mga kapitbahay. Pagkatapos ng

aming munting salo salo ay nasaksihan namin ang kamangha-manghang palabas ng kalangitan o

fireworks.

Samu’t saring mga pakiramdam ang aming naramdaman ngunit pagmamahalan at pagkakaisa

ang nangibabaw. Isa ito sa mga selebrayson na dapat magkakasama ang pamilya upang

salubungin at ipagdiwang ang panibagong taon at kaarawan ng ating Panginoon. Pagmamahal


ang mangingibabaw ano mang problema ang dumaan ay sama samang magmamahalan na aabot

sa walang hanggan.

55th FOUNDING ANNIVERSARY

Sa isang malaking selebrasyon na idinaos ay maraming talento ng kabataan ang umagos. Sa mga

kompetisyon na isinakatuparan maraming kabataan ang may natutunan. Isang paaralan na

nagmamahalan at nagtutulungan ay may isang layunin na gustong palawigin isang sebastinian na

may nais patunayan, estudyanteng may puso.

Sa lahat ng mga aktibidad na isinagawa ng paaralan maraming estudiyante ang nagkaroon ng

masasayang alaala na hindi nila malilimutan isa na ako sa mga estudiyanteng iyan. Ang Color

Run na nagin panimula ng pagsalubong sa foundation anniversary ay talaga namang

nakapagbigay ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa buong komunidad ng San Sebastian.

Ang flower offering na tanda ng pag respeto at pagbibigay ng pagmamahal sa ating Martyr na si

San Sebastian. Ang Student Park Blessing at Ribbon cutting ay isa rin sa mga hindi dapat

mawala dahil isa ito sa tanda pagsalubong ng panibagong biyaya at pagtanggap sa mga bagay na

atiung nakakamit at natatanggap at hindi rin mawawala ang singing competition na humasa sa

talent at kagalingan ng mga Sebastinian sa larangan ng pagkanta. Ang Sto. Nino Festival Parade

na pinamunuan ng mga mag aaral sa ika-labingdalawang baitang. Isinama rin rito ang ilang mga

festivals tulad ng; Sinulog, Dinagyang at Ati-Atihan na isinagawa rin ng mga mag aaral sa ika-

labingdalawang baitang. At upang isara ang pagdiriwang ay isinagawa ang huling parte nito na

Eucharistic Celebration at Mass Demo. Sa pagtungo namin ng simabahan ay marami kaming aral
at leksiyon na natutunan sa buhay. Humingi kami ng gabay at ipinagkatiwala sa panginoon ang

aming performance na gagawin sa Mass Demo. Ang ginawa naming na paghahanda sa Mass

Demo ay hindi biro, Naranasan naming mapagalitan, mabilad sa araw, sumakit ang katawan at

magkaroon ng mga hindi pagkakaintindihan pero dahil isinaalang alang namin sa Panginoon

lahat ay nakamit namin ang panalo at lahat ng pagod at sakripisyo na ginawa ng aming mga guro

at mga kasama ay nag bunga sa magandang kinalabasan.

Ang isinagawa namin na Founding Anniversary ay hindi namin malilimutan at ito ay mag iiwan

ng malaking epekto sa aming mga estudyante. Maraming maraming sakripisyo ang isinagawa ng

mga guro at iba pang namahala sa pagsasagawa ng selebrasyon upang ito ay maging

matagumpay. Ang Founding Anniversary na aming ipinagdiwang ay hindi lang simbolo ng

panibagong taon ng paaralan kung hindi ay ang ika-limampu’t limang taon na ipinakita sa mga

tao na ang mga mag aaral at mga sebastinians ay talagang may puso.

You might also like