You are on page 1of 3

Sa isang akda ni Labrador (2015), ipinahayag nya na ”ang musika ay konsepto ng

estetikong pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga tunog na kinapapalooban ng

maraming dimensyon. Hindi lamang ito isang uri ng tanghal sining, bagkus, ito ay nagiging

instrumento ng pagpapahalaga sangayon sa kung paano ito pinagtitibay, nililikha, at iniintindi.”

Sa konteksto ng musikang Pilipino, naging lundayan na ang musika ng iba’t-ibang

sintimyento ng lipunan at naging behikulo na din ito ng pagpapahayag ng diwang makabayan at

nasyonalismo (Navarro, 2014).

May tulak ang gamit ng musika upang isulong ang adhikain ng pamahalaan na

pagbabago at pagkakaroon ng iisang diwa ng lipunang Filipino. Naibalangkas sa kaniyang akda

ang konsepto at layunin sa pagpapayaman ng sarili at pagkilala sa kultural na identidad sa

pamamagitan ng musika (Labrador, 2015).

Sa pag-aaral na isinagawa ni Mizener (2008), napag-alaman ng mga mananaliksik na ang

musika ay nakaka-apekto sa paglinang ng wika ng isang indibidwal. Ang pag-awit, pakikinig,

paghimig, at pagtugtog ng musika ay ilan lamang sa mga kaparaanan na nakakahasa at

nakapagpapa-unlad ng wika at lenguwahe ng isang tao.

Ang kahalagahan ng lugar at lokasyon sa pang araw-araw na musika ay natukoy sa isang

pag-aaral na inilathala sa isang akda ni Bennett (2017). Ipinaliwanag sa aklat na iyon ang

kaugnayan ng pag-unlad at pagpapayaman ng kultural na pagkakakilanlan o cultural identity—

kung saan pumapasok ang wika, diyalekto, at lengwahe—at ng musika. Upang ipaliwanag ang

kaugnayang iyon, inilarawan ang isang lokal na pamamaraan ng paglikha ng awitin o musika.

Ipinabatid ng mananaliksik sa kaniyang pag-aaral na ang pagbabahagi ng mga mamamayan ng

kanilang mga ideya, karanasan, at kaugalian sa kanilang lokal o lugar ay mayroong kaugnayan sa

kaledad ng kanilang musika. Ang musika ay tunay na mayroong malaking bahagi sa


pagkakakilanlan ng isang lahi, lipi, kultura, o maging ng isang indibidwal na tao. Ayon sa J.W.

Org (1999), ”Kapuwa ang wika at musika ay mga katangian ng lahi ng tao na waring pambuong-

daigdig, andg sabin g aklat na The Musical Mind. Ang mga ito ay mga aspeto ng

pangangailangang makipag-ugnayan ng mga tao. Kaya maaaring sabihin na, gaya sa wika, kapag

”nagsasalita” ang musika, ”nakikinig” ang damdamin ng isang tao. Isang grupo ng mga

dalubhasa ang nagsasabi na ang isang piyesa ng musika ay may pare-parehong epekto sa lahat ng

nakikinig. Gayun pa man, sinasabi naman ng isa pang grupo na ang reaksyon sa isang melodya o

awit ay nagpapabanaag sa kasalukuyang kalagayan ng isip o nakaraang karanasan ng isang

indibidwal.

Ang istraktura ng musika ay komplikado at kaugnay nito ay ang lengwaheng ginamit

dito. Sa pag-aaral nina Hannon at Trainor (2007), napag-alaman na ang pagkatuto sa musika ay

nauugnay sa wikang gamit at gayun din naman nauugnay ang paglinang ng wika ng isang tao

gamit ang musika.

MGA SANGGUNIAN

Bennett A. (2017). Music, Space and Place: Popular Music and Cultural Identity. Nakuha sa:
https://books.google.com.qa/books?
id=NUg4DwAAQBAJ&printsec=frontcover&hl=ar&source=gbs_ge_summary_r&cad=0#
v=onepage&q&f=false

Hannon E. & Trainor, L. (2007). Trends in Cognitive Sciences. Nakuha sa:


https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1364661307002410?
fbclid=IwAR1qJdrgWuXgdXlQks2acE63SN-da03RyzP0zkRh9nw0-vQxaALmOe5RPDE

JW. Org. (1999). Kung Bakit Nakaaapekto sa Atin ang Musika. Nakuha sa:
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101999722

Labrador, J. (2015). Himno at Ritmo ng Nasyonalismo: Dalumat ng Musika sa Kurikulum ng


Miriam College Middle School LEAPS Faculty Research Journal, 39, 32-63. Nakuha sa:
https://www.researchgate.net/publication/313475177_Himno_at_Ritmo_ng_Nasyonalismo
_Dalumat_ng_Musika_sa_Kurikulum_ng_Miriam_College_Middle_School
Navarro, R. (2014). Musika at bagong lipunan. Quezon City: Atenedo de Manila University
Press.

Mizener, C. (2008). Enhancing Language Skills Through Music, 11(11), 466-472. Nakuha sa:
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101999722

You might also like