You are on page 1of 2

Nakakabaliw!

Nakakabinging pagtatalo ng puso at isipan

Maraming katanungan ngunit uhaw sa kasagutan.

Ito ba talaga ang tamang direksyong dapat kong daanan?

Sinusubukang ituwid ang mga kamalian

Kahit na alam ko sa aking sarili'y kulang ang aking kakayahan.

Gamit ang luha at tinta'y sinusulat mga kabiguan

Mga pighati sa aking mata'y pumapatak

Aking puso'y di mapigilan, araw araw na lng bang iiyak?

Binubugbog ako nang hirap sa bawat araw na nagdaraan

Ganitong sitwasyon ba ang aking kinakailangan?

Tila isa na'kong makina na kalkulado ang bawat galaw.

Lahat ng aking pinapasan, halos di ko kayang isigaw.

Alam kong ganito talaga

Alam kong ito'y magdadala ng lungkot at mga luha

Ngunit ako'y patuloy na aasa,

Na ang bawat hirap ang may karugtong na ginhawa.

You might also like