You are on page 1of 19

SCRIPT FOR TIMOR LESTE

CHARACTERS:
• LOLA · CONTROLLER 1
• APO · CONTROLLER 2
• RAMOS-HORTA · CONTROLLER 3

SCENE 1: CHIKAHAN

INT. LIVING ROOM – AFTERNOON


Nakikipaglaro si APO pero iniwan ng mga kalaro kaya pumunta kay LOLA na
nagpupunas ng lamesa.

[CON 1: Background: text na May 2019 then pag nag-black na, Living Room na]

LOLA
Oh apo, nandiyan ka na pala.

APO
*nagmano nang nakasimangot*

LOLA
Kaawaan ka nawa ng Dios. Bakit ka nakasimangot, ha? Anong nangyari?

APO
*lingon sa kanan*

LOLA
Uy apo.

APO
*lingon sa kaliwa*

LOLA
Uyy.

APO

1
*umikot in place at sinusundan siya ni LOLA sa pag-ikot niya in place*

LOLA
Apo, ano ba nahihilo na ang lola. Ano ba kasing problema, ha?

APO
Kasi po naglalaro kami kanina nila Marian tapos bigla po nila akong iniwan.

LOLA
Ahh ganun ba... Hmm gusto mo ba dito ka nalang tapos kwentuhan nalang kita ulit
tulad kagabi bago ka matulog?

APO
*mapapangiti sa tuwa*

Opo, lola! Yehey!

LOLA
Oh siya sige teka kunin ko lang ‘yung... asan na nga ba ‘yun..

*hinanap yung diary*

Ah ito pala. Simulan ko na ha?

2
SCENE 2: PORTUGUESE AND JAPANESE INVASION

INT. LIVING ROOM – AFTERNOON


Nagkwento si LOLA kay APO para maibsan ang kanyang lungkot.

[CON 1: Background: binuklat yung libro]


[CON 2: Patayin ang ilaw. May spotlight kay LOLA.]
[CON 3: May spotlight kay APO.]

LOLA
*binuklat ang diary*

LOLA
Karen, alam mo ba na tulad ng Pilipinas, may isang bansa rin sa Timog-Silangang
Asya na sinakop din ng mga taga-Kanluran?

APO
Ahh talaga po, lola? Ang galing naman po. Pero unang-una po, hindi po ako si Karen.
Hindi ko nga po siya kilala eh.

LOLA
Ahh ganun ba? Pasensya na. Ikaw nga ulit si...

APO
Lola, Jennah po. Jennah.

LOLA
Ahh oo nga pala. Jennah. Teka, ano na nga ba kinukwento ko?

APO
Lola, yung sinasabi mo pong bansa na tulad ng Pilipinas!

LOLA
Ahh oo nga pala.

[CON 1: Background: picture ng old map ng Timor Leste]

3
LOLA
Itong bansang ito ay isang isla lang dati na pinamumunuan ng dalawang kaharian –
ang Sorbian at ang Belos na may pangunahing relihiyon na animismo o ang
paniniwala na ang lahat ng halaman, hayop, at bagay ay may kaluluwa.

APO
*napatango*

Ahh ganun po pala yun.. tapos po?

[CON 1: Background: picture ng old map ng Portugal then count ka 1 to 3 then next
naman yung picture ng itsura ng mga sinaunang Portuguese.]

LOLA
Noong ika-labing anim na siglo, dumating ang mga Portuges na Dominikanong Pari
at ipinalaganap ang kanilang relihiyon at doon nagsimula ang pananakop nila sa
bansang ito.

[CON 1: Background: Picture ng Lifau]

LOLA
at sa Lifau sila namalagi.

LOLA
Patuloy silang sinakop ng mga Portuges – nagtayo sila ng mga trading post at naging
pangunahing pinagkukunan ng sandalwood. Kalaunan ay naging ganap itong
Portuguese Colony at tinawag na Portuguese Timor.

LOLA
Noong 1651 naman ay nilusob ng mga Dutch

[CON 1: Background: Picture ng mga Dutch]

LOLA
ang Kupang sa kanlurang bahagi ng Timor at dahil dito ay nahati

[CON 1: Background: map ng Timor na nagpapakita nung hati]

4
LOLA
ang Timor at ang naging kabisera nito ay ang Dili. Ang silangang bahagi ay sa mga
Portuges at ang kanlurang bahagi naman ay sa mga Dutch. Pagkatapos nito ay
nagsimula ang isang rebelyon sa Timor.

[CON 1: Background gawing vid noong WW2.]


[CON 2 & 3: Patayin yung spotlight kina LOLA and APO.]

LOLA & APO


*magtatago sa ilalim ng table*

LOLA (VOICE OVER)


Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig naman, ang mga bansang Australia at
Dutch na kabilang sa Allied Forces ay naglagay ng mga tropa ng sundalo sa Timor
dahil sa “strategic position” nito at nakisangkot din sila sa pakikipaglaban sa mga
Hapon. Ngunit dahil sa malagim na pangyayaring ito, animnapung libong mga
Timorese ang nasawi. Sa bandang huli ay nasakop sila ng mga Hapon at
pinamunuan sila hanggang 1945.

LOLA & APO


*lalabas na ulit at uupo sa upuan*

[CON 2 & 3: Buhayin yung spotlight kina LOLA and APO]

APO
60,000 po ang namatay, lola? Hala grabe ang dami naman po. Hindi ko nga po
mabilang sa kamay ko ‘yun eh.

[CON 1: Background: Flag ng Dutch East Indies]

LOLA
Oo, apo. Pagkatapos nito, ang Indonesia, na dating Dutch East Indies ang tawag, ay
sinakop ang Kanlurang Timor ngunit ang Silangang Timor ay nanatili sa mga
Portuges.

APO
Ahhh..

5
LOLA
Noong naganap naman ang Carnation Revolution, nag-hudyat ito ng pagsisimula ng
dekolonisasyon ng Portuguese Timor.

APO
Ano, lola? Carne... Carnay... Diba pagkain ‘yun? Sorry lola ‘di po pwede sa’kin ‘yun
diet ako eh.

LOLA
Apo, Carnation Revolution. Ikaw talaga, pagkain na naman nasa isip mo.

[CON 1: Background: vid ng Carnation Revolution]


[CON 2 & 3: Patayin yung spotlight kina lola and apo]

LOLA & APO


*magtatago sa ilalim ng table*

LOLA (VOICE OVER)


Sa ilalim ng rebolusyong ito, nagkaroon ng kudeta ng militar na naganap noong ika-
dalawampu’t lima ng Abril, taong 1974. Naging sikat ito ‘di lamang sa
pagpapabagsak sa pamahalaang awtoritaryan at pagtapos sa pasismo sa Portugal
nang hindi gumagamit ng anomang karahasan, kundi maging sa paghantong nito sa
isang bagong demokrasya.

LOLA (VOICE OVER)


Kaya ito tinawag na “Carnation Revolution” ay dahil walang bala ang pinaputok at
nang pinagdiwang nila ang katapusan ng diktadurya, naglagay sila ng mga bulaklak
na Carnation sa dulo ng baril nila. Ipinerdible din nila ang mga ito sa mga uniporme
ng mga hukbo.

APO (VOICE OVER)


Ahh ‘yun po pala ‘yung ibig sabihin no’n, lola. Akala ko naman po pagkain na eh.

LOLA (VOICE OVER)


Oo, apo. At noong Nobyembre 1975, bumagsak na ang pamumuno ng mga Portuges
sa Timor

6
[CON 1: Background: Picture ng mga tao na may malaking FRETILIN flag]

LOLA & APO


*lalabas na ulit at uupo sa upuan*

LOLA (VOICE OVER)


at iprinoklama na ng Revolutionary Front for an Independent East Timor o mas
kilala sa tawag na FRETILIN ang kalayaan.

[CON 1: Background: Living Room]


[CON 2: Buksan na ang ilaw]

APO
Pagkatapos po no’n, lola may nanakop pa po ba sa bansa natin?

LOLA
Meron pa, apo pero

*maghihikab*

mamaya ko na ulit itutuloy ang kwentuhan natin bago ka matulog ha?

APO
*lalambingin si lola*

Eeeeh lola sige na po ang bitin naman! Ituloy niyo na po ‘yung story please, please,
pleeeease?

LOLA
Inaantok na ako, apo eh. Maiidlip na muna ako. Pasensya na ha? Pangako, mamayang
gabi kukwentuhan ka ulit ng lola.

APO
Hayy sige na nga po. Good night, lola!

*kiniss at hinug si lola*

7
APO
*hinatid sa pintuan si lola*

LOLA
*naiwan ang diary sa table at naglakad na papunta sa pintuan*

[CON 1: Background: Living room with sound]

APO
Hala! Naiwan ni lola yung diary niya! Hmm tulog naman na siguro si lola...
Mabuksan nga..

*binuksan ang libro*

[CON 1: Background: Libro na nagbukas]


[CON 2: Patayin yung ilaw.]

APO
Aaah! Ano ‘to? Anong nangyayari? Aaaah! Lola tuloooong!

8
SCENE 3: INDONESIAN INVASION

EXT. FOREST – NOON


Binuksan ni APO ang diary ni LOLA at napunta siya sa taong 1993 kung saan mas
bata na si LOLA.

[CON 1: after ng tunog na may bumagsak, next background: 1993 then pag nag-
black na magpe-play yung background with soldiers]
[CON 2: Buksan na ang ilaw]

LOLA
*pumasok sa pinto nang malakas na tila may kalaban at may hawak na baril*

*may babarilin sa likod ng table*

[CON 1: background with soldiers na may gunshots na sound]

LOLA
*napansing may ibang tao sa kanyang kampo*

[CON 1: Background: Forest]

LOLA
*tinapik nang marahan ang bata*

Neng. Neng. Gising. Neng.

APO
*nagising at nagulat*

Lola!

*napayakap*

Buti po nandito kayo akala ko po kung saan na ako napadpad bigla po kasing umilaw
ng malakas ‘yung diary niyo.

9
LOLA
*inalis ang pagkakayakap*

Sandali lang. Ako? Lola? Wala pa nga akong asawa at di pa ako ganun katanda,
ineng, pero lola na ka’gad tawag mo sa’kin? Baka nagkakamali ka lang. Saka pa’no
ka napunta dito ha? Delikado ang lugar na ‘to para sa mga bata!

APO
Ah eh.. basta po umilaw itong diary ni lola. At saka kamukhang-kamukha niyo po
talaga si lola! Imposibleng hindi po kayo ang lola ko. Nakalimutan mo na naman ba,
lola? At saka nasaan po ba ako?

LOLA
Hahaha baka nauntog ka lang sa bato kaya nagkakaganyan kang bata ka haha.
Nandito ka sa kampo ng mga gerilya. Bakit?

APO
Ay hala ganun po ba... Maitanong ko lang po. Ano na po bang nangyayari bakit po
parang ang gulo-gulo rito?

LOLA
Nilusob kasi tayo ng bansang Indonesia noong Disyembre 1975 at ginamit nila ang
rason na nilalabanan daw nila ang komunismo kahit hindi naman talaga no’ng
lumusob sila sa bansa natin. Ginawa rin nila tayong ika-dalawampu’t pitong
probinsya nila ngunit hindi ito kinilala ng United Nations o UN.

APO
Wait po. Indonesia? So, nilusob po ng Indonesia ang Pilipinas?

LOLA
Ha? Anong Pilipinas? Ano bang mga pinagsasasabi mong bata ka? Ineng, Timor
Leste ang bansa natin. Hindi Pilipinas.

10
APO
Huuuuuh?

*nagkamot ng ulo*

LOLA
Malakas na pagtutol laban sa pamumuno ng mga taga-Indonesia, pagkalupig, at
kagutuman ang nangyari pagkatapos ng paglusob nila na ikinasawi ng humigit
kumulang dalawang daang libong mga kababayan natin.

APO
200,000? OMG napakarami naman po. Hindi po ba naubos yung mga tao dahil sa
dami ng namatay?

LOLA
Hindi naman. Itong batang ‘to talaga, oo. Pagkatapos nito, noon namang 1981,

[CON 1: Background: Picture ni Xanana Gusmao]

LOLA
si Xanana Gusmao ang naging pinuno ng Armed Forces of National Liberation of
East Timor o mas kilala sa tawag na FALINTIL. Ang FALINTIL ay ang armadong
sangay ng FRETILIN.

[CON 1: Background: Short clip ng Santa Cruz Massacre]


[CON 2: Patayin ang ilaw.]

LOLA & APO


*magtago sa ilalim ng table*

LOLA (VOICE OVER)


Noon namang 1991, nagkaroon ng tinatawag na Santa Cruz Massacre kung saan
mahigit isang daan ang namatay dahil sa pagpapaulan ng bala ng mga tropa ng
sundalo sa isang lamay ng nasawing taga-suporta ng FRETILIN sa Dili.

LOLA & APO


*bumalik na sa harap ng table*

11
[CON 1: Background: picture ng dalawang namatay then background ng forest na
may bomb sound]

LOLA
Neng, umalis ka na. Hindi na ligtas dito! Umuwi ka na sa pinanggalingan mo! Dali
bilisan mo!

*nag-cover sa likod ng table*

APO
Opo opo sige po!

*nagpapanic*

*pumunta sa likod ng table*

[CON 2: Patayin ang ilaw]

12
SCENE 4: INDONESIAN INVASION

EXT. FOREST – NOON


Nag-time travel ulit si APO pauwi sa bahay nila at habang nagtatime travel siya ay
nakikita niya ang mga pangyayari sa Timor Leste.

[CON 1: Background: Time travel book]

[CON 1: Background: 1996 then pag nag-black na ilipat sa picture na Belo and
Ramos-Horta na Nobel Peace Prize (i-next after nabasa mo ung text. Ikaw
pagbabasehan ng pacing ng pagkaka-next from this point onward so kailangan mong
basahin ung text hehe)]

[CON 1: Background: Picture ni Belo with text]

[CON 1: Background: Picture ni Ramos-Horta with text]

[CON 1: Background: 1998 then pag nag-black na ilipat sa picture ni Suharto with
text]

[CON 1: Background: picture ni Habibie with text]

[CON 1: Background: 1999 then pag nag-black na ilipat sa UN, Indonesia, and
Portugal flags with text]

[CON 1: Background: Flags with text “78%...”]

[CON 1: Background: Picture ng may army at guy na nakahawak ng red, with text]

[CON 1: Background: text ‘Indonesian Parliament...”]

[CON 1: Background: 2001 then pag nag-black na ilipat sa picture ng matanda na


ay hawak na card with text]

13
SCENE 5: RAMOS-HORTA ATTACK

EXT. THE PRESIDENT’S BACKYARD – MORNING


Nakarating si APO sa bahay ni RAMOS-HORTA imbis na sa bahay nila ni lola.

[CON 1: Background: Time travel book]

RAMOS-HORTA
*lumabas na sa gilid ng stage*

APO
*nakaupo sa floor sa harap ng table, nakapikit kasi natatakot*

[CON 2: Buksan ang ilaw]


[CON 1: Background: backyard ng bahay]

RAMOS-HORTA
*naglalakad ng dahan-dahan papunta sa harap ng table, hindi agad makikita si
APO*

Hayy ang sarap talaga ng simoy ng hangin kapag nandito ako sa bahay... There’s no
place like home talaga...

*muntik nang maapakan si APO*

RAMOS-HORTA
Hala! Bata, bakit ka nandiyan? At saka, pa’no ka nakapasok dito?

APO
Ay, hello po. Nasa Pilipinas na po ba ako?

RAMOS-HORTA
Ha? Anong Pilipinas? Nasa Timor Leste ka, iha.

14
APO
*kinausap ang sarili nang hindi nakatingin kay RAMOS-HORTA*

Ay ano ba naman yan akala ko makakauwi na ako!

RAMOS-HORTA
Anong sinasabi mo, iha?

APO
Ahh wala po, wala po. Ang sabi ko po thank you po hehe.

RAMOS-HORTA
Mukha atang pagod ka, halika maupo muna tayo. Ano bang nangyari sa’yo, iha?.

RAMOS-HORTA & APO


*naupo sa upuan sa may stage*

APO
Parang nanaginip po kasi ako kanina na magulo po rito sa Timor Leste. Marami pong
nag-aaway, ganun po. Matanong ko lang po, hanggang ngayon po ba magulo pa rin at
may mga nag-aaway pa rin?

RAMOS-HORTA
Mas maayos na ngayon ang kalagayan ng bansang ito kumpara sa mga nakaraang
taon, iha. Actually, noong 2002 lang ay naganap ang tatlo sa mga
pinakamahahalagang pangyayari sa bansa.

[CON 1: Background: maraming tao pero ung isa hawak ung flag]

RAMOS-HORTA
Una, nagkaroon na ng kalayaan ang Timor.

[CON 1: Background: picture ni Gusmao na nagsasalita]

RAMOS-HORTA
Pangalawa, nahalal ang kauna-unahang pangulo ng bansa na si Xanana Gusmao.

15
[CON 1: Background: guys na naka-tuxedo at may flag at podium]

RAMOS-HORTA
At pangatlo, naging kasapi tayo ng United Nations na kilala rin sa tawag na UN.

[CON 2: Patayin ang ilaw]


[CON 1: Background: picture na may text “Hundreds..”]

RAMOS-HORTA & APO


*tago sa ilalim ng table at lumabas sa kanan ng table kasi maglalakad kayo
pagkabukas ng ilaw*

RAMOS-HORTA (VOICE OVER)


Buong akala namin ay magtutuloy-tuloy na ang kaayusan at kapayapaan sa atin.
Ngunit noong 2006, daan-daang dating sundalo ang nag-rally dahil sa discriminatory
working conditions at bunga nito ay nagsimulang muli ang kaguluhan.

[CON 1: Background: Text na “Troops and...”]

RAMOS-HORTA (VOICE OVER)


Dahil sa pangyayaring ‘yon ay nagpadala ng mga troop at international peacekeepers
ang Australia at New Zealand upang matulungan tayong ibalik ang kaayusan at
kapayapaan sa ating bansa.

[CON 1: Background: Picture: Picture ni Alkatiri and Ramos-Horta with text]

RAMOS-HORTA (VOICE OVER)


Na-mishandle ni Prime Minister Alkatiri ang pangyayari na may kinalaman sa pagra-
rally ng mga dating sundalo kung kaya’t napaalis siya sa kanyang pwesto at ako ang
pumalit sa kanya.

RAMOS-HORTA & APO


*stand up and prepare sa chikahan while walking*

[CON 2: Buhayin ang ilaw]


[CON 1: Background: Picture ni Ramos-Horta and Gusmao with text]

16
RAMOS-HORTA & APO
*naglalakad ng dahan-dahan papunta sa gitna*

RAMOS-HORTA
At noong nakaraang taon lamang ay naging pangulo ako ng bansang ito at si Xanana
Gusmao naman ang naging Prime Minister.

APO
Ahh ganun po ba? Kayo po pala ang--

[CON 1: Background: Backyard with gunshot sound]

RAMOS-HORTA
*napahawak sa tiyan. Yung pagkahawak mo sa tiyan malakas ha para lumabas yung
fake blood*

APO
*nagulat at natakot*

Ssi-- Sir? A-- Ano pong nangyari sa inyo?! Bakit po may dugo ang tiyan niyo?!

RAMOS-HORTA
Tumawag ka ng tulong, iha! Dali! At umalis ka na rin dito baka kung ano pa ang
mangyari sa’yo!

[CON 2: Patayin ang ilaw]

APO (VOICE OVER)


Tulong! Tulong! Kailangan ko nang makauwi kay lola. Natatakot na ako. Please
please please sana makauwi na po ako!

[CON 1: Background: Time travel book]

[CON 1: Background: 2011 then pag nag-black na ilipat sa next slide na may text.
Sa’yo ulit nakasalalay kung gano katagal ung paglipat yung slide na may text]

[CON 1: Background: 2017 then pag nag-black na ilipat sa picture ni Guterres]

17
[CON 1: Background: News article]

[CON 1: Background: Video ng history ng Timor Leste]

[CON 1: Background: Time travel book na automatic na lilipat sa May 2019]

SCENE 6: BACK TO PRESENT

INT. LIVING ROOM – EVENING


Sa wakas ay nakauwi na si APO sa kanila.

[CON 1: Background: Living Room]


[CON 2: Buksan ang ilaw]

APO
*nakaupo sa may stage pero parang natutulog sa table. Nasa tabi niya yung diary ni
LOLA*

LOLA
Oh Jennah andiyan ka lang pala!

APO
Lola!

*napayakap kay LOLA*

LOLA
Akala ko san ka na naman nag-gala eh. Aayain sana kitang matulog din kaso nawala
ka naman. Saan ka nga ba nanggaling?

APO
Lola nakita kita nung bata-bata ka pa!

LOLA
Ha? Anong sinasabi mo riyan? Ayan kaka-computer mo kung ano-ano na sinasabi
mong bata ka!

18
APO
Hindi lola! Totoo po talaga! Nag-time travel po ako nung binuksan ko po yung diary
niyo! Nakita kita! Ang galing galing niyo nga pong makipaglaban eh. Yieee!

LOLA
Ha? Bakit naman magtatime travel ka nung binuksan mo ‘yung diary ko? At higit sa
lahat, bakit ka nangingialam ng gamit na hindi sa’yo? Ikaw ha. Di’ba sinabihan na
kitang--

APO
“Huwag na huwag papakialaman ang mga gamit ni Lola Madeng.”
Opo alam na alam ko na po ‘yan, ‘la. Palagi niyo ba naman pong binabanggit eh.

LOLA
Oo nga, palagi kong binabanggit pero ‘di mo pa rin sinusunod.

APO
Hehehe sorry na po, ‘la! I love youuu.

LOLA
Ako rin. Oh sige na maghahanda muna ako ng hapunan natin.

*umalis sa stage at lumabas ng pinto*

APO
*maiiwan sa living room mag-isa*

[CON 2: Patayin ang ilaw.]

[CON 1: Background: Black screen na may audio na boses ni LOLA]

[CON 1: Background: Video ng Timor Leste beautiful sceneries]

APO
*maga-appear sa gitna ng video and maga-adlib*

-- WAKAS -- 19

You might also like