You are on page 1of 3

PAGPAPAUBAYA NG LAHAT NG KARAPATAN

BASAHING MABUTI- Sa pagpirma mo nito, isinusuko mo na ang LAHAT ng karapatan mo.

Ako, ARNOLD G. SABASAJE, nasa hustong gulang,, nakatira sa


_____________________________________, kapalit ng
halagang_______________________________ (Php____________________), na natanggap ko,
ay buong pusong _______________________ (Isulat ang salitang NAGPAPAUBAYA) at habang
buhay na pinapapalaya ang mga sumusunod TOP PRINT ENTERPRISES, ang mga
nagmamayari nito, mga namamahala at kawani nito, at lahat ng namamasukan sa kanila, o sa
kanilang kahalili at itinalaga, sa lahat ng karapatan at paghahabol, maging ito ay nagmula sa
aking pamamasukan sa kanila bilang _____________________, mula sa "tort", kontrata, batas, o
kahit anupamang basehan ng paghahabol, dahil sa pagtatapos ng aking pamamasukan, at, bukod
pa rito, ____________ (Isulat ang salitang PINALALAYA upang ipakita na alam mo ang
ginagawa mo) ko na sila sa lahat ng karapatan at paghahabol ko na nag-uugat sa kahit anong
bagay na nangyari bago ang pagpirma ng dokumentong ito, na may intensyong tapusin ang
anumang usapin sa pagitan ko, ng aking kahalili at ng mga partidong pinalaya, kasali na pati ang
mga pinsala, sakit, karapatan at paghahabol na hindi nabanggit ditto at na hindi ko alam.

Pumapayag aka na tanging batas lamang ng Pilipinas ang maaring gamitin sa kahit ano mang
katanungan tungkol sa Pagpapaubaya ng Lahat ng Karapatan na ito, kasama na ang mga tanong
tungkol sa kahulugan at katotohanan ng naturang dokumento.

Pinapapatunayan at pinagtitibay ko na lahat ng taong, kasama (pero hindi limitado sa) ang aking
mga anak at sustentado, asawa, at iba pa, na may karapatang maghabol dahil sa pagkakatanggal
ko sa aking trabaho sa TOP PRINT ENTERPRISES ay bibigyan ng kanilang wastong parte sa
ilalim ng mga probisyon ng dokumentong at sang-ayon sa batas.

Pumapayag ako na kung sakali na lalabag aka sa mga probisyon at kondisyones ng


Pagpapaubaya ng Lahat ng Karapatan na ito, maging ito man ay kusang-loob o sa kahit
anupamang dahilan, maari akong managot sa paglabag ng kontrata at sa pagbabayad ng
kaukulang danyos.

Huli sa lahat, pinapatotohanan ko na ang mga nilalalaman ng dokumentong ito ay isinalin sa


aking pambansang wika/lokal na wika na Pilipino, at na naintindihan ko nang husto ang mga
probisyon at kondisyones ng dokumentong ito.

MAINGAT NA BASAHIN ANG MGA SUMUSUNOD NA PAHAYAG:

(1) Alam ko na ang dokumentong ito ay higit pa sa resibo, ITO AY ISANG PAGPAPALAYA.
ISINUSUKOKO NA LAHATNG KARAPATAN KO.

(2) Alam ko na sa pagpirma ko ng dokumentong ito, tinatapos ko na lahat ng karapatan ko na


nag-uugat sa pagtatapos ng aking trabaho sa TOP PRINT ENTERPRISES , kasama na ang lahat
Page 2 of 3

ng maari kong maging karapatan sa hinaharap, maging ito man ay base sa kontrata, "tort" o kahit
ano pang dahilan, kahit na ang mga naturang karapatan ay hindi nabanggit sa dokumentong ito.

(3) Alam ko na ang pagbabayad sa akin ng perang nabanggit sa unang bahagi ng dokumentong
ito ay hindi pag-amin ng sinuman ng kasalanan o pananagutan sa akin.

(4) Pinipirmahan ko ang dokumentong ito dahil sa tatanggapin kong pera. Hindi ako
pinangakuan nang anupamang bagay.

(5) Ako ay nasisiyahan na.

ANG MGA SUMUSUNOD AY KAILANGANG SAGUTIN NG NAGHAHABOL SA


KANYANG SARI LING SULAT-KAMAY:

A. Binasa mo ba ang dokumentong ito mula umpisa hanggang hulihan? _________

B. Alam mo ba kung ano ang dokumentong ito na iyong pinipirmahan? _________

C. Ano itong dokumentong pinipirmahan mo? _________

D. Ginawa mo ba ang limang (5) pahayag na nakasulat sa itaas na may intensyong ang mga
partidong pinalalaya ay aasa sa mga naturang pahayag bilang katotohanan? _________

E. Alam mo ba na sa pagpirma mo ng Pagpapaubaya ng lahat ng Karapatan na ito, tinatapos


mo na ang lahat ng karapatan at paghahabol mo, maging ito man ay base sa kontrata, "tort" o
kahit ano pang dahilan? _________

Samakatuwid, inilalagda ko ang pangalan ko sa salitang ITO AY PAGPAPALAYA at sa tabi ng


selyo, na nakasulat sa ibaba at na pinagtitibay ko ilang akin, para ipakita na sinasadya ko lahat ng
nakasulat sa dokumentong ito.

Petsa

PUMIRMA RITO »> ITO AY PAGPAPALAYA_________

ARNOLD G. SABASAJE
Page 3 of 3

(Pangalan at pirma ng naghahabol)

REPUBLIKA NO PILIPINAS) S.S.


LUNGSOD NG QUEZON )

PAGKILALA

Sa Lungsod ng Quezon City, ngayong ika-________________________, sa harap


ko, isang Notaryo Publiko, sa loob at para sa nasabing lungsod, personal na humarap si
ARNOLD G. SABASAJE, na may ___________________________ na sa pagkakaalam
ko ay ang taong pumirma at gumawa ng dokumentong Pagpapaubaya ng Lahat ng
Karapatan, at kinilala niya sa akin na ginawa at nilagdaan niya ang naturang dokumento
bilang malaya at boluntaryong aksyon niya, pagkatapos na ang nasabing dokumento ay
naipaliwanag nang husto sa kanya at pagkatapos niyang mabatid na ang epekto ng
nasabing dokumento ay lubos at kumpletong pagpapalaya ng lahat ng partidong
nabanggit, sa lahat ng bagay na tinalakay sa naturang instrumento; na pinirmahan niya
ang nasabing dokumento nang walang kahalong pamimilit, pangako, pananakot, dahas,
panloloko o kanit anumang representasyon ng kahit sinumang, at naintindihan niya ang
kabuuang nilalaman nito, pati na ang epekto ng nasabing dokumento.

PINIRMAHAN AT SINUMPAAN sa harap ko


ngayong__________________________, ng nagsalaysay, pagkatapos na ipinakita sa
akin ang kanyang__________________________.

You might also like