You are on page 1of 3

8- St.

Bernadette
Motin,Vaniela 3/24/19
Roño,Portia A.P
I. Mga larawan ng pag bisita
II.

ReflectionSa pagpunta namin sa exhibit na ito marami kaming natuklasan na mga bagay na
makakatulong samin na sagutin ang aming mga katanungan tungkol sa nangyari noong nakalipas
na daang taon. Natuklasan namin ang kasaysayan ng Malate at ng Malate church. Isang dagdag
impormasyon para samin ang malaman ang kasaysayan ng aming paaralan at simbahan.
Pinanood kami ng isang documentaryo na tungkol sa World War 2 at nalaman namin na
konektado pala ang kasaysayan ng Malate at simbahan sa nangyari noong nakalipas na taon.
Nalaman namin na naging ospital ng mga sugatan na sundalo at mga ordinaryong tao ang malate.
Nakita rin namin sa video na may estudyante sa malate na tumulong gamutin ang mga taong
sugatan. Ng pagkatapos namin panoorin ang dokumentaryong iyon pinuntahan na namin ang
mga exhibit kung saan nakita namin ang ang istorya ng pagbuo ng mundo. Nakita din namin ang
dating itsura ng Malate sa panahon ng 1945. Nakita din namin ang mga pari at sundalong
namatay noong lumipas na daang taon.Masasabi namin na dapat pahalagahan at ingatan ito dahil
marami ng nasaksihan ang simbahan at paaralan ng malate noong panahon pa ng World War 2.
Ito parin ay nanatili ganun din ang alaala nito kahit lumipas na ang ilang taon.

III.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang pinagmulan ng ating daigdig?


Importante pag-aralan ang pinagmulan ng ating daigdig upang malaman at mas maunawaan natin
ang pinagmulan ng ating daigdig. At para rin madagdagan natin ang kaalaman natin sa daigdig
kung saan maari rin nating bigyan kaalaman ang iba pa nating kapwa tao..

2. Sa anong bahagi ng museo maipapakita ang diwa ng Nasyonalismo? Bakit?Maraming parte sa


museo ang nagpakitang diwa ng Nasyonalismo halimbawa. Ang litrato kung saan nakalagay
doon na mayroon mga sundalong lumaban sa mga masasamang tao para maipaglaban aptayo at
ang ating bayan.

3. Ano ang kahalagahan ng pananampalataya sa naging pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino


hanggang sa kasalukuyan?
Mahalaga ang pananampalataya ng mga pilipino sapagkat pinalawak nito ang kaalaman ng mga
pilipino at dahil rito nagkaroon ng pagkakaisa ang mga pilipino dahil sa relihiyon.

4. Paano ipinakita sa Museo ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas?

5. Bakit mahalaga sa isang indibidwal na mayroon syang nalalaman tungkol sa kanyang


kinabibilangang lipunan?
Mahalaga na may kaalaman sya tungkol sa kanyang lipunan upang maiwasan niya na lumabag sa
kanilang mga batas at para na rin magsilbi siyang isang maayos na mamamayan ng kanilang
lipunan

You might also like