You are on page 1of 3

Sistema sa Paghahatid at Pagbabalik ng TAHARALAN - KIT (Tuloy Ang Habi ng

Asal at Runong sA pagLinang ng batang Agoncillian – Kaban ng Inspirasyon at


Talino)

ANO ANG TAHARALAN?

Ang TAHARALAN ay pinaikling TAHANANG PAARALAN - ang aming itinawag sa


MODULAR DISTANCE LEARLING MODALITY na pamamaraan ng pag-aaral ng mga bata sa
panahong ito ng pandemya. Ito ay kataga na ang ibig sabihin ay Tuloy Ang Habi ng Asal at
Runong sA pagLinang ng batang Agoncillian bilang pakikiisa sa panawagan ng Kagawaran ng
Edukasyon na isulong ng edukasyon kahit sa panahong ito ng krisis.

ANO ANG TAHARALAN KIT?


Ang TAHARALAN KIT naman ay ang gamit ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa ilalim ng
Modular Distance Learning. Ang KIT ay nangangahulugan na Kaban ng Inspirasyon at Talino. Ito ay
isang expanded plastic envelope na may tatangnan (Kaban) na naglalaman ng Modyul, Activities,
Worksheets at iba pang gamit sa pag-aaral (Talino). Maglalaman din ito ng mga lingghuhang
motivational quotes, reward ng mag-aaral sa maayos niyang paggawa at iba pang feedback ng guro sa
kanyang mga outputs (Inspirasyon). Ang class program, tala ng contact number ng mga guro at iba pang
gabay ay dito rin ilalagay. Color coded poi to – green na envelope para sa Grade 7, red para sa Grade 8,
yellow para sa Grade 9 at blue para sa Grade 10.

PAGHAHATID/DISTRIBUSYON NG TAHARALAN KIT


SINO ANG MAGHAHATID?
Ang paaralan ay bumubo ng Module-livery Team na siya maghahatid ng mga TAHARALAN KIT sa
bawat itinakdang lugar. Sila ay ang mga lalaking guro at kawani ng paaralan kasama ang mga kasapi ng
pamunuan ng ANHS-PTA.

ANO ANG ARAW AT ORAS NG PAGHAHATID?


Tuwing araw ng Lunes sa ganap na 7:00 hanggang 9:00 ng umaga ihahatid sa mga barangay halls
ang mga modyuls.

SINO ANG DAPAT KUMUHA?


Mga magulang lamang, tagapangalaga, kapatid o kasama sa bahay na may edad 21 pataas ang
maaaring kumuha ng modyul?

SAAN PUPUNTA UPANG KUMUHA?

Kung kayo ay taga………

 Subic Ilaya
o Grade 7 at Grade 8 - Agoncillo National High School
o Grade 9 at Grade 10 - Subic Ilaya Barangay Hall
 Manalao, Bilibinwang at Banyaga - Manalao, tahanan nina Agrifina
Arquirez
 Subic Ibaba - Subic Ibaba Barangay Hall
 Panhulan, Guitna, Bagong Sikat - Panhulan Barangay Hall
 Bangin, Pook, Pamiga, Pansipit at Poblacion - Pook Barangay Hall
 Santo Tomas, San Teodoro - Santo Tomas Barangay Hall
 Adia - Adia Barangay Hall
 Sta. Cruz at Sinisian - Sta. Cruz, tahanan nina Ma’am Cathy G.

SINO ANG MAGBIBIGAY NG KIT SA BARANGAY:

Sa pakikipag-ugnayan ng paaralan sa mga Punong Barangay, sila ay magtatalaga ng taong


mamamahala sa pamimigay ng KIT mula sa Barangay Education Committee o sa mga kasapi ng Barangay
Health Workers.

MGA TAGUBILIN SA PAGKUHA:

1. Magtungo sa itinakdang lugar sa takdang oras na ibinigay ng Gurong Tagapayo (Adviser).

2. Ang mga mag-aaral ay hindi pahihintulutan na kumuha ng kanyang modyul. Ipakuha ito sa mga
magulang, tagapangalaga, kapatid o iba pang kasama sa bahay na may edad 21 pataas. Maari
rin namang ipakisabay na sa pagkuha sa kapitbahay kung sadyang walang makakakuha.

3. Magsuot ng facemask at face shield, mag-alcohol at sumunod sa social distancing at iba pang
panutuhan na ipinatutupad ng barangay.

4. Bago kuhanin o tanggapin ang TAHARALAN KIT sa Education Committee Officer o BHW ng
barangay ay lumagda muna sa logbook bilang patunay na nakuha na ang kaukulang KIT. Huwag
kalilimutang magdala ng sariling ballpen na gagamitin.

5. Iuwi sa bahay ang KIT upang makapagsimula nang mag-aral ang mga mag-aaral.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG MGA TAHARALAN KIT

1. Ang mga gamit sa loob nito ay kailangan sa mga gawain ng mag-aaral. Gamitin ang mga ito nang
wasto at may pag-iingat.
2. Sundin ang Class schedule at gawin ang mga itinakdang gawain sa bawat araw ng may
katapatan.
3. Mahalaga na magkaroon ng tiyak na oras at lugar kung kailan at saan mag-aaral ang mga bata sa
inyong tahanan.
4. Makipag-ugnayan samga guro para sa inyong mga tanong at kung kinakailangan ng karagdagang
panuto para sa pagsasagawa ng gawain sa pamamagitan ng call, text o messenger.
5. Matapos ang isang linggong gawain ay ibalik ang lahat ng gamit sa envelope ng maayos.
6. Ang modules/babasahin na ipinadala ay kinakailangan ibalik sa guro para mapalitan sa susunod
na linggo
PAGBABALIK NG TAHARALAN KIT

ANONG ARAW AT ORAS IBABALIK SA BARANGAY HALL?

Ang TAHARALAN KIT ay ibabalik ng magulang, tagapangalaga, kapatid o kasama sa bahay na may
edad 21 taon pataas sa barangay hall sa araw ng Biyernes, sa hapon matapos gawin ng bata ang
panghuling gawain tuwing Biyernes. Itinatagubilin pa rin ang pagsunod sa proper health protocols. Muli
siyang lalagda sa logbook, katunayan na nagbalik siya ng KIT.

Iipunin ang KIT ng tao na nakaduty sa barangay sa TAHARALAN BOX.

PAANO ANG MGA KUMUHA SA PAARALAN?

Ang mga taga Subic Ilaya na kumuha ng KIT sa paaralan ay maaaring magbalik sa araw ng Sabado
ganap na 8:00 – 9:00 ng umaga. Huwag kalilimutan ang pagsunod sa proper health protocol.

ANONG ARAW KUKUHANIN NG MODULE-LIVERY TEAM SA BARANGAY?

Sa araw ng Sabado ay babalik sa barangay hall ang Module-livery Team ng paaralan upang kunin
ang mga TAHARALAN KITS na inipon sa TAHARALAN BOX. Ibabalik ito sa paaralan.

Huwag pong mag-alala, sila po ay susunod din sa health protocol na ipinatutupad ng IATF, DOH
at ng ng ating LGU.

ANO ANG GAGAWIN KAPAG NAIBALIK NA SA PAARALAN?

Hihirangin ng bawat adviser ang KIT ng kanyang mga estudyante at ilalagay sa kahon na para sa
kanyang section. Ilalagay niya ang Modyul/Activity Sheets at iba pa ng bawat asignatura sa kanya-
kayang kahon at pagkatapos ay kukunin na ito ng bawat subject teacher at magsisimula na silang
magwasto.

PAGPALAIN NAWA TAYO AT LAGING INGATAN NG POONG MAYKAPAL!


MAG-INGAT LAGI AT MAG-ARAL NA MABUTI!

You might also like