You are on page 1of 2

UNIVERSITY OF THE IMMACULATE CONCEPCION

College Department
College of Teacher Education
Bonifacio, Davao City

BANGHAY ARALIN

Asignatura: Filipino 11 Petsa: Pebrero 12, 2020 Bilang ng Linggo: 1

Paksa: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik

Paglipat ng Mithiin: Nakapagbibigay kaalaman sa iba’t ibang uri ng datos

Mga Pag-unawang kakailanganin: Natutukoy ang tamang pamamaraan sa pagkuha ng datos

Mga Mahahalagang Tanong: Mahalaga bang matutunan ang iba’t ibang uri ng datos?

_____________________________________________________________________________________

I. PAMBUNGAD NA GAWAIN:

Balik-aral: Disenyo ng Pananaliksik

Pokus: Mga Uri ng Datos

Pagganyak: Linangin ang isipan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbunot ng


pangalan at magbahagi ng kanilang opinyon sa isa o higit pang tanong na ibibigay sa
kanila.

APK/ Paggamit ng kaalaman: Bakit kinakailangan tingnan ng mabuti ang mga datos na
nakukuha?

II. PAGPAPALIWANAG NG ARALIN:

A. Paglalahad ng Konsepto: Ang mga mag-aaral ay makakaalam sa iba’t ibang uri ng


datos, at tamang pagkuha ng mga impormasyon.

Gawain: Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang kaalaman o ideya
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga iilang katanungan.

B. Pagpapalawak ng Konsepto: (Napagtanto natin na ang mga libro ay susi sa


mas malawak na kaalaman sa pamamaraan ng
pagsiyasat at masuring pag-aaral na mas mabisa ang
pagbabasa sa pagkuha ng impormasyon o datos kaysa
sa pakikinig lamang).
C. INTEGRASYON:
1. Ignacian core/related Values: Sa pagkuha ng mga datos, kailangan maglaan ng
panahon, tiyaga, determinasyon at salapi para sa pangangalap nito at higit sa
lahat kailangan din ng kritikal na pag-iisip.

2. Social Orientation: May malinaw na epekto sa lipunan o sa mga mamamayan


ang totoong pahayag o kaganapan na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal
na datos. Sa pagsusuri ng mga impormasyong may kaugnayan sa agham
panlipunan.
3. Lesson Across Discipline: Ang datos ay mahalagang parte ng pananaliksik, ang
pagkuha ng tamang detalye ay isang sangkap upang maisakatuparan ang ating
mga mithiin.

4. Biblical Reflection: Kawikaan 5-6 malalaman mo kung ano ang kahulugan ng


paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa
Diyos. Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang
kaalaman at unawa'y bumubukal.
_____________________________________________________________________________________

III. LAGUMANG PAGTATAYA:


 Indibidwal na pagsusulit

IV. PAGBUBUOD/AKSYON: (Transfer)


 Ang pangangalap ng datos ay nakakalinang ng isipan sa bawat
indibidwal sa lipunan, nagiging mahasa sa pagpili ng tamang
impormasyon na kanilang magagamit upang pagtibayin ang mga
hinuha sa buhay.

V. TAKDANG-ARALIN: (FLC scheduling)


 Magbasa ng diyaryo tungkol sa kasalukuyang isyu, pumili lamang ng
isa at isulat ang mga mahalagang impormasyon sa iyong kwaderno.

Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik (Pahina

Mga kagamita/Biswal: Laptop, Powerpoint, Tv. Sreen, Speaker

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Nicolas E. Aytong Jr. Gng. Mildred P. Galvez


Mag-aaral sa Filipino Guro

You might also like