You are on page 1of 1

4

Baldoque, Mark Kenneth B.


LIT110-B2/ 11-11-2019
Prof. PJ Dela Paz
IA1

Paglaho
Pa'no ba itutuloy kung saya ay wala na
Sa aking isipan--- pagod, lungkot ang natira
Ano'ng gagawin sa matang 'di na maisara
Habang iniisip, nakaraang puno nang saya

Ngiting pilit, upang hindi sila magalala


Kinakaya para lang sa pangarap na dala
Imposible man, 'di nawawalan ng pag-asa
Natumba, babangon, ipuputok huling bala

Umapaw na tubig; ulit-ulit na salita,


Mabilis mapuno, 'di alam ang mauuna
Itong utak at puso, buong pagkatao, ay natataranta
Magawa ang dapat, maabot lang ang hustisya

Pagsabay sa alon nang mundo, 'di biro pala


Ngayon nalulumbay; sa bawat patak ng luha
Ginagawa ang lahat, sa abot ng makakaya
Mabigyan lamang nang katapusan ang simula

You might also like