You are on page 1of 1

Si Miguel Enrico T.

Ligas ay isinilang sa
lungsod ng Tuguegarao City na
matatagpuan sa probinsiya ng Cagayan
kung saan siya lumaki at nag-aral.
Nagtapos siya ng elementarya noong
2012 sa Tuguegarao North Central School
na matatagpuan sa barrio ng Caritan. Si
Miguel Enrico na karaniwan ding
tinatawag na Mico ng kanyang pamilya at mga kalapit na kakilala ay
nakatapos ng Secondarya sa University of San Luis Tuguegarao noong
taong 2018. Nag-aral muli at kumuha ng kursong Bachelor of Science in
Nursing sa Saint Paul University Philippines at kanyang pagtapos ay
nakamit niya ang medalya para sa isang cum laude ng kanyang kurso.
Napasama si Mico sa listahan ng mga pumasa sa eksaminasyon ng
Nursing sa taong 2022 at napasama din siya Top 10 ng mga pumasa. Sa
pangarap niyang magpakadalubhasa ay sinikap din niyang ipasa ang
College Admissions Test (MCAT) upang siya ay makapasok sa medical
school na sa awa ng Diyos siya pinasa din niya.
Noong siya ay nag-aaral pa lang ng kursong Nursing ay pinanalo
niya ang kanyang eskuwelahan sa National Level na kompetisyon
patungkol sa kanilang investigatory project. Noong siya ay nasa
Medical School sa Unibersidad ng Sto. Tomas ay naging Presidential
Awardee si Miguel dahil pinanalo niya ang survey na ginanap ng
Malacanyang for Aspiring Youth. Nagtapos ng Medisina si Miguel
noong taong 2026 at pumasa siya sa Medical Board Examination na
ginanap sa taong iyon.
Si Miguel Enrico o Mico ay kasalukuyang pumapasok sa Saint
Luke’s Medical Center-Global City upang tapusin ang kanyang residency
program. Patuloy ang pagtanggap ni Mico ng sari-saring karangalan
dahil sa kanyang sikap sa pag-aaral. Kamakailan lang ay tinanggap niya
mula sa UST ang Distinguished Alumni Award in Medical Science
Research. Nakatanggap din siya ng plake para sa kontribusyon nya sa
“medical profession” bilang “outstanding young achiever” mula sa
Philippine Medical Association.

You might also like