You are on page 1of 3

Republic of the Philippines )

Cauayan City, Isabela ) S. s

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si Maricar Rosquita, may sapat na gulang, walang asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy.
Duminit, Cauayan City, Isabela, matapos manumpa ng naayon sa batas, ay malayang nagsasabi at
nagsasalaysay ng buong katotohananng mga sumusunod;

1. Na bilang residente ng Barangay, isa ako sa mga kwalipikidadong indibidwal na makatanggap ng


ayuda ng Social Amelioration Program mula sa Pamahalaan;
2. Na ang aking pangalan ay nakalista at isa sa mga pinal na makakakuha ng ayuda mula sa DSWD;
3. Na ako ay naniniwala na ang pagbigay ng ayudang nasabi sa taas ay tanging mga barangay
officials lamang ang may kapangyarihan na maglista at magbigay mga kwalipikadong indibidwal
tulad ko at ang DSWD naman ang magbeberipika sa mga pangalan na ipapasa ng Barangay;
4. Na dahil sa ayudang ito, nagkaroon ng mga Forms na ipapamahagi ng mga barangay officials para
sa mga indibidwal na natukoy sa taas, na akin ding pinapaniwalaan na kapag nabigyan at
nakapagpirma ka sa isang form, ikaw ay pinal na makakatanggap ng ayuda;
5. Na sa pagkaalam ko, noong nagbigay ng Form, nakapagpirma si ____________________ at
binanggit din ang kaniyang pangalan ng isang opisyal ng Barangay na makakuha ng ayuda na
siyang narinig ko at ng maraming tao;
6. Na base sa pagkakaalam ko tungkol rito, ako ay sinugod at kinumpronta ni Visitacion Dela Pena o
mas kilala bilang Madam Acion noong mga bandang alas-tres ng hapon noong ika-dalawampu’t
isang araw ng Abril, taong 2020;
7. Na ako ay nasa tabi ng bahay ng aking pinsan noong panahong iyon, nang nabigla ako nang ako ay
tawagin ni Acion sa aking pangalan at nagpunta siya sa kinatatayuan namin. Sinabi niya sa akin,
“Halika dito” tapos tinanong ko siya kung bakit. Ang sagot niya naman sa akin, “Totoo bang narinig
mo yung pangalan ng taong ito? Hindi mo ba alam na hindi siya nakalista sa form na ito? Totoo
bang narinig mo?” sinagot ko naman siya ng “Oo, narinig ko, tinawag yung pangalan!”. Sinigawan
niya ako ng “Hindi mo ba alam? Nagmakaawa lang yung pamangkin ko na isulat yung pangalan
mo?! Hindi ka sana nakakuha ng pera! Gusto mo bang ipost ko sa FB yung mga papel na ito na
talagang walang pangalan yung narinig mo na nagsasabing makakakuha?”
8. Na ang katotohanan naman ay narinig ko at ng maraming tao sa barangay namin na talagang
kasama at nakalista yung taong tinutukoy ko;
9. Na sa pagkakaalam ko, hindi dapat humahawak at pinapakealaman ni Madam Acion ang kahit na
ano mang transakyon at mga dokumento ng Barangay dahil hindi naman siya Barangay official;
10. Na dahil dito, napagalaman ko pa na si Madam Acion ang nagpapalista ng mga pangalan na
makakatanggap ng ayuda at ginagamit lamang nito ang kanyang asawa, pamangkin, pinsan at iba
pang kamag-anak niya na barangay officials bilang front ngunit ang totoo ay siya ang
nagmamanipula ng aming Barangay;
11. Na bilang isang mamamayan, ako ay nababahala sa iba pa niya kayang gawin dahil lahat ng tao sa
barangay namin ay kinakatatakutan siya sapagkat kanyang pinapakalat na marami siyang kayang
gawin, tulad na lamang na kaya di umano niyang bawiin yung mga ayudang ibinigay ng
pamahalaan sa amin;
12. Na ang tanging hiling ko lang po sana at ng iba ko pang ka-barangay, mapalaya kami sa kamay ni
Madam Acion at sana kung ano yung dapat at tama ang siyang masunod at hindi siya o ang
desisyon niya.
Kami, bilang mamamayan ng Brgy. Duminit, Cauayan City, Isabela ay malayang nagsasabi at naglalahad
ng mga sumusunod:

1. Na kami ay rehistradong botante at nakatira sa aming Barangay;


2. Na bilang residente, kami ay nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) na
programa ng National Government;
3. Na bukod sa amin, may apat (4) na katao na sina _______, _______, _______, at _______,
pawang hindi taga sa amin at hindi namin kilala, ay nakatanggap ng ayuda na SAP mula sa pondo
na inilaan para sa aming barangay;
4. Na ang mga nasabing pangalan ay ipinalista di umano ng aming barangay kagawad na si Hon.
Dante Dela Pena na asawa ni Visitacion Dela Pena, na siyang inirereklamo namin sa salaysay
naming ito dahil kaya ipinalista ang mga ito ay sa kadahilanang kakilala o kamag anak niya ang
mga ito;
5. Na bukod sa nasabing ayuda, ang tulong pinansyal na mula sa pamahalaan para sa mga nasalanta
ng Bagyong Rosita noong 2018, ay muling minanipula ni Visitacion Dela Pena o mas kilala bilang
Acion;
6. Na ang aming mga pangalan, bilang tunay at totoong nasalanta ng bagyo, ay inilista at ipinasa ng
aming Kapitan at Barangay Secretary kasama na rito ang aming mga pinirmahang porma, ngunit
anim (6) lang sa aming mga nailista ang pinal at nakatanggap ng tulong pinansiyal at ang ibang
kulang kulang sandaang tao na nakatanggap ay hindi nakalista at hindi man lang nasiraan dahil
malalaki ang mga bahay ng mga ito;
7. Na nasabi naming minanipula ang pondong ito ni Acion dahil siya ang tumatayong Kapitan sa aming
Barangay at hawak niya sa leeg ang aming mga opisyales. Ang mga utos at sinasabi niya ang
sinusunod ng mga ito tulad na lamang kung sino ang bibigyan ng mga ayuda at kung ilan ang
ibibigay sa mga residente;
8. Na lahat ng mga biyaya o ayuda na ibinibigay ng ating pamahalaan, nasyunal man o local, si Acion,
bilang itinuturing na amo ng aming mga opisyales at dahil takot rin ang mga ito sa kanya, ang
nagdedesisyon ng lahat ng bagay na may kinalaman sa distribusyon o pamamahagi ng nasabing
ayuda;
9. Na hindi patas at pantay ang pagdidistribute ng mga ayuda dahil si Madam Acion ang
nagdedesisyon at tanging ka-pamilya at malalapit sa kanya ang nakakatanggap ng mga ito;
10. Na ang hiling sana naming ay mabigyan ng hustisya ang nangyayari sa aming barangay. Sana
mapalaya kami kay Madam Acion na siyang may hawak sa leeg ng aming mga barangay officials
kaya hindi sila makapamuno ng nararapat sa batas; at
11. Na sana managot ang dapat managot at mabigyan kami ng Hustisya.

You might also like