You are on page 1of 358

##################################

~~Heartbreaker.com~~

##################################

Heartbreaker.com

ckaichen©

Prologue:

Summer's POV
"Ang sakit pa din best! Alam mo 'yun? Kahit ano'ng pilit ang gawin ko, parang hindi ko kayang kalimutan
siya." Ulit ko na naman kay Lheine, one week ko na ata'ng pinaulit ulit sakanya 'tong mga sinasabi ko.

"Ewan ko ba naman kasi saiyo 'te? Niloko, sinaktan, pinaglaruan ka na't lahat lahat nung hinayupak na
gunggong na iyon, ayan ka hindi ka pa din matauhan? Ipumpog ko kaya yang ulo mo sa pader ng magka-
amnesia ka?" Tumingin ako sa kanya, sa itsura niya, mukhang seryoso siya sa pagumpog ng ulo ko sa
pader kapag hindi ako tumigil.
"Wag ka naman mag biro nang ganyan best." Aktong sasabunutan na niya ako, pero nag pigil siya.

"Oh my~ Stay calm, stay calm Lheine. It's not healthy to argue with Summer again." Sabi niya habang
kinakalma ang sarili.

"I want to get even, Lheine. Siguro makakamove on lang ako kapag nakaganti ako kay JERKson." Okay,
Jason talaga 'yun, pero dahil bitter ako at jerk naman talaga siya. JERKson. With capital J-E-R-K.
"Revenge?" Tanong niya na para bang may biglang naalala. May kinuha siya sa pocket ng bag niya.
Inabot niya sa akin yung papel na nakatiklop. "Ito, ito ang sagot sa problema mo Sum!" Kinuha ko yung
papel at binasa.

Quote:

HEARTBREAKER your one stop shops for revenge.


Sawa ka na ba na laging sinasaktan? Inaapi? Pinaglalaruan?

Gusto mo ba'ng makaganti?

Ibalik ang mga sakit, pang-aapi, at paglalarong ginawa nila saiyo?

Kung oo...

Tumawag na sa: 143-5254

O mag email sa: sagotkita@heartbreaker.com


For more details visit us at http://www.heartbreaker.com

Unquote

"Are you serious? Meron ba talaga nito?" Tanong ko habang pinupunasan yung pisngi ko.
"Oo, hindi yan scam. Kilala mo si Jesse? Yung nerd na pinaglaruan ni Isaac? Siya yung nagbigay niyan
sakin eh. Effective daw."

"Really? So ano ginawa ni Jesse? Paano siya nakaganti?" Well, naintriga talaga ako. Grabe kaya yung
ginawa nung Isaac na iyo kay Jesse. Tsk.

"Nagsubmit daw siya ng form, tapos kinabukasan may dumating daw na hot hunk sa labas nang bahay
niya. 'Yun daw yung tutulong sakanya para gumanti." Umupo siya sa kama ko, tumabi sakin. "Ang
ginawa nung hot hunk... Hindi ko alam, pero ang alam ko nakaganti siya kay Isaac at nasatisfied siya ng
bonggang bongga! Nakamove on pa siya, and look at Jesse now, hindi na siya yung nerd na Jesse." Oo
nga, yung dating ugly duckling nagtransform into a swan.

"Eh kung make over lang ang gagawin nila sakin, how can I get even 'non? Haler? I'm hotter, and smarter
than anyone. I have the looks, and everything."

"Oo, you have everything, kaya ka naging tanga sa love eh matalino ka kasi sa academics... Aray! Totoo
naman eh! Makabatok 'to."
"Oo na, I fell in love with that jerk so? Akala ko totoo siya eh."

"When it comes to varsity player ng school, I doubt wala ako'ng maririnig na nagseryoso sila. Kaya noon
una pala ayaw ko na talaga sa Jerkson na iyon eh, pero dahil tang... mapilit ka wala naman ako'ng
nagawa para pigilan ka."

"When it comes to love hindi mo pagigilan 'yun, hindi mo rin pwede digtahan yung puso mo kung sino
ang magugustuhan mo."
"Summer, I just hope you'll be smarter next time you fall in love. Hindi bagay saiyo ang tanga pag dating
diyan." Tumingin siya sa relos niya. "Girl mauna na ako ha? May make up class pa ko eh. Move on okay?
Balitaan mo na lang ako kapag nag pasa ka ng form diyan. Hihih." Nag bye lang ako tapos umalis na siya.
Loka loka talaga 'yun.

Hinawakan ko ulit yung papel na binigay niya kanina. Hmm... Itry ko kaya? Wala namang mawawala eh. I
mean, pag hindi dumating okay lang, pero pag may dumating better. Inopen ko yung laptop ko, binuksan
ko kagad yung browser at tinype yung url nila. Pag-open ko nagulat pa ako, akala ko school website yung
nabuksan ko, bakit kanyo? Eh yung pinakaweb design, yung background may parang school building,
which I think big time na school. Ang ganda kasi eh.

"Navigation... Oh here... Hmm... What we offer? Click...Cool, they have different kinds of revenge huh?
So ano kaya saakin? Create your own? Coooool! Ito na lang." Kinlick ko yung 'create your own'. Hindi
kasi ako makapili dun sa mga ibang choices eh. May nag open na new window. "Fill up the following..."
Name: Summer Danielle Antonio

Nickname: Sum, Dan, Summer

Age: 18

Address: 143 Mahal Kita St. I love you Village Ti amo City.

Email address: summerdanielle@loveyou.com

Phone Number: 09171435254


What do you need? Please be specific. (E.g Hot Hunk, good at cooking, etc.) We have the best
actors/actress in town you don't need to write that down.

Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different
languages, smarter than me, willing to be my slave, and we must share the same age or he can be older
than me but only 2-3 years. Can I include this? He must be rich. Thank you. (Huh, ewan ko lang kung
makakita sila nito.)

How long do you need our service? (If you think you need more time, please let us know before the
expiration of the contract.)? 3 months

Please specify what kind of revenge are you into: I just want to get even, can you just give me your best
actor and let me help to build up a great plan?

You're studying at? : Matthew College


"Okay submit. HAHA. Tignan natin kung may makita silang ganyan."

***

*ding dong ding dong*


"Ang aga-aga naman niyan." Tinignan ko yung phone ko, 8am palang ah? Sino ba yang nag dodoor bell?

*ding dong ding dong*

"Andyan na!" Sigaw ko sabay tayo sa kama, hindi ko na tinignan kung ano itsura ko, bahala nang
matakot 'tong nag iingay sa kakadoorbell dito sa pananahimik ko sa pad ko.

*ding dong ding dong*


"Aba! Andyan na nga!" Binuksan ko yung pinto, nagulat ako lalaki na may dalang bulaklak yung nasa
pinto. "Hindi ako umorder nang bulaklak." Isasara ko na sana yung pinto pero hinarang niya yung paa
niya.

"Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different
languages, smarter than you, willing to be your slave, and we share the same age. Lucky you, I'm also
rich. Dustin Parker at your service." Napapikit pikit ako, ano ba yung sinasabi niya?
"Sorry, hindi kita kilala eh." Hinatak ko ulit yung pintuan, pero hinarang na din niya yung kamay niya.

"Uh. I'm from heartbreaker.com, and you filled up a form, and we need to discuss about your revenge
and the payment procedure." Bigla ako'ng natauhan.

"So uhm... Totoo yung website na iyon? Akala ko joke lang..." Alanganin ako'ng ngumiti. "Ang totoo
niyan... Hindi naman talaga ako seryoso..." Umiling iling siya.
"Rule number one: No backing out." Inabutan niya ako ng isang medyo mahabang papel. "Can I come
in?" Habang binabasa ko yung laman nung papel, nawala yung lakas ko na pumipigil sa pinto nakapasok
tuloy siya... "Nice pad you got in here."

"Please proceed to our office for the payment; you must settle your payment once your order arrived."
Basa ko dun sa payment procedure, so uhm pwede siya'ng installment pwede din namang full na kagad.
"So magkano ang babayaran ko?"

"Andyan sa lower part nung papel." Napaluwa yung mata ko sa nakita ko. "150,000 ata." Sabi niya sabay
kibit balikat.
"LABAS! HINDI KITA KAILANGAN PARA MAKAPAG REVENGE AKO!!!!!"

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ckaichen's note: So uhm. Balak ko ipopost ko yung mga chapters nito kapag natapos ko na siya lahat
itype, pero dahil makati ang kamay ko. Pinost ko na yung prologue, siguro kung kukulitin niyo ako
sisimulan ko na 'to. HAHAH. Yown lang. :))

##################################
~~Revenge 1: Deal~~

##################################

Gusto ko 'tong idedicate kina: ColeeJiKyun, crazygirlshara, IsCrazyInLove, and Bebe♥s sleepyheadedpig.
Hindi na ko mag tatag, kasi hindi ko naman kayo matatag na apat eh. :) So ito na dahil sa pangungulit
niyo sakin, ito na ang chapter one. HAHAH.

Revenge 1: Deal

Summer's POV
"So Summer, wala ka na ipapagawa sakin? Satisfied ka na ba?" Okay, chinallage ko siya sa different
aspects. Tinignan ko kung mas matalino nga siya saakin, kung marunong nga siya ng different languages,
kung magaling nga siya mag luto, kung magaling siya sa sports at kung saan saan pa. My~ Wala ata
siya'ng hindi alam gawin. Lahat ng ipagawa ko ginagawa niya, para siya'ng uto uto na sinusunod lahat
nang sinasabi ko. Well, that proves that he is willing to be my slave. May isa pa pala!
"So uhm, how can you prove that you are rich?" Tanong ko, ang usapan kasi naman kapag may isa
siya'ng hindi nagawa o kaya wala sakanya sa mga hinahanap ko'ng qualities, irereport ko siya'ng
defective product. HAHAH. So it means tapos na ang kalokohan na ito.

"Bakit ka natatawa?" Tinignan ko lang siya na parang sinasabi walang pakialam okay? "Anyway, hmm. I
just bought the pad next to yours; I even bought a new cars Porsche Carrera and Mitsubishi Evo XI. You
can check at the parking lot if you want." Napanganga na lang ako sakanya. My~ Normal na tao ba 'to?
Saan siya nakakuha nang pambili sa dalawang mamahaling kotse? At binili niya yung pad next door?
Agad agad? Kahapon lang ako nag send ng form ah. "You're not satisfied? May gusto ka ba'ng ipabili?
Well, hindi naman against sa rule ang mag pabili ka sakin basta gusto ko. So?" Tinitigan ko lang siya...
"Ah... May dumi ba ako sa mukha? Alam ko gwapo ako, kaya hindi mo na kailangan ipakita sakin ang
ganyang expression." Nginitian ko lang siya nang ngiting aso. Yabang nito.

"Wala sa qualities na hinahanap ko ang pagiging mayabang." He smiled sweetly.


"Bonus na 'yun. So kailan mo gusto mag simula?" I rolled my eyes. "Oh I forgot, wala pa pala tayo'ng
plano and hindi ka pa bayad." I rolled my eyes again.
"So uhm. Hindi ka ba talaga considered as defective product? I mean, hello? Ano sasabihin ko kay
Mommy kapag humingi ako ng 150,000 ngayon?" Though alam ko naman, Mom won't ask kung saan ko
gagamitin yung 150,000 she never cared naman talaga. Oh well, what a sad fact.

"I can lend you." He grin tapos yung kilay niya taas baba, taas baba ang drama. "150,000 is a small
amount you know... Ouch!"
"Saan mo ba kinukuha yung pera mo ha?"
"That's a secret. So ano na? Pay me kapag nasatisfy ka sa work ko, kung hindi naman wag mo na ako
bayaran. Oh magandang deal na yan ah!" Hmm. Sounds fair enough.

"Deal."
***

"Wow, so school talaga 'to?" Tanong ko, nandito na kami sa office ng Heartbreaker, and I can't believe
na school nga talaga siya~
"Uh yeah, actors and actress lang ang tinatanggap na enrollee ng school na 'to." Sabi niya habang
tinuturo sakin yung daan.
"So uhm... Dito ka nag aaral?"

"Yep, at the same time working." Napatingin ako sakanya. "Hindi na kailangan itanong yan." Sabi niya
sabay irap, wow he looks like a gay. HAHAH.
"Cool, so yung ibabayad natin ngayon 'yun ang suswelduhin mo?" Umiling siya. "Oh eh para saan yung
ibabayad natin?"
"School expenses, props, and everything na kailangan mo sa revenge mo." Huminto ako sa pag lalakad,
hindi ko gets, ano kinikita niya sa pagtatrabaho niya as revenge helper? "Alam ko na, yung suweldo
namin ay yung tuition fee namin dito. To tell you the truth it cost gold."

"Sa yaman mo naman, mukhang kahit sang katerbang gold ang pabayaran nila saiyo mababayaran mo,
so bakit ka pa nag tatrabaho?" Parang bigla siya'ng napaisip sa sinabi ko. Nag lakad na ulit ako.
"Kasama sa curriculum? I don't know, masarap naman makatulong eh. So I don't really care." Hindi ko
talaga siya maintindihan my~ "Pasok ka na, hintayin na lang kita dito sa labas." Pumasok na ko sa loob.
Ang weird ng feeling.
"Ms. Summer Danielle Antonio, so uhm. Pakipirmahan na lang dito, at pakilagay dito ang iyong bayad."
Sabi nung babae na hindi ko makita yung itsura kasi madilim sa side niya. Ang weird talaga. Ginawa ko
naman yung sinabi niya, yung pinirmahan ko katibayan lang na tama at maayos ang natanggap ko na
product.

And yes, product talaga ang nakalagay. Parang hindi nila student 'yun, or more like parang hindi tao ang
turing sakanila. What kind of school is this? True enough, big time ang school sa laki ba naman ng
sinisingil nila ewan ko na lang.
"Mr. Dustin Parker will be your responsibility for the next three months. We enrolled him at your school,
Matthew College. If you want to extend the contract feel free to visit us here. And please keep in mind
the rules especially the last rule."
"That after the contract we can't see each other anymore..."

Nandito kami ngayon sa labas ng Heartbreaker school, nakasandal kami sa red Mitsubishi Evo XI niya.
Napakayaman nga siguro nitong lalaki na ito, ang alam ko kasi hindi pa nag sesell locally nitong kotse na
ito eh.
"Baka naman malusaw yang kotse ko?" Tinignan ko alng siya na parang hindi naman masyadong
masamang tingin. "Binibiro ka lang eh." He cleared his throat. "So uhm... Ano plano mo?" Huminga ako
nang malalim, bigla ko'ng nakaramdam nang gutom.
"Oh oh. Mahirap mag-isip kapag gutom." Sabi ko sabay hawak sa tummy ko. I heard him chuckle kaya
tumingin ako sakanya ng masama. Umayos naman siya nung nakita niya ako.

"Tara uwi na tayo, pag luto kita." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse, gentle man ang mokong.
Habang bumabyahe kami pauwi feel na feel ko naman yung kotse niya. Amoy bago talaga.
Pagdating namin sa magkatabi naming bahay, dumiretso muna ako sa bahay ko sabi ko punta na lang
ako dun mamaya. Hindi pa kasi talaga ako nakakaligo eh. Nung dumating kasi siya kanina, kagigising ko
lang, tapos ang dami ko pa'ng pinagawa sakanya nung nag-aya siya sa school para magbayad hinatak na
lang niya ako buti nga naisipan niya ako papalitin muna ng damit eh.
Nasa pinto palang ako ng bahay niya naamoy ko na yung niluluto niya. Wow mukhang masarap dinner
ko ngayon~ Kakatok palang ako nabuksan na pala niya yung pinto kaya yung knuckles ko sa dibdib niya
tumama... Wow... Ang firm ng katawan niya.

"Nag gigym ako." Nababasa niya ba yugn naiisip ko? "Pasok ka na, sakto kakatapos ko lang magluto."
Pinatuloy niya ako, nadisappoint ako pag pasok ko.
"Oh bakit wala ka pa'ng mga gamit?"
"Kakalipat ko lang 'di ba?" Ang taray nito. "Dyan ka lang muna, magpapalit lang ako ng damit medyo
pinagpawisan ako eh." Tumango lang ako, tapos medyo nilibot ko yung lower part nung bahay nung
umakyat na siya.

"Wala pa'ng sala, ang meron lang dining. Saan ako uupo nito pag tatambay ako?" Kinuha ko yung phone
ko tapos tinype sa memo yung mga dapat bilin para sa bahay nato. "Couch, TV..." Pumunta ako sa
kitchen, kompleto naman, may dining na, kalan, fridge, and mga basic need sa kusina. Umakyat ako sa
taas, same lang ng interior sa bahay ko. May isang kwarto sa taas. Binuksan ko yung pinto. "Ay sorry."
Sinara ko ulit. Hindi pa pala siya nakakapagpalit ng damit. OH my~ 18 lang siya pero ang abs niya~
"Pwede ka'ng kumatok." Nagulat ako nung nakalabas na si Dustin. Tinignan niya ako ng tingin na parang
iniinbestiga niya yung mukha ko. "Namumula ka. Ah mainit kasi, wait bubuksan ko lang ung A/C."
Napansin ko na hindi na pala ako humihinga ng maayos, napahinga ako ng malalim nung bumaba na
siya. My~ Namumula ako hindi dahil sa init, dahil sa ganda ng nakita ng mata ko. HAHAH.
Habang kumakain, hindi ko maiwasan tumingin sakanya. Oo na, gwapos na siya, nakadagdag pa sa
kagwapuhan niya yung ganda ng katawan niya. Err. Bakit hindi mawala sa isip ko 'yun? Tahimik lang kami
habang kumakain, pero ako nadidistract. Ang sexy niya kasi kumain. Wow, paano ang sexy way ng
pagkain Sum? Basta ang sexy niya tignan habang kumakain. Napansin niya ata na nakatingin ako
sakanya, umiwas ako ng tingin.
"Kanin pa?" Alak ko. Wuu~ HAHAH. Ano 'tong nangyayari sakin? Inabot niya lang yung plate nung kanin
pero hindi naman na siya kumuha, parang timang lang.

After naming kumain lumipat kami sa bahay ko, eh kasi naman hindi kami makakapag usap dun, wala
mang lang couch sa sala para maupuan. Nakatingin lang siya sa akin habang nakaupo kami, parang hindi
nga siya yung Dustin na dumating kanina dito eh. Yung kanina kasi medyo makulit naninibago tuloy ako.
"Hindi ka naman katulad ng iba na bumibili ng service namin." Yung way nang pagtingin niya sakin
medyo parang inaanalyze niya ako. "Maganda ka." Ngumiti ako tapos hinawak ko yung kamay ko sa
pisngi ko yung para bang medyo nahihiya. "Matalino din, bakit mo kailangan ng tulong namin?"
"Ikaw naman, syempre kasi sinaktan nila ako kailangan makaganti ako."

"Ano ba gusto mo gawin natin?" Hmm. Kinuwento ko sakanya yung ginawa sakin ni Jerkson. "So uhm...
You want na gawin din natin yung ginawa nila saiyo? I mean, I court... What's the girl's name again?
Sorry ang pangit kasi ng pangalan niya eh." Natawa ako, oh well medyo mabaho nga yung pangalan ni
Pearly, Pearla kasi talaga real name nun. HAHAH.
"Pearly, hindi mo pwedeng kalimutan 'yun 'no."

"So ayun, I'll court her, then sasabihin mo kay Jerkson na pinagsasabay kami ni Sabon... I mean Pearly.
Then?"
"Hindi ko pa alam ang kasunod, iniisip ko kasi mas maganda kung mapapaibig mo saiyo si Sabon." I grin,
nag grin din siya, naintindihan na niya ata yung gusto ko mangyari. BWAAHAHA.

##################################
~~Revenge 2: Who is she?~~

##################################

Revenge 2: Who is she?

Summer's POV

"Sino yung naghatid saiyo kanina?" Okay, ang bungad sakin ni Lheine, hindi man lang nag 'Hi' or kahit
'MABUHAY!' wala. "Balitang balita may naghatid daw saiyo at naka Porsche Carrera pa ah?" Nagkibit
balikat lang ako, hindi ko kasi pwede sabihin kung sino siya eh. Rule Number 3: Hindi pwedeng ipagsabi
kahit kanino kung sino at saan mo nakuha yung inorder mo. Though indicated naman dun na pwede ko
siya'ng ipakilala as kung ano man ang gusto ko, pero bawal lang talaga sabihin na sa Heartbreaker siya
galing.
"Baka hindi ako 'yun?" Tinignan niya ko, yung tingin na parang sinasabi niya na 'hindi ako naniniwala.'
"What?"

"Sino ba kasi talaga 'yun?" Umupo na siya sa tabi ko, para siyang bata na naghihintay sa isasagot ko.

"Si..." Napatingin ako sa labas ng cafeteria. Si Dustin, lumabas sa Porsche niya. Tumingin ako kay Lheine.
"Si wala, sino ba naman ang mahahatid sakin na merong ganun kamahal na kotse?" Napatingin ulit ako
kay Dustin, naglalakad na siya papunta sa cafeteria.
"Who is he?" Tanong nung isang babae na papalabas na.

"Hindi ba siya yung naghatid kay Summer kanina?"

"Hindi 'no! Ang gwapo niyan para pansinin si Summer." Napasimangot ako, si Dust naman, napatingin
dun sa dalawang nag uusap.

"Did you see that? Tumingin siya sakin." Pinalo siya nung isa niya'ng kasama.

"Feeler ka 'te, sakin siya tumingin." Napailing na lang kami'ng dalawa ni Dust. Tsk.
"So... Ano meron?" Nandito nga pala si Lheine. HAHAH. Napansin ko'ng nakatingin din siya kay Dust na
ngayon ay papunta na sa table namin.

"Hi girls." Bati niya sabay wink pa. Natawa tuloy ako. Si Lheine naman na startruck ata, nakatitig lang kasi
siya kay Dust. "Mind if I join you?" Tanong niya na hindi tinatanggal yung tingin kay Lheine. Dahan dahan
na umiling si Lheine nung medyo natauhan na siya.

"Not at all, sige u-u-upo ka na." Natawa na ako ng bonggang bongga. Ngayon lang nagkaganyan si
Lheine, OMG.
"It doesn't look good kapag pinagtatawanan ang kaibigan, Sum." Napatingin ako kay Dust.

"True friend kasi ako kaya ganun." Pinandilatan ko siya. "How did you know my name?" Ang linaw ng
usapan naming kagabi na kunwari hindi kami mag kakilala, and now what did he said? Parang nagets
niya naman.

"Oh, I heard from them." Sabay turo sa mga babaeng nakatingin na pala samin. "You're quite popular,
aren't you?" Nagngitian lang kami.
"So uhm... Nakakadugo ka naman ng ilong, marunong ka naman siguro mag tagalog?" Natawa siya,
sheeeems! Bakit ang sexy niya tumawa? Oh oh... Ito na naman ako.

"Oo naman, pure Pinoy ata ako." Nagpakilala kami sa isa't isa parang hindi talaga kami magkakilala.
HAHAH. Nagkukwentuhan sila ni Lheine bigla ko'ng nakitang paparating na si Sabon, I mean Pearla. Ah
right. Mas magandang pakinggan ang Pearly. Amp. Sinipa ko siya sa ilalim ng table. "What?" Mouth niya
sakin, ngumuso lang ako sa entrance, tumingin naman siya.

"Oh looks who's here." Bulong ni Lheine sakin.


"Who is she?" Mahinang tanong ni Dust, napatingin ako sakanya. Pinakita ko naman kagabi yung picture
ni Sabon don't tell me nakalimutan niya kagad?

"Oh don't mind her." Sabi naman ni Lheine sabay sip sa drink niya.

"She looks hot." Nanlaki yung mata namin ni Lheine. What the!?
"You said... What?" Hindi pa din makapaniwalang tanong ni Lheine, ako din hindi... Then I realized...
Hindi kaya umaarte na siya? Tinitigan ko siya.

"I said she looks hot, and pretty as add on." He winked at me, nung napansin niya na nakatingin si Lheine
kay Sabon, okay gets ko na. Wah, he really know how to act. Napaniwala niya ako. HAHAH. Tumayo siya.
"Wait I'll just greet her." Hinawakan ni Lheine yung braso niya.

"Huwag na kaya? You shouldn't mess with her." Napataas yung kilay ni Dust, parang gusto ko tumawa ng
malakas kasi si Lheine masyado'ng dinidibdib, if I can only tell her everything. "She's taken."
"So? Masama ba'ng makipagfriends pagtaken na?" Ngumiti si Dustin, yung ngiti na parang malulusaw
yung mga makakakita. Napabitaw si Lheine at napatitig na lang kay Dustin na ngayon ay nasa table na
nila Sabon.

"Baliw ba 'yun?" Napailing iling na lang si Lheine nung nakarecover na siya sa pagkatulala nya kanina.
"Pag nainis sakanya sa JERKson mo, patay siya sa varsity team."

"JERKson ko? As in KO?" Hindi ko alam, pero nasaktan ako sa thought na iyon, he was mine. Yeah WAS.
"He's not mine, and I'm moving on kaya stop that non-sense."
"So was your encounter with Sabon?" Nagkibit balikat lang siya. "What?" Ay nandito na pala kami sa
mall, bumibili ng mga gamit niya sa bahay.

"Wala naman, she's just too ordinary." Sabay upo sa couch.

"I know anything else?" Umupo din ako sa couch, in all fairness ang sarap upuan nito, and space saver
din siya. "This couch will do."
"Kuya, I will take this." Tapos naglakad na ulit kami papunta naman sa mga bed. "Ano ba kasi gusto
mo'ng makuhang sagot, Sum?"

"Bakit kasi ayaw mo ikwento kung ano nangyari kanina habang kasama mo si Sabon?" Tanong ko ulit
sabay upo sa malaking bed na nasa harapan namin.

"Eh wala naman kasi talagang nangyari, nag pakilala lang ako at ganun din siya..." Humiga siya sa kama
na inuupuan ko. "Sa bahay na lang kasi natin pag-usapan." Tumingin siya kay Kuya na kanina pa sunod
ng sunod samin para i-assist kami. "Kuya may kulay black ba na bed frame 'to?"
"Y-y-yes, sir." Tumango tango si Dust. Napatingin ako kay Kuya, parang may gusto siya'ng sabihin na
hindi niya masabi.

"Kuya, may gusto ka po ba'ng sabihin?" Tumayo ako, at medyo lumapit sakanya.

"Ah Ma'am, kasi kung ako po ang tatanungin... Mas mainam po kung yung bed na 'yun po ang kunin
niyo." Napatingin ako sa tinuro niya. Isang malaking bed na may heart shape sa headboard ng kama.
Oh... Parang hindi naman bagay para kay Dust. "'Yun po kasi ang usually binibili ng mga newly weds dito
samin." Napatayo si Dust ako naman napahagalpak ng tawa. Ano daw?

"We're not married." Natatawang sagot ni Dust. Tumayo na siya ng tuluyan. "Kuya, I'll take this." Si Kuya
parang napahiya naman, tinap ko yung balikat ni Kuya, tapos bumulong sakanya.

"Kuya, ayaw kasi ipagsabi ng husband ko na kasal na kami, kaya pag pasensyahan mo na." Medyo
nagtataka man si Kuya hindi na siya nagtanong. Deep inside me, may kaluluwang gusto'ng matatalon sa
tawa. Sinundan ko na si Dust.
"Ano binulong mo kay Kuya?" Tanong niya nung nakalapit na ko sakanya, nandito na kami sa mga center
tables.

"Wala naman, ano naman sasabihin ko dun?" Nagkibit balikat na lang ako. Napansin ko na nakatitig lang
siya sa akin, medyo napalunok ako. Parang nakaramdam kasi ako ng kaba eh. What's this?

"Liar." Hindi na niya ko pinansin after nun, hindi naman ako nakapagreact kasi iniwanan na niya ako
bigla. Problema nun?
"Sir, since madami po kayo'ng pinamili..." Nagbayad na siya, naka 100k ata kami sa pinamili namin. May
inabot na dalawang pillow yung cashier. "You can take these po." Kukunin na dapat ni Dust pero
inunahan ko siya. Nakita ko kasi na nakalagay sa pillow, yung isa husband, tapos yung sa isa wife. Siguro
si Kuya naka-isip nun, baka mapatay ako ni Dust pag nalaman niya. HAHAH.

"Well she's kinda, flirt. Kala ko nga nung una single siya eh." Nandito na kami ngayon sa bahay ko, wala
pa kasi yung mga gamit na pinamili niya ang naiuwi pa lang naming yung dalawang unan, na hanggang
ngayon hindi ko pa din pinapakita yung design kay Dust. "And he never mentioned na boyfriend niya si
Jerkson." Napataas lang ako ng kilay.

"Poor Jerkson, samantalang nung kamim sinasabi ko sa buong campus na..." Binato ako ng throw pillow
ni Dust. "What!?"
"Wag mo na ituloy, I heard that na kagabi wag mo na ulitin." Binato ko pabalik sakanya yung binato niya
sa akin. Nakailag naman siya, err sayang. "By the way, she asked my kung gusto ko daw ba'ng sumali sa
varsity team." I give him questioning look.

"Hello? Responsibilidad mo ako sa loob ng tatlong buwan, hindi ako pwede gumawa ng decision without
your consent." Nag-isip muna ako, syempre kailangan ko isipin yung mga advantages at disadvantages
namin kung sasali siya ng varsity.

Kung sasali siya dun, mas madali siya'ng makakalapit kay Sabon dahil nandun 'yun palagi kasi nandun si
Jerkson. Kung nandun din siya, mas madali niya'ng magagawa yung mga plano namin kasi kasama niya
lang yung dalawa. Disadvantage? Parang wala naman. Tumingin ako sakanya... Nakita ko binuksan na
niya yung dalawang pillow na binigay samin. Oh no...
"Dust, sige sumali ka na sa varsity. Naisip ko mas mainam na kasali ka dun." Napatalon ako sa
kinauupuan ko nung tumingin si Dust... Nakakatakot. "So uhm... I can explain..."

"You said we're married, aren't you?" Ibinaba niya yung unan, tapos huminga ng malalim. Parang yung
galit niya biglang nawala. Whew, kinabahan ako. "Humanda ka lang, Sum." Kinabahan ako sa sinabi niya.

"W-w-what? Wala naman ako'ng ginawa..." Hindi siya umiimik, kinabahan tuloy ako lalo. Teka bakit ba
siya nagagalit? 'Yun lang eh!
##################################

~~Revenge 3: Now we're even.~~

##################################

Revenge 3: Now we're even.

Summer's POV

"Summer Danielle, will you be my girlfriend!?" Sigaw ni Jason habang nasa gitna ng open field kasama
ang iba pa'ng varsity member na naka formation na heart shape. Mukha talaga siyang heart dahil
nakared na jersey jacket sila.
Nandito ako ngayon sa harapan di kalayuan sakanila. Hindi makapaniwala sa narinig mula kay Jason.
Sino ba'ng makakapaniwala? Si Jason na pinakagwapo sa basketball team ng school, ito ngayon
sumisigaw ng 'Summer Danielle, will you be my girlfriend?' sa harap ng maraming tao. Isn't he sweet?
Oo, sinabi niya na liligawan niya ako, pero hindi ko expected na ganito pala siya manligaw.

"Summer, alam ko madami na ko'ng nalokong babae, pero pangako magbabago ako sagutin mo lang
ako. I love you, Summer Danielle Antonio." Unti-unti na siya'ng lumalapit sakin. Napakurap kurap ako.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Nung nakalapit na siya sa akin, tinanong niya ulit ako. "Will
you be my girlfriend?"
"Y-y-yes. I will be your girlfriend." Nagulat ako ng kiniss niya ako ng isang mabilis na smack sa lips.

"I love you." He said sweetly near my ears. Nanlalambot yung mga tuhod ko. Napahawak ako sa balikat
niya. "Are you okay?" Tumango lang ako.

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na... M-m-mahal mo ako..." He kissed me on my forehead. Ang sarap
sa feeling.
"I love you." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you, too."

"Aray!" Nagising ang diwa ko ng may tumamang bola sa ulo ko. Pagtingin ko sila Jason pala.
"Summy~ Pakiabot naman yung bola!" Summy... 'Yun yung tawag niya sakin nung kami pa. Ayaw niya na
may iba'ng tumatawag sakin ng ganun. Tinignan ko yung bola, pupulutin ko na sana kaya lang may
nauna na sakin.

"Wipe your tears." Napatingin ako, si Dustin pala. Teka? Wipe my tears? Hindi naman ako umiiyak ah?
Napailing siya. "Sum, bakit ka ba umiiyak dito?" Nagulat ako ng bigla niya'ng pinunasan ng thumb niya
yung pisngi ko. Naramdaman ko na medyo basa nga iyon. Bakit? Bakit ako umiyak? Hinawakan ko yung
kamay ni Dust, pinigilan sa pagpunas sa tumutulo ko'ng luha.

"Tama na..." Hindi siya tumigil. "Dust, tama na sinabi eh..."


"Tumuhan ka na kasi." Inalis ko na ng malakas yung kamay niya. Hinawakan niya yung kamay ko. "Let's
go." Binato niya yung bola sa gitna ng field at hinatak na ako.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Dust na hindi pa din tumitigil sa pag lalakad, at pagkaladkad
sakin. Huminto lang siya nung nakarating na kami sa medyo isolated na lugar ng school. Huminga siya ng
malalim atsaka humarap sakin.

"Why are you crying?" Lumapit siya sakin at pinunasan ulit yung pisngi ko. "Bakit ba ayaw mo tumahan,
Sum?" Nagulat na lang ako nakayakap na ako sa kanya. Niyakap din naman niya ako. "Please stop crying,
ang pangit mo'ng tignan pag umiiyak."
"Ang hirap pala, kala ko okay na ko, pero hindi pa pala." Sabi ko habang nakayakap pa din sakanya.
"Dust, akala ko nakakamove on na ko, pero hindi pala..." Hinaplos niya yung buhok ko tapos parang
naramdaman ko na hinalikan niya ako sa bumbunan ko. O feeling ko lang talaga 'yun?

"Kaya nga ako nandito para tulungan ka 'di ba?"

"Nung nandun ako sa field kanina, hindi ko na naman naiwasan na hindi maalala..." Kumalas siya sa
yakap tapos humawak sa magkabila ko'ng balikat. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Wag mo na kasi isipin, iwasan mo yung mga lugar na makakapagpaalala sakanya saiyo." Umiwas ako ng
tingin sa kanya.

"I c-c-can't..."

"You can, and you will. I will help you, okay? Paghindi kita natulungan edi hindi ko na mababawi yung
150, 000 ko saiyo." Napatingin ako sakanya, tapos pinalo ko siya sa braso. Ang walang hiya'ng 'to. 'Yun
pala ang iniisip. "HAHAHA. Better. Okay ka na?" Ngumiti siya.
"Walang hiya ka." 'Yun lang yung sinabi ko tapos naglakad na ko, ewan ko pero nung nakita ko yung ngiti
niya parang... Err.

"Tignan mo 'to hindi na mabiro! Hintayin mo ko!"

"Bahala ka dyan!" Tumakbo na ko, pero mabilis talaga ata siya, naabutan niya kagad ako eh.
"Tss. Tutulungan na nga kita iniiwanan mo pa ko."

"Eh ikaw kasi eh, nag dadrama ako tapos ang iniisip mo lang pala yung 150, 000. Tss." Inakbayan niya
ako.

"I was just trying to crack a joke, well effective naman ata." Tumawa siya, napatawa na din ako. "See?
You look prettier pag nakatawa ka." Bumitaw siya sa pag kakaakbay niya, tapos dumiretso sa pag
lalakad, ako ito... Nakatingin sa likuran niya tulala. Ang weird ng feeling...
"Best, naiinis ako kay Dust. Bakit ba siya lumalapit kay Pearly? Isang lingo na yan ah!" Napatingin ako kay
Lheine, hindi na talaga siya marunong mag greet pag dumadating. HAHAH. "Akala ko pa naman tayo
gusto niya makasama, tsk." Tumingin ako sa table nila Sabon, nandun si Dust nakikipagkwentuhan. Tsk.
Mukhang nag eenjoy naman siya.

"Ano ka ba Sum? Magaling yan umarte, malay mo umaarte lang yan."

"Oo nga naman." Umiling iling ako.


"Hala ka, Sum. Sino kausap mo? Nailing iling ka pa?" Tumingin ako sakanya.

"H-huh?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"So uhm... Ganyan ba ang nagiging epekto ng broken hearted kinakausap ang sarili?" I gave her
questionable look. "Ugh. Nevermind."
*bzzt*

From: Dust

Wanna go out later?

-Dust

Napatingin ako kay Dust. Nakatingin din siya sakin, tapos sumesenyas siya na parang inaaya ako.
To: Dust

Err. Wala ako sa mood.

-Sum

Tumingin ulit ako sakanya, yung tingin niya sakin pagkabasa niya ng message niya ang sama.
Nakakatakot.
To: Dust

I'm you master di ba? Ako masusunod.

-Sum

*bzzt*

From: Dust
Sabon told me something interesting, if you want to know what it is. See you at the mall at 6. ;)

-Dust

Napatingin ako sakanya, hindi na siya sakin nakatingin. Nakikipag usap na ulit siya kay Sabon. Dafuq, ano
kaya yung sinabi ni Sabon? Potek, mapipilitan pa tuloy ako umalis mamaya. Amp ka lang Dust. Tsk.

"Miss, pinabibigay po ng asawa mo." Napatingin ako sa batang may hawak ng isang boquet ng roses.
Natawa lang ako sakanya.
"Eh wala pa ako'ng asawa." Potek asan na ba kasi yung Dustin na 'yun? Kanina niya pa ko pinag aantay
dito sa mall ah! Napagkakamalan pa ako dito na may asawa.

"Kunin niyo na po. Sabi nga po ng asawa niyo mahiyain kayo, pero dapat daw po tanggapin niyo 'to."
Napakunot yung noo ko. Masama kutob ko dito ah? Hindi kaya modus operandi 'to? Baka kung ano
gawin nila sakin. Oh no~

"Wala kasi talaga ako'ng asawa eh."


"Sabi po ni Kuya Dustin nahihiya lang daw po kayo ipagsabi na kasal na daw po kayo'ng dalawa, lagot po
ako dun pag hindi niyo po 'to tinanggap." Nanlaki yung mata ko.

"Summer tanggapin mo na, ganyan mo ba talaga ako kinahihiya?" Napatingin ako sa nag salita. Potek si
Dustin, yung itsura niya parang iiyak na. Napatakip na ko ng kamay sa mukha ko, yung mga tao kasi dito
malapit samin pinagbubulungan na kami. "Please Summer? I'm your husband, you can't always avoid
me." Pinandilatan ko siya ng mata, ngumisi lang siya sakin. Wala na ako'ng choice nung nagsalita na yung
mga nanunuod lang samin kanina. Kinuha ko yung bulaklak na hawak na niya. Feeling ko na mumula ako
sa sobrang kahihiyan. Nagulat ako nung niyakap niya ako. Yung mga usi, kinikilig. "Now we're even."
Bulong niya sakin. "Nakaganti na ko." Naramdaman ko yung pagngisi niya. Walang hiya talaga!
Natandaan niya pa yung ginawa ko sakanya!? Mas malala pala siya gumanti. Nakakahiya talaga 'to.

##################################
~~Revenge 4: Hot.~~

##################################

Revenge 4: Hot.

Dustin's POV
"Hey! I said I'm sorry." Grabe pala magalit si Sum. I shoud avoid things that she doesn't like. Pero siya
naman nauna, gumanti lang ako. Tss.

"Sorry your face." Pinagsaraduhan na niya ako ng pinto. Ito talagang babae'ng 'to. Tinignan ko yung
wristwatch ko. 8 o'clock na pala, at hindi pa kami nakakin ng dinner sa mall. Magluluto na lang ako.
Ako nga pala si Dustin Parker, 18, hindi pure Filipino pero sa isip at sa puso feeling ko Filipino'ng Filipino
ako. I grew up here, kasi yung work ni Daddy nandito. Hindi na naman kami bumalik sa states. I'm
studying at Heartbreaker Academy. I'm into acting, ewan pero as of now 'yun yung gusto ko'ng gawin.
Bakit ako sa Heartbreaker nag-aral? Hmm. Let's see... They offer kasi different curriculum. HAHAH. I can
work, practice my acting skill and help others at the same time. Tulad ngayon, I'm helping Summer to
build up her plan for revenge sa ex-boyfriend niya.
*ding dong... ding dong*

"Sum! I cooked dinner for both of us." Siguro may 10 times na ako'ng nag dodoorbell pero hindi niya pa
din ako pinagbubuksan ng pinto. "My god, Summer. I already said I'm sorry. Why can't you just forgive
me?" I stressed out, halos bulong na yung pagkakasabi ko.
We've been working with each other for more than a week, and ngayon lang siya nainis sakin. I was
playing prank on her, because she did it to me. Okay, I learned my lesson. Never play prank on her.
Naiinis na ako.
"Sum..." Feeling ko nag spark yung mata ko nung nakita ko siya'ng binuksan yung pinto.

"Stop smiling. Yung food lang ang welcome dito." Kinuha niya yung plato na hawak ko, she was about to
close the door nung inipit ko yung paa ko lower part ng door. "Tanggalin mo yan, or iipitin ko ng tuluyan
yan." She's angry, I know.
"Hindi pa ako kumakain, and that food is enough for both of us." Tinignan niya yung hawak niyang
plato.This is my chance. I grab the doorknob, tinulak ko ng medyo malakas yung pinto. She lost her
balance; I grab the plate as soon as I can. Nasalo ko naman kaya lang si Sum...
"Walang hiya ka talaga. Ang sakit." Tumayo siya, nakahawak sa balakang niya. Oohh. She looks sexy.
She's wearing short skirt and a tank top. And that pose is... "Ano tinitingin tingin mo?" Umiwas ako ng
tingin sakanya. Whew. This is not right. My god, this is not right. Pinagpapawisan yata ako. "Sorry, sira
yung A/C ko eh."
"Ah... Okay lang." Kinuha niya yung plato, tapos dumiretso na siya sa kusina. Hindi ko maiwasan ang
pagtingin sa likuran niya. Napalunok ako ng tatlong sunod. Nice view. Tinapik ko yung pisngi ko. "Dust,
what happened to you?"

"Kinakausap mo sarili mo?" Napatingin ako kay Summer. Umiwas din ako kagad. Hindi ko siya matignan
ang potek.
"Hindi. Sige uwi na ko."

"Akala ko ba hindi ka pa kumakain?" Hindi ako makatingin sakanya. "Tara na, hindi na ko galit. Tsk. Wag
mo na lang uulitin. Naku." Hinatak niya yung laylayan ng shirt ko. "Tara na, ang arte nito."
Tahimik lang ako habang kumakain kami. Siya din naman hindi nag sasalita. Sumusulyap sulyap lang ako
sakanya kung minsan. She's really beautiful; I wonder why Jason cheated on her? Come to think of it,
Sum is like a complete package. She's have the beauty and brain. Unlike Sabon, yes she's beautiful, but I
guess her priority is popularity.
"Hey! I wanna watch dvd. O ba't parang nagulat ka dyan?" Eh nag-iisip kasi ako tapos bigla ka'ng
magsasalita dyan. Tsk.

"Edi manuod ka, may tv and dvd ka naman dito."


"Eh walang A/C mainit, tsaka mas malaki yung TV mo eh." Ngumiti siya sakin. "Please?"
"Alright! I'm just going to clean my stuff first."

Niligpit ko muna yung pinagkainan namin, inutos niya kasi wala naman ako nagawa. Siya naman daw
mag papalit muna ng damit, malamig daw kasi yung A/C ko. Buti na lang naisipan niya na mag palit,
naasiwa kasi ako eh. Alam niyo 'yun? Lalo'ng umiinit. HAHHA. Nauna na ako sakanya'ng pumunta sa
bahay, tinabi ko yung mga nakakalat na libro sa center table at kinonect ko yung dvd sa tv.
*ding dong... ding dong...*
"Saw Texas." Bungad niya sakin pag bukas ko ng pinto. I've watched that so many times. Hindi naman
ako makapagreklamo, siya ang boss eh.

"Come in, I'll just get the popcorn at the kitchen." Pumasok naman siya tapos dumiretso na ako sa
kitchen. Parang hindi naman bagay ang kumakain habang nanunuod ng Saw? Oh well. I don't mind
naman, ewan ko lang siya.
"Oh my... Sheet... Yuck... AHHHHHHHHHHHHHH fvck!" Okay, siguro lahat na ng masamang salita na sabi
na niya. Tapos hindi naman ata siya nanunuod dahil nakatakip ng unan yung mata niya. Kinuha ko yung
remote at pinatay yung dvd. "What the!?"
"Will you stop saying bad words? Hindi bagay sa babae ang nagsasalita ng mga ganun." Inagaw niya
sakin yung remote bubuksan niya sana ulit kaya lang inagaw ko ulit yung remote. "Let's watch another
movie. Hindi mo naman pinapanuod eh. Nakatakip lang yung mata mo."

"Bakit ba? Kanya kanyang trip yan." Inagaw niya ulit yung remote, pero itinaas ko na yung kamay ko.
Dahil di hamak na mas mataas ako sakanya, hindi niya maabot yung kamay ko. "Dust..." Tinignan niya
ako ng masama. "Bigay mo na sakin yung remote." Tumayo siya, ako naman tatalon sana kaya lang I
failed, instead na tumalon I lost my balance and napahiga ako, yung upper part ng katawan ko nakahung
sa dulo ng couch. "Ayan kasi." She lean towards me, yung kamay niya ipinatong niya sa dibdib ko tapos
medyo yumuko siya at inabot yung remote na hawak ko. Yung mukha niya medyo malapit sakin, tapos...
tapos... Medyo nakikita ko yung ano niya... Kasi yung ano nung tshirt niya bumaba... Iniwas ko yung
tingin ako.

"Mahihiga na ako. Good night, pakilock na lang yung pinto pag alis mo." Dumiretso kagad ako sa kwarto,
nilock and pinto at binagsak ko yung katawan ko sa kama. Sheet. May nakita ako na hindi ko naman
dapat nakita. Though hindi ko naman talaga nakita ng buo... Yung ano lang... Basta... Itinodo ko yung A/C
sa kwarto ko dahil ang init talaga ng pakiramdam ko.
"Sum. Bakit dyan ka natulog?" Hinubad ko yung shirt ko tapos pinatong ko sa katawan niya, nakaangat
kasi yung shirt niya nakikita ko tummy niya. Tama na yung kasalanan ko kagabi. Ipoke her on her
shoulder. "Sum, wake up. May klase ka pa."
"Hmm." Dahan dahan niya'ng dinilat yung mata niya. "AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!! Ano'ng
ginawa mo sakin?" Napatingin siya sa katawan niya, at tumingin sakin. "Hoy ano'ng ginawa mo sakin?"

"Good morning?" I gave her questioning look, hindi ko siya magets eh. Tinignan niya yung tshirt ko na
nakapatong sakanya. "Oh ah... Yan... Kasi ano baka nilalamig ka? Tinatamad kasi ako umakyat para
kumuha ng kumot eh." Tumayo siya tapos binato sakin yung tshirt ko.
"Eh ikaw hindi nilalamig?" Pinasadahan niya ng tingin yung katawan ko tsaka siya umiwas ng tingin.
"Wala ka naman siguro ginawa sakin 'no?" Kung hindi ako nakapagpigil kagabi baka meron. Ha? Ano ba
yung naiisip ko?
"Ano naman gagawin ko saiyo?" Inirapan niya ako. "Boss magluluto na ba ako ng breakfast?" Tumango
lang siya tapos lumabas na ng bahay ko. Problema nun?
"Hey Dustin, kamusta try out mo sa basketball team?" Si Sabon, nginitian ko siya tapos umupo siya sa
tabi ko.

"Okay naman, in fact pasok na ako sa team." She smiled, yung ngiti na parang nag seseduce. Whoaw.
Umiwas ako ng tingin sakanya, napatingin ako sa table nila Sum, wala pa si Lheine, hindi ko pa din
nasasabi sakanila na pasok na ko sa team. Mamaya na lang pag-uwi namin.
"I knew it!" Inilagay niya yung kamay niya sa braso ko, napatingin ako sakanya. "We need to celebrate."
Tinanggal ko yung kamay niya.
"May klase pa ako mamaya eh, pati okay lang ba na... How should I say this... You know... Yung
nakikipaglapit ka sakin? I heard boyfriend mo daw si Jason." Nag sad face ako, hinawakan naman niya
yung mukha ko tapos iniharap sakanya. Lalo ako'ng nag sad face.

"Hindi naman kami ni Jason, we're just playing. You know, he needs me and I need him." Bigla ako'ng
napaisip, so it means thy are just using each other... for what?
"You need him? For what?" She taps my face lightly.

"He's popular, and we need each other to maintain our popularity." Oh I knew it, sabi ko na eh
popularity ang priority niya or should I say nila? Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko.
"I heard naging si Jason daw tsaka si Summer, why did they broke up?" She looks at me, tapos nakataas
yung isang kilay. Nagtataka siguro kung bakit ko tinanong. "I'm just curious."
"Why not? Summer is too plain, and she's kinda nerd." Tumingin siya sa direction ni Summer. Nagbabasa
na si Summer ng book. "See? She's always with her books." I don't know kung matatawa ako sa way ng
pag-iisip nila or what.

"I don't think that will be considered as nerd." She looks at me, parang nagtataka ulit. I bit my lower lip
para maiba yung topic, alam ko naman na mapapansin ni Sabon 'yun.
"Hot." He pinched me on my shoulder. I knew it. "Don't do that again, baka makalimutan ko kung
nasaan tayo." I smiled, pero deep inside me gusto ko na tumawa ng malakas. Kinagat ko lang yung lower
lip ko, bumigay na kagad. Napailing iling ako, tapos napatingin ako kay Sum na nakatingin din sakin. And
she's angry...?
"What?" I mouthed at her. Ngiting aso lang sinagot niya sakin. Ano ba 'yun? Weird. Tsk.

##################################

~~Revenge 5: Right now?~~

##################################

Revenge 5: Right now?


Dustin's POV

"Start courting her." Napatingin ako kay Sum, kanina pa kasi siya walang kibo tapos bigla bigla siya'ng
nagsalita. "Ligawan mo na si Sabon." Inangat niya yung mga binti niya tapos niyakap niya yun.
"Something wrong?" Recently napapansin ko medyo nagiging moody si Sum, tapos parang minamadali
niya yung mga plano namin. "Hey, Summer." Yumuko siya at lalo niya'ng niyakap yung binti niya.
"Just start courting her." Tumayo na siya at bigla na lang lumabas ng bahay ko. Syempre sinundan ko
siya. Ang weird niya ngayon. Tsk.

"Summer Danielle Antonio!" Humarap siya sakin, inis.


"Ano ba!?"
"Bakit ba ang init ng ulo mo?" Lumapit ako sakanya, pero hindi niya ako hinayaang makalapit ng sobrang
lapit.

"Stop. Okay lang ako, basta gawin mo na lang yung sinasabi ko okay?" Hindi na niya ako hinintay na
makapagsalita pa, pumasok na lang siya bigla sa bahay niya. Hindi kaya may dalaw siya ngayon?
HAHAHA.
"Uhm... Pearly..." Nandito kami ngayon sa gitna ng field, wala masyadong tao malapit samin kaya
sigurado ako'ng walang makakarinig sa pag uusapan namin. I'll start now yung plan namin, since ito
naman yung gusto ni Sum. Wala naman ako karapatan tumanggi.
"Yes? Something wrong? Recently medyo lagi ka'ng seryoso ah?" Ngumiti siya, her usual smile. Her
seductive way of smiling na hindi tumatalab sakin. HAHHA.

"Kasi... I want to ask you if I can court you?" I slowly look down, kunwari medyo shy. Heheh. She
chuckled.
"I didn't know na mahiyain ka pala. Hmm..." Hinawakan niya yung chin ko then dahan dahan niya'ng
iniharap yung mukha ko sa kanya. "You can, but this will be our secret. Alam mo naman si Jason, I still
need him." Nag sad face ako. Mukhang nagets niya naman kung bakit ako nag sad face. "Don't worry
baby, aayusin ko lang yung samin ni Jason and I'll be yours, okay?" I smiled then tried to hug her, pero
she refused. "Later babe, we have lots of time for that." She winked and left me.
Just like what I've thought, madali lang talaga siya'ng ligawan. In a day or two mapapasagot ko na siguro
'yun. I should tell this to Sum, siguro naman hindi na siya mag susungit sakin, nagawa ko na nang maayos
yung pinapagawa niya. Pag nainis pa siya ewan ko na lang. Hay. Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng mga
babae.

"Hey Dustin, can I talk to you?" Napatingin ako kay Jason, kakatapos lang ng practice namin, nandito na
kami sa shower room.
"Right now?" Tumingin ako sa itsura namin, we're half naked at ang takip lang namin ay yung tuwalya sa
lower part namin.
"After we finished our shower." Ang pangit ng pagkakasabi niya, kung bakla siya malamang napakaripas
na ko ng takbo. HAHAH.

"So, ano pag uusapan natin?" Umupo siya sa flooring ng court. Umupo din ako, wala magaya lang.
HAHAH.
"Uhm... Kayo ba ni Summer?" Napatingin ako sakanya, hindi siya nakatingin sakin nakayuko lang siya at
parang ang lalim ng iniisip.
"Ah... Hindi, we're just friends." Tumango tango pa ako, kahit alam ko'ng hindi niya nakikita yung
ginagawa ko.

"Eh bakit lagi mo siya'ng hinahatid at sundo?" For the second time, napatingin ulit ako sakanya. Wala
kasi'ng nakakaalam na hinahatid sundo ko si Sum, kasi iniiwasan namin ang may makakita samin, pero
mukhang alam ni Jason.
"Ah... How did you know?" Hindi niya pa din inaangat yung ulo niya kaya hindi ko makita yung
expression ng mukha niya. Tsk.
"Just answer me."

"Well... Hmm. How can I put this? She lived next to my house; since we share the same school I offer her
a ride." Okay, medyo awkward yung feeling, kasi una hindi ko naman kailangan mag paliwanag sakanya
since hindi na naman sila ni Sum 'di ba?
"Wag mo na ulit gawin 'yun, hindi ka naman pala niya boyfriend eh." Tumayo siya, hindi ko alam pero
parang hindi kasi naging maganda yung dating nung pagkakasabi niya sa tenga ko eh. Parang may
pagkaterritorial yung dating.
"Teka lang, sino ka naman para pigilan ako? Your not Sum's boyfriend, right?" Tumayo na din ako at
hinarap siya.

"I was her ex-boytfriend." I smirked.


"You should removed the 'was'. You're still the EX-boyfriend nothing has change." Tinignan niya ako ng
masama, ganun din ako sakanya. Hindi por que siya yung captain namin hindi ko na siya pwede kantiin.

"I will try to win her back, so back off!" Tinulak niya ako, malakas na ba yun para sakanya? Hindi man
lang ako nagalaw sa pwesto ko.
"Listen. Listen very well, Jason. This will be the first and last time that I will tell you this. Summer is not a
toy, na kapag pinagsawaan mo iiwanan mo tapos pag feel mo na ulit balikan babalikan mo. So kung
sasaktan mo lang ulit siya, you back off." Tinulak ko din siya, medyo napaatras siya, hindi pa malakas
'yun ah.
"Ano ba'ng alam mo? Wala ka namang alam 'di ba?" I smirked, tsk.

"Ikaw ano alam mo? Wala ka din namang alam 'di ba?" He smirked, walang dating. HAHAH.
"Summer still loves me." I touched my chin, tapos parang nag iisip ako.
"Maybe she does, but I think you can never win her back. Trust me." I smirked again. Nakakailang smirk
na ba ako? HAHAH. "Shit!" Nagulat ako ng bigla niya ako'ng sinuntok, pero syempre nakatayo pa din
ako. "What the heck is that?"

"Ah. Nangati kasi yung kamao ko eh." Nginitian ko lang siya. Gago pala 'to eh. Ako pa niloloko. Tsk.
"Ang kamao pag nangangati kinakamot hindi sinusuntok!" Sinuntok ko din siya. Ayun, napaatras ng
tatlong steps. "Jason, yan ang suntok. Mahina pa nga yan eh, yaan mo sa susunod yung malakas na ha?"
Tinignan ko yung relos ko, uwian na pala ni Sum. "Oh got to go, I need to fetch Sum, see you!" Iniwanan
ko na siya na kinakapa yung nagdudugo niya'ng labi. Tsk, sayang ang effort ko sa ganung mga tao.
"Oh bakit namumula yang pisngi mo?" Tanong sakin ni Sum.

"Ah wala, sinampal ko kanina inaantok kasi ako sa practice eh. Boring. Mahihina yung mga kalaban
namin sa practice game." Hinawakan ko yung pisngi ko na namumula, hindi bagay sakin merong ganito
sa mukha. Medyo napuruhan din pala ako ng gunggong na 'yun. Tsk.
"Bilisan mo na, I-cold compress natin, para hindi na mamasa." Nagulat ako nung hinawakan niya yung
pisngi ko, napapreno tuloy ako. Para kasing may something sa pagkakahawak niya eh.
"Aray!" Muntikan na siya'ng mauntog buti na lang nakalang niya yung kamay niya. "Ano ba'ng problema
mo!?"

"Sorry, nagulat lang ako." Nagmaneho na ulit ako, wala nang nagsalita samin hanggang sa nakarating
kami sa bahay ko. Umuwi muna siya kumuha ng pang cold compress.
*ding dong ding dong*
"Ah Dust, ito na yung pang cold compress, ikaw na bahala ha? Aalis kasi ako eh." Binigay niya kagad
sakin yung hawak niya, mukha siyang nagmamadali. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Wait! Saan ka ba pupunta? Samahan na kita?" Inalis niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"W-w-wag na. Pupuntahan ko lang naman si Rain, may sakit daw kasi eh." Si Rain, kapatid niya 'yun.
Hindi ko ata nasabi sainyo na may kapatid siya. "Malapit lang naman 'yun dito eh, kaya kaya ko na."
Pero dahil mukulit ako, hindi ako pumayag na hindi sumama. In the end, sinamahan ko din siya sa bahay
ng kapatid niya. Dala ko din yung pang cold compress, syempre kakailanganin 'to ni Rain. Si Rain is 16
years, graduating ng high school. May sarili siya'ng bahay, parehas sila ni Sum na nakabukod sa parents
nila. I don't know why, trip daw nila maging independent.

"Yaya, ano po nangyari kay Rain?" Nag-aalalang tanong ni Sum, sa yaya ni Rain.
"Eh ano po kasi Ma'am..."
*dingdong dingdong*

"Ako na." Ako na yung nag prisinta na mag bukas ng pinto, alam ko naman kasi na nag aalala talaga siya
sa kapatid niya kaya kausapin niya na lang si Yaya. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko.
"Ma'am!?"
"You! Ano'ng ginagawa mo dito sa bahay ng anak ko?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Mrs. Antonio,
directress and owner ng Heartbreaker Academy. "Don't tell me... You are working with one of my
children?"
"If your daughter's name is Summer Danielle Antonio, then it's a yes."

##################################

~~Revenge 6: Mauna ka na.~~

##################################

Revenge 6: Mauna ka na.


Summer's POV

"Oh bakit namumula yang pisngi mo?" Tanong ko kay Dustin. Tinanong ko kahit alam ko naman ang
dahilan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sinabi ni Jason na he will try to win me back or
maiinis kasi hindi ko kayang matuwa. Ah ang gulo ko! Oo na ako na ang nakinig sa usapan nila, maaga
kasi kami pinalabas kanina kaya susunduin ko dapat si Dust kaya lang ang iba ang naabutan ko.
"Ah wala, sinampal ko kanina inaantok kasi ako sa practice eh. Boring. Mahihina yung mga kalaban
namin sa practice game." Liar! Napansin ko na hinawakan niya yung pisngi niya na napuruhan ng suntok
ni Jason, tapos napaigik siya. Parang nakonsensya naman ako. >.<
"Bilisan mo na, I-cold compress natin, para hindi na mamasa." Hinawakan ko yung pisngi niya na
namumula. "Aray! Ano ba'ng problema mo!?" Muntik na mauntog yung ulo ko dahil sa bigla niya'ng pag
preno, buti nalang nakaseatbelt ako.

"Sorry, nagulat lang ako."


Gusto ko siya kausapin about sa nangyari kanina pero hindi ko magalaw yung mga muscles sa bibig ko.
Para ako'ng napipi na hindi ko mawari. Hinihintay ko din naman na mag kwento siya pero hindi din siya
nag salita. Pag dating namin sa bahay niya dumiretso kagad ako sa bahay ko para kunin yung pang cold
compress baka kasi mamamaga na ng tuluyan yung pisngi niya pag hindi pa naagapan.
*ate~ Ate~ ATe~ ATE!!!!* Agad ko'ng sinagot yung tumatawag, 'yan kasi yung ringtone ko pag
tumatawag si Rain, recorded voice niya.

"Ma'am! Buti sumagot ka na. Naku Ma'am, si Sir Rin ba, parang inaapoy sa lagnat."

"Ano'ng parang Yaya? Pinainom niyo na po ba siya ng gamot?"


"Eh opo Ma'am, kaya lang dili man bumaba yung lagnat Ma'am. Dili ko na po alam ang gagawin ko."
Napahawak ako sa noo ko.

"Sige yaya, pupunta na ako dyan, magluto po kayo ng sabaw para mainitan yung sikmura ni Rain, okay?
Wag po kayo mag papanik. Tinawagan niyo na po ba si Mommy?"

"Opo Ma'am, pero dili man sumasagot. Nag-iwan na lang po ako ng misij sa sekretarya niya." If I know
answering machine 'yun ni Mommy. Si Manang talaga hindi na nasanay.
"Oh sige yaya, punta na ako dyan." Binaba ko na yung tawag, tapos dumiretso na ko kila Dust para iabot
yung pang cold compress.

*dingdong dingdong dingdong*


"Ah Dust, ito na yung pang cold compress, ikaw na bahala ha? Aalis kasi ako eh." Inabot ko sakanya
tapos tumalikod na ako.

"Wait! Saan ka ba pupunta? Samahan na kita?" Inalis ko yung kamay niya na humawak sa braso ko.
"W-w-wag na. Pupuntahan ko lang naman si Rain, may sakit daw kasi eh." Malapit lang naman yung
bahay ni Rain, kaya hindi na niya ako kailangan samahan.
Pero in the end dahil sa pangungulit niya pinasama ko na din. Hindi na rin naman siya iba kay Rain, in
fact magkasundo nga silang dalawa eh. Minsan kasi sinasamahan niya ako bumisita dun pag wala kami
magawa. Magkaiba kami ng mommy ni Rain pero yung Mommy niya na din ang nag palaki sakin, ni hindi
ko na nga maalala kung ano itsura ng tunay na mommy ko. Wala kasi niisang picture na pinakita sakin si
Daddy eh. Hindi naman ako nagtatampo, kasi mabait naman sakin si Mommy ko ngayon.

"Yaya, ano po nangyari kay Rain?" Tanong ko kagad kay Yaya.


"Eh ano po kasi Ma'am..."
*dingdong dingdong*

"Ako na." Wala naman ako balak na buksan ang pinto. HAHAH. Chos, so ayun si Dust na ang nag
magandang loob na buksan ang pinto kami naman ni Yaya, pumasok na sa kwarto ni Rain.
"Ate~" Tumabi ako sakanya sa kama. "Kala ko hindi ka darating eh." Niyakap niya ako.
"Pwede ba naman 'yun? May sakit yung little brother ko tapos hindi ko pupuntahan?" Niyakap ko din
siya, yung pwesto naming nakayakap siya sa bewang ko kasi nakaupo lang ako sa tabi niya tapos siya
nakahiga. "Ang init inti mo ah? Ano ba pakiramdam mo?" Hinimas ko yung noo niya.

"Medyo okay na ako Ate, kasi nag text si Mommy that she will be here daw." Ngumiti siya, ngumiti din
ako. Bihira lang namin makita yung parents namin dahil busy sila lagi sa work nila na hindi nga namin
alam kung ano.
"Sabi ko saiyo love tayo nila Mommy, tignan mo kahit busy si Mommy pupuntahan ka niya kasi may sakit
ka eh." Tumango tango siya habang abot hanggang tenga ang ngiti. 16 na siya pero kung umasta parang
10 na bata'ng nag lalambing. Sa sobrang gigil ko, pininch ko yung ilong niya. "Cute mo!"
"Ang sweet naman ng mga baby ko." Napatingin kami pareho sa nag salita.

"Mommy!" Sabay na sabi namin, lumapit siya samin, kiniss niya ako sa cheeks si Rain naman sa noo.
"How's my baby boy?" Tanong niya habang hinihimas yung buhok ni Rain.
"Okay na po ako, kasi nandito po kayo ni Ate." Pininch din ni Mommy yung ilong ni Rain.

"Summer, may kasama ka ata sa labas bakit hindi mo muna labasin ako na bahala dito kay Rain." Oo nga
pala, muntikan ko na makalimutan si Dust, inexcuse ko yung sarili ako at dahan dahang lumabas ng
kwarto. Nakita ko si Dustin pinapakialamanan si Yaya sa kusina.
"Hoy! Wag mo nga pakialamanan dyan si Yaya." Nagulat ata siya dahil bigla niya nasubo yung titikman
niyang sabay.
"Aray! Shit! Ano ba Sum!? Pwede naman wag manggulat." Pinunasan niya yung lips niya tsaka yung
konti na tumapon sa damit niya. Ako? Ito tumatawa. Ang cute kasi ng naging reaction niya eh.
"Makatawa 'to, pasuin kita dyan eh!" Dinilaan ko lang siya. "Oh yaya, okay na 'to. Dalin mo na kay Rain."
Inabot niya kay Yaya yung sandok. "Hoy babae, masama ang tawa ng tawa, sasakit dyan mo."

"Tse!" Napansin ko yung namumula niya'ng pisngi. Hindi pa nga pala naman na-ko-cold compress 'yun.
"Halika nga dito, may nakalimutan pala tayo gawin kanina." Tinignan niya ko na para bang hindi niya
maintindihan yung sinasabi ko. "Yung pisngi mo."
"Ah. Oo nga pala." May kinuha siya sa bulsa niya. "Dinala ko nga ito oh." Inangat niya yung pang cold
compress. "In case na kailanganin." Napangiti na lang ako sakanya. Ewan, pero kasi ang cute ng mga
actions niya ngayon eh. Napapangiti na lang talaga ako. Although minsan naiinis ako lalo na pag
magkasama sila ni Sabon. Err.
Kumuha ako ng yelo sa ref, at nag durog. Nag lagay ako ng ilan sa cold compress tapos hinatak ko siya
papuntang sala. Tahimik lang ulit kami habang nakaupo. Siya medyo nilalaro niya yung hawak niya na
cold compress ako nakatingin lang at medyo nangingiti. Ang weird ko naman talaga oh oh.

"Uhm.." Napahinto kami pareho. "Mauna ka na." Sabay na sabi namin. "Hindi mauna kana." Sabay ulit.
Sinenyasan niya ako na mauna na.
"Kasi ano..." Sasabihin ko ban a nakita at narinig ko sila kanina o mananahimik na lang ako? "Kasi ano,
naiisip ko lang na dito na lang ako magpapalipas ng gabi. Kasi kailangan ng kasama ni Rain." Ano ba yan
Sum? Hindi mo din nasabi. >///<
"Ah ganun ba." Silence.... Maya maya nilapag na niya yung pang cold compress. "Sige mauna na ako,
daanan na lang kita dito bukas bago pumasok." Tumayo na siya at nag lakad papunta sa pinto.

"Ah teka... Bigla ko lang naalala may sasabihin ka 'di ba?" Napaisip siya saglit.
"Ah 'yun ba? Nakalimutan ko na eh. Pag naalala ko sabihin ko kagad saiyo." Nag paalam na siya. Ano ba
'yun? Tama ba'ng mambitin. Tsk.
"Oh nasan na si Dustin?" Napatingin ako kay Mommy, nasa haraparan ko na pala siya hindi ko manlang
namalayan. Iniisip ko kasi kung ano yung sasabihin dapat ni Dust eh, medyo hindi ako mapanatag. Hay.

"Ah umuwi na po, sabi ko po kasi dito na lang po ako matutulog." Umupo siya sa tapat ko.
"Kamusta na kayo ni Jason?" Napatingin ako sakanya. Nakakapanibago, hindi naman kasi siya
nagtatanong tungkol samin ni Jason dati eh. "Okay lang ba ang relationship niyo?"
"Actually, we broke up na po." Yung way ng pag sabi ko, yung parang ang gang sa pakiramdam na para
bang ang tagal na nangyari nun at wala na sakin.

"Why?" Tinitigan niya ako, something is wrong, iba yung way ng pagtingin niya. Para bang... Hindi ko
madescribe. "Tell me." Then I told her everything. Pero syempre hindi ko sinabi yung about sa revenge
thingy. "So that Jason left you..." Parang medyo inis 'yung tone ng boses niya.
"Pero Mommy, okay na ako." Ngumiti pa ako para patunayan sakanya.

"Is that because of Dustin o may iba pa'ng dahilan?"


"Friend ko lang po si Dustin, kapitbahay na din po." Yung tingin sakin ni Mommy, parang ayaw niya
maniwala.
"Baby, kagagaling mo lang sa break up, wag muna ulit ha? Bata ka pa naman may tamang panahon para
sa mga ganyang bagay." Eh? Ano ba 'tong sinasabi ni Mommy.

"Mommy naman, friend ko lang po talaga si Dustin. Nothing more, nothing less." She gave me a weird
smile, then she said good night at aalis na daw siya may naiwanan daw kasi siya'ng work sa office niya.
Ang weird ni Mommy, anyway, friend lang naman kami talaga ni Dustin. Tsk. Friend lang talaga. Aw.
Bakit parang hindi ko kayang tanggapin 'yun?
---------------
Ckai's Note: ♥

##################################

~~Revenge 7: Sheet. Ano 'yun!?~~

##################################

Revenge 7: Sheet. Ano 'yun!?


Summer's POV

"Hey Sum, narinig mo na yung balita? Si Dust na daw at si Pearly. Hindi ako makapaniwala, akala ko ikaw
gusto nun. Oh well, sabon." Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa usual na upuan namin sa cafeteria.
"Hindi ko talaga maisip kung paano naging sila, na disappoint ako kay Dust. Hello may kausap ba ko
dito?"
"Ah... Ano nga 'yun?" Tanong ko.
"Wow, absent minded 'te? Problema mo?" Kinapa niya yung noo ko. "Wala ka namang sakit. Okay ka
lang?" Tumango lang ako. Okay lang naman ako. Okay lang talaga. "Si Dustin oh." Napatingin ako sa
papalapit samin. Magkaholding hands sila ni Sabon. Tinignan ko lang saglit tapos umiwas na ako ng
tingin.

"Hi girls. Meet my girlfriend Pearly." Tapos umupo sila sa tapat namin. "Pearly si Summer at Lheine."
"I know them already." Napatingin ako sakanya, ang maldita kasi ng dating eh. "Hi Summy, how are
you?"

"Summy? Yuck." Bulong ko.


"Saying something?" Tumingin ako sakanya tapos ngumiti.
"Wala, sabi ko okay lang naman ako. Ikaw? By the way, you look good together." Tumingin ako sa relos.
"Oh got to go. May class pa pala ako." Pagtayo ko, hinawakan ni Dust yung kamay ko.

"Wala ka'ng klase ng ganitong oras." Tumingin ako sakanya at ngumiti.


"Make up class. See you." Iniwanan ko na sila. Sheet, bakit ba ang weird ko? Ito naman yung gusto ko'ng
mangyari pero hindi ko maintindihan. Shemai.
"'Te bakit mo naman ako iniwanan dun? May klase ka ba talaga?" Sumunod pala sakin si Lheine. "Wala
'no? Tsk. Ano ba kasing problema mo?"

"Hindi ko din alam eh. Wala lang ako sa mood." Tinignan niya ako ng nakakaloko.
"Don't tell me selos yang nararamdaman mo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Selos? Kanino naman ako mag seselos? Dun sa dalawa? Ew."

"Wow, kalian ka pa natuto ng ganyang expression? Tara nga kain tayo ice cream." Umangkla siya sa
braso ko at hinatak ako palabas ng school.
"Waiter, isa pa nga po na ganito. Thank you." Nakakatatlo na ata ako ng ice cream, masarap pala 'to.
"Wow, dinaig mo pa ang broken hearted. Sum, magkwento ka nga?" Nginitian ko lang siya, dumating na
ulit yung ice cream ko. "Kuya'ng pogi, pag umorder ulit siya wag mo na bigyan ha? Salamat po."
Alanganing ngumiti yung waiter.

"Babawasan mo yung dapat na kikitain nila." Tinignan niya lang ako ng medyo hindi magandang tingin.
"What?"
"What what ka dyan. The last time na nagkadyan ka eh nung naghiwalay kayo ni Jerkson, that was more
than a moth ago. So ano ang issue ngayon?"
"Wala, ano naman ang magiging issue? Namiss ko lang pagkain ng ice cream, ano ka ba?" Napabuntong
hininga ako. Tss. Hindi ko din alam kung ano problema ko eh.

Oo naiinis ako, pero hindi ko alam kung bakit at kanino. Sheet lang. Dapat masaya ako kasi maayos yung
nagiging flow nung plano namin, pero kasi parang gusto ko na lang kaladkarin si Sabon palayo kay
Dustin. Alam niyo yung feeling na ganun? Nakakainis 'no? Hay.
"Summy! Nice to see you here." Napatingin ako sa nag salita. Si Jerkson, I mean Jason. Hindi na ako
bitter. Promise. Pilit na ngumiti ako. "Mukhang masarap yan ah." Umupo siya sa vacant seat tapos
tinawag yung waiter. "Isa nga din na ganito. Thank you."
"Right away, sir." Nagkatinginan kami ni Lheine.

"Oh, sorry. I hope you don't mind." Ngumiti lang kami. "How are you?" Napatingin ako sakanya.
"Ako? Okay lang. Ikaw? Balita ko nagbreak na daw kayo ni Pearly." Casual ko'ng sabi.

"Ah 'yun? Hindi naman namin kailangan mag break, kasi hindi naman kami naging kami." Nagkibit balikat
siya, tapos ako na pa 'ah' na lang. Ewan ko ba, parang hindi naman ako interesado sa sinabi niya.
"Oh. Hindi naging kayo? Talaga?" Tumawa naman nang nakakaloko ko si Lheine. "I mean seriously?"
"Uy, tumigil ka nga dyan, hindi ka na nahiya."

"Nakakaloko kasi 'to eh." Hindi pa din siya tumitigil sa kakatawa. "Nakipagbreak siya saiyo kasi sinabi
niya sila ni Pearly tapos sasabihin niya ngayon hindi naging sila? Joke time 'te?" Pinandilatan ko siya ng
mata, kasi napansin ko hindi na komportable si Jason.
"Jason, pag pasensyahan mo na yang si Lheine, sakaniya ka ata nakipagbreak hindi pa nakakamove on."
Tumayo na ako at hinatak si Lheine. "Mauna na kami. Enjoy ka dyan sa ice cream." Nasa pinto na kami
nung nagsalita si Jason.
"Wait, can we talk? Privately." Sabay tingin kay Lheine. Buti na lang wala masyadong tao.

"Wala naman tayo'ng dapat pag-usapan eh. Kung tungkol sa sinabi ni Lheine, wala na 'yun sakin."
"Hindi naman tungkol dun, may gusto lang ako sabihin." Lumapit siya sakin tapos hinawakan ako sa
braso. "Tara sa labas." Tumingin siya kay Lheine. "Please wag ka'ng sumunod." Pinandilatan ng mata ni
Lheine si Jason. Akmang bubuka na yung bibig niya nung pinigilan ko.
"Hayaan mo na, kausapin ko lang siya. Babalikan kita agad." Hindi na nag salita si Lheine at bumalik na
lang sa pwesto namin kanina. "Yung braso ko? Sasama naman ako saiyo eh." Binitawan niya ko, tapos
sinundan ko siya hanggang makarating kami sa parking lot. "Ano ba yung sasabihin mo?"

"Una sa lahat, I'm sorry. I'm really sorry for hurting you. Hindi talaga kami naging mag on ni Pearly, bigla
na lang nangyari 'yun." Sumandal ako sa kotse niya.
"Kasi pinagtatawanan ka ng mga barkada mo na ako na may pagkanerd lang ang girlfriend mo? Nung
una, hindi ko maintindihan. Pero medyo matagal na din 'yun kaya naintindihan ko na din kahit papaano.
Hindi ko sinasabing hindi mo ako minahal, minahal mo ko alam ko 'yun, pero priority mo yung mga
barkada mo, at kung ano yung tingin nila saiyo. Tama naman sila, dapat dun ka din sa sikat na katulad ni
Pearly, sino ba naman ako? 'Di ba hamak na dean's lister lang ako na ang laging kasama mga libro?"
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Wag mo naman tignan ng mababa ang sarili mo. Minahal kita kung ano ka noon, wala ako'ng pakialam
kung sino ka o ano ka. Oo tama ka, pero pinagsisihan ko na 'yun. Handa na ko'ng itama kung ano man
yung mga maling ginawa ko dun. Just give me a chance." Tinanggal ko yung pagkakahawak niya.

"Chance?" Nakita ko si Dustin nakatayo sa hindi kalayuan, nanunuod sa nangyayari. Napangiti ako.
"Kung tinanong mo ako siguro noon, baka oo ang sinagot ko. Kaya lang..."
"Just give me one more chance, please? I will do everything." Nakikita ko'ng seryoso siya sa sinasabi
niya, kaya lang may mali eh.
"Naalala mo yung sinabi mo sakin noong naghiwalay tayo? Sabi mo noon, darating din yung taong mas
hihigit saiyo. Yung kaya din ako'ng mahalin kagaya ng kaya ko'ng ibigay. Ibabalik ko 'yun saiyo." Ngumiti
ako sakanya. "Darating din 'yung taong mas hihigit sakin, at mamahalin ka kagaya ng pag mamahal mo.
Jason, hindi kasi ako 'yun eh." Napatingin ulit ako kay Dustin, hindi masyadong malinaw kung ano yung
reaction niya. "May gusto na kasi ako'ng iba."

"Gusto ka din ba niya?" Nagkibit balikat ako.


"Hindi ko alam, at ayoko ko ding malaman. Kasi alam ko, hindi naman magtatagal mawawala na din siya
sakin at hindi na kami pwedeng magkita uli." Binalik ko yung tingin ko sakanya.
"Masaya ka ba? Kasi kung oo, hahayaan na lang kita. Kasi kung saan ka masaya, masaya na din ako."
Nginitian ko siya.

"Sa ngayon masaya ako, sobra. Kaya wag mo ako'ng alalahanin. Sana ikaw din, makamove on na."
Niyakap ko siya tapos iniwanan na. Pupuntahan ko sana si Dustin kaya lang wala na siya sa pwesto niya
kanina. Tinignan ko kung nasa loob siya ng shop, pero wala.
"'Te ano nangyari?" Hindi ko na pinansin si Lheine nung nakita ko sa salamin yung paalis na sasakyan ni
Dustin, napatakbo na lang ako palabas.
Sinubukan ko'ng habulin, pero ang bilis niya mag patakbo. Huminto na lang ako sa bus stop. Maghihintay
ng taxi para makauwi. Mamaya ko na lang siya siguro kakausapin pag-uwi ko.

*dingdong dingdong*
"Dust..."
"Hi Summy, sorry nasa shower si Dustin eh." Napatitig lang ako kay Pearly na naka bathrobe lang.

"Pearly sino yan?" Napatingin ako kay Dustin pero tumalikod kagad ako at pumasok sa bahay ko. Sheet
ano 'yun!?
##################################

~~Revenge 8: Bakit?~~

##################################

Revenge 8: Bakit?

Dustin's POV
"Ah sige mauna na din ako, gagawa nga pala kami ng project." Sa mahigit isang buwan naming
magkakasama kabisado ko na silang dalawa. Alam ko'ng nag papalusot lang kanina si Sum at tatakas lang
si Lheine. Ano ba'ng problema ni Sum.
"Wait, may problema ba si Sum?"

"Babe, kung may problema man si Sum, hindi mo na kailangang problemahin 'yun. Malaki na siya 'no."
Umirap si Lheine bago tumingin kay Pearly at ngumiti.
"Oo nga naman Dust, tama yung girlfriend mo. Malaki na si Sum, kung may problema man siya hindi ka
niya kailangan." At 'yun, umalis na siya.

"Lheine!" Tatayo sana ako ng pigilan ako ni Pearly.


"Let them be, from now on hindi mo na kailangan sumama sakanila." Tinignan ko si Pearly.
"Why? They are my friends, and I will not leave them even if you say so." Tumayo na ko, pero pinigilan
ako ni Pearly.

"What's with that? I'm your girlfriend, dapat nakikinig ka sakin." Hindi dapat kami mag away, dapat
mafall sakin si Sabon. Huminga ako ng malalim.
"I'm sorry. Sila kasi yung una ko'ng kaibigan dito kaya alam mo na, medyo-"
"Stop it. Hindi mo na sila kailangan. I'm here and you also have the basketball team."

Oh my. Ano ba'ng babae 'to? Kung hindi ko lang kailangang gawin 'to hindi ko 'to pagtitiyagaan. I hate
this kind of girl. Ibang iba siya kay Summer. Oo ibang iba si Summer. Tapos anak pa siya ng may-ari ng
school na pinag aaralan ko.
Flashback
"You! Ano'ng ginagawa mo dito sa bahay ng anak ko?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Mrs. Antonio,
directress and owner ng Heartbreaker Academy. "Don't tell me... You are working with one of my
children?"

"If your daughter's name is Summer Danielle Antonio, then it's a yes." Napaupo si Ma'am sa sahig,
syempre inalalayan ko kagad. "Ma'am are you okay?" Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo sa sofa."
"Tell me, why are you working with my daughter?" Kinuwento ko kay Ma'am. "What? Jason did that?"
"Yes Ma'am, as of now I'm courting Pearly."

"What do you think about my daughter?" Napatingin ako kay Ma'am yung tingin niya sakin parang
inoobserbahan.
"Maganda po siya, mabait, prangka, lahat po ata ng magugustuhan ng lalaki nasakanya..."
"Do you like my daughter?" Nanlaki yung mata ko sa tanong niya.

"Eh? Hindi ko pa naman po naiisip yung ganyang bagay. I'm here to do my job, nothing more nothing
less."
"If you say so, hindi sana magbago 'yan. Alam mo ang rules, pero kung kinakailangan ko'ng ibahin ang
rules para sa anak ko gagawin ko, wag lang siya'ng masaktan."

"Ma'am?"
"Dustin, I trust you. Take care of my daughter, okay?" Eh? Iniwan niya ako'ng nakatingin sa kawalan. Iba
yung dating nung sinabi niya sakin eh.
End of flashback

"Lheine saan kayo?"


"Dito sa ice cream parlor malapit sa school. Why?"

"Kasama mo pa si Sum?"

"Hinatak siya palabas ni Jason ngayon ngayon lang."


"Jason? Bakit daw?" Inikot ko kagad yung kotse ko at pinatakbo papunta sa ice cream parlor.

"May sasabihin daw siya eh, importante. Ang walang hiya pinaiwan pa ko. Tss. Tapos alam mo ba kung
ano pa sinabi? Hindi naman daw naging sila ni Sabon. The nerve, kung pwede lang pumatay baka
napatay ko 'yun. OMG. Magkasama pa ba kayo nung sabon na 'yun?"

"Hindi na, sige andito na ko sa la..." Napatingin ako sa side mirror ko, nakita ko si Summer sinusundan si
Jason. "Sige puntahan kita mamaya."
Nagpark ako sa di kalayuan.Para makikita ko kung ano'ng gagawin nila. Gusto ko pa sana lumapit para
marinig ko yung pinag uusapan nila kaya lang baka mahalata nila ako at kung ano pa'ng isipin nila.
Lalapit na lang ako pag medyo hindi na maganda yung ginagawa ni Jason, so far naman medyo maayos
pa naman sila. Nakita na ata ako ni Sum, pero mukhang hindi naman siya galit, nakangiti pa nga eh.
Lalapit sana ako kaya lang nakita ko'ng niyakap ni Sum si Jason, nagkabalikan na ata sila?
Umalis na ko, hindi na naman niya ako kailangan. Pumasok ako saglit sa loob para mag paalam kay
Lheine, uuwi na lang siguro ako. Hahayaan ko muna silang dalawa.

"Asan si Sum?"
"Nasa labas, nagkabalikan na ata sila ni Jason."
"Eh bakit malungkot yan itsura mo?" Ngumiti na lang ako.

"Ano ka ba? Masaya ako para sakanya 'no. Alam ko namang mahal pa ni Sum si Jason eh." Tinignan ako
ni Lheine.
"Ako tingin ko, hindi. I know Sum, I can tell na wala na si Jason may iba na."
"Hindi mo naman sigurado yan eh. Sige mauna na ako ha? Ingat kayo pauwi." Iniwanan ko na siya at
dumiretso na sa kotse ko.

"Hi Babe!" Nagulat ako ng biglang yumakap sakin si Sabon pag baba ko ng kotse.
"Ano'ng ginagawa mo dito? At paano mo nalaman 'tong bahay ko?"

"Surprise? Jason told me na magkapit bahay daw kayo ni Summer kaya ayun pumunta na ko dito, nag
dala din ako ng pizza and some shake drink." Pinapasok ko siya sa bahay ko. Pangalawa pa lang siyang
babae na nakakapasok sa bahay ko.
Hindi dapat siya nandito, baka kung ano isipin ng mga kapit bahay namin. Alam pa naman nila na mag-
isa lang ako dito. Inihanda ko na yung pizza sa center table at nagsalang din ako ng DVD, gusto daw niya
kasi manuod.
"Oh my~" Napatingin ako kay Sabon, natapon yung shake sa damit niya.

"Ayan, hindi ka kasi nag iingat eh." Tumayo ako at kumuha ng tissue sa kusina.
"Hindi 'to pwede, I can use your bathroom? Ang lagkit kasi eh."
"Ah sige, gamitin mo na lang yung sa kusina." Tumayo siya, pagkatayo niya bigla niya'ng natapon sakin
yung hawak niya'ng shake. "Ah!"

"I'm sorry. I'm really sorry." Kinuha niya yung tissue tapos pinunasan ako. Pero pinigilan ko siya.
"Okay lang, maliligo na lang muna ako, may mga gamit naman dyan sa bathroom sa kusina, gamitin mo
na lang baba kagad ako." Umakyat na ko sa kwarto ko. Nilock ko yung pinto, feeling ko kasi sinasadya
niya yung mga nangyayari, baka gahasain ako nun.
Naligo na ako, kasi malagkit talaga. Nakakainis, mapapalaba pa ko kagad dahil baka langgamin 'tong
damit na natapunan. Tss.

*dingdong dingdong*
Ah, sino kaya 'yun? Binilisan ko yung paliligo tapos nag suot na lang ako ng pang ibaba, mamaya na ako
mag tshirt. "Pearly, sino yan?" Pagtingin ko sa pinto, parang nakita ko si Summer, pero bigla ding umalis.
Napating ako sa suot ni Sabon. "Bakit nakaganyan ka?"
"Ah, nilabhan ko kasi yung damit ko, tapos biglang may nag doorbell kaya isinuot ko muna 'to. Si
Summer pala yung nag doorbell." Huminga ako ng malalim.

"You... Bumalik ka na sa bathroom. Sige na." Sheet. Baka kung ano'ng isipin ni Summer sa nakita niya. I
should explain. Nagdoor bell ako sakanila. "Summer!" Binuksan naman niya kagad. Napatingin siya sakin.
"Pasensya na naistorbo ko ata kayo. Sorry talaga." Ah sheet wala pa pala ako'ng tshirt.
"Look Sum, it's not like what you think. Wala kami'ng ginagawa ni Pearly." Yumuko siya.

"Hindi mo naman kailangan mag paliwanag, kung ano mang ginagawa niyo sa loob labas na ko dun."
Pinunasan niya yung mata niya.
"Umiiyak ka ba?" Umiling siya, at inangat yung ulo niya. "Bakit?"
----------------------------------------------------------------------

Ckai's Note: Dalawang chapter na laaaaaaaaaang. OMG. Tatapusin ko muna 'to bago ang updates sa iba.
HIHIHI. ♥ Enjoy~

##################################

~~Revenge 9: Is this real or... dream?~~

##################################

Revenge 9: Is this real or... dream?


Summer's POV

AAAHH! Pesteng luha 'to ayaw tumigil. Ano naman Summer kung magkasama sila dun sa bahay ni
Dustin? Lalaki 'yun tapos girlfriend niya pa ang kasama. Nasa tamang edad na sila para malaman kung
ano ang tama at mali.
"Pero kasi naman! Ginagawa ba talaga nila 'yun? Lagot ka sakin Dustin! Kung kailan naman nalaman ko
na kung bakit ako nagkakaganito tsaka ka naman-"
*dingdong dingdong*

Pinunasan ko yung mga mata ko. Kung sino man yung sumisira sa break down ko, mamamatay. Chos!
Joke lang, baka si Dustin yan, syempre ayoko ko siya'ng mamamatay 'no.
"Summer!" Hala ka si Dustin nga. Lord joke lang po talaga yung kanina. Inayos ko yung sarili ko tapos
binuksan yung pinto.
Nagulat ako nang makita ko na top less si Dustin. Sheet. Don't tell me... "Pasensya na naistorbo ko ata
kayo. Sorry talaga." Ah. Bwisit. Bakit ba tumutulo ka na naman? Hindi ka ba mauubos. Yumuko ako para
hindi niya mahalata na umiiyak ako.

"Look Sum, it's not like what you think. Wala kami'ng ginagawa ni Pearly."
"Hindi mo naman kailangan mag paliwanag, kung ano mang ginagawa niyo sa loob labas na ko dun."
Pinunasan ko yung mata ko. Sheet. Ayaw talaga tumigil. Amp. Bakit ngayon pa?
"Uumiiyak ka ba?" Umiling ako, pero inangat niya yung ulo ko. "Bakit?" Kung sampalin kaya kita dyan!?
Tss. Ikaw kaya dahilan nito. Amp ah.

"Wala 'to, naghihiwa kasi ako ng sibuyas kanina. Ayun, ang hapdi nitong mata ko." Tinignan niya ako
mata sa mata.
*dug dugdug dugdug*
"Hindi ka naghihiwa ng sibuyas dahil alam mo'ng maiiyak ka. I know you Summer, now tell me why are
you crying?" Lumaban na din ako ng titigan sakanya.

"Kung kilala mo pala ako, edi dapat alam mo kung bakit ako umiiyak. Tss." Ngumiti siya, pero yung ngiti
niya hindi abot sa mga mata niya.
"Alam ko na. Tears of joy? Nagkabalikan na kayo ni Jason 'no?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Tears of jo-" Tapos biglang nag sink in sakin yung kasunod na sinabi niya. "Nagkabalikan kami ni Jason!?
Saang lupalop mo ng Earth nakuha yang balita na yan?"
"Hindi ba? I saw you kanina, magkayakap pa nga kayo eh." Kinuyom ko yung mga kamay ko.
"Hindi kami nagkabalikan..." Huminga ako ng malalim. "At hinding hindi mangyayari 'yun kasi I li-"

"Dustin." Napatingin kami kay Sabon. Ang epal mo. Magtatapat na ako eh. Psh. "Sorry Summy, can I
borrow my BOYFRIEND for awhile?" Tumango na lang ako at sinara ang pinto.
Sumandal ako pag kasara ko, tapos alam niyo yung parang sa drama? Parang nawalan ako ng lakas at
unti unting bumagsak ako sa sahig. Siguro hindi ko dapat sabihin kay Dustin kung ano man 'tong
nararamdaman ko. In less than two months naman aalis na siya. Alam ko naman eh. Rules ay rules.
Dapat nga hindi ko 'to nararamdaman.
*summer. summeR. summER. sumMER. SUMMER!*

Calling Mommy...
"Hello Mommy? Bakit po kayo napatawag?"

"Hindi ba ako pwede tumawag sa baby ko?"

"Mommy, hindi na po ako baby."


"Haha. Kahit matanda ka na baby pa din kita. How's my baby girl?"

"Mommy, kakatapos ko lang umiyak. Heheh. Last month umiyak din po ako ng ganito, pero feeling ko po
mas masakit yung ngayon..."

"Bakit? Sinaktan ka ba ulit ni Jason?"


"Hindi po. Mommy. I like him, sigurado po ako dun. Pero kasi hindi po pwede maging kami."

"Bakit? May asawa na ba siya?"

"Wala po. Pero aalis na po siya in less than two months. Hindi ko na po siya pwede ulit makita."
Nagsimula na namang tumulo yung luha. "Mommy, pwede ko po kayang ibalik yung oras? Yung panahon
na hindi ko pa siya nakikilala." Tumawa ako ng mahina. "Ano ba naman yung tanong ko. HAHAH."
"Baby..."

"Mommy, is it too much if I ask him to stop it and just stay with me?"

"Baby hindi kita masasagot kung hindi mo sasabihin sakin ang lahat." Hindi ako sumagot. Alam ko'ng
hindi ko pwedeng sabihin kay Mommy. "Baby, I'm going to tell you something pero don't be shock
okay?" Nag "hmm" lang ako as an answer. "Baby, we own the Heartbeaker Academy." Napatingin ako sa
cellphone ko. Chineck ko kung si Mommy talaga kausap ko.
"Mommy? I don't know kung paano niyo po nalaman ang tungkol sa heartbreaker..."

"Summer, I'm serious. Dustin told me that you are unstable right now that's why I called you. Honey, si
Dustin tama ba?"

"Mommy..."
"I need to go baby, I'll call you again tomorrow."

"Mom-" tutut na lang ang naririnig ko.


Teka, hindi ko pa masyado maprocess kung ano yung sinabi ni Mommy... Siya ang owner ng
Heartbreaker Academy? Paano nangyari 'yun? Oo alam ko may school na pag aari sila Mommy, pero...
Hindi ko inisip na katulad ng... This make me crazy. Alam ni Dustin na kami ang may ari ng school pero
hindi niya sinabi sakin... Hindi kaya sa simula palang alam na niyang si Mommy ko ang may ari kaya
pumayag siya'ng siya muna ang magbayad?

*dingdong dingdong*
Tinignan ko muna sa pinhole kung sino yung nag doorbell. Si Dustin. Bubuksan ko ba o bubuksan ko?
"Bakit?" Sigaw ko mula sa loob.
"Let's talk." Kinawit ko yung chain lock nung pinto tapos binuksan ko. Bali hindi mo maoopen ng todo
yung pinto dahil sa chain lock. "Hindi mo manlang ba ako papapasukin?" Hindi ako sumagot. "Pearly told
me she loves me." Sinara ko yung pinto at tinanggal yung chain lock tapos binuksan ko ulit. "Bakit parang
hindi ka masaya? It's a good thing right?" tumingin ako sa paanan ko.

"Hindi. Ano kasi." Hindi ko mahanap yung tamang word. Hindi na revenge yung gusto ko. Wala na nga
ako'ng gusto'ng mangyari eh. Kasi okay na naman kami ni Jason. "Bahala ka na sakanya." Tinignan ko
siya, yung itsura niya yung parang nagtataka. "You did a really good job. Okay na yung trabaho mo. Okay
na kami ni Jason kaya hindi mo na kailangan pa'ng magtrabaho sakin." Pinilit ko'ng ayusin yung
pakikipagusap ko sakanya, kahit nahihirapan ako.
"Dinidismiss mo na ako? Why!?" Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung hamba ng pintuan. "Hey
Summer, 3 months ang usapan natin. We're just almost two months."
"Pwede naman kitang idismiss kahit kailan ko gusto 'di ba? Don't worry, babayaran daw ni Mommy yung
150,000 na binayad mo nung una." Siya naman yung nagulat sa sinabi ko. "My Mom told me everything.
Alam ko na alam mo na si Mommy ang may ari ng school mo."

"Summer, I want to tell you about it but your mom-"


"I understand. Simula bukas hindi mo na ako master, bahala ka na kung ano'ng gusto mo'ng gawin.
Itatawag ko na lang sa office niyo na ididismiss na kita." Napansin ko na humigpit yung hawak niya sa
hamba.
"Summer, ganun na lang ba 'yun? Pagkatapos mo ako'ng gamitin ganun na lang?" Napalunok ako. Ayan
na naman yung nakakatakot na aura niya.

"What? Gamitin? I hired you para gamitin you agreed with it binayaran kita para gawin 'yun." Inangat
niya yung index finger niya tapos parang nag no sign.
"Uh uh. Hindi ka pa bayad. Hindi ko pa natatanggap yung bayad ni Mommy mo. Plus bukod dun muntik
na makuha ang puri ko kanina." Tinaasan ko lang siya ng kilay. Yung puso ko sigaw na ng sigaw tapos
parang may popcorn na niluluto yung may pumuputok putok pa.
"Wag mo ako'ng tignan ng ganyan. Tsaka wag ka'ng mag alala bibgay na ni Mommy 'yun bukas."
Hinawakan niya ako sa braso.

"I don't care about the money, I just want to stay with you until the contract end." Tinitigan ko siya. "I
want to confirm something."
"A-a-ano 'yun?"
"It's for me to know and for you to find out." Kumindat siya sakin. Hindi ko na 'to kaya. Sheet.

"Dustin, please wag mo na tapusin yung contract. B-b-baka..."


"Baka ano?" Lumapit siya sakin.

"Baka..." Kapag nagtagal ka pa baka lalo ako'ng lumala at hindi na kita kayang pakawalan pa. "Baka..."
Lalo siya'ng lumapit sakin. "Stop."
"What?" Idinikit niya yung noo niya sa noo ko. "Summer I think..." Napalunok ako. Hindi ko maialis ang
tingin ko sa mga mata niya. "I think I like you..." And he slowly landed his lips on mine. Is this real or...
dream?
*DUGDUG DUG DUGDUG DUG DUGDUG*

---------------------------------------------------------------------------------

Ckai's note: Last one and pop it became coco crunch. chos. hahaha. isa na lang tapos na. Medyo mahaba
yung last chapter kasi.... kasi.... kasi.... kasi last na 'yun kaya dapat medyo bongga! HEHEH. See you at
the ending guys. Sana yung mga readers nito (kung meron man, bukod kay crazygirlshara hihi)
magparamdam sa ending. Hihintayin ko comment niyo okay? :))))
##################################

~~Revenge 10: I love you! Merry Christmas! (Fin)~~

##################################

[A/N: Sorry kung natagalan ito~ T.T Ang epal kasi ng MS Word namin eh. Biglang hindi na gumana. Tsaka
medyo busy din po. So medyo walang kilig factor ako'ng naramdaman, malamang kayo din. Pag
pasensyahan niyo na po. Nawala yung una ko'ng naisip na ending eh. Feeling ko naaalala ko pa siya, pero
kahit ano'ng gawin ko'ng pag alala wala. Nakakainis lang. Sorry kung madidisappoint ko po kayo sa lame
na ending ko. pero pag tyagaan niyo na lang po. :))

-Ckai ♥]
Revenge 10: I love you! Merry Christmas! (Fin)

Dustin's POV

"Dust-" Bigla ako'ng naitulak ni Sum nang may nag salita. "Oh my. Tell me I saw it wrong right?" Hinatak
ako ni Pearly palayo. "I didn't know na kaya mo'ng mang agaw ng boyfriend." Pipigilan ko sana si Pearly
kaya lang nasampal na niya si Summer.
"Pearly!" Humarang ako sa pagitan nila. "Stop it. I kissed her. It's not her fault." Tinignan niya kami ng
masama.

"What now? You're crying kasi guilty ka? You seduced my boyfriend right in front of me." Napatingin ako
kay Summer, umiiyak nga siya. Sheet.

"Look Pearly, I'm sorry."


"Bakit ka nag sosorry? Tss." Hinatak ko siya papasok ng bahay niya, inupo ko siya sa sofa. "Don't move I'll
be right back." Nilabas ko si Pearly.

"This is really insulting Dustin." Huminga ako ng malalim. "Kailan pa 'to?"

"Pearly, it's not what you think- Ah!" Nagulat na lang ako ng sinampal niya ako.
"I thought you're different. Pare-parehas lang kayo."

"He is different." Napatingin kami kay Sum. "How does it feel? Being betrayed. Masakit 'di ba?"

"You!" Dinuro ni Sabon si Summer. Humarang ulit ako pero hinawi ako ni Sum. "Ano ba talagang gusto
mo? Bakit mo inaagaw ang boyfriend ko!?"
"Tanungin mo muna kaya si Dustin kung girlfriend ang tingin niya saiyo?"

"Sum..." Tinignan niya ako tapos ngumiti.

"Okay na ko Dust." Huminga siya ng malalim. "Sorry Pearly, ayaw ko na sana umabot sa ganito eh. Pero
total nandito ka na sasabihin ko na."
"Summer! That's against the rules!" Hinawakan ko siya sa braso, yung tingin niya parang wala na siya'ng
pakialam sa mga mangyayari.

"Did you plan this Summer?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Oo, eh ano naman? Sakit 'no? Ganyan din ako few months ago eh. Ang pag kakaiba lang, ako nawalan
lang ng choice kaya ko 'to nagawa, pero ikaw wala ka din ba'ng choice that time?"
"What do you mean? Are you saying that I also planned what happened before? Jason planned those,
the betting and everything." Nanlaki parehas yung mga mata namin Sum, whoa. May pustahang
involve!?

"Wait, what are you saying? And can't you see I'm here?" Singit ko. Tumingin ako kay, Sum. Namumuo
na naman yung mga luha sa mata niya. "Sum, you should go inside, I'll handle everything."

"No." Sinampal niya si Pearly. "Huwag mo nga'ng siraan si Jason, nakapag usap na kami kanina and he
never mention yang sinasabi mo." Gaganti din dapat ng sampal si Pearly, pero napigilan siya ni Sum.
"Dustin is breaking up with you. I will say sorry pag okay na ako, so will you please... Umalis ka lang sa
harapan ko."
"How dare you!? You're not Dustin, wala ka'ng karapatan na sabihin yan." Nagtitigan sila na parang may
electric current na dumadaloy sa pagitan nila.

"Dustin, pwede huwag mo na hintayin na utusan pa kita." Pumagitna ako sakanila at hinarap si Pearly.

"Let's end this, everything is just an act. We're not supposed to say this but I'm really sorry- Aw!"
Napahawak ako sa pisngi ko.
"Jerk! Magsama kayo niyang nerd na yan! Stupid!" Inirapan niya pa kami bago tuluyang umalis.
Napatingin ako kay Sum, nasa pintuan na siya ng bahay niya. "Hey Sum!" Pigil ko sakanya.

"You can go, wala na ako'ng energy Dustin." Sabay sara ng pinto.

Ganun na lang 'yun? Seryoso ba siya tungkol sa pagterminate ng contract? Pero wala pa'ng three
months? Tsaka parang hindi ko kaya, ngayon pa na... na... I feel something nice. Yung feeling na, parang
ayaw mo ng matapos yung oras pag kasama mo siya? Tapos para ka'ng nasa roller coaster, may
mararamdaman ka'ng lula sa tummy mo. O kaya parang may popcorn na niluluto sa dibdib mo. Ang
korni. Sa mga libro ko lang nababasa yung mga ganitong feeling everything is new, pero alam ko na
kagad kung ano'ng ibig sabihin.
*beep*

From: Heartbreaker Academy

Your contract with Ms. Summer Danielle Antonio has been terminated. Please report in the office ASAP.
Congratulations for having a high rating!

Wow. Hindi ko ineexpect na ganito kabilis. Seryoso talaga si Summer sa pag terminate ng contract. Alam
naman niya siguro na after nito hindi na kami pwede magkita ulit. Parang may tumutusok sa dibdib ko.
Masakit, pero wala ito ang gusto ni Sum.
"Kuya, bakit andyan ka sa labas?" Napatingin ako kay Rain. "LQ kayo ni Ate? HAHA."

"Ah hindi, sige mauna na ako." Iniwanan ko siya'ng nagtataka.

*kriiiiiing kriiiiiiing*
Calling Mrs. Antonio...

Summer's POV
"Yes, please. Yes he really did a good job. Okay. Thank you very much."

Sa pag patay ko ng phone ko, feeling ko pinatay ko na din yung puso ko. Ang sakit eh. Tanga ko ata, hindi
ko naman kailangan iterminate kagad yung contract. Kung tutuusin chance ko nay un para mas
makasama pa siya, pero kasi naisip ko din na kung magtatagal pa baka ako pa ang mahirapan. Pero
kanina sinabi niya na baka gusto niya daw ako 'di ba? Hay naku, naguguluhan na ko. Pero nakapagdecide
na ako move on na lang. Hay.

"Ate, pumasok na ko." Napatingin ako kay Rain. "Hala ka, may LQ nga kayo ni kuya Dustin?" Pinahiran ko
yung luha ko.
"Ano ba'ng sinasabi mo? Tsaka sino si Dustin? Napuwing lang ako 'no."

"Napuwing ka sa loob ng bahay? Ayos yan ah." Nilapag niya yung dala niyang plastic bag sa center table.
"Kunwari pa 'tong si Ate, ano pinag awayan niyo ni Kuya Dustin?"

"Hindi ko nga kilala yang sinasabi mo." Umupo ako at kinuha yung piatos na dala niya. Nakatingin lang
siya sakin na nagtataka. "Bakit?" Sabay subo ng piatos.
"Mukhang malala yung pinag awayan niyo ah?" Tinignan ko lang siya ng masama, hindi na siya nag salita
pa.

"Ano pala ginagawa mo dito?"

"Wala, pinapunta ako dito ni Mommy eh. Baka daw kasi maglaslas ka." Ngiting aso lang sinagot ko
sakanya. "Tsk. Ate naman, parang ibang tao naman ako niyan. Ano ba kasi nangyari?"
"Wala nga, dyan ka na nga. I-lock mo yang pinto pag alis mo o kung dyan ka man matutulog."

Pag akyat ko sa kwarto, binuksan ko ulit yung phone ko. Tatawagan ko ba siya o tatawagan ko? Ang
tanga ko naman kasi eh. Tawagan ko na kaya? Baka naman... Ah hindi na talaga. Move on Sum,
mangyayari naman talaga 'to eh. Mas mabuti na na tinapos mo nakagad, mas lalo ka'ng masasaktan pag
pinatagal mo pa.

"Tama tama." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.


Kakatok ba ako o kakatok? Hindi ako nakatulog buong magdamag kakaisip sa nangyari kagabi, sana nga
panaginip na lang 'yun. Yosh! Dapat makapag usap muna kami, kakatok na ako.

*tok tok*

"Dus... Sino po kayo?" Nanlaki yung mata ko, dahil matandang lalaki yung nagbukas. Hindi naman super
tanda yung parang mga nasa 40s na. "Nasaan po si Dustin?"
"Ah yung dating nakatira dito? Hindi ko alam hija, nagulat na nga lang ako nung nakita kami nung
bata'ng 'yun sa ilalim ng tulay kagabi, sinabi bibigyan daw kami ng bahay." Napakurap kurap ako sa
sinasabi ni Manong.

"Ibig sabihin kayo nap o nakatira dito?"

"Oo hija, hindi nga kami nakapagpasalamat ng maayos sa batang iyon, dahil umalis siya kagad
pagkahatid niya samin dito."
"Ganun po ba, sige po mauna na po ako."

"Naku Sum, tawagan mo na kung tatawagan mo na. Malulusaw na yang phone mo kakatingin oh."
Tinignan ko ng masama si Lheine. "Tss. Alam mo hindi ko alam kung ano pinag awayan niyo ah, pero
naiinis ako kasi bakit niya kailangan mag transfer ng school? At agad agad ha? Wala man lang pasabi."

"Hindi kami nag away 'no! Kailangan niya lang talaga umalis na... At kasalanan ko kung bakit napaaga
'yun." Halos pabulong ko'ng sabi sa huling linya. Niyuko ko ulit yung ulo ko, at nag mukmok.
"Tawagan na kasi, ang arte arte pa." Kinuha niya yung phone ko, at may dinial. "Ah Dust... Subscriber
cannot be reach? Bakit kaya?"

"Wag mo na kasi tawagan, hindi na babalik 'yun. Tss." Hinatak ko sakanya yung phone ko at yumuko na
ulit. Hinga ng malalim, nakita ko si Pearyl papunta sa direksyon namin, iginawi ko sa iba'ng direksyon
yung ulo ko. Badtrip.
"Hoy malanding babae, ano naman ang inutos mo kay Dustin at bigla siya'ng nag transfer ng school!?"
Inangat ko yung ulo ko, tapos pinakita ko sakanya na wala ako'ng interes na kausapin siya. "Grr.
Humanda ka, pag nalaman ko'ng may kinalaman ka lagot ka sakin." Tinanguan ko lang siya, nainis ata
kaya umalis na kagad.

"Ano'ng problema nun? Tsaka sila na ni Dustin 'di ba?" Tinignan ko si Lheine with a serious face.

"Break na sila..."
[few months later... December 24th 20xx 11:59:50]

"10...9....8...7...6...5...4...3...2...1... Merry Christmas!" Kumiss ako sa pisngi ni Mama at Daddy. "Merry


Christmas po. I love you Dad, I love you Ma."

"Baby, may nag papabigay saiyo." Kinuha ko yung box na inaabot ni Mama. "Galing sa isa sa mga
estudyante namin." Nginitian lang ako ni mama ng nakakaloko. Tss. Si Mama talaga.
To: Summer Danielle Antonio

Merry Christmas!

From: Dustin Parker

Nagulat ako nung nakita ko yung pangalan niya. Ilang buwan ako'ng naghintay ng tawag galing sakanya,
pero wala. Inisip ko na lang na dahil sa contract kaya hindi niya ako kinokontak. Kahit minsan din hindi
nag krus ang mga landas namin. Si Mama, tuwing bubuksan niya ang topic tungkol kay Dustin
nagkukunwari ako'ng hindi ko naririnig o kaya iibahin ko yung usapan. Mabilis lumipas yung panahon,
hindi ko nga napansin na ilang buwan na. Madaming nag bago, hindi na ko tinuturing na nerd sa school,
wala na kasi ako'ng salamin. Hindi ko nga alam kung bakit nerd ang tawag sa mga nakasalamin. Anyway,
madami mang nag bago sakin, pero ang puso ko... Iisang tao pa din ang sinisigaw. Ewan ko ba, hindi ko
na nga siya nakikita pero tuwing maalala ko yung mga panahon na magkasama kami. Kahit sa saglit na
panahon na 'yun na maalala ko yung puso ko bigla na lang tumatalon sa tuwa.
Abnormal nga siguro ako. Madami din sumubok na pumasok, pero hindi talaga sila eh. Siguro kasi
umaasa pa din ako na baka sakaling bumalik o magkita ulit kami. Minsan nga nasa mall ako, may nakita
ako'ng kamukha niya hinabol ko pa 'yun, kasi akala ko siya talaga.

"Tititigan mo lang ba yan?" Hindi ko pinansin si Mama. "Lumabas ka na nga lang, dali kanina pa nag
aantay 'yun saiyo sa labas. Tagal mo kasing buksan eh." Tinignan ko si Mama, yung tingin na parang
'weh?' pero nginitian niya lang ako at pinag tulakan na lumabas.

Pagdating ko sa gate nakita ko si Lheine. "Ano'ng ginagawa mo dito?"


"Wow, hindi ba pwede'ng Merry Christmas ang isalubong mo sakin? HAHAH. Merry Chirstmas bff. At
dahil dyan may regalo ako saiyo." Naglabas siya ng isang rosas. "Actually, hindi sakin galing 'to. Sa isang
taong epal. HAHAHA. Biruin mo pagpatak ng 12:01 hinatak na kagad ako papunta dito. Muntikan ko ng
hindi mabati ng Merry Christmas ang family ko. HMP! Anyway, pumunta ka sa park nitong subdivision.
May makikita ka dun." Hindi pa ako nakakareact sa sinabi niya itinulak na niya kaagad ako papalayo
sakanya.

"Pearly?" Inirapan niya kaagad ako. "Merry Christmas." Mahina ko'ng sabi, siya kasi yung naabutan ko
dito sa park.

"Merry Christmas." Pasuplada niya'ng sabi. "Oh, pumunta ka sa childrens park." Inabutan niya ako ng
dalawang rosas. "Bakit ba ako nadamay dito?"
"Salamat?" Pagkasabi ko nun pinagtabuyan na niya ako. Naku naman sumasakit na yung paa ko ah.

"Merry Christmas Summer!" Napatingin ako sa sumalubong sakin sa childrens park.

"Jason." Kinuha ko kagad yung tatlong rosas na hawak niya. "Napapagod na ako ha, asan ba talaga yang
si Dustin?"
"Dustin? Nandito ba siya?" Tinignan ko ng maigi si Jason, mukha namang hindi siya nag sisinungaling.
"Anyway, may isa pa ako'ng surprise, pero kailangan mo'ng isuot ito." Naglabas siya ng isang eye mask.

"Ano gagawin ko diyan?"

"Ipangtatakip sa mata? HAHAH. Anyway, wag na matanong. Ito na yung sundo natin." Tinignan ko yung
sundo'ng sinasabi niya. "Cool 'di ba? Pinoy style." Inalalayan niya ako'ng makasakay sa kalesa. Oo
kalesa. "Manong, tara na!" Bago kami tuluyang makalarga isinuot na niya sakin yung eye mask. "Wag
ka'ng sisilip ha?" Tumango na lang ako.
May ilang minuto din siguro kami'ng nakasakay dun at umaandar. Walang nag sasalita samin, ang
tahimik nga eh. "Jason, malayo pa ba tayo?"

"Malapit na." Nanigas ako bigla sa pwesto ko. Hindi boses ni Jason 'yun.
Dustin's POV

"Thank you very much Ma'am, I'll promise you won't regret this." Niyakap ko si Mrs. Antonio.
"I know, and I'm sure about it. Nagkita na ba kayo ulit?" Ngumiti ako atsaka umili. "Why?"

"Gusto ko po mamiss niya ako ng sobra, unfair po kaya yung ginawa niya."

"Mga bata talaga ngayon oh. Ikaw ang bahala, pero wag mo ako sisisihin kung mahuli ka na ha? Ginusto
mo yan. Alam mo ang usapan natin."
"Yes, Ma'am."

Ilang buwan na nga ba nung huli kami'ng magkita? Hindi ko na din matandaan. After nun, tinapos ko
lang yung semester sa Heartbreaker Academy at lumipat na ako ng iba'ng school. Bakit ko ginawa 'yun?
Syempre, kung mag stay pa ako dun, hindi ko na talaga makikita si Summer, although pinayagan naman
ako ni Mrs. Antonio, pero kasi unfair kasi 'yun sa iba'ng student ng school na sumusunod sa rules. Tsaka
hindi naman porque hindi kami nagkikita ibig sabihin hindi ko na nga siya nakikita. Nakikita ko naman
siya pero syempre invisible ang drama ko.

Nag kaayos na kami ni Pearly, Jason at si Lheine na galit na galit nung nawala ako bigla. Hindi ko naman
sinabi sakanila yung totoong nangyari, syempre kahit wala na ako sa school, rules are still rules.
Christmas na at syempre may pakulo ako. Hehe. Kasama ko sila Lheine, although hindi naman ako yung
tipo ng tao na magaling sa surprises I'll take my chances. Wala namang mawawala kung itatry ko 'di ba?
Tsaka ramdam ko naman na hindi pa huli ang lahat para samin ni Sum. Ramdam ko talaga promise!
HAHAH.

"Merry Christmas po." Pagkabati ko sa family ni Lheine, hinatak ko na kagad siya. Kailangan na namin
makapunta sa bahay ni Sum.

"'To naman kung makamadali, nandun na ba yung dalawa?" Tumango lang ako, at nagtuloy tuloy lang sa
pag lalakad.
"Bahala ka na ha?" Iniwanan ko na siya at kinuha yung pinakamodernong sasakyan na nakita ko. Joke
lang.

Naghintay ako sa sa last stop, nakasakay sa nirentahan ko'ng kalesa. Oo na, ang korni. Napanuod ko lang
'to somewhere eh. Yung mga babae mahilig daw sumakay dito kasi feeling nila Prinsesa sila.

"Jason." Napatingin ako sa direksyon nila Jason. "Napapagod na ako ha, asan ba talaga yang si Dustin?"
Napangiti ako nung narinig ko'ng sinabi niya yung pangalan ko. Ngayon ko na lang ulit narinig yun!
"Dustin? Nandito ba siya? Anyway, may isa pa ako'ng surprise, pero kailangan mo'ng isuot ito."

"Ano gagawin ko diyan?"

"Ipangtatakip sa mata? HAHAH. Anyway, wag na matanong. Ito na yung sundo natin." Ibinaba ko yung
salakot ko, yung medyo takip na yung mukha ko para hindi niya ako makita. "Cool 'di ba? Pinoy style.
Manong, tara na!" Bago kami tuluyang makalarga isinuot na niya yung eye mask kay Sum. "Wag ka'ng
sisilip ha?"
Tinignan ko kung talaga'ng nakapiring na si Sum, nung sigurado na 'ko. Inalis ko na yung salakot ko,
tapos sinenyasan ko na yung talagang kutsero. Dahan dahan kami'ng kumilos ni Jason para makababa
siya at makalipat ako sa pwesto niya. Mukhang hindi naman nakahalata si Sum, kaya tinapik ko na si
Kuya'ng Kutsero para umalis na kami. Hindi ako nagsasalita, tinitignan ko lang siya. Ang ganda niya pa
rin, hindi pa rin siya nag babago.

"Jason, malayo pa ba tayo?" Tumingin ako sa paligid namin. Okay, konti na lang nasa tamang spot na
kami.

"Malapit na." Naramdaman ko na nag stiff siya sa pag kakaupo niya.


"Sino ka? Hindi ka si Jason!" Tatanggalin na sana niya yung eye mask niya, pero pinigilan ko.

"Hindi pa pwede." Hinawi niya yung kamay ko, pero hindi naman niya tinanggal yung eye mask.

"Naku, Dustin. Kung ano man 'tong pakulo mo, siguraduhin mo'ng hindi mo masisira ang pasko ko. Kung
hindi..."
"Kung hindi... ano?" Hindi siya sumagot, kinagat niya lang yung labi niya. Sakto naman huminto na yung
kalesa. "Nandito na tayo." Pinababa ko muna yung kutsero tsaka ko tinanggal yung eye mask niya.

"Niloloko mo ba ako? Bahay namin 'to eh!" Nginitian ko lang siya, at tumango. Tinitigan niya ako ng
masama. "Kung magpapakita ka sakin, pwede naman sa medaling paraan eh! Bakit nag pakahirap ka pa
ng ganun?"

"Hindi ko din alam eh. Parang tanga lang 'no?" Hindi ko inaalis yung tingin at ngiti ko sakanya.
"Oo, ang tanga tanga mo!" Pinalo palo na niya ako sa dibdib. "Nakakainis ka. Tang aka talaga."
Hinawakan ko yung dalawang kamay niya na pumapalo sakin.

"Masakit na ha?" Sabi ko, yung pinakamalambing ko na boses. Tinitigan ko siya at sinabing... "Handa
ako'ng magpakatanga para saiyo, ganun naman talaga pag mahal mo yung isa'ng tao 'di ba? Kahit nag
mumukha ka'ng tanga, masaya ka naman... Yung tipong handa ako'ng makipag habulan sa mall para lang
maiwasan kita at hindi mo na ako makita. Yung tipong lalapitan yung ex mo para malaman kung ano
yung mga gusto at ayaw mo o kaya mag drop sa school para makasama ka..." Napatingin siya sakin.
"Sorry, ikaw naman kasi may gusto na umalis ako eh."
"Sabi mo nga, pag nagmamahal ka handa ka'ng magpaka tanga. Alam ko naman kasi na hindi rin
magtatagal mawawala ka din sakin eh." Tumalikod siya sakin. "Pero yung totoo? Nag drop ka talaga?"

"Bakit hindi mo ko tignan habang tinatanong mo yan? Pano mo malalaman kung seryoso ako." Hindi pa
rin siya tumitingin kaya ako na ang lumapit at iniharap siya sakin. "Bakit ka umiiyak?" Niyakap niya ako
bigla. "Sum..."

"Shit naman kasi eh! Ang tagal ko 'tong inintay. Bigla ka na lang kasing nawala. Hindi ka man lang nag
paalam. Hindi mo man lang ako kinausap." Lalo'ng humigpit yung yakap niya. Hinalikan ko siya sa noo.
"I love you, Sum. Promise hindi na ako aalis."

"Ahem." Napatingin kami sa harapan ng bahay nila Sum. "Pwede mamaya na kayo mag landian? It's
time." Sabi ni Lheine.

Hinatak ko si Sum sa gitna ng garden nila. "Tumingin ka lang sa taas... 3... 2... 1..."
"Oh my~ Ang ganda!!" Napayakap siya sakin. "Si Jason nag sabi saiyo na mahilig ako sa firework 'no?"
Nginitian ko lang siya at pinanuod na din ang fireworks. Nung mapansin ko'ng nakatingin na ulit siya sa
itaas. Tinitigan ko na lang siya. Ang maganda niya'ng ngiti, tsaka ko pasimpleng nilagay yung isa ko'ng
kamay sa bewang niya at tumingala. Ninanamnam ang bawat sandali.

"I love you, Sum. I always do." Bulong ko habang patuloy na pinapanuod ang fireworks. Naramdaman ko
yung kamay niya nasa bewang ko na din

"Minahal din kita." Napatingin ako sakanya. Past tense kasi yung sinabi niya eh. Nakatingin na din siya
sakin. "Pero mas mahal na kita ngayon." Hinalikan niya ako sa labi. Hindi man matagal, katulad nung na
una... Ramdam ko naman yung pagmamahal niya. "Sorry kung kinailangan mo'ng i-give up yung pag
aaral mo sa heartbreaker dahil sakin." Kinurot ko yung ilong niya.
"It's worth it. I don't regret anything. And for me it's not heartbreaker anymore. I found you because of
it."

"So ano gusto mo palabasin?" Nginitian ko siya.

"We should call it... Heartfounder?" Nilamukos niya yung mukha ko.
"Korni mo! Buti na lang mahal kita kahit ganyan ka." Kiniss ko siya ulit, tapos hinawakan ko yung kamay
niya.

"I love you, too."

"Hoy tama na yan! Nilalanggam na kayo oh!" Napatingin kami sakanila, lahat pala sila nanunuod samin
at vinideo-an pa kami ng Daddy ni Sum!
"Daddy! Turn it off!"

"Why? It's so sweet~ Sorry honey, I should upload this on Youtube right now." Mukhang seryoso yung
daddy ni Sum, bigla kasing pumasok sa bahay nila.

"Ma! Pigilan mo po si Daddy!"


"Merry Christmas, honey!" Kiniss lang ni Tita si Sum at sumunod na din kay Tito. Bigla naman ako'ng
pinalo ni Sum.

"Hey! Do something!" Nginitian ko lang siya at...

"I love you! Merry Christmas!" :*


-FIN-

##################################

~~ANNOUNCEMENT NI MS. AUTHOR~~

##################################

I will be giving away ONE hard copy of this story.

It was supposed to be Marriage Contract at He's a SHE. Pero kasi sobrang haba daw nun hindi kaya nung
magpiprint. Anyway, when I said hard copy... I will publish it as a book. As in BOOK. So, anyone
interested? I will post the details later kung makakakuha ako ng response. I need at least 5 na
interested. :)
Comment below yung mga interested~~ I'll be waiting. :)

##################################

~~ANNOUNCEMENT: HARD COPY GIVEAWAY~~


##################################

Hello! Since I really want to push this giveaway ito na po yung details.

Hard copy details:

1. Introduction. (Why did I wrote this story, who inspired me and other eklavu.)

2. A total of 90pg.

3. You'll be experiencing a different way of reading this. It's not like the other book na back to back. :)

4. Different cover.
How to participate:

1. You don't need to be my follower/s.

2. Message me here your complete details. (Name, address, contact no. and email address.)

3. Comment here why do you like/love this story and why do you want to have the hardcopy.

So best comment will win. :)


Wala munang deadline, so take your time. By last week of June or first week of July ko pa makukuha
yung book. So until wala pa kong sure na date, open po ito. Everyone can join. :)

I will post more details about sa book once natapos ko na yung mga gusto ko pang gawin. If this will be a
success, I'll probably do something like this again. Pero since medyo mahal ang self publish mag iipon
muna ako o kaya hahanap ng sponsors. HAHAH.

PLEASE CHECK THIS FROM TIME TO TIME for changes. :)


##################################

~~GIVE AWAY ANNOUNCEMENT: THIS IS IT PANCIT!~~

##################################

YES! Finally after 1633430133 years.

i-PUSH and PULL na natin 'to!

Ito na nga. Una ko nang sinabi na ISA lang ang ipamimigay ko, pero I changed my mind. Since December
ang tapos ng giveaway na ito, magiging generous na ako. :)

I'll be giving away THREE BOOK COPIES! YES! Tatlo na siyaaa! :)))
Pero six talaga ang ipapaprint ko, the other three copies are for me and my bffs from TeenTalk to here in
Wattpad. Kung sino sila... ABANGAN.HAHA.

Pero! Baka madagdagan yan, baka makakita ako ng sponsor na willing mag donate. Heheh. Malay niyo.

Hard copy details:

1. Introduction. (Why did I wrote this story, who inspired me and other eklavu.)

2. A total of 100pgs. (I include the prologue of the BOOK TWO)

3. It's made of either white or brown paper. But 80% na brown paper na talaga siya. (I told you this is not
your regular book. ^_^)

4. A new and different book cover. (Yes! Nag pagawa ako ng new book cover for this! ^_^)
5. Dedication and sign at the end of the book. (Feeling ko sikat ako eh. Every book iba-iba ang
dedication. Parang response ko sa magiging messages niyo sakin. And handwritten siya! Hehe)

How to participate: THREE BOOK COPIES

1. You don't need to be my follower/s.

2. Message me here your complete details. (Name, address, contact no. and email address.)

3. Comment/PM me here (or in my facebook account not the fan page) why do you like/love this story
and why do you want to have the hardcopy. (http://www.facebook.com/ckaichenii)

4. Best comment will win. :)


Criteria for judging: Wala eh, nag mamaasim. Haha.

80% Content

20% Sincerity

And pala! I will be giving away ONE Heartbreaker.com Tee! Yey! Sponsored by @sphinxliketees
(instagram shop)!! (Photo sa gilid! ^_^)

How to participate: ONE HEARTBREAKER.COM TEE

Lahat ng sasali automatic na may chance na for this prize.I'll be picking it by drawlots.
I will be giving a head ups for those who add this on their Reading list.

The following are automatically included in the drawlots:

chawanna10

keren00

AgentVioLet11

foreverNOTalways

BeybieBoo

ItsRina25

Daiseng
crazygirlshara (I'll be giving her THREE slots for this. Kasi she is my favorite reader. Laging nag
kocomment! ♥)

youmakemeasdfghjkamx

sleepyheadedpig (dahilan kung bakit ko pinost kagad ang HB.)

IsCrazyInLove (siya din)

ColeeJiKyun (at siya din.)

GIVE AWAY DURATION:

OCTOBER 10-DECEMBER 25, 2013

ANNOUNCEMENT OF WINNERS

DECEMBER 31, 2013


PLEASE CHECK THIS FROM TIME TO TIME for changes. :)

##################################

~~UPDATE: GIVEAWAY BOOK COPY ONLY (FINAL DATE)~~

##################################

Sample photo nasa gilid po. :D

Hard copy details:


1. Introduction. (Why did I wrote this story, who inspired me and other eklavu.)

2. A total of 100pgs. (I include the prologue of the BOOK TWO)

3. White paper. (Failed ang brown papar. Pero maganda pa din naman kinalabasan. :D)

4. A new and different book cover. (Yes! Nag pagawa ako ng new book cover for this! ^_^)

5. Dedication and sign at the end of the book. (Feeling ko sikat ako eh. Every book iba-iba ang
dedication. Parang response ko sa magiging messages niyo sakin. And handwritten siya! Hehe)
How to participate: FIVE BOOK COPIES

1. You don't need to be my follower/s.

2. Message me here your complete details. (Name, address, contact no. and email address.)
3. Comment/PM me here (or in my facebook account not the fan page) why do you like/love this story
and why do you want to have the hardcopy. (http://www.facebook.com/ckaichenii)

4. Best comment will win. :)

Criteria for judging: Wala eh, nag mamaasim. Haha.


80% Content

20% Sincerity

GIVE AWAY DURATION:

OCTOBER 10-NOVEMBER 27, 2013

ANNOUNCEMENT OF WINNERS
NOVEMBER 27, 2013

PLEASE CHECK THIS FROM TIME TO TIME for changes. :)

Regarding for selling copy... Pag madami pong nag request, baka tumanggap po ako ng minimal count na
papayagan kong bumili. Price may range to 250-300 including shipping fee. So ayun! ^_^

##################################

~~[1]~~
##################################

KUNG MAY GRAND WINNER MALAMANG ITO ANG PANALO. :)

ENTRY OF IoriKaze

First, nagustuhan ko pa rin 'yung story even though ang start niya ay medyo cliche na kasi marami ng
kagaya but as you continue to read the story, mas nakakaenganyo ito basahin and hindi ito katulad ng
ibang storya na may ganitong simula din na ang sakit sa mata kung basahin dahil sa sobrang informality
ng sulat at may mga emoticons pa and that's why I like this story more. Maayos pagkakasulat nito at
hindi gaano karaming typo, konting edit lang ay sapat na para maging perpekto ito. Hindi rin siya 'yung
klase ng story na ngayon ay karamihan sa wattpad ay maraming spaces tapos ang iikli ng bawat update
ng chapter so kung noon ay binasa ko ito habang nakasubaybay na mag-update ay hindi ko magagawang
sabihan na nasayang lang ang hintay ko. Ang masasabi ko pa ay 'every chapter is worth the wait', haha!
Tapos kahit obvious na ang ending na alangan magkakatuluyan sila breaking the last rule the contract
but still, matutuwa kang basahin pa rin ito dahil sa humor nito at dahil hindi ka mabobored basahin ito.
Bukod pa dito ay maganda pa rin naman ang plot ng story. Halatang pinaghirapan gawan ng originality at
hindi gayahin ang ibang story which made me really like this story. Hindi ko rin alam kung bakit but as I
continue to read this, my like for this story had became love. So yeah, I love this story and it will also be
an unforgettable one. So do keep up the good work Ms. Author!
Sumali ako dito sa give away na ito dahil gusto ko lang actually. So yeah, ngayon ko nga lang 'to binasa
eh so I can write something about it but for now, parang nahihiya ako para ayun ang maging dahilan ko
para sumali dito. Nahihiya ako dun sa mga readers mo na worth it talaga makuha yung mga prize sa give
away but now, I badly want a hard copy of this as a remembrance. Maybe I have no right to claim but I
really want to kaya please! Author sana ako ang manalo! *puppy eyes* haha! pero seryoso, sana.
Kumapit na sa'kin ang storya na ito eh. So really author, I want a hard copy of this book as a
remembrance, collection, and my own very copy of your novel.

Thank You!

One more thing I like about this is also dahil hindi siya paligoy-ligoy pa. Sa loob ng sampung chapters ay
masasabi mong satisfied ka. Maraming nangyayari sa loob ng bawat chapters. Tama lang ang flow ng
story kaya gusto ko talaga din ito. And the humor? well sino ba naman ang hindi matatawa diba? haha!
At tsaka ang OA ng 150k ah! Kung ako sa tunay buhay nun ay di ko alam kung saan ako kukuha nun.
Haha! Marami talagang scenes dito na nakakatawa, not only the scenes pero pati ang pangalan! haha!
yung pangalan ni pearly pffft! hindi bagay sa ugali niya! HAHAHA! Nakakatuwa din na kahit predictable
na nung nagtulungan sila Dustin at Summer para magkabalikan si Summer at Jayson ay sa huli ay
nagkahulugan sila at sila ang nagkatuluyan. Yes predictable yet still awesome and cute. At kahit man
hindi siya realistic, kasi naman, saan ka ba nakakita ng ganun na ka-perpektong tao? Halos lahat nasa
kanya na? At really, who'd do revenge contract with those qualifications but still its nice and I still like
the idea kahit man hindi realistic. haha! I still love story no matter what anyway kahit man ito'y
predictable or not, realistic or not. It's a cool story and that's all that matters.
##################################

~~[2]~~

##################################

Entry of Jhen

Hi Ms. Author, I just want to say na ang ganda ng story mo na Heartbreaker.com. I can relate to Summer
when it comes sa lovelife roads chuchu nya haha. Anyway, bukod doon, gusto ko yung theme. It reminds
me of Absolute Boyfriend kasi may involve na hiring process hahaha. Naalala ko lang.

Nakakakilig sya actually. Ang daming parts na mapapangiti ka talaga lalo na kapag ang scene nila is yung
sa topless hahaha. Ay, don't get me wrong wholesome ako natawa lang (Peace :D)
Napansin ko.lang dito is that yung shifting nung scenes walang demarkation line. Medyo nakakalito ng
konti pero understandable naman ang flow.

Remarkable scenes:

~ Yung sa mall. Emegeeeehd. Grabe! Sana may gumawa din sa akin nun. Yung ang may bibigyang bata
tapos waaaa shems Kinikilig ako waaa..

~ Furniture shop (Bumili sila ng kama. Medyo naughty si Summer dito hihi)

~ Favorite part: Confrontation of two boys. Nakakairita si Jason dito sarap batuhin ng bola para may
feels. Bwisit!

~ Last, the kiss. Twice lang sila nagkiss pero remarkable haha. Shems *O* (Christmas and yung
confession ni Dustin weee~~)
Another romcom story that I have read. Maganda sya promise. Nadiscover ko ang story na 'to from a
friend. Sabi niya, "try mo ate, maganda 'to" So ako, tinry ko siyang basahin and hindi naman sya
nagkamali. Hindi ako nabored basahin (Madali kasi akong mabored kapag medyo hindi ko nagustuhan
hehe).

Sabhin na nating cliche or something, hindi naman yun maiiwasan basta kinikilig ako at kaya akong
pakiligin keri lang. So, ayun po. Sana mabigyan po ako ng pagkakataon na mahawakan at magkaroon ng
hard copy ng story nyo po. Kung papalarin hihi pero kung hindi, okay lang naman po.

Anyway, thumbs up Ms. Author. Godbless you and write more amazing stories like this po.

##################################

~~[3]~~

##################################
Entry of crazygirlshara

nakakapressure naman pala pag me ganito.. hahahaha di ko alam kung matutuwa ba si Kai sa sasabihin
ko oh hindi.. anyways highways (pampahaba.. hahha)

hummm... bakit nga ba like/love to??? humm..... kasi unang una adik ang otos... lakas ng trip kahit di
kami madalas mag usap.. at ang lakas ng loob nyang pagpirapirasuhin ang puso ko sa bawat update ng
love story nina Dustin at Summer na nakakaiyak para sa akin.. lam mo yun ang ganda ng una kasing
ngitiing ngiti ka tapos biglang aray.. BAKIT!!!!! durog puso at nakakaiyak na mga eksena..makaka umpog
ka ng ulo sa pader.. hahaha
i love it dahil din sa mga characters, mga tipical na tao.. na naghahangad na maghiganti at lumigaya..
nakakaloka lang na ang ginawang solusyon sa unang problema eh maghire ng HEARTBREAKER... hahaha
wala akong pambayad sa ganyan buti na lang walang ganon dito... basta love ko sila kasi ang KULIT nila
^__^ pero nakakainlove..

di ko na maisip ang iba... hahaba lang... but i love it because of its SIMPLICITY.. maiintindi mo..
makakarelate ka.. na parang ikaw rin eh nandun sa eksena.

(blanko pa ang lagay ng utak ko nito dahil madalian at baka mahuli ako.. hahaha)
Kai... nice nagpoproduce ka na rin ng ganito ^___^ nakaka proud ka ^__^

##################################

~~To Be Published by LIB~~

##################################

Life is Beautiful..

Yes! To be published na po siya. Wala pang date kung kailan, I will announce it na lang pag may date
na. :))

Ano ang pagkakaiba nito pag nasa book na?

Well edited (I guess) and additional two (2) special chapters. (Pearly & Jason's POV)
Sa self-pub version?

Gano'n din po. Well edited and additional special chapters. Hehe. Mas mura na po ito. Plus, hindi na po
kayo mahihirapan sa pag-order. Magiging available na po siya sa Market. :))) No Shipping Fee. No
Transaction Fee. Hussle Free. :))

Hindi po ito mangyayari kung hindi po dahil sa inyo. Maraming salamat po. :)

Uhm. Puwede po bang favor? Parecommend naman po nito sa friends niyo if you think it's worth
reading. And if you're a silent reader, please kahit isang beses lang po. Mag-iwan po kayo ng feedback
niyo. Thank you poooo! :))

You might also like