You are on page 1of 1

Ang pagsusuring ito ay tungkol sa 21st Century na ginagawang basehan ng mga

estudyante upang maiayos nila ang bawat kritikal na pangungusap na isinasagawa nila.
Tulad ng may ibinahagi siyang impormasyon pero hindi nitong tinalakay sa kanyang
guided writing at malayo ang mga sagot na sinasabi niya sa tanong na ibinigay. At dahil
dito makakatulong ang iba’t ibang klaseng opinyon upang maiayos ang ginawa nilang
komposisyon. Ayon din sakin binasa hindi nya masyado tinalakay ang bahid ng iba’t
ibang mito nabasa niya. Hindi nya ibinase ang kanyang mito sa pundamental na tanong
hinggil sa kapaligiran, paniniwala at iba pa. hindi malinaw ang kanyang konklusyon
hinggil dito pero naibahagi naman nya ang aral na kanyang natutunan sa mito. Makikita
ang ginawang komposisyon nito ang pagkakaiba ng kultura at tradisyon ng bawat mito.
Sa bahagi nito makikita ang kalakasan at kahinaan sa kanyang komposisyon sa
pamamagitan ng ginamit nyang mga salita at hindi masyadong detalyado ang kanyang
impormasyong itinalakay. Lalo na nung ibinahagi nya yung pagkakaiba ng mga kultura
at tradisyon dahil don hindi nya inilagay ung pangyayari ng isang mito kung bakit
nagkaiba sila dito. Masasabi kong katamtaman lang ang kanyang ginawang
komposisyon dahil nagbigay naman siya ng impormasyon ngunit hindi nya masyadong
ipinaliwanag ng ayos. Mahusay sya sa paraan ng pag bibigay ng impormasyon ngunit
hindi sa paraan ng pagbibigay ng detalye hinggil dito. Noong nagbigay sya ng
konklusyon may mga ibang parte syang hindi binigyan ng detalyadong palinawag.

Ang komposisyon ay sumasalamin sa kakayahan ng manununlat/hindi makikita sa


komposisyon ang kakayahan na suportahan ang ideya ng bawat paksa nyang
tinatalakay. Ayon sakin pagmamasid ang kanyang mga information ay walang sapat na
batayan kung bakit ito ang pinagkakaiba at pagkakatulad ng bawat mito. Ang una sa
mga dahilan ay ang pag tatalakay nya sa bawat mito kung saan ito ay nanggaling at kung
anong ang bakas ng mga ito sa bawat mitong itinalakay.

Sa makatuwid ang kanyang impormasyon na laganap ay hindi masyadong detalyado


kung kaya’t ako bilang ebaluwator ay hindi gaano naintindihan dahil sa kanyang kulang
na impormasyon. Ang aking maisusuggest ay ang pagbigay ng suporta ng bawat paksa
na kanyang binibigyan ng detalye sapagkat ang mito ay kelangan ng buong
impormasyon na kung saan para malaman mo kung tungkol saan parte ng mito niya ang
pinapahayag. Ang isyung tinugunan nito ay ang mga pagkakaiba ng bawat mitong
itinalakay sa round table discussion. Ito ay mahalaga para mapabuti o maiayos ang
kanyang komposisyong ginawa.

You might also like