Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Navotas City
For DepEd Philippines Page Feature Story
Si Dina Manzanero ay isang aktibong magulang na naging bahagi sa mga programa at proyekto ng
Paaralang Elementary ng Dagat-Dagatan simula ng ang kanyang anak ay nag-aral sa paaralan bilang
mag-aaral sa Unang Baytang noong 2008. Siya ay naging boluntaryong tagapagsanay sa MTAP SA
Unang Baytang sa pakikipagtulungan ni Gng. Leilani Estrada, isang Master Teacher 2 na nagdala ng
maraming tagumpay sa paaralan sa District hanggang sa Regional level.
Gamit ang kanyang karanasan sa MTAP training at pagtuturo sa mga batang mag-aaral sa loob ng
halos 12 taon, siya ay isa mga napili para maging Para-Teacher sa ilalim ng Project TLC (Tutor a
Learning Child), isang inisyatibo ng Sangay ng Navotas para tulungan ang mga mag-aaral na nasa
maralitang pamilya, kung saan walang kakayahan o panahon ang mga magulang na suportahan ang
kanilang home-based learning gamit ang modules. Bago gampanan ang volunteer work, sumalang
muna siya at ibang kasama sa orientation at capability building na ginawa ng paaralan para sa
volunteer para-teachers.
Sa kasalukuyan siya ay gumaganap na Para-teacher kay Karen Zambrano, isa sa mga mahihirap na
mag-aaral sa DDES na beneficiary ng Project TLC.
Photos: