You are on page 1of 1

Ang Matalinong Tanga

James Henson

Sa bayan ng Mabuyo matatagpuan ang mga matatalinong tao sa balat ng lupa.


Una sa listahan ay si manang Badang. Si Manang Bidang ay Tindera ng isda sa may
talipapa ngunit wag ka. Maraming alam si manang bidang sa mga nangyayari sa paligid
lalu na sa buhay ng may buhay. Siyaay larawan ng ilang social media users ngayon na
maraming alam sa lipunan at ang tanging ginagawa ay ibenta ito sa madla ng wala
naming malalim na dahilan at walang kabuluhan. Ang tanging hangarin ay maikalat ang
mga bagay na nakalap lang din niya kung saan saan.
Sa kabilang kanto ng baryo may isang binata na ang pangalan Karyo. Si karyo ay
isang dakilang tambay. Ang tanging Gawain niya ay punahin ang mga dumadaan at sa
mga dumadaan din naman siya humihingi ng dilihensya. Parang sa lipunan natin ay
maraming Karyo. Ang daming alam at nakapa talino. Sila ay punong puno ng mga ideya
at magagandang nais para sa baryo ngunit wala silang ginagawa para ito ay
maisakatuparan. Puna sila ng puna sa kakulangan ng pamahalaan na kung saan sila ay
umaasa. Ni minsan ay hindi sila nagging bahagi ng solusyon. Sila ang literal na makasarili
sa lipunan. Kinakagat nila ang kamay ng taong nagpapakain sa kanila.
Sa may bandang gitna ng baryo ay may naka tiring isang dalaga na ang pangalan
ay nena. Si nena ay isang masunurin na anak sa kanyang magulang at walang nais kundi
ang mapabuti ang pamilya ngunit wala siyang pinakikinggan kundi ang sarili lamang at
ang kanyang mga magulang. Siya larawan ng isang empleyado sa pamahalaan na
maayos mag trabaho at sumusunod sa mga batas ng tao at diyos. Sana lahat ay katulad
ni

You might also like