Professional Documents
Culture Documents
Sbac-1b Batasmilitar Pro
Sbac-1b Batasmilitar Pro
Inihanda nina:
SBAC-1B
Paglinawan, Sunshine N.
Pialago, Nicole A.
Raza, Genesis D.
Reese, Thea Mae V.
Reyes, Moniqca M.
I. Panimula
"I signed proclamation placing the entire Philippines under the Martial Law.
Ito ang mga eksaktong salitang binitawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos
sa proklamasyon niya ng Martial Law o Batas Militar sa buong Pilipinas. Isinaad din ni
Pangulong Marcos ang mga dahilan na nagtulak sa kanya para iproklama ang nasabing
batas at ito ay ang mga sumusunod; dahil sa panganib sa kaligtasan ng publiko at
seguridad ng bansa, na pinagtibay ng mga insedente ng pagbomba sa Kamaynilaan,
rebelyon ng Muslim na lumulaban para sa kasarinlan (MILF, Moro Conflict), at ang
pagkabalisa ng mga sibilyan dahil sa aktibidad ng mga rebelde. Patunay lamang nito na
napapanahon at tama lamang na ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar.
Bilang paglilinaw, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, hindi agad-agaran ang
nasabing proklamasyon, ipinaalam niya ito sa hudikatura at lehislatibo na sangay ng
gobyerno.
Ika-21 ng Agosto, isang bomba ang sumabog sa Plaza Miranda kung saan
nagkakaroon ng pagpupulong ang partidong Liberal. Siyam na manonood ang namatay
at nasugatan ang mga kalabang kandidato. Ilan sa mga ito ay sina Jovito Salonga, John
Osmeña, Eddie Ilarde, Ramon Mitra, Eva Estrada Kalaw. Nasugatan rin ang kalabang
senador na sila Senator Sergio Osmeña, Jr. at Gerardo Roxas. Tanging si Senator
Benigno Aquino, Jr. na wala sa pagpupulong ang nakatakas sa pagsabog ng bomba.
Ang pangyayaring ito ay kinonekta sa mga komunista at sinuspende ang pribilehiyo ng
writ of habeas corpus, na nagpapahintulot ng detensyon ng walang pormal na bayad.
III. Konklusyon
Dapat nga bang ipinatupad ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar noon? Oo,
marapat lamang na naipatupad ang Batas Militar batay sa mga nabanggit na
kaganapan noong panahon ng pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa nasabing batas, ipinatutupad ito kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi
nakagaganap sa tungkuling gaya ng pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi
makontrol ang kaguluhan at protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, o
may giyera at pananakop. At base sa mga naibigay na argumento, ang mga nasabing
sitwasyon ay angkop sa pamantayan nang pagpapatupad ng Batas Militar. Masasabing
nagging maganda ang epekto ng Martial Law sa usaping pampublikong kaligtasan at
kaayusan ng bansa sa pagbaba ng mga naitalang krimen matapos ito mapatupad.
IV. Sanggunian
Pangunahing Sanggunian
Proclamation No. 1081, s. 1972: GOVPH. (1972, September 21). Retrieved from
https://www.officialgazette.gov.ph/1972/09/21/proclamation-no-1081/
Sekundaryang Sanggunian
Philippine Aide Reports Big Drop in Crime Rate. (1972, October 10). Retrieved from
https://www.nytimes.com/1972/10/10/archives/philippine-aide-reports-big-drop-in-crime-
rate.html