You are on page 1of 8

Posisyong Papel sa

“Dapat bang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar”


(SANG-AYON)

Inihanda nina:

SBAC-1B

Paglinawan, Sunshine N.
Pialago, Nicole A.
Raza, Genesis D.
Reese, Thea Mae V.
Reyes, Moniqca M.

I. Panimula

"I signed proclamation placing the entire Philippines under the Martial Law.

Ito ang mga eksaktong salitang binitawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos
sa proklamasyon niya ng Martial Law o Batas Militar sa buong Pilipinas. Isinaad din ni
Pangulong Marcos ang mga dahilan nagtulak sa kanya para iproklama ang nasabing
batas at ito ay ang mga sumusunod. Dahil sa panganib sa kaligtasan ng publiko at
seguridad ng bansa, na pinagtibay ng mga insedente ng pagbomba sa Kamaynilaan,
rebelyon ng Muslim na lumulaban para sa kasarinlan (MILF, Moro Conflict), at ang
pagkabalisa ng mga sibilyan dahil sa aktibidad ng mga rebelde. Patunay lamang nito na
napapanahon at tama lamang na ipinatupad ni Pangulong Marcos ang Batas Militar.
Bilang paglilinaw, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, hindi agad-agaran ang
nasabing proklamasyon, ipinaalam niya ito sa hudikatura at lehislatibo na sangay ng
gobyerno.

Sa pamamagitan ng proklamasyon 1081 ay binigyang kapangyarihan nito ang


dating pangulo na si Ferdinand Marcos na maging Commander-in-chief ng hukbong
sandathan ng bansa upang kumilos ayon sa kaligtasan ng publiko. Sinuspende ng
batas na ito ang "writ of habeas corpus" na siyang promoprotekta sa karapatan ng
isang sibilyan na hindi makulong nang walang tamang proseso. Pinatupad din nito ang
mahigpit kurpyo sa buong bansa, at ang pagpapasa-ilalim ng mga establisyemto sa
pamamahayag sa kapangyarihan ng pangulo.

II. Mga Argumento:

Ang grupo namin ay naniniwala at naninindigan na nararapat lamang na


ipinatupad ng dating pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar dahil sa mga
sumusunod na argumento:

1. Banta sa kaligtasan ng publiko.


• Nagkaroon ng pagbobomba sa iba’t ibang parte ng bansa

2. Sobrang pagtuligsa ng iba't ibang grupo at organisasyon sa


gobyerno.
• Sa panahon noong bago pa man maisabatas ang Batas Militar (1970's),
ang komunismo ay isang malaking banta sa kaayusan at kapayapaan ng
lipunan. Ito ay laganap na sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya
kabilang na ang Pilipinas. Isa ito sa nakitang dahilan ni Marcos sa
pagdedeklara ng nasabing batas, upang protektahan ang ating bansa
mula sa komunismo.

3. Pagpapatupad ng mga repormang pang ekonomiya.


• Matapos maideklara ng Batas Militar isa sa mga nabigyang pansin ay
ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa

4. Pagbaba ng natatalang krimen sa bansa.


• Nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng krimen pagkatapos maipatupad ang
Batas Militar dahil sa mahigpit na seguridad at pagkakaroon ng bagansya
o curfew.
Paliwanag:

Narito ang mga datos na naglalahad ng detalye sa pagbobombang naganap sa


iba't ibang parte ng bansa:

Petsa (1972) Lugar


Ika-15 ng Marso Arca Building sa Taft Avenue,
Pasay City
Ika-23 ng Abril Filipinos Orient Airways
boardroom, Pasay City
Ika-30 ng Mayo Vietnamese Embassy
Ika-23 ng Hunyo Court of Industrial Relations

Ika-24 ng Hunyo Sangay ng Philippine Trust


Company sa Cubao, Quezon City
Ika-3 ng Hulyo Gusali ng Philam Life hilera ng
United Nations Avenue, Manila
Ika-27 ng Hulyo Tabacalera Cigar & Cigarette
Factory compound sa Marquez de
Comilas, Manila
Ika-15 ng Agosto PLDT exchange office sa East
Avenue, Quezon City
Ika-15 ng Agosto Gusali ng Sugar Institute sa North
Avenue, Diliman, Quezon City
Ika-17 ng Agosto Gusali ng Department of Social
Welfare sa San Rafael Street,
Sampaloc, Manila
Ika-19 ng Agosto A water main on Aurora Boulevard
at Madison Avenue, Quezon City
Ika-30 ng Agosto Gusali ng Philam Life at ang
magkalapit na Far East Bank at
Gusali ng Trust Company
Ika-30 ng Agosto Gusali ng Philippine Banking
Corporation at ang Gusali ng
Investment Development Inc, at
ang Daily Star Publications nung
may Isa pang pag-sabog ang
naganap Railroad Street, Port
Area, Manila
Ika-5 ng Septyembre Joe’s Department Store sa
Carriedo Street, Quiapo, Manila
Ika-8 ng Septyembre Manila City Hall
Ika-12 ng Septyembre Water mains sa San Juan
Ika-14 ng Septyembre Gusali ng San Miguel sa Makati
Ika-18 ng Septyembre Quezon City Hall, pinagdausan ng
1971 Philippine Constitutional
Convention

Ika-21 ng Agosto, isang bomba ang sumabog sa Plaza Miranda kung saan
nagkakaroon ng pagpupulong ang partidong Liberal. Siyam na manonood ang namatay
at nasugatan ang mga kalabang kandidato. Ilan sa mga ito ay sina Jovito Salonga, John
Osmeña, Eddie Ilarde, Ramon Mitra, Eva Estrada Kalaw. Nasugatan rin ang kalabang
senador na sila Senator Sergio Osmeña, Jr. at Gerardo Roxas. Tanging si Senator
Benigno Aquino, Jr. na wala sa pagpupulong ang nakatakas sa pagsabog ng bomba.
Ang pangyayaring ito ay kinonekta sa mga komunista at sinuspende ang pribilehiyo ng
writ of habeas corpus, nagpapahintulot ng detensyon ng walang pormal na proseso.

Tinuligsa ng iba't ibang grupo at organisasyon sa gobyerno sa taong 1969 buwan


ng Marso ika-29 nang makipagka-isa si Jose Maria Sison, pinuno ng Communist Party
of the Philippines, kay alias Kumander Dante ng Huk Peasant Army of Bernabe
Buscayno upang bumuo ng "New People's Army" (CPP-NPA). Matapos ang
pagkapanalo ng pangulo sa pangalawang termino kanyang pinahayag ang Talumpati
sa Kalagayan ng Bansa o SONA noong taong 1970 ika-26 ng Enero. Nagsagawa ng
malaking pagpupulong sa labas ng gusali ng pambatasan kung saan dinaraos ang
talumpati ng pangulo ang mga grupo ng mga estudyante na pinangungunahan ng
National Union of Students of the Philippines (NUSP) at ang Kabataang Makabayan.
Nang maka-alis na ang pamilya ng Marcos ay nagkagulo at nag-martsa ang mga
estudyante patungo sa Malacañang na nagdulot ng rayot sa pagitan ng mga police at
estudyante. Ika-30 ng Enero nakipag-usap ang NUSP President Edgar "Edjop" Jopson
ng Ateneo de Manila at iba pang lider ng mga estudyante sa pangulo para sa
"nonpartisan Constitutional Convention" na nakiki-usap na hindi na muling pagtakbo ng
pangulo sa pangatlong termino. Walang pinatunguhan ang pag-uusap. Matapos nito ay
naganap rin ang ikalawang rayot sa pagitan ng mga pulis at 2,000 raliyista sa labas ng
Palasyo na tinawag na "Battle of Mendiola" Tinangka ng mga raliyista na ibangga ang
trak ng bumbero sa ika-apat na tarangkahan ng Malacañang. Pag-sapit ng madaling
araw, anim na estudyante ang namatay sa rayot na nangyari. Ika-18 ng Pebrero
matapos magsagawa ng "People's Congress" sa Plaza Miranda na may bilang na 3,000
kabataan at raliyistang estudyante ay sinugod nila ang U.S. Embassy sa Manila, na
inaakusahang pasistang imperyalista.

Ang grupo ng Movement for a Democratic Philippines ay nag-organisa ng


pagmartsa ng mga tao na may habang 23 kilometro mula Quezon City patungong
Rotonda, Maynila na magtatapos sa Post Office Building sa Plaza ng Lawton. Napigil
ng mga pulis ang pagpasok ng mga raliyista sa U.S. Embassy. Nagkaroon din ng
protesta ukol sa pag-taas ng langis at gastos sa tranporstasyon. Nagpatuloy ang
marahas na rayot na tumutuligsa sa mga Amerikano. Nangyari ito noong ika-3 ng
Marso. Nagsagawa din ng protesta laban sa Pangulo at sa mga Amerikano tungkol sa
digmaan sa Vietnam na pinangunahan ng mga estudyante at mga manggagawa.

Pope Paul VI ay nagsimula ng tatlong araw na bisita sa Pilipinas. Noong ika-26


na nagingaraw nang sa pagtangka sa buhay ng Papa na isinagawa ni Benjamin
Mendoza na isang Bolivian.

Isang opisyal naman sa Philippine Military Association na si Lieutenant Victor


Corpuz na sumapi sa mga NPA. Desyembre 29.

Taon ng 1971 buwan ng Pebrero ang mga estudyanteng radikal ay nagsagawa


ng pagtuturo at pagpro-protesta sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman na napasok rin
ng kapulisan matapos ang tatlong araw.

Ika-19 ng Hunyo isang pagpaslang ang naganap na tinawag na "Manili


Massacre".
Isa sa mga binigyang-pansin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon
ng Batas Militar ay ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Inumpisahan niya ito
sa pagtatatag ng National Economic and Development Authority(NEDA), isang
ahensyang nakatuon sa pagpaplanong panlipunan at mga patakarang pang ekonomiko
sa ating bansa na siyang pinamumunuan ng pangulo ng Pilipinas katuwang ang Kalihim
ng Sosyo-ekonomikong pagpaplano. Gayon din, pinagtuunan din niya ang mga
pampublikong pasilidad, mga departamento at pampublikong ahensya tulad ng Manila
Water Services and Sewerage Corporation (MWSS), Local Waters Utilities
Administration (LWUA), National Food Authority (NFA), National Irrigation
Administration (NIA), at Philippine Ports Authority (PPA) na nagsilbing pangunahing
pinagkukunan ng serbisyong pang-agrikultura, tubig at transportasyon. Isa ring
mahalagang repormang pang ekonomiya ang pagkakaroon ng repormang pang
sistemang pinansyal ng Pilipinas. Isang grupong mananaliksik (local banking officials at
foreign experts) ang binuo ng Central Bank upang magbigay suhestiyon sa nasabing
reporma. At sa kauna-unahang pagkakataon, ay kinilala ang pangangailangan natin ng
'foreign banks' nang sa gayon ay lumawak ang koneksyong pampinansyal ng Pilipinas
na siyang nagbigay sa ating bansa ng papel sa pandaigdigang pag-ikot ng salasalapi.

Nagdulot naman ng pagbaba ng mga naitalang krimen sa bansa matapos


mapatupad ang Martial Law sa bansa. Ayon kay General Fidel Ramos isang chief ng
Philippine constabulary o National Police ay may malaking pinagbago ang krimen sa
Pilipinas, isang linggo bago maipahayag ang Martial Law sinasabing ang krimen ay
umaabot ng 1,800 kada linggo. Matapos maitatag ang Martial law nagkaroon ng
pagsuko ng ibat ibang klase ng armas na umabot ng 17,700. Nagkaroon din ng
pagaresto sa 15 Police Officers dahil sa nagawang krimen.Habang ang isang libo at
limang daan na krimen ay inimbestigahan pa. Ang krimen sa panahon ng Martial Law
ay bumaba, isa na sa dahilan nito ang pagkakaroon ng takot dahil ang sinomang mahuli
ay makukulong o mapaparusahan. Naging mabuti ito dahil naibsan ang pagkakaroon ng
krimen upang mapalaganap ang kaayusan sa mga mamamayan.Ang curfew ay ang
takdang oras o hudyat ng pagbabawal sa mga taong sibilyan na lumabas ng kani-
kanilang mga bahay. Ang curfew ay pagkakaroon ng disiplina sa oras dahil tuwing gabi
mas laganap ang kriminalidad sa ating bansa. Masasalamin ito sa rehimeng Marcos
kung saan bilang pangulo iniisip niya ang kapakanan at seguridad ng kanyang mga
nasasakupan.

III. Konklusyon

Dapat nga bang ipinatupad ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar noon? Oo,
marapat lamang na naipatupad ang Batas Militar batay sa mga nabanggit na
kaganapan noong panahon ng pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa nasabing batas, ipinatutupad ito kapag ang pamahalaang sibilyan ay hindi
nakagaganap sa tungkuling gaya ng pagpapanatili ng kaayusan ng lugar, hindi
makontrol ang kaguluhan at protesta, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, o
may giyera at pananakop. At base sa mga naibigay na argumento, ang mga nasabing
sitwasyon ay angkop sa pamantayan nang pagpapatupad ng Batas Militar. Masasabing
naging maganda ang epekto ng Martial Law sa usaping pampublikong kaligtasan at
kaayusan ng bansa sa pagbaba ng mga naitalang krimen matapos ito mapatupad.

IV. Sanggunian

Pangunahing Sanggunian

Proclamation No. 1081, s. 1972: GOVPH. (1972, September 21). Retrieved from
https://www.officialgazette.gov.ph/1972/09/21/proclamation-no-1081/

Sekundaryang Sanggunian
Discussion Paper, No. 2011-11, University of the Philippines, School of Economics
(UPSE), Quezon City

Philippine Aide Reports Big Drop in Crime Rate. (1972, October 10). Retrieved from
https://www.nytimes.com/1972/10/10/archives/philippine-aide-reports-big-drop-in-crime-
rate.html

Sicat, Gerardo P. (2011) : The economic legacy of marcos, UPSE

Totanes, H. S. (1998). Kasaysayan: The Story of the Filipino People: A Timeline of


Philippine History. Reader's Digest Association. (Vol. 10). Asia Publishing Company
Limited.

You might also like