You are on page 1of 1

Revilla pinapalipat sa regular na selda

Muling iginigiit ng prosekusyon sa Sandiganbayan na ilipat sa regular na selda si Sen. Bong Revilla na
nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nakasaad sa apela ng prosekusyon na baliktarin nito ang naunang desisyon na pumapayag na manatili
si Revilla sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Pinayagan noon ng graft court si Revilla na manatiling nakakulong sa Custodial Center dahil isa raw
siyang high risk detainee kayat hindi siya maaaring maikulong lamang sa isang regular jail.

Gayunman, idiniin ng prosekusyon na ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina Janet Napoles at
Atty. Gigi Reyes ay isa ring mga high risk detainees at nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig
pero ang mga ito ay nabibigyan ng sapat na seguridad ng BJMP.

Anang prosekusyon, dapat pantay – pantay lamang ang pagbibigay ng uri ng kulungan sa mga kapwa
akusdao ng krimen tulad ng plunder.

Si Revilla, dating chief of staff nitong si Richard Cambe at Sen. Jingoy Estrada na pawang akusado sa
graft at plunder ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Crame.

You might also like