You are on page 1of 5

 Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan(explain)

 Apektado ang wika sa kultura ng isang tao at sa lipunan ng particular na lugar at


gayun din nakakaapekto ang kultura at lipunan sa wikang ginagamit. Sadyang hindi
maipaghihiwalay ang dalawa, ang wika at kultura, samantala nakabuntot sa kultura
ang lipunan dahil kung walang lipunan walang mabubuong kultura, at kung walang
kultura maaaring may sari-sariling paniniwala ang tao sa isang lipunan. Mahalaga
ang wika kaya’t mahalaga ring mahalin ito.
 Tungkol sa Wika
 Pinagmulan ng wika
 TORE NG BABEL- Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang
panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. (HEBREO)
Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at
nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit
siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho
niya ang tore(TORE NG BABEL ANG TINAWAG). Ginawang magkakaiba ang Wika ng
bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
(Genesis kabanata 11:1-8)

 Isa sa
magandang batayan ng pinagmulan ng wika ang Banal na Aklat. Ayon sa Genesis
11:1-9:
Noon, ang buong daigdig ay iisa ang wika at salita. Ang mga tao’y naglakbay
papuntang Silangan at nakita nila ang isang kapatagan sa Sinai. Dito sila
naninirahan.
Nag-usap-usap siia. “Gumawa tayo ng tisa at lutuin nating mabuti.” Tisa ang ginamit
nila sa halip na bato, at alkitran sa halip na adobe. Pagkatapos, sinabi nila, “Gumawa
tayo rito ng isang lungsod na may toreng abot sa mga langit. Sa gayon, magiging
bantog tayo at di na mangangalat sa buong daigdig.
Nguni’t bumaba ang Dios upang tingnan ang lungsod at ang toreng ginawa ng mga
tao. Sinabi ng Panginoon, "Bilang isang grupo ng tao na iisa ang wika, nakapagsimula
silang gumawa nito. Kung gayon, anuman‘g kanilang balangkasin ay magagawa na
muli. Bumaba tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan"
Kaya mula noon, pinangalat sila ng Panginoon sa buong daigdig, at hindi na
naipagpatuloy ang pagtatayo ng lungnod. Ito ang dahilan kaya tinawag na Babel ang
lugar na iyon sapagka’t doon ginulo ng Panginoon ang wika sa buong daigdjg. Mula
rito, pinangalat sila ng Panginoon sa iba’t ibang panig ng daigdig.

 Depinisyon ng wika
 Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o
kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral
ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang
Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika:
ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin,
na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan
- ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o
wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
 Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang
partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng
mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
paraan ng pagsasalita at pagsusulat.
 Iba’t ibang teorya ng wika
TEORYANG POOH- POOH Halimbawa: Ang patalim ay tinatawag na ai- ai sa Basque sa
kadahilanang ai- ai ang winika kapag nasaktan. (Ai- ai- “aray”

TEORYANG TA-TA Halimbawa: Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang


paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang
kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas
ang salitang ta-ta.
TEORYANG YO- HE- HO Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?
 Iba’t ibang pananaw ng wika
 Maiuugat kay Plato, isang Greek philosopher, ang kanyang pananaw sa wika. Aniya,
ang wika ay nabuo ayon sa batas ng pangangailangan at may mahiwagang
kaugnayan at kalikasan ng mga bagay at ng mga kinakatawan nito.
- Idinagdag niyang ang wika’y tulad ng iba’t ibang saling angkan na maaring
magsimula sa simple hanggang maging malawak ito. Sa pagdaan ng panahon, ito’y
nagdaraan sa maraming pagbabago hanggang sa mapalago at maliwanag na
naiintindihan.
 Naniniwala naman ang mga siyentipiko na ang wika ay nagmula as homo sapiens o
mga unang tao. Sinasabi nilang ang wika’y nagmula sa mga unggoy subalit dahilan
sa ebolusyon, ang mga simpleng wikang ito'y naging malawak na kalauna’y
napagiwanan ng napakalayo ang mga salita ng mga hayop.
 Para kay Rene Descartes, isang pilosopong Franses at matematisyan, ang wika ang
nagpapatunay na ang tao ay kakaiba. Ang mga hayop ay maaaring nakaiintindi
ngunit di katulad ng kalawakan ng isip at pangunawa ng tao. Sa kanyang
pagmamasid, maaaring kausapin ng tao ang hayop subalit kailanman hindi
maaaring kausapin ng hayop ang tao. Patunay pa rin ito na nakahihigit ang tao sa
alinmang hayop.
 Rehistro ng wika
 Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa
gumagamit(Halliday, McIntosh at Stevens, 1994).
 Barayti itong kaugnay ng higit namalawak na panlipunang papel naginagampan ng
tagapagsalita sa oras ngpagpapahayag.
 Maaring gumamit ng iba’t ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng
humigit-kumulang naparehong kahulugan sa iba’t ibang okasyon.
 Bawat pagsalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa
ibang tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan.
 Samakatwid ang dayalekto ng isang tao ay nagpapakilala kung sino siya,
samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa
(Magracia, 1993).
 May tatlong dimensyon ang pagkakaiba ng mga rehistro (SA BERNALES, 2002)
 Field - Nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
komunikasyon.
- Ito ang pokus ng kabanatang ito.
 Mode - Tungkol ito sa paraan kung papaano isinasagawa ang komunikasyon,
pasalita o pasulat.
-Ang ibig sabihin, tungkol ito sa paano.
 Tenor - Ayon ito sa mga relasyon ng mga kalahok.
-Nangangahulugang para kanino ito.
-Minsan, sa halip na tawaging tenor, ginagamit ang style, pero iniiwasan
angpagtawag nang ganito dahil sapangkalahatan, ginagamit ang style sapagtukoy
sa rehistro.
 Sosyolinggwistika

 Ang sosyolinggwistika ay ang epekto ng lipunan sa wika. Ito ay tumutukoy sa barayti o


pagkakaiba-iba ng paggamit ng wika batay sa sitwasyong panlipunan. Ang wika ay
nakadepende sa bawat indibidwal na nagsasalita at gumagamit ng wika.
 Uri ng Sosyolinggwistika
 Dayalek - Ito ang paggamit ng wika na nakabatay sa lugar na pinanggalingan ng
nagsasalita.
 Sosyolek - Ito naman ang paggamit ng wika na nakabatay sa grupo ng indibidwal
na nagsasalita o nag-uusap- usap. Ang salita na gamit ay maaaring base sa edad,
kasarian, okupasyon at paniniwala ng mga tao.
 Idyolek - Ito naman ang paggamit ng wika na bukod tangi sa isang indibidwal.
Wala itong katulad.
 Argot
 Sosyolohiya ng wika
 ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan.
 Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng agham na sumusuri sa lipunan, pakikipag-ugnayan
ng mga tao sa bawat isa, at ang iba't ibang mga kultura. Ito ay agham-panlipunang nag-
aaral sa pinagmulan, tungkulin, kahalagan, problema ng lipunan, at ang kakayahan ng
mga taong makipag-ugnayan sa iba. Sosyolohista naman ang tawag sa mga ekspertong
nag-aaral ng sosyolohiya.

 Pananaw sa ugnayan ng wika at lipunan

You might also like