You are on page 1of 1

Pangalan: Juan Paolo Miguel B.

Belencion Petsa: August 23, 2020

Antas: Grade 6 PM

“Ang Alamat ng Bayabas”

Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang magandang aral sa pangit na pag-uugali ng hari.


Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makuha ang gusto. Hindi siya nagging
magandang halimbawa ng tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang mga nasasakupan. Bilang
tao dapat tayong magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin at kailangan nating magpakita ng
mabuting pag-uugali. Hindi maganda ang maging isang sakim. Ang aral na natutunan ko mula sa
kuwento ay huwag maging sakim at malupit sa iyong kapwa kung ayaw mong kasuklaman ka.
Maging totoo ka rin sa mga binitawang salita. Tulad ng hari noong nilibing siya, walang
pumunta kahit isang tao mula sa kaniyang lugar kasi kinasusuklaman siya ng kapwa niya sa mga
pinanggagawa niya noong nabubuhay pa siya.

Isang aral na natutunan ko ay para sa atin naming gobyerno, dapat din isalang-alang ang
maayos na pamumuno. Isang bagay na matutunan natin sa alamat na bayabas ay ang magandang
pamumuno ng mga opisyales. Hindi katulad ng hari sa kuwento na ginamit ang kapangyarihan
upang makuha ang gusto para sa sarili lamang nakapakanan. May mga opisyales na dapat
gampanan ang kanilang mga tungkulin. Bilang isang opisyales ng bansa ay gawin dapat ang
nararapat na pamumuno kasi isa sila sa mga tao na dapat gumawa ng magandang ehemplo sa
mga tulad kong mga kabataan sa lipunan.

You might also like